Chapter 7
SUNDAY. I sighed looking at the wall clock in my room. It was already 2:10 in the afternoon.
Kanina pa akong 1:00 PM nakabihis. Simple lang ang ayos ko. Naka-clean high bun ang buhok, walang kahit anong cosmetics sa mukha, walang accessories, at ang suot ko ay simpleng faded skinny jeans, white baby tee at sa paahan ay pares ng lowcut white Converse.
Pupunta ako ngayon sa Buenavista. Again, I was going to that place. But this time, kina Dessy na talaga ang bahay na pupuntahan ko. Hindi na ako ma-de-detour.
I did not bother to ask permission from my parents that I was going out today because I knew for a fact that they would not allow me. I was not sure if they just didn't trust me enough or if they were just really overprotective of me.
Kung sakaling papayagan man nila ako, malamang na ihahatid pa ako ni daddy sa pupunthan ko o pasasamahin nila sa akin si Kuya Jordan. And I didn't want any of that to happen.
Tiningnan ko ang huling chat ni Hugo 10 minutes ago.
Hugo Emmanuel: OTW
'Sabi ni Dessy dapat 2:00pm ay nandoon na kaya iyon ang sinabi kong oras kay Hugo. Ang akala ko ay automatic nang maiisip ng lalaking iyon na maglaan ng allowance sa oras, kaya lang nasa talampakan yata talaga ang utak niya. Saktong 2:00 PM siya umalis sa bahay nila.
Sumilip ako sa labas ng pinto ng aking kuwarto. Tahimik at madilim ang buong sala. Sina Mommy at Daddy ay nasa kuwarto. Si Kuya Jordan naman ay nasa kuwarto rin nito.
Marahan akong lumabas ng kuwarto at tinungo ang pinto. Kumakabog ang dibdib ko dahil ito ang unang beses na tatakas ako. I meant, pangalawang beses na pala dahil kahapon lang ay galing ako sa Buenavista habang walang kaalam-alam ang mga tao rito.
Naka-receive pa ako ng text message. Sa notification ko na lang nabasa ang laman.
Harry:
Hi! I'm sorry hindi na ako nakapagpaalam kagabi. Tulog ka na yata nang umalis kami.
Kumiling ang ulo ko pagkabasa ng text. Gusto kong mag-type ng reply pero inisip ko na wag na. Saka sa klase ng text ni Harry ay parang hindi naman nito kinakailangan ng reply.
Bago umalis ay lumapit muna ako sa pinto ng kuwarto ni Kuya Jordan. Idinikit ko ang aking tainga roon upang pakinggan kung gising ba siya. Tahimik. When I turned the doorknob, I frowned because it wasn't locked.
"Kuya?" I peeked inside his room. It was dark inside as the window curtain was closed. Nakatalukbong siya sa kama kaya siguro nga ay tulog siya.
Lumabas ako ng bahay na walang nakakaalam. When I arrived at the gate of the subdivision, Hugo was already there. Nakasakay siya sa motor niya, nakatukod ang magkabilang paa sa lupa, habang ang kamay ay nasa hawakan ng motor. He was wearing a plain white shirt, grey shorts, and black Adidas slides on his feet.
May suot siyang kulay itim na helmet na bukas ang shield. Nakatingin siya sa akin at hinihintay na makalapit ako. When I was in front of him, he took off his helmet and handed it to me. "Angkas na."
Walang kibo na sumampa na ako sa likod niya. Nang humawak ako sa bewang niya ay nakapa ko na pawisan siya.
"'Wag kang dumikit sa akin, pawisan ako," sabi niya sa normal niyang tono na kinasanayan ko na siguro. Iyong maangas.
Napatingin naman ako sa kanyang likod. Hindi siya amoy pawis bagamat ang buong likod ng t-shirt niya ay basa ng pawis. Mainit pa nga naman ang alas dos ng hapon para byumahe rito at sunduin ako. Ang buhok niya ay basa rin na mukhang pagkaligo niya ay dumiretso na agad siya paalis. Nakaramdam ako ng init sa aking dibdib.
"Kapit, ha?" sabi niya saka ini-start ang makina ng motor.
Ang balak ko na sermunan siya sa pagiging late ay hindi ko na ginawa. Tahimik na kumapit na lang ako sa likod ng motor.
Ang mga na-Google ko at napanood sa YouTube na tips kung paano umangkas sa motor ay hindi ko rin naman mga nagamit. Parang instinct na lang ang lahat ng ginawa ko. Isa pa, hindi naman pala talaga nakakatakot umangkas kung magaling mag-motor ang driver mo.
Dahil Linggo ay walang traffic sa kanto ng Malabon. Tuloy-tuloy rin ang biyahe dahil walang mga estudyante sa daan kahit hapon. Sandali lang ay nakarating na kami sa Buenavista.
Alam ni Hugo ang bahay nina Dessy sa Buenavista kaya hindi na kami nahirapan na maghanap. Ilang beses na pala siyang nakapunta roon. Madalas daw roong may inuman kahit walang okasyon.
Ang kasama lang ni Dessy sa bahay ay ang ate nito na dating taga Gov din. Graduate na ngayon dahil ahead sa amin ang babae ng dalawang taon. Hindi ito nag-aaral ngayon at taong-bahay lang. Minsan naman ay nasa boyfriend natutulog.
Ang parents naman nina Dessy ay matagal na raw na hiwalay. Nasa Japan ang mama nila at may bago na roong kinakasama. Pinapadalhan na lang sila ng pera bilang sustento. Ang papa naman nila ay nasa Novaliches at meron na ring ibang pamilya. Sila na lang talaga ng ate niya ang natira sa kanila kaya malaya silang gawin ang kahit na anong gusto nila.
Their only guardian now was their grandmother on the father's side. Dahil nga lang sa matanda na ang kanilang lola ay minsan na lang silang mappuntahan. Hindi rin sila kayang pagsabihan ng ibang kamaganak nila dahil parehong matatapang sina Dessy at ang ate niya.
Nang makarating na sa pupuntahan ay ipinarada ni Hugo ang motor at inalalayan ako sa kamay para makababa ako mula sa likod.
"Masarap tumambay rito. Kahit mag-ingay ay walang makakarinig," ani Hugo habang tinutulungan akong alisin ang helmet.
Gumala ang aking paningin sa bahay na nasa harapan namin. Malayo ito sa ibang kapitbahay. Medyo luma na pero maayos pa naman. Up and down, mataas ang mga pader at malaki ang kalawanging bakal na gate. Kahit nasa labas ay masasabi mo na agad na malaki ang lawn sa harap at likod. Matatanaw rin ang ilang puno ng mangga sa loob.
Sabay kaming pumasok sa loob ng bakuran. Wala pa kami sa pinto ay maririnig na agad ang kantahan na mula sa videoke sa loob. May mga nagtatawanan din, may nag-uusap sa malalakas na boses.
Ang maingay na boses ng kumakanta sa videoke ay nag-e-echo sa paligid habang papalapit kami.
♪ ♫ ♬
Take me as you are...
Push me off the road...
The sadness I need this time to be with you
I'm freezing in the sun
I'm burning in the rain
The silence I'm screaming, calling out your name...
♫
"To be is all I gotta be..." malamig na boses ni Hugo na sumabay sa kanta.
Napalingon ako bigla sa kanya. Nakangisi siyang lumingon din sa akin.
Nang bumuka ulit ang mapula niyang mga labi para sa pagkanta ay napatulala ako. "And all that I see. And all that I need this time. To me, the life you gave me... The day you said goodnight..."
"You can sing," wala sa loob na sambit ko. Maganda ang boses niya. Malamig at malambing.
Namulsa siya sa suot na shorts. "Marami pa akong talent na 'di mo alam."
Napabawi ako ng tingin. Nag-init kasi bigla ang aking pisngi sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Bago makarating sa pinto ay may lumapit na lalaki kay Hugo. "Aguilar, ang lakas talaga ng pang amoy mo pag may inuman!"
Ngiting-ngiti naman siya. "Anong tanpuluts diyan, boi?"
"May pa-sisig si Dessy. Mapera ngayon iyon, bagong padala yata ang ermat na nasa Japan!"
May ilan pang lumapit sa kanya. Hindi lang lalaki, meron ding mga babae na tuwang-tuwa na makita siya. Dahil sa marami na siyang kausap ay nakalimutan niya na yatang kasama niya ako.
Iniwan ko na lang siya at nauna na ako na pumunta sa pinto ng bahay nina Dessy. Nandito naman kasi talaga ako para kay Dessy dahil birthday nito.
Pero bago tuluyang umalis ay hindi ko napigilan na lingunin si Hugo. Nagsisindi na siya ngayon ng sigarilyo. Ang may hawak ng lighter ay isang magandang babae na kung titigan siya ay halata na may gusto sa kanya.
Pagpasok ko sa sala ay nagulat ako nang makitang ang dami palang bisita. Siguro nasa mga sampu ang mga ito. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo na agad na puro mga estudyante pa at menor de edad.
Nakakagulat lang dahil ang kaharap nila ay malawak na center table kung saan puno ng iba't ibang klase ng alak at pulutan. May mga ashtray rin na may mga abo ng sigarilyo.
Nang tumigil ang kumakanta sa videoke ay napalitan ng kwentuhan, tawanan at murahan ang ingay sa paligid. Masasaya ang mukha ng lahat ng naririto. Ang karamihan sa kanila ay partner-partner na kalat-kalat sa sala.
"Putang-ina, si Pres ba 'yan?!" Isang babaeng pulang-pula ang lipstick ang nagsalita. Nakatingin sa akin ang lango na sa alak na mga mata.
Napatitig ako rito dahil hindi ko ito kilala. Isa siguro sa mga kaklase ko dahil hindi ko naman kilala ang lahat ng nasa room namin. May katabi itong lalaki. Mukhang boyfriend nito iyon.
"Ay, gago, si Pres nga!" sabi naman ng isa pa sa mga tao sa sala. Isang lalaki na namukhaan ko dahil madalas na nakikita ko na kasama ni Hugo. Isa sa mga tropa niya, si Bimbo Zaragosa. Malaking lalaki, bato-bato at maangas ang itsura.
Mula sa dining area ay lumabas si Dessy. Naka-maiksi itong maong na shorts at crop top shirt. Nakakulot ang buhok at ang mukha ay naghuhulas ang make up. "Jillian!"
Nilapitan ako ni Dessy at hinila papunta sa kusina para pakainin ako. Walang lutong handa dahil ang nasa mesa lang ay patong-patong na box ng pizza. Merong bilao roon ng barbecue at isang tupperware ng sisig na mukhang in-order sa online.
"Kain ka," ani Dessy. "Thank you sa pagpunta. Akala ko talaga na hindi ka na makakarating e!"
Sasabihin ko sana na busog pa ako kaya lang ay ayaw kong malungkot si Dessy. Baka kasi isipin niya na ayaw ko lang kumain ng kanyang handa.
"Sige na, Jillian. Kuha ka lang diyan ng kahit ano. Teka, kuha kita ng maiinom." Pumunta si Dessy sa ref para kumuha ng bote ng soda. Nakalimutan niya na hindi ako umiinom ng carbonated drinks.
Tahimik lang ako habang hawak-hawak ang plato. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa sa pagkuha ng pagkain sa mesa. Hindi ako mahilig sa pizza, hindi rin sa barbecue at lalong hindi pa ako nakakain ng sisig sa buong buhay ko.
Nilapag ni Dessy sa ibabaw ng messa ang softdrinks. "Mamaya pakilala kita sa mga bisita. Naku, daming hindi makakapaniwala na nandito ka nga talaga!"
"Dessy, hindi alam sa amin na nandito ako," mahinang sabi ko.
"Ow?" Bumungisngis siya. "Ayos lang 'yan. Minsan, dapat naman talagang tinatakasan ang mga magulang. Saka hindi ka naman na baby para pagbawalang gumala e."
Sa pinto ng bahay ay may pumasok na isang matangkad na lalaki. Binati ito ng mga nakatambay sa sala.
"Boi, si Pres, nasa kusina. Kasama ni Dessy," narinig kong sabi ng kung sino man ang nagsalita.
T-shirt na color black at cargo shorts ang suot ng lalaking bagong dating. Umaalingasaw ang expensive men's cologne na mukhang ipinaligo nito. Nang mapatingin sa akin ay ngumiti ang lalaki. "Nandito ka nga, Jillian!"
Formal ko naman siyang binati. "Hello, Wayne."
Nang makita ang plato na hawak ko ay nagtanong siya sa malambing na boses, "Kakain ka?"
Nang kunin niya sa akin ang hawak kong plato ay hindi ko na siya napigilan pa.
"May kanin ba, Dessy?" tanong niya kay Dessy.
"Ay, Wayne!" Nangislap ang mga mata ni Dessy nang makita si Wayne. Makahulugan naman ang mga tingin niya sa akin. "Mabuti pumunta ka dahil nandito si Jillian!"
Blangko ang tingin na isinagot ko sa sinabi ni Dessy. Nakahalata naman ang babae na hindi ako natutuwa kaya nagtigil siya sa panunukso.
"Ah, oo, Wayne. May kanin diyan. Tingnan mo na lang sa kaldero."
Nang akmang ipagsasandok ako ni Wayne ay pinigilan ko siya sa manggas ng suot niyang t-shirt. Napalingon naman siya sa akin.
"Ayoko ng kanin," tipid kong sabi.
"Okay, barbecue na lang kakainin mo?"
"Pizza na lang."
"All right." Binuksan niya ang isang box ng pizza. "Anong flavor?"
"Kahit ano," sagot ko para lang matapos na.
Dalawang pizza ang inilagay ni Wayne sa plato ko. Akala ko ay iaabot niya na iyon sa akin at aalis na siya, pero hindi ganoon ang nangyari. Ipinaghila niya ako ng upuan sa mesa at doon ako pinaupo.
Pagkaupo ko ay tumabi siya sa akin. Pinagsalin niya ako ng tubig sa baso. "'Pansin ko na 'di ka palainom ng softdrinks."
"Thanks," mahinang sabi ko.
"Kain ka na." Asikasong-asikaso sa akin si Wayne. Ikinuha niya rin ako ng table napkin habang kumakain. Pag may nagmumurahan sa sala ay sinasaway niya.
Tahimik naman ako na kumakain ng pizza. Hindi ko manguya at malunok nang maayos ang pagkain dahil hindi ako komportable na may nakatingin sa akin habang kumakain. Ayaw ko namang maging bastos at basta siya paalisin.
Hinanap ng mga mata ko si Dessy para gawing dahilan. Kaya lang ay pumunta na ang babae sa sala at nakigulo na sa mga bisita roon. Tumatagay na ito at mayamaya ay kumakanta na sa videoke.
Nang maubos ang isang pizza ay uminom na ako ng tubig. Gusto kong iparating kay Wayne na tapos na akong kumain.
Bigla kong naisip si Hugo. Hindi siya pumasok dito. Kumain na ba iyon? Nasaan siya ngayon?
Ilang minuto rin yata na nakatingin lang ako sa plato. Bawat pagtingin ko sa sala ay parami nang parami ang mga tao. May mga umaalis na bisita at meron ding dumarating na mga bago.
Inabot na kami ni Wayne ng dalawang oras sa dining area na wala namang nagsasalita. Sa peripheral vision ko ay nahuhuli ko ang pagnanakaw niya ng tingin sa akin.
Tumayo sandali si Wayne para magbanyo. Nang bumalik ay humihingal siya na tumabi na naman sa akin. Nagpupunas siya ng panyo sa kanyang pawisang noo at leeg.
Nanatili naman akong mahinahon. Nalibang ako sa pakikinig sa kumakanta sa videoke at sa simpleng pagmamasid sa paligid. Hindi ko na namalayan ang mabilis na paglipas ng oras.
Naa-amaze ako sa mga katulad kong kabataan na nasa sala. Kung kumilos ang mga ito ay para bang kabisado na ang takbo ng mundo. Walang mga inhibisyon at takot. Naiisip ko rin kung ano nga bang klase ng mga magulang at pamilya meron ang mga ito.
May grupo ng mga kalalakihan ang pumunta sa dining area para kumuha ng pagkain. Nakipag-fist bump ang mga ito kay Wayne.
Ang isa sa mga ito ay kalbo, bilugan ang katawan, at matapang ang mukha. "Boi, 'andito ka pala! Nag-iinom kami sa labas e!"
"Sinasamahan ko," sagot ni Wayne sabay sulyap sa akin.
Napatingin naman ang tropa niya sa akin. "GF mo? 'Di ba iyan iyong anak ng teacher?"
Ang sumunod ay may itsura ng kaunti, payat, at may band aid sa pisngi. "Matalino 'yan. Top 1 namin noong Grade 10."
Kung mag-usap sila ay para bang wala ako rito.
Nang kami na lang ulit ni Wayne ang nasa dining area ay narinig ko ang pagtikhim niya. Para bang nagpapaalis siya ng kaba sa dibdib niya. "Jillian..."
My eyes were void of emotion when I looked at him.
Ang singkit niyang mga mata na bagamat namumula ay malamlam. "Bigyan mo naman ako ng pag-asa kahit kaunti lang."
Tuwid ko na sinalubong ang mga tingin niya at malumanay na nagsalita, "I'm sorry, Wayne. Priority ko ang pag-aaral at ayaw ko munang mag-boyfriend."
Sandaling gumuhit ang lungkot sa mukha niya. "Okay lang, Jillian. Naiintindihan ko naman. Willing naman ako na hintayin ka hanggang sa handa ka na—"
"Ayaw ko sa 'yo."
Umawang ang mga labi niya.
"Isa pa iyon sa dahilan, Wayne. Hindi kita gusto."
Bago pa siya makapagsalita ay tumayo na ako. Hindi na ako nag-abala na lingunin man lang ang namutlang mukha ni Wayne nang tumalikod na ako. Alam ko na masyado akong naging marahas sa pagderetsa sa kanya, pero iyon lang ang naiisip kong paraan para tumigil na siya.
Ilang taon na kasi pero hindi pa rin siya sumusuko sa panliligaw sa akin kahit hindi naman ako pumayag ni minsan na ligawan niya ako.
Hinanap ko si Dessy. Magpapaalam na akong uuwi. Nakapunta na ako rito kaya siguro ayos na iyon. Magsi-7:00 pm na at tiyak na hinahanap na ako ngayon sa bahay namin.
Sa labas ko nakita si Dessy. Magpapasama ako sa kanya kahit hanggang sa labasan lang. Palapit na ako nang may maunang lumapit sa kanya. Bagong boyfriend niya yata. Nahiya naman ako na istorbohin siya dahil mukhang may pagtatalo sila.
Nasapo ko ang aking noo dahil paano ako aalis? Madilim na at hindi ako sanay maglakad sa lugar na hindi ko alam. Hindi ko alam ang daan papunta sa sakayan.
Iginala ko ang paningin sa paligid. May hinahanap ang mga mata ko. Paglingon ko sa gilid ay may kumpulan ng mga lalaki na nag-iinom at naninigarilyo pero wala sa kanila ang hinahanap ko.
Kahit saan ako tumingin ay hindi ko matanawan kahit anino ni Hugo. Ngayon ko naisip na hindi ko siya nakitang pumasok sa bahay nina Dessy kanina. Umalis na kaya siya?
Inilabas ko ang phone ko. Hindi ko alam ang Wi-Fi password nina Dessy kaya nag-data na lang ako. Walang chat si Hugo sa akin. Hindi ko alam kung umuwi na nga ba talaga siya.
Nag-aalala na ako at nate-tensyon. Napapaypay ako ng palad sa sarili. Gusto ko na tuloy pagsisihan kung bakit pa ako pumunta rito.
Naglakad ako papunta sa gate. Ang mga lalaking nakatambay sa gilid na mukhang mga lasing na ay sinitsitan ako. Ang isa sa mga ito na namukhaan ako sa dilim ay sinaway ang mga kasama. "Gago, bata 'yan ni Wayne!"
Kumuyom ang aking mga palad at binilisan ang paglalakad para makaalis na ako.
Paglabas ng gate ay kabadong-kabado ako. Walang poste ng ilaw sa labas kaya madilim. Malayo pa naman ang kalsada at hindi ko na matandaan kung saan dadaan papunta roon.
Kung sakali mang natatandaan ko ay natatakot pa rin akong lumakad mag-isa dahil hindi ko kilala ang mga tao rito sa lugar nina Dessy.
Anong gagawin ko? Paano ako uuwi? Bakit ba hindi ko man lang naisip ang sitwasyon na ganito at —
"Tagal mo naman," isang maaligasgas na boses mula sa gilid ang pumutol sa aking pag-iisip.
Gulat na napalingon ako roon. Namilog ang mga mata ko nang makita sa dilim ang mapulang upos ng sigarilyo. Nang masanay ang aking mga mata sa dilim ay unti-unti kong namukhaan ang matangkad na lalaking nakasandal sa pader.
"Hugo..."
Itinapon niya ang sigarilyo sa lupa at pagkuwa'y tinapakan ng tsinelas. "Bakit? Me inaasahan ka pang iba?"
"You waited for me..." hindi makapaniwalang sambit ko.
"Malamang. Ako nagdala sa 'yo rito kaya kargo rin kitang iuwi sa inyo."
"Akala ko umalis ka na..."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa ulo. "You're smart but sometimes, I think you're dumb."
Hindi ko na napigilan o pinigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking mga labi. Nagulat naman siya dahil doon. Nakatulala siya sa akin dahil hindi niya inaasahan ang aking reaksyon.
Umawang ang mapulang mga labi niya. "Jill..."
"You're a jerk, but sometimes..." Lumapit ako at tumingkayad dahil matangkad siya. Ipinatong ko rin ang palad sa ibabaw ng ulo niya. "Hugo, I think you're not that bad..."
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top