Chapter 62
HUGO WAS STILL OUTSIDE THE HOSPITAL ROOM.
Matapos naming mag-usap ay hindi na siya nagpakita. Nandoon lang siya sa labas. Umuuwi lang siya pag maliligo o kung may kukunin sa bahay, pero bumabalik siya agad.
Pangalawang araw na, ganoon pa rin ang routine niya. Nakatambay lang sa labas at doon natutulog sa upuan o kaya ay nakatalungko sa sahig malapit sa pinto. Pumapasok lang siya rito sa kuwarto kapag alam niyang tulog ako. Hindi niya tinatangka na pumasok kapag gising ako.
Ang bilin ng doktor ay bawal akong ma-stress. That was the reason why Hugo wasn't showing himself to me. He didn't want me to be stressed.
Pati ang mga tao sa paligid ko ay maingat sa pagkausap sa akin. Gusto man nilang mag-usisa sa nangyayari sa amin ni Hugo ay hindi nila puwedeng gawin.
Si Mommy Norma naman ay walang magawa kahit gusto akong komprontahin. Ibinubuhos na lang nito ang frustration sa anak. Pero kahit anong usisa nito kay Hugo ay hindi sumasagot ang lalaki.
Katulad ngayon, nauulinigan ko na naman ang pigil na galit na boses ni Mommy Norma mula sa labas. "Hugo, ano ba talaga ang nangyayari sa inyong mag-asawa?!"
Nakikinita ko na ito na hinahampas at kinukuwelyuhan si Hugo.
"Hugo, ano na ba talaga ang kasalanang ginawa mo? Bakit sa kanila uuwi ngayon si Jillian?! Sumagot kang bata ka!"
Sa lahat ay walang sagot si Hugo. Tinatanggap lang niya ang lahat ng sigaw, hampas, at sabunot ni Mommy Norma sa kanya.
I felt sorry for Mommy Norma. Napakabuti nito sa akin at kay Hyde. Ang tanging gusto lamang naman ng ginang ay isang pamilya para sa anak. But I was sorry because right now, I refused to prioritize other people's feelings over my own.
Sana maunawaan nila na hindi muna ngayon. Na ako muna sana ngayon. Kasi mas kailangan ko ngayon.
At na-appreciate ko na nauunawaan o pinili ni Hugo na unawain ang hiling ko.
HAPON. Iminulat ko ang aking mga mata dahil napapagod na akong magpanggap na natutulog. Ang sumalubong agad sa aking paningin ay ang napakaraming bulaklak sa paligid ng private hospital room na kinaroroonan ko.
Iilan lang ang bulaklak na galing sa mga bisita, halos karamihan ay galing kay Hugo. Wala man siya sa harapan ko, hindi naman siya pumapalya sa pagdadala ng mga bulaklak sa araw-araw. He had five different rose bouquets sent twice everyday. It was as if he was aiming to turn this room into a rose garden.
Hindi lang mga bulaklak kundi pati pagkain din pala ay nagdadala si Hugo. Dinadala niya sa tuwing natutulog ako. Pag alam niyang magigising na ako ay lumalabas na siya ng kuwarto. Nalalaman ko lang ang lahat kay Mommy.
I let out a deep sigh. Today was my third day in the hospital, and later I would finally be discharged. Mula kagabi ay hindi na raw umalis si Hugo sa labas. Tulala lang daw ang lalaki roon sabi ni Mommy.
Bumukas ang pinto ng hospital room. Pumasok mula roon sina Kuya Jordan na karga ang anak na si Mara, kasunod ang asawa niyang si Carlyn, at si Hyde. Nanguna si Hyde palapit sa akin.
"Mommy, is that true that you have a baby now in your tummy?" Maaliwalas ang mukha ng batang lalaki. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa amin ni Hugo. Walang nagsasabi rito. Maingat ang lahat.
Naupo ako sa aking hospital bed. "Yes, Hyde. You're now going to be a kuya."
Lumawak ang ngiti ni Hyde. Nagningning ang kulay tansong mga mata. "Is is a baby sister or a baby brother?"
"I'm baby shister!" matabil na sabat ng malusog na batang babae na karga-karga ni Kuya Jordan, ang three-year old na si Mara.
Napangiti naman si Kuya Jordan sa anak. "You want a sibling too, Mara?"
Hindi nakaligtas sa aking mga mata nang kurutin ni Carlyn sa tagiliran ang asawa. "Try natin 'yan pag may sarili na tayong bahay, ha!"
Pasimpleng napangiwi na lang ang kuya ko. Nilambing na lang ang kargang malusog na anak. "Soon, Mara. Kapag tapos na tayo sa lupa at nakapagpatayo na tayo ng house, we'll give you a sibling."
Napanguso naman ang batang babae. "Swibling?" ulit nito na nakanguso. "Ish it mowre delicious than a dumpling?!"
Hindi ko na napigilan ang paghagikhik. Doon tumingin sa akin si Carlyn. "Anyway, Mara. We are here for your tita, kaya 'wag ka muna riyang pabida."
Umusog sina Kuya Jordan nang lapitan ako ni Carlyn. Nagpababa na kasi si Mara para magbutingting sa mga bulaklak na nasa kuwarto.
"How are you, Jill?" my sister in law asked me. Ramdam ko na may iba pa siyang gustong itanong, pero nag-iingat siya. Alam niya na sensitibo ngayon ang kalagayan ko.
"Getting better. Salamat sa pagdalaw niyo nina kuya."
"I-priority mo muna ang kalusugan mo, sissy. Hayaan mo na muna ang ibang bagay. You will have another child; it's been a long time since your last one, so it'll probably feel like the first time."
Si Hyde na nakayakap sa aking bewang ay hinagkan ko sa noo. Yes, a long time had passed since my first pregnancy. Hindi na gaanong maalala ng aking isip at katawan ang pakiramdam, pero hindi iyon nakalimutan ng puso ko kahit kailan.
"I love you, Hyde," sabi ko sa bata. "And I miss you, my first baby."
Bumungisngis naman ito at sumubsob sa aking tiyan. Mayamaya ay tumingala sa akin. "Mommy, is Daddy sick?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Nasa labas nga pala si Hugo. Siguradong nagkita silang mag-ama.
"Because Daddy's eyes are always gloomy and he seems to have lost weight too. Mommy, I asked Daddy several times what was wrong, but he only smiled at me!"
Nagkatinginan kami ni Carlyn. Tumikhim ang babae at hinaplos ang buhok ng bata. "'Wag ka nang mag-alala, Hyde. Nagpapa-cute lang ang daddy mo kaya iyon ganoon."
Lumabi naman si Hyde. "I'm still worried though. Hindi naman need magpa-cute ni Daddy because he's handsome already. And I got my looks from him. Right, Mommy?"
Napalunok ako bago tumango. "O-of course, baby..."
Nagkuwento pa ng kung anu-ano si Hyde. Sinabi ng bata na nakausap na pala ito nina Mommy at Daddy. Hindi buo na paliwanag dahil iniiwasan ng aking parents na maguluhan ang bata, basta alam na ni Hyde na hindi muna nito makakasama si Hugo. Although palagi itong dadalawin ng lalaki.
Mula naman nang isugod ako ni Hugo rito sa ospital, nakina Mommy na talaga si Hyde. Sinundo ito nina Kuya Jordan at Carlyn. Doon muna ang bata. Doon din ito dinadalaw ng parents ni Hugo at doon na rin pinupuntahan ng child therapist nito.
Okay lang naman kay Hugo na naroon si Hyde, dahil mas ayaw niya na maiwan ang bata na mag-isa sa bahay niya, kahit pa naroon si Ate Lina. Ayaw niya itong ipagkatiwala sa iba dahil hindi niya ito mababantayan 24/7, lalo na at halos dito na siya magkampo sa ospital.
Ang sabi naman ni Daddy sa akin, madalas naman daw na tinatawagan ni Hugo ang si Hyde. Bago rin bumalik dito sa ospital ay pinupuntahan muna ni Hugo sa umaga ang bata para kumustahin.
Maliit akong napangiti. I appreciated how, despite what was going on between us, Hugo made sure to still be there for Hyde.
Kinumusta rin ako ni Kuya Jordan. Hindi na rin sila nagtagal na pamilya dahil tinopak na si Mara, gustong pitasin lahat ng petals ng mga bulaklak sa bouquet, kaya naman nagpaalam na sila. Isinama ulit nila si Hyde sa pag-alis. Doon sila uuwi sa bahay nina Mommy at Daddy.
Pag-alis nila ay siyang dating ni Mommy. Niligpit na nito ang mga gamit ko dahil mamaya lang ay susunduin na kami ni Daddy. Doon na rin ulit ako sa amin uuwi.
Matapos maisara ang maleta ay hinarap ako ni Mommy. "Jill, hindi mo ba kakausapin si Hugo?"
Ngayon lang nagtanong si Mommy. Siguro hindi na rin nito natiis. Araw-araw, gabi-gabi, palagi nitong nilalabas si Hugo sa labas ng hospital room ko para kumustahin. Nandoon lang kasi palagi ang lalaki. Pero katulad kay Mommy Norma, hindi rin sumasagot si Hugo sa mga tanong ng mommy ko. Tahimik lang siya.
"Jillian..." Naupo si Mommy sa gilid ng aking hospital bed. "Aalis na lang ba tayo na hindi kayo nagkakausap na dalawa?"
"Nag-usap na po kami." Ang tinutukoy ko ay iyong huling pag-uusap namin ni Hugo.
Kahit nasa mga mata ni Mommy ang lungkot ay tumango ito. Mayamaya lang ay dumating na rin si Daddy. Ito ang sundo namin. Ito ang nagdala ng mga gamit, habang si Mommy naman ang nakaalalay sa akin.
Nang lumabas kami ng hospital room ay wala si Hugo. I didn't even see his shadow in the hospital's hallway or lobby. Alam ko na sinadya niyang umalis dahil nasa isip niya na ayaw ko siyang makita. And we just found out from the cashier that my husband had already paid my bill.
Hanggang sa makaalis na ang kotse ni Daddy, hindi ko na nakita si Hugo. Pero alam ko na kung nasaan man siya, nakahabol ng tingin sa amin ang malungkot na mga mata niya...
HOME.
Herrera's Residence. Nakauwi na kami nina Mommy sa amin. Ang aking inaasahan na kapayapaan ay nakapagtataka na hindi ko yata maramdaman. Sanay ako sa bahay na ito, pero bakit parang biglang naninibago ako?
Kapag gumigising ako sa umaga ay nagugulat ako sa sarili kong kuwarto. At hinahanap ng aking mga mata ang lanai, ang garden, pati ang veranda sa bahay ni Hugo. Kapag kakain naman ay ang mesa rin doon ang hinahanap ko.
Nandito na ulit ako sa amin, and I should be happy that finally I was home. I dismissed the thought. No, I shouldn't force myself. I shouldn't rush things just so I could feel better right away.
One of the things I learned was to acknowledge my feelings. That rushing and forcing myself to be okay could actually be more harmful to my mental health.
Neither pain nor happiness should be rushed, ignored, or suppressed, only for it to explode in the end.
"GOOD MORNING, MOMMY!"
Ang lambong sa mga mata ko ay agad na nabura nang sumalubong si Hyde sa akin. Niyakap ko agad ito at hinagkan sa noo. "Anong gustong almusal ng baby ko?"
Sabay na kaming bumaba sa hagdan ni Hyde. Magkahawak-kamay. Kami na lang ulit. Parang dati. We went down to the living room where Mommy and Daddy were waiting for us. Ang unang pamilya na tumanggap sa akin sa kabila ng mga kamalian at kahinaan ko.
Pagkalapit sa mga ito ay sabay ko na niyakap sina Mommy at Daddy. Gumanti naman ng yakap sa akin ang mga ito. At nakiyakap na rin si Hyde. We ended up smiling and laughing softly, while tears welled up in our eyes.
Sa huli, pamilya at pamilya pa rin talaga ang uuwian mo. Ang makakaunawa sa 'yo. Ang sasalo at tatanggap sa 'yo.
ILANG ARAW NA. Naroon pa rin ang paninibago ko sa mga bagay-bagay. And even though Hyde didn't say anything, he knew that I was struggling.
Nakikipagtulungan si Hyde sa akin sa pamamagitan ng hindi pag-uusisa. Isa sa mga matured na ugali ng bata ang mabilis makaramdam, pero hindi deretsang magtatanong dahil alam nito na sensitibo ang paksa.
Hugo hadn't visited Hyde since I'd been home, but Hyde had never complained or mentioned anything. The child seemed to understand the situation. Gayunpaman, alam ko na palagi silang nagkakausap. Kapag magpapaalam si Hyde sa akin, gets ko na agad na tatawag ang daddy nito sa landline sa sala. Pero never na nagbanggit sa akin si Hyde tungkol sa pag-uusap nilang mag-ama.
Harry, on the other hand, had been paying me visits since I returned home from the hospital. Late na nitong nalaman na naospital ako. Ngayon ay every weekend itong pumupunta, kahit na hindi ko ito hinaharap. Si Hyde lang ang palagi nitong nakakausap.
Naging sunod-sunod na rin ang pagpapadala ni Harry ng bouquet of white roses mula nang malamang nandito na kami ni Hyde, at wala na sa poder ni Hugo. Kahit naman hawakan ang mga bouquet na mula kay Harry ay hindi ko ginagawa.
Sa kusina ay nadatnan ko si Mommy na tulala sa mga bulaklak sa island table. Hindi lang iisa ang bouquet na naroon. Bukod kasi sa white roses mula kay Harry, meron ding regular na dumarating dito... bouquet of red roses.
Bukod sa supply ng food, books, and toys for Hyde, dumarating ang mga bulaklak na ito. Kulay pulang-pula ang mga petals kahit mula sa malayo.
Hindi ko maintindihan kung para saan pa ang mga ito. He seemed to be giving me space, but didn't want me to completely forget about him.
Tumingin si Mommy sa akin. "Jill, saan ko pa ba ipaglalagay ang mga ito?"
Nakakapanghinayang, oo. Pero ano nga ba ang gagawin namin sa mga bulaklak? Hindi namin puwedeng itambak nang itambak ang mga iyon dito.
Nilapitan ko ang mga bouquets. Doon sa pulang mga talutot ng rosas ako unang napatitig. Saglit lang ay nagbawi ako ng tingin doon. "If only we can donate them..." Sa huli, sa basurahan na lang ang bagsak ng mga iyon.
"Jill, I'm sorry I don't know what to say to Harry," ani Mommy sa akin pagbalik ko galing sa pagtapon ng mga basura sa likod.
Ah, sandali kong nakalimutan si Harry dahil sa mga pulang mga rosas. Napailing ako.
Si Mommy nga pala ang namomroblema kapag dumarating si Harry. Madalas ang pagpunta ng lalaki kahit hindi ko binababa. Minsan ay kausap nito si Hyde o kalaro ang bata, pero madalas ay tahimik lang na nakaupo sa sofa. Naaawa na si Mommy rito. Hindi naman magawang paalisin ang lalaki. Isa pang inaalala ni Mommy ay ang magiging reaksyon ni Tita Eva.
Hindi ko hinaharap si Harry kahit pa ilang oras na itong matiyagang naghihintay. As much as possible, I didn't want to have anything to do with him. Alam ko na kahit anong gawin at sabihin ko, wala ring mangyayari. Ayaw ko na ring i-trigger pa si Tita Eva kung sakali.
I didn't want to give Harry even a shred of false hope. Even if I was no longer with my husband, that didn't mean we could get back together.
Nilapitan ko si Mommy, at niyakap. "I'm sorry, Mommy. And thank you."
Mahinang tapik sa braso ang sagot ni Mommy sa akin. Sa kabila ng pamomroblema nito sa sitwasyon ko, alam ko na makita lang ni Mommy na okay ako, okay na rin ito.
At masasabi ko na okay naman ako ngayon. Not being anyone's wife or fiancée, but my peace and being a good mother to my children were the only things I cared about at this point.
I knew it would not be easy to start over, but I was not losing faith that I could do it. I might have appeared frail, but I already had gone through so much. Makakaya ko ulit at kakayanin ko.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top