Chapter 64

UNKNOWN NUMBER:


You know who's this, Jill. Your one and only friend. The only friend you have in the world and the only person who could put up with you.



Katatapos lang ng dinner. Katatapos ko lang maghugas ng mga plato nang makatanggap ako ng message sa hindi naka-save sa akin na number.


The next thing I received were multimedia messages. They were photos of me and Dessy in high school. Some memories. Mga malalabong photos kung saan kinuha gamit ang lumang phone niya noon. Nakangiti ito habang ako ay seryoso sa tabi niya. Maraming photos namin sa iba't ibang parte ng school at iba't ibang pagkakataon. May photos din kami sa mga Christmas party, foundation day, JS Prom, at maging noong graduation night. Ito lang ang kasama ko. Ito lang palagi.



Sumunod na pinadala ni Dessy ay mga photos noong panahong nakapanganak na ako kay Hyde. May kasama iyong text message.


Unknown Number:

Despite everything, you turned your back on me. You didn't even give me a chance to explain. You have been blinded by your anger and the people around you who are inciting you.


Pumikit ako at bumalik sa akin ang mga panahong nagkita kami ulit matapos kong pagtaguan ang lahat. Matapos kong mag-deactivate ng lahat ng aking social media noon.


Si Dessy lang ang nakakaalam sa bahay namin dito sa Tagaytay. She was also the only friend who had come to see me since then. Nagulat ito nang malamang may anak na ako, pero hindi ako nito sinumbatan, hinusgahan, maski inusisa man lang. And that was one of the things I appreciated about her.


Dessy, despite my aloofness and coldness at the time, was like Harry who never gave up on me until I let her back into my life.


Kahit magkaiba kami ng university, hindi naging hadlang iyon para kumustahin ako nito, dalawin, at kuwentuhin sa mga panahong malungkot ako. Hanggang sa ito na ang naging nag-iisang ninang ni Hyde. Natabunan na lang ng pagiging makulit niya ang mga bagay na hindi ko gusto sa kanya. Her being a good friend to me overshadowed her dirty humor, rebelliousness, and her annoying antics in life.



Nag-beep muli ang phone ko.


Unknown Number:

Jill, before you hate me, I hope you'll give me a chance to explain my side. Please, let us meet. Iyong tayo lang... or you can bring Hyde with you.


May mga kasunod pa na hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa. I couldn't blame Dessy for thinking I was a big fool.


Totoo na sa academics lang ako may ibubuga. Dahil ibinuhos ko ang aking sarili sa pag-aaral nang matindi, dahil marami akong insecurities na ang aking naiisip na makakatakip noon ay ang matataas kong grades.


I was also too sheltered in life, thus it was true that I lacked knowledge of the real world. Na sa tunay na buhay ay napakahina ko. Mabilis akong mapaniwala, mabilis magpatawad, at madaling matukso. Pero may nakakalimutan na isang mahalagang bagay si Dessy... Iyon ay ang aking pagiging isang ina.



Before deleting the last message from Dessy, I replied to her. Deretso, walang kurap, at ang mga daliri sa pagtipa ay palya.


Me:

You told me before that I am only good in school and not smart in real life. I just realized that you were right. I was gullible because of all the people who approached me and tried to get close to me, you were the one I chose to be friends with. And now, I deeply regret it.


After sending that, my phone immediately rang. Blangko ang mga mata na sinagot ko ito.


[ How ungrateful of you, Jillian. Kung hindi dahil sa pagtatiyaga ko sa 'yo, tatanda kang hindi nakakaranas ng kaibigan! ]


May hingal pa sa boses ni Dessy habang nagsasalita. Kalmado lang naman ako habang nakikinig sa kanya.


[ Sino ba ang ipinagmamalaki mo? Si Hugo? Inanakan ka, iniwang mag-isa kahit buntis ka, at ni walang sustento sa anak niyo, pero nang bumalik ay tinanggap mo basta-basta?! Ganoon ka katanga?! Sigurado ako, wala siyang magandang gagawin sa buhay mo! Sasaktan ka lang niya ulit! ]


"At least he will not hurt my son."


Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. [ Look, Jill. I know where are you coming from. About Hyde and I, it was not like you think it was. Let us meet and I will explain my side— ]


"You got it wrong, Dessy," I calmly cut her off. "I don't want to hear anything from you. I just answered your call to say that you should refrain from getting your hopes up because the naive and gullible Jillian you once knew is no longer here."


Ilang minuto rin na natigilan si Dessy. [ Wow! Are you serious? After all, you're really going to abandon me?! Fuck you! ]


"Are you done?" mahinahon na tanong ko. "Goodbye, Dessy. I hope you pray that our paths do not cross again, for I will forget all my manners just to break your face."


Napasinghap siya sa kabilang linya.


Hindi makukulong si Dessy. Kahit gusto ko, kahit gusto ni Hugo, at kahit lahat sa pamilya namin ay may gusto, hindi namin magagawa. Hindi lang dahil sa counter attack nito, kundi dahil sa matigas na pagtutol ni Hyde. Hanggang hindi pa humuhupa ang sitwasyon, wala kaming magagawa.


At dahil hindi pupuwede ang batas sa ngayon, hindi ko maipapangako na mahaharap ko si Dessy nang mahinahon. Hindi ko nakakalimutan na hindi puwedeng puruhan si Dessy at isinasaalang-alang ko rin ang aking sarili, dahil baka hikain ako. So maybe five slaps and five punches would do.


"Oh, another thing, Dessy," kalmadong habol ko. "Fuck you, too."


After that, I turned of my phone and removed my SIM card. Ngayon, kung may balak pa si Dessy na contact-in ako, bahala itong masiraan ng ulo sa pag-alam kung ano man ang magiging bagong number ko. Ibinulsa ko na ang phone matapos itapon ang card. Doon sa basurahan.



RED ROSES.


Meron na naman ulit kinabukasan. Sumisipol na lang ang hipag ko nang maparaan ako sa kanyang harapan. Nakahilata siya sa sofa habang ang tatlong taong gulang na anak ay dumedede sa kanya nang padapa.


Pagpasok ni Kuya Jordan sa sala ay napatingin agad ito sa dalawa. "Mara, didn't I tell you that now that you're a big girl, you should be taking the bottle?"


Nagtaklob lang ng throwpillow ang mag-ina sa sofa. Napaungol na lang sa pagsuko ang kuya ko.


Iniwan ko na silang pamilya para dumeretso sa kusina. Ang bouquest of red roses ay dala-dala ko. Mahirap na kasi baka laruin ni Mara mamaya, at magkalat pa sa sala.


Nang aking ilapag sa island table ang bulaklak ay parang tukso na nakikita ko ang mukha ng lalaking nagpadala ng mga ito rito.


Kahapon ay ang unang pagtapak muli ni Hugo rito sa bahay. Unang beses na nagpakita siya ulit sa akin. Saglit ko lang ulit siyang nakita at saglit lang na nakausap. Saglit na saglit lang pero bakit ang epekto ay sumisipa hanggang sa mga oras na ito?


And he said that he would come back...


No. I should snap out of it. We were done. Kahit pa nagpaliwanag siya, hindi niyon basta-basta mababawi ang mga sakit na hindi niya sinadyang maparamdam sa akin.


I turned to the door when Mommy entered the kitchen. She was holding a big fruit basket with a ribbon design on the handle. "Jill, this is for you."


Maliit akong ngumiti kay Mommy. Hindi ko na kailangang magtanong. Iisang tao lang ang madalas na magpadala ng mga prutas sa akin.


My gaze was drawn back to the red roses in front of me, and a tear glittered in the corner of my eye.



I WAS NOT TOUGH.


Sinisikap ko lang, kasi kailangan. Kasi iyon ang gusto kong mangyari. At ayaw kong maging mahina ulit. Ayaw ko ring magmadali. As I said before, I wanted to take my time.


But why was I staring at the wall clock right now? Aligaga ako. Dahil ba lumalaki na ang tiyan ko kaya ako ganito? Kaya ba naguguluhan na naman ako dahil apektado ako ng pregnancy hormones? Mahirap nga siguro talaga maintindihan ang mga buntis. Yeah, maybe that was really the reason and nothing else.


Nangalumbaba ako sa mesa. Katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan para sa tanghalian. Si Hyde naman ay kasama ni Mara sa kuwarto nina Kuya Jordan. Nire-wrestling ito ng makulit na pinsan.


Speaking of Hyde. Bakit kaya hindi naman ako ganito dati noong ito ang ipinagbubuntis ko? Ang bait-bait ni Hyde sa tiyan ko dati. Para bang nakakaunawa ito na hindi ito puwedeng mag-inarte noon dahil siguro alam nitong wala itong daddy.


And this baby inside me now... Walang pinipiling oras kung kailan mag-iinarte. Para pang hindi talaga titigil hanggang hindi nakukuha ang ipinagliligalig.


Napatingin ako sa basket ng prutas na nasa island table. Iyon iyong ipinadala ni Hugo kasunod ang mga bulaklak kahapon. Kaharap ko iyon ngayon. At bakit kaya ganoon ang itsura ng mga prutas? Parang ang sasarap. Bigla tuloy naghurumentado ang tiyan ko kahit katatapos pa lang ng lunch.


Sa sumunod na mga minuto ay namalayan ko na lang na ngumangatngat na ako ng mansanas at ubas.



SA KABUSUGAN ay nakatulog ako bandang 1:00 p.m. Nang magising ay gutom na naman. Ano bang masarap meryendahin? Teka, anong oras na nga ba ngayon?


"Sissy, may mga cupcakes ka sa kusina," ani Carlyn pagbaba ko sa sala. Karga-karga nito ang anak na ang dungis-dungis. Puno ng chocolates ang bibig.


"Cupcakes?" Naalala ko na aking nabanggit kay Hyde na parang ang sarap ng cupcakes. Sinabi kaya ng bata kay Kuya Jordan kaya bumili ngayon?


"Oo, iba-ibang flavor. Kaya lang bawas na. Sorry, hindi ko kasi alam na nakapuslit iyong magpinsan sa kusina kanina. Naabutan ko na lang, nangalahati na nila iyong laman ng box."


Ah, kaya pala puno ng chocolates ang bibig at pisngi ni Mara. Ngumiti ako kay Carlyn. "Okay lang. Si Kuya Jordan naman ang bumili."


Napasipol lang naman ang hipag ko imbes na sumagot.


Pagpunta ko sa kusina ay naabutan ko pa na nanginginain ng cupcakes si Hyde. Napabungisngis ito nang makita ako. "Good afternoon, Mommy!"


"Good afternoon, my sweet boy." Hinalikan ko ito sa noo. "Sorry, nakaidlip si Mommy."


"It's okay po. Nakaidlip din po ako sa room nina Mara." Inalok ako nito ng cupcakes na hindi ko naman hinindian. I had been craving for cupcakes since yesterday.


"Mommy, masarap po ba ang cupcakes?" tanong ni Hyde sa akin. Wala itong kakurap-kurap na para bang napakahalaga ng isasagot ko sa kanya.


"Yes, baby. Lahat ay gusto ko."


Nangislap ang mga mata nito. "Noted, Mommy!" Pagkasabi'y nagmamadali na itong nagpaalam.


Nagtataka na nakahabol na lang naman ako ng tingin sa bata. Nang wala na ito, muli kong nilantakan ang natitirang cupcake sa box. Ah, cravings solved!



QUARTER TO 4:00 PM. I kept looking at the clock as I taught Hyde to draw on the iPad.


I couldn't help but think of Hugo. He said he would come back. Ganitong oras siya kasi pumunta kahapon. Hindi sa hinihintay ko siya, nakakairita lang na nagsabi siyang pupunta, pero mukhang hindi naman pala.


Ang inaalala ko lang naman ay si Hyde. Baka kasi nami-miss na siya ng bata. Syempre, gusto ko rin namang makita siya ng anak niya.


Ah, I should stop thinking about him anymore. May communication silang mag-ama. They could meet whenever or wherever. Hindi na dapat ako makialam pa.


Titigilan ko na ang pag-iisip nang biglang may pumitik mula sa loob ng aking tiyan. It seemed like someone suddenly got angry with my decision. Naiiling na nahaplos ko na lamang iyon.



AROUND 5:00 PM. Paalis ang pamilya ni Kuya Jordan. Pupunta ang mga ito sa Navarro, General Trias. May bahay rin doon ang parents ni Carlyn, at nandoon ang mga ito ngayon.


"Mommy, puwede po ba akong sumama kina Tita Carlyn?" tanong ni Hyde sa akin. Tumigil na ito sa pagpapaturo ng pagdo-drawing sa akin.


Kanina pa rin ipinagpapaalam nina Kuya Jordan si Hyde. Nagwawala rin kasi si Mara, gusto na isama ang pinsan sa pag-alis.


"Mommy, please?" kalabit ni Hyde sa akin. "I wanna go with them to Navarro. I want to play PlayStation with my friends, Levi and Vien!"


May mga kaibigan nga si Hyde doon sa General Trias. Ang isa ay nakababatang half-brother ni Carlyn. Mababait na mga bata ang mga iyon kahit pa medyo pilyo.


"Please, Mommy!" Halos magmakaawa na si Hyde sa akin. "I promise that I will behave! Saka po Tita Carlyn will watch over me! Takot po ako sa kanya kaya hindi po ako magpapasaway!"


"Alright..." sumusukong sagot ko. Pumayag na ako para malibang din si Hyde. At Ipinaghanda ko ito ng baong bihisang damit at kinausap muna nang masinsinan. "'Wag kang lalabas sa bahay nina Tita Carlyn mo, ha? Maglaro lang kayo roon, okay?" 


Sandamakmak ang bilin ko rito. 


"Tatawagan kita palagi sa landline nina Tita Carlyn mo."


Inihatid ko na ang mga ito sa garahe. Sa driver's naroon si Kuya Jordan, sa passenger's seat ay si Carlyn, at sa backseat ay ang magpinsan. Tuwang-tuwa si Mara habang nakayapos ang malulusog nitong braso ang leeg ni Hyde.


"Bye, Mommy!" paalam ni Hyde sa akin. Wala itong reklamo kahit parang koala bear na halos nakapulupot dito ang tatlong taong gulang na batang babae. Gustong-gusto nito ang makulit na pinsan.


Kinawayan ko si Mara. "Hi, baby girl! Please, take care of your Kuya Hyde for me, okay?"


"Yesh!" matinis ang maliit na boses na sagot nito. Nag-thumbs pa up sa akin. "Pretty Mara will take care of her toy!"


Malumanay na sinaway naman ito ni Kuya Jordan, "Mara, your cousin is not a toy."


Kandailing naman si Mara. Tumalbog tulog ang bilugan at mamula-mula nitong pisngi. "No!" tili nito. "Ha-hy is my toy! He's my horse!!!"


Hinawakan ako ni Carlyn sa kamay mula sa bintana ng passenger seat. "Kami na ang bahala kay Hyde, Jill. 'Wag kang mag-alala, hindi namin siya pababayaan."


"Salamat, Carlyn." Ngumiti ako sa kanya. Alam ko naman na hindi nila pababayaan si Hyde. Ipinagbukas ko na sila ng gate.


Nang makaalis na ang mga ito bumalik na ako sa loob. Kami lang dalawa ni Mommy dahil may inaasikaso si Daddy sa apartment namin sa Parañaque.


Tumutulong ako kay Mommy sa paghihiwa ng rekados para sa ulam namin sa dinner nang tumunog ang doorbell nang sunod-sunod.


Mommy went outside to find out who was it. Tiyak ako na hindi iyon si Hugo. Dahil kahit may pagkamaligalig ay hindi siya bastos para mag-doorbell nang ganoong sunod-sunod.


Napalabas ako sa sala nang marinig ang pamilyar na galit na boses. Tama nga ako kung sino ang dumating. Ang nakatatandang kapatid ni Mommy na stepmother ni Harry—si Tita Eva!


Ang payat-payat na ng babae ngayon, halos maglabasan ang litid sa leeg habang dinuduro si Mommy. "Your daughter is already married, Ethel! But why is she still bothering my son?!"


"Ate, hindi ginugulo ni Jillian si Harry," mahinang sagot ni Mommy. "Ate, nangumusta lang naman iyong bata dahil alam na galing sa ospital si Jillian—"


"Cut the bullshit, Ethel!" gigil na putol ni Tita Eva sa sinasabi ni Mommy. "Ako nga na may sakit, hindi madalaw ni Harry sa ospital, pero iyong anak mong nagpapapansin lang, dinalaw niya?!"


"Ate, please. Hindi puwedeng ma-stress si Jillian sa kondisyon niya..."


"Hindi puwede ma-stress? Pero ako, puwede?! My God, Ethelinda! Ilang taon ng puro stress ang dala ni Jillian sa buhay ko! We were all fine before your daughter thought and did something immoral!"


Nang makita ako ni Tita Eva na nakatayo sa pinto ng kusina ay sa akin naman ito bumaling.


"You're married now, aren't you? Pero bakit wala ka sa poder ng asawa mo? Bakit nandito ka ulit?! What? Nagpapapansin ka na naman kay Harry?!"


Nagpakakalmado ako kahit nanginginig na ako. "Tita, Harry came here to visit but I didn't talk to him because I knew this would happen."


To be honest, I was already tired of Tita Eva. Gusto ko na ring sumabog, pero hindi kasi ako ganoong tao na lalaban sa kamaganak. And I knew that Mommy wouldn't want me to fight with someone older than me.


Pero napupuno rin kahit ang taong may pinakamahabang pasensiya. Hindi ko na kayang makita at marinig na binabastos si Mommy sa aking harapan, at sa sarili naming tahanan.


"Jillian, are you still not happy with your life? What else do you want?!" sigaw ni Tita Eva sa akin habang dinuduro ako. "Sumosobra na, Jillian. Sobra na!"


Akma na akong sasagot sa kanya nang mula sa pinto ay isang matangkad na lalaki ang malamig na nagsalita, "If it's too much for you, then stop breathing."


Tigagal kaming lahat na napatingin doon. Ang lalaki ay kasing lamig ng boses ang mga mata na nakatingin kay Tita Eva.


"Hugo..." gulat na anas ko sa pangalan niya.


Naglakad siya papasok at humarang sa pagitan namin ni Tita Eva. Inilagay niya ako sa likuran niya.


"A-and who are you?!" Napatingala si Tita Eva sa kanya. "How dare you talk to me that way?!"


"I'll talk to you the way I want and there's nothing you can do."


Napatanga si Tita Eva kay Hugo habang si Mommy ay napahawak sa sariling bibig.


Although Hugo's voice was calm, you could feel the weight of his words. "With all due respect, Ma'am. Marangal ang mga magulang ko, pati ang mga magulang ng asawa ko, pero ako, tarantado. Pumapatol ho ako sa mas matanda sa akin, lalo sa matatandang walang pinagkatandaan."


"Bastos kang bata ka!" Akmang sasampalin ni Tita Eva si Hugo at handa si Hugo na tanggapin ang sampal, pero sinalo iyon ng kamay ni Mommy.


Gulat na napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata kay Tita Eva. "Ikaw ang bastos, Ate Eva! Nasa pamamahay kita, wala kang karapatan na saktan ang mga anak ko!"


Windang naman si Tita Eva dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nasagot ito ni Mommy. Napatingala ulit ito kay Hugo na ngayon ay nakangisi na rito.


"I will never forget this, Ethel," galit at umiiling na sabi ni Tita Eva. "Tayo na lang ang magkapatid sa mundo, pero ikaw na ang tumapos ng anumang ugnayan natin!"


"You're wrong, Ate," matabang na sabi ni Mommy. "Ikaw ang tumapos ng ugnayan natin at hindi ako. Ngayon lang ako napuno at napagod sa 'yo, pero ikaw ay matagal nang sumuko sa akin bilang nag-iisang kapatid mo sa mundo."


Nangilid ang mga luha ni Tita Eva.


Mommy continued, "You know that I love you, Ate Eva. But sorry not sorry because I love my children more. Kahit nag-iisa kitang kapatid ay kakayanin na kitang mawala, kung kapalit naman ay katahimikan ng aking pamilya."


Padabog na lumayas si Tita Eva. Nang wala na ito ay nagulat ako dahil imbes na ang inaasahan ko na iiyak si Mommy ay kabaliktaran ang nangyari. Mommy was smiling peacefully as if a thorn had been finally pulled out of her chest.


"Sorry, Mommy Ethel," hingi ng tawad ni Hugo kay Mommy. "Hindi ko kasi kayang makinig lang habang pinagsasalitaan niya kayo ni Jillian."


Nakangiti na tumango si Mommy kay Hugo. "Salamat, anak. Dahil sa 'yo, nakakuha ako ng lakas para sagutin ang ate ko. And I'm sorry, you got involved in our mess."


Umiling si Hugo. "Pamilya tayo, Mommy Ethel. Kahit sa gera pa, kung isasama niyo ako, sasama ako."


Mahinang natawa si Mommy at niyakap si Hugo. "Alright, Hugo. Iwan ko muna kayo. Mag-usap muna kayong mag-asawa."


Mommy also hugged me before she returned to the kitchen. Nang dalawa na lang kami ni Hugo ay kusa siyang naupo sa sofa.


Hugo patted his side as if telling me to sit down too. Nakatingala siya sa akin habang naghihintay. Wala na iyong kaninang malamig na aura, ngayon ay para na siyang maamong aso.


Hindi naman ako tuminag. Nakatingin lang ako sa kanya. Nang mainip ay hinuli niya ang aking pulso hanggang sa mapaupo ako sa katabi niya. "Baka lang kasi mangalay si baby."


Masama ang tingin na lumayo ako sa kanya. "Bakit nandito ka?"


"I told you, I will come back."


Tumiim ang mga labi ko. "Yes, you said that. Pero magagabi na, malay ko ba kung pupunta ka pa rin."


Matamis siyang ngumiti habang nakasilip sa mukha ko. "Did you wait for me?"


Napamulagat ako sa kanya. "Excuse me?!"


"Did you miss me?"


Napalunok ako dahil naging masuyo na ang mga titig niya.


"Did you miss me, Jillian? Because I missed you."


Nag-iwas ako ng tingin. "W-what are you saying, Hugo? We're through—"


"I missed you, Jillian. I miss you no matter what I do. I even miss you when I'm sleeping."


Napamulagat ako sa kanya. "H-hiwalay na tayo. Dahil na lang kay Hyde at sa baby kaya—"


"Did I agree?"


"Hugo." Napabalik ang tingin ko sa kanya. Seryoso na ulit ang mga mata niya.


"Jillian, sinabi ko na sa 'yo, hindi ako susuko. Hindi ako papayag na aalisin mo ang apelyido ko sa pangalan mo."


Tulala ako sa kanya.


Tumayo na siya. Namulsa siya sa suot na jeans. "Okay na ako. Nakita na kita."


Napatayo na rin ako. Nasa pinto na siya nang mahanap ko ang aking nanginginig na boses. "H-how long are you going to keep doing this, Hugo?"


Hindi siya lumingon pero sinagot niya ang tanong ko. "Until you come back to me." Pagkatapos ay lumabas na siya ng pinto.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top