Chapter 58
Trigger warning: This chapter contains child molestation, assault, and strong language. You can skip this chapter if you feel uncomfortable-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HUGO WAS RAGING MAD AND HE LOOKED LIKE SOMEONE READY TO COMMIT MURDER.
He was carrying a .45 caliber gun in his left hand. Alam ko na gagawin niya ang sinabi niya, papatayin niya talaga si Dessy.
Kung nasaktan at galit ako ngayon, alam ko na mas matindi ang nararamdaman niya. What he discovered today triggered some bad memories from his childhood. He was now seeing red. But I could not let him do something he might regret in the end.
Nilingon ko si Hyde. Nasa mga mata rin ng bata ang takot dahil sa pag-alis ni Hugo. Alam nito na may magagawang hindi maganda ang daddy nito. Hindi ko hahayaang madagdagan ang trauma ng anak ng bata kapag napahamak si Hugo. Alam ko na mas dadamdamin iyon ng anak namin.
Hinarap ko si Ate Lina. "Ate Lina, sandali lang po. Pakibantayan muna si Hyde, hahabulin ko lang po si Hugo."
Mabilis ang tango ng ginang. "Oo, Jillian. Ako na muna ang bahala rito. Tinawagan ko na rin naman na sina Norma. Papunta na sila. Habulin mo muna ang asawa mo at baka kung ano ang magawa niyan!"
Mabilisan kong kinausap si Hyde. Ipinangako ko rito na pipigilan ko si Hugo. Nagpadala ako ng text message kay Mommy para kung ano man ang mangyari. Naninikip ang dibdib na umalis na ako.
I left the room to follow Hugo. Sa hagdan pa lang ay nararamdaman ko na ang aking paghingal, binalewala ko iyon. Ang nasa isip ko ay mapigilan ang lalaki. Hinding hindi ko siya paaalisin.
Sinikap ko siyang maabutan, kaya lang ay mabibilis at mabibigat ang kanyang mga hakbang. Tinatawag ko siya, pero hindi siya lumilingon. Sa garahe ay malakas na lagabog na lang ng pasarang binagsak na pinto ng kotse ang aking naabutan.
Bukas ang gate kaya nakapagmaneho si Hugo agad paalis. Humanda ako na tumakbo para habulin siya nang biglang kumirot ang puson ko. Napaluhod ako sa semento.
Nakahabol na lang ako ng tingin sa walang ingat na pagmamaneho ni Hugo. Ang mga paso sa gilid ng gate ay nabangga niya pero wala siyang pakialam. Wala rin siyang pakialam kahit may kasalubong siyang paparating na sasakyan.
Nakalupagi ako semento hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kotse ni Hugo. Ang dumating naman na sasakyan ay hindi na tuluyang pumasok. Huminto na ito sa bukana pa lang, at mula roon ay bumaba sina Carlyn at Kuya Jordan.
"Jill, what happened?!" Napatakbo agad sa akin ang nag-aalala kong kapatid.
Nakakita ako ng pag-asa sa kanila. Kahit masakit ang puson at hinihingal ako ay sinikap ko na magsalita, "K-kuya, habulin mo si Hugo... Stop him, please...!"
Si Carlyn ay inalalayan ako na makatayo. "Ano bang nangyari, Jillian?" nag-aalala na tanong niya.
"S-si Hugo, he's going to kill Dessy," uutal-utal dahil sa hingal na sabi ko. "H-habulin niyo, please. Pigilan niyo si Hugo!"
"Carlyn, take care of Jillian." Si Kuya Jordan ay nanakbo pabalik sa sasakyan.
Luhaan na humawak ang nanginginig kong mga kamay sa braso ni Carlyn. "C-Carlyn, Kuya Jordan needs to stop Hugo!"
"May bantay ba sa bahay niyo? Kung meron, sumama na tayo kay Jordan. I doubt if mapipigilan ng asawa ko ang asawa mo. Kilala mo si Hugo, kapag galit iyon, gago iyon at walang sinasanto."
Nag-beep ang phone ko. Kahit humihingal ay tiningnan ko iyon. It was Mommy. Papunta na raw sila ni Daddy ngayon dito. Sumang-ayon na ako kay Carlyn na sumama, dahil tama siya, posibleng hindi mapigilan ng kuya ko si Hugo.
Nagsisisigaw si Carlyn para tawagin si Kuya Jordan. Mabuti ay hindi pa naisasara ng lalaki ang pinto ng driver's seat. Inalalayan ako ni Carlyn papunta roon.
Nagmaneho naman agad si Kuya Jordan. Habang nasa biyahe ay panay ang iyak ko. Hindi na ako makahinga kaya hindi ako makasagot kahit anong tanong sa akin ni Carlyn. Ang tanging nababanggit ko lang ay bilisan namin ang pagsunod kay Hugo.
Dahil nakalayo na si Hugo ay hindi na ito masundan ni Kuya Jordan. Mabuti at alam ni Kuya Jordan kung saan nakatira si Dessy dahil nasundo niya na ako roon minsan.
"Calm down, Jill!" Kahit may aircon sa kotse ay pinapaypayan ako ni Carlyn ng folder. Folder yata na gamit ni Kuya Jordan iyon sa work nito.
Sa isang subdivision din nakatira si Dessy. Nagkatotoo ang takot ko na natatandaan ni Hugo nang banggitin ni Dessy ang lugar. Matalas nga pala ang memorya ng lalaki.
Ang ipinagpapasalamat ko lang ay hindi alam ni Hugo kung saan ang street ni Dessy. Pero madali nang magtanong sa guardhouse. Lalo pa't kung itatawag niya iyon sa mismong bahay. Magtatagal siya roon dahil uusisain siya ng guard at tatawagan pa si Dessy. Maaabutan namin siya.
Nanalangin ako na sana 'wag siyang papasukin ni Dessy, ang malas lang dahil mukhang nag-yes sa guard si Dessy dahil nakita namin na papasok na ang kotse ni Hugo sa gate ng subdivision.
Madali kami na sumunod. Sinabi namin na may emergency. At dahil may record na si Kuya Jordan dito sa subdivision nina Dessy ay madali na siyang pinapasok ng guard matapos niyang mag-iwan ng ID. Nagbilin din kami na magpasunod ng mga guwardiya sa bahay ni Dessy.
Pagdating ay bumaba agad kami ni Carlyn. Nasa gilid ng kalsada naka-park ang kotse ni Hugo. Bukas ang gate ng bahay pati ang pinto sa loob. Ang maid ang sumalubong sa amin pero nagmamadali na nilampasan namin ito. Si Kuya Jordan ang naiwan sa labas para magpaliwanag at humingi rito ng pasensiya.
Sa loob ay kabababa pa lang ni Dessy sa hagdan. Maganda at malambing ang ngiti ng babae pagkakita kay Hugo. "Oh, Hugo, napadalaw ka— Ayyy!" Napatili ito nang barilin ni Hugo ang CCTV camera sa sala.
Nahintatakutan na napaatras ang babae. Maging ang maid nito na kakapasok lang kasunod namin ay nagitla sa naabutang tagpo.
"You whore," malamig at mariin na bitiw ni Hugo.
Nang mapatingin si Dessy sa pinto at nakita kaming pumasok ni Carlyn, ay bahagyang nabawasan ang takot sa mga mata nito. "I'm so glad you're here, Jill! Please, help me!"
Pagbalik ng paningin ni Dessy kay Hugo ay nakatutok na sa noo niya ang baril. "You whore, what did you do to my son?!"
Nagkulay papel sa pamumutla ang mukha ni Dessy. "W-what? H-hindi ko alam ang sinasabi mo—"
Hindi na nakapagsalita si Dessy dahil isinapak ni Hugo sa mukha niya ang baril. Basag ang pisngi niya at duguan ang kanyang ilong nang bumagsak siya sa sahig.
Napatili ang maid ni Dessy. Nagsisigaw ito at nanghingi ng tulong sa labas. Ang isang boy sa loob ay akmang aawat kay Hugo nang tutukan din ito ng lalaki ng baril. "Sige, subukan mong lumapit."
Kapapasok pa lang ni Kuya Jordan sa pinto. Nanlaki ang kulay tanso nitong mga mata sa nasaksihan. "What the..."
Binalikan ng nanlilisik na tingin ni Hugo si Dessy. Napatakip na lang kami ng tainga ng paulanan niya ng bala ang paligid ng babae. "Putangina ka!" Nagkabasag-basag ang mga vase na malapit dito.
"Hugo!" umiiyak na hiyaw ko. Takot na takot ako na baka makapatay siya. "Please, stop! Isipin mo si Hyde! 'Wag mong gawin ito, Hugo!"
Si Dessy ay windang na windang habang sargo ang dugo, luha, at sipon sa mukha. "H-Hugo, maawa ka!" Lumingon sa akin ang babae. "Jill, pigilan mo si Hugo. Maawa ka, Jill, baka mapatay niya ako—"
Hindi natapos ni Dessy ang sasabihin nang tadyakan ito ni Hugo sa sikmura. Nasalag nito pero dahil sa lakas ng tadyak ni Hugo at dagdag pa na naka-combat shoes ang lalaki kaya ininda pa rin ni Dessy ang tadyak. Namilipit ito at bumaliko ang ipinansalag nitong mga braso.
"Hugo, calm down," malumanay na tawag ni Kuya Jordan. "Calm down, man."
"I'm fucking gonna kill this whore! Minolestiya ng putanginang ito ang anak ko!"
Napasinghap si Carlyn sa tabi ko.
Si Kuya Jordan ay kahit dumilim sa galit ang mga mata ay kalmado pa rin na nagsalita, "Hugo, I know you're angry, but please think of my sister here. Isipin mo si Jillian. Isipin mo si Hyde. Isipin mo ang pamilya mo kapag napatay ka, makukulong ka."
"H-Hugo, please..." makaawa ko. "Don't do this. Mas masasaktan lalo si Hyde kapag may nakapatay ka dahil sa kanya! Mas hindi niya iyon makakaya lalo kung makukulong ka!" Hindi na ako makahinga kaya napasadlak na ako sa lapag.
"Hugo, tama na!" sigaw rin ni Carlyn sa kanya. "Inaatake na ng hika si Jillian! Baka mauna pa ito kay Dessy pag 'di mo itinigil 'yan!"
Nang tumingin sa akin si Hugo ay saka lang siya nahimasmasan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ako na nakasadlak sa sahig.
Sinamantala ni Dessy ang pagkakataon at gumapang ito palayo. May nahawakan itong basag na piraso ng vase at akmang isasaksak sa binti ni Hugo nang takbuhin ito ni Carlyn, at tadyakan sa mukha.
"Puta kang babae ka!"
"Carlyn!" Napasigaw si Kuya Jordan.
Si Hugo ay nilapitan na ako dahil nakikita niyang hindi na ako makahinga. "Jillian, are you okay?"
Si Carlyn ay hinawakan sa buhok si Dessy at kinaladkad. Napahabol naman si Kuya Jordan sa kanila.
Napahiyaw si Dessy dahil pinaghahablot ni Carlyn ang buhok niya at isinubsob siya sa sahig. "Walanghiya ka, matagal na akong nagtitimpi sa 'yo! Sisiguraduhin kong hindi ka makikilala sa mugshot mo, puta ka!"
"Carlyn, stop it!" Niyakap ni Kuya Jordan sa bewang si Carlyn pero ayaw paawat ng babae.
"Jill!" sigaw ni Dessy sa akin. Duguan ang ilong at bibig nito, at ang ipin nito sa harapan ay bawas na. "Jill, help me!"
Ang mga mata kong puro luha ay matalim na tumingin lang dito.
Ang maid ni Dessy ay umawat din at akmang sasabunutan si Carlyn pero napigilan ito ni Kuya Jordan. Nagkagulo-gulo na roon sila.
Pinagsasampal ni Carlyn si Dessy. Putok-putok na ang duguang bibig nito. Tatadyakan pa ito ni Carlyn kung hindi lang binuhat ni Kuya Jordan ang hipag ko palabas ng bahay.
Kinarga na rin ako ni Hugo dahil hirap na hirap na akong huminga. Bago kami lumabas ng pinto ay nilingon niya si Dessy. "Kung gusto mong magdemanda, gawin mo na. But I'll make sure that you'll be the one to rot in jail."
Parating na ang guards sa subdivision nang umalis kami. Doon ako isinakay ni Hugo sa kotse niya at si Carlyn naman ay nandoon sa kotse ni Kuya Jordan. Nagwawala pa rin ang hipag ko pero hindi na ito nakababa dahil sumibad na paalis ang kanilang sasakyan.
ALAM NA NG LAHAT. Nasa bahay namin ngayon sina Mommy, Daddy at maging ang parents ni Hugo.
Nag-live din si Dessy kanina sa account nito. Puro benda ang mukha at ang kinaroroonan ay hospital room. Sinabi nitong may sumugod dito at nambugbog. Humihingi ito ng simpatya sa mga fans nito, pero hindi sinabi kung sino ang gumawa, bakit, at ano ang dahilan kung bakit ito nagkaganoon.
Awang-awa ang mga fans kay Dessy dahil basag-basag ang mukha nito habang umiiyak sa live. Ang mga fans nito ay galit na galit sa kung sino man ang bumugbog dito.
"Dapat makulong ang babaeng iyon," may nginig sa boses na sabi ni Mommy Norma. Mugto ang mga mata ng ginang.
Kahit sina Mommy at Daddy ay mga namumula rin ang mga mata. Maging ang daddy ni Hugo na si Daddy Manuel na palaging seryoso ay ngayo'y makikita ang sakit sa ekspresyon. Nanginginig ang mga kamay nitong nakakuyom.
"Manuel, 'wag kang papayag na hindi makukulong ang babaeng iyon!" mataginting ang basag na boses ni Mommy Norma. "Gawin mo ang lahat, ipakulong mo iyon! Mangako ka, Manuel!"
Napahagulhol si Mommy Norma. Niyakap ito ni Daddy Manuel. "We'll do everything to send that woman in jail. Kahit ubusin ko ang pera natin, gagawin ko. Para sa apo natin."
Pati ang school ni Hyde ay idedemanda. Nalaman namin na sinusundo pala roon ni Dessy si Hyde sa school kapag breaktime at ibinabalik lang kapag uwian na. Hindi man lang ako tinitimbrehan ng mga teachers tungkol sa pagka-cutting classes ni Hyde.
Ako ay tulala sa sofa. Mugtong-mugto na rin ang mga mata. Hanggang ngayon ay parang binabangungot pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Wala akong kamalay-malay, ang buong akala ko ay nasa school at nag-aaral ang anak ko, pero hindi pala.
Sa tuwing ihahatid ko ito o kaya ng schoolbus nito, at sa tuwing naghihintay ako sa uwian nito tuwing hapon, may nagaganap na pala na hindi ko alam. Ang mga ngiti ni Hyde sa akin at ang mga simpleng pag-iwas ng bata ay may ibig sabihin na pala.
Malaki ang kasalanan ko dahil bakit naniwala ako na nasa school lang si Hyde? Bakit din naniniwala ako sa tuwing sinasabi ng bata na okay lang ito? Na hindi nito kailangan ang tulong ko dahil malaki na ito? Kahit matured na ito at nagsisikap maging independent, sana kinulit ko pa rin, sana hindi ko tinigilan, kahit pa magalit ito sa akin nang tuluyan.
Sana hindi ko iniiwan si Hyde. Sana itinali ko na lang sa akin ang bata buong maghapon, kahit pa magmukha akong tanga dahil ako lang ang nag-iisang nanay sa school na mananatili roon para magbantay mula pasukan hanggang uwian. Sana ganoon na lang ang aking ginawa. Sana. Napakarami kong sana.
Isa pa na sinisisi ko ang sarili tungkol kay Dessy. Parang sasabog ang ulo at dibdib ko. Why did I let it get to this? There were so many red flags, but I chose to trust that my only friend couldn't do that. Kahit ganoon magsalita si Dessy, wala pa naman itong kahit anong masama na nagawa sa akin. Nakita ko rin kung paano nito minahal at itinuring na anak ang anak ko mula noong baby pa ito.
Sobrang sakit na ang nag-iisang kaibigan ko sa mundo pa ang gagawa nang ganito sa anak ko. Ang nag-iisang ninang pa ni Hyde na dapat ay tatayong pangalawang ina nito. Bakit ang tanga ko sa pagpili ng kaibigan? Bakit sabik ako sa kaibigan kaya kahit sino na lang? And why the heck did I trust people so easily?!
Si Carlyn ay kapapasok lang mula sa lanai. Kausap nito sa labas kanina sa phone ang mommy nito, nandoon kasi nila iniwan muna ang anak na si Mara. "Jillian, okay ka lang ba? Hindi ka pa kumakain. Ang putla-putla mo na."
Kasunod ni Carlyn si Kuya Jordan. Pulang-pula ang mga mata ng kapatid ko pati ang matangos na ilong nito. Alam ko na sumama lang ito kay Carlyn sa labas dahil ayaw nitong makita namin itong umiiyak.
Lumapit sa akin si Kuya Jordan. Hinila ako nito at magaan na niyakap. "Stop blaming yourself, Jill. It was not your fault. There's no such thing as a perfect mother. You're doing your best, and that is enough. I have witnessed your great love for Hyde and the sacrifices you've made for him. A selfless and loving mom like you would never wish anything bad to happen to her child."
"K-kuya..." Gumanti ako ng yakap kay Kuya Jordan.
Si Carlyn ay pinisil nang marahan ang aking palad. "You're doing well, Jill. Tama ang kuya mo, hindi mo naman kasalanan ito at mas lalong hindi mo ito ginusto. Walang may gusto nito. Magpakatatag ka dahil mas kailangan ka ngayon ng anak mo."
Lumuluha akong tumango. Nagpaalam na muna ako sa kanilang lahat sa sala. Bumalik ako sa kuwarto ni Hyde para i-check kung tulog na ang bata. Ayaw kasi nito na may papasok sa kuwarto nito. Nagwawala ito kanina.
Nandoon na sa loob kuwarto ni Hyde si Hugo. Pagkagaling namin sa ospital ay hindi na niya iniwan ang anak namin. Hindi man siya nito kinakausap ay hindi niya ito iniwan. Naroon lang siya sa may pinto at hinintay na makatulog ang bata.
Tulog na si Hyde habang si Hugo ay walang kurap na nakatitig ang malungkot niyang mga mata sa bata. Hindi siya tumingin sa akin nang magsalita, "Jillian, it happened to my son too."
"I'm sorry..."
"Why did it happen to my son?" basag ang boses na tanong niya.
Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Nang tumingin siya sa akin ay kumawala na ang mga luha sa mga mata niya.
"Kinakarma ba ako, Jillian?" Ang pagtulo ng mga luha ni Hugo ay napakasakit tingnan. "Sagutin mo, kinakarma ba ako? Is this a punishment for all of my mistakes in the past?"
"No..." Tumulo na rin ang mga luha ko. "No, Hugo..."
Sumubsob siya sa kanyang palad at doon mahinang umiyak. Ang mga balikat niya ay nanginginig. Marahan ko naman siyang hinagod sa likod habang umiiyak din ako.
Pareho kaming nadudurog sa mga oras na ito. Pero alam namin pareho na hindi kami puwedeng magpadala sa kahinaan. We needed to be strong so we could protect our son.
Sa ngayon, isasangtabi muna namin ang tungkol sa amin. Walang mas mahalaga ngayon kundi si Hyde lang. Ito muna. Ang anak lang muna namin bago ang ano pa man.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top