Chapter 38
Another adv and early update since today is jfstories anniversary. Thank you, everyone for being here today and I hope to see you soon! - JF
PS. Announcement of winners to our anniversary giveaway will be later tonight sa group of JFAM and JF Society. To the future winners of books and adv access, can I ask you a little favor? Can you not spoil readers who haven't read the stories yet? Thank you so much!
------------------------------------------------------------------------
"BAKIT KAMUKHA NI HYDE SI HUGO?!"
Mommy was right. No matter from which angle you would look at Hugo and Hyde, there was no denying that they both resembled each other. That couldn't be considered just a mere coincidence.
Tumikhim si Daddy. "Ethel..." He wanted to say something, anything to lighten the atmosphere. Pero walang maisip na salita si Daddy, because he himself knew that he also wanted to know the answer.
"Jillian, I wouldn't be asking this question kung hindi biglang pumunta si Hugo rito. Kung hindi ganoon na lang ang interes niya na makita at makausap si Hyde sa tuwing pupunta siya. Nakikita ko ang pagpipigil niya na lapitan ang bata, pero sa huli ay hindi niya nakakaya."
Ang mga mata ni Mommy ay may nagbabadya ng luha.
"I didn't want to pay attention at first because I was still in denial. But, Jillian, anak, I am your mother. I know when you are anxious. I can feel it when you are worried about something. And I can't turn a blind eye to what I see and feel in you every time Hugo is here."
Ang mga tao sa paligid, si Kuya Jordan, si Daddy at kahit si Carlyn ay nakaabang sa kung ano mang aking sasabihin. But, I couldn't bring myself to say anything. I was not prepared for this moment even though I knew that no secret could be kept forever.
Tumayo si Mommy at nilapitan ako. "Jillian, please be honest with us. We are your family. You know that we love you. We will not judge you."
Marahan akong tumango at nanginginig ang mga labi na nagsalita, "I'm sorry..."
Ang pagsinghap ni Mommy sa pag-amin ko ay ang dahilan kaya tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa pala nag-aabang sa mga mata ko.
"M-Mommy, D-Daddy... I'm sorry..." Hinarap ko si Kuya Jordan na seryosong nakatingin sa akin. "I'm sorry, Kuya..."
"Why didn't you tell us before?" lumuluhang tanong ni Mommy habang katulad ko ay nanginginig din siya. "Please, baby. Ipaliwanag mo sa amin dahil naguguluhan kami. Ano ang nangyari sa 'yo noon? We thought it was that man..."
Hindi pa rin kayang banggitin ni Mommy ang pangalan ni Wayne Daniel Chung na ngayon ay wala na dahil sa drug overdose. Napahingal naman si Daddy nang maalala ang nangyari noon sa akin. Si Kuya Jordan ay nahuli ko ang pagtatagis ng mga ngipin.
"Mommy, Daddy, Kuya..." nangangatal ang mahinang boses na simula ko.
They deserved to know the truth and I would them everything now.
"Wayne drugged me. Totoo iyon. Natatakot ako na malaman niyo, natatakot ako na masasaktan ko kayo kapag nalaman niyo ang nangyayari sa akin. So, instead of calling you, I tried calling Harry for help. But unfortunately, Harry didn't answer my calls. Wala na akong maisip na ibang hingan ng tulong noon... maliban kay Hugo."
"You were friends with Hugo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Mommy. "Noon, Jillian? Naging magkaibigan kayong dalawa noon?!"
Tumango ako. Napahawak naman sa kanyang bibig si Mommy.
Noon ay mahigpit niya akong pinagbabawalan na lumapit man lang kay Hugo, dahil hindi maganda ang reputasyon nito. Nauunawaan ko naman dahil nag-aalala lang sa akin si Mommy. Kaya nga isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko binanggit sa kanila si Hugo noon.
"Mabait siya, Mommy..." Hinawakan ko ang kamay ni Mommy. "Mabait si Hugo kahit noong ang sama ng tingin ng lahat ng tao sa kanya. Including his own parents. Believe me, he was just misunderstood."
"W-what happened that night?" tanong ni Mommy. "Bakit naroon si Hugo sa pangyayaring iyon? I remembered that he went to the precinct with Jordan and Harry."
"K-kasi imbes na si Harry..." Napahikbi ako. "Ang dumating para sa akin ay si Hugo. Siya ang nagligtas sa akin kay Wayne. Siya, Mommy..."
Napatingala si Kuya Jordan nang marinig ang tunay na nangyari. Nasa pag-alon ng lalamunan niya ang kanyang pinipigil na emosyon. Niyakap naman siya ni Carlyn.
"The drug in my body was very strong at that time. Hugo refused at first because he respected me, but I begged him to do it. I'm so sorry that I didn't tell you."
"Alam niya bang nabuntis ka niya?" tanong ni Mommy.
I shook my head as my tears fell again. "I didn't tell him. Nagkausap kami noong huli. Ang sabi niya, magbabago na raw siya. Gusto niya nang ayusin ang buhay niya. Gusto niyang makabawi sa parents niya. Nakikita ko kung gaano kataas ang pag-asa sa mga mata niya, Mommy. Sino ako para sirain iyon?"
"You are selfless, baby." Niyakap ako ni Mommy. "You are a good person. Ano man ang dahilan mo, nirerespeto namin iyon."
Puro hikbi lang ang aking naisagot dahil hindi ko na kayang magsalita. Naipon sa lalamunan ko ang aking boses at natabunan iyong ng paghikbi. Puro iyak ako at halos hindi na makahinga.
Iniupo ako ni Mommy sa sofa habang luhaan pa rin kaming dalawa. "Mula ngayon, sabihin mo sa amin ang lahat."
Si Daddy ay lumapit sa amin. Namumula ang mga mata at paos ang boses nang magsalita, "Alam na ba ni Norma ito?"
Umiling ako.
Nagpunas ng luha si Mommy at namroblemang napatingin kay Daddy. "Kung ganoon ay noong pumunta siya rito ay wala pa talaga siyang ideya na may apo na siya."
"Ano ang plano ni Hugo?" Malamig na boses ni Kuya Jordan.
"Yes, we need to know about his plan." Sumang-ayon si Mommy. "Ano ang plano niya kay Hyde? Hihingi ba siya ng custody? Although it's normal at nararapat lang, but I am worried about Hyde. Baka mabigla ang bata."
"And Harry," ani Daddy. "As your fiancé, he should know about this too."
"Alam na po ni Harry..." humihikbi at hirap na sabi ko.
Tumango si Daddy. "Kung ganoon, papuntahin mo si Hugo rito ngayon. Tell him that I want to talk to him."
Nagulat ako dahil hindi si Harry ang gustong kausapin ni Daddy. Siguro ay gusto niyang marinig muna kay Hugo kung ano ang plano nito.
"Bed!" the cute little voice of my niece, Mara, cleared the heavy ambiance around us.
Nagpapakarga na ang batang babae kay Carlyn. Napagod na maglaro at mukhang nag-aantok na.
Kinarga ni Carlyn si Mara para iakyat sa itaas, ang kaso ay inaabot din nito si Kuya Jordan. "Dy, beddd!" Gusto rin ng bata na kasama ang daddy nito na aakyat sa itaas.
"Sige na, Jordan, iakyat niyo muna si Mara," ani Daddy. "Mukhang pagod na ang mag-ina mo. Nakakain naman na kamo kayo sa biyahe, magpahinga muna kayo. Kapag nagutom kayo ay bumaba na lang mamaya."
Kahit ayaw pa tuloy umakyat ni Kuya Jordan ay wala na itong nagawa dahil nagyayaya na ang anak. Sa itsura ni Kuya Jordan ay mukha na rin naman itong inaantok. Mukhang pagod din sa biyahe.
Hindi naman umalis sina Mommy at Daddy sa sala. They were waiting for Hugo. Sumasala ang mga daliri ko sa pag-tap sa screen ng phone. Hindi ko alam kung nasaan si Hugo ngayon, pero kailangan ko siyang papuntahin.
I didn't know if he was online, but I sent him a message on Messenger.
Me: Alam na ng pamilya ko. They want to talk to you.
Walang kalahating oras na may mag-doorbell sa gate namin. Si Daddy ang lumabas. Nahugot ko ang aking paghinga nang sa pagbalik nito ay kasama na si Hugo.
Iyon pa rin ang suot ng lalaki nang umalis kanina. Ang kaibahan lang ay bahagyang tabingi ang kanyang kwelyo. Tila nagmadali ng kilos para makarating agad dito. Kung galing ba siya sa bahay niya na naririto rin sa Tagaytay o pabiyahe na siya pa-Manila at bumalik lang dito, ay hindi ko sigurado. Basta dumating siya agad dahil sa message ko.
"Good evening, Ma'am," magalang na bati niya kay Mommy.
"Sit down, Hugo," malumanay pero seryoso ang mukha na utos ni Mommy sa kanya.
Nagharap-harap kami sa sala. Si Mommy ay katabi ko habang si Hugo ay nasa kanang upuan at si Daddy ay sa may kaliwa. Ang tanging pagitan naming apat ay ang babasaging center table. Kahit malamig ang buga ng aircon sa sala ay pinagpapawisan ako sa kaba. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito, ang maghaharap-harap kami na kasama si Hugo.
Tinanong nila si Hugo kung kailan nito nalaman ang tungkol kay Hyde. Naging maayos naman ang pag-uusap nila. He was polite in answering my parents' questions and I appreciated that.
"Hugo, hijo, ano ang..." Hindi magawang buuhin ni Mommy ang salita. Alam ko na iyon ang kanina niya pa gustong itanong kay Hugo. "Ano ang plano mo?"
Napigil ko ang aking paghinga nang deretsong tumingin si Hugo kay Mommy at tumingin din kay Daddy.
"If it's okay with you, Ma'am, Sir." Sumulyap siya sa akin bago muling hinarap sina Mommy at Daddy. "I want to marry your daughter."
Umawang ang mga labi ko at nanlaki ang aking mga mata. Sinabi niya na iyon sa akin, pero ang pagkakasabi niya ngayon sa mga magulang ko ay ibang usapan. Iba ang dating. Maging sina Mommy at Daddy ay natigagal sa narinig.
Si Daddy ang unang naka-recover sa pagkabigla. "But, Hugo, you know that our daughter is already engaged to someone else."
"I know that very well, sir."
"Then why are you saying that you want to marry Jillian?"
"Dahil iyon ang sa tingin ko ay dapat. May anak kami. I don't see anything wrong with giving our child a complete family."
Oo nga walang mali roon. Iyon ay kung wala akong fiancé at kung nagmamahalan kami. Pero parehong hindi. Ngali-ngali ko siyang tuktukan.
Napasentido si Mommy. Tila sumakit ang ulo bigla. "Hugo, hijo... Jillian has a fiancé. Si Harry. Paano naman siya?"
"Mommy," sabat ko. Bago pa may masabi si Hugo. "Tutal nakaharap niyo na si Hugo, I think mas okay na ipagpaliban na lang po ang pag-uusap. Kapag siguro nakalma na tayong lahat."
Mukhang naubos na rin ang lakas nina Mommy at Daddy kaya sumang-ayon na sila. Iniwan muna nila kami ni Hugo sa sala.
Nang kami na lang ni Hugo ay tumayo ako at tumungo sa pinto. Pinagbuksan ko siya pinto.
"Bakit mo binuksan?" tanong niya. "Isara mo ang pinto, lalabas ang aircon."
"Salamat sa pagpunta mo, pero umalis ka na muna," sa halip ay sabi ko.
Nang tumayo siya at humakbang palapit sa akin ay napatitig siya sa mga mata ko na namumugto. "Umiyak ka?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya. "Sa ibang araw na lang tayo mag-usap, Hugo. Gusto ko munang magpahinga. Magpahinga ka na lang din muna."
"Hindi naman ako pagod."
"Puwes ako, pagod."
"Eh, di doon ka sa sofa. Kung gusto mo, mahiga ka habang nag-uusap tayo."
"Hindi mo ba naiintindihan? Na-drain ako. At gusto ko sana munang mag-isip, please?"
Ang inaasahan ko ay mamimilosopo pa siya at magmamatigas na mag-stay, kaya nagulat ako nang tumango siya. "Alright."
Nang lumabas siya ng pinto ay nakatanaw ako. Paglabas niya ay siya na rin ang nagsara ng gate.
Pagbalik ko sa loob ay nangingipuspos ako na naupo sa sofa. Walang kumain ng dinner sa amin. Hindi na bumaba maski sina Mommy at Daddy. Si Hyde ay noong magising ay dinalhan ko na lang ng pagkain sa itaas. Nagtataka ang bata pero hindi ako nagsalita ng kahit ano. Ngiti lang ang ibinigay ko sa nagtatanong na mga mata nito.
Pagkatapos turuan ng assignment ay hinayaan ko na mag-browse ito sa Internet at manood ng anime. Pagsapit ng 9:00 p.m. ay tinabihan ko na sa kama. Ngayong gabi ay sa kuwarto ulit ako ni Hyde natulog.
IT WAS LUNCH TIME nang magharap-harap kaming pamilya. Magaan na ang mood kaysa kahapon.
Mukha ring nagkausap na nang bukod sina Mommy, Daddy at Kuya Jordan, bago pa ako bumaba. Tinapos ko pa kasi ang aking online work kaya hindi ako nakasabay noong breakfast. Pagkakain ay ako ang naghugas ng pinagkainan.
Si Mommy ay palakad-lakad sa aking likuran. "Jillian, sa tingin mo ba ang magagalit si Norma kapag nalaman niya?"
Nagpunas ako ng kamay matapos maghugas ng mga pinggan. "Hindi ko po alam, My. Pero papaliwanagan naman po siguro siya ni Hugo."
Pinakalma ko si Mommy. Iyon pala ang ikinakatakot niya. Mahina kasi siya sa eskandalo. Sa mga sigawan pa lang ay sumasakit na ang dibdib niya. Mas lalo pa siguro kung may susugod dito para awayin siya.
"Sana nga 'wag magalit si Norma." Napabuntong-hininga si Mommy. "Hindi naman natin ipagkakait sa kanila si Hyde. Sana lang ay bigyan nila tayo ng panahon para maipagtapat sa bata..."
Pumasok si Kuya Jordan sa kusina. "My, Jill, alis muna kami. Babalik kami on Saturday." Umuwi lang pala kasi ang mga ito dahil may aasikasuhin sa lupa na nabili nila sa Batangas. Ngayon ay pupunta sila roon at dederetso na ulit pabalik ng Manila.
"Mag-ingat kayo," ani Mommy. Sumama siya palabas ng kusina para magpaalam kay Mara.
Si Kuya Jordan naman ay nilapitan ako. Yumuko siya at hinagkan ako sa noo. "You take care, Jill."
Yumakap ako sa bewang niya. "Thank you, Kuya..."
Sumabay na si Daddy kina Kuya Jordan sa pag-alis. Nag-half day lang kasi si Daddy ngayong araw sa trabaho para samahan si Mommy kanina. Pinapakalma niya si Mommy dahil hindi maalis-alis ang mga alalahanin nito.
Ako ay umakyat na sa itaas. I started the commission work I accepted this morning. I rested around 2:00 p.m. Tumingin ako sa oras matapos umidlip. Quarter to 3:00 p.m. pa lang. Mamaya pang 4:00 p.m. ang uwi ni Hyde. He joined the school's chess club and had a practice today.
Naligo muna ako. Pambahay lang ang isinuot. Crop top na baby pink at may paint ng mukha ni Mariah Carey. Ako ang nagpinta. Sa pang-ibaba naman ay lumang maong shorts na two inches above the knee. And even though my hair was still wet from the shower, I tied it up in a bun.
Paglabas ko ng pinto ng kuwarto ay natigilan ako nang marinig ang isang pamilyar na boses sa ibaba. Boses ni Hugo!
Napababa agad ako ng hagdan. Naabutan ko siya na kausap si Mommy sa sala. Hindi nila ako agad napansin dahil hulog na hulog sila sa pag-uusap. At matiwasay ang pag-uusap nila. In fact, naabutan ko pang tumatawa si Mommy.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at naku-curious ako. Ang mga mata ko ay natuon kay Hugo. Nakangiti siya habang nagsasalita. Mas nagiging maaliwalas ang kanyang mukha dahil sa magandang ngiti ng mapula niyang mga labi.
Bumaba ang aking paningin sa album na hawak niya. Napasinghap ako nang makita kung ano iyon. Baby album ni Hyde!
"I know, right? My apo is the cutest!" masayang sabi ni Mommy. "Ang taba hanggang second birthday. Ang lakas kasing dumede. Hindi na nga lang ito na-breastfeed dahil nawalan na ng gatas si Jillian. Bumalik na kasi sa pag-aaral."
Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila.
Matamis na nakangiti si Hugo sa akin. Hindi ko alam kung joke na ngiti o totoo. "Hi, Jillian."
Tumayo si Mommy. "Napadalaw ulit si Hugo. Gusto niya raw kasing makita ang mga pictures ni Hyde. Ikaw na muna ang bahala sa kanya. I'll make snacks for us."
"Thank you, Tita Ethel," ani Hugo kay Mommy.
Tita Ethel? Nagbago na pala ang tawag niya sa mommy ko.
Mommy gently patted him on the arm. "Sige, Hugo, mag-usap muna kayo ni Jillian. Sa kusina muna ako."
Nang maiwan kaming dalawa ay doon na nabura ang ngiti ni Hugo. So, joke nga lang pala talaga iyong ngiti niya kanina.
"Nakapagpahinga ka na?" tanong niya na kahit kaswal ay iba ang dating sa akin. Parang may sarkasmo. O ako lang ang nag-iisip ng ganoon.
"Nakita mo na pala ang mga albums ni Hyde," sabi ko imbes na sagutin ang tanong niya.
"Yeah. Pinakita ni Tita Ethel. She gave me soft copies too."
Tumango-tango ako. Wala naman akong balak ipagkait iyon sa kanya. Ang balak ko nga ay i-send pa sa kanya pati ang mga natatago kong videos.
Naupo ako sa sofa kung saan siya nakaupo. Naglagay lang ako ng malaking espasyo sa pagitan naming dalawa.
"Hugo, about what you said to my parents yesterday, iyong tungkol sa gusto mo akong pakasalan..." simula ko. "Alam mo na hindi iyon puwede. Engaged na ako. At hindi naman basta-basta ang kasal."
Sumandal siya at humalukipkip habang bored na nakatingin sa akin. "And?"
Napabuga ako ng hangin para mag-alis ng inis. Kailangan naming mag-usap nang matino, so as much as possible, I must keep my cool.
"And iyon nga. Ikakasal na ako kay Harry. Kahit matagal na iyong engagement period namin, still, engaged kami. May usapan kaming magpakasal. Kaya hindi puwedeng basta mo sasabihing pakakasalan mo ako dahil para na ako kay Harry."
"You talk nonsense sometimes, but you're cute, so I forgive you."
Nagtimpi pa rin ako kahit gusto ko nang kalmutin ang mukha niya, na ewan ko bakit kahit nakakaasar ay ang guwapo pa rin. Siguro dahil iyon ang talent niya noon pa man, ang gamitin ang mukha niya sa kabulastugan.
Umabot na siya sa ganitong edad, nag-matured na, professional, But, there was one thing about him that still hadn't changed. May tagas pa rin siya sa ulo!
Kinalmahan ko pa rin ang pagpapaliwanag sa kanya. "Hugo, hindi porke't may anak ay dapat nang magsama. Hindi ganoon iyon. At alam ko na nabibigla ka lang."
"Dapat ba gayahin ko ang fiancé mo? Maghintay muna ako ng apat o limang taon bago ako magdesisyon?"
Humulagpos na ang inis ko. "Tanga ka ba?!"
Ngumisi siya. "Finally, the real Jillian has come out."
Tumayo ako at pinamewangan siya. "Tell me, what is it that you really want?"
Dumi-quatro siya sa kinauupuang sofa at ngumisi habang nakatingala sa akin. "Gusto ko sa tuwing gigising ako at matutulog ay nakikita ko ang anak ko."
"Then maglagay ka ng picture niya sa tabi mo!"
Sumimangot siya. "Ang gusto ko ay iyong live ko ma nakikita, iyong gumagalaw, iyong humihinga."
"Video call?"
"Hoy!" Pinanlakihan niya ako ng mata. "Kailan ka pa naging pilosopo? Kanino mo 'yan natutunan, ha?!"
"Kanino ba sa tingin mo?!"
"Tsk." Napahimas siya ng kanyang baba. "Sinasabi ko na nga ba, mukha lang matino 'yang Harry na 'yan, pero hndi naman. Tingnan mo, kung anu-ano ang mga natututunan mo!"
"Hugo, seriously? 'Di mo ba alam, na simula nang magkakilala tayo ay naging ganito na ako?! Nagkaroon na ng tagas ang ulo ko! So, malamang sa 'yo!" Dinuro ko siya sa noo. "Sa 'yo ko nakuha ang ganitong ugali ko!"
Namula naman ang mukha niya. "Hoy, hoy! Sinungaling ka na rin ngayon, ah! Natatandaan ko, ambait-bait mo noong ako ang laging kasama mo! Dati, mapagkakamalan ka pa ngang pinsan ni Mama Mary! Lagi ka pang nakaputi, 'tapos kahit galit ka noon sa akin, ay ang hinhin mo pa rin. But now, look at you! Nakalabas na pusod mo, tapos marunong ka na ring manduro!"
Napahilamos ako sa aking mukha. Arguing with this kind of person was useless. "I love Harry," biglang bitiw ko.
I had no idea why that came out of my mouth. Siguro para patahimikin si Hugo. Baka iyon lang kasi ang kailangan niyang marinig.
"Hugo, hindi ko puwedeng talikuran si Harry dahil... m-mahal ko siya."
Hugo did not speak. He just stood up from the sofa.
"I can't leave Harry just to marry you. Ikakasal na kami, siya ang pakakasalan ko bago ka pa dumating. If you are thinking that it will be difficult for you to be with Hyde, then don't worry. Hindi ko ipagkakait sa 'yo ang—"
"Fine."
I blinked. "Ha?"
"I'll give up."
Muli akong napakurap. Totoo ba ang sinasabi niya? Susuko na siya? Pero hindi pa pala siya tapos sa pagsasalita.
"I'll give up... but I have one condition." Ang seryoso niyang mga mata ay madilim.
"And what condition is that?" kabadong tanong ko.
"You love Harry, right? And he must love you, too. He just has to prove that love. Iyon lang, Jillian, at hindi na ako manggugulo."
"P-paano niya mapapatunayan?" tanong ko na napupuno na ng kaba ang dibdib, lalo pa't nakakapanghina ang kislap ng mga mata ni Hugo.
"Easy lang. Isang linggo, Jillian. Kailangan ka niyang pakasalan sa loob lang ng isang linggo."
Napanganga ako.
"Isang linggo lang ang ibibigay kong palugit. Pero pag hindi ka niya pinakasalan sa loob ng isang linggong iyan, sa ayaw man niya o gusto, kukunin kita at sa araw ding iyon, ako ang magpapakasal sa 'yo!"
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top