Chapter 50
SA GUESTROOM AKO NAKATULOG.
Hinika ako kagabi sa sobrang init at dahil na rin sa pag-iyak. Nagsisikip ang dibdib ko na parang papawian na ako ng ulirat. Hindi ko na maalala kung paano ako nakatulog nang maayos. Basta para akong nananaginip na may nag-angat ng aking katawan mula sa lapag.
Lumuwag din ang aking paghinga. Nanaginip ako na gumagamit ako ng inhaler. Siguro sa pagod na lang talaga kaya ako nakatulog.
Paggising ko kinabukasan ay tahimik na tahimik ang buong kabahayan. 8:00 a.m. na kaya malamang na nakaalis na sina Hugo at Hyde. Si Hugo ay nasa Manila na at si Hyde ay sa school ng bata.
Bumangon ako at nagtaka dahil malamig ang kuwarto. Naalala ko kagabi na basang-basa ako ng pawis na nakatulog dahil nga sa patay ang aircon. Pero nagising ako ngayon na bukas na ang aircon at nakakumot na rin ako.
May kumatok sa pinto. Dumungaw roon si Ate Lina. "Gising ka na pala. Kain ka muna." Pumasok siya at dinampot sa lapag ang pinaghubaran kong damit.
Napatingin tuloy ako sa suot ko. Iba na ang damit na suot ko. Hindi naman ako nagpalit kagabi. Hindi ko rin naaalala na lumipat ako sa kama mula sa lapag.
"Basang-basa ka ng pawis kagabi," sabi ni Ate Lina. "Nakatulog ka pagkatapos mo magligpit dito. Sana tinawag mo kasi ako para matulungan kita."
Kung ganoon ay si Ate Lina ang nagbihis sa akin at nagbukas ng aircon? Sabagay, alangan namang sino? Unless, Hyde went here last night. Pero hindi naman ako makakaya ng bata na bihisan.
Bumangon na ako. Wala na ang kahon sa sahig. Wala na rin ang mga nagkalat doon kagabi na photos. Wala na rin ang trash bag. Nandoon na naman ang pagguhit ng hapdi sa loob ng aking dibdib. Siguro itinago na ni Hugo ang mga photos nila ni Sussie sa lugar na hindi ko makikita.
"Ate Lina, napagod po ako kagabi dahil may tinapos akong trabaho kaya dito na ako nakatulog sa guestroom." Kahit ayaw ko ay nagsinungaling ako para hindi na mag-isip ang ginang. Baka kasi mamaya ay mabanggit niya pa kay Mommy Norma.
Napangiti naman lalo si Ate Lina. "Ah, kaya pala nandito ka at wala sa master bedroom. Ibinilin ka nga sa akin ni Hugo na pakainin ka raw agad paggising mo. Ang bait talaga ng asawa mo, ano? Mahal na mahal ka."
If that was what Hugo wanted everyone to believe, he should be proud because he succeeded.
I thought about the intense anger and pain I felt last night. Gusto ko na lang matawa sa sarili. Malamang din na pinagtatawanan ako ni Hugo. Bakit ba ganoon katindi ang galit ko? Bakit ganoon na lang ako masaktan?
It was not like Hugo cheated on me. He didn't even lie or anything. He clearly stated his reason why he wanted to marry me, and it was all about Hyde from the very beginning.
Mabigat ang aking pakiramdam na bumangon na ako. Ginawa ko na lang ang trabaho ko sa online. Nag-break ako bandang 1:00 p.m. para kumain ng lunch. Hindi ko kinaya ang hapdi ng aking sikmura. Nakapagtataka na kaya ko namang magtiis ng gutom dati, pero ngayon ay ko na kaya. Nasusuka agad ako kapag nakakaramdam ng gutom.
Pagbaba ko sa sala ay nagulat ako nang pumasok si Hugo mula sa pinto. Naka-itim siyang t-shirt at dark jeans. Sa paahan niya ay nakasuot siya ng house slippers. Ang kaliwa niyang kamay ay may hawak na car keys.
Bakit siya nandito?! Di ba nasa Manila na dapat siya?!
Nang makita niya ako ay parang hindi niya malaman kung babatiin niya ba ako o ano. Nag-iwas naman agad ako ng mga mata.
"Ay, nandito ka na pala, Hugo!" Si Ate Lina na kasunod ko sa hagdan. "Mukhang hindi ka nakatiis dahil nag-aalala ka sa asawa mo! Katuwa! Hay, ganyan talaga kapag bagong kasal. Hindi mapaghiwalay, ano?"
Kinikilig pa ang ginang na tinukso kami. Si Hugo ay ngumiti lang habang ako wala kahit anong reaksyon.
Nauna na ako sa dining. Kakain lang ako at babalik na rin sa pagtatrabaho mamaya. Sinabihan ko si Ate Lina na kung walang gagawin ay ayusin ang bedroom dahil doon ako magtatrabaho. Bumadha ang pagtataka sa mukha nito bagaman hindi kumibo.
Kumakain na ako nang mapahinto dahil naupo si Hugo sa katapan ko. Nang makita niya ang pagkagulat sa aking mukha ay tinaasan niya ako ng kilay.
Yumuko na lang ako at nag-concentrate sa pagkain dahil gutom na talaga ako. Si Hugo ay nakaupo lang sa harapan. Hindi naman siya kumakain. Nakahalukipkip lang siya at nakatingin sa akin.
Dahil sa pagkailang sa mga tingin niya ay binilisan ko ang pagkain. Wala akong pakialam kahit mabulunan ako, basta ang gusto ko ay makatapos na sa pagkain at makatayo na.
Tumiim ang aking mga labi nang salinan ni Hugo ng tubig ang baso ko. Hindi ako kumibo pero hindi iyon ang ginamit kong baso.
Si Ate Lina ay pasimpleng umalis. Na-gets na nito na hindi kami okay ni Hugo.
Why was Hugo here anyway? He should be in Manila. May work siya roon. Weekdays ay nandoon siya at umuuwi lang para makasama si Hyde kapag weekend. At hindi pa naman weekend ngayon.
Galing na ba siya ng Manila? Anyway, kung saan man siya galing ay wala akong pakialam. Puwede siyang umalis at umuwi kahit kailan niya gusto. Bahay naman niya ito.
Hindi ko na rin natapos ubusin ang nasa aking plato dahil hindi ko na kayang kumain na may nanonood sa akin. May kaunting kanin pa sa plato ko at isang slice ng cordon bleu.
"You're gonna waste food?"
Napaangat ang mukha ko sa kanya. Nakapangalumbaba na siya sa mesa habang nakamasid sa akin.
My lips pursed. I had no intention of answering him. I was about to pick up my plate to put it in the sink when he suddenly grabbed it and pulled it to him. I was dumbfounded when he used my spoon to eat my leftover food. Tatlong subuan niya ang kanin at tagdalawang kagat lang sa cordon bleu.
"What? I was hungry," inosenteng sabi niya dahil tigagal ako sa kanya.
The water he drank was also the one I had left in my glass. Hindi iyong sa basong sinalinan niya kanina.
Nagtagis ang mga ngipin ko nang tumayo. Padaskol kong kinuha ang wala nang laman na plato para ligpitin. Tumulong siya sa pagliligpit. Siya ang nagbalik ng pitsel ng tubig sa ref.
Nagpupunas ako ng lamesa nang maramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "I'm sorry."
Tiningnan ko siya sa blangkong tingin. Ano ang hinihingi niya ng sorry sa akin?
He sighed and massaged the bridge of his pointed nose. "Jillian, about last night, I'm sorry for yelling at you."
"I yelled at you first," matabang na sabi ko.
Napakamot siya sa kanyang makinis na pisngi. "Yeah, but I'm still sorry. I just didn't know how to talk about—"
May kumatok sa pinto sa sala. Pagtingin ko roon ay natanaw ko si Dessy. Nakita rin agad ako nito mula sa bukas na dining. "Hi, Jill!"
Nakakulot ang buhok ni Dessy ngayon. Kulay pulang bestida na hapit sa katawan ang suot nito at stiletto na tumutunog sa sahig ang kanyang bawat paghakbang. Pero bakit nandito ito?
"Pumasok na ako kasi hindi naman naka-lock iyong gate." May inabot ito sa aking paper bag. "Favorite pastries ng inaanak ko."
Sinalubong ko si Dessy para makalayo rin ako kay Hugo. Ibineso ako ng babae. Naramdaman ko naman sa aking likuran ang paglabas ni Hugo mula sa kusina.
"Thank you. Wala pa si Hyde e. Nasa school pa. Dalhin ko muna ito sa kusina." Pagkasabi'y tumalikod na ako at nilampasan ko si Hugo na nasa aking likuran na nga.
Narinig ko na lang na binati ni Dessy si Hugo, "Oh, Hugo's here! How are you?"
Nagkita man sila sa kasal namin noon ay hindi naman sila nakapagusap o kahit nabati man lang ang isa't isa. Wala naman akong narinig na sagot ni Hugo sa pagbati ni Dessy sa kanya.
It helped that Dessy came today. I had someone to talk to and I didn't have to avoid Hugo because I was attending to her.
Sa lanai kami nag-stay ni Dessy. Mapanukso ang ngisi sa akin ng kaibigan ko. "May LQ kayo ng hubby mo, ano?"
Ang hindi ko pagsagot ay sagot na para kay Dessy.
Lalo siyang napangisi. "You just got married, and you already have an LQ? What's next? Annulment?"
Dumi-quatro ng pagkakaupo si Dessy habang nanunudyo ang mga mata.
"What did Hugo do?" Naghimas siya ng baba. "Hmn, let me guess. Oh, gosh! Don't tell me he cheated on you? Not surprising, pero bakit ang bilis naman yata? So, anong balak mo? Hihiwalayan mo na ba agad?"
Walang nakuhang sagot sa akin si Dessy.
Napailing naman siya. "Smart people are really dumb when it comes to love."
Hindi ko sigurado kung kasali ba ako sa sinasabi ni Dessy. First of all, I was not really smart. Siguro ay masipag, oo.
Hindi pa natapos si Dessy. "You know, Jill. If Harry was the one you married, you wouldn't be suffering like this. Pero choice mo ito, e. Mas gusto mo ang bad boy kaysa sa good boy."
Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang si Dessy na sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin. Nakatitig na lang ako sa kawalan hanggang sa aking namalayan na hapon na pala.
Si Hugo ang sumundo kay Hyde sa school. Hindi na talaga siya umalis. Hindi ko pa rin alam kung galing na ba siya sa Manila kanina at bumalik lang o talagang hindi siya lumuwas. Not that I wanted to know.
Mas nagulat pa si Hyde nang makita ang Ninang Dessy niya na nandito kaysa sa pagsundo sa kanya ng daddy niya sa school.
Niyakap naman agad ni Dessy ang walang taong gulang na bata. "Baby boy, I missed you!"
Pag-akyat ni Hyde sa kuwarto nito ay sumama rito si Dessy. Hindi pa raw kasi nakikita ng babae ang kuwarto ng inaanak. Hindi ko na maalala kung nakita na nga ba nito o hindi pa.
Nakahabol ng tingin si Hugo ng tingin sa dalawa na paakyat sa hagdan. Nang wala na ang mga ito ay saka siya nagbaling ng tingin sa akin. Umiwas naman agad ako ng tingin.
"Jillian."
"What?" malamig na tanong ko.
Nakatingin lang siya. May gusto siyang sabihin na hindi niya magawang isatinig, o baka hindi niya pa nabubuo ang salita.
"Kung wala kang sasabihin, aakyat na ako sa itaas. You see, I still have work to do."
Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Hugo. Lumakad na rin ako patungo sa hagdan at umakyat sa itaas. Kinuha ko ang laptop ko at tablet sa master bedroom at pagkuwan ay pumunta sa guestroom.
Nandoon si Ate Lina na naabutan kong nag-aayos ng ilan sa aking mga gamit. Inutusan ko siya kanina na ayusin ang kuwartong ito dahil dito na ako magtatrabaho. Ito na ang gagawin kong working room.
"Ayos na ba ang kinalalagyan ng mesa, Jillian?" Ate Lina was referring to the table I used as a working table in the master bedroom.
"Yes, Ate Lina. Thank you." Doon ko inilapag ang aking dala-dalang laptop at tablet.
Pagkaalis ni Ate Lina ay pinatay ko na ang aircon. Malamig pa rin naman dahil nakulob ang lamig. Nag-mental note ako na um-order ng electric fan sa online sa sunod kong sahod. Wala akong balak pakialaman ang allowance na iniiwan ni Hugo para sa bahay na ito at kay Hyde.
Napahinto ako nang makita ang inhaler ko sa gilid ng unan. Hindi ko iyon dinala rito, at mas lalong hindi ko inutos kay Ate Lina na dalhin dito. Kailan pa iyon nandito? Mukhang pumunta nga rito si Hyde kagabi noong hinika ako.
Ni-lock ko na ang pinto saka ako nagsimulang magtrabaho. Kinatok ako ni Dessy para magmeryenda. Sumagot ako na sila na lang dahil may ginagawa ako. Hindi naman nangulit ito.
Nag-text ako kay Dessy na umuwi na rin siya. Ayaw ko kasi maabala si Hyde kapag mag-a-assignment ito sa hapon.
Hindi rin ako bumaba noong dinner kinagabihan. Sinabi ko na busog pa ako at may kailangan akong tapusing trabaho, kahit ang totoo ay paulit-ulit na lang ang aking ginagawa sa harapan ng laptop.
Quarter to 10:00 p.m. na ako lumabas ng guestroom. Nakauwi na si Dessy. Malamang na tapos na ring kumain sina Hyde at Hugo. Wala nang tao sa ibaba kaya baka nasa master bedroom na ang mag-ama dahil anong oras na. Baka natutulog na sila.
Malumbay na kumain akong mag-isa at pagkatapos ay hinugasan ko ang aking pinagkainan. Pagbalik ko sa itaas ay natigilan ako nang makasalubong ko si Hugo na pababa sa hagdan.
Matagal na naghinang ang mga mata namin na para bang sa buong araw ay ngayon lang kaming nagkitang dalawa.
Bumukas ang mapulang mga labi niya habang malamlam ang kanyang mga mata. "Tulog na si Hyde."
Tumango ako.
He had more to say but I already averted my eyes to other direction. Umakyat na ako palampas sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sadya niya sa ibaba pero wala akong balak na magtanong.
I was already at the end of the stairs when I heard him speak again, "Kumain ka na?"
Without looking at him, I answered, "Yes."
"Jillian, hindi pa ako kumakain dahil hinihintay kita."
Doon lumipad ang paningin ko pabalik sa kanya. Nakatingala siya at nakatingin sa akin. His eyes were now blank and I couldn't figure out what was on his mind.
Gayunpaman ay salat sa emosyon akong nagsalita, "Bakit kailangan mo akong hintayin? Dala ko ba ang kaldero?"
Ang nakapinid niyang mga labi ay maliit na napangisi. "So, this is it?"
Ang mga labi ko naman ang tumiim.
Binura na niya ang kaamuhan sa kanyang mukha at ipinakita niya na ulit kung sino at ano talaga siya. But I was not surprised. He could fool everyone but not me. I knew him from head to toe. He was Hugo Emmanuel Aguilar, a trouble incarnate.
I already knew that he was only hiding his true self because he wanted to prove something.
"I see," malamig na sabi ni Hugo. "You want us to be like this."
Mabigat ang dibdib na tumango ako. Hindi na para makipagpatintero pa ako sa kanya. I knew already that he didn't want me. He just couldn't throw me away because I was part of the deal.
He needed to keep me so that he could be with Hyde without any problems. He needed me to complete his 'so-called family'.
"Yes," sagot ko sa tonong walang emosyon. "I guess it's better for us to be like this."
Tinalikuran ko na siya. At least, nagkalinawan na kami. Alam na namin kung ano kami. We didn't need to please and fool each other anymore. And I had no reason to expect anymore.
Nang gabing iyon, hindi ulit ako natulog sa master bedroom. At hindi na ako babalik pa roon.
jfstories
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top