Chapter 49
NAKAALIS NA SINA CARLYN AT SUSSIE.
Narinig ko rin nang pumunta ako sa hagdan na tumawag na ang asawa ni Sussie na si Arkanghel. Pauwi na raw ang lalaki mula sa Manila, kaya naman nagyaya nang umalis si Sussie.
Hinahanap nila ako para magpaalam pero hindi ako bumaba. Nagpanggap ako na may ginagawa. Alam ko na ang bastos ko, pero hindi ko na talaga kayang bababain sila. Sa tingin ko ay naiintindihan ako ni Carlyn dahil nag-chat na lang ito sa akin na aalis na nga raw sila.
Nakatanaw ako sa glassdoor sa may veranda. Wala pa si Kuya Jordan kaya magbu-book na lang sila ng Grab.
Inihatid na lang sila nina Hugo at Hyde hanggang sa may gate. Karga pa ni Hugo si Shasha, at ibinalik lang kay Sussie nang dumating na ang Grab car. Hindi pa agad umalis sina Hugo at Hyde sa gate. Nandoon sila hanggang sa tuluyang makaalis na ang sinasakyan nina Sussie at Carlyn.
Si Hyde ang nagsara ng gate at si Hugo ay napatingin sa akin sa veranda. He caught me looking at them. Umawang ang mga labi ni Hugo habang nakatingala sa akin. Tumalikod naman na ako at bumalik sa loob.
7:30 p.m. Umupo lang ako sa gilid ng kama at sumandal sandali sa headboard pero nakaidlip na pala ako. My forehead furrowed when I saw that I was lying on the bed and my body was covered with a blanket.
Hindi ko naaalala na nahiga at mas lalong hindi ko naaalala na nagkumot ako. Bumukas ang pinto at pumasok si Hyde. "Mommy, it's time for dinner!"
Bumangon ako at nagkusot ng mata.
Sumampa ang bata sa kama. "Mommy, pinuntahan ka po rito ni Daddy kanina."
"W-what?" Hugo went here?
"Yup!" nakangiting sabi ni Hyde. "He said that you were sleeping, and that maybe you were tired, so we should not wake you up. Kami na lang ulit ang tumulong kay Ate Lina sa pag-prepare ng dinner."
Tumayo na si Hyde at hinila ako.
"Nakapag-rest ka na ba, Mommy? Ready na po ang dinner. And guess what, Mommy? Our ulam is chicken caldereta. It's your favorite, right Mommy?"
Tumango ako at sumama na kay Hyde sa ibaba. Kung si Ate Lina ang sumundo sa akin sa kuwarto ay baka tumanggi ako. Wala akong gana na kumain. Kaya lang ay si Hyde mismo ang sumundo sa akin.
Sa hapag ay naglalagay ng tubig si Hugo sa mga baso. Nang makita niya ako ay akma siyang ngingiti nang ibaling ko ang aking paningin sa ibang direksyon.
Doon ako umupo sa katabi ni Ate Lina. Ang kaharap ko naman sa mesa ay si Hyde.
Pagsasandukan ko sana ng kanin si Hyde pero pinigilan ako nito. "I can do it myself, Mommy." Ito pa ang nagsandok ng kanin sa plato ko.
"Thank you, baby."
"And I'm no longer a baby, Mommy. Di ba magna-nine na po ako?"
"Ay, magbi-birthday na pala ang binata natin!" masayang sabi ni Ate Lina. "Ano ang plano sa birthday?"
"Wala pa po," mahinang sabi ko na hindi tumitingin kay Hugo.
Hindi naman nagsalita si Hugo kung may plano ba siya sa birthday ni Hyde. Hindi na rin nagtanong pa at nagsalita si Ate Lina, parang nakaramdam ito.
Pagkatapos kumain ay tumulong ulit si Hyde sa pagliligpit. Ganoon din si Hugo. Siya ang may dala ng pitsel papunta sa lababo. Ako ay tumayo na at hindi na sa kanila nakagulo. Kaunti lang naman ang pinagkainan at kaya na nila iyon.
Nauna na ako sa itaas. Aakyat din naman sila mamaya pag gusto na nila. Hindi ako sa master bedroom pumunta. Sa guestroom ako dinala ng aking mga paa. Nagligpit na ako rito noong kahapon, hindi lang natapos. Ang bedsheet ay hindi ko pa nailalagay sa kama nang maayos.
Ngayon ko pinagpatuloy ang pagliligpit. Maski ang mga nailigpit ko na ay muli kong niligpit. Para akong tanga na nililinis ulit kahit ang malilinis na. Hindi ako nagbukas ng aircon. Balewala sa akin kahit init na init na ako at pinagpapawisan na.
Ligpit pa rin ako nang ligpit. Nahihilo na ako pero patuloy pa rin. Ni hindi ko inisip na baka hikain ako.
Nang wala na akong magawa ay napasalampak na lang ako sa sahig. Siguro sa mga oras na ito ay nasa kuwarto na sina Hugo. Siguro magtataka sila kung nasaan ako. But they would not look for me. Iisipin nila na papasok din naman ako sa kuwarto mamaya.
They would just talk again about the things I could not relate to. At bukas naman ay sabay silang aalis. Hugo would take Hyde to school, and then he would go straight to his condo in Manila.
Ganoon palagi. Ganoon din noong nakaraang dalawang linggo. At ako? Maiiwan dito sa bahay kasama si Ate Lina. Magtatrabaho ako, maglilinis, magdidilig ng halaman. Gagawin ko ang lahat ng puwedeng gawin para lang hindi ako mabaliw.
Sa weekdays ay sa kuwarto nito natutulog si Hyde, kaya naman mag-isa lang ako sa master bedroom. Sa laki ng kuwarto ay pakiramdam ko'y umaalog ako rito. Mag-isa lang ako sa king sized bed kaya naman nagpapakapagod na lang ako sa maghapon, para pagdating ng gabi ay makatulog ako agad.
But, at least my son was happy. At least his family was complete. That was the only goal.
I should be happy for my son, but I was not happy. Makasarili ba ako? Makasarili ba ako dahil nasasaktan ako? Dahil ang sakit-sakit ng dibdib ko. Parang pinipiga ang puso ko.
Ang sakit. Napahawak ako sa aking nagsisikip na dibdib. Hindi ako makahinga.
Napatingin ako sa nakasaradong closet. That box was probably still inside. I stood up and walked towards it. Nanginginig pa ang mga kamay ko nang buksan ang pinto ng closet.
Ang paninikip ng dibdib ko ay dumoble, o hindi man ay naging sampung ulit, nang tumambad sa aking paningin ang kahon. Nandito pa pala talaga iyon. I wanted to laugh at myself. Did I really expect that this goddamn box would disappear on its own? Bullshit.
Kinuha ko iyon at binuksan. Ang mga photos nina Sussie at Hugo ang bumungad sa akin. Nandito pa rin lahat. And I felt even worse just by looking at their photos.
Ang mga nakangiting photos nila, ang mga memories nila, ang mga panahong masasaya sila habang mag-isa kong pinapalaki si Hyde. Yes, Hugo had no idea about my pregnancy, I didn't tell him because I thought that was the right thing. Because I didn't want to ruin his future. Because he had already made up his mind to fix his life.
He fixed his to make up for his family and to be worthy of Sussie. Hinayaan ko siya kasi iyon ang ikasasaya niya. Kasi kasalanan ko naman lahat, eh. Ayoko siyang idamay pero nadamay siya. Ang magagawa ko na lang ay magpaubaya, magsakripisyo. I really thought that he would end up with Sussie, pero hindi naman nangyari.
Sa huli, hindi rin pala sila dahil kami pa rin pala ni Hugo. Ako ang napangasawa niya sa huli, ang kaso ay si Sussie pa rin ang mahal niya. Si Sussie pa rin sa huli!
Nagsisikip ang dibdib ko at nagdidilim ang paningin. Kinuha ko ang trashbag at akmang itataktak doon ang mga photos mula sa kahon nang biglang bumukas ang pinto.
"What are you doing?" Boses ang nagpalingon sa akin doon.
Nakatayo roon si Hugo habang salubong ang makakapal na kilay niya. Ang mga mata niya ay nakatingin sa hawak-hawak ko.
Humakbang siya palapit at inagaw sa akin ang hawak kong shoebox na kinalalagyan ng photos nila ni Sussie. "Bakit na sa'yo ang mga 'yan?!"
"And why? Bakit bawal kong pakialaman ito?!" Masama ang loob na inagaw ko ulit iyon sa kanya hanggang sa bumagsak ang kahon. Kumalat ang mga photos nila ni Sussie sa sahig.
Natulala ako nang nagpa-panic na dinampot ni Hugo ang mga photos isa-isa.
"Ano, Hugo? Nagagalit ka? Sobrang halaga ba ng mga photos na iyan sa 'yo?!"
Natigilan siya at napaangat ng tingin sa akin. Parang ikinabigla niya rin ang kanyang ginawa. "Jillian, I..."
"Sobrang importante ba ng mga 'yan sa 'yo?" I repeated my question with so much hatred in my voice. "That you still need to hide it here in the guest room? Hindi sa bodega o sa closet mo, kundi dito talaga? Ganoon kaimportante, ha?!"
Tumayo siya matapos na bitbit ang kahon na kinalalagyan ng mga photos nila ni Sussie.
"Are those things very precious to you?!" I was in so much pain that I could no longer hold back myself. "Do you still love that woman?!"
Hugo's lips parted. His expression was troubled.
I felt like something sharp stabbed my heart because of his reaction. "Do you still love... Sussie?"
Nang makabawi ay nagsalubong ang mga kilay ni Hugo. "Jillian, what kind of question is that? We're already married, and Sussie is—"
"Just answer me! Do you still love her?!" Napasigaw na ako. Nagdidilim na talaga ang aking paningin. "Di ba mahal mo pa siya?! Nanghihinayang ka na kasal na siya sa iba! Kung ganoon pala, bakit mo siya hinayaan na mapunta sa iba?! Bakit wala kang ginawa, e di sana masaya kayo ngayong dalawa! E di sana ikaw ang daddy ni Shasha at kayo ang pamilya!"
Nagtagis ang mga ngipin niya at namumula ang kanyang mukha. "Jillian, ano ba?! Bakit ganyan ang iniisip mo—"
Para naman akong sinaniban ng sampung demonyo sa sobrang galit ko. Ngayon lang ako nagalit nang ganito. Inagaw ko ang mga photos sa kamay niya at pinagpupunit iyon.
"Damn it, Jillian! Stop it!" Inaawat niya ako pero wala na siyang magawa. Pinagpupunit ko ang mga photos. He couldn't use his strength on me because he probably knew that I would not stop even if he hurt me.
Humihingal ako sa tindi ng emosyon nang bitiwan sa sahig ang kahon. Matalim ang mga tingin na sinalubong ko ang sakit na nasa mga mata niya. "'Di ba ang sabi mo sa akin ay ituring ko na ring bahay ko ang bahay na ito?! So, I'm telling you now, Hugo, that I don't want garbage inside my house!"
Ang sakit sa mga mata ni Hugo ay naging pait. "You know what? I can't talk to you when you're like this."
May kumatok sa pinto. "Daddy, are you inside? Is Mommy there with you?"
"Magiging masaya ka ba sa hindi pagtitiwala sa akin? Right, you don't trust me." Ang patag at salat sa emosyon na boses ni Hugo ay tila tubig na bumuhos sa akin.
Malamig ang mga mata niya nang magsalita muli, "Fine, Jillian. Do as you like."
Binitiwan niya sa harapan ko ang kahon. Muling kumalat ang mga photos sa sahig, kasama ang mga pinagpupunit ko. Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako.
Pag-alis niya ay napahagulhol na lang ako.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top