Chapter 48
'DOES SUSSIE KNOW?'
Alam ba ni Sussie na siya ang nasa isip ni Hugo habang pinaplano ng lalaki ang bahay na ito? Alam ba ni Sussie na para talaga dapat sa kanya ang bahay na ito? Sa pamilya na pangarap ni Hugo kasama siya?
Ibinalik ko sa envelope ang blueprint at isinara ang closet. Nagsisikip ang dibdib ko. Ang lahat ng saya ko, ng mga gusto kong gawin para sa bahay na ito, ay isa-isang naglaho.
Ang nararamdaman ko ngayon ay para akong squatter na walang sariling tirahan. Para akong ginising sa pananaginip. Everything was a lie. And This was not my house.
...This was not my home.
I WAS IGNORING HUGO. I had no idea if he could feel it. Wala rin namang pagkakaiba dahil wala sa akin ang atensyon niya. He was more focused on our son.
Ang buong weekend niya, mula umaga hanggang sa gabi ay si Hyde ang palaging kasama niya. Kung hindi sila nagkukuwentuhan sa lanai, tinuturuan niya ito sa assignment sa math, naglalaro sila ng chess sa garden, o computer games sa kuwarto.
Palagi silang magkabuntot. Sa pagtulog ay sila ang magkatabi. Nagsisiksikan sila sa kabilang gilid ng kama. Sa umaga naman ay sabay sila na nagigising. Kulang na lang na pati sa pagligo ay sabay sila.
At least my son was happy. At least my son had a complete family.
Weekend kaya wala akong work. Mabuti na lang at meron akong pumasok na art commission sa website. Meron akong mapagkakaabalahan. Kaysa wala akong gawin, mabuti na ang maging productive.
Nasa veranda ako at nagdo-drawing sa hawak na pad nang mapatingin sa ibaba kung saan naroon ang garahe. Naroon si Hugo.
He was wearing a pair of black drawstring pants and nothing on top. He was holding a sponge in his left hand and a water hose in his right hand. Nagka-carwash siya, at hindi ko sigurado kung ang tubig sa katawan niya ay tubig mula sa hose o pawis ba.
Kinukuskos niya ang gilid ng kotse niya, at sa bawat paggalaw niya ay napi-flex ang mga muscles niya sa kalamnan at braso. Inalis ko sa kanya ang paningin ko.
Katulong niya nga pala si Hyde sa pagka-carwash. Pasunod-sunod sa kanya ang bata. Ito ang tagaabot niya kapag may inuutos siya. Halimbawa ay pakuha ng sabon, basahan, o kung ano man.
Habang nagka-car wash sila ay meron silang pinag-uusapan. May kahinaan ang boses pero dahil nasa itaas lang ako ay naririnig ko sila.
"Daddy, is it bad?" naulinigan kong tanong ni Hyde kay Hugo. Sunod-sunod ito sa kung saang parte siya ng sasakyan nagkukuskos.
"No, buddy. It's a part of growing up."
I frowned. What were they talking about?
Lumabi ang bata. "Mommy said that anything in excess is not good."
"And she's right." Nagulat ako nang tumingala sa akin si Hugo sa veranda.
Mabilis ako na nagbawi ng tingin na kunwari ay hindi nakikinig sa kanila. Ibinalik ko ang atensyon sa ginagawa sa pad.
"Daddy, am I bad because I do that thing every day? You know I do it in my bed and the bathroom. But, don't worry because I don't do it in school."
"Just don't overdo it. Baka hindi na lang mamaga 'yan, mangamatis pa."
Tumango-tango si Hyde. "So, it's okay to do it as long as I do it in moderation."
Nang mag-angat ulit ng paningin sa akin si Hugo ay huling-huli niya ako na nakatingin na naman sa kanila. Hindi na para magpanggap ako na hindi ako nakikinig. I wanted him to know that I was listening, and that I was curious as to what they were talking about.
Na-gets naman ako ni Hugo. When our son wasn't looking he put his hand in the front of his pants, then he acted like he was masturbating. I was dumbfounded.
They were talking about that?! Namilog ang mga mata ko habang si Hugo naman ay ngingiti-ngiti na bumalik na sa pagkukuskos ng kotse niya.
Shocked pa rin ako. Ang bagay na iyon ay never na in-open sa akin ni Hyde. Naiintindihan ko naman iyong tinatawag na 'boys talk', but still, hindi ako mapakali. I was no't used to my son keeping secrets from me.
DINNER. Hindi ako makakain nang maayos dahil sa na-research ko kanina. Nag-aalala kasi ako para kay Hyde. Talagang hinalughog ko ang internet, inalam ko kung normal ba sa mga batang lalaki ang pag-e-explore sa sarili.
From what I read on the internet, children are very curious beings. It was normal for them to touch themselves, and it was also normal for them not to.
Some of them could start at a very young age. Genital stimulation or childhood masturbation, especially in young boys, was a natural part of exploring their bodies. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. Namaga lang naman kasi ang private part ni Hyde noong nakaraan. Mukhang nasobrahan.
Parang puputok ang ulo ko nang marinig pa ang sagot ni Hyde kanina sa tanong ni Hugo, kung ilang beses ba nitong ginagawa. Four times! My son was doing it four times a day!
Sinenyasan ako ni Hugo na 'wag mag-panic at magpahalata dahil mahihiya si Hyde. Talagang inipon ko ang aking pasensiya para lang hindi sila sugurin sa ibaba.
Kung pagmamasdan si Hyde ay hindi mo maiisip na ginagawa iyon ng bata. Mukha itong inosente at pagkabait-bait. Pero inosente pa rin naman talaga ito. From what I heard earlier in their conversation, Hyde was still not sure about what exactly he was doing.
Hyde told Hugo that he was only playing with himself because he discovered it was fun. He said it was relaxing, so he did it whenever bored or tired.
Kinausap naman ni Hugo si Hyde. Pero hindi pa rin talaga matahimik ang kaluluwa ko. Pinaplano ko na lang kung paanong kakausapin si Hyde nang hindi ito maiilang sa akin. Hindi kasi puwedeng hindi ko alam ang nangyayari dito.
Palabas ako ng kusina nang makasalubong ko si Hugo. Iinom yata siya ng tubig. I could talk to him about Hyde but I decided not to.
Nilampasan ko siya nang hindi tinitingnan ang kanyang reaksyon. Tumuloy na ako sa hagdan pero nararamdaman ko ang nakahabol na tingin sa aking likuran.
Pagpasok sa kuwarto ay tumuloy ako sa bathroom. Naligo ako at nagpalit ng pantulog. Partnered pajamas. Matapos i-blower ang buhok at gawin ang ilang night regime ay lumabas na ako.
Hugo and Hyde were already in bed. Naka-pajamas na rin sila. Katulad kagabi at noong nakaraang weekend, dito ulit matutulog sa kuwarto ang anak namin. Kung noong nakaraan ay gusto kong magmaktol, dahil hanggang gabi ay hindi ko masolo si Hugo, ngayon ay mas okay nang nandito si Hyde.
Naupo ako sa aking puwesto habang hawak ang phone. Hindi ko sila pinapansin. Ka-chat ko si Dessy. Kinukumusta nito si Hyde.
Sina Hugo at Hyde naman ay may sarili ring usapan. They were talking about chess this time. Some moves, principles, and strategies.
Wala naman akong kibo o maski reaksyon. Tuloy pa rin ako sa pagta-type sa screen ng hawak na phone. Siguro ay nagtataka na si Dessy dahil sinisipag akong mag-chat ngayon.
Dessy: Bkit panay chat ka yata? 1st time, ah. Saka it's Saturday, jan si Hugo, dba? Wala ba kayong aksyon? LOL.
Aksyon? Ang mga labi ko ay tumiim. Nang lumingon ako sa gilid ay nakita ko na nakatingin sa akin si Hugo. Nag-iwas agad ako ng mata at bumalik sa pag-ch-chat.
Ang totoo ay wala na talaga akong kausap dahil matapos mabasa ang last chat ni Dessy, ay nag-thumbs up na lang ako sa babae. Nag-scroll na lang ako sa newsfeed na parang may ginagawa kunwari.
Tuloy pa rin naman sa pag-uusap sina Hyde at Hugo. Si Hyde ang panay salita, na nakapagtataka dahil hindi naman ganito ka-talkative ang bata. Talagang lumabas ang kadaldalan nito mula nang makilala si Hugo. Hindi ito ganoon kahit kay Kuya Jordan o kay Harry noon. Siguro dahil sa nahihiya nga ito na magkamali. But with Hugo, the kid was able to express himself freely.
Nang makatulog na ang bata ay saka ko inilapag ang aking phone sa bedside table. Iniiwasan ko pa rin ang mga mata ni Hugo na alam kong nakatingin sa akin.
Nagkumot na ako at humiga patalikod sa kanila. Bago ako kainin ng antok ay narinig ko pa ang buntonghininga ni Hugo.
IT WAS A SUNDAY. Paggising ko ay ako na lang ang nasa kama. Quarter to 11:00 p.m. na. Tinanghali na ako dahil alam ko na wala naman akong gagawin.
I had no work or even art commission today. Hindi naman ako puwedeng maglinis na lang ulit. Nahahalata na ng helper namin na si Ate Lina ang pagka-bored ko.
Ngayong araw ay wala akong maisip na gawin kaya nagpatanghali na ako sa pagbangon. Malamang na busy ngayon sina Hugo at Hyde. Baka nag-chi-chess, naglalaro ng computer, phone, o nagkukuwentuhan.
Sa kusina ay maingay. Nag-uusap sina Hugo at Hyde habang naglalagay ng mga utensils sa mesa. Magkatulong ang dalawa sa pagpi-prepare.
Si Ate Lina ay may dalang transparent na mangkok na may lamang umuusok na tinola ito. Ngumiti ito pagkakita sa akin. "Kow, gising na ang mommy mo, Hyde!"
"Mommy, I helped Ate Lina to prepare the table!" excited na sabi ni Hyde sa akin.
"Wow, that's so nice of you." Ginulo ko ang buhok ng bata.
"Daddy helped too!"
Hindi ako kumibo. Sa peripheral vision ko ay nakatingin sa akin si Hugo.
Si Ate Lina ay ngiting-ngiti pa rin. "Naku 'neng, kay aga ng dalawang 'yan. Pagkatapos mag-basketball sa labas, nagpaluto na agad. Tumulong pa sa akin sa paghahanda. Para daw pagbaba mo ay kakain ka na lang."
Ngiti lang ang sagot ko rito. Dumulog ako sa hapag na hindi pa rin lumilingon kay Hugo.
Kumain na kami. Hugo and Hyde still talked from time to time. I was just listening to them quietly. Ang usapan nila ay tungkol sa basketball naman ngayon. Tinuturuan ni Hugo ang bata ng sports, na dapat daw ay hindi puro larong pang-isip ang ginagawa. Maganda kung balanse na meron ding physical activities.
Nang tanungin ako ni Hyde ay saka lang ako nagsalita. Tipid na salita at pagkatapos ay yumuko na ulit sa pagkain. Hindi ko tiningnan kung saan si Hugo nakatingin. At ayaw ko ring alamin.
Bandang 3:00 p.m. nang may dumating kaming bisita. It was my sister in law and her best friend, Susana Alcaraz or Sussie.
Para akong itinulos sa kinatatayuan pagkakita sa kanila. Lalo kay Sussie...
Ang boses ni Carlyn ang gumising sa pagkakatigagal ko. "Sissy, manggugulo kami!"
Dala ng dalawang babae ang kani-kanilang mga anak. Si Kuya Jordan ang naghatid sa kanila. Babalikan daw sila mamaya. Pupunta raw pa kasi si Kuya Jordan ngayon sa Batangas.
"Tita Carlyn!" masayang salubong ni Hyde. Nauuna pa ito sa kotse. Ito ang kumarga kay Mara.
Niyakap naman ni Carlyn si Hyde. "Lalo kang tumangkad, ah? Anong sekreto?"
"'Wag mo nang alamin." Si Hugo ang sumagot dito.
Pagtingin ko sa pinto ay nakatayo si Hugo sa sala at nakatingin. Nakita na niya si Sussie na bumaba sa kotse. Nakita na rin siya ng babae. Kumaway ito sa kanya.
"Hi, Hugo! Tumatanggap ka ba ng bisita?" nakangiting biro ni Sussie. Karga nito ang anak.
"Sina Jillian at Hyde kaya ang binibisita natin, hindi siya," sabat ni Carlyn.
Bumeso sa akin si Carlyn kaya bumeso rin sa akin si Sussie. May dala silang pasalubong. Dalawang box ng pizza saka maliit na box ng chocolate cake.
"P-pasok kayo," anyaya ko sa kanila nang aking mahamig ang sarili. Ang aking mga mata ay pasimpleng nakatingin kay Sussie.
Chubby ulit ngayon ang babae. Simple lang ang suot na dress. Conservative cut. Maiksi ngayon ang buhok na bumagay sa maliit at napakaganda nitong mukha. Buhay na buhay rin ang mga mata na halatang masaya.
Ang anak ni Carlyn na si Mara ay nanakbo agad sa sofa dahil nakita roon ang chessboard ni Hyde. Nangalikot ito roon. Ang anak naman ni Sussie na si Shasha ay namamahay. Ayaw pang magpababa sa ina. Mukhang totoyoin pa. Hinahanap ang daddy.
Nang makita ng bata si Hugo ay doon nagkakawag ito. "Ninowng!"
Nakangiti na inabot naman ni Sussie kay Hugo ang anak. "Kahit ilang beses lang niya makita, kilala niya agad basta galante."
Kinarga naman ni Hugo si Shasha. "Pinaglihi mo ba kay Carlyn 'to?"
"Baliw," natatawang sabi naman ni Sussie.
Karga ni Hugo si Shasha, habang si Sussie ay nasa harapan niya at nakatingala sa kanya. Kung mamasdan ay para silang isang pamilya. Isang buo at masayang pamilya sa bahay na ito.
Ang mabibilog na braso ni Shasha ay yumapos sa leeg niya. Ang fondness sa mga mata ni Hugo ay makikita habang nakatingin sa bata.
Si Carlyn ay tinudyo ang lalaki. "Oy, parang gusto nang sundan ni Hugo si Hyde."
Ngiti lang ang sagot ni Hugo.
Hindi ko naman na nagawang makangiti. I tried but I just couldn't do it. Not even a little smile. Nang magtama ang mga mata namin ni Hugo ay pasimple akong umiwas ng tingin.
Hinampas ni Carlyn ang balikat ni Hugo. "Ang ganda ng bahay mo, itlog. Good job. Dahil diyan, bigyan ng jacket 'yan!"
Pabiro at mahinang tinuktukan naman ni Hugo ang ulo ni Carlyn. Nagtulakan sila sa may pinto na para bang nalimutan nila sandali kung ilang taon na ba sila. Nangingiti naman si Sussie habang nakatingin sa dalawa.
"Sissy, ikaw ba nag-décor ng bahay?" tanong ni Carlyn sa akin matapos niyang sikmurahan si Hugo. "Ang galing, ah. Malinis tingnan ang mga funitures. Ang sarap din sa mata ng color combination ng mga kurtina at sofa sa pintura."
"Ang sarap mag-ayos ng bahay, ano?" sabi naman ni Sussie. "Feel na feel mo talaga ang pagiging wife, the queen of your own castle."
Napanguso naman si Carlyn. "Sana all may bahay na."
"Malapit naman na rin ang bahay niyo ni Jordan," pagpapalubag ni Sussie ng loob ng kaibigan. "Makakapagpatayo na rin kayo."
Bumungisngis si Carlyn. "Right. So, for the meantime, iba muna ang pinapatayo ko."
Hinampas siya ni Sussie at pagkuwa'y tumingin sa akin ang babae. "Pero ang ganda talaga ng house na ito. Ang linis pati. Sa amin, malaki nga pero palaging magulo. Sabay pa kasi ang anak at asawa ko sa pagkakalat. Kailangan ko pang bumuga ng apoy para lang tumigil sila."
Nagpababa rin agad si Shasha kay Hugo dahil nainggit yata sa pangangalikot ni Mara sa chessboard. Nakigulo na ito roon. Si Hyde ay aliw na aliw sa dalawang bata.
"Igagawa ko kayo ng juice sa kusina..." paalam ko na hindi na hinintay ang sasabihin nila. Umalis na ako.
Tumulong ako kay Ate Lina sa pagawa ng juice. Dahil bukas lang ang dining ay natatanaw ko ang mga kaganapan sa sala. Carlyn was on the sofa with the kids. Sina Sussie at Hugo naman ay nakatayo habang pinanonood ang mga bata.
While I was mixing the juice, my eyes focused on Hugo. Sussie was saying something to him. I had no idea what she was telling Hugo, but he was smiling at whatever it was.
Hugo and Sussie, I must admit that they looked so good together... If only there were no Arkanghel in the picture...
"Jillian, dalhin na ba natin iyong juice sa kanila?" untag ni Ate Lina sa pagkakatulala ko.
Napakurap ako. Natutunaw na pala ang mga yelo sa baso dahil sa tagal ko na hindi kumikilos.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ate Lina sa akin.
Tumango ako at ngumiti. "Sige po, kayo na lang ang magdala nitong tray ng juice sa kanila. May gagawin lang po ako."
Kahit parang gusto pang magtanong ng ginang sa akin ay hindi na ito nag-usisa. Naramdaman siguro nito na iba ang mood ko. Dinala na lang nito ang tray na may lamang mga baso ng juice patungo sa sala.
Naiwan ako sa kusina na nakayuko at nakasandal sa island table. I could hear their laughters from the living room, but I couldn't bring myself to go back there.
I stayed in the kitchen. Kung hinahanap nila ako ay hindi ko alam. Malamang na hindi. Masyado silang masaya para maalala nila ako. Kumuha ako ng pitsel mula sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Painom na ako nang dumating si Hugo. Nakatingin siya sa akin pero wala siyang sinasabi.
Tinuloy ko ang pag-inom na para bang hindi ko siya nakita. Matapos uminom ay hinugasan ko ang baso sa lababo. Nandoon pa rin naman siya sa kinatatayuan niya at nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang sadya ni Hugo rito sa kusina. Why did he leave the living room? Why did he leave his friends? And why did he leave Sussie?
Sumulpot si Carlyn sa bukana ng kusina. Hila-hila nito ang anak. "Jillian, painom naman si Mara."
"S-sige." Ikinuha ko ng tubig ang pamangkin ko. Nang ibabalik ko na ang pitsel sa ref ay kinuha iyon sa akin ni Hugo. Nagdikit ang mga kamay namin. Pasimple naman akong umiwas at umatras.
Sumabay na ako kay Carlyn at Mara na bumalik sa sala. Si Hugo ay saglit lang ay nakasunod na sa amin paglingon ko.
Si Hugo ay tila may hinahanap na kung ano sa mga mata ko.
Inalis ko ang paningin sa kanya at nagpaalam muna. "May gagawin pa pala ako sa itaas. Enjoy na lang kayo rito."
Si Carlyn ay napatingin din pero hindi nagsalita. Parang naging akward na ang hangin kaya bago pa iyon lumala ay nagpaalam na ako. Iniwan ko na sila sa sala.
Nang wala na sila sa aking paningin ay saka gumuhit sa aking mga labi ang isang mapait na ngiti. It wasn't hard to put two together. My husband... was still in love with his first love.
But, even though I already knew the truth, I would pretend that... I was fooled.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top