Chapter 51
BAKIT ANG AGANG UMUWI NI HUGO?
Dapat weekend pa ang uwi niya. Pero Friday night pa lang, narinig ko na ang kotse niya sa labas. Hindi kami nag-usap mula nang umalis siya noong nakaraang Martes. Hindi naman na niya kailangang magpanggap at tawagan ako para kumustahin, o i-update. Hindi niya na kailangang magpagod pa dahil nagkalinawan na kaming dalawa.
Nagkakaintindihan na kami kung ano talaga ang meron sa amin. Noong Martes ay inilipat ko na ang aking mga damit at ilang gamit patungo sa guestroom. Doon na ako natutulog.
Hindi naman nagtatanong si Hyde kung bakit palagi akong nasa guestroom dahil sinabi ko na doon na ang aking working room. Ang alam ng bata ay ginagabi ako sa pagtatrabaho at doon na nakakatulog. Hindi ko na rin pinapaakyat si Ate Lina sa second floor para walang mapansin ang ginang.
Pag-uwi ni Hugo ay sinalubong siya ni Hyde. Ginulo niya ang buhok ng bata. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti siya dahil kailangan. Hyde and Ate Lina were watching us, so of course, I had to smile too.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa ulo. Pasimple naman akong lumayo. Nang wala na sa amin ang mga paningin ay sabay na naging pormal ang mga mata namin.
Nagbihis siya sa itaas bago kumain. Pagbaba niya ay seryoso ang kanyang ekspresyon. He didn't smile even when Hyde called him. Mukhang nakita niya nang wala na sa walk-in closet ng master bedroom ang mga gamit ko.
Walang kibo na kumain ako habang ramdam ko ang mga titig sa akin ni Hugo. Malamang na nanggigigil na siya sa asar pero wala siyang magawa. Hindi niya ako puwedeng sitahin dahil kasama namin sa mesa sina Hyde at Ate Lina.
Habang kumakain ay tinanong siya ni Hyde, "Daddy, can I sleep in your room again?"
Pag-angat ng paningin ko ay nakita ko ang pagngisi sa akin ni Hugo. "Yes, you can. Sa gitna ka ulit namin ng mommy mo."
Napangisi rin ako. "Sure, baby. Matulog ka na lang sa room namin, tatabi na lang ako sa inyo ng daddy mo pagkatapos ko sa work ko."
Napalis ang ngisi ni Hugo at nagtagis ang mga ngipin niya.
Napalabi naman si Hyde. "When are you going to finish working, Mommy? And why do you still have work tonight?"
Nginitian ko ang bata. "It's only Friday night, baby. May kailangang tapusin na rush work si Mommy kaya baka umagahin na ako sa guestroom."
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si Ate Lina na magligpit ng pinagkainan. Sina Hugo at Hyde ay nag-stay pa sa sala. Pagkatapos sa kusina ay nauna na ako sa itaas para gawin ang aking 'trabaho'.
I was not lying when I said to Hyde that I had work to finish tonight. Hindi nga lang ganoon karami. Ang plano ko ay gawin na rin ang files na dapat sa Monday ko pa gagawin. Gusto ko lang magpatay ng oras.
3:00 a.m. nang abutan na ako ng antok. Hindi kasi ako nakatulog noong tanghali kaya hindi ko na kinaya ang puyat. Napasandal ako sa sandalan ng desk chair para umidlip nang magtuloy-tuloy na ang tulog ko.
Katutulog ko lang nang bumukas ang pinto ng guestroom. Naalimpungatan ako na may kumarga sa akin mula sa upuan at kasunod kong naramdaman ay ang paglapat ng aking likuran sa malambot na higaan.
NAPAMULAT AKO NG MGA MATA. Agad akong bumangon at iginala ang paningin sa paligid. Nakahinga ako nang makitang wala ako sa master bedroom. So, dito rin pala talaga ako natulog sa guestroom.
Tumingin ako sa kinahihigaan. Nasa kama na ako. Hindi ko maalala kung nahiga ba ako sa kama kagabi pero plano ko iyong gawin. Baka nga sa sobrang antok ko ay nahiga na ako.
7:30 a.m. pa lang sa orasan. Tumayo ako nag-toothbrush at naghilamos bago lumabas ng kuwarto. Wala pang ingay sa ibaba kaya hindi pa siguro gising sina Hugo at Hyde.
Pumunta ako sa veranda dahil may bintana roon kung saan masisilip ang master bedroom. Gusto ko lang i-check kung tulog pa sila. Sana lang ay nakahawi ang kurtina sa sliding window para makita ko ang loob ng kuwarto.
Ang hamog pa rin paglabas ko ng veranda dahil maaga pa. Ang ganda ng langit at ang lamig ng paligid. Nag-tip toe ako patungo sa bintana para sumilip doon. Napangiti ako nang makitang nakahawi ang kurtina. Sinipat ko ang loob.
Nangunot ang aking noo nang makitang si Hyde na lang ang nasa kama, at wala na si Hugo. Pinakasilip ko pa ang loob ng kuwarto. Nasaan ang lalaking iyon? Nasa banyo ba? O bumaba na ba? Nagkakape na?
"Hoy, magkakuliti ka."
Muntik na akong mapatili nang may magsalita sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Hugo na nasa gilid ng veranda. Nakadapa siya sa sahig habang nagpu-push up sa yoga mat. Sweat pants na black lang ang suot niya at wala siyang pang-itaas.
Oh, shit! He was there?! Bakit hindi ko siya napansin kanina?!
Tumayo si Hugo. Kahit malamig ay pawisan ang hubad niyang katawan. Tumutulo ang pawis niya sa gilid ng kanyang makinis na leeg patungo sa malapad niyang balikat. Parang basa pati ang manipis na balahibo sa ilalim ng matigas niyang sikmura pababa.
"Kababae mong tao, namboboso ka."
"At ikaw? Ang lamig-lamig, nakahubad ka!" Paano niya kinaya ang lamig? Siguro ay ipinanganak siyang bold star kaya sanay niyang maghubad kahit malamig ang klima.
"Kanina pa ako nagpapapawis." Inginuso niya ang t-shirt at hoody na nakasampay sa railings. "Nag-jogging na ako sa labas kaya pawisan na ako."
Iningusan ko siya. "Mamatay na nagtanong."
"How savage."
Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya. Tinigasan ko ang ekspresyon para mapagtakpan ang aking pagkapahiya dahil sa pagkahuli niya sa paninilip ko. "Si Hyde ang tinitingnan ko, gusto ko lang i-check kung tulog pa siya."
"May pinto naman. Bakit kailangang sa bintana ka mag-check? Kung may tao lang sa labas ng gate, malamang napagkamalan ka ng akyat-bahay."
"Excuse me?! Mukha ba akong akyat-bahay?!"
"Looks can be deceiving." Ngumisi siya. "May kilala nga akong mukhang santa, pero sadista."
"I really can't stand you!"
"You can kneel if you want."
"Ahg, shut up!" gigil na singhal ko at padabog na tinalikuran siya. Nahinto ako sa paghakbang dahil nasa pinto na pala ng veranda si Hyde.
The kid was still in his pajamas and his hair was messy which was natural since he had just gotten out of bed. "I just woke up, Mommy," he said, rubbing his still-sleepy eyes. "Paglabas ko ng pinto narinig ko po ang boses niyo. Did you sleep beside me, Mommy?"
Napalunok ako dahil ayaw kong magsinungaling dito.
Nagulat ako nang si Hugo ang sumagot. "Nope. Madaling araw nang natapos sa trabaho niya ang mommy mo."
Nalungkot ang mukha ni Hyde. "Oh, Mommy, so you slept alone in the guestroom. Habang magkatabi kami ni Daddy, ikaw, mag-isa lang."
"Nope again. I slept with her."
Napanganga ako kasabay nang pagbaling ko ng tingin kay Hugo. Why did he lie to the kid?!
"Nagising ako nang madaling araw para i-check ang mommy mo. Katatapos lang niyang mag-work at inaantok na siya kaya hinayaan ko na lang siya sa guestroom matulog, pero tinabihan ko siya para may kasama siya."
Napangiti na si Hyde. "Oh, I'm not sad anymore. Mommy, para pong kalahati ng gabi ay katabi ko si Daddy at sa kalahati naman, katabi mo si Daddy."
Sa nakikitang saya sa mga mata ni Hyde ay hindi na ako nakapagsalita pa. Si Hugo na ang nagsinungaling para sa akin, bahala siyang usigin ng konsensiya niya.
Something had changed this Saturday. Pagkakain ay akala ko puwede na akong bumalik sa itaas, ang balak ko ay magkulong sa guestroom habang nagba-bonding sina Hugo at Hyde, pero ayaw akong paalisin ng dalawa.
"Mommy, join us!" Hinila ako ni Hyde sa braso patungo sa sofa. Naglalaro sila ng Scrabble.
Si Hugo ang nakakuha ng letter "A" kaya siya ang nagsimula. Nakabuo siya ng unang salita, and the word was: BEAUTIFUL.
Tumaas ang isang kilay ko dahil hindi doon natapos. Puro adjectives ang ginagawa ni Hugo. ELEGANT, STUNNING, LOVELY, GORGEOUS.
"Ayoko na." Tumayo na ako.
"Mommy, tapusin natin," makaawa sa akin ni Hyde.
Nang tingnan ko si Hugo ay chill lang na pinipitik-pitik niya ang dice.
After Scrabble we played Jenga, Snake and Ladders, and Uno. Hindi ko magawang tumayo dahil pinipigilan ako ni Hyde. Hindi ko naman ito magawang biguin. Ang saya-saya ng bata dahil ngayon lang daw kami nag-bonding na pamilya nang ganito.
"Come on, Jillian. Another round." Hugo handed me a new set of cards. Nasa mga mata niya ang pagkaaliw sa inis ko.
Agh! This crazy man was enjoying everything! Nakakairita dahil noong nakaraan namang mga weekends ay hindi ganito si Hugo. He was more focused on Hyde, dahil si Hyde naman talaga ang importante. Pero ngayon ay bakit ganito?
Napadaan ang paalis na si Ate Lina sa sala. May dala itong bag. Naglaba na agad ito at naglinis kanina dahil nagpaalam ito na mag-o-off ngayon hanggang bukas.
Masaya ang ginang nang makita kami. "Enjoy niyo lang, solo niyo ang buong bahay hanggang bukas." Bago ito umalis ay may pinagbuksan ito ng gate.
Pagtingin ko sa pinto ay napaangat ang aking puwitan mula sa sofa nang makita ang mommy ko at ang mommy ni Hugo. Anong ginagawa nila rito nang walang pasabi?!
Ang lawak ng ngiti ng nangunguna na si Mommy Norma. Ang mga mata nito ay nakatutok sa mga cards na hawak namin. "Oh, sweet family bonding!"
"Grandma!" Napatayo si Hyde at sumalubong sa mga lola nito.
Hinalikan ako ni Mommy sa pisngi nang tumayo na ako palapit sa kanila. "Hi, Jill."
"Hello, Jill," malambing na bati rin sa akin ni Mommy Norma. "Wala akong magawa sa bahay dahil nasa business trip na naman ang daddy ni Hugo, kaya naisipan ko na dumalaw. Dinaanan ko muna ang mommy mo sa inyo para sabay na kami na pumunta rito."
"Hindi kayo nagpasabi." Si Hugo na seryoso ang mukha nang harapin ang ina.
"E biglaan kasi." Inirapan siya ng mommy niya. "Saka bakit kailangang magpaalam? I missed Hyde. Ano, ipagdadamot mo sa akin ang apo ko?!"
Maliit na napangiti na lang si Mommy at sinenyasan ako na dalhin ang mga pasalubong na dala nila sa dining. Naiwan ang mag-ina sa sala dahil sumama sa amin si Hyde.
Sa aking paglingon ay nakita ko pa na pinaghahampas ni Mommy Norma si Hugo sa braso. "Ipapahiya mo pa ako rito, Hugo Emmanuel! Dapat nga masaya ka pa at dinalaw kayo! Mahiya ka at kasama ko ang biyenan mo!"
"Para akong bumalik noong nagtuturo pa ako sa Gov," nangingiti na bulong sa akin ni Mommy. "Ganyan na ganyan ang mga eksena noon sa faculty kapag pinupuntahan ni Hugo ang mommy niya para humingi ng pera tuwing breaktime."
Yeah, I knew that feeling. Every moment with Hugo was like a déjà vu.
Si Hyde ay hindi na nakatiis na hindi magbukas ng box ng cake na isa sa dala nina Mommy. Nagsimula na itong kumain.
"Jill, pasensiya ka na pala," ani Mommy. "Sorry hindi na nasundan ang pagdalaw ko. Ang totoo, kating-kati na kami ng daddy mo na puntahan ka rito. Pero nagpipigil kami. Gusto namin na ibigay sa pamilya niyo ang panahon na walang umiistorbo sa inyo."
Nakaramdam ako ng init sa aking dibdib. Kahit kailan ay malawak ang pag-unawa ng pamilya ko.
"And we want to give you the time to enjoy and adjust to your married life."
Married life. Inulit ko sa isip ang pagbigkas ng salitang, at mapait ang kinalabasan.
Sumunod na rin sa amin sina Mommy Norma at Hugo sa dining. Si Mommy Norma ay matamis na ulit ang pagkakangiti.
"How are you, Jillian? Kumusta kayo rito? Nakapag-adjust na ba kayo? May groceries pa ba kayo?" sunod-sunod na tanong nito. "Kapag gusto mo ng kasama sa pamimili, just text or chat me, okay? I'll make time for you."
"Okay lang naman po kami, Mommy Norma," nakangiting sagot ko. Iniiwasan ko ang mga mata ni Hugo dahil nakakainis ang tingin nito.
"Hugo," ani Mommy. "Thank you for taking care of my daughter and my grandson."
"It's my pleasure, Mommy Ethel."
Nag-slice si Mommy Norma ng cake. Ang para sa amin ni Hugo ay inilagay nito sa isa lang na platito. Isa lang din ang tinidor. "Newly weds, share na lang kayo."
Kumuha ng cake si Hugo gamit ang tinidor. Kumain siya mag-isa niya at pagkuwa'y inabot sa akin ang tinidor para ako naman ang kumuha at kumain.
Nilapitan siya ng mommy niya at hinampas sa balikat. "What are you doing, Hugo Emmanuel?!" gigil na sita sa kanya ni Mommy Norma. "Wala ka bang ka-sweet-an sa katawan? Subuan mo si Jillian!"
Napaawat naman ako. "I'm fine, Mommy Norma—"
"No." Hinampas nito ulit si Hugo. "Subuan mo si Jillian. Mahiya ka sa biyenan mo!"
Pati si Mommy ay kandangiwi na rin. "Balae, okay lang. Baka hindi lang showy ang mga bata."
Napakuwit na ulit ng cake si Hugo gamit ang tinidor at isinubo sa akin. Si Mommy ay nakamasid din sa amin, kaya wala akong nagawa kundi ngumanga at tanggapin ang sinusubo ni Hugo na cake.
Napapalakpak si Mommy Norma pagkatapos. Si Mommy naman ay napangiti. Pati si Hyde ay tuwang-tuwa habang nakatingin sa amin ng daddy niya.
Sa umpisa ay parang nahihiya pa si Hugo na subuan ako dahil may mga nakatingin. Kalaunan ay napansin ko na parang natutuwa na rin siya. May kakaibang kislap ang mga mata niya habang sinusubuan ako.
Inagaw ko sa kanya ang tinidor at ako naman ang kumuha ng cake. Nilakihan ko at sinalaksak iyon sa bibig niya. Hindi naman siya nakaangal dahil nga may mga nakatingin.
"Do you guys have a callsign already?" tanong ni Mama Norma.
Sabay yata kaming napaubo ni Hugo nang marinig iyon.
Nadismaya si Mommy Norma. "Bakit naman wala pa? O gusto niyo ba mag-suggest ako?"
Napapitlag ako nang bigla akong akbayan ni Hugo. "Actually we already have a callsign."
What? Kailan pa?!
Nakaabang naman sina Mommy Norma at Mommy, maging si Hyde, kung ano ang callsign namin ni Hugo.
"Ling."
What?!
Kahit sina Mommy Norma ay nag-loading sa sinabi ni Hugo.
Hinalikan ako ni Hugo sa ulo bago sinagot ang mga tanong sa mukha ng lahat. "Jillian and I are calling each other 'Ling'. It's a suffix of the old English word deorling. Dēore is an adjective which means highly regarded or beloved."
Ha? Pinagsasasabi niya? Pasimple ko siyang siniko sa tagiliran pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakaabay sa akin.
"Oh, so sweet!" sambit ni Mommy Norma na pinangingislapan pa ng mga mata. "Ling as in darling!"
Yumuko sa akin si Hugo. "Right, ling?"
Tabingi ang ngiti ko. "Y-yes, ling..."
Kumuha ulit siya ng cake at isinubo sa akin. "Eat some more cake, ling."
"Ayoko na, ling. Busog na ako."
"Come on, I know you like this cake, ling. Nagki-crave ka rito, di ba?" Pinagdukdukan niya sa mukha ko ang cake. Gusto yatang gumanti sa pagsubo ko sa kanya ng malaking slice kanina.
Matalim ang mga mata ko sa kanya nang isubo ko ang cake. Kilig na kilig naman ang mga magulang namin sa amin.
Kumuha ulit si Hugo ng cake at sinubuan na naman ako. Nag-e-enjoy talaga siya. Ang nakakainis pa dahil sa pagkakataong ito, ay parang sinadya niya na isanggi talaga ang icing sa gilid ng bibig ko.
Wala tuloy akong choice kundi dilaan ang icing sa gilid ng aking bibig. Ganoon na lang ang pagkabuwiset ko dahil mukhang lalong natuwa si Hugo. Pasimple ko siyang tinapakan sa paa. Napangiti ako nang umigting ang kanyang panga. 'Buti nga!
Pagkatapos naming kumain ng cake ay ibinigay niya sa akin ang kanyang isang kamay. "Ling, can you massage my hand? Nangalay yata sa paghawak ng baraha kanina."
Seryoso ba talaga siya sa 'Ling'? Baka naman ang ibig sabihin talaga niyon sa kanya ay 'tililing'? Kasi ay bagay naman sa kanya kung iyon nga ang ibig sabihin.
Dahil nakatingin sina Mommy at Mommy Norma ay tinanggap ko ang kamay ni Hugo para masahiin. Pero hindi masahe ang ginawa ko, pinaghihila ko ang daliri niya at pasimpleng pinagkukukurot. Kandangiwi siya at binawi rin sa akin ang kamay.
Hindi pa ako nakuntento, kinurot ko pa siya sa hita niya sa ilalim ng mesa. Nagtagis ang mga ngipin niya pero hindi siya nagpahalata kina Mommy Norma. Nalaklak na lang niya ang kaharap niyang baso ng tubig ng wala sa oras.
Umusod ako palayo sa kanya at mahirap na dahil baka makaisip siyang gumanti.
Napasimangot naman si Mommy Norma. "O bakit magkalayo kayo? Bakit hindi kayo magkadikit? Ano ba 'yan? 'Wag kayong masasanay nang ganyan."
Hinila ni Hugo ang kinauupuan ko para mapadikit ulit ako sa kanya. "Mommy, stop it. Nahihiya ang asawa ko."
"Sus," tukso ni Mommy Norma. "'Wag ka nang mahiya sa akin, Jill. We're now a family."
"Kumusta naman ba ang pagsasama niyo?" Si Mommy ang nagtanong.
"Great." Pinagsalikop ni Hugo ang mga kamay namin.
Yumuko sa akin si Hugo na saktong nakatingala ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo at pinagmasdan ang mukha ko nang buong pagsuyo.
Tumingin pa siya sa akin na akala mo ay isa akong santang naghihimala. "Jillian is a wonderful wife and a mother. Inaalala niya ako palagi. Kahit nasa Manila ako, hindi siya pumapayag na hindi niya ako makukumusta. Kapag nandito naman ako, inaalagaan at pinagsisilbihan niya ako. Minamasahe niya pa ako dahil alam niyang pagod ako sa trabaho. Mahaba ang pasensiya niya, may tiwala siya sa akin, at hindi niya pinag-iisipan ng kung anu-ano. She is perfect. 10-10."
Habang sinasabi niya ang lahat ng iyon ay gusto kong kilabutan. Masyado kasing maamo ang kanyang mukha at mapungay ang kanyang mga mata. He was fooling everyone with his handsome face.
"Oh, my Hugo is really in love!" maramdaming sambit ni Mommy Norma. "Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. I'm so happy and proud!"
Si Mommy naman ay pasimpleng yumuko para magpunas ng mga mata. Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil lahat ng ito ay hindi naman talaga totoo.
Mabuti na lang at kinagabihan ay nagpaalam na ang mga mommy namin ni Hugo. Pagkatapos ng dinner ay nauna nang umakyat si Hyde dahil may ka-chat daw ito na kaklase.
Naiwan ako sa kusina para magligpit ng pinagkainan. Nagpupunas na ako ng kamay nang makitang parating si Hugo. Naka-silk pajama na siya na kulay navy blue at plain white shirt sa pang-itaas.
"Jillian, can we talk?"
"Do we still have something to talk about?" tamad na balik tanong ko. Nag-usap naman na kaming noong nakaraan kaya ano pa ba ang dapat pag-usapan?
"We can't continue being like this," malumanay na sabi niya na may pagsusumamo. "Sooner or later, Hyde will notice that we are not okay. Our son is smart, and you know that. We can't fool him forever."
Napabuga ako ng hangin. "Where are the photos?"
Umawang ang mga labi niya.
"You know what? 'Wag mo nang sagutin dahil hindi naman na ako interesado. Pero siguraduhin mo na hindi makikita iyon ng anak mo. 'Wag mo siyang bigyan ng iisipin niya."
Napakamot siya ng daliri sa kaliwang kilay niya. "Hey, wait. Tungkol pa rin ba ito roon? Are you mad just because of that? Kasal na tayo, Jillian. May asawa na rin si Sussie, at may anak na."
"And yet you still love her."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "No, Jillian. It's just that the photos are—"
"You know what, Hugo? I don't care," sumusukong sabi ko. "I'm fine with you loving someone else."
"What the hell?!" Napasigaw na siya.
"You can still love Sussie all you want o kahit sinong babae pa riyan. Wala akong pakialam. Basta gawin mo ang responsibilidad mo bilang ama ni Hyde, at buhayin mo kami gamit ang pera mo. I-provide mo ang mga pangangailangan namin, kasama pati ang luho. 'Wag na 'wag kang magkukulang para wala tayong gulo."
Tigagal siya sa akin at nang makabawi ay mapaklang ngumiti. "Nice."
"Wala akong pakialam sa 'yo, Hugo."
Napahagod siya ng mahahabang daliri sa kanyang buhok.
"Just do your responsibility, and we're good."
"Fine. Pero ang lagay pala ay ikaw lang ang may pakinabang sa akin?"
Napaatras naman ako. Ang kaso, sukol niya na ako sa kitchen table.
"What about me, Jillian? Anong makukuha ko?"
"You can be a father to Hyde, of course. That's what you're after, right?—"
"That's a given," he cut me off. "Pero sa 'yo? Anong mapapala ko sa 'yo?"
Litong napalunok ako. "A-and what do you want from me?"
Madilim ang mga mata na ngumisi siya. "How about... your body?"
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top