Chapter 47
"I LOVE YOU."
Napahawak ako sa aking pisngi nang maalala ang huling beses na mag-make love kami ni Hugo sa hotel. Nang gabing makauwi kami ay bumawi siya sa akin. He made love to me all through the night, and he was amazing.
Sa sobrang hulog na hulog ko sa sensasyon, ay hindi ko alam kung paano lumabas sa aking bibig ang mga salitang iyon. I told him that I love him. I knew that he heard it, but he didn't say anything.
Humihingal siya na umalis sa ibabaw ko. Hinanap niya ang nahubad kong night shirt at maingat na isinuot iyon sa akin. Nagsuot din siya ng pajama, saka niya inayos ang kumot namin at tinabihan ako sa kama. And before I fell asleep, I felt his light kiss on my forehead.
Hindi na rin kami nagtagal doon sa hotel dahil nagkaroon ng problema sa trabaho ni Hugo. Kinailangang lumuwas ng Manila the next day para pumunta sa site. Nakakalungkot man ay wala naman akong magagawa.
And about the gold Cartier couple watches, hindi ko na iyon isinuot pa. Naisip ko na baka kasi hindi lang talaga type ni Hugo. Gayunpaman, itinabig ko ang mga relo kasama ng iba pang mga regalo.
Two days bago nakabalik si Hugo sa Tagaytay. Sumaglit lang din siya at hindi nagtagal. Hindi rin natuloy ang dapat na honeymoon namin sa Maldives. Ang tagal na ng leave niya noong nakaraan, kaya hindi na siya puwedeng mag-extend pa, lalo na ngayon na may problema sa site.
Inabutan niya ako ng susi. "You can use my spare car."
Susi iyon ng sedan na nasa garahe. Isang lumang model ng Mazda na gamit niya noong nag-aaral siya sa college. Bago pa ang itsura ng sedan at kahit hindi ginagamit ay halatang alagang-alaga.
"Thank you!" Tinanggap ko ang susi. "Iingatan ko ito!" masayang sambit ko. First time ko na magkaroon ng sariling sasakyan na magagamit.
Ginulo niya ang buhok ko. "Kahit ibangga mo pa."
Napabungisngis ako. "Sabi mo 'yan, ah?! 'Wag kang magrereklamo kapag nagkabangas ang kotse mo!"
"Sira."
Nandito na pala kami ngayon sa bahay niya. Dito na kami nakatira ni Hyde. Ang mommy ko at ang mommy niya ang tumulong sa amin, sa paglilipat at pag-aayos ng ilang gamit. Dito rin natulog si Mommy noong unang gabi para samahan kami.
Sa master bedroom ako natutulog, sa kuwarto ni Hugo. Inayos ko na iyon, at bago na rin ang kama. Isang king sized bed na regalo nina Kuya Jordan at Carlyn sa amin.
Marami rin akong inayos sa kuwarto. Binago ko ang ayos ng walk in closet mula nang ilagay ko roon ang aking mga gamit. Sabi naman ni Hugo ay libre akong gawin kahit na ano ang gusto ko. Akin na rin daw ang bahay na ito dahil muna nang ikasal kami, lahat ng kanya ay pag-aari ko na rin.
Pati damitan ni Hugo ay inayos ko rin. Wala na roon ang shoebox na nakita ko dati, iyong may mga photos nila ni Sussie. Siguro ay itinapon na ni Hugo o kaya ay inilagay sa bodega.
Nandito na rin nakatira ngayon si Ate Lina, ang fifty-year-old na nanay ng caretaker nitong bahay. Kinuha na ito ni Hugo na stay-in helper para may makakasama at makakatulong ako, dahil nga palagi siyang nasa Manila at tuwing weekend lang makakauwi.
Galit na galit naman si Mommy Norma nang malamang hindi matutuloy ang honeymoon namin ni Hugo sa Maldives. Nagalit ito dahil inuna ng anak ang trabaho. Ako na lang ang nagpakalma rito.
Naiintindihan ko naman kasi na hindi naman ginusto ni Hugo na magkaroon ng problema sa site. May mga insidente talaga na hindi inaasahan. Nangako naman si Hugo na kahit hindi kami matuloy sa Maldives ay aalis pa rin kami, at isasama namin si Hyde.
Na-enjoy ko naman ang pagtira namin sa bago naming bahay. Talagang inari ko na ang bahay ni Hugo bilang bahay ko na rin. Araw-araw ay nagliligpit ako ng mga gamit. Aliw na aliw ako at hindi ako mapakali sa pag-aayos.
Sinamahan ako ni Mommy Norma na mamili ng mga bagong gamit. May mga regalong gamit din sa kasal kaya nalilito na kao kung saan ko pa isasalpak ang iba. Iyon ang pinagkakalibangan ko araw-araw kapag wala akong online work at tanggap ng commission.
Nakakalungkot lang talaga dahil wala si Hugo. Bago ang kama namin sa master bedroom hindi pa kami nagkakatabi roon. Hindi naman siya pumapalya na tumawag sa gabi para mangumusta, kaya kahit paano ay masarap ang nagiging tulog ko.
Si Hyde naman ay nasa adjusting period pa rin. Naninibago ang bata sa bahay, at higit lalo sa bago niyang kuwarto. Nalalakihan daw siya roon. Hindi rin siya masanay na may sarili siyang TV. Ibinili kasi siya ng Lolo Manuel niya ng 75" na QLED TV at set of video games.
Sobrang spoiled ngayon ang anak ko. Minsan ay kahit hindi kailangan ni Hyde ay ibinibili sa kanya ng mga magulang ni Hugo. Hindi naman ako makareklamo dahil alam kong iyon ang kaligayahan ng lolo at lola niya. Ngayon na lang bumabawi ang mga ito sa apo.
Napapadalas din ngayon pagdalaw sa amin ng best friend ko na si Dessy. Halos tuwing hapon na pumupunta rito ang babae. Minsan pa ay nagugulat na lang ako na susunduin ko pa lang si Hyde sa school nito ay nasundo niya na pala.
Mula kasi nang lumipat kami rito ni Hyde ay hindi na nag-i-school service ang bata. Ako na ang sumusundo rito gamit ang kotse na pahiram sa akin ni Hugo. At iyon nga, paalis pa lang ako para sunduin si Hyde ay parating na pala ito kasama si Dessy. Katulad ngayong gabi, nandito ulit si Dessy. Siya ulit ang sumundo kay Hyde kanina sa school. Wala naman daw kasi siyang ginagawa kaya okay lang sa kanya na magsundo.
"Mommy, pupunta na po ako sa room ko," paalam ni Hyde sa akin matapos naming kumain ng dinner.
Palabas kami ng kusina at nandito pa si Dessy. Nakasunod ang tingin niya sa paakyat na bata sa hagdan. "Hyde is growing up so fine."
"And he's growing up too fast." Naupo ako sa sofa. Ang tangkad na talaga ni Hyde para sa edad na ito. Hindi pa ito circumcised sa lagay na iyon.
"Bakit parang hindi umuuwi si Hugo?" biglang tanong ni Dessy sa akin. Tinabihan niya ako sa sofa.
"Umuuwi siya tuwing weekend. Sa condo niya siya sa QC nag-i-stay kasi roon malapit ang work niya."
"I see. Pero baka naman may babae iyon doon."
"Dessy!" Pinandilatan ko siya.
Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Oh, bakit? Di ba babaero iyon? May bago pa ba?"
Hindi na lang ako nagsalita. Kahit naman ipaliwanag ko na iba na si Hugo ngayon ay tatawanan lang ako ni Dessy. Natanim na yata sa utak niya at hindi na nakalimutan ang image ni Hugo noong high school kami.
Humalukipkip siya habang nakatingin sa akin. "You know what, Jill? Mula nang ikasal ka at lumipat dito ay mas lalaong hindi ka na naglalalabas. Palagi ka na lang busy sa pag-aayos ng bahay, pag-aaral magluto, at paghahalaman sa mini garden mo. Housewife na housewife ang peg mo."
Hindi man lang ako na-offend sa sinabing iyon ni Dessy. Funny dahil parang ikinatuwa ko pa nga iyon.
"Anong masama sa pagiging housewife, Dessy?" nangingiting tanong ko.
"Are you serious?!"
"Ano nga ang masama? May mali ba sa pag-aayos ng bahay, pag-aaral magluto, at paghahalaman? Masaya kaya."
"Gosh, kina-career mo naman masyado!" Itinirik niya ang mga mata. "As if bibigyan ka ng reward ni Hugo sa pagiging ulirang housewife mo!"
"Malay mo."
Napatirik-mata siya. "Are you serious, Jillian? 'Di mo ba nare-realize? Ito ang plano ni Hugo, ang losyangin ka rito!"
"Lumalabas-labas din naman ako minsan. Ako ang sumusundo kay Hyde kapag wala ka. Saka bukas pala, ako ang susundo sa kanya dahil dadaan kami sa ospital. Ipapa-check up ko siya."
Nabanggit ko sa kanya na 'wag nang sunduin si Hyde bukas sa school dahil ipapa-check up ko ito. Namamaga ang dulo ng ari ng bata.
Napabuga ako ng hangin nang bumangon ang pag-aalala sa dibdib ko. Kahapon ko lang nalaman na may iniinda si Hyde sa private part nito. Ayaw pa nga nitong sabihin sa akin noong una, pero siguro ay natakot na ito kaya napilitan na ring magsabi.
Tumingin sa ibang direksyon si Dessy. "Baka nakagat lang ng langgam. Masyado mo namang ginagawang big deal."
"I don't know. Pero maganda nang nakakasigurado."
Bandang 9:00 p.m. ay nagpaalam na si Dessy. May gagawin pa raw kasi siyang beauty vlog. Hindi ko na siya naihatid sa labas dahil tumawag si Hugo.
"Hello?" I excitedly answered Hugo's call. Ngayon na lang kasi siya tumawag sa akin, mas madalas na kasi siyang kay Hyde tumatawag.
[ Hi, Jill! How's Hyde? ]
I bit my lower lip when I heard his deep baritone voice.
"Uhm, he seemed fine now. Ayaw niyang ipakita sa akin, pero hindi naman na raw ganoong namamaga ang ano niya ngayon, hindi kagaya noong kahapon. Tingin ko rin ay okay na talaga dahil maliksi na ulit siya."
[ Are you sure? ] Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Yup. Hindi mo ba siya nakakausap?"
[ Actually, nauna ko siyang tawagan. ]
Oh...
[ Nag-video call kami. Pinakita niya sa akin, pero syempre, iba iyong sa personal. Nag-aalala lang ako kasi baka kung ano na pala 'yan. ]
Mabuti pa sa kanya pinakita ni Hyde, sa akin ay ayaw talaga nitong ipakita ng ari. Nahihiya siguro dahil syempre nga naman, babae ako. Unlike kay Hugo, pareho silang boys. Nakakatuwa lang dahil open si Hyde sa kanya.
"Don't worry too much, Hugo. I'll take care of Hyde. Dadalhin ko siya sa ospital bukas para ipa-check up. Asikasuhin mo na lang ang problema riyan sa site. Kahit sa Sabado ka na umuwi." Pero sa loob-loob ko ay umaasa ako na baka bigla siyang umuwi bukas kahit Friday pa lang.
[ All right. Balitaan mo na lang ako. ] Nagpaalam na si Hugo pagkatapos.
Napatingin ako sa orasan. Wala pang 10:00 p.m., matutulog na ba siya? O baka may work pa siya?
Ni hindi ko man lang siya natanong kung nasa condo na siya at kung kumain na ba siya. Nahihiya naman ako na mag-return call dahil baka nga nagpapahinga na siya. Ayaw ko namang makaistorbo...
THE NEXT DAY. Ako ang sumundo kay Hyde noong uwian. Hugo left me one of his cards for Hyde and me to spend, but I didn't use it. May pera pa naman kasi ako. Wala akong kagastos-gastos sa bahay kaya hindi ko nagagalaw ang aking sahod.
Sa bills ay ayaw ni Hugo na hatian ko siya, ang stocks naman naming groceries ay si Mommy Norma at Mommy ang namili noong nakaraan. Siguro ay sa tuition na lang ako ni Hyde babawi. Hindi ako papayag na hindi ako roon mag-aambag.
Walang kaimik-imik si Hyde nang sunduin ko ito sa school. Pagkatapos naming mag-merienda sa paboritong restaurant ng bata ay dumeretso na kami sa doktor.
The check up didn't take long. Tinatanong si Hyde ng doktor kung ano ang nangyari pero ang sagot lang ni Hyde ay hindi niya alam. Nahihiya nga naman dahil private part niya ang pinag-uusapan. Parang binata na kasi talaga si Hyde, conscious na.
Nagbigay na lang ng reseta ang doktor. Baka nga raw nakagat ng langgam o kung anong insekto si Hyde. Binilinan din ako na bantayan ang bata dahil baka may ginagawa raw na kung ano kapag nag-iisa, although normal lang naman daw na dumadaan sa pagtuklas ng sarili ang mga ganoong edad pataas.
Nang kami na lang ni Hyde sa kotse pauwi ay malumanay na kinausap ko ang bata, "Hyde, it's okay. You heard your doctor, he said that it's normal to be curious. But, I want you to remember that anything in excess is not good."
Tumango si Hyde habang nakayuko. Syempre ay nagbibinata na ito, awkward na nga naman ang topic, kahit pa sabihing mommy ako nito.
Inabot ko siya at hinimas siya sa buhok. "And you're still a baby. Magna-nine ka pa lang. Enjoy your childhood. Hindi mo kailangang magmadali."
Pagkauwi namin ay sumigla si Hyde nang makita ang kotse ng daddy niya. Tuwang-tuwa ang bata na bumaba ng sasakyan.
Kahit ako ay parang biglang sumigla sa isiping nandito si Hugo. Hindi talaga siya nakatiis na hindi umuwi kahit Friday pa lang. Pagka-park ko ng kotse ay sumunod na agad ako kay Hyde sa loob.
Nadatnan ko silang mag-ama sa sala. Itim na long sleeves polo at pair of baston jeans ang suot ni Hugo. Naka-tsinelas na siya na pangbahay. Kahit halatang pagod sa pagda-drive pauwi rito ay napaka-presko niya pa ring tingnan.
Tinatanong ni Hugo ang bata kung okay lang ito. And in fairness to Hyde, kahit nahihiya ay sinasagot naman nito ang mga tanong dito. May dala ng merienda si Hugo kaya hindi ko na kailangang maghanda o mag-utos sa helper namin na si Ate Lina. Pati ulam namin for dinner ay may dala si Hugo galing sa restaurant.
"Hindi ba naistorbo ang trabaho mo?" tanong ko kay Hugo habang nagbibihis si Hyde sa itaas. "Pasensiya ka na..."
"Chill." Pinisil niya ang pisngi ko. "It's okay. It's for our son, anyway. Hindi rin naman ako mapapakali sa Manila. Syempre, nag-aalala ako."
Nag-bonding pa ang mag-ama sa garden. Nag-chess habang pasimpleng nagtatanong si Hugo tungkol sa mga nangyari kay Hyde sa school. Attentive talaga siya pagdating sa bata.
Tinupad niya talaga ang pangako sa akin na babawi siya sa anak namin...
PAGSAPIT NG GABI ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na nae-excite. Tonight was our first night in our room, our first night to share our matrimonial bed.
Pagkatapos kasi namin sa hotel ay sandali lang si Hugo na nag-stay. Lumuwas agad siya papuntang Manila. Ngayon lang siya ulit bumalik. And yes, I've missed him!
Kanina pa lang nang makita ko siya ay parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. Gusto ko siyang lusubin ng yakap at halik, kung hindi lang talaga nakakahiya.
Sa mga gabing mag-isa ako sa master bedroom ay naiisip ko siya. Ngayon ay makakasama ko siya buong gabi kaya naman ang bilis ng pintig ng puso ko. We were newlyweds and still in the honeymoon phase, so what else could possibly happen between us? Of course, it would be a hot, long night.
Naligo ako at isinuot ko ang regalong lingerie sa akin ni Carlyn. Simple lang ang cut ng manipis na pantulog pero masasabing sexy iyon. Spaghetti ang strap, medyo mababa ang neckline, backless at maiksi ang laylayan. It was my first time to wear something like this. Todo ang pag-summon ko ng lakas ng loob at kapal ng mukha.
Iniladlad ko lang ang aking buhok saka ako nagpabango. Hindi na ako nag-make up para hindi masyadong halata. But I think, obvious naman na ako. Ngayon lang ako nagsuot ng ganito, and for sure, hindi naman dense si Hugo.
Ano kaya ang maiisip ng lalaki kapag nakita niya ako? Malamang na sabik din iyon dahil ilang gabi siyang walang aksyon. Napahagikhik na lang ako sa excitement at kilig. Tiningnan ko pa ulit ang sarili sa salamin bago ako lumabas ng banyo.
Pero ganoon na lang ang pagbagsak ng balikat ko nang makitang nasa kuwarto namin si Hyde. Doon pa mismo sa gitna ng kama namin ni Hugo!
"Mommy!" nakangiting tawag ni Hyde sa akin. Nakapantulog na partnered pajama ang bata. "Daddy said that I should sleep here because he missed me. Is that okay?"
"Y-yes, it's okay..." sabi ko na lang kahit napuno ng disappointment ang aking dibdib.
Hindi naman sa ayaw ko na makatabi si Hyde, pero kasi, tonight was supposed to be a hot and romantic night between me and Hugo. Hindi na nga natuloy ang honeymoon namin sa Maldives, 'tapos minsan lang siya umuwi rito, gusto ko rin naman ng bebe time, just like how Carlyn calls it.
Pumasok sa kuwarto si Hugo. Naka-pajama na rin siya at puting t-shirt ang pang-itaas. Nang makita niya ang ayos ko ay natigilan siya.
Napakamot naman ako ng ulo. "Ah... Eh... Ang init kasi..." parang tanga na dahilan ko. "Pero malamig na pala. I think I should change my sleepwear." Pagkasabi'y nanakbo ako pabalik ng banyo.
I stared at my reflection in the vanity mirror inside the bathroom. Sayang naman ang ganda ko ngayong gabi. Hindi man lang ba nanghinayang si Hugo?
Seriously? Didn't he miss me at all?!
Hindi muna ako nagpalit ng damit. Naligo muna ako at ilang minuto na pinalamig ang aking mainit na ulo. Nakakainis kasi talaga si Hugo. Wala siyang kamalay-malay na ilang gabi na akong nangungulila sa kanya!
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero sobrang miss na miss ko siya. Ultimo nga ang mga damit niya sa closet ay inaamoy-amoy ko, ganoon ko siya ka-miss. Ahg! Nakakainis!
Sumulyap ako sa pinto. Hindi ko iyon ini-lock, just in caselang makatulog na si Hyde, at maisipan akong pasukin dito ni Hugo. Ang kaso, nilalamig na ako ay wala pa ring Hugo na sumusunod.
Nagpunas na ako ng katawan dahil baka pulmunyahin na ako. Nagpalit na ako ng pantulog. Shirt ang pajama rin. Paglabas ko ay tulog na tulog na ang mag-ama sa kama.
Si Hyde ay nakatihaya habang ang isang paa ay nakadantay sa sikmura ni Hugo. Si Hugo naman ay tulog na rin habang ang isang braso ay nakapatong sa noo. Ang inis na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng fondness.
Close na close na talaga sila na akala mo ay matagal nang magkakilala at nagkakasama. Napapangiti na lang ako habang simpleng nakamasid sa kanilang dalawa.
Lumapit ako at inayos ang kumot nila. Hindi pa agad ako natulog. Pinagsawa ko pa ang aking paningin sa pagmamasid sa aking mag-ama, bago ako nahiga sa tabi nila.
HUGO WAS MORE INTO HYDE THAN HE WAS INTO ME.
Mas madalas na siyang tumatawag kay Hyde kaysa sa akin. Mas nag-a-update pa siya sa bata kaysa sa akin. Weekend na nga lang siya umuuwi pero mas nagba-bonding pa sila, kasya sa nagba-bonding kami. I knew that I was being irrational and stupid, but I couldn't stop myself from being annoyed. Para akong tanga na nagseselos sa sarili kong anak.
Minsan ay naiisip ko na tuloy na baka tama si Dessy. Baka pinakasalan lang talaga ako ni Hugo para makasama nito si Hyde at magkaroon ng karapatan sa bata. It was also likely that Hugo wanted to settle down, and he just saw me as the best candidate to settle down with.
Ahg! Ano ba itong mga pinag-iisip ko?! Para hindi ako mapraning sa pag-iisip ay nag-ayos na lang ulit ako ng bahay.
Ang mga pinadala ni Mommy Norma na figurines ay inilagay ko sa aking in-order sa online na estante. Gumaan ang pakiramdam ko sa pag-aayos.
Sinilip ko muna sina Hugo at Hyde na ngayon ay naglalaro ng catch sa garden. Mukhang mamaya pa sila matatapos kaya itutuloy ko muna ang pagliligpit sa kuwarto sa itaas.
Wala akong gaanong maligpit sa mga gamit ni Hugo dahil nagpapa-laundry siya sa condo niya sa QC. May tagalinis at tagaayos din siya roon ng gamit niya, kaya hindi na niya kailangang mag-uwi ng maruruming gamit dito.
Dahil tapos na akong maglinis sa master bedroom at sa kuwarto ni Hyde ay sa guestroom ako pumunta. Iyon na lang ang hindi pa nalilinis. Nangunot ang aking noo nang pagpihit ko sa doorknob ay natuklasan kong naka-lock iyon.
Sino ang nag-lock? Si Hugo ba o si Ate Lina? Sakto naman na paakyat ng hagdan ang babaeng kasambahay. Bitbit nito ang walis at dustpan na ipinasunod ko. "Ate, kayo po ba ang nag-lock nitong kuwarto?" tanong ko rito.
Umiling si Ate Lina. Hindi ito ang nag-lock, kung ganoon ay si Hugo ba? Pero bakit ni-lock niya?
"Ate, puwedeng mahingi iyong susi?" Gusto ko kasing makita ang guestroom at malinis iyon.
Tumalima naman agad si Ate Lina sa pagkuha ng susi sa kusina. Pagbalik ay ito na mismo ang nagbukas ng pinto ng guestroom.
"Ako na rito, ate," sabi ko sa kanya dahil baka may ginagawa pa siya sa ibaba.
Pagkaalis ni Ate Lina ay pumasok na ako sa guestroom. Napapaisip pa rin ako kung bakit ni-lock ito ni Hugo. Siguro ay naisip niyang wala namang nagkukuwarto rito. Naging tambakan pa ng mga sobrang gamit. Kaya lang ay bakit hindi niya man lang sa akin nabanggit?
Ang plano ko sa guestroom na ito ay gawin itong nursery room kapag nagkaroon kami ng baby ni Hugo. Hindi naman imposible na mangyari iyon. We were not using contraceptives or taking precautions when doing it, thus it was only normal for me to get pregnant.
Another baby...
Napahaplos ako sa aking impis na tiyan. My excitement to have a second baby with Hugo overshadowed the speculations and suspicions that had been troubling my mind for the past few days.
Sa pagkakataong ito ay makakasama ko na ang daddy ng aking magiging baby, makakasama ko na siya habang lumalaki ang aking tiyan hanggang sa aking panganganak, at higit sa lahat, makakatuwang ko na siya sa pagpapalaki ng anak namin.
Ano nga kaya ang reaksyon ni Hugo kapag nabuntis niya ulit ako? Magiging masaya ba siya na sa pagkakataong ito ay makakarga at maaalagaan niya na ang baby namin?
Magaan pa rin ang mood ko nang matapos alisan ng bedsheet ang kama sa guestroom. Kumakanta-kanta pa ako. Pumunta ako sa closet para tumingin kung meron doong sapin na puwedeng ipalit. Ang natagpuan ko nga lang doon ay hindi bedsheet.
Hindi bedsheet kundi ang shoebox na kinalalagyan ng mga photos ni Hugo kasama si Sussie. Akala ko ay wala na ito dahil hindi ko na ulit nakita pa sa kuwarto namin nang magligpit ako, pero nandito pa pala. Dito inilipat— itinago sa kuwartong ito.
Bakit nandito? Ano ang ginagawa nito rito? Bakit wala sa bodega? At si Hugo ba ang nagtago nito rito?
I took the box to see if the photos were still inside. Napailing ako kasabay ng pagpait ng aking panlasa nang makitang nandito pa nga lahat sa kahon. Ni walang nabawas maski isa.
Ang pait sa aking panlasa ay nagsimulang kumalat sa aking sistema. Ang dibdib ko ay nagsisimula nang manikip. I put the shoebox back in the closet. I was about to close it when I noticed a large envelope inside. I had no intention of looking into it but my curiosity got the better of me.
Kinuha ko siya iyon at binuksan, only to find a house's blueprint design. Para sa bahay na ito mismo ang blueprint. May pagbabago lang nang kaunti. May isang papel na kasama sa loob. Sketch iyon ng bahay at merong nakasulat na petsa. Nag-aaral pa lang pala si Hugo sa college ay pinaplano niya na pala ang gusto niyang design para sa bahay na ito.
His dream house.
Ang bahay kung saan plinano niyang itira ang bubuuhin niyang pamilya. Binalikan ko ang mga papel at inisa-isang inangat sa aking mga mata. There I read something written on the side of the blueprint. This house had a name...
And it was... 'Susana'.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top