Chapter 34

HINDI BA BIRO LANG ITO? Anong ginagawa ni Hugo rito?!


Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Hugo sa akin. "Long time no see, Herrera. Seven days?"


It was only been seven days since our paths crossed. I thought it would be the last time, that we would never see each other again. Pero nandito nga siya ngayon sa harapan ko. Nandito sa bahay namin.


"Hyde!" sigaw ko habang malakas na kumakalabog ang dibdib ko. "G-get inside the house, baby..."


Balewala ang malamig na hangin sa lugar dahil nagsisimulang mamuo ang pawis sa aking noo.


"I'll go now, sir!" paalam ni Hyde bago ito manakbo pabalik sa kusina.


Nang mawala na si Hyde ay pumormal ang makinis at pangahang mukha ni Hugo. Naging seryoso. Bagaman wala namang emosyon na mababasa sa kulay itim na mga mata, magkasalubong ang makakapal na kilay niya.


Bumukas ang kanyang mga labi at kasunod niyon ang maaligasgas at buong boses niya, "Mukhang kailangan mo munang uminom ng isang basong tubig, Herrera."


Gusto ko pang itanong kung ano ang pinag-usapan nila ni Hyde pero wala akong mabuong salita nang kami na lang na dalawa. Nakatingala na lang ako sa kanya at nakatulala, nakaawang ang bibig. Sobrang bilis ang kabog ng dibdib.


My phone suddenly rang. Ang ring tone ay ang kaka-saved ko lang na kanta ng The Moffats na 'If Life Is So Short'. Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng mga labi ni Hugo.


Tumalikod ako at nagmamadaling humakbang pabalik sa kusina. Tumigil na ang pag-ri-ring ng phone na alam kong si Harry ang tumatawag. Naka-saved ang ringtone na iyon para kay Harry. 


Pagpasok ko sa pintuan ay naroon si Kuya Jordan na umiinom ng tubig sa baso. Tumingin ito sa akin. "May kotse sa labas ng gate. May bisita ka raw, Jill?"


Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ng kapatid ko.


"Your friend? Dessy?"


"Tito Jordan, it's not Ninang Dess!" Si Hyde ang sumagot. Pumapapak ang bata ngayon ng shanghai sa gilid ng island table. "He's not Mommy's friend either!"


Kuya Jordan's forehead furrowed although the smile on his lips did not disappear. "Oh? A 'he'? It's a guy?"


Ang mga paa ko na paatras ay napatigil nang may maramdaman akong mainit at matigas na bagay sa aking likuran. Hindi ko na kailangang lumingon. Narinig ko ang boses na dahilan kaya nanindig ang aking mga balahibo sa katawan.


"Herrera, It's been a long time."


Nagulat si Kuya Jordan nang mapatingin sa lalaking nasa likod ko. Maging si Carlyn na kararating lang sa kusina ay kamuntikang mabitiwan ang kargang anak. Mapapamura pa sana kung hindi lang maagap na natakpan ni Kuya Jordan ang bibig nito.


"No cursing in front of the kids," mahinang saway ni Kuya Jordan sa hipag ko.


Ngiting-ngiti naman si Hugo. "Oh, by the way, I am here because Carlyn invited me."


Namilog ang mga mata ni Carlyn. "Hoy, itlog ka! Kailan kita in-invite?!"


Magkasunod na pumasok sa kusina sina Mommy at Daddy. Narinig ang usapan. Si Daddy ay nilapitan si Hugo. "You know my daughter in law? Then you are very much welcome here, hijo."


Magalang na nakipag-kamay naman si Hugo kay Daddy. "Kaklase ko rin po si Jillian noong high school. Anak din po ako ng co-teacher ni Ma'am Herrera sa Gov na si Mrs. Normalyn Aguilar. Hugo po, sir."


"Oh, nice to meet you, Hugo. Kilala ko nga si Norma. Kaibigan ni Ethel. Istrikta at napakahusay na guro."


"That's why I am so proud of her, sir. Pero mahusay rin po si Ma'am Ethelinda Herrera. Naging teacher ko po noong Grade 9, ilang beses po akong inukaan sa patilya."


Natawa si Daddy. "My darling wife is a sweet lady but beware, she can be terror sometimes."


Pinamulahan naman ng mukha si Mommy. "Anyway, Hugo, how are you now? I mean, I've never heard from your mom, Norma, since we moved here in Tagaytay."


The way Mommy talked to Hugo was awkward. Nagulat nga naman siya kung bakit biglang napadpad ang lalaki rito sa amin. Mommy knew Hugo when we were in high school as a stubborn kid and delinquent student. Nangangapa tuloy siya kung paano ito pakikiharapan ngayon.


"Ito po, Ma'am. Sa wakas, hindi na po ako sakit ng ulo ng mommy ko. Nakatapos po ako at nakapasa sa board. Magtatatlong taong professional engineer na po, working at my dad's construction company in Manila."


Nagkaroon ng kislap ang mga mata ni Mommy. "Oh my! I'm so glad to hear that!" Kulang na lang ay yapusin si Hugo. "I'm sure Normalyn is very proud of you!"


Naiintindihan ko ang reaksyon ni Mommy na parang pati siya ay proud na proud sa narating ni Hugo. Sa araw-araw ba naman kasing na pakikinig niya at ng ibang kasamahang teachers nila sa faculty noon sa mga rant ni Mrs. Aguilar tungkol sa anak, malamang talaga ganito ang reaksyon niya.


Hanggang sa dining table ay nangungumusta pa rin si Mommy kay Hugo. Magalang naman at active sumagot ang lalaki. 


Tahimik lang naman ako habang naglalagay ng mga baso sa mesa. Si Carlyn din ay patingin-tingin lang habang inaayos ang anak sa high chair nito.


Hindi pa rin maka-recover si Mommy kay Hugo. Hindi na nakatiis na niyakap ang lalaki. "I am so proud of you, hijo. Gusto ko tuloy biglang makita ang mommy mo. Ikaw ba ay may asawa na, ha?"


Natawa naman si Hugo. "Wala pa po, Ma'am."


"Oh! But it's okay. Bata ka pa naman." Maluha-luha pa si Mommy. "Oh, God, I'm so happy for Norma. Pangarap ng mommy mo na makatapos ka. Kahit anong course nga, okay lang sa kanya. Alam mo, istrikto lang ang mommy mo pero mahal na mahal ka talaga."


Nakangiti naman si Hugo kay Mommy.


"Ang kaligayahan lang ni Norma ay iyong makitang okay ang buhay mo, wala kang sakit at iyong masaya ka. Ganoon naman ang mga nanay, eh. Gusto namin na makitang nasa maayos na kalagayan ang mga anak namin."


Hanggang sa hapag ay walang tigil sa kakakumusta si Mommy kay Hugo. Sa buong pagkakataong iyon ay nakayuko lang ako sa aking plato dahil sa dami-dami ng uupuan ng lalaki, doon pa talaga sa tapat ko.


Nang aabutin ni Hyde ang pitsel ng fresh juice ay ako sana ang aabot para sa anak ko, nang biglang unahan ako ni Hugo. Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo pa siya mula sa pagkakaupo para kunin ang pitsel. Hindi niya lang basta inabot kay Hyde kundi ipinagsalin niya pa ang bata sa baso nito.


Kandalunok ako nang mapasulyap sa kinaroroonan ni Kuya Jordan. Nakahalukipkip ang kapatid ko habang masusing nakatingin sa akin.


Kung hindi pa siniko ni Carlyn si Kuya Jordan ay hindi pa ito mag-aalis sa akin ng nakakailang na tingin. "Jordan, subuan mo anak mo!"


Nasa high chair si Baby Mara at nilalamutak ang slice ng cake na nasa maliit nitong plato. Agad naman itong sinubuan ni Kuya Jordan ng kanin na may ulam.


Nang magtama ang mga mata namin ni Carlyn ay pasimple niya akong kinindatan.


"Hyde, what will you say to our visitor?" nakangiting tanong ni Mommy kay Hyde matapos salinan ni Hugo ang baso nito.


Tumingin si Hyde kay Hugo at parang nag-isip pa ng sasabihin. "Uhm, thank you, sir!"


Nginitian naman ni Hugo ang bata. "You're welcome, buddy."


"Oh, where's your fiancé, Jillian?" tanong ni Daddy sa akin.


"Mahuhuli raw po siya," nakayukong sagot ko kay Daddy. Pagkatapos ng call kanina ay may text na sumunod mula kay Harry. "May emergency po sa bahay nila."


"She has a fiancé?" Boses ni Hugo pero mukhang hindi naman gulat. It was like he already knew.


Imposible naman na hindi nakabalita si Hugo. He probably heard or saw it on Facebook. Friends ko ang mga kaibigan niya, lalo si Carlyn. Kung makikita niya ang profile ko at makikita niya na si Harry ang display photo. Makikita rin sa status na engaged ako.


"Yes, she has," Mommy answered Hugo's question. "To my older sister's stepson, Harry."


Pinagsisihan ko ang pag-angat ng mukha dahil nasalo ko ang malamig na titig sa akin ni Hugo. "Congratulations, Jillian. So, when is the wedding?"


Bumukas ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Kailan nga ba? Walang petsa pero totoong ikakasal kami ni Harry.


Si Mommy ay nakaramdam kaya ito muli ang sumagot para sa akin. "Nagpaplano pa sila."


"I see," sabi ni Hugo na alam ko na hindi pa rin lumulubay ng titig sa akin. "Lahat pala sa batch ko, may happy ending na. Ako na lang yata ang naiwan."


Natawa naman si Daddy. "You're still young, hijo. Pero kung gusto mo naman na, puwede ka na maghanap ng para sa 'yo. O baka naman meron na, just waiting for you to take action to get her." 


Tumaas ang gilid ng bibig ni Hugo. "I guess so, sir."


Napaiwas ako ng tingin. Nagkunwari ako na busy na lang sa pagbabalat ng hipon, kahit wala palang balat ang hipon sa pesto.


"Kain ka pa, Hugo," alok ni Mommy sa kanya. "Marami-rami iyong naluto namin, puwede mong uwian ang mommy mo. Saan ka ba uuwi ngayon?"


"I have a house here in Tagaytay, Ma'am."


"Wow! That's a surprise!" masayang sambit ni Mommy. "Magkalapit lang pala tayo. Puwede kang pumasyal dito kahit kailan mo gusto."


Muntik na akong masamid sa kinakain.


Napatikhim naman si Carlyn. "Parang ang sarap ng carbonara. Jordan, abutan mo nga ako, please?"


"It's pesto, Tita Car!" sabat ni Hyde.


Hindi ko na alam kung paano natapos ang dinner na hindi ako nabubulunan. Parang lahat kasi ng sinubo ko ay hanggang lalamunan ko lang. Hindi ko malunok nang maayos dahil alam ko at ramdam ko na may mainit na mga mata na pasimpleng nakamatyag sa akin.


Pagkatapos kumain ay pumunta sa sala sina Kuya Jordan. Carlyn dragged Hugo after them. Si Hyde naman ay sumama kay Daddy sa itaas ng bahay. Doon lang ako nakahinga nang kaunti.


"Are you okay, Jill?" tanong ni Mommy sa akin. Tinutulungan ko kasi siya na magligpit ng pinagkainan pero ilang beses ko nang nabibitiwan ang mga utensils.


"Y-yes, Mommy. Ako na po rito. Kanina pa po kayo kumikilos, eh. Pahinga na po kayo sa taas."


Nang mapunasan ang mesa ay naghugas ng kamay si Mommy. "Okay. But are you sure kaya mo na?"


"Yes. Kasama po pala ni Daddy si Hyde. 'Wag niyo na po pababain. Pakisabihan na lang po na maglinis na ng katawan at matulog na." 


"Alright. Goodnight, Jillian."


Tumango ako at humalik sa pisngi ni Mommy. "Goodnight, Mommy."


Nang wala na si Mommy ay kinatok ko ang aking ulo. I needed to clear my mind. I had to be prepared because things were getting unpredictable. Hindi sumagi sa isip ko na pupunta na lang basta si Hugo rito.


Pitong araw ang lumipas at ngayon niya naisipang pumunta? Bakit? Anong dahilan niya?


It was a good thing that Harry was not here. Hindi ko yata kakayanin na isang bagsak lahat mangyayari ang pagkikita nila. Baka makahalata na si Harry. Kailangan kong ayusin ang mga kilos at salita ko. Oh, damn! Bakit ba kasi pumunta si Hugo rito?!


Sa pagkahulog ko sa pamomroblema ay hindi ko napapansin na nagkakalabugan na ang mga plato sa lababo. Ang gigil ko ay nabuhos ko na pala sa paghuhugas.


"Hoy, hindi ganyan ang tamang pagbabasag."


Gulat na napalingon ako sa pasukan ng kusina nang marinig ang nagsalita. Nakatayo roon si Hugo habang nakapamulsa ang mga kamay sa bulsa ng suot na fitted jeans. Sa tangkad niya na katulad nina Daddy at Kuya Jordan, ay malapit na sumayad ang ulo niya sa itaas ng pintuan.


"Hoy, Hugo!" Sumunod si Carlyn sa kanya. "Doon ka sa sala, 'wag ka rito. Nandoon ang anak ko, iyon ang celebrant kaya dapat nandoon ka! Nakikain ka lang, wala ka man lang dalang regalo!"


Tinaasan niya ng kilay si Carlyn. "Bakit? Noong bininyagan ba iyong anak mo, in-invite mo ako?"


Napalunok ang hipag ko. "Eh, baka kasi busy ka, engineer ka, di ba? 'Pag engineer daw, ihi lang ang pahinga."


"At sino may sabi sa 'yo?" Namewang si Hugo. "Why don't you just admit it? You have a reason why you didn't invite me."


"And what reason it is? Ulol! Basta, 'wag ka rito sa kusina! Baka ma-trauma sa 'yo hipag ko, hindi sanay 'yan sa may tagas sa ulo."


"Eh, bakit sanay siya sa 'yo?"


Napikon na si Carlyn. "Tanginang ito, ah!"


"It's okay, Carlyn," singit ko sa kanila. "Tapos na ako maghugas. Bukas ko na lang pupunasan ang mga plato. Aakyat na muna ako sa itaas."


Biglang sumulpot si Hyde. Napahinto ang bata sa tapat ni Hugo. "You're still here, sir!"


"Hey, buddy. It's already nine in the evening, when are you going to sleep? May pasok bukas, ah?"


"Magtitimpla po ako ng milk."


"Sige, samahan kita tutal balak ng umakyat sa itaas ng mommy mo, dahil inaantok na raw siya." Sa akin nakatingin si Hugo kahit si Hyde ang kausap niya.


Kahit malamig ang paligid ay ramdam ko ang aking pagpapawis.


"Carlyn, hanap ka na ni Mara!" tawag ni Kuya Jordan mula sa sala. Kasunod niyon ay iyak ng pamangkin ko. Kapag talaga inaantok ay nagta-tantrums ang bata.


Nagpalipat-lipat pa muna ng tingin sa amin si Carlyn bago no choice na napaalis na lang ito. Nag-iwan ito sa akin ng tingin na humihingi ng pasensiya, dahil pipiliin muna nito ang pamilya nito kaysa suportahan ako sa kung ano man ang ipinaglalaban ko.


Kumuha na ng mug si Hyde mula sa lalagyan. Nagsalin ng mainit na tubig mula sa thermos, naglagay ng milk powder at hinalo ng kutsara.


"You didn't put sugar in your milk, buddy."


Inayos ni Hyde ang suot na specs bago sumagot, "I don't consume sugar before bed, sir. It's a stimulant that causes excess energy production, leading to less deep sleep. And I don't want to wake up in the middle of the night, as a kid my age needs complete rest to be able to perform efficiently in school. Goodnight, sir."


Napatanga na lang si Hugo nang lampasan na siya ni Hyde. "Oh, fuck! How did I produce such a smart kid?"


Ako naman ang napatanga nang marinig iyon. "W-what did you say?!"


Tumingin siya sa akin at nakakalokong ngumiti. "Gusto mo ba makita iyong batang ako pero kulay brown ang mata? Tingnan mo lang iyong anak mo, iyon na iyon ako. Ano, may sasabihin ka pa?"


Kandalunok ako kasabay ng pagtulo ng pawis sa aking noo. "M-malay mo naman pinaglihian lang kita!"


Mahina siyang napamura na dahilan kaya napakagat-labi ako. Alam ko na napipikon na siya.


Umigting ang panga niya at napahagod siya ng kamay sa kanyang buhok. Dahil mestizo ay kitang-kita ang pamumula niya hanggang leeg. Nag-alis siya ng isang butones sa suot na polo dahil parang bigla siyang hindi makahinga sa pagpipigil.


Humakbang siya papunta sa pintuan palabas ng kusina, doon papunta sa mini garden namin sa likod. Nilingon niya pa ako bago siya tuluyang lumabas. "Sumunod ka. Mag-uusap tayo."


Bantulot naman na sumunod ako. Iniwan ko ang aking phone sa ibabaw ng mesa. Hindi ko muna pinansin ang text message ni Harry. Nanlalamig ang mga palad ko sa kaba dahil alam ko na magaganap na ang bagay na kinatatakutan ko.


Alam na ni Hugo. Alam niya dahil hindi naman siya tanga. 


Nasa may bandang swing si Hugo. May kalayuan sa liwanag. Nakatingala siya sa kalangitan. Pinapakalma ang sarili. Sa pagkakatagilid niya ay nakikita ko ang makailang ulit na pagtaas-baba ng lalamunan niya.


Humakbang siya patalikod at ihinilamos ang mga palad sa mukha. "Fuck, may anak ako. May anak pala ako. All this time, may anak ako na hindi ko alam at hindi ko kilala. Fuck, fuck!"


Patuloy sa pagkalabog ang aking dibdib nang marahan akong lumapit sa kanya. "H-Hugo, anong balak mo?"


Tumingin siya sa akin at kahit mapusyaw ang liwanag ay nakita ko ang matalim na mga mata niya, na parang pag-aari ng isang lawin. "Kukunin ko sa 'yo ang anak ko."


Napahumindig ako. "Baliw ka ba?! Hugo, hindi mo makukuha sa akin si Hyde. Sa ina ang custody ng bata at nasa batas iyon!"


Natigilan ako nang makita ang pagngisi ni Hugo sa akin. In the Family Code, 'no child under seven years of age shall be separated from the mother unless the court finds compelling reasons to order otherwise.' But the problem was, nine years old na ngayong taon ang batang pinag-uusapan namin.


"Article 213, Jillian. For children older than seven years of age, the Court shall take into account all relevant considerations, especially the choice of the child, unless the parent chosen is unfit."


There was no way Hugo was unfit to raise a kid. Sa usapang pinansiyal, maayos ang career niya at mas malaki ang kita niya sa akin ng higit pa sa doble. May sarili na rin siyang bahay, kotse at may kaya rin ang mga magulang niya. Isang anak lang siya at sa kanya mapupunta ang lahat ng pundar ng daddy niya, even their construction company.


Hindi na rin siya pariwara ngayon. He was now a capable man. Kayang-kaya niya ng magpamilya kung gugustuhin niya.


Despite my fear, I braced myself and looked up at him. "Alam ko. At alam ko na sa edad ni Hyde, puwede na siyang magdesisyon para sa sarili niya. He has the right to state his preference. But, do you think he will choose you? Hugo, dalawang beses palang kayo nagkita."


"And whose fault it is?" malamig na balik niya sa akin.


Hindi ako nakasagot.


"Kapag nalaman ito ng mommy ko, na may apo na pala siya, at itinago sa amin. Lalo na kapag nalaman niyang wala kang balak ipakilala sa amin ang bata, sa tingin mo ba, pupunta rito iyon sa inyo para lang ibeso ang mommy mo at makipagkumustahan? I am telling you, it will be a war. A messy and bloody one. Are you ready for that, Jillian?"


Nakikita ko kung gaano kaseryoso ngayon ang nagliliyab ng mga mata ni Hugo.


"Are you ready to lose the peace you cherish the most?"


The images that played in my mind were Kuya Jordan's disappointed expression toward me, the pain and confusion in my parent's eyes, and the confrontation between Mommy and Mrs. Aguilar. Naroon din ang galit ni Mrs. Aguilar at ang pag-iyak sa akin ni Mommy, at ang pagtatanong sa akin ni Hyde kung bakit nagkakagulo kaming lahat.


Alam ko rin na hindi papayag si Harry na mawala sa amin si Hyde, he would support me as much as he could. Kahit pa pagmulan na naman iyon ng galit ni Tita Eva at pagkakagulo rin nila ng pamilya niya.


Hugo was right, if I were to fight for Hyde's custody, the situation would be more chaotic. More people would be affected than if we would just calmly talk about what should be done better.


"We can just talk about this, Hugo. Hindi naman basta puwedeng kunin mo si Hyde. Ako ang nagpalaki sa kanya, ako ang kasama niya mula noon kaya sana naman—"


"Putangina! That's exactly my point!" Napasinghap ako nang bigla siyang sumigaw.


Natigagal ako dahil humulagpos na ang pagpipigil niya. Galit na galit siya. The last time I saw him like this was when he beat up Wayne that night.


"Jillian, ikaw ang nagpalaki sa kanya at ikaw ang nakasama niya mula noon! Ikaw lang mag-isa, sinolo mo, at hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon!"


My tears started to fall. "P-please, Hugo..."


"Anong please? 'Wag mo akong daanin sa iyak. Matapang ka kanina, di ba? Ano! Mag-angas ka pa ngayon dahil hinding-hindi mo ako makukuha riyan sa iyak mo!"


"'W-wag mong kunin si Hyde sa akin. Hindi ko kaya, Hugo. Pag-usapan natin ito, please..."


Napahaplos siya sa kanyang batok matapos magpakawala ng marahas na paghinga. Hinarap niya ako habang lalong naging seryoso ang kanyang mga mata. "Gusto mo siyang makasama at ayaw mo ng gulo, 'di ba?"


Tumutulo ang luha na tumango ako.


"There's a way, Jillian. May kailangan kang gawin kung gusto mo talagang hindi mawala sa 'yo ang anak natin at para wala na ring mangyaring gulo sa pagitan natin."


"K-kahit ano gagawin ko ..." I would do anything for my son. Even if I had to make a deal with the devil.


Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you serious with your answer?"


Tumango ako. "Anong kailangan kong gawin, Hugo?"


Gumuhit ang mapait na ngisi sa kanyang mapulang mga labi. "Iwanan mo si Harry at ako ang pakasalan mo!"


­­JF


#JFstoriesTroublemaker34

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top