Chapter 6
HILA-HILA ni Hugo ang pulso ko papasok sa pinto ng bahay nila. Sa pagkabigla ay hindi ako agad nakapalag at nakapagsalita.
Nang nasa sala na saka ko lang nabawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. "Bitiwan mo ako!"
Good thing that he let me go. Salubong ang mga kilay at nakapamewang siya nang lingunin ako.
"Hindi ako sumama sa 'yo para sa naiisip mo, pervert!"
"Ano? Per-" Natigilan siya at dinuro ako. "Hoy! Nasa pamamahay kita, mag-ingat ka sa pananalita mo dahil baka 'di ka na makauwi sa inyo! Gagawin kitang pataba sa mga tanim na halaman ni Mommy!"
"But you really are a pervert!" mainit ang pisnging sigaw ko sa kanya kaya lang sa mahinang boses.
"Ikaw ang sumama sa akin papunta rito, hoy!"
"Yeah, I admit! Pero hindi ako sumama para magpadala rito sa bahay niyo! Gusto ko lang sumabay pa-Buenavista! May iba akong pupuntahan!" Sa gigil ko sa kanya ay halos lumabas na ang mga litid ko sa leeg, but unfortunately, hindi pa rin lumampas sa volume 50 ang boses ko.
Napasentido si Hugo. "Ah, shit! Blue balls!"
Napanganga ako sa pagkawindang. "See? You're really-"
Itinaas niya ang kaliwang kamay para pigilin ako sa pagsasalita. "Kasalanan mo ito, Hererra! Kung hindi ka sumama sa akin dito, sana doon ako dumeretso sa girlfriend ko sa Prinza!"
Napanguso ako. "Malay ko ba ba may ibang lakad ka. Akala ko uuwi ka na rito sa inyo pagkagaling mo sa Malabon."
"At anong gagawin ko rito sa bahay? Tutunganga? Ni-lock ng daddy ko ang billiard room at pinatay ang Wi-Fi sa buong bahay kaya naka-data lang ako. Kung 'di ko pa nga naipuslit ang susi ng motor ay baka pati iyon 'di ko pa magamit ngayon."
Bakit naman ginawa iyon ng daddy niya? Sa tingin ko ay may nagawa siyang kasalanan.
Namewang ulit si Hugo habang ang isang kamay ay nagkakamot ng pisngi. "Batong-bato ako rito sa bahay, ang malas naman dahil ang dami kong maiuuwi, ikaw pa ang naiuwi ko!"
"Excuse me?!"
"Totoo naman, ah? Bakit papayag ka bang paglibangan kita?!"
Napahumindig ako sa sinabi niya. I couldn't believe that I was having this kind of conversation with him.
Mula sa kusina ay lumabas ang isang ginang na petite ang katawan, na nakilala ko na nagbukas ng gate sa amin kanina. Ito ang kasambahay nila na si Ate Loleng.
Muntik itong madulas sa sahig. "Ay, kike!" sigaw nito.
Napalingon naman si Hugo. "Nasaan?"
Again, I lost my control, natampal ko sa noo niya si Hugo. Hindi lang siya ang nagulat sa aking ginawa, kung hindi pati ang kasambahay nila.
Actually, I was surprised, too. Lumalabas talaga ang pagiging bayolente ko dahil sa lalaking ito.
"Hala, Hugo! 'Yan na ba bago mong girlfriend?!" Namimilog sa akin ang mga mata ng ginang. "Ang ganda ah, mas maganda sa mga una mong dinala rito. Mukhang pang mabait."
Habang naghihimas ng noo ay matalim ang mga mata na tiningnan niya ako. "Mukha lang mabait!"
Pasimple ko siyang inirapan. Nang umalis na si Ate Loleng ay tiningnan ko siya nang matalim. "Uuwi na ako!"
Dismayadong napakamot na naman siya ng pisngi. "Sure ka ba na ayaw mo talagang mag-stay?"
"Dead sure."
"Masarap akong ka-bonding, ayaw mong i-try?"
"Thanks but no thanks."
Nag-beep ang phone ko. Inilabas ko ito at agad binasa nang makitang kay Dessy galing. Sa kanila na ako pupunta. Sasabihin ko na rin sa kanya na malapit na ako kaya sana sunduin niya na lang ako o kaya ituloy niya ang sinabi niya kanina na paghihintay sa akin.
Dessy:
Jill, sorry need ko umalis e. Nausod din bukas ng gabi ang birthday ko. Uwi ka na lang muna ngayon at bukas na lang pumunta. Luv yah!
Kailangan niyang umalis? Why so sudden? She didn't even explain her reason. Paano na lang pala kung basta ako sumakay sa Malabon ng tricycle papunta sa bahay niya? Anong ibabayad ko sa tricycle driver?!
"Hoy, 'problema mo?"
Pagtingin ko sa kaliwa ay nakatayo roon si Hugo. May hawak siyang baso ng malamig na tubig. Galing siya sa kusina nila.
"Anyare sa 'yo? Ba't nakasimangot ka?"
Napalunok ako pagkakita sa malamig na tubig. Ngayon ko naramdaman ang uhaw dahil sa tagal ko na nainitan kanina sa kanto ng Malabon.
"Gusto mo?" alok niya sa akin.
Alumpihit pa akong tumango, pero nilunok ko na ang aking pride dahil uhaw na talaga ako. "Painom..."
Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Tumalikod siya at sinalinan ng tubig ang nangalahating tubig sa baso niya. Nang iabot niya iyon sa akin ay nagsalubong ang mga kilay ko.
"Can I have a clean glass?"
"O bakit, marumi ba ito?" pa-inosenteng tanong niya.
"Ginamit mo na 'yan."
Nakakaloko ang mga ngisi niya nang magtanong ulit. "So, sinasabi mo na marumi bibig ko?"
"What I am saying is that it is not hygienic to-"
"E 'di 'wag kang uminom!" putol niya sa sinasabi ko.
"You're really a jerk, you know?"
"That's old news, you know?" balik niya sa akin.
"Aalis na ako." Tinalikuran ko na siya habang nakakapagtimpi pa ako.
Dumiretso ako sa pinto ng bahay nila at basta iyon binuksan. Hindi pa ako nakakalabas nang marinig ko ang boses ni Hugo.
"'Pag nakasalubong mo iyong doberman namin sa labas, mag-play dead ka na lang para di ka lapain."
Napatigil ako sa paghakbang. May aso rito?
"Ano, alis na!"
Napalunok ako at marahang lumingon kay Hugo. "Samahan mo ako sa gate..."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Tanawin na lang kita rito, parehas lang iyon."
"But you have a dog!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.
Mahilig ako sa hayop, lalo sa aso at pusa, pero tao lang ako na takot makagat-malapa, gaya ng term na gamit ni Hugo. Never pa akong nakaharap ng doberman sa personal. Aware lang ako na matapang ang breed na iyon.
"Sa gate lang, samahan mo ako," nilangkapan ko ng pakikiusap ang tono. I had to be nice to him if I wanted to leave this place.
"Fine, hanggang gate." Nakapamulsa siya sa cargo shorts nang maglakad. Nauna siya sa akin sa labas nila.
Nakasunod naman ako at halos dumikit sa kanya. Natatakot ako na baka sa paglingon ko ay nasa tabi ko na pala ang doberman.
Nang malapit na kami sa gate ay saka ko lang na-realize na nakahawak na pala ako sa laylayan ng t-shirt ni Hugo. Agad naman akong bumitiw roon.
Ang lalaki naman ay mukha namang walang pakialam. Pagkarating sa gate ay hinarap niya ako.
"Ah, naalala ko, nasa kuwarto ko nga pala si Cupcake. Ikinulong ko muna roon kasi gusto non ng laging naka-aircon."
"Cupcake?"
Pilyo siyang ngumisi. "My doberman."
Napanganga ako dahil wala naman palang aso ngayon sa bakuran nila. "Y-you...!"
"Ops! Nakalimutan ko nga, 'di ba?"
Napahingal ako sa asar. Hindi ko na lang siya pinatulan dahil gusto ko nang umuwi. Nilampasan ko na siya at ako na ang nagbukas sa tarangkahan ng gate. Pagkabukas ko ay bigla akong natigilan. Uuwi ako pero wala nga pala akong pamasahe.
Napalunok ako ng ilang ulit bago marahang lumingon kay Hugo. Nakatayo pa rin siya sa likod ko. Nakapamulsa pa rin sa suot na cargo shorts. Ang isa sa makakapal niyang kilay ay nakataas.
Ayaw kong humiram ng pera sa kanya kaya lang paano ako uuwi? Malalaman sa amin na umalis ako. Magtataka sina Mommy kapag makita nila na may tricycle na naghihintay sa akin.
Muli akong lumunok saka mahinang nagsalita. "Can I ask you a favor?"
Nakataas lang ang kilay niya sa akin.
Nakagat ko ang aking ibabang labi. "Pwede bang humiram ng pera?"
"Huh?"
"Kahit one-hundred lang. Ibabalik ko rin sa 'yo sa Monday. If you want, pwede mong tubuan-"
"Wala akong pera."
"Ha?"
Nagtutulele siya sa kaliwang tainga gamit ang hinliliit niyang daliri. "Galing nga ako sa Malabon kasi uutang ako sa tropa ko. 'Kaso wala rin palang pera ang gago, pinagod pa ako papunta sa kanila."
How come he had no money? His dad was an engineer and a businessman. Pagmamay-ari nila ang isang unti-unti ng lumalago at nakikilalang construction company. Saka ang laki pati ng bahay nila, may kasambahay sila, may doberman pa siya, kaya paanong wala siyang pera?
"Grounded ako," sabi niya na mukhang alam ang naglalaro sa isip ko.
"Grounded?"
"Oo." Ipinitik niya sa ere ang daliri matapos magtutule sa tainga. Hindi ko alam kung may nakuha ba siya o wala, pero napaatras ako.
Grounded siya? Hindi iyon imposible dahil maligalig siya. Alam ng lahat na sakit siya ng ulo ng parents niya.
Oh, that also explained why the billiard room in their house was locked and their Wi-Fi was off.
Hindi na nakapagtataka na naga-grounded si Hugo dahil alam naman ng lahat kung gaano siya kasira-ulo. Kaya nga kahit may kaya ang pamilya nila ay nasa public siya nag-aaral, though nalibot niya na ang lahat ng private schools noong elementary siya.
"Bakit ba kailangan mo ng pera? Yayamanin ka, di ba?" tanong niya.
Nag-iwas ako ng mga mata. "Ah... Nakalimutan ko ang purse ko sa bahay..."
"E di pa-special ka na lang sa tricycle pauwi sa inyo."
"I... I can't do that ..."
Nang ibalik ko ang aking paningin sa kanya ay nakangisi na siya. "Tsk, tumakas ka, ano?"
"Of course not!" maagap ko na tanggi.
"Sus!" Ngising-ngisi pa rin siya. "Ge. Hintayin mo ko rito."
"Ha?"
"Basta diyan ka lang." Tumalikod na siya at naglakad papunta sa garahe.
Nakasunod ako ng tingin sa kanya hanggang sa bumalik siya na sakay na sa motor. Inabot niya sa akin ang helmet.
"Angkas na sa likod," utos niya.
"Ihahatid mo ako?" 'di makapaniwalang tanong ko.
"Ayaw mo?"
Sumampa na ako sa likod ng motor at hindi na nagtanong pa. Baka mamaya ay magbago pa ang isip niya.
Sa pagkakataong ito ay hindi na mabilis ang patakbo niya. Hindi na rin ako gaanong natakot dahil pangalawang beses na angkas ko na ito sa kanya, at alam ko na rin naman na magaling siyang mag-motor. Gayunpaman ay nakahawak pa rin ako sa kanyang bewang.
Sa kanto ng Malabon ay nagtataka ako ng huminto kami sa isang convenience store. Naglabas siya ng coin purse. Nang buksan niya iyon ay isang twenty-pesos na papel lang ang laman at ilang pirasong barya. Kinuha niya papel na twenty pesos at inabot sa akin.
"Bumili ka ng mineral water. Iyong Wilkins. Bente yata iyon." Inabutan niya pa ako ng baryang limang piso. "O kung sakaling kulang."
Nagtataka man ay sumunod na lang ako. Baka kasi nauhaw siya sa pagda-drive ng motor. Hindi ko na naalis ang helmet. Itinaas ko na lang ang shield dahil katapat lang naman ang pupuntahan kong tindahan.
Pagkabili ng isang bote ng mineral water ay kandalunok ako sa loob ng helmet. Nauuhaw na kasi talaga ako.
"Pakatagal!" sigaw ni Hugo na hindi bumaba sa motor. Nakakalang lang ang magkabilang paa sa kalsada.
Napatakbo na ako pabalik sa kanya. Inabot ko ang bote ng mineral water, pero imbes na abutin iyon sa akin ay tinanggal niya ang suot kong helmet.
"Inumin mo 'yan, bilisan mo," sabi niya na hindi na nakatingin sa akin.
Napakurap ako at napatitig sa malamig na bote ng mineral water. "A-akin ito?"
"Kung ayaw mo, itapon mo na lang diyan sa tabi."
Ang mga labi ko ay parang tanga na gustong mangiti. Binuksan ko na lang ang bote ng mineral at ininom.
"Dahan-dahan. Baka mabilaukan ka, kasalanan ko pa," sabi niya dahil siguro napansin niyang nagmamadali akong uminom.
Dinahan-dahan ko naman ang aking pag-inom. Naubos ko ang laman ng maliit na bote ng mineral water dahil uhaw kasi talaga ako. Pagkatapos uminom ay refreshed na ang pakiramdam ko.
Itinapon ko ang bote sa basurahan, doon sa may nakalagay na 'Hindi Nabubulok'
Bumalik na ako sa motor. Inabot niya sa akin ang helmet at isinuot ko na iyon. Kumapit na ulit ako sa bewang ni Hugo.
"Kapit maigi baka liparin ka." Pinaandar niya na ang motor.
Inihatid niya nga ako hanggang sa Pascam. Hindi na ako magpapapasok sa kanya sa loob ng subdivision namin, sa may tapat na lang ako bababa.
Tanaw ko na ang bababaan kaya pinahinto ko na si Hugo. Itinawid niya ang motor para hindi na ako tatawid, saka siya pumarada sa gilid.
Bumaba na ako. Hinubad ko ang helmet. Kahit bastos at barumbado siya ay na-appreciate ko ang paghatid niya sa akin. Na-appreciate ko rin ang mineral water kanina. Iyon na lang ang pera niya pero binawasan niya pa para makainom ako.
Magsasalita na ako para magpasalamat nang may humintong jeep sa mismong tapat namin.
Napatingin ako roon. Mula sa loob ay bumaba ang isang matangkad at guwapong lalaki. Namilog ang mga mata ko nang makita ito.
Naka-polo shirt na kulay light pink at khaki pants na kulay black ang lalaki. May suot na specs sa mata at sa kaliwang bisig ay may suot na Smartwatch. Nang patingin ito sa aking gawi ay naisalaksak ko bigla kay Hugo ang helmet niya.
"Tangina naman, Herrera!" gigil na asik niya dahil sa noo siya tinamaan.
Hindi na ako nakapag-sorry kay Hugo. Nagmamadali akong naglakad palayo sa motor, ni hindi na rin ako nakapagpasalamat o nakapagpaalam dahil sa pagkataranta ko.
Nang mapatingin na sa akin ang lalaki na kabababa lang sa jeep ay ngumiti ang natural na mapulang mga labi nito. "Jill."
Para siyang anghel na nakangiti sa akin. Ang maamo niyang mukha ay parang panaginip lang na ngayon ay kaharap ko. "K-Kuya Harry..."
Humakbang siya palapit sa akin. "Bakit nandito ka sa labas?" tanong niya sa normal niyang tono na mahinahon at malambing.
Napalunok ako. "Ah, k-kasi darating ka..."
"You waited for me?"
"Ah, y-yes-" Nahinto ako sa pagsasalita nang makarinig ng sunod-sunod na busina.
Bumahid naman ang pagtataka sa maamong mukha ni Harry nang napatingin sa likod ko. Muli ay ang busina na napakalakas na parang ang layunin ay bingihin ang makakarinig-at kami iyon ni Harry. Ang sakit sa tainga ng busina!
Paglingon ko ay naka-helmet na si Hugo kaya hindi na kita ang mukha niya. Walang makapagsasabi kung ano ba ang ekspresyon na meron siya ngayon.
Maingat na hinawakan ni Harry ang pulso ko. "I think that guy is drunk. Let's go, Jill."
"Ah, oo nga, s-sige..." Muli kong nilingon si Hugo pero nakaliko na ang motor nito.
Napabuntong-hininga ako dahil hindi ako nakapagpaalam nang maayos sa kanya.
Sabay kaming pumasok ni Harry sa loob ng Ecotrend Subdivision. Hawak niya pa rin ang aking pulso at doon nakatingin ang mga mata ko.
Akala ko hindi na siya pupunta...
Nalungkot ako kanina dahil wala siya, wala rin siyang text o chat kaya akala ko talaga hindi ko siya makikita ngayon.
Kahit malapit lang sa gate ang street ng bahay namin ay ang tagal namin ni Harry na makarating. Ang mga hakbang ko ay mabagal at ganoon din ang kanya.
May gusto akong itanong sa kanya at ito na sana ang magandang pagkakataon para tanungin siya, kaya lang hindi ko kayang simulan.
Nakayuko ako habang naglalakad kami. Napahinto ako nang mapansin na hindi na siya naglalakad. Nakahinto na siya. Napatingala ako sa kanya habang nagtatanong ang aking ekspresyon.
"Do you have something to tell me, Jill?"
Nakatingin sa akin si Harry. Ang malamlam na mga mata niya sa likod ng suot na clear glasses ay pinapainit ang dibdib ko.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at muling napayuko. I couldn't bring myself to ask him anything.
"Jill," narinig ko ang banayad niyang tono.
Ang palad niya ay aking naramdaman sa ibabaw ng ulo ko. It was his sweet little gesture since we were kids.
"A-akala ko hindi ka pupunta ngayon..."
"I gave you my word."
Nangilid ang mga luha ko. I was happy. Harry stayed true to his word. Even though he was late, he made it.
"Are you mad because you thought I will not come today?"
Nanulis ang nguso ko at sumilip sa mukha niya. Nakangiti siya sa pilyong paraan.
Yumuko siya para magpantay ang mukha namin. "'Wag ka nang magtampo, baby."
Nag-iinit ang pisngi na inirapan ko siya. "I'm not a baby."
"But you are my baby."
Niyakap ako ni Harry at hinalikan sa noo. Nang tumingala ako sa kanya ay ngumiti ako.
Yeah, 'his baby...' Kung sana lang ay iba ang kahulugan ng salitang iyon...
Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nang nasa pinto na kami ay saka niya lang ako binitiwan.
Pagpasok sa loob ay nasa dining na karugtong ng sala naroon sina Mommy, Daddy, Tita Eva at Tito Harold. Nag-uusap ang mga ito at tungkol sa lupa ang paksa.
Napatingin sa amin si Tita Eva at napangiti nang makita si Harry. "Harry, sumunod ka nga talaga, ha?"
"Hi, Mom!" Lumapit si Harry kay Tita Eva at humalik sa pisngi ng ginang. "I told you, susubukan ko na sumunod. May inasikaso lang ako kanina."
Natigilan naman ako sa kinatatayuan. Susubukang sumunod? So, he wasn't really sure?
Nagmano si Harry sa ama at pati kina Mommy at Daddy. Nakipagusap siya ng kaunti dahil may mga tanong sa kanya. Hindi niya na ako napansin na nakatayo at naiwan niya rito sa sala.
"Tita Ethel, where's Jordan?" tanong niya kay mommy.
"Nasa kuwarto niya. Nag-aaral."
"Saturday at kakaumpisa lang ng klase, ah?" Napangiti siya. "Tita, istorbohin ko muna, ha?"
Ah, katulad ng madalas mangyari kapag nandito siya, si Kuya Jordan ang kakausapin niya hanggang sa oras na pauwi na sila. Napayuko ako at tumalikod na.
Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay? It was always like this.
Pumasok na ako sa aking kuwarto at hindi na hinintay kung kailan mapapatingin sa akin si Harry. Wala lang naman kahit pa mapatingin siya.
Mabigat ang loob ko na lumapit sa closet. Magpapalit na ako. Kumuha ako ng pambahay na shorts na kulay puti at baby tee na kulay light yellow. Isa ang mga ito sa pinakaluma kong damit.
Ang buhok ko na nanigas sa biyahe sa motor ay hindi ko na pinagkaabalahang suklayin man lang. Basta ko na lang itinaas pa-bun at tinusok ng lapis na nasa ibaba ng aking study table.
Humarap ako sa salamin matapos kumuha ng wipes. Pinunasan ko ang aking mukha. Pati ang lip tint ko sa labi ay aking binura. Pagkatapos ay nag-alcohol ako ng mga braso, binti at paa.
Nahiga na ako sa kama. Hindi na ako lalabas ng kuwarto hanggang dinner dahil wala naman akong gana. Hindi ako makakaramdam ng gutom dahil mas nararamdaman ko ngayon ang paninikip ng aking dibdib.
I didn't want to feel this way, but I could not do anything.
Wala akong ibang mapagsabihan kaya sinasarili ko na lang. Alam ko na walang makakaintindi ng nararamdaman ko dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay mali na magkagusto sa sariling pinsan.
Hindi man tunay na anak ni Tita Eva si Harry at kahit pa alam namin ang totoo na hindi talaga kami magkaano-ano, pinsan ko pa rin siya sa mata ng nakakarami. Kahit sa mga mata mismo ni Harry, ang tingin niya sa amin ay magpinsan kami.
I knew it was wrong, but what could I do? I could not stop my young and stubborn heart from loving Harry Caesar Aragon.
Hindi ko alam kung kailan nangyari, basta nagising na lang ako na iba na tingin ko kay Harry. Higit na siya bilang kuya at pinsan ko lang.
Kusa ko lang itong naramdaman at hindi ko plinano. Sinubukan ko rin namang pigilan ng makailang beses, pero makailang beses lang din akong nabigo.
Sumubsob ako sa unan para mapalis ang mga nagbabadyang luha. I didn't want this, but how could I stop myself from loving a forbidden man?
Until when would I endure the pain of this unrequited love?
Tumawag si Mommy mula sa labas ng pinto para sa dinner. Paos ang mahina kong boses nang sabihin na ayaw kong kumain. Nangulit pa si Mommy kaya tumayo na ako para pagbuksan siya.
Ang aking praktisadong normal na ekspresyon ang ipinakita ko sa kanya. "Busog pa po ako, My. Kakain na lang ako mamaya kapag nagutom..."
"Are you sure hindi ka sasabay sa amin? Hinahanap ka ni Harry."
Hinahanap? Oh, really? What nonsense was that? He could knock on my door or text me if he really was serious to see me.
Tumango lang ako kay Mommy. Bago ko isara ang pinto ay nakita ko si Harry na papunta sa sala. Nagtama ang aming mga mata. Bumuka ang mga labi niya na parang may gusto siyang sabihin, pero hindi niya na naituloy dahil iniiwas ko na ang aking paningin sa kanya, at isinara na ang pinto.
Bumalik ako sa kama at muling nagtakip ng unan. Nag-beep ang phone ko sa bedside table. Kinapa ko iyon at tiningnan kung sino ang nag-text.
Dessy:
Pupunta ka ba bukas? Hindi na ako gabi maghahanda, mga hapon na pala para mas matagal ang party.
May kumatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Jill, uuwi na sina Tita Eva." Si Kuya Jordan.
Uuwi na sila? Tumingin ako sa oras ng phone ko, 9:00pm na pala. Ang tagal ko na pala rito sa kuwarto. Uuwi na sila. Uuwi na si Harry.
Ang aking mga daliri ay nagsimulang mag-type ng sagot kay Dessy.
Me:
Sige, pupunta ako...
Dessy:
Nice, Jill! 2:00pm dito ka na dapat, ha? May iba akong bisita at may sariling bisita rin ang ate ko, ipapakilala kita.
Hindi ko alam kung paano ako makakalis bukas dahil malamang na tatanungin ako nina Mommy kung ano, saan, at sino ang pupuntahan ko, pero bahala na.
Gusto kong umalis bukas dahil naramdaman ko na kung gaano kasarap ang makalabas ng bahay na hindi kasama ang mga magulang.
Seventeen na ako. Next year ay eighteen na, pero wala pa akong gaanong kaalam-alam sa mundo. Gusto kong mag-explore at makilala ang sarili ko.
Bago ako matulog ay nagbukas ako ng Wi-Fi at pumunta sa Messenger. Hinanap ako ang isang contact doon. Nag-type ako ng chat at pikit-matang tinap ang send message.
Dahil green at active status ang lalaki ay nakita nito agad ang chat ko. Hindi nangyari ang 'seen' lang na inaasahan ko. Nang makita ang pagta-type niya ng message ay inataka ng kaba ang dibdib ko.
What would he say to me? Would he say 'no'? That was understandable because I think he hated me for what I did to him.
But then his answer was far different from what I expected.
Hugo Emmanuel: Ge, susunduin kita ng 2:00pm.
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top