Chapter 37

"IS IT HIM, RIGHT?"


Alam ni Harry. Hindi ko alam kung kailan pa. Kahit tinatanong niya sa akin, alam kong alam niya ang sagot. He just wanted to hear it from me.


Siguro noon niya pa alam. Kaya ganoon na lang siya makatitig sa mukha ni Hyde habang lumalaki ito. Pero kahit kailan ay hindi siya nagbanggit sa akin. Ngayon lang.


"Whatever your reasons are, I understand, Jillian."


"Akala ko hindi na kami magkikita pa. But, he's back now. Kahit hindi niya nakasama si Hyde at nakitang lumaki, hindi mababago na siya ang ama—"


Itinaas niya ang isang kamay bilang pakiusap na huminto ako sa pagsasalita. "It is me," nakangiting sabi niya, bagaman hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang mga mata.


May lambong sa mga mata ni Harry. Ibinato niya ang paningin sa ibang direksyon habang hindi nabubura ang ngiti sa kanyang mga labi.


"I am Hyde's father, Jill. Please, don't take that away from me."



TUESDAY. Maaga akong gumising sa kabila ng aking kakulangan sa tulog. I thought about Harry's words before he left last night.


Ngayon ang ikalawang araw sa sinabi ni Hugo na tatlong araw na palugit. Ganoon kaiksi. And he didn't bother to give me an extension. Although hindi rin naman ako humingi.


Lutang pa rin ako at hindi alam kung saan mag-uumpisa. Ni hindi ko pa rin nasasabi kay Harry ang tungkol sa gusto ni Hugo na mangyari. Or would he even listen to what I got to say to him?


Tiningnan ko kung may text o chat siya. Kung nakauwi ba siya nang maayos kagabi. Sa Messenger siya may message. Kanina iyong alas sinco ng madaling araw.


Harry Caesar: I love you. Pabalik na ako ng Manila. Please eat breakfast when you wake up. Wag puro kape lang.


I typed a reply even though he was already offline.


Me: Kumain ka rin bago mag-work. Ingat ka riyan. See you on Sunday. ❤


Nag-half day ako sa online work ko. Kaunti lang din ang files ngayon kaya walang gaanong trabaho. Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin sa lunch nang mag-ring ang phone ko. Napalunok ako nang makita na si Tita Eva ang tumatawag. Harry's mom. 


Bihira ang babae na tumawag sa akin. Kapag tumatawag ay alam ko na agad na meron siyang hindi nagustuhan. Bumalik muna ako sa kuwarto bago sinagot ang tawag. Ayaw ko na may makarinig ng pinag-uusapan namin, lalo na si Mommy, dahil mag-aalala lang ito.


[ Hello, Jillian? Biglang umuwi si Harry dito sa Tagaytay kagabi! Ikaw ba ang nagpauwi sa kanya? Alam mong may trabaho siya sa Manila, bakit mo siya pinauwi?! ]


Magsasalita sana ako para sabihing nagulat din ako sa pagdating ni Harry, kaya lang ay katulad ng parati, hindi ako nakasingit kay Tita Eva.


[ Alam mong may trabaho iyong tao, pinauuwi mo kung kailan mo gusto? Hindi mo ba naisip na pagod iyon, 'tapos dis oras ng gabi ay pagda-drive-in mo? ] Mas mataas na ang tono ni Tita Eva.


Nakagat ko ang aking ibabang labi. Kung sasagot ako ay hindi magiging maganda ang kalalabasan. Baka lalo siyang magalit at madamay pa sina Mommy at Daddy. Ayaw ko ring mag-alala pa si Harry.


[ Hayaan mong magtrabaho si Harry. Sino ba ang makikinabang? Ako ba? 'Di ba ikaw at iyong anak mo? Bubuhayin kayo ni Harry kapag kasal na kayo! ]


Nang matapos ang tawag ay humihinga ako nang malalim. Sanay naman na ako sa ilang taon na kami ni Harry. Sanay na ako pero may pagkakataon pa rin talaga na parang mauubos ako.


Dumating na kanina pang 3:00 p.m. si Hyde galing sa school. Nakapagmerienda na rin sila pero nakahiga pa rin ako sa kama. 4:00 p.m. na ako bumangon dahil nanghihina ako.


Naligo ako at nagpalit ng damit. Pagbaba ko ng hagdan ay nakarinig ako ng tawanan mula sa kusina. May kausap si Mommy. Boses ng babae.


Nasalubong ko si Daddy. Naka-polo pa at mukhang kararating lang. Humalik ako sa pisngi nito. "Dy, may bisita po si Mommy?"


"Ah, nandiyan si Norma. Kausap ng mommy mo."


Norma? Nanigas ang katawan ko. Mrs. Normalyn Aguilar?!


Napatakbo ako sa kusina at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang matiyak na tama ako. Si Mrs. Normalyn Aguilar, ang terror head teacher namin noong high school, at mommy ni Hugo nga, ang kausap ni Mommy!


Mrs. Aguilar was wearing a plain navy blue long-sleeve midi dress, her hair was up in a tight tie, and she still had her signature thick black-rimmed glasses. The lines on the side of her eyes only increased a little, but the teacher's aura was still the same. Maganda na istrikta.


Ang tagal ko nang hindi nakikita ang ginang. Not even on social media. Wala rin itong komunikasyon na kay Mommy. Paanong naririto ito ngayon sa bahay namin?!


Nang makita ako ni Mrs. Aguilar ay ngumiti ang istriktang guro namin noong high school. "Oh, my, Jillian! Ikaw na ba 'yan? Lalo kang gumanda. How are you, hija?"


"Mabuti po. Kumusta po, Ma'am?" Wala naman akong napansin dito na kakaiba. Mukhang hindi pa nito alam. "Napadalaw po kayo..." Nakaramdam ako ng init sa dibdib dahil sa isiping sa kabila ng pagiging istrikta ni Mrs. Aguilar, ay hindi ako nito hinusgahan sa aking pagiging dalagang ina.


"Ayos lang ako, Jillian. Si Hugo ko kasi ay isinama ako roon sa bahay niya. Ewan ko ba roon kung ano ang naisipan. Tapos ayun, dinala ako rito. Malapit nga raw ang lugar niyo. Hindi ko alam kung bakit alam."


May kung anong bumara sa lalamunan ko. "N-nasaan po siya?"


"Nasa itaas niyo," nakangiting sagot nito. "Kasama ng anak mo."


"Po?" Hindi ko na nahintay ang sasabihin ni Mrs. Aguilar o kahit intindihin pa ang nagtatakang ekspresyon nila ni Mommy. Tinalikuran ko na sila at nanakbo ako paakyat sa itaas.


Nanginginig ang katawan ko paghinto ko sa harapan ng pinto ng kuwarto ni Hyde. Tahimik at wala akong naririnig na kahit ano mula sa loob. Itinulak ko pabukas ang pinto.


Tumambad sa akin si Hugo na nakatayo habang malamlam ang mga mata na nakamasid sa batang natutulog sa kama.


"We were talking about Roblox when he suddenly fell asleep," sabi ni Hugo nang hindi nag-aalis ng tingin sa natutulog na bata.


"It's his nap time." Mahina ang boses ko nang magsalita. Lumapit ako sa batang natutulog at inayos ang pagkakakumot nito. "Pagod siya sa school at sanay na natutulog sa tanghali."


Napangiti siya. "Sa lagay na 'yan, sa 'yo siya nagmana. Dahil ako noon, kahit lumuwa na ang litid sa leeg ni Mommy, hinding-hindi niya talaga ako napapatulog sa hapon."


Napangiti rin ako. Nai-imagine ko kasi.


"Tell me, Jillian. How is this possible?"


Nabura ang aking ngiti.


"Paano siya nabuo? Hinugot ko naman—"


Hindi niya na natuloy ang sinasabi nang batuhin ko siya ng unan.


Natamaan siya sa bridge ng matangos niyang ilong kaya napasimangot siya. "Hey!"


"Isipin mong mabuti. Ano? Wala kang maisip? Kung ganoon, wag ka nang mag-isip."


Napabuga siya ng hangin. Lumambot ulit ang ekspresyon. "I think he's a miracle," pagkuwa'y nanulas sa mga labi niya, na halos sa sarili lang yata niya sinasabi.


"He is," sang ayon ko. Hyde was my greatest blessing in life.


"Why didn't you go to me?" Isang tanong niya na ikinabigla ko na naman. "Bakit hindi mo ako hinawakan? O sinugod sa bahay namin? Bakit? Bakit hindi, Jillian?"


Napaiwas ako sa kanya ng mata. "Y-you said you wanted to fix your life..."


"Do you think I am happy?" Hindi galit ang tono niya pero mabigat. "Naiintindihan ko na hindi planado iyong nangyari. Na kung pupuwede lang, hindi ako ang pipiliin mo na maging tatay ng anak mo. Pero nangyari na. Inosenteng bata 'yan, walang kasalanan." 


"You were doing good, Hugo. Nag-aaral ka noon. Bumabawi ka sa mga magulang mo." And you were pursuing your first love. "Who am I to ruin your life?!"


"At sa tingin mo, ang kaalaman na may anak ako na hindi ko man lang nakasama at nasubaybayang lumaki ay hindi ko ikinawasak? Ganoon ba kaliit ang tingin mo sa akin para isiping hindi ko kayang ihinto lahat kung malalaman ko lang na may pananagutan ako sa 'yo? Isang chat lang, Jillian. Isang chat lang sa akin, bakit hindi mo ginawa? Bakit mas pinili mo pang ipaako ang anak ko sa iba?!"


"Hindi ko siya pinaako sa iba," mariing salungat ko. Nang tumingin ako ulit sa kanya ay kay Hyde na siya ulit nakatingin. "Kung si Harry ang tinutukoy mo, hindi naman kami agad—"


"Right, that guy. He must have had too much fun playing father to my child." Muli siyang tumitig kay Hyde na ngayon ay nakadapa na ang pagkakahiga sa kama. 


Nagtagis ang mga ngipin ko. Tama na. Bumabalik lang kami sa simula. Bumuga ako ng hangin at saka mahinahon na nagsalita, "Hugo, hindi pa tapos ang tatlong araw."


"Yeah, bukas pa."


"Then why are you here?"


"Because I wanna see my son?" Tumingin siya sa akin. "Hindi ako nakakatulog sa gabi, Jillian. Iniisip ko kung paano mo inire ito!"


Napatanga ako sa kanya.


"Kung gaano siya kaliit noong inilabas mo siya sa mundo. Kung kailan siya unang dumapa, kumain ng solid food, nagsalita at anong unang sinabi niya."


"Papa..." wala sa loob ng sambit ko.


"What?"


"That was his first word." Nag-iwas ako ng mga mata dahil uminit ang mga tingin niya sa akin. "Iyon ang unang salita na nasabi niya. Hindi ko alam kung bakit o kung saan niya narinig..."


"Do you think he's calling me?"


"H-hindi ko alam."


Nang silipin ko ang reaksyon niya ay tila ako nalunod sa emosyon na ngayon ay nasa kanyang mga mata. He was looking at Hyde like the kid was the most precious thing in the world.


"CS ako..." Namalayan ko na lang na kusang bumukas ang aking bibig. "H-hindi ko siya inere dahil CS ako, Hugo..."


"Was it hard?" tanong niya na hindi sa akin nakatingin. Umiling din siya bago ko masagot ang kanyang tanong. "Of course it was hard. I could imagine."


Nang lumabas si Hugo ay sumunod ako sa kanya. Parang may sariling isip ang kamay ko na pumigil sa pulso niya. Salubong ang makakapal at itim na itim niyang mga kilay na lumingon siya sa akin.


"Hugo, please, give me an extension..." pakiusap ko.


"And why? Sa tingin mo gusto ko pang magsayang ng oras?"


"Hugo, you know that I am already engaged. Hindi pa alam ni Harry ang gusto mong mangyari."


"Ano bang alam niya maliban sa paghintayin ka?" Umismid ang mapulang mga labi niya. "High school pa lang tayo, pinaghihintay ka na niyon, ah?"


"Engaged na kami. Ikakasal na kami."


"Kailan? After forty-five years?"


"Pinaplano namin!" Napataas na ang aking tono dahil napipikon na ako. "Nag-iipon pa kami kaya hindi pa kami makapagpakasal!"


"Ilang taon na 'yang pag-iipon na 'yan?" sarkastikong tanong niya sa akin. "Sobrang naghihirap ba siya na ultimo pangkasal lang ay wala siya? Kung gusto ka talaga niyang pakasalan, kahit sa kasalang bayan ay dadalhin ka niyan, mapakasalan ka lang!"


Napalunok ako dahil parang sampal ang sinabi ni Hugo. He had a point. The truth hurts, but surprisingly it didn't hurt me that much.


Hugo's lips curved into a smirk as his dark eyes looked at me teasingly. "You know why I am doing this, Jillian?"


"W-why?"


"Because I know you don't love each other that much."


Namilog ang mga mata ko. "How dare you?!"


"Ikaw ang dapat sabihan ko niyan, Jillian." Tumalim ang kaninang nanunuksong mga mata niya. "How dare you?! Bakit mo bibigyan ang anak ko ng pangalawang ama na hindi sigurado sa inyong dalawa!"


Umigkas ang kamay ko pasampal sa kaliwang pisngi ni Hugo. Hindi niya iyon iniwasan. Namumula man ang mga mata ay nakangiti pa siya nang tumingin ulit sa akin.


"Believe me, Jillian. Pasasalamatan mo rin ako sa huli." Pagkasabi'y tumalikod na siya at tumungo sa hagdan.


Para akong inubusan ng lakas na napahawak sa dingding. Inayos ko muna ang sarili bago ako sumunod sa ibaba. Nasa sala na sina Mommy at Mrs. Aguilar. Nagulat ako nang makitang naroon din sina Kuya Jordan at Carlyn. Ang akala ko ay sa weekend pa sila uuwi.


Si Mrs. Aguilar ay naaliw sa tatlong taong gulang kong pamangkin na nasa sofa habang nilalaro ang kulay pink na teddy bear nito. "What a beautiful child. Parang manika. Nakuha ang brown na mata ni Jordan."


Hindi pa nakontento sa pagmamasid si Mrs. Aguilar kay Mara. Tinabihan pa nito sa sofa ang bata at hinaplos ang buhok.


"Naku, kailan kaya ako bibigyan ng apo ng Hugo ko?"


Sabay pa kaming naubo ni Carlyn.


Ang hipag ko ay hinagod agad ni Kuya Jordan ang likod. "Are you okay, sweetie?"


Napatingin si Mrs. Aguilar sa akin. "Jillian, hindi ko pa nakikita ang anak mo."


Si Hugo ang sumagot sa ina. "Tulog, My. Next time na lang."


"Oh, may next time," hindi mapigilang sambit ni Carlyn sa gilid.


Tiningnan ko ito nang matalim.


Nag-peace sign naman ang babae at pasimpleng kinarga na ang anak. "Halika na, bebe. Palit na ikaw ng damit."


"Ah, Ethel, aalis na kami ni Hugo ko, ha? Tumawag na ang daddy niya at pinapauwi na ako. Nagyayaya ng dinner. Ngayon lang kasi iyon free dahil busy rin sa work."


"Sige, mag-ingat kayo," ang sabi lang ni Mommy. Wala na ang sigla kanina na aking ipinagtataka.


Nang wala na si Mrs. Aguilar ay tahimik na naupo si Mommy sa sofa. Hindi ko naman alam ang gagawin, kung aakyat na ba ako sa itaas o ano. Nasa sala rin kasi sina Daddy, Kuya jordan, at Carlyn. Parang walang gustong umalis sa kanila.


Si Carlyn lang na niyayaya na si Kuya Jordan sa itaas pero sa pagkakataong ito ay matigas ang kuya ko. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa akin.


Ang patag na boses ni Mommy ang bumasag sa tahimik na paligid. "Jillian, tapatin mo ako."


Napalunok ako.


"Bakit kamukha ni Hyde si Hugo?"


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top