Chapter 41
"HUGO, MAGPAKASAL NA TAYO."
It took him a while before he was able to speak. "You mean that?"
"Yes. Pumapayag na ako sa alok mo. Pumapayag na ako na magpakasal tayo." I was doing this for Hyde's sake. I wanted my son to have a complete family. And I knew that Hugo could give him that. "As Hyde's father, I am putting my trust in you, Hugo. Please, make up for the lost time that you were not with him. Give him the attention, love, protection, and even the financial support that he deserves."
"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, dahil iyan talaga ang gagawin ko," seryoso na sabi niya. "Babawi ako sa anak ko. Ibibigay ko sa kanya lahat ng hindi ko nagawang ibigay noon, dahil wala akong alam na nag-e-exist siya."
My eyes filled with tears. I could feel Hugo's sincerity in all the words he uttered. And I had no doubt that he would do all that.
"I-iyon lang ang gusto kong marinig," hindi ko napigilan ang pagpiyok dahil sa laksa-laksang damdamin na pumaloob sa akin. "S-salamat, Hugo..."
"Thank you, too, Jillian. For putting your trust on me, thank you." Hinawakan niya ako sa ulo. "At wala nang bawian. Hindi ka mapupunta sa langit kapag hindi ka tumupad!"
Naiiyak man ay inirapan ko siya. Nakangiti na ginulo niya ang buhok ko. Tinabig ko naman ang kamay niya at sabay na kaming bumalik sa loob.
Nasa kama na ako pero hindi pa rin makatulog. Naiisip ko ang mga nangyari. Ang bilis at hindi ko masabi kung nabibigla lang ba ako o ano. Pero wala akong makapang pag-aalinlangan. Para bang ginawa ko lang iyong dapat na matagal ko nang ginawa.
Kinuha ko ang phone ko. May text na galing kay Tita Eva. Alam na nito ang nangyari sa pagitan namin ni Harry. I let out a sigh before reading her message.
Tita Eva:
Finally, may mabuti ka ring nagawa, Jillian.
I think so, too.
Hindi na ako nag-reply pa. Ayaw ko nang humaba at may masabi pa si Tita Eva na masasakit. Akala ko immune na ako sa mga salita niya pero ngayon ko na-realized na hindi pa pala. Na mapupuno at mapupuno ako.
And about Harry. Hindi na bumalik pa ang lalaki, dahil siguro pinipigilan ni Tita Eva. Malamang na katulad nang parati ay magpapalamig muna ito hanggang sa kumalma na ang ina. But unfortunately for him, hindi na ako maghihintay pa.
I looked at my phone's gallery. Naroon pa ang ibang pictures namin ni Harry. Meron ding kasama namin si Hyde. Mga alaala na masaya na nakakapanghinayang dahil hindi na masusundan pa. Pero mas nakakapanghinayang nang ipaglaban ang mga bagay na parang wala nang kapupuntahan.
Harry was a good man. Kung tutuusin ay masyado siyang perpekto para sa akin. Kung tutuusin ay napakaswerte ko na sa kanya para sayangin ko siya. But, I was done forcing myself and my son into a place that where we were not welcome.
Hanggang dito na lang ako kahit pa si Harry ang first love ko... or was it really him?
Unconsciously, I looked at the bouquet of red roses on my working table. Dalawa na iyon doon at patuyo na ang unang bouquet. Bigla kong nasambit sa isip ang lalaking nagbigay ng mga iyon sa akin... 'Hugo.'
THE NEXT DAY. Katatapos ko lang maglinis ng kuwarto. 10:00 p.m. na at patulog na dapat ako nang katukin ako ni Mommy. Nang pagbuksan ko ay namumutla ito. Kaya pala, hindi nag-iisa na dumating si Hugo, he was with his parents!
Pagkatapos ng commission work na ginawa ko noong tanghali ay nag-general cleaning kami ng bahay ni Mommy. Hindi ko na-check ang phone ko. May mga text at missed calls na pala si Hugo kaninang hapon, na pupunta nga siya kasama ang mommy at daddy niya ngayon.
Nagkukumahog ako na bumaba. Sa hagdan pa lang ay naririnig ko na ang boses ni Mrs. Normalyn Aguilar, ang mommy ni Hugo.
"Ethel, hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Hugo. Basta na lang niya pinauwi ang daddy niya, at dinala kami rito sa inyo. I thought there's a party and you invited us. Nagtataka lang ako kasi bakit bigla-bigla. Ni wala ka man lang message sa akin or anything!"
Nasa sala silang lahat. Ang mommy ni Hugo at ang daddy niya ay kaharap sina Mommy at Daddy.
Ang businessman na daddy ni Hugo ay matangkad na lalaki. Hindi ito nalalayo ng height kay Daddy. May edad na ito pero guwapo at maganda ang tindig. Kamukha ni Hugo. Naka-polo ito na kulay abo at slacks na itim. Hindi masasabing mabait ang bukas ng mukha dahil masyadong seryoso ang ekspresyon.
Si Mrs. Aguilar naman ay ganoon pa rin, maganda ang ginang subalit sa matapang na paraan. Simple lang ang suot nitong bestida pero kumikinang ang suot na alahas sa leeg at tainga. "What's going on, Ethel? Sa biyahe namin papunta rito, bigla na lang 'yan nagsabi na kaya kami pupunta sa inyo ay para mamanhikan sa anak mo!"
Lumipad ang tingin ko kay Hugo. Kumindat lang siya sa akin. Napanganga naman ako.
Sina Mommy at Daddy naman ay windang sa narinig na mamanhikan si Hugo sa amin. Alam ng mga ito na wala pang isang linggo noong nakipaghiwalay ako kay Harry.
Tumingin sa akin si Mommy na nagtatanong ang mga mata. Hindi ko siya magawang sagutin dahil parang umurong ang aking dila.
Si Mrs. Aguilar ay aware na engaged ako. Hindi pa nito alam na wala na kami ni Harry, kaya litong-lito ito sa nangyayari.
"Sa biyahe papunta rito ay sinabi ni Hugo sa akin na may anak sila ni Jillian. Hindi ko maintindihan, Ethel! Paano sila nagkaanak? Kailan nangyari eh ngayon na lang ulit sila nagkita, di ba?!"
Si Mommy ay hindi malaman kung paano sasagutin ang mga tanong ng mommy ni Hugo.
"Nagkaroon ba sila ng relasyon? Kailan? Last year? Last month? Nabuntis ba ni Hugo ko si Jillian kaya hindi na matutuloy ang kasal ni Jillian sa nobyo niya?!"
"Mom, relax," Hugo said to his mother.
"And how can I relax, Hugo Emmanuel?! Basta mo kami kinaladkad dito ng daddy mo! Is this a prank? Sinasabi ko sa 'yo, hindi magandang biro ito. Ang daming babae, bakit si Jillian pa ang napili mo?!"
Kahit inaasahan ko na ang reaksyon ni Mrs. Aguilar sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan. Gayunpaman, naiintindihan ko ito. She was just like Harry's mom who only wanted the best for her son.
Alangan nga naman talaga ako kay Hugo na isang professional engineer, may sarili ng bahay, may investments na at may magandang career. Ako ay hanggang ngayo'y nakikitira pa rin sa magulang, hindi kalakihan ang suweldo at may anak sa pagkadalaga na—
"Bakit sa dinami-dami ng babae, bakit si Jillian pa ang napili mo?! Sa tingin mo maniniwala kami ng daddy mo na papatulan ka ni Jillian?!" sigaw ni Mrs. Aguilar na nagpataas ng mukha ko.
What?
"Sa tingin mo naman maniniwala kami ng daddy mo na papatulan ka ng katulad ni Jillian? Napakabait at napakatinong babae ni Jillian, 'tapos ikaw, naturingang professional ka na, pero hindi ka naman mapirmi! Hanggang ngayon ay ang ligalig mo!"
"Hugo Emmanuel, enough of this nonsense!" Yumukod ang daddy niya kina Mommy para humingi ng pasensiya. "Please forgive my son for wasting your time."
Nagsalita si Hugo si mahina pero mariing tono, "No. Hindi tayo uuwi."
Nang mahimasmasan sa nangyayari ay pumagitna ako. "S-sandali lang po..."
Napatingin sa akin si Mrs. Aguilar at kinunutan ako ng noo. "Ano iyon, Jillian? Pasensiya ka na sa anak ko. Naistorbo pa kayo at—"
Hindi natapos ni Mrs. Aguilar ang sinasabi nang mula sa hagdan ay bumaba ang isang batang lalaki, na maliban sa kulay ng mga mata ay wala nang ipinagkaiba kay Hugo.
Gilalas sina Mrs. and Mr. Aguilar habang nakatingin sa hagdan. It was as if a bomb exploded in front of their faces when they saw Hyde. A kid who looked exactly like their unico hijo.
Muntik pang dumausdos sa kinatatayuan si Mrs. Aguilar kung hindi pa ito nasalo agad ni Hugo. "H-Hugo..." Napahawak ito sa nagtataas babang dibdib dahil sa biglang paghirap sa paghinga. "Hugo, a-ano ito? Sino ang batang iyan?!"
Napatingin sa akin si Hugo. Nagpapatulong siya dahil hindi niya puwedeng sagutin ang tanong ni Mrs. Aguilar, dahil nakaharap at maririnig ni Hyde. Hindi pa alam ng bata ang totoo.
Ang mga tingin ni Hugo sa akin ay parang sinasabi na 'it was already late and Hyde must be sleeping at this hour'. Sa itsura naman ng bata na bahagyang namumula ang mga mata at magulo ang buhok ay mukhang nakatulog na ito at nagising lang.
"Who are they, Mom?" inosenteng tanong ni Hyde sa akin.
Ang daddy ni Hugo na si Mr. Aguilar ay hindi na inalala ang asawa. Nawala ang mabigat nitong aura kanina. Tila ito nahihipnotismo na napahakbang palapit sa hagdan. "No way... I can't believe this. It's like I'm transported back in time to when my son was in this age!"
Bumaba na ng hagdan si Hyde at tumingala kay Mr. Aguilar. Nang magsalita ang bata ay lahat kami'y natigagal, "Hello, sir! Are you my grandfather?"
Parang biglang bumalik naman ang lakas ng mommy ni Hugo na si Mrs. Aguilar. Tinakbo ng ginang si Hyde at naluluhang nilamukos ang mukha nito. "Dios mio... Parang si Hugo ko ito..!"
Ngumiti si Hyde sa ginang. "I really look like my dad, right?"
Natutop ko ang aking bibig habang si Hugo naman ay tulala. Dahil bakit parang cool lang si Hyde? Hindi man lang ito nagulat. Parang alam na nito ang lahat? Bakit alam nito?!
Naluluha na kinuyumos ng halik ni Mrs. Aguilar ang bata. Pinaghahalikan sa pisngi, pinagyayayakap habang umiiyak. "Dios ko, may apo na ako! May apo na ako sa Hugo ko!"
Nangilid ang luha ko sa nakikitang pagtanggap ng mga magulang ni Hugo sa anak ko. Ang daddy ni Hugo na seryoso ay naging malambot pagdating sa bata. Nakiyakap ito at nagsimula na ring mag-usisa. Tinatanong si Hyde kung anu-ano ang mga gusto nito at ibibili raw nila ang lahat ng hilingin ng apo.
"My apo, my handsome apo," garalgal ang boses ni Mrs. Aguilar. Pati mga kamay ni Hyde ay hinahalikan na nito. "Sorry ngayon lang si Grandma, ha? Sorry, we are so late. Sorry, my apo..."
Si Mommy sa na nakamasid din sa nangyayari ay naiiyak na. Gayundin si Daddy na pinili na lang na mag-iwas ng tingin para kontrolin ang emosyon.
Tumingin sa akin ang luhaang mga mata ni Mrs. Aguilar. "Jillian, I don't know what to say... I want to be mad at you for keeping this a secret from us for so long, but I believe that you have your reasons..."
"Thank you, Ma'am," may bikig sa lalamunan na sagot ko. "And I'm sorry..."
"Pero hindi na ako papayag na malayo sa amin ang apo ko, Jillian. 'Wag mo siyang ipagdadamot sa amin. Hindi ako papayag. Please, hayaan mo kami na makilala at makasama siya."
Tumango ako kay Mrs. Aguilar habang ang mga luha ko ay sunos-sunod nang naglandas sa aking mukha.
Nagpunas ako basang pisngi at tumalikod na para ibigay sa kanila ang pagkakataon na masolo si Hyde. Sa likod ng kusina ako pumunta para magpahangin. Naupo ako sa swing at doon tahimik na umiyak. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang sundan ako ni Hugo. Nakapamulsa siya sa suot na jeans nang lumapit sa akin.
Naupo siya sa swing na katabi ko. "Iniwan ko muna ang mommy mo at si mommy sa loob. Magkasama sila na hinatid sa kuwarto si Hyde. Mukhang mag-uusap sila nang masinsinan pag nakatulog na ang bata. Ang mga daddy naman natin ay nasa sala, mukhang mag-uusap din."
Inabutan niya ako ng panyo para pamunas sa aking luha. Tinanggap ko naman ang panyo dahil basang-basa na ako ng luha.
"Sorry pala kung nabigla ka sa pagpunta namin. May biglaang out of the country business trip kasi si Daddy bukas, inunahan ko lang bago siya makaalis."
Suminghot ako bago sumagot, "It's fine. Dito rin naman tayo tutungo. At saka, kasalanan ko naman na nabigla ako dahil hindi ako nag-check ng phone maghapon. Hindi ko nabasa agad ang message mo o nasagot ang mga tawag mo."
Noon ay kinatatakutan ko na malaman ni Mrs. Aguilar ang tungkol kay Hyde. Alam ko kasi na magagalit ito. Kilala ko na istrikta at masungit ang ginang, kaya ang akala ko ay magkakagulo. Pero kabaliktaran ang nangyari.
"Anyway, did you tell Hyde about me?"
Umiling ako habang patuloy pa rin sa pagsinok at pagsinghot. Gamit ko ang mabangong panyo niya sa pagpunas ng aking mukha.
"Then how did he know?"
Obvious ba? Parang pinagbiyak na bunga siya at si Hyde. Matalinong bata ang anak namin, malamang na nahalata na nito ang totoo. Ang tanong lang ay bakit wala itong nababanggit sa akin?
Namayani na ang katahimikan sa amin ni Hugo habang magkatabi pa rin sa swing. Hinahayaan namin na dampian ng malamig na simoy ng hanging panggabi ang aming mga balat.
Mahigit kalahating oras nang sumilip ang mommy niya na si Mrs. Aguilar sa backdoor. "Hugo, uuwi na kami ng daddy mo. Tulog na si Hyde."
Bumalik kami sa bahay. Namumugto ang mga mata ng mag-asawang Aguilar. Ganoon din sina Mommy at Daddy. Mukhang naging malalim mga ang naging pag-uusap nila.
Hinawakan ni Mrs. Aguilar ang kamay ko. "We'll be back on Sunday, Jillian. Dapat mapag-usapan na agad ang tungkol sa kasal niyo ng Hugo ko."
Tumango ako. "Sige po, Ma'am..."
"Mommy," pagtatama nito sa akin.
Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin. Mainit ang damdamin na lumukob sa akin dahil sa yakap nito. Nakita ko na lang ang sarili na gumaganti nang magaang yakap.
Si Mr. Aguilar din ay yumakap sa akin. "Thank you for being a strong woman. And thank you for bringing our grandson into this world."
Pagkaalis ng mga ito ay sumama si Hugo sa akin papunta sa kuwarto ni Hyde. Naalimpungatan ang bata at bumangon ito. "Mommy, umuwi na sina Grandpa and Grandma?"
Naupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi nito. "Kailan mo pa alam?"
Sumulyap si Hyde kay Hugo. "Since the first time he visited here."
"What?" Gulat na naman ako. Ganoon na katagal? "Baby, bakit hindi mo sinasabi kay Mommy?"
Humalukipkip ang bata. "Because I know that you're still not ready to tell me about it."
Namasa na naman ang mga mata ko. "I'm sorry, baby..."
Nag-panic si Hyde nang makita akong naiiyak. "I'm not mad at you, Mommy!"
Humikbi ako. "B-but I lied to you..."
"I can never hate you, Mommy! You are my mom who gave birth to me, who takes care of me since I was a tiny baby, who's worked day and night to support my needs, and you are my mom who loves me so much. I have no right to question your decisions. And I know that everything you do is for my good!"
Napahikbi ako lalo. "Bakit ka ganyan magsalita? Pinapaiyak mo si Mommy lalo!"
Ngumisi si Hyde at pinunasan ng mga daliri ang aking luha. "You're also my drama queen mom. And I love you to bits!"
Niyapos ko ang bata. "I love you, too, baby..."
Nang humiwalay sa akin si Hyde ay tumingin ito kay Hugo na kanina pa tigagal na nakatingin sa aming dalawa. "And you, sir... or shall I call you 'Dad' now?"
Umawang ang mga labi ni Hugo. Wala siyang masabing salita.
Nagpatuloy naman si Hyde. "I know you're my dad and I know that you have a reason why you showed up just now. It's okay if you won't tell me what is it. I know that I'm still young and there's a chance that I will not understand your reason, but can you promise to explain everything to me once I grow up?"
Napakurap-kurap si Hugo. "S-sure, son..."
Hyde smiled at him. "Okay, can I go back to sleep now? You know? I'm still a kid and I have to go to school tomorrow."
Kinumutan ko na ang bata. Si Hugo ay parang ayaw pang umalis kung hindi ko pa siya hinila sa braso.
"What a smart kid," usal ni Hugo pagkalabas namin ng pinto. Ang itsura niya ay parang dumaan sa matinding stress.
Napangiti na lang ako at nauna nang bumaba sa sala. Magaan ang pakiramdam ko dahil wala na akong itinatagong sekreto. Sa loob ng ilang taon, ngayon na lang ulit ako nakahinga nang ganito. It felt like something heavy had been lifted from my chest.
Inihatid ko na si Hugo sa gate. Nag-book lang siya ng Grab pauwi sa bahay niya rito sa Tagaytay. Ang kotse niya kasi kanina ay ginamit ng daddy at mommy niya. Ipapahatid na lang daw sa kanya sa driver bukas ng umaga.
Sa loob ng gate kami. Sinamahan ko siya na hintayin ang binook niyang Grab. Kinain na naman kami ng katahimikan na siya rin ang naunang bumasag. "Mukhang mabilis lang ang nangyayari, pero aware naman ako na hindi magiging madali."
Napatingala ako sa kanya. "W-what?"
Dumating na ang Grab car. Ngumiti si Hugo at yumuko para halikan ako sa noo. Pagkuwa'y bumulong siya sa tainga ko. I bit my lower lip as my heart pounded when I heard what he whispered to me.
"Jillian, I'm willing to go through the process." Pagkasabi'y lumabas na siya ng gate at ini-lock iyon bago umalis.
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top