Spark at Night
-
Tumigil ako sa ilalim ng nag-iisang poste sa kanto ng street namin. Kailangan kong magpahinga saglit dahil kahit malapit na ako ay mahaba-haba pa ang lalakarin simula rito hanggang bahay. Kampante naman ako kahit wala ng streetlight sa buong street namin dahil safe naman. Saka may flashlight naman ang cellphone ko.
"Shit!" Napahilamos ako nang makita ang cellphone kong dead batt! "Kung sineswerte ka nga naman, oo." May pagka-sarcastic kong sabi. Huminga ako nang malalim at ibinalik ang cellphone sa bag ko.
Lakad. Takbo. Focus lang sa daan.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang may dumaan na isang bagay na kumukutikutitap. Inilahad ko ang palad ko para sana padapuin siya, kaso nagtuloy-tuloy lang ito. Ibinaba ko na lang ang kamay ko at parang robot na sumunod sa kaniya. Mayamaya pa ay tumigil na siya sa tapat ng tinutuluyan kong apartment.
-
Nakakapanibago, pero napakasaya ko dahil hindi kami nag-overtime nitong mga sumunod na araw. At tulad ng nakasanayan, nilakad ko lang ang daan pauwi. Sumasabay na naman ang bagay na kumukutitap. Hanggang isang araw ay tumutuloy na rin siya sa loob ng bahay, hanggang sa kwarto ko. Halos isang buwan na palang naging gano'n ang routine ko at nakakapanibago dahil wala 'yon ngayon.
☆
Kinabukasan. Labindalawang araw bago ang kapaskuhan. Isang himala na hindi na kami ganoon ka-busy at maagang natapos ang brainstorming.
Alas onse. Isang oras bago mag-lunch break ay pinatawag kami para raw sa isang meeting.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Tumikhim si Boss bago ulit magsalita. "I want you to meet my nephew, Night. He will help us for our upcoming projects." Ngumiti naman sa amin si Sir Night-matangkad siya, mestizo at kulay dilaw ang buhok. Kulang ang salitang gwapo para i-describe siya. Kasi grabe, para siyang anghel na bumaba rito sa lupa. Pero dahil umandar ang makulit kong imahinasyon, parang siya 'yung modelo roon sa lata ng Alaska.
Pasado Alas diyes ng gabi nang matapos kami sa trabaho. Akala namin ay hindi magiging busy pero nagkamali kami. Bigla na lang kasi nag-back out 'yung dalawang kliyente namin. 90% prepared pa naman kami dahil parehas na debut ang event. Kaya tuloy parang sumabak sa giyera ang sitwasyon namin. Magulo at sabog na buhok, halos wala na ring boses dahil napaos sa pakikipag-usap sa partner naming venue at catering services.
"Hi guys, coffee?" Para kaming nabuhayan ng loob nang nag-alok si Sir Night. Biglang bumalik ang mga enerhiya namin at tumayo para kumuha.
Siyam na magkakaibang flavor ang nandoon at kinuha ko 'yung mukhang iced coffee. Agad ko itong ininom at huli na nang mapagtanto kong mint choco pala 'yon. Nakakahiya namang ibalik kaya tumalikod na ako at bumalik sa corner ko.
"Hindi ko alam na gusto mo rin pala ang mint choco, edi sana dalawa ang inorder ko." Muntik kong maibuga ang iniinom ko nang may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Sir! Kayo po pala!" Natataranta kong sabi. "Uhm, sa katunayan po, first time ko lang din matikman 'to at hindi ko alam na masarap pala siya."
Natawa siya at tumango. "I'm glad you liked it! Akala ko ang sasabihin mo ay lasang toothpaste!" Hindi na ako nakasagot sa kaniya dahil bigla siyang tinawag ni Boss.
☆☆
"Nasaan na ba kasi 'yon?" Walong beses na akong nagpabalik-balik sa kwarto ko. Tumigil ako at nagbuntonghininga. Nag-aksaya lang ako ng oras para hanapin ang bagay na hindi ko matandaan kung ano nga ba.
Pitong minuto na lang. Wala akong choice kundi sumakay ng tricycle, dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay paniguradong late ako pagdating ng opisina.
"Oh? Ang aga mo naman, Sparkle." bati sa akin ni Kai at nakita kong anim pa lang kami.
"Maaga naman ako palagi ha?" sabi ko habang papunta sa pwesto ko.
"Usually kasi ikaw ang nahuhuli. Saka may 30 minutes pa bago mag-start oh." Tinuro niya ang malaking wall clock na nasa gitna ng opisina.
"Huh?" sambit ko sa sarili. Napatingin ako sa wrist watch ko. "Baka namalikmata lang ako kanina."
Habang nag-aayos ako ay nakita ko ang planner ko. "Nako, kanina pa kita hinahanap sa bahay! Naiwan pala kita dito!"
Naging busy ulit kami dahil may limang bagong kliyente, kapalit ng nawala sa amin. Kaya buhay ang vibe sa opisina. Dumaan ang uwian at nasa labas na kami ng opisina nang biglang nagyaya si Sir Night.
"We should celebrate!" Masiglang sabi niya
"Nako Sir, wala pa naman po." sabi ni Kai.
"Pero deserve niyo 'yon! Don't worry alam naman din ito ni Uncle." Nakangiti niyang sabi.
"Kung ganoon po, ay hindi rin ako pwede dahil naiwan kong mag-isa ang anak ko." paalam ni Shelly.
"Bawi na lang po ako next time." sabi naman ni Kai.
"Kaming dalawa, game po!" masiglang sabi ni Pops, sabay akbay kay Candy-na girlfriend niya.
"Game din ako." sagot ko.
Naglakad kaming apat papunta sa malapit na samgyup restaurant. Dahil pare-parehas na gutom ay hindi kami nagpansinan at nakatuon lang sa pagkain.
"Thank you po Sir! Mauna na po kami ha?" Kumaway sila Pops at Candy bago sumakay ng taxi.
"Okay lang ba kung ihahatid din kita?" Nabigla naman ako sa tanong niya. Tumango na lang ako biglang sagot dahil nahihiya ako.
Tatlong kanto bago ang street namin at napakabagal namin maglakad.
"Kumusta ka naman?" tanong niya nang basagin ang katahimikan.
"Okay lang naman po, ikaw ba?" Tumingin ako sa kaniya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
"Ayos lang din. Try mo ngang ngumiti pa-minsan, para kang pinagbagsakan ng mundo eh." Pabiro niyang sabi. Natawa naman ako sa sinabi niya at hindi ko namalayan na napangiti ako nang malapad. "Ayan! Ganyan! Bagay sa 'yo." Naging kumportable na kami sa isa't-isa. Panay ang tawanan at madalas ay hindi ko napipigilan ang sarili kong mahampas siya sa braso kapag nagbibiro siya.
Nang malapit na kami sa apartment nang bigla ko siyang tinanong. "Nagkita na ba tayo dati?"
"Huh? First meeting natin no'ng sa office, 'di ba? Bakit?"
"Ah wala. Para kasing déjà vu eh. Hayaan mo na, wala lang 'to. Oh paano Sir? Dito na ako." Sabi ko sa kaniya habang papasok ako sa apartment.
"Goodnight, Spark."
"Goodnight, Night."
Dumaan ang isang linggo at nagbago na naman ang routine ko. Ngayong tanghali, para kaming magkakagalit dahil sa mga kaniya-kaniyang kliyente. Paminsan-minsan ay tinutulungan kami ni Night. Pero madalas ay kaming dalawa ang magkasama at magka-partner. Hindi naman kami nakatakas sa pang-aasar ng mga kasama namin. Masyado nga silang advance mag-isip at nagsasabing ninang at ninong daw sila sa kasal namin. Palagi na rin kaming magkasabay sa pag-uwi at hinahatid niya ako hanggang sa amin. Nang dahil sa busilak niyang puso ay unti-unti akong nahulog.
☆☆☆
Kinabukasan, isang araw bago mag-pasko. Hindi kami nagpapansinan ng mga kasamahan ko dahil kausap nila 'yung nag-backout naming kliyente. Nag-overtime na naman ako dahil kailangang umuwi ng iba kong kasama dahil maghahanda pa raw sila para sa Christmas Eve.
Panay ang pagbuntonghininga ko habang naglalakad pauwi. Hindi ko na pinansin pa ang sobrang dilim na daan. Panay ang paglingon ko sa likod ko na para bang may hinahanap.
Malapit ko nang isara ang gate nang may biglang dumapong bagay na kumukutikutitap sa noo ko. Napapikit ako at dinama ito. Pagdilat ko ay may isang lalaking matangkad, mestizo at kulay dilaw ang buhok na nakatayo sa harapan ko. Habang unti-unting may mga bumabalik na alaala sa utak ko ay unti-unti naman siyang nawawala.
♡
Namilog ang mga mata ko nang tuluyang makaalala. Kasabay nang pagtulo ng luha ko ay ngumiti siya at biglang nawala. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko dahil hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.
-
the end.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top