Chapter 65
THE HOUSE WAS NOW FOR SALE.
I just heard the news from my sister-in-law. Nagtataka ito kaya tinanong ako. Hindi ko naman alam kung bakit ang bahay ay ibinebenta na ni Hugo.
I would like to know why. Pinaghirapan ni Hugo ang bahay na iyon. Mula sa pinagsamang mana niya, loan sa bangko, at sa inipon niyang sweldo. It was also his first property, his first design. I even saw the blueprint. Hindi lang magkatulad na magkatulad dahil may mga nabago na, it was still the house that he planned to build.
Kinabukasan naman ay sumugod agad dito si Mommy Norma. Bukod sa pagdalaw kay Hyde, pangungumusta sa akin at sa ipinagbubuntis ko, syempre ay hindi mawawala ang pampi-pressure nito kung bakit hindi ba kami nagkakabalikan ni Hugo. Dagdag pa ang gigil nito nang malamang ibinibenta na nga ang bahay ng anak nito.
"He's rebelling again!" tungayaw nito na hindi maawat-awat ni Mommy. "My son is doing it again!"
Kahit sina Daddy at Daddy Manuel ay hindi maawat si Mommy Norma. Naroon ang umatungal ng iyak ang biyenan ko o kaya naman ay isumpa nang paulit-ulit si Hugo.
"Jillian, please don't leave my son," makaawa nito sa akin. "Kung may nagawa man siya sa 'yong kasalanan, ako na ang humihingi ng kapatawaran. Hindi ko siya napalaki nang maayos. God knows how much I tried to raise him as a decent person, pero ganoon talaga ang kinalabasan. Isang maligalig at lapastangan!"
"Norma," mahinahong tawag ni Mommy kay Mommy Norma. "Hayaan nating silang mag-asawa ang umayos ng kanilang pagsasama. Nandito lang tayo para gumabay sa kanila."
"Oh, no, Ethel!" Nanirik na naman ang mga mata ni Mommy Norma. "Hindi ko hahayaang magkahiwalay ulit ang Hugo ko at si Jillian kahit pa magpabalik-balik ako sa pagluhod sa simbahan ng Baclaran!"
Napasentido na lang si Mommy.
Hinarap ulit ako ni Mommy Norma. "Jillian, hija, alam ko na may pagkatarantado ang anak ko. At alam ko na hindi ka sanay sa ganoon. Pero sana buksan mo pa ang puso mo kahit sa huling pagkakataon. My son may be the type who is afraid and is not used to saying what he feels, but he shows it in his own way. Naiparamdam naman niya siguro sa 'yo kahit paano na mahal ka niya."
Hindi ako makakibo.
"I know, I'm sure, Jillian, my Hugo loves you very much. Maniwala ka sa akin kasi alam ko kung kailan nagmamahal ang talipandas na iyon. At iba iyong nakikita ko sa kanya ngayon. Ibang-iba. Nakita ko na siyang mabasag at sumuko, pero ngayon kahit durog na durog na siya, hindi ka pa rin niya sinusukuan, di ba?"
Kung hindi pa kinaladkad na ni Daddy Manuel si Mommy Norma ay hindi pa makakaalis ang mga ito.
Nang wala na ang mga magulang ni Hugo ay napabuntong-hininga na lang ako.
Ilang minuto lang nang tumingin ako sa labas ng bintana ng aking kuwarto ay natanaw ko na ulit ang parating na kotse. Just like the other nights, mukhang may magka-camping na naman magdamag sa labas ng gate namin.
DESSY WAS NOW IN SINGAPORE.
Who would have thought that the only friend I had since high school was capable of betraying me?
Hindi mo talaga masasabi ang ugali ng isang tao kahit gaano pa ito kalapit sa 'yo. Malaking pagkakamali ko ang magtiwala agad nang buo. Isa iyong masakit na aral para sa akin na habangbuhay kong babaunin.
Sa huling live ni Dessy pala sa Internet ay nagpaalam na nga ito sa mga fans nito na magpapahinga muna sa vlogging, kesyo masyado raw itong na-stressed at naapektuhan na raw ang mental health nito dahil sa nangyari. It was a good thing she'd be gone for a few months since I couldn't stand seeing her face again. Even on the Internet.
Hati naman ang ang fans at bashers ni Dessy. Even the vlogging community was divided. May mga naniniwala na nagawa talaga nito ang pangmomolestiya sa isang menor de edad na bata. Meron namang mga hindi naniniwala at nagtatanggol pa rin dito.
May pa-hashtag pa ang mga fans ni Dessy na #ProtectDessylicious. Her fans were blaming Hyde. Napakabata pa raw kasi nito para mag-experiment. Hina-hunting ng mga ito at inaalam kung ano ang itsura ng bata. At galit na galit din ang mga ito sa taong bumugbog kay Dessy, which was Hugo.
Napakatagal na pag-iisip at pag-aargumento namin ni Hugo hanggang sa mauwi kami sa isang mabigat na desisyon, ang hindi na ituloy ang kaso. Hindi na namin itinuloy ang demanda kay Dessy, pero may restraining order pa rin laban dito. Bawal itong lumapit, makipag-usap o kahit magpakita man lang kay Hyde.
As Hyde's parents, it was a hard decision for us to withdraw the lawsuit against Dessy. Napakasakit para sa amin, pero sa ngayon ay iniisip na lang namin ni Hugo na baka iyon ang pansamantalang makakabuti kay Hyde.
The noise of the scandal had already subsided. Natabunan na ang issue ng mga bagong issue sa social media. Ngayon ay hindi na gaanong inuungkat ng mga netizens kung sino ang bata na minolestiya ng isang sikat na vlogger. Nakabuti iyon dahil makakapasok na ulit sa school si Hyde sa susunod na schoolyear.
Sa kabilang banda, galit na galit naman sina Mommy Norma kung bakit hindi na makukulong si Dessy. Hindi naman namin magawang sabihin dito ang pinaka dahilan, maliban sa mada-drop na rin ang kasong attempted murder kay Hugo.
Out of everything, what worried us the most was Hyde. Kung okay lang ba ang bata? Nang malamang inurong na ang kaso sa ninang nito ay mas naging masigla na ito. Maliban doon ay wala naman na kaming napapansing kakaiba rito.
Tuloy pa rin ang counseling ni Hyde sa doktor nito. Mas cooperative ito ngayon. Babalik na rin ito sa school sa pasukan. Kahit paano ay napapanatag na rin kami. Araw-araw ko pa rin itong kinakausap at ipinaparamdam dito na narito lang ako kahit na anong mangyari.
FEW MORE DAYS PASSED.
I was now back at accepting work and art commissions. Going back to what I used to do was a part of my way to healing. And during my free time, I do meditation to sort out my thoughts.
Bumalik na rin ako sa pagpi-painting, bagay na madalas kong ginagawa noon kapag malungkot, masaya, o kahit bored lang ako. Ang art talaga ay isa sa mga takbuhan ko noon pa man. It was one of my passions.
There were still times when I still thought about Hugo, patuloy pa rin kasi ito sa pagpapadala sa akin ng bulaklak, prutas, o kung anu-anong pagkain. Halos araw-araw. Hindi pumapalya. Hindi na nga alam ni Mommy kung saan pa ilalagay ang mga dala niya dahil nagpatong-patong na. Iyong iba ay inuuwi na lang ng hipag ko sa Manila.
Ang tungkol naman sa ibinebentang bahay ay wala na akong balita. Ang huling narinig ko lang ay wala na roon si Ate Lina. Sabagay, ano pa ang gagawin ng katiwala roon.
Pumupunta pa rin si Hugo dito sa bahay, pero hindi ko na siya gaanong nahaharap dahil busy ako. Hindi rin naman niya ako hinahanap. It seemed that he didn't want to bother me. Kuntento na siya na at least ay nakakapunta siya rito. Si Hyde ang madalas niyang kausap. Hindi siya nagsasawa sa pagdalaw. Wala rin namang nagbabawal sa kanya.
Gusto si Hugo ni Mommy dahil kapag may problema sa bahay ay always present siya. Kapag may nasirang tubo sa lababo, siya ang gumagawa. Kahit magtagpas ng damo sa backyard, siya rin ang nagpipresinta. Ultimo tagahalo ni Mommy ng nilulutong soup, nakikipag-agawan pa siya.
Parang walang ibang ginagawa sa buhay si Hugo kundi ang magpunta lang dito. Kahit tuloy si Daddy ay mahal na mahal na siya. Dinadalhan niya ito ng wine at sa gabi ay nag-iinom sila. And they would talk about fundamental laws, equations, and principles all night.
Sa mga pagkakataong nandito siya, sumusulyap lang siya sa akin nang palihim, at yumuyuko agad kapag nahuhuli ko siya o nagtatama ang aming paningin.
Hindi rin nagtatangka si Hugo na lumapit sa akin. Mas marami pa siyang bonding moments sa pamilya ko. Minsan nga ay feeling ko parang nagkaroon ako ng isa pang kapatid. Iyong kapatid na epal at sipsip.
"MOMMY, DADDY WAS STARING AT THE STAIRS THE WHOLE TIME."
Napayuko ako Hyde nang marinig ang sinabi nito. Katatapos ko lang sa ginagawang art commission. Naging routine ko na ang ganito, na samahan sa kuwarto si Hyde tuwing gabi hanggang sa makatulog ito. This time ay hindi naman na umaangal ang bata, na ipinagpapasalamat ko.
"Mommy, we were playing chess, but his attention was somewhere else." Tumingala si Hyde sa akin at ngumisi. "I think Daddy was waiting for you to go down the stairs."
Kanina ay maghapon ako sa kuwarto dahil sa aking tinatapos na art commission.
"Mommy, Daddy is doing his best."
Napamata ako sa bata.
"He misses you."
"Hyde..."
"He was smiling but his smiles were not reaching his eyes. Hindi katulad po nang magkakasama pa po tayo, palaging nagtu-twinkle po iyong eyes niya. Kahit hindi kayo nakatingin, tinitingnan kayo ni Daddy, and he will smile happily."
Hindi ako makapagsalita sa pagkabigla.
"Daddy did something that's why you left him. And he's doing his best to win you back, Mommy. But, you can still take your time. I'm sure he doesn't want to pressure you either."
"Hyde, did he tell you—"
"Nope!" agad na sabi nito. "Don't worry, Mommy. Daddy didn't tell me anything, aside from how much the two of you love me so much. Na kahit ano pa ang mangyari sa inyo, hindi magbabago ang pagmamahal niyo sa akin at sa magiging baby sibling ko."
Ang tanging nagawa ko na lang ay mapanganga. All this time, alam nito talaga ang nangyayari. Mahirap talagang maglihim dito dahil malakas ang pakiramdam nito. Napaiwas ako ng tingin sa hiya sa bata.
"No pressure, Mommy," putol nito sa pagsasalita ko. Yumapos ang bata sa aking bewang. Nang muli kong tingnan ay nakapikit na habang nakangiti. "Daddy and I loves you. And it will never change no matter what decision you make in the end."
Napangiti ako na may luha sa mga mata. Ngayon ay aking masasabi na ang anak ko ay talagang nagbalik na....
HINDI AKO NAKATULOG NANG MAAYOS.
Nakapagpahinga ako nang matagal, buwan, pero ngayon ay naguguluhan na naman. Napapaisip. What affected me the most was my last conversation with Hyde last night.
I was enjoying the peace I was having, but as time passed and I had more time to contemplate, I realized that something was missing. Hindi ko lang mapangalanan kung ano nga ba.
Parang may mga bagay akong gustong mangyari at marinig. At sa tingin ko, sa pagkakataong ito ay handa na ako...
KINABUKASAN AY DUMATING SI HARRY. It had been a few weeks, and the tension had subsided, so I felt it was now the time to talk to him. Ayaw ko rin na habangbuhay na lang pagtaguan ang lalaki.
Una kong kinumusta at tinanong ang sitwasyon ng pamilya ni Harry. Napag-alaman ko kasi kay Momy na hindi na pala talaga siya umuuwi kina Tita Eva. Harry just shrugged his shoulders at my question.
"Thank you for seeing me today, Jill." Iba na ang dating ni Harry ngayon, wala na ang desperasyon sa mga mata niya. What I could see now in his eyes was sadness.
Nasa garden kami. Dito ko siya dinala para makausap. I wanted to hear what he had to say.
"I still have something to confess to you. But first, gusto kong humingi ng pasensiya dahil sa pagpunta na naman ni Mommy rito noong nakaraan."
Tumango ako. Wala naman na sa akin iyon.
"Mula nang ipanganak mo si Hyde, alam ko na agad kung kanino siya. Because I will never forget that man's face. I will never forget that person who stole your heart from me."
Napanganga ako.
"But you didn't hear anything from me. Ayaw kong pangunahan ka. Ginawa ko na lang ang lahat para mabawi ang puso mo. Dahil kasalanan ko naman kung bakit. Siya ang nasa tabi mo noong mga panahong hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko para sa 'yo."
Harry was right. Hugo was the one who was by my side when I was in pain because of my unrequited feelings for him.
"It was my fault, Jill. I know that even I regretted it so much, it was already too late. But don't get me wrong. Hindi ko iniisip na parusa ang pagkabuo ni Hyde. Minahal ko ang anak niyo bilang sariling anak ko. Lahat ng ipinakita kong pagmamahal sa bata ay totoo sa puso ko."
"And I am forever grateful for that, Harry." Kung may higit na ipinagpapasalamat ako sa kanya, iyon ay ang pagpapakita niya ng pagmamahal kay Hyde.
Yumuko siya. "Don't thank me yet. I still have a confession to make..."
Napamaang ako sa nakitang panginginig ng mga balikat niya. "Harry?"
"The main reason why I am here is to come clean..." Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha bago muling nagsalita. "Jill, nang gabing magkikita kayo ni Hugo sa plaza," simula niya.
Why did Harry know about that?
"Alam ko na nagkita kayo noon ni Hugo sa plaza sa huling pagkakataon. Alam ko dahil sinigurado ko na iyon na nga ang huling pagkikita niyo." Nang mag-angat ng paningin si Harry sa akin ay puno na ng luha ang mga mata niya. "I'm sorry..."
"W-what are you saying, Harry?"
"Nang gabing may mangyari sa 'yo na pinapunta mo ako sa Buenavista noon para iligtas ka, nahuli na ako, di ba? Kababalik niya lang at siya ang naabutan ko roon. I was shocked and at the same time, I was scared. I was so scared because I already suspected who he was in your life. And I hated the fact that you got close to that man because of me, dahil hindi kita noon kayang pangatawanan."
Hindi ko makuhang magsalita para hindian ang sinasabi ni Harry.
"I was blinded by jealousy and anger. Selos sa kanya at galit sa sarili ko." Inabot niya ang kamay ko. "Jillian, I'm sorry. Sinabi ko sa kanya noon na nagkabalikan na tayo. I also told him to stay away from you."
Napahumindig ako. "Harry, why did you..."
"Nakita ko iyong sakit sa mga mata niya, pero ngumisi lang siya. Nang umalis na siya, hindi pa rin ako kuntento na hindi na ulit kayo mag-uusap na dalawa. Kinuha ko ang phone mo sa kuya mo para kunin ang number niya."
Harry had Hugo's number in the past? Nagkausap pa sila pagkatapos iyon?!
"The night before you and Hugo met, I called him. Sakto dahil magkikita pala kayo. Nagpanggap ako na alam ko na magkikita nga kayo, at naniwala siya kasi alam niya nagkabalikan na nga tayo. I told him that you'd only meet him to say goodbye, to end your friendship with him, dahil isa siya sa mga pagkakamali na nagawa mo at gusto mo nang ibaon sa limot. And he understood."
Napahingal ako sa nalaman. Hindi ako makapaniwala na ang Harry na kilala ko ay magagawa ang ganoong bagay.
Lumuhod siya sa harapan ko. "Alam ko na wala nang magagawa pa ang paghingi ko ng tawad. Pero nagawa ko iyon dahil mahal kita. Dahil hindi ko matanggap na ganoon-ganoon na lang ay mawawala ka..."
Nagpunas ako ng luha at nagbato ng paningin sa kawalan. Nasaktan kaming lahat sa pagsisinungaling ni Harry, pero hindi ko rin maisip kung ano ang kalalabasan kung sakali mang nasabi ko nga agad kay Hugo ang tungkol kay Hyde. It might have ruined his future. His life...
"Hanggang nasa akin ka na ulit, Jill." Harry's voice broke. "Pero akala ko lang iyon. Dahil sa tuwing tumititig ka sa mukha ni Hyde, may mga pagkakataon na nakikita ko ang pagbabago ng emosyon sa mga mata mo."
Napabalik ako ng tingin kay Harry. What emotion was he saying? I was focused on Hyde the whole time and not on whatever feelings I had for Hugo!
Pinalaya ko si Hugo nang walang hinanakit. May lungkot, oo, pero wala kahit katiting na sama ng loob. It was my decision to move on and forget about the past, and I did.
"Harry, mula nang umalis ako sa General Trias, pinilit ko nang makalimutan si Hugo, at nagawa ko. I've been fine for years with just my son and me, but you've never given up on me. And the moment I accepted you, I knew I was ready to start over with you again!"
"So, you were not aware?"
"W-what was it that I was not aware of?" I asked nervously.
"Not once, Jill. Not once did you call me by his name."
My eyes widened in disbelief. "Y-you're lying!"
"On our first date. In Dasma, we were on our way home when we passed the road where there was a fishball stand. Bigla kang nagpahinto at nagpabili."
Nagsimula akong manginig. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
"I was happy to buy you anything you like, Jill. But then you called me by his name. You called me 'Hugo'." Muli siyang ngumiti, ngiti na mapait. "Akala ko ay nagkamali ka lang kaya hindi ko gaanong inintindi. Until it happened again. Hindi mo natatandaan dahil hindi mo alam. Pero maraming beses."
Napailing ako habang umiiyak. Hindi ko matanggap na nasaktan ko siya nang ganoon habang wala akong kaalam-alam. Nang tanggapin ko siya ulit, alam ko sa sarili ko na bumalik na ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya bakit ganito? Bakit hindi ko namalayan na nakakasingit pa rin pala sa mga panahong iyon si Hugo?!
"Noong nagpabili ka sa akin ng mineral water, nagulat ako dahil nang magpasalamat ka ay pangalan ni Hugo ang binanggit mo. Even when I kissed you once, my kiss didn't deepen because you suddenly uttered his name."
"Oh, my God... I-I'm sorry, Harry... But believe me, I loved you. It may not be as intense as before, but I really loved you. I really did. And I dreamed of a future with you in it." Napailing muli ako. "Harry, I'm sorry... I'm so sorry..."
"I know, I know. But you don't have to ask for forgiveness from me. Ako dapat iyon. This is all my fault. Hyde grew up without his real dad by his side. I'm sorry dahil hindi ako ang tunay niyang ama. And I'm sorry dahil hindi rin ako nagtagumpay na bawiin ang puso mo dahil duwag ako. I really don't deserve you..."
Napaupo ako sa swing habang luhaan ako. "B-but why didn't you tell me? Bakit hinayaan mo lang? Bakit tinanggap mo lang?!"
Lumapit siya at yumukod pa-squat para magpantay ang mga mukha namin. Hinaplos niya ang ulo ko. "Because I don't want you to be sad. I want you to be always happy, Jill. My pretty Jill. My Baby Jill."
Napahikbi ako. Parang bumalik sa aking paningin ang batang Harry noon. Ang pinsan ko na palaging umaalo sa akin kapag malungkot ako.
"Baby Jill, 'wag mong sisihin ang sarili mo kung bakit hindi na ako umuuwi sa amin. Desisyon ko iyon. Siguro dapat nga noon ko pa ginawa, para hindi ka na rin nadamay sa obsesyon ni Mommy sa akin. I'm sorry, masyadong duwag itong Kuya Harry mo."
Lalo akong napahikbi. Ang sakit-sakit na ng lalamunan ko sa pag-iyak.
"But I'm brave now, huh?" Pinisil niya ang ilong ko. "I will live my life the way I want it. I will still love and care for my mom, but I will not tolerate her anymore. I want her to know her limitations as my mother. Para naman hindi na makawawa iyong susunod kong magiging girlfriend."
Ang humihikbi kong mga labi ay ginuhitan ng isang ngiti.
"Mahirap na kasi, baka maiwan na naman ako. Kaya aayusin ko na ang buhay ko. You will cheer for me, right, Jill?"
Luhaang tumango ako.
Hinalikan niya ako sa noo saka tumayo na siya. "I should go now. Baka gabihin na ako pauwi sa Manila. Take care, all right? Alagaan mo nang mabuti ang mga pamangkin ko."
Tumango muli ako. Nakangiti na pero luhaan pa rin.
"And..." Lumingon siya sa akin. Nakangiti rin kahit pulang-pula sa pag-iyak ang mga mata. "Kapag nagpakasal ulit kayo ni Hugo, please 'wag mo naman na sana akong kalimutang padalhan ng invitation. I promise that this time, pupunta na ako."
Napatayo na ako at tinakbo ko siya nang mahigpit na yakap. Gumanti naman siya at hinalikan niya nang masuyo ang ulo ko.
"I love you, Jill. I want you to be happy." Nang bitiwan niya na ako ay punong-puno ako ng luha. "That's my only wish."
Nang umalis na si Harry ay napaupo ako sa damuhan. Lumuluha ako pero magaan na ang dibdib ko.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top