Chapter 67

I SHOULD CALL FOR HELP!


Walang malay tao si Hugo, at si Dessy lang ang kasama niya. Hindi maganda ang kutob ko. Walang akong ibang maisip na gagawin ni si Dessy kundi ang gumanti.


Ang kabog ng dibdib ko ay wala nang paglagyan. Kailangan kong humingi ng tulong. Pero paano? Tulog na ngayon ang mga tao rito. Kung gigisingin ko pa isa-isa sina Mommy, Daddy, at sina Kuya Jordan ay tiyak na kakain pa iyon ng oras. Hindi ko yata kayang magsayang pa kahit minuto, knowing na naroon na si Dessy sa mismong bahay ni Hugo.


Sinunod ko na lang ang aking sa tingin ay mas makabubuti sa mga oras na ito. Madali akong lumabas ng bahay. Sakto na may dumaang taxi. Pinara ko agad iyon. Pagsakay na pagsakay ay saka ako tumawag sa cellphone ni Kuya Jordan. Nakalabas na ng subdivision ang taxi bago sumagot ang kapatid ko. "Kuya, please call the police! Papunta ako ngayon sa bahay ni Hugo, at naroon si Dessy!"


Buong biyahe ko kausap si Kuya Jordan habang humahangos ito sa pagbibihis at pag-aalala sa akin kung bakit ako umunang umalis. Ipinaliwanag ko rito na importante ang oras, dahil posibleng ano mang pagkakataon ay mapahamak si Hugo, lalo at walang laban ang lalaki ngayon kay Dessy. He was still sick.


Nagising na rin daw sina Mommy. Si Carlyn na ang kausap ko sa phone. Papunta na raw sila rito ni Kuya Jordan. Maiiwan sa bahay sina Hyde at Mara kina Mommy at Daddy. Ngayon lang din sila nakahingi ng tulong, dahil madalas talaga na mahirap maka-contact sa police station.


Nang naroon na ako sa subdivision kung saan ang bahay ni Hugo ay nagpahinto ako sandali sa guardhouse. Humingi ako ng tulong sa inaantok na guard. Ang kaso lang ay dala pala ng kasama nitong guard ang motor, kaya susunod na lang daw ito. Hindi rin naman ito sumabay sa taxi dahil hihintayin pa yata ang kasama.


Sa bahay ni Hugo ay bumaba na agad ako. Ayaw ko pa sanang paalisin ang taxi driver kaya lamang ay parang natakot ito. Akala siguro ay maraming kalaban. Naiintindihan ko naman dahil naghahanap-buhay lang ito. Sa pagpa-panic ay hindi na rin ako nakapagpaliwanag.


Pinagana ko ang isip bago gumawa ng hakbang. Hindi ako gumawa ng ingay sa pagpasok sa madilim na kabahayan. Ayaw ko na maalerto si Dessy. Palaisipan pa rin sa akin paanong nagkasusi ito. Sino ang nagbigay rito?


Nagyapak ako papasok sa loob. Sa kusina ako dumaan dahil naka-lock ang pinto sa harapan. Mabuti at naroon pa rin ang duplicate key sa pinagbaunan ko banda sa may halamanan.


Hindi rin ako nagbukas ng kahit anong ilaw pag-akyat ko sa second floor. Ang lakas-lakas ng kabog ng aking dibdib habang palapit sa pinto ng master bedroom. Bukas iyon.


Naghanap muna ako sa paligid ng puwede pang-self defense. Mahirap na dahil baka naghihintay lang pala sa akin si Dessy sa loob.


Isang maliit na vase ang aking natanaw. May tuyot na halaman iyon na akin na lang binunot. Bitbit ko iyon nang tunguhin ang pinto. Sumilip muna ako para lang matigagal sa makikita.


Bukas ang lampshade sa loob. May mapusyaw na liwanag na dahilan kaya nakikita ang nangyayari. Nakahiga pa rin si Hugo sa kama. Wala pa ring malay tao. Pero hindi iyon ang nagpanginig sa katawan ko, kundi dahil nakataas na ang suot niyang shirt at nakababa ang suot niyang pajama!


Nag-kontrol ako nang malala para hindi agad makagawa ng kahit anong pagsisisihan ko. Hinanap ko muna si Dessy. Naroon ang babae sa paahan ng kama at naghuhubad ng suot na damit.


Nang undies na lang ang matira dito ay saka ito sumampa sa kama. Inilabas nito ang cell phone at itinutok kay Hugo. Kinuhaan nito ng maraming photos ang walang malay na lalaki.


Pagkatapos nito sa ginagawa ay itinabi muna ang phone. Yumuko ito at sinimulang halikan si Hugo sa pisngi, sa leeg, sa dibdib, habang ang mga palad ay nasa ibabang bahagi ng lalaki.


Dahil abala na si Dessy ay doon na ako nakakuha ng pagkakataon na lumapit. Nakatingkayad ako na lumapit. Nang nasa likuran na ako ng babae ay buong lakas ko itong hinataw ng vase na aking bitbit.


"Ah, what the fuck?!" sigaw ni Dessy sa pagkabigla. Nakaiwas ito pero natamaan pa rin sa bandang noo. Bagsak ito sa gilid ng kama.


Humihingal ako nang sundan ng tingin si Dessy.


Nang mapatingala ito sa akin ay pinanlakihan ito ng mga mata. "Jill?!"


Hindi napuruhan ito pero may dugo sa noo. Wala rin naman akong balak puruhan ito, pero pasensiya na lang siya dahil nagdilim talaga ang aking paningin kanina.


"You're here," sambit nito habang hawak-hawak ang noo. "Talagang hindi ka nakatiis na pumunta agad-agad. You love this man that much?" nanunuyang tanong nito. Sinubukan nitong tumayo pero tila ito nahilo.


"Why are you doing this, Dessy?" mapait na tanong ko. "Hindi pa ba sapat sa 'yo ang ginawa mo sa anak ko? Hindi ka pa kuntento, ngayon ay pati pa ang asawa ko?!"


"Asawa mo?" ulit nito. "I though you left him already? Di ba ayaw mo na dahil nagising ka na sa katotohanang gago itong pinakasalan mo? Di ba nga babalik ka na kay Harry?!"


"How did you know that I left him?" gilalas na tanong ko. May kilabot na lumukob sa akin.


Dessy didn't really go to Singapore as she announced on her social media. Was she just here the whole time, observing us?!


"Jill, come on. Iniwan mo na si Hugo pero may pakialam ka pa rin sa kanya?"


"Hindi lang ito tungkol doon, Dessy," mariing bitiw ko. "The point here is you're about to do another crime!" Kung hindi ko ito naabutan ay baka kung ano na ang nagawa nito kay Hugo!


"Wala akong gagawin sa kanya!" tanggi nito.


Dinampot ko ang phone ni Dessy na nasa kama. "Really? Then why did you take photos of him?! At ano ang balak mo pang gawin kung hindi ako dumating? Are you going to rape my husband too?!"


Kinuha ko ulit ang vase. Napalunok naman si Dessy.


"N-No, Jill. Of course not." Umiling ito nang sunod-sunod. "Gusto ko lang gumanti nang kaunti kaya ako kumuha ng photos. Wala akong ibang gagawin, kukuha lang ako ng photos na hubad siya, hubad kaming dalawa. Gagamitin ko lang iyon para kapag nagtuloy-tuloy na ang kaso, ay may panlaban ako."


Kumunot ang noo ko sa dahilan ni Dessy. Sobrang tanga ko ba talaga sa paningin ng babaeng ito?


"Jill, believe me. Gusto ko lang na may alas ako. At gusto ko rin na may panakot ako kay Hugo."


"Sa tingin mo ba may pakialam si Hugo kahit ikalat mo ang nude photos niya?" Ngumisi ako kay Dessy. "You know this man. Baka maging proud pa 'yan!"


"Kung dati siguro ay wala siyang pakialam. Pero iba na ngayon, may anak na siyang pinoprotektahan!"


Natigilan ako. She was right. Hindi na nga pala si Hugo ang dating Hugo. He was a changed man now.


"Jill, please..." Nang siguro ay hindi na nahihilo ay nakuha nang makatayo ni Dessy, bagama't hawak pa rin nito ang sariling ulo. "Let's talk..."


Hindi ko pa rin binibitiwan ang vase at ang phone. Wala akong balak magpauto. Ang hinihiling ko na lang ngayon ay dumating na ang kahit anong tulong. Ang guards man, ang mga pulis, o sina kuya Jordan.


"Jill, I can explain everything..." Humakbang si Dessy palapit sa akin.


"Stop right there!" utos ko na hawak pa rin ang vase. Nandidiri ako rito. Hindi ko matanggap na naging kaibigan ko ang babaeng ito. Nasusuka ako!


"Jill, come on," anito. Hubad pa rin at tanging panties lang ang suot. "Ang lahat ng ito ay dahilan lang para sirain ang pagkakaibigan natin. I'm sure Carlyn did something."


"Shut up, Dessy! Stop taking me for a fool! Sobrang tanga ko nang naging kaibigan kita, hindi na iyon mangyayari pa!"


Biglang may kumalabog sa ibaba ng bahay. May mga ingay mula sa mga dumating. Boses ng guwardiya na kausap ko kanina sa guardhouse at may iba pa. Nawala ako sa focus dahil doon.


Huli na bago ako makabawi, naagaw na sa akin ni Dessy ang hawak kong vase. "You stupid woman!" sigaw nito. "Ang tagal ko na nagtiyaga bilang kaibigan mo! I was your only friend, yet this how you will repay me?!"


Napaatras ako dahil hawak ni Dessy ang vase at nakaamba na iyon sa akin. Sa bilis ng pangyayari ay nagkabaliktad ang aming sitwasyon. Ako naman ang hindi dehado ngayon.


"Ang gusto ko lang, Jill, pakinggan mo ako! Pero anong ginawa mo? Dahil lang doon, tinalikuran mo ako! Ako na nag-iisang kaibigan mo sa mundo!"


"'Wag mong ila-'lang' ang kasalanan mo, Dessy!" Panay ang atras ko palayo. Kailangan kong mag-ingat hangga't wala pa ritong tulong na umaakyat.


Hindi ako puwedeng mapahamak. Sa takot ko ay napahawak ako sa aking tiyan na natatakipan ng maluwag kong top. Napatigil naman si Dessy nang sumunod ang mga mata nito sa hinahawakan ko.


"Y-you're pregnant?" nulas sa mga labi nito.


Kung ganoon ay hindi pa pala nito alam. Kulang pa ang nakakalap nito tungkol sa pamilya ko.


Napailing-iling si Dessy. "You're really having a good life, Jill," mapaklang bigkas nito. "Magkakaanak na naman kayo ni Hugo."


Nakarinig na ako ng mga paakyat sa hagdan. Kasunod niyon ay boses ng hipag ko at kapatid. "Jillian, nasaan ka?!"


Bumadha ang takot sa mukha ni Dessy. Lumikot ang mga mata na tila nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa huli ay naisipan nitong basagin ang hawak na vase. Kumuha ito ng basag na piraso, at saka nanakbo sa kama kung saan naroon si Hugo.


Namilog ang mga mata ko nang itutok ni Dessy ang matulis na basag na piraso ng vase sa leeg ng wala pa ring malay na lalaki.


Pagpasok nina Kuya Jordan at Carlyn sa pinto ay napanganga ang mga ito sa naabutang tagpo. Ako na nakasadsad sa pader, si Dessy na nakahubad at panties lang suot, at si Hugo na walang malay sa kama habang may nakatutok na basag na bahagi ng vase sa leeg.


Tinakpan agad ni Kuya Jordan si Carlyn. My sister-in-law covered her eyes as well.


"'Wag kayong lalapit!" banta ni Dessy. "I... I'm gonna kill Hugo!"


Kasunod nina Kuya Jordan ang dalawang guwardiya. Napahinto ang mga ito sa pinto.


"'Wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo, Dessy!" pilit kong pagkausap dito. "Please!"


"No, Jill." Dessy shook her head. "I will not go to jail because I am innocent! Hindi naman talaga kasi aabot lahat sa ganito, kung kinausap mo lang sana ako! Maaayos pa naman sana ito! Pero ang dami na kasing nakisawsaw!"


Napahumindig naman si Carlyn sa narinig. "Hoy, sinong inosente? Burikat na ito!"


Hindi ito pinansin ni Dessy na luhaang nakatingin sa akin. "Jill, okay naman lahat dati, di ba? Magkaibigan tayong dalawa. Pakaisipin mo, may mali ka rin talaga!"


Napanganga ako nang makitang bahagyang gumalaw ang pilikmata ni Hugo. Pero hindi ako nagpahalata sa aking nakita.


"Dessy, please ibaba mo iyan. Parating na rin ang mga pulis. Kung gusto mong makapag-usap tayo, puwede naman. Pero sa presinto na sana kasama ang ating kanya-kanyang abogado."


"Hindi mo ba ako naiintindihan, Jill? Wala nga ako kasalanan! Bakit ba ang kulit mo—" Hindi na natuloy ni Dessy ang sinasabi dahil may humawak sa pulso nito.


Si Hugo!


Parang binuhusan ng malamig na tubig si Dessy. "H-Hugo..." takot na sambit nito.


"What the fuck are you doing here?" Madilim ang mga mata ng lalaki nang bumangon. "And why the fuck are you naked?!"


"Hugo, l-let me go." Kahit anong pagtatangka ni Dessy na bawiin ang pulso ay hindi nito kaya ang lakas ng lalaki.


Doon nagpasukan sa pinto sina Kuya Jordan, Carlyn, at ang mga guwardiya. Nakarinig na rin kami ng serena ng pulis mula sa labas.


Si Carlyn ay agad lumapit sa akin. "Are you okay, sissy?" Nang tumingin ito kay Hugo ay napangiwi dahil nakababa pa nga pala ang pajama at briefs ng lalaki. "Ew!!!"


Agad naman binato ni Kuya Jordan ng unan ang harapan ni Hugo para iyon matakpan.


Nang ma-realize naman ni Hugo ang pagkahubo, ay napaungol siya sabay tingin ulit nang matalim kay Dessy. "You did this to me, didn't you? Puta ka, imposibleng ang asawa ko ang may gawa nito!"


Umawat na ang mga guwardiya dahil namimilipit na si Dessy sa pagkakahawak ni Hugo sa braso nito. They covered Dessy's body with a blanket.


Pumapalag pa si Dessy pero pinosasan na ito ng mga guwardiya. May mga pulis na rin na umakyat dito sa kuwarto. Bago ito ilabas sa pinto ay pasimple pang humabol si Carlyn. Hinila ito sa buhok ng hipag ko.


"Ouch!" Dessy screamed, her body almost bent due to her hair being pulled. "Did you see that?! Sinubunutan ako!" sumbong nito sa mga guwardiya.


Patay-malisya naman na si Carlyn. Yumakap na ito sa lumapit na asawa.


Bumangon na nang tuluyan si Hugo mula sa kama. Gumegewang pa siya dahil hindi pa siguro maayos ang pakiramdam. Ni hindi nga maayos pa ang suot na pajama. Ang mukha niya ay sobrang putla pa.


Sinabihan kami ng mga pulis na sumunod sa presinto para makapagsampa ng kaso. Nagsabi si Kuya Jordan sa mga ito na susunod.


Nang makaalis na ang mga guwardiya at pulis ay nagyaya na si Carlyn. "Tara na, Jordan. Pumunta na tayo sa presinto. 'Wag na muna nating isama si Jillian, at baka matagtag na iyan. Pahingahin muna. Papunta na rin naman na raw ngayon sa presinto ang daddy niyo saka ang parents ni Hugo."


Bago umalis ang mga ito ay binilinan ako ni Kuya Jordan na 'wag munang aalis. Magpahinga raw muna ako sandali. Nasa baba naman ang mga guwardiya. Ipapasundo niya raw ako agad mamaya kay Daddy.


Nasa may pinto na ang mga ito. Narinig ko pa ang bulong ni Carlyn kay Kuya Jordan. "Hubby, na-pollute ang mata ko. Kailangan mo itong basbasan mamaya."


Nang kami na lang ni Hugo ay nilingon ko ang lalaki. Nakasandal siya sa headboard habang tahimik lang sa aking nakamasid. Aware ba siyang hubo pa siya?


Nang maalala ang kanyang pajama ay saka niya lang iyon itinaas. Kandangiwi pa siya nang mag-angat ng katawan. Kandasabit-sabit tuloy sa garter niya. Nag-iwas naman ako ng mga mata kahit ilang beses ko na iyong nakita.


Nilinis ko ang bikig ng aking lalamunan bago nagsalita. "H-how are you feeling?"


"What happened while I was asleep?" paos na tanong niya. "Were you hurt?"


Umiling ako. Bakit ako pa ang inaalala niya? Siya riyan ang nagising nang nakahubo habang may nakatutok sa kanyang basag na vase.


Nang balikan ko siya ng tingin ay nakatago na ulit ang dapat itago.


"Jillian, can you come close?" pakiusap niya sa hirap na boses. "Don't worry, I won't do anything. Hindi ko rin naman kaya..."


Humakbang ako palapit, pero huminto rin mga dalawang hakbang mula sa kama na kinaroroonan niya. "You should go back to sleep."


Pawisan siya kahit may aircon. Namumutla pa rin. Siguro hindi siya uminom ng gamot maghapon. I doubt kung kumain din ba siya.


"Porke't mag-isa ka lang rito, hindi mo na inaalalagaan ang sarili mo," sumbat ko sa kanya.


Pumunta ang mommy niya pero itinaboy niya, 'tapos ganito lang at magpapabaya rin pala siya?


Natigilan ako nang makitang gumuhit ang isang ngiti sa namumutla niyang mga labi. "Jillian, are you worried about me?"


What? Nangunot ang noo ko. Nang makabawi ay tiningnan ko siya nang masama. "Sa tingin mo ba ikatutuwa ito ng mga anak mo? Na imbes nagpapagaling ka para makita at makasama mo sila, ay ganito lang pala ang ginagawa mo?! At nakukuha mo pa riyang ngumiti?!"


"I'm sorry." Malamlam ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. "Jillian, sorry na..."


"Ewan ko sa 'yo." Tinalikuran ko na siya, pero hindi para tuluyang iwanan.


Kumuha ako ng basang towel sa master bathroom saka siya pinunasan. Wala naman siyang imik kahit halos hiluran ko na siya sa sobrang diin ng aking pagpupunas sa kanyang balat.


Kapag bumabalik sa isip ko ang paghalik sa kanya ni Dessy kanina ay parang gusto ko na lang siyang pakuluan, para talagang walang matira sa kanya kahit katiting na dumi.


"Ouch..." daing niya kasi noong huli ay mas mariin na ang pagpupunas ko.


"Tiisin mo," seryosong sabi ko.


Tiniis naman niya. Nakangiti na nga siya habang nakatingin sa akin. Pinalitan ko rin siya ng suot na shirt. Ipinagtimpla ko siya ng gatas pagkatapos.


Nang maubos niya iyon ay pinainom ko sa kanya ang gamot na nasa bedside table. Wala naman siyang reklamo. Pinabalik ko na rin siya sa pagkakahiga.


"Papunta na raw dito si Mommy Norma. Kasama niya ang daddy ko." Hawak ko ang aking phone. Kaka-text lang sa akin ni Carlyn. Nasa presinto pa sila ngayon.


"Aalis ka na?" mahina lang ang pagkakatanong ni Hugo, subalit dinig ko.


Nang lingunin ko siya ay sa akin nakatuon ang may lambong niyang mga mata. Inaantok na siya pero nagpipigil siya.


"Papunta na ang mommy mo. Siya na ang bahala sa 'yo, Hugo." Inayos ko ang kumot niya.


His hand stopped mine. "Ngayon lang, Jillian. Ngayon lang. 'Wag kang pumalag." Pagkasabi'y dinala niya sa kanyang mga labi ang aking palad.


May luhang sumilip sa gilid ng aking mga mata. Tumingala ako para hindi iyon makawala.


Nang makatulog na si Hugo ay naupo ako sa tabi ng lalaki. Ang kamay niya ay ipinatong ko sa ibabaw ng aking tiyan. Tila ba nakaramdam ang bata sa loob, gumalaw iyon.


Ngumiti ako habang nakatingin sa natutulog na lalaki. "No doubt that this is yours, Hugo. So brave and so strong..."


Matagal din iyon, hanggang sa naulinigan ko na ang mga boses sa ibaba. Dumating na ang sundo ko at ang mommy niya.


Tumayo na ako at inalis ang kamay ni Hugo sa aking tiyan. At hindi ko na nakita pa ang pagpatak ng mga luha niya nang tuluyang iwan ko na siya...


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top