Chapter 68

"DID YOU KNOW?"


Hindi pa sumisikat ang araw nang mag-ring ang doorbell sa ibaba. Hindi ako makatulog kaya unang ring pa lang ay napaalis na agad ako sa kama. Ako na ang bumaba para buksan ang kung sino mang dumating.


Dahil maliwanag pa ang ilaw sa labas ay nakilala ko si Mommy Norma. Nakapagtataka lang dahil mag-isa ito. Ano ang ginagawa nito rito? Hindi ba't isinabay ito kanina ni Daddy papunta sa bahay ni Hugo? Aasikasuhin dapat nito ang anak.


"Did you know?" ulit nito sa paos na boses nang mapapasok ko na sa loob. Doon ko napansin na namumugto ang mga mata nito. "Did my son tell you, Jillian?"


Napalunok ako sa uri ng titig ni Mommy Norma. May kaba na nabubuo sa dibdib ko.


"Why did he tell you and not me?" Nabasag ang boses nito. "Bakit hindi niya sinabi noon pa man? Bakit itinago niya? Bakit sinarili niya lang? Tell me, Jillian!"


Napaawang ang mga labi ko. When did Hugo tell his mom?


Ako lang sa buong buhay niya ang pinagkatiwalaan niya. Akala ko ay ayaw niyang may ibang makaalam? Nag-alala tuloy ako kung ano ang nangyari kanina noong puntahan siya ng mommy niya. Anong komprontasyon ang naganap sa kanilang mag-ina.


Napaupo si Mommy Norma sa sofa habang nanginginig ang balikat nito. Kami lang dalawa ang naririto ngayon sa sala. Tulog pa sa itaas sina Mommy, Carlyn, at ang mga bata, while Daddy and Kuya Jordan were still at the police station. Ganoon din ang daddy ni Hugo na si Daddy Manuel.


Pagkahatid ni Daddy sa amin ni Carlyn sa bahay ay bumalik agad ito sa police station. Parating kasi ang mga abogado ng magkabilang panig. Nagkakagulo rin doon dahil dumating ang mga press. Putok na putok na naman sa social media ang hashtag na #SaveDessylicious.


Sa bahay ay hinihintay kami ni Mommy. Nasa kuwarto nito at ni Daddy sina Mara at Hyde. Pinalipat doon. Tulog na rin ang dalawang bata. Doon na rin nakisiksik si Carlyn.


Naupo ako malapit kay Mommy Norma sa sofa. "Sinabi po ba sa inyo ni Hugo?" mahinahon na tanong ko.


Marahan naman itong tumango.


"Mommy Norma, I didn't say anything because Hugo had put his trust in me with that secret. I also believe he is not ready for anyone else to hear about it."


"Even his own mother?" may hinanakit na tanong niya sa akin.


Napayuko ako. "I'm sorry..."


"To think na buong buhay ng anak ko, wala ako maski ideya? Wala akong alam na may ganoon siyang pinagdaanan? Akala naming mag-asawa, ang katarantaduhan ng anak namin ay pagrerebelde lang! Na baka mali lang talaga kami sa pagpapalaki! Iyon pala, may iba pang dahilan!"


Napahampas sa sariling dibdib si Mommy Norma.


"Nag-iisang anak namin ng asawa ko! Ibinigay namin lahat ng pagmamahal, pangungunsinti, at pati ang lahat ng luho! Hindi pala sapat! Noong panahong iyan, ay iyong nagsisikap ako na ma-promote bilang head teacher, habang ang asawa ko naman ay nagsisimula pa lang sa pagpapalago ng kanyang negosyo! At ang aming Hugo pala ang kabayaran ng pag-unlad namin pareho!"


I cried too out of sympathy for my mother-in-law. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ang pagsisisi ko. Dahil napagdadaanan ko ngayon ang napagdadaanan niya.


"And you know what hurts more, Jillian? Hanggang sa huling hininga ng gumawa niyon sa anak ko, itinuring ko pa rin itong kapamilya namin! Ako pa, ako pa talaga ang gumastos at nag-asikaso ng libing! Kung puwede ko lang ibalik ang oras! Kung puwede ko lang iyong hukayin!"


"Mabuti po kayong tao kaya ginawa niyo iyon."


"Pero sa sarili kong anak, hindi ako naging mabuti."


Umiling ako. "Siguro po, isa rin sa dahilan ni Hugo ng hindi pagsasabi sa inyo, ay dahil natatakot siya na ganyan ang iisipin niyo. Hindi niya gugustuhin na sisihin niyo ang sarili niyo. Your son loves you very much."


Napahagulhol na sa mga palad si Mommy Norma. "Ah, Jillian...! My son! Oh, God...!"


Naluluha na lumapit ako rito para yakapin ito. Hinagod ko ang likod ng babae hanggang sa unti-unti ay makalma ito.


Inihatid ko rin ito sa pinto pagsapit ng 7:00 a.m. Bago magising sina Mommy ay nagpaalam na si Mommy Norma na babalik sa bahay ni Hugo. Kakausapin daw nito ulit ang anak.


"Thank you, Jillian." Niyakap muli ako ni Mommy Norma bago ito sumakay sa i-b-in-ook na Grab car. "Thank you for being my son's wife."


Nang makaalis na ang sasakyan ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Nag-aalala ako kay Hugo. Ngayong alam na ng mommy niya ay tiyak na malalaman na rin ng daddy niya ang nangyari sa kanya noong bata pa siya. Sana lang ay maging mabuti ang dulot niyon sa kanya... 



HAPON. Nakatulog na ako ng ilang oras kahit paano. Pagkaasikaso sa meryenda ni Hyde ay nagpaalam ako na sandaling aalis. I was going to the police station to give my statement.


Napatigil na raw ng mga pulis ang mga press kaninang tanghali. Wala na rin masyadong nakikiusyoso roon, kaya puwede na akong magpunta. Gusto kong samahan ni Carlyn, pero tumanggi ako. I was thankful, but I could do this myself.


Nag-Grab lang ako. Pauwi ay Grab lang din sana pero doon na hindi pumayag si Carlyn. Padadaanan niya raw ako kay Kuya Jordan mamaya. Galing pa kasi ang kuya ko sa Manila.


Sa presinto ay mabilis lang ang pagbibigay ko ng testimonya. There, I discovered that Hugo and I were not the only ones who had filed a case against Dessy. May iba pa pala; ang unang kasambahay ng babae.


It turned out that Dessy allegedly violated the fifteen-year-old son of her former maid. They had been wanting to file a lawsuit for a long time but were afraid that no one would believe them. Pero ngayon ay nagkalakas ng loob lumabas ang mga ito matapos pumutok ang balita tungkol kay Hyde.


Nasusuka ako sa nalaman. Hindi lang ang anak ko, may iba pa pala. May iba pang ginawan si Dessy ng kahalayan!


Tuloy na ang kaso ngayon. Kahit mag-counter attack pa si Dessy. Makakatulong sa mga ebidensiya laban dito ang pagkahuli nito sa bahay ni Hugo. Wala na itong takas. Ang problema na lang ngayon ay kung paano namin makukumbinsi si Hyde na dapat makulong talaga ang babaeng iyon.


Palabas na ako ng presinto nang harapin ako ng isang pulis. "Ma'am, ang kulit ni Vlogger, nagre-request po na makausap daw kayo kahit sandali lang. May kailangan daw kayong malaman."


Ano na naman? Napabuga ako ng hangin sa huli. "All right. I'll talk to her."


Sumunod ako rito sa selda kung saan naroon mag-isa si Dessy. Nagsisisigaw ito roon. Ito pala ang naririnig ko kanina pa.


"Jill, I know hindi mo ako matitiis!" Luhaan itong napahawak sa rehas pagkakita sa akin. "Help me. I don't want to stay here!"


Dessy looked miserable inside the cell. Magulo ang buhok nito. Malaki ang suot na t-shirt. Wala kahit katiting na make-up ang namumutlang mukha. At namumugto ang mga mata.


"Hindi na kita kilala," gulat na sambit ko pagkakita rito. Hindi dahil sa itsura na nakikita ko, kundi dahil sa mga nalaman ko. "O baka talagang hindi kita kilala."


Umiiyak ito na umiling. "I was once a victim too, Jill!"


"Kaya naghanap ka rin ng gagawin mong biktima?" Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya o kasinungalingan lang. Pero kung totoo man, hindi sapat na dahilan iyon para gumawa rin ng kasalanan.


"Jill, my former maid's accusation against me is not true. Nakisakay lang siya dahil galit siya sa akin. Magnanakaw kasi iyon, kaya ko pinalayas dati. And she's now just using her teenage son to get revenge on me."


Tumalikod na ako. Nagsayang lang pala ako ng oras na harapin ito.


"Jill!" sigaw niya. "Iyong tungkol sa amin ni Hyde, ibang usapan iyon! Iba iyon! I know it sounds ridiculous, pero kay Hyde ko lang natagpuan ang atensyon at simpatya na buong buhay na hindi ko natanggap kanino man!"


Tumikom ang mga kamay ko.


"Believe me, please! What we had was different! Your son is too mature for his age. The way he talked to me, the way he comforted me... He was too good!"


Gigil na hinarap ko siya. "Shut up!"


Pero patuloy sa pagsasalita si Dessy habang luhaan. "We were just friends. Parang magkaedad lang. Nasasabi ko lahat sa kanya."


"Pero bakit lumampas ka sa hindi dapat, gaga ka ba?!"


"I was drunk on our first time—"


"Salaula ka!"


"Hindi ko sinasadya iyong una. Nag-iba ang tingin ko sa kanya. But I apologized after! And he said, it was okay. That he didn't mind."


Nagtakip ako ng tainga at mabilis na naglakad na paalis. Ayaw ko nang marinig pa, lalo ang mga sigaw ni si Dessy na kesyo tunay na mahal niya ang bata. Hindi ko na siya nilingon pa.


I spent a few minutes in the precinct restroom before going out. I composed myself and called Kuya Jordan. Malapit na raw ito.


Paglabas ng presinto ay napahinto ang aking mga paa sa paghakbang nang makita ang matangkad na lalaking nakatayo habang nakapamulsa sa suot na jeans. It wasn't my brother.


Anong ginagawa niya rito? Bahagyang namumutla pa siya. Okay na ba siya?


Nang lumingon siya sa akin ay maliit siyang ngumiti. "Jillian, nalaman ko na pupunta ka raw ngayon dito."


Pasimple akong lumunok saka nagpatuloy sa paglalakad, until I was in front of him. He was so tall that I had to look up to meet his gaze.


"Galing ako sa inyo. Wala ka nga raw doon. And about Hyde, he already found out about Dessy. The kid accidentally saw it on the news."


Sikat nga palang personalidad si Dessy sa social media. Sa pagkaaligaga, hindi na yata namalayan nina Mommy na iiwas si Hyde sa TV.


"Hugo, did you talk to him? What was his reaction?!" Nag-aalalang sunod-sunod na tanong ko. Pinaka hiling ni Hyde sa amin ay 'wag na 'wag ipapakulong si Dessy. Hindi puwedeng mabigla ang bata sa mga nangyari.


"Yeah, I've talked to Hyde. He did not react at all like he was already expecting it to happen. Siguro nakatulong ang counselling, at syempre, ang suporta mo sa kanya. Our kid is smart. I know that he will understand everything more deeply in the long run."


Tumango ako. I had calmed down a little, but I would still talk to Hyde once I got home.


"Uhm, bakit ka pala nandito? Wala ka na bang sakit?"


Hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng isang kislap sa kanyang mga mata. "Okay na ako, magaling ang nurse ko kagabi."


Lumikot ang mga mata ko. "Ha?" Ibinato ko ang aking paningin sa ibang direksyon. "S-sinong nurse? Iyong mommy mo?"


"Mas cute kay Mommy lalo kapag nagmamaang-maangan."


Lumabi ako. "Ewan." Nakakainis lang kasi sa peripheral vision ko ay nakita ko pa siyang nangingiti. Ano bang ingini-ngiti-ngiti niya riyan? Napasukan na ba siya ng hangin sa ulo dahil sa pagkakasakit niya?!


Hindi ko na tuloy naitanong pa sa kanya ang tungkol sa pag-uusap nila ng mommy niya. 


Nang tumingin ako sa kalsada ay nagsalita ulit si Hugo. "Uuwi ka na niyan?"


"Uhm, yes." Pinilit ko na magpaka-kaswal pa rin. 


Tumikhim siya. "Okay lang ba na ihatid kita?"


"Ha?" sambit ko. Nawala ang pagkakaswal ko, bigla na lang akong hindi mapakali. "Uhm, kasi, parating na si Kuya Jordan. Uhm, siya ang susundo sa akin."


"Oh, I see..."


Ang awkward ng mga sumunod na sandali. Mabuti na lang at natanaw ko na ang paparating na kotse ng aking kapatid. Malayo-layo pa iyon nang kaunti.


"You know, Jillian..."


Napatingala muli ako kay Hugo. Nakapamulsa pa rin siya sa jeans, pero hindi na sa akin nakatingin. Ang malamlam niyang mga mata ay nakikitanaw sa paparating na sasakyan.


"It was like I was walking on a tightrope before we got married. I was scared that you would change your mind at any moment. Alam ko kasi na dinaan lang naman kita sa bilis at sa tigas ng mukha, para lang masigurado na hindi ka na makakaatras pa."


He continued talking casually.


"And then we finally got married. But my fear did not end there. Because I know that it was only for Hyde that you agreed to marry me."


Hugo was not wrong. That was really my main reason in the beginning.


"Ayaw na ulit kitang biglain. Ayaw na kitang pilitin, kahit gustong-gusto kitang maya't mayang kulitin. I was going to wait and was willing to go through the process. I really believed that my calculation was correct, that as long as I took it slow, that I was careful, and that I didn't pressure you, we'd be fine."


Nang yumuko siya sa akin ay ngumiti siya kahit ang lambong sa mga mata niya ay hindi nawawala.


"For realizing it too late and for all the pain I caused you, I know apologizing is not enough, but still, I am sorry, Jillian."


Huminto na sa harapan namin ang koste ni Kuya Jordan. Hugo opened the backseat door for me.


Pagpasok ko sa loob ay tumingin pa ulit ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya. "Don't worry about me, Jillian. You can take your time."


"Hugo..."


Tumingin na siya kay Kuya Jordan na nasa harapan. "Please take care of Jillian for me, bro. Thank you."


Tumango ang kuya ko sa kanya. At nang umandar na ang kotse ay hindi ko mapigilang hindi siya lingunin. He was still there, looking at us with his eyes full of sadness.


Ang aking pakiramdam ay tila may naiwan akong parte roon kasama niya. Parang sa bawat paglayo ng sinasakyan namin ni Kuya Jordan ay may humihila sa aking paghinga.


Masyado akong ambisyosa para maniwalang sa loob lang ng ilang buwan ay puwede ko na agad-agad na makalimutan ang kamandag ng lalaking iyon.


I had rested and calmed down, but my feelings had not changed after all this time. I pounded my chest as I gritted my teeth. 


It was crystal clear, that my heart was still beating for my husband, Hugo Emmanuel Aguilar!


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top