Chapter 56
DO I DESERVE THIS?
Iyon ang tanong na paulit-ulit sa isip ko. Pumayag ako na magpakasal kay Hugo kahit alam ko kung ano talaga ang tunay na habol niya. I didn't insist that we could be good parents to Hyde even though we were not married, and that because I was tempted. Kasi gusto ko rin talaga.
I thought we could be a real family. Gusto ko iyong idea na iyon, hindi lang dahil para sa anak ko, kundi para din sa sarili ko, dahil mahal ko si Hugo. At ngayon, sinisingil ako ng naging desisyon ko.
Nakayuko ako habang nakaupo sa gilid ng kama ng guestroom. Tulala lang pero wala namang luha na tumutulo mula sa mga mata ko. Basta blangko lang ang aking paningin. Kauuwi ko lang, nag-Grab ulit ako pabalik sa Tagaytay. Nauna ako kay Hugo, and he had no idea that I followed him in Buenavista.
Wala pa yatang ilang minuto nang marinig ko ang pagbukas ng bakal na gate sa labas. Nangunot ang aking noo. Was it him? Bakit umuwi rin siya agad?
Walang lakas na tumingin ako sa orasan. Past 11:00 p.m. Hindi siya naglamay? Ah, maybe dahil umuwi rin agad si Sussie? Hindi naman kasi puwedeng makipaglamay ang babae dahil hahanapin ito ng asawa at anak nito.
Nag-beep ang aking phone na nasa bedside table. Nag-pop up ang text message ng hipag ko na si Carlyn. Hindi ko na iyon kinailangang buksan dahil nakikita na agad ang unahang bahagi ng message nito.
Carlyn:
Sissy? San ka? Alam mo n b nangyari kay Hugo sa lamay ng nanny niya?...... ///
Putol na ang message, at mababasa lang kung ita-tap to open ang laman. Tiningnan ko lang naman iyon. Wala na rin naman ng kasunod pa na bago.
Mayamaya ay umuga ang doorknob ng kinaroroonan kong kuwarto. May pumipihit mula sa labas. Mga ilang pihit. Mga ilang pagbabakasakali. Ang blangko kong mga mata ay pinanood lang ito. Hindi na rin naman kumatok pa ang kung sino man iyon. Naisip siguro na baka tulog na ako.
SUNDAY. Hindi umalis si Hugo. Ni bumalik sa lamay ng nanny niya ay hindi niya ginawa. Natanaw ko siya sa may sliding glass door papunta sa garden. Naka-pajamas pa siya habang nakatitig lang sa kawalan. Sakto, nang pumasok na siya sa bahay ay nakatingin ako sa gawi niya. Nagtama ang mga mata namin.
Namumutla siya at parang kulang sa tulog ayon sa panlalalim ng mga mata, pero ngumiti siya pagkakita sa akin. "Hi."
"Hi," tipid na balik ko at dumeretso na ako sa kusina. Nararamdaman ko na nakasunod sa likod ko si Hugo. "Ate Lina, nag-breakfast na po ba si Hyde? Pasensiya na po, tinanghali ako ng gising." Hindi naman talaga ako tinanghali. Ang totoo, madaling araw pa lang ay masama na ang pakiramdam ko. Nahihilo ako kapag tumatayo.
Ngumiti naman si Ate Lina. "Ayos lang. Kumain naman na si Hyde. Maraming nakain na fried rice. Mukhang ginutom sa pagtulog. Malamang 'yan di makakakain mamaya ng tanghalian."
Kumuha lang ako ng mug para magtimpla ng kape. Wala akong kagana-gana dahil parang lahat ng pagkain sa akin ngayon ay nakakasuka. Habang nagtitimpla naman ako ay nasa bukana ng kusina nakatayo si Hugo, at nakatingin sa akin.
"Ay, naku, Hugo!" ani Ate Lina pagkakita sa kanya. "Hindi ka ba babalik sa burol ngayon? Pasensiya ka na, kanina ko lang nalaman na iyong dating nag-alaga pala sa 'yo iyong napanood ko sa news kahapon. Condolence pala, ah! Diyos ko, ang buhay talaga ng tao ay hindi mo masasabi, ano?"
Tahimik ako na naghahalo lang ng kape. Ramdam ko pa rin ang mga titig sa akin ni Hugo.
Nang umalis si Ate Lina sa kusina ay naupo si Hugo sa upuan na nasa kaharap ko. "Jillian, alam mo na ba iyong nangyari?"
Saka lang ako nag-angat ng paningin sa kanya. "Yup. My condolences," tipid kong sabi saka ibinalik ang atensyon sa kape.
Natigilan siya sandali dahil hindi siguro iyon ang inaasahan niyang reaksyon ko. Pagdaka ay mahinang nagsalita siya, "Si Mommy ba nagsabi sa 'yo?"
Tumango na lang ako sa tanong niya. Hindi ko na binanggit na nag-text din sa akin si Carlyn.
Namayani ang katahimikan. Habang sumisimsim ako ng kape ay nakapangalumbaba lang sa akin si Hugo. Hindi ko alam kung ano ang trip niya, pero titig na titig siya sa akin.
Nang maubos ang kape ay tumayo ako para dalhin ang mug sa kusina. Naramdaman ko na tumayo rin siya. Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay niya na dumama sa leeg ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
Umiling ako at pasimple kong tinabig ang kanyang kamay.
"You look pale. Hindi ka raw kumain kagabi sabi ni Ate Lina."
Nangunot ang noo ko. Tinanong niya si Ate Lina o si Ate Lina lang ang kusang nagsabi? Pero wala na akong gana na alamin ang sagot. Bumuga ako ng hangin. "I'm on a diet."
"Bakit? Okay naman na ang katawan mo, ah?"
"It's my body. Ako ang magsasabi kung okay ang katawan ko o hindi."
Napatanga siya sa akin.
"I have work to finish today, please don't bother me." Bumalik na ako sa hagdan. Hindi ko na inalam pa ang reaksyon niya nang iwan ko siya.
Hapon nang katukin ako ni Hyde sa kuwarto. Kasisilip ko lang dito kanina sa kuwarto nito pero abala ito sa pagbabasa, kaya hindi ko na inabala. Pinagbuksan ko ito ng pinto.
"Mommy, guess what? Daddy Harry is here!" masayang balita ni Hyde.
"Ha?" Napalingon ako sa pinto sa gilid ng hallway, ang pinto sa master bedroom. Sakto na bumukas iyon at lumabas si Hugo.
Shirt na plain white at shorts na plain black ang suot ni Hugo. Naka-house slippers. Magulo ang buhok niya at ewan kung kagigising lang ba niya, pero mukha siyang restless. Walang kahit anong emosyon ang mukha maliban sa bahagyang salubong ang makakapal at itim na itim na kilay.
"Sandali lang kamo, Hyde," sabi ko sa bata. "Mag-aayos lang ako."
Hindi ko na pinansin ang mga titig ni Hugo. Isinara ko na ang pinto. Hindi naman ako nag-ayos nang matindi. Tamang hilamos lang at suklay ang ginawa ko. My clothes were still the same. Baby pink loose cotton shirt and silk lavender pajamas, and on my feet were brown bear house slippers.
Paglabas ko ng kuwarto ay nagulat ako nang makitang nasa harapan si Hugo. Nakasandal siya sa pader habang nakahalukipkip. And he was looking at me.
"Did he tell you that he would visit today?" mababa ang tono na tanong niya.
Hindi ko alam kung para saan ang tanong niya. Sinagot ko na lang. "No."
"So, basta lang siya pumunta?"
Kailangan ba magsabi bago pumunta ang isang bisita? Bakit noong nakaraan na may mga bumisita sa amin, hindi siya nagtanong ng ganito?
"Babain ko lang." Umalis na ako bago siya makasagot.
Sa sala ay magkatabi sina Harry at Hyde sa sofa. Ginulo ni Harry ang buhok ng bata habang puno ng fondness ang mga mata na nakatingin dito.
"Daddy Harry, I really thought that I will not see you again. Hindi ka kasi pumupunta. Hindi ka rin pumunta sa wedding nina Mommy at Daddy."
"Sorry, I've been busy. Pero hindi mo naman ako nakalimutan, di ba?"
Ngumisi si Hyde. "Of course not, Daddy Harry!"
Huminto sila pagkakita na pababa ako sa hagdan. Harry stood up. "Good afternoon, Jill." May kung ano sa malamlam niyang mga mata habang nakatingin siya sa akin.
Ganoon pa rin si Harry. Neat, guwapo, at mukhang kagalang-galang. Kung may nagbago man sa kanya ay ang kislap ng mga mata niya.
Tinapik niya ang balikat ng bata. "Take your things to your room, Hyde." Ang tinutukoy niya ay ang mga paper bags na nasa center table. Mga books, chocolates at bala ng video games ang naroroon.
Sumunod naman ang bata, pero nagbilin na babalik din ito. Nang maiwan kami ni Harry sa sala ay naupo ako sa sofa. Naupo rin siya sa tabi ko pero meron kaming espasyo.
"Harry, iyong tungkol sa ipon natin. Ito." Inilabas ko sa bulsa ng suot na silk pajamas ang passbook at inabot sa kanya. "Maliit lang naman iyong akin diyan, kahit siguro hindi mo na ibigay—"
Gumuhit ang sakit sa ekspresyon niya. "I didn't come here for that..."
"Ibibigay ko rin naman ito sa 'yo kaya mabuti na ngayon na nandito ka."
"I miss Hyde. That was the reason why I visited today. I just mustered up the courage to face him after we suddenly broke up... And after you married someone else."
"Harry..." Alam ko na ngayon ang kislap na nasa mga mata niya, lakas ng loob. His once gentle gaze had changed and became fierce.
"I want to visit again, Jill. I want to see Hyde again. Ako iyong kinalakihan ng bata. Mahal ko siya na parang anak ko. I still want to be part of his life. Please, I'm begging you, 'wag mo namang ipagkakait iyon sa akin."
"Hindi ko ito bahay," bitiw ko sa patag na boses.
Tumango-tango siya. "Dapat ba sa kanya ako magpaalam?" tanong niya na kahit hindi sinabi ang pangalan ng tinutukoy ay alam namin pareho kung sino.
Hindi ako sumagot. Inilapag ko sa ibabaw ng center table ang passbook. "Pabababain ko ulit si Hyde. Hintayin mo na lang siya."
"Jill, are you happy?"
"W-what?" Nagulat ako sa biglang tanong niya.
"I want to know if you're happy. Hindi mo maaalis sa akin na hindi mag-alala."
"I'm okay." Hindi ko alam kung puwede na iyong sagot sa tanong niya. Naglakad na ako pabalik sa hagdan at hindi na lumingon pa kahit tinawag niya ako. Iniwan ko rin ang passbook sa center table.
Nasa kalahati na ako ng hagdan nang mapatigil ako dahil nasa taas si Hugo. Nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam kung kailan pa siya roon.
Mahina lang ang usapan namin ni Harry, hindi ko sigurado kung narinig niya. Marinig man niya ay ayos lang. Wala naman kaming pinag-usapan na masama. And I didn't do or say anything that could damage Hugo's honor. I had respect for him although we only got married because of our son. Wala siyang dapat alalahanin dahil kahit sa isip lang ay hindi ko siya pinagtataksilan.
Mabuti at dumating si Hyde. Pababa ng hagdan ang bata na hindi na yata nakatiis na hindi balikan si Harry sa sala. Nagtuloy-tuloy sa pag-akyat at nilampasan si Hugo.
Pagpasok ko sa kuwarto ay babalik na ulit ako sa kama nang bumukas ang pinto. Hindi ko nga pala nai-lock. Si Hugo ang pumasok, at siya ang nag-lock ng doorknob.
"May kailangan ka?" kaswal na tanong ko sa kanya.
"Do we have a problem?"
"What could be our problem?" wala pa ring buhay na balik tanong ko. Mabigat kasi talaga ang pakiramdam ko. Gusto ko ulit mahiga.
"You know about what happened to my nanny," he said in a bitter tone.
Ikinasasama ba ng loob niya na wala akong reaksyon? Dapat ba damayan ko siya? Pero kailangan pa ba niya?
"Jillian, I'm not okay. You know, I hate that woman, but I didn't want her dead."
Okay, pinakinggan ko ang mga sinasabi niya. Siguro kailangan niya ng mapaglalabasan ng nararamdaman, siguro kulang iyong oras ng pakikinig ni Sussie kahapon sa kanya.
"I still hate her even though she was already dead. Akala ko okay na. Iyong galit na akala ko wala na, na akala ko limot ko na, lahat iyon nagsibalikan bigla." Frustrated na napasabunot siya sa kanyang buhok. "I hate her so much, but I didn't want her dead. I didn't for wish her to be murdered like that!"
Nakatingin pa rin ako sa kanya. Hinahayaan ko lang siya na magsalita. Kahit pa nanginginig ang boses niya, kahit ang sakit sa dibdib na makita ang paghihirap sa mga mata niya, ay sinikap ko na huwag siyang abutin.
"I will not ask you to understand me. To be honest, I don't understand myself either. Nang malam ko iyong balita, nablangko ako bigla. Hindi ko maintindihan bakit nagkakaganito ako, kasi dapat okay na ako. Pero hindi. Kaya sana, Jillian, sana kung galit ka, 'wag sana ngayon. 'Wag muna ngayon..."
Tumiin ang mga labi ko dahil sa pagmamakaawa sa boses niya.
"Can we be okay? Please? Kung may problema ka man sa akin, kung may nagawa ako na hindi mo nagustuhan, pag-usapan na lang natin. O kaya sa ibang araw na lang sana..."
Nag-iwas ako ng mga mata. "I am not mad at you." Totoo naman na hindi ako galit. Hindi talaga. As a matter of fact, I didn't feel anything right now.
Ayaw ko nang magalit. Kahit magtampo, ayoko na. I just realized that I was just wasting my time for those useless emotions.
Pinakatitigan naman ako ni Hugo. Tinitimbang kung nagsasabi ako ng totoo. Sa huli ay sumusuko na tumango-tango siya, at bagsak ang balikat na tinungo na ang pinto.
Pag-alis niya ay walang lakas na naupo ako sa gilid ng kama. Hindi na ako lumabas ng kuwarto hanggang gabi, maliban na lang para sandaling i-check kung ano ang ginagawa ni Hyde. Pagkatapos, tumanggap na ako ng art commission at nagpakalunod na ulit sa trabaho.
Gusto kong makaipon. Gusto ko na may sarili akong pera pwera pa sa emergency fund na aking inihanda para kay Hyde. Bukod din sa educational fund ng bata. Tutal ay katuwang ko na si Hugo sa anak namin, at tutal ay wala akong masyadong gastos, sasamantalahin ko ang pagkakataon para makaipon.
I wanted to feel secured financially. Ayaw ko na hihingi pa ako sa parents ko o kaya ay aasa kay Hyde sa future kapag may trabaho na ito. Mas lalong ayaw ko na umasa kay Hugo. Mas maganda rin na may sariling pera ang isang babae, para handa kung ano man ang mangyari.
I spent all my time working. Pag nandiyan si Hyde ay ito ang inaasikaso ko. Kapag nasa school ito ay balik ako sa harap ng laptop or ng drawing tools. Minsan ay nalilipasan na ako ng kain at nananakit na ang aking tiyan, pero tinitiis ko.
HINDI KO NAMALAYAN ang araw. Friday na. 11:00 p.m. Tulog na si Hyde at nagtitimpla ako ng kape sa kusina nang may mag-doorbell. Hindi iyon si Hugo dahil hindi naman nito gawain mag-doorbell pag dumarating.
Wala si Ate Lina dahil umuwi sa pamilya nito, kaya walang ibang lalabas para i-check kung sino ang nagdo-doorbell. Iniwan ko muna ang kape para pumunta sa pinto.
Patay ang ilaw sa labas at walang bituin sa langit kaya madilim. Mabuti na lang at nakasindi ang ilaw sa lamppost ng kalsada. Sa tapat ng gate ay natanaw ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo. Sa likuran niya naka-park ang kotse niya.
Lumakad ako palapit para kilalanin siya. Nakakapit siya sa bakal na gate at para bang anumang oras ay tutumba siya. Nang makita niya ako ay kumaway agad siya. "Hon!"
I didn't recognize him immediately because of his condition. His hair was messy, he wasn't wearing glasses, and his polo shirt wasn't tucked in. When I got close to him, I realized why he was like this. He reeked of alcohol.
Nag-alala agad ako dahil hindi niya ugali ang uminom. Mahina ang alcohol tolerance niya. Pinagbuksan ko siya ng gate. "What happened to you, Harry? Bakit ka uminom? At bakit ka pumunta rito?"
Dahil natatapatan ng ilaw ng lamppost ang unahan ng kotse niya ay nakita ko agad ang bangas doon. Mukhang kung saan na siya nagkabangga-bangga bago makarating dito.
"Bakit ka nag-drive nang nakainom?!" pasinghal na tanong ko sa kanya. Kahit isa sa mga tanong ko ay wala pa siyang nasasagot.
"Hon, are you worrying about me?" garalgal ang boses na tanong niya sa akin.
Napatapik ako sa aking noo. Wala sa huwisyo si Harry at hindi ko siya makakausap nang maayos kung ganito siya. Hindi ko rin siya puwedeng paalisin dahil nakainom siya. Baka kung ano ang mangyari sa kanya.
"Halika muna." Inalalalayan ko siya papasok sa loob ng bahay. Sa kusina ko siya dinala. Sa kanya ko na pinainom ang aking itinimpla na isang tasa ng kape.
"Jill, I'm sorry..."
Mga kalahating oras siguro bago siya nahimasmasan. Nasa lanai na kami para mahanginan siya. Nakaupo siya sa bakal na upuan habang ako ay nakatayo sa harapan niya.
"I tried to pretend that I didn't care and tried to be cool about the whole thing. But I was just fooling myself." Nang mag-angat siya ng mukha sa akin ay puno ng lambong ang mga mata niya. "Jill, my feelings for you have never changed."
"Harry, I'm now a married woman," malumanay na sabi ko sa kanya.
"I know. But you're not happy. Are you?"
Natigilan ako.
"Unang kita ko pa lang sa mga mata mo, alam ko na agad na hindi ka masaya. Kasi kung masaya ka, kahit gaano kahirap ay hindi na ako babalik dito."
"May kompletong pamilya na ang anak ko."
"Na kaya ko rin naman ibigay sa inyo."
"Na hindi mo ibinigay..."
"I know that I failed you. Wala akong excuse kung bakit hinayaan kitang mawala. Pero walang oras na hindi ako nagsisi. Nang mawala kayo, nawala na rin ako. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. I even cut ties with my mom."
Napamulagat ako. Hindi ako makapaniwala na magagawa niyang talikuran ang mommy niya. Lalo pa ngayong may sakit pala talaga si Tita Eva.
"Hindi na ako nakikipag-usap kina Mommy. Ilang weeks na. Kaya ka niya gustong makita ay siguro dahil gagamitin ka niya para magkausap kami. Pero hindi ko na siya kayang makaharap pa."
"Harry, bakit ngayon ka pa lumayo kung kailan may sakit si Tita Eva—"
"May sakit din ako. Dito." Itinuro niya ang tapat ng kanyang dibdib. "It hurts so much, Jill. Sobrang sakit araw-araw sa tuwing iniisip ko na asawa ka na ng ibang lalaki. Na hindi ako iyong nasa tabi mo. Na hindi na ako iyong daddy ni Hyde. Na wala na kayo."
Tumayo siya at sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ang aking kamay.
"I know I'm too late. This is too late. But I still love you. I still do. If you come back to me, I'm not gonna lose you again."
I was about to speak when someone spoke from the door. "JILLIAN."
Sabay kaming napalingon ni Harry sa matangkad na lalaki na nakatayo roon. Itim na shirt, itim na jeans at sa kaliwang kamay ay hawak ang car keys. At kahit madilim ay masisinag ang kalamigan ng mga mata niya.
Humakbang siya palapit. Kay Harry nakatuon ang malamig niyang tingin. "I have no idea what's going on and why are you here at this hour, but can you let go of my wife's hand?"
Ako na ang bumawi sa mga kamay ko na hawak-hawak ni Harry. "Harry, now that you're sober, I think you should go home."
Si Harry ay nakatingin din kay Hugo. Parehong malamig ang mga mata nila at walang may gustong magbawi ng tingin.
Hinila ko si Harry sa braso para talagang mapaalis na ang lalaki. "Ihahatid na kita sa gate." Nilampasan namin si Hugo na nagtatagis ang mga ngipin.
Nang makarating sa gate ay saka ko binitiwan ang braso ni Harry. Dahil nakaharang sa tapat ng gate ang kotse niya ay hindi nakapasok ang kotse ni Hugo. Nasa labas iyon sa likuran ng kotse niya.
"Harry, may tama ka pa ng alak kaya sa inyo ka na muna umuwi rito sa Tagaytay, para hindi ka na mag-drive nang matagal. O kung ayaw mo sa inyo, kina Mommy ka na lang muna magpalipas ng gabi."
Iniwan ko na siya nang magsalita siya, "I'll leave now, Jill. But I will be back."
Hindi ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa bahay.
"Jill, please give it a thought!" habol na sigaw niya. "If you choose me, I will do everything to make it up to you. I will do everything to make you and Hyde happy."
Pagpasok ko sa sala ay muntik akong mapatili sa gulat dahil nandoon nakatayo si Hugo. Hinihintay ako.
"Nakaalis na ba siya?" walang emosyong tanong niya.
"Sorry kung iyon ang naabutan mo," simula ko. I owed him an explanation. Unang-una, mag-asawa kami sa mata ng Diyos, sa batas, at sa mata ng mga tao. May tungkulin ako sa kanya at sa pangalan niya. Pangalawa, nasa pamamahay niya ako.
"You have nothing to worry about, Hugo. I didn't do anything to tarnish your honor. I only let him in because he was drunk and he needed to get sober before I send him home."
"I believe you."
"Thanks—"
"But what did you two talk about?"
I blinked and was speechless for a moment. Nang makabawi ay tamad akong nagbalik-tanong sa kanya, "Do I need to tell you everything?"
Kaswal na namulsa siya. Parang sinasabi na 'oo', I should tell him everything, down to the smallest details.
"I didn't do anything wrong. That should be enough if you really believe me. Unless, naghihinala ka."
"Why? Hindi mo masabi sa akin?" Kahit malumanay ang tono niya ay dama ko roon ang bigat. At iyong mismong tanong niya ay parang nag-trigger ng kung ano sa loob ng dibdib ko.
"Bakit ikaw, Hugo? Nagsasabi ka rin ba sa akin? Nililinaw mo rin ba lahat sa akin?" Kahit nga noong unang kinompronta ko siya, mas pinili niyang hindi sumagot at magpalamig muna, di ba? Dahil doon tuloy, kahit may gusto siyang sabihin, parang nawalan na ako ng gana na makinig pa.
Damang-dama ko ang pag-angat ng aking emosyon. At this rate, I knew that I would say something I was going to regret. But to hell I care.
"You're acting like a real husband, you know that?" matabang na bitiw ko. "Just to remind you that we only got married because of Hyde. At kung may bonus man itong marriage na ito, iyong sex lang siguro."
Umigting ang panga ni Hugo at dumilim ang kanyang mga mata.
"Hugo, I'm drawing a line here because I don't want our setup to become more complicated. But you're the one who keeps messing it up." Hindi ko namalayan na umalpas na ang mga luha ko. Kahit ako ay nagulat dahil akala ko na hindi ako iiyak.
Ang dilim sa mga mata ni Hugo ay nabura nang makita ang mga luha ko.
Garalgal ang boses na nilabas ko lahat. "You're acting like you need me. You're acting like we could be a real and normal couple. You're making me feel that it's okay to have high expectations in this relationship. Pinapaasa mo ako, Hugo!"
Bumadha ang pagkalito sa guwapo niyang mukha. "But this is a real relationship, Jillian. Kahit kailan, hindi ko inisip na hindi."
Luhaan akong tumango. "Yes, we are legally married. Yes, we live together under one roof. Yes, we're real husband and wife. But this is not a real relationship. Hindi tayo malinaw. Because you know why?"
Naghihintay siya sa salitang lalabas sa bibig ko, para lang matigagal.
Mapait akong ngumiti sa kanya. "Hugo, you keep mistaking me for someone else."
Umawang ang mapula niyang mga labi pero wala siyang nasabing salita.
Humakbang ako palapit sa kanya at hilam ang luha na tiningala ko siya. "I regret that I agreed to marry you..."
Namutla siya. "J-Jillian.."
"Hugo, I'm sorry but I can't do this anymore. Let's stop this. Maghiwalay na tayo. Ayoko na." Pagkasabi'y tinalikuran ko na siya.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top