Chapter 24
Chapter 24- IHY and 143
Gia/Trisha's POV
Pagdating namin sa mall lumabas agad ako, Hinintay ko naman sila sa labas. Paglabas nila nagsalita agad kami ni leo
"All boys Follow me/All Girls Follow me" sabay na sabi namin syempre akin yung sa Girls. Kakastress kaya sa boys duhh
Nagsipuntahan naman sa akin ang mga girls nagsimula naman kaming maglakad dito sa parking lot ng may narinig kaming bulungan
"Waa! Ang gaganda nila besty!"
"How to be you po?"
"Mag Myra E!"
"Retokada ewwwzzz"
"Yah right bessy"
"Ang cool nilang tingnan lalo na at may kulay ang mga buhok nila!"
"Pero ang pogi nung lalaking nasa una oh!"
"Talbog ang ganda nila doon sa babaeng blue ang buhok oh!"
Arghh! Ang ingay! Pinatahimik ko sila gamit yung babbling spell
Nung nakapasok na kami sa loob ng mall tinanggal ko na yung babbling spell ko. Bawal kasi kaming gumamit ng spark sa Shinu world
"Parang tumahimik kanina?" Tanong ni Ivy habang nakakunot ang noo
"Baka guni-guni lang natin" sagot ni Summer nagsitanguan nalang sila bilang pagsang ayon
"Ahhh anong una nating bibilhin?" Tanong ni Jaymie habang nililibot ang kanyang paningin. Lumapit naman ako sa grupo nina Leo
"Anong una?" Tanong ko sa kanya. Tiningnan nya ako pero iniwas din nya agad
"Damit" tipid nyang sagot. Tumango na lang ako, alangan namang tumango ako sabay sipa ng mukha nya dibuh?
So weird "-"
"Damit daw" cold kong sagot sa kanila.
Dumeretso naman kami sa bilihan ng Uniform ng school ko dati. Ang pangalan nun ay 143 High school
"Anong pangalan ng School?" Tanong ni Amber
"143 high school" sagot ko sa kanya
"143? I love you?" Tanong ni Jaymie. Tumango na lang ako..Millenials!
Nung makita ko na ang Store nagmadali akong pumasok roon, Pwede pa naman nga palang mag Enrol ulit July pa lang naman.
Kumuha ako ng 6 na blouse at Palda...Pagkatapos kumuha ako ng sapatos..Boots ito na kulay Brown tapos ang design nito ay Rose na malaki..Parang pang Cowgirl
Ang Uniform kasi doon ay pare-pareho pero ang kulay ikaw na ang bahala kaya itinuwang ko ang kulay ng Uniform sa ka Spark naming lahat
"Oh!" binigay ko sa kanila ang sari-sarili nilang Uniform at boots
"Waaa! Kulay pink! Thank you!" Pasasalamat ni Amber at niyakap ang uniform nya. Dumeretso naman agad kami sa Counter
"Its 12, 740 ma'am..Do you have a Card?" Sabi nung babae sa Counter habang yung lalaki na naglalagay ng Uniform sa Paper bag namin ay Todo Pacute sa akin Tss... Mukha namang unggoy
"No" tipid kong sagot at nagbayad na ng Cash
Kinuha ko naman yung mga paper bag namin sa lalaki at hinila silang lahat (lakas ko noh?) sa grupo nina Leo na nasa NBS na. Nung pumasok kasi, Tineleport nila yung Mga Uniforms nila sa kanila ayun! Nakalibre pa ang amp. Ayun umalis na.
Yung bawal kang gumamit ng spark mo pero sila pwede? Ang unfair!!
Wala man lang silang kabayad-bayad -_- pasalamat sila walang nakakita at pinatay ni Trevor ang CCTV gamit ang Spark nya
Pagdating namin sa NBS agad ko naman sila kinuhanan ng
Sari-sarili nilang cart. Feeling ko tuloy mga Kinder ang mga kasama ko dito
"Alam nyo naman ang mga gamit sa school diba?" Tanong ko tumango naman sila. Tumaas naman bigla ng kamay si Roselia
"Gia! Ano munang tawag dito?" Tinuro nya yung Cart nya. Ang kanila kasi ay bag..Tapos kahit anong ilagay nila dun hindi napupuno at yun ang ginagamit nilang Cart pangshopping
"Yan yung katulad ng Majika bag nyo? Yung nasa mall" Napa 'ahh' na lang sila at tumango-tango
"Bumili kayo ng ganon, Kung may nakikita kayong bagay na hindi pamilyar sa inyo na hindi natin ginagamit sa mundo natin wag nyo ng kunin o tanungin nyo na lang sa akin" mahabang saad ko nagsitanguan naman sila at nagkahiwalay na kami T^T
Agad naman akong kumuha ng 15 notebook, 10 na Ballpen, 2 Touch N' Go at Correction tape...
4 na puyod, Health kit/utensils, Toilet Utensils, 5 na lapis..2 Eraser..10 na mahabang socks, Index cards, iba't ibang klase ng papel at etc.
Nung nasa Bag section na ako..Kinuha ko yung bag na ang design ay si Hatsune Miku. Ang cute nya e! Parang kamukha ko. Hwahaha
A/N: nasa multimedia po ang pic.
Pagkatapos kong mamili pumunta na ako sa Counter
"Three Thousand ma'am" sabi nung Counter na lalaki na todo pacute naman sa akinl. Pero nagmukha lang syang asong ulol na napulot sa kanto
Nagbayad na lang ako tapos dumeretso ng parking lot. Wala akong pake sa iba tsk! May sarili silang paa at kamay noh
Pero natawagan na naman ako ng kalikasan kaya nagmadali akong pumunta sa Parking lot kahit ako ay tawag na talaga ng kalikasan at nilagay sa likod ang mga pinamili ko. Dumeretso naman ulit ako sa loob ng Mall at dumeretso sa Cubicle ng Girls
Phew! muntik na ako doon ah! Kakahiya kayang bigla kang maaabutan. Basa na nga Short mo, ang Panghi mo pa! DOUBLE KILL!! Beybeh!
Matapos kong magawa ang dapat gawin syempre itinaas ko pa yung short ko ng:
"May nase-sense kabang Fumetsu?" Napasara ko naman yung Kapangyarihan ko at nag X-Ray Vision. Nakita ko naman ang 3 babae na naguusap at 4 na lalaking nagsasara ng pinto at bintana
NagInvisible naman ako para hindi nila ako makita kung sumilip man sila bawat cubicle at tahimik kong inalis ang lock sa pinto
"K-Kanina may nase-sense ako" sabi nung isang babae. Mga Jackheads to..Nase-sense ko ang Dark Aura nila at nakakapanghina sila, Halatang malalakas ang mga ito
"May na se-sense ka pa rin ba?" Tanong nung isang lalaki, Ngayon ko lang napansin na tapos na nilang masara ang mga bintana't pinto
"Wala na e, Pero nung nasa NBS ako kanina may naramdaman akong malakas na Aura Parang Aura ng mga Prinsesa at Prinsipe" sabi nung babae at naningkit ang mga bilugang mata nito
"So..Nandito lang sa Mall na ito ang Prinsesang hinahanap natin?" Tanong naman nung isang lalaki at lumingon-lingon tila ba naging alerto ito
"Pwede rin, Nakita ko rin kanina ang mga royalties. Kung maka lakad sa gitna akala mo prinsesa sa mundo ng mga Shinu tch! Mapapasa atin rin yan!" Sabi nung isang babae
"Teka? Ano nga ulit school natin?" Tanong nung babae habang naglalakad paalis kasabay ng pagbukas ng mga bintana
"IHY High School. Siguro nandon ang prinsesa" sabi nung lalaki at umalis na Tss.. Wala ako doon -_- Mga boba
Lumabas ako ng CR ng nakaInvisible. Nagteleport naman ako sa Shotgun seat ng Van. Nakita ko sa labas yung iba na naghihintay siguro sa akin
Tinanggal ko na ang invisibility ko at Binuksan ang bintana sa taas ng Kotse
"Pasok" Tipid kong sagot at pumasok na ulit sa kotse at umupo sa Shotgun seat
Bumukas naman yung pintuan at nagsi-pasukan na naman sila and an annoyed look was plastered in their faces
'Wow big words'
Tangina mo
'Shhh bibig mo, Papamu-mugin ko yan ng Holy water eh'
Ewan ko sayo
"Where Have you been?" Tanong ni Ruster habang nakataas ang kilay sa akin
"Over there" sagot ko habang inaayos ang upo ko
"Saang doon?" Tanong ni Raven at sinara na ang pintuan
"Sa Cubicle, Ano? Gusto nyo pa ng demonstration?" Pangaasar ko at inikot ang susi para gumalaw na ang sasakyan. Nagulat naman si Leo sa Ginawa ko pero binuksan na rin nya ang engine nito
"Dapat pala doon na lang tayo kumain" sabi ni Leo habang inaalis na ang sasakyan sa Pagkapark
"Wag na. Magluluto na lang ako ng Ham." Sabi ko ata pinakita yung ibang pinamili ko kanina at ngumiti ng matipid
"Fine" sabi nya at tinigil ang sasakyan. Lumabas naman agad ako kahit wala pa sa Garahe at nagalaw ng konti ang sasakyan
Nagluto naman agad ako at nilapag sa lamesa agad naman akong naglagay ng sulat na..'Mag tira kayo ng dalawa or I'll freeze you till die' yun ang nakasulat sweet ko noh?
'Hindi ka sweet..Ang korni mo'
Huh?
'Parang tanga nay pa Freeze you till die pang nalalaman'
Heh! Papansin
'Wushu! Naoffend ka naman?!'
Tss
Pumasok na ako sa kwarto at pinalantsa ang uniform naming gagamitin
Nung natapos ako inilagay ko na sa kani-kanilang kwarto yung uniform nila. Ganito kasi iyon:
Sa Kwarto ni Mrs.Santos: Summer, Ruster, Amber at Trevor
Kwarto ko: Jaymie, Roselia, Ivy at Ako
Sa kwarto ni Leo: Jack, Jet, Eze at Leo
Sa Couch: Raven
Ganyan kasi yung arrangements namin sa kwarto. Dalawa ang kama sa kwarto ni Mrs. Santos kaya hindi na sila magkaka-artehan pa
Pagkatapos kong kumain MAGISA dumeretso na akong Kwarto ko at nagmuni-muni muna bago matulog
Bakit nila ako hinahanap? Anong kailangan nila sa akin? At Bakit naman sa IHY High school sila pumasok? Anong tingin nila sa akin...BITTER?!! Mga tanga! Gago! Ulol!
Ang IHY high school ay kung saan madaming bitter na estudante...IHY means I Hate You. Sa 143 High school naman madaming mag syota..May ibang single na malandi at may ibang Single na naghahanap doon ng Forever or Lablayp..-_-.. Mga nag E-EMO WALA NAMANG JOWA!
Kung pagiku-kumpara mo ang IHY at 143 high school ay mas maganda ang 143 doon. Ang mga 143 bawat madaanan mo minsan sa Hallway may makikita kang Hugot quotes, Madami rin doong nakapalibot na Resto. Para sa mga nag da-date na magsyota. Habang sa IHY naman ay Madami kang makikitang For Bitter quotes, Madaming estudante doon ang naghahanap ng Revenge sa mga ex nila. May nakapalibot lang doon na Dress Stores at syempre..Street foods
Ang Uniform sa IHY ay Kulay ng Ampalaya.Bawal doon ang In Relationship or Taken..Single lang talaga ang pwede... Like..Duhh?? Pake ba nila sa relationship namin? Buti pa sa 143 Maski Taken or Single ayos lang sa kanila, Wala ng arte-arte
Kung iniisip nyo kung ilan ang Playboy doon 10, 6 lang ang nasa amin kaya minsan nalipat yung ibang 143 sa IHY. Ang IHY ang mahigpit na kalaban ng 143
Kung iniisip nyo rin na bakit ang dami kong alam sa school na iyon. Simple lang..Sumali ako dati sa Debate ng hugot, Nerd pa ako non pero pinayagan ako ng principal. Nung nangyari ang debate hugot ng hugot yung kalaban ko habang ako nagsasabi ng advice sa Tungkol sa love. Nung masabi ko ang Revenge is for weak biglang umiyak yung kalaban ko.
Tama daw ako...Dapat talaga hindi daw dapat sya nagtanim ng galit doon daw sa ex nya, pagkasabi nyang yun umalis na sya At pag katapos ng araw na iyon ang dami daw nag enrol sa 143 dahil sa mga advice ko. Tss...Inspired to e! Wooooo!! 143, AHU AHU!!
Hayst! Makatulog na nga antok na ako e! Bye bye Readers Good night to all of yo--ZZZzzzzz!!
'Tulugan ba naman tayo??'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top