Chapter 33

Our giveaway is on Friday. Join JFAM group on Facebook!


------------------------------------------------------------


NAGMAMADALI ANG MGA HAKBANG KO.


Para bang may humahabol sa akin na kung ano. Hindi ko na nga napansin na naiiwan ko na pala si Hyde sa likod. Ang paghawak ni Harry sa pulso ko ang nagpalingon sa akin. Sinalubong ako ng nag-aalalang mga tingin niya.


"Hon, are you okay?"


"Hmn?" Tuliro na tumango ako. "Yes, of course." Taliwas sa sagot ko ang aking mga mata, I was looking for my son. Nang makitang nahuhuli pala ang bata sa paglalakad ay nabawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak ni Harry.


Inilang hakbang ko ang pagitan namin ng anak ko. Hinila ko ang bata sa braso at kulang na lang ay isubsob ko sa aking katawan.


Matangkad na bata si Hyde kahit payat. Mukhang teen ager na. Inayos nito ang suot na salamit sa mata dahil muntik na iyong malaglag sa paghila ko. Palingon-lingon pa kasi ito roon sa pinanggalingan namin.


"Mommy, do you know that guy?"


"No." Si Harry ang sumagot.


Napatingin ako kay Harry. Seryoso ang mukha niya pero wala namang galit doon o anupaman.


Hindi naman na kumibo si Hyde. Nakalabi na lang ito habang salubong ang makakapal na kilay.


Pagkabalik sa harap ng Max's ay naroon pa rin si Dessy na mukhang inip na inip na. "Ang tagal niyo. Bakit ganyan mga itsura niyo? Para kayong nakakita ng multo!"


"Uwi na tayo," mabilis kong sabi. Nauna na rin ako na maglakad.


Nakabuntot naman si Hyde sa akin. "Mommy, can I buy an ice cream?"


"O-order na lang tayo sa bahay."


"Can't we just buy here?"


"Sa bahay na lang..." Para akong nanghihina. Ang gusto ko na lang ay makauwi.


"Come on, gusto ng bata rito," sabat ni Dessy na kandahirap sumunod sa amin dahil ang taas ng heels. Lumalagutok sa sahig ng mall ang bawat hakbang nito.


Nagpapaunawa naman ang tingin ko sa babae. "Sa bahay na lang, Dessy. Puwede naman um-order doon."


"Pero puwede naman dito, Jill. Nasa mall na tayo o. And look, gusto na ni Hyde ng ice cream dito pero ipagpapabahay mo pa? Come on! If you want, ako na lang ang bibili para sa inaanak ko!"


"Dessy," mahina pero may diin ang pagtawag ko sa kanya.


Natawa lang naman si Dessy sa akin. "Why are you in a hurry? May nakakita ka bang tao na pinagkakautangan mo nang malaki kaya gusto mong magtago, dahil ayaw mong magbayad?"


Si Harry na ang sumaway sa babae. "Dessy, please?" Mahinahon pero seryoso ang boses.


Nanahimik si Dessy, finally. Nagulat yata kasi ngayon lang siya nasaway ni Harry. Hindi nga lang totally nanahimik ito, bubulong-bulong pa rin kasi ito sa likuran namin.


Si Hyde naman ay malungkot na naglalakad sa gilid ko. Ginulo ni Harry ang buhok ng bata. "Cheer up, Hyde. O-order na lang tayo pagkauwi, okay?"


Pagkarating sa parking ay sa kotse kami ni Harry sumakay. Si Dessy ay sa sarili nitong kotse. May pupuntahan daw itong kaibigan kaya hindi na susunod sa amin sa Tagaytay.


Nag-flying kiss si Dessy kay Hyde. "Bye, baby boy! I'll call you later tonight!"


"Dessy, maagang matutulog si Hyde. Sunday ngayon, may pasok bukas," paalala ko.


Dessy rolled her eyeballs. "Bummer!"


Nang nasa kotse na ay walang nagsasalita. Si Hyde ay nakatulog na sa backseat dahil sa pagod. Si Harry naman na nasa driver's seat sa aking katabi ay wala ring imik mula kanina. Seryoso siya habang nagmamaneho. Para bang binibigay niya sa akin ang katahimikan.


Paglampas sa Indang, Cavite, ay saka lang siya nagsalita, "Jill..."


Tumingin ako sa kanya. "Sorry, Harry," maliit ang boses na sambit ko.


"Sorry for?" Sumulyap siya sa akin. Malamlam ang mga mata niya.


Natigilan ako. Right? Why was I apologizing? 


Yumuko ako at nilaro ng kuko ang maliit na bato sa suot kong white gold ring. This was the ring Harry gave me when he proposed.


Nagbuga ng hangin si Harry. "By the way, I almost didn't recognize him."


Napaangat ang mukha ko sa kanya. Kalmado ang kanyang mukha at maging ang tono ay kaswal lang. 


He glanced at me and smiled. "Iyong lalaki kanina sa mall, he's your high school classmate, right? Your guy friend and also the same guy who came with me to the precinct, when I looked for you in Buenavista."


"Y-yes." Parang may bumara sa lalamunan ko nang sagutin ang lahat ng tanong niya sa isang salita lang.


"Based on your reaction to each other earlier, you two just met again. It looked like you two haven't communicated in years."


"You know that I have changed my number and I have also changed my social media account. Bilang lang ang schoolmates na nakakaalam."


"Now that you've met again, do you think it's possible for you to be friends again like before?"


Nagkibit ako ng balikat at ibinato ang paningin sa labas ng bintana sa gilid ko. "Almost ten years na kaming hindi nagkikita, kahit pa we have the same circle of friends at maliit lang naman ang Cavite."


Ganoon katagal pero hindi nagtatagpo ang landas namin. Siguro umiiwas ako. Umiiwas din siguro siya na madikit sa mga konektado sa taong gusto niyang kalimutan. Or did he really want to forget? Nitong nakaraan lang kasi ay nagpakita na siya kay Sussie, 'di ba? He even gave expensive gifts to her daughter. 


"Hindi na ulit kami magkikita ng lalaking iyon," sambit ko na mas kausap ang sarili.


Hinawakan ni Harry ang kamay ko. "It's a small world, but it can be bigger if there is absolutely no reason for two people to meet again."


Tumango ako at gumanti ng paghawak sa kamay ni Harry. Naniniwala ako na nagkataon lang ang pagtatagpo na iyon kanina. Hindi na siguro iyon mauulit pa. Hindi na kami magkikita pa ulit ni Hugo... 



IT WAS A SUNDAY AFTERNOON. Lumipas na ang isang linggo mula nang hindi inaasahang pagtatagpo sa SM Dasma. Paminsan-minsan ay natitigilan pa rin ako, pero pinapaalala ko lang sa sarili na hindi naman na iyon mauulit pa. 


I just didn't know how long it would take to erase the image I remember in my mind. Kung paano tuwing pipikit ako ay nakikita ko pa rin ang ngisi ng mapulang mga labi ni Hugo.


Napasulyap ako kay Hyde na abala sa pagawa ng shanghai. Seryoso ang bata sa ginagawang pagbabalot ng wrapper. Talagang nagpresinta ito na tumulong nang makitang busy kami ni Mommy sa kusina.


May palpak sa pagbabalot ng shanghai si Hyde pero okay lang. He was doing his best and it was cute.


Until I realized something while staring intently at the kid. Sa pagkakatagilid ng bata ay kitang-kita ang mataas na bridge ng ilong nito, ang malalantik na pilik-mata kahit pa may suot itong salamin, at ang mga labi na kasing pula ng mga labing naiisip ko. 


Habang lumalaki ay mas nagiging malakas ang pagkakatulad. Wala pang nakakapansin kundi ako lang, pero hanggang kailan? Ipinilig ko ang ulo at binawi ang paningin sa bata. 


Bumalik si Mommy sa kusina at naaliw nang makita si Hyde na busy sa pagawa ng shanghai. "Wow, ang galing naman ng apo ko. Ang guwapo-guwapo na, maaasahan pa."


4:00 PM ay niluto na namin ni Mommy ang iba pang handa para sa dinner. Marami-rami ang luto namin para mamaya dahil espesyal na hapunan ang mangyayari mamaya. It was Mara's, my only niece's simple 3rd birthday celebration.


Isang solemn family dinner lang mamaya. Sa Monday pa talaga ang birthday ni Mara pero uuwi ang mga ito bukas nang maaga sa Manila kaya ipaghahanda na namin ang pamangkin ko. Hindi naman maghahanda nang engrande sina Kuya Jordan at Carlyn. Simpleng salo-salo lang din sa side ni Carlyn ang gagawin nila pag-uwi roon.


May ganoong thinking ang mag-asawa. Okay na ang naghanda noong first birthday ni Mara. Ang mga sumunod na birthdays, simple celebration na lang with family. Ayaw nilang gumastos nang malaki, dahil pinag-iipunan nila ang pampagawa ng sarili nilang bahay. Kahit mag-offer sina Mommy o ang side ni Carlyn ay ayaw naman tanggapin ng mag-asawa. Kaya na raw nila iyon.


Ang next na raw na maghahanda sila nang malaki sa birthday ni Mara ay sa 7th birthday na at 18th birthday nito. Hindi naman nila tinitipid ang anak, gusto lang nilang mamuhay nang sakto lang. Ang sabi ng ng sister in law ko, basta raw masaya, malusog at nagmamahalan silang mag-anak, goods na.


Pumasok si Carlyn sa pinto ng kusina. "Pinag-nap ko muna si Mara. Ano na ba gagawin?"


Proud na itinaas ni Hyde ang ginagawa. "Tita Car, ako na po nag-wrap ng shanghai!"


"Wow, pa-billboard natin 'yan!"


Inagaw na ni Carlyn ang ginagawa ni Hyde. Para namang magic na naglaho si Hyde. Mukhang kanina pa yata talaga gustong iwan ang pagbabalot ng shanghai.


Napaangat ang mukha ni Mommy mula sa hinihiwang sibuyas. "Carlyn, sinong bantay sa apo ko?"


"Gising naman po si Jordan, Mommy. May ginagawa lang sa laptop."


"Carlyn, iyong gift pala namin ni Hyde kay Mara, inabot ko na kay kuya kanina."


"Thanks, Jill. Ang cute ng dress. Ipapasuot ko nga agad bukas iyon kay Mara pag-uwi namin. Pinakusutan ko agad kay Jordan kanina sa lababo."


"Jill, may darating bang iba mamaya maliban kay Harry?" tanong ni Mommy sa akin.


Si Harry kasi ay automatic na pumupunta talaga rito tuwing weekends kahit walang okasyon. 


"Si Harry lang po, Mommy. Sinabihan ko si Dessy na wag pupunta ngayon." Nagpalitan kami ng ngisi ni Carlyn.


Hindi ko naman talaga ugaling mang-invite. Kung may basta lang na sumusulpot dito na kaibigan ko ay si Dessy iyon. Pero hindi makakaisip pumunta ngayon ang babae dahil pinagsabihan ko.


Habang nagbabalot ng shanghai si Carlyn ay panay ring ng phone niya. Nakasimangot na kina-cancel naman niya. "Anong problema nito? Muntanga!"


"Sino iyan?" curious na tanong ko.


Nginisihan niya ako. "'Di kayo close."


Napangiwi ako. "Okay..."


Bandang 6:00 PM nang umakyat ako sa itaas. Naligo ako dahil mayamaya lang ay dinner na. Papunta na rin siguro si Harry dahil anong oras na.


Katatapos ko lang magbihis nang bigla na lang pumasok si Hyde sa pinto. Nagtatakang napatingin ako rito. Hindi kasi ito ang klase ng bata na basta papasok sa hindi nito kuwarto nang hindi kumakatok muna, kahit sabihing kuwarto ko pa.


Tuloy-tuloy si Hyde sa loob at naupo sa gilid ng kama ko. Ang suot ng bata ay ang suot pa rin nito kaninang umaga. Shirt na white, navy blue na shorts at nakayapak lang. Nasaan ang tsinelas nito na pangbahay? At bakit tabingi ang suot sa mata na silver rimmed specs?


Pagkabutones ko ng suot na pedal shorts ay nilapitan ko ito. "Baby, gutom ka na?"


Imbes na sumagot ay umiling lang ito. Hindi ako sinagot na lalong ipinagtaka ko.


Tatanungin ko na sana kung ano ang problema nang mag-ring ang phone ko. Nasa may bedside table. Bago ko pa maisipang damputing ang phone ay nauna na si Hyde na damputin iyon.


"Daddy Harry!" Doon nagkasigla ang batang lalaki.


Nangunot naman ang noo ko. Hindi rin kasi ugali ni Hyde ang basta makialam sa gamit ko, lalo sa phone, kahit pa si Harry o Dessy ang caller. Nagtataka na talaga sa ikinikilos nito.


"Daddy, where are you? I need you here now!"


"Hyde, what's wrong, baby?" tanong ko.


Tumingin lang sa akin si Hyde at ibinalik ang atensyon sa kausap sa phone. "Daddy Harry, I'll tell you the details when you get here. Basta bilisan po mo, please?"


Napahalukipkip na ako habang nakamasid kay Hyde. Napayuko naman ang bata na tila nahihiya sa akin.


Pagkatapos ng tawag ay tinabihan ko ito. "May dapat ba akong malaman?"


Nakayuko na umiling si Hyde.


"So, what is it? Bakit kay Daddy Harry, sinasabi mo? Pero pag sa akin, hindi?"


"Mommy, you don't need to know this," mahinang sabi ni Hyde na halos hindi ko na marinig.


OA na napanganga ako. "And why not? I am your mommy. Hindi na ba?"


Hindi ito makatingin sa akin. "Mommy, naman..."


Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Hyde at itinaas ang mukha paharap sa akin. Kandaiwas pa rin sa akin ang kulay tanso na mga mata nito. "Baby, you're making mommy sad!"


Lumabi ito. "I'm sorry, Mommy. But, I really can't tell you."


Muli akong napanganga sa gulat. "And why not?!"


"Because you're a girl!"


"What?!"


"Mommy, there's a rule! Alam mo po ba iyong 'usapang lalaki?' 'Di ba po babae ka, kaya hindi ka po dapat sasali sa 'usapang lalaki'!"


"Usapang lalaki?!" gilalas na ulit ko. "At kanino mo naman nakuha iyan?!"


"From that guy."


That guy?


Sino ang tinutukoy ni Hyde? Bago pa ako makapagtanong na naman ay naunahan na ako ni Hyde. Nanakbo na ito patungo sa pinto.


"Wait, Mommy! I have important business to finish! Bye!" Nakalabas na agad ang bubwit.


'Important business?' Naiiling na sumunod na lang ako. Malapit ng mag-7:00 PM. Magsisimula na mag-dinner. Mamaya ko na lang kukulitin si Hyde kapag nandiyan na si Harry.


Magna-nine years old pa lang ang anak ko pero may secrets na? May usapang lalaki pang nalalaman diyan? Saan naman kaya nakuha iyon? 'Tapos may important business pa! Ano naman kaya iyon? Hindi tuloy ako mapalagay.


Feeling ko, isang kurap ko na lang ay may binata na ako. Parang hindi ko pa kaya. Gusto ko yata baby ko lang si Hyde hanggang sa mag-twenty five years old pa ito. 


Ngayon ay naiintindihan ko na sina Mommy at Daddy kung bakit napaka-protective nila sa akin noon. To think na lalaki pa ang anak ko pero ang tindi ng emosyon ko dahil lang sa lumalaki na ito.


"Hyde!" tawag ko paglabas ko ng kuwarto. Nauna na nga itong bumaba. Nagmamadali na akala mo ay may naghihintay rito.


Pagdaan ko sa pinto ng kuwarto ni Kuya Jordan ay nakaawang iyon. Magkatulong ang mag-asawa sa pagpapalit ng damit ng anak. Nagtititili ang batang babae na akala mo ay kinakatay. Ganito ito kapag binibihisan, akala mo may nagaganap na digmaan.


Umuna na ako sa hagdan. Ang tahimik ng sala. Walang katao-tao. Wala pa yata si Daddy. May dinaanan kasi ito saglit. Hinanap ng paningin ko si Hyde. Wala rin ang bata. Saan ba nagsuot iyon?


Dumeretso na ako sa kusina. Nadatnan ko roon si Mommy na nag-iisa habang tulala na naghahalo ng sauce sa pasta.


Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala kaya hindi na natuloy ang pagtawag ko kay Mommy. Pumasok dito sa kusina ang kararating lang na si Daddy. "Oh, my beautiful girls are here."


Tulala pa rin si Mommy habang naghahalo ng pasta. Kandatapon-tapon na ang sauce sa hawak nitong malaking glass bowl.


Nilapitan ito ni Daddy at hinalikan sa pisngi. "Mommy, kanino pala iyong kotse na nasa labas ng gate?" Sinulyapan ako ni Daddy. "Jill, did Harry get a new car?"


"Po? Hindi ko po alam, Daddy." Nandito na ba si Harry? Saka hindi kukuha ng bagong kotse si Harry dahil nag-iipon ito ngayon. Hindi rin naman ito maluho. Ang sasakyan nga nito ay graduation gift lang ng daddy nito.


Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang pagkakatulala ni Mommy dahil narito naman na si Daddy. Napalabas na ako sa mini garden na nasa likod ng bahay.


Ang nagbibigay ng mapusyaw na liwanag sa paligid ay ang ilaw sa may second floor ng bahay at ang liwanag na biyaya ng buwan. Natanaw ko sa may seesaw ang dalawang bulto. Isang batang lalaki at isang matangkad na lalaki. Magkaharap ang mga ito.


Kinurap-kurap ko ang mga mata. Nakatagilid man ang batang lalaki ay natiyak ko na si Hyde ito. Ang kausap nito ay nakatalikod sa gawi ko. Matangkad, long sleeves polo at jeans ang suot.


Napangiti ako. Nandito na nga yata si Harry. Pero bakit hindi man lang nag-text? Humakbang ako palapit sa kanila. Nag-uusap ang dalawa. Mukhang seryoso. Iyon ba iyong sinasabi na usapang lalaki? 


Malapit na ako nang marinig ang maliit pero mataas na boses ni Hyde. "But I wanna know why! Bakit hindi puwede sa usapang lalaki ang mga girls?!"


I frowned. Although the curiosity and stubbornness in Hyde's tone were cute to hear, I was still surprised. Never na nakipagusap sa ganitong paraan ang bata kay Harry.


Harry was soft spoken, always calm and gentle. Hindi magtataas ng boses si Hyde dahil palaging malumanay kung kausapin siya ni Harry.


Akala ko iyon na ang gugulat sa akin, mas mapapahumindig pala ako sa sagot ng matangkad na lalaki sa anak ko,


"Kung isasama sa usapan ang girls, paano pa naging 'usapang lalaki' iyon? Akala ko ba matalinong bata ka?!"


Nanlaki ang mga mata ko. That voice... I couldn't be wrong...


"Eh, kahit na po!" Pikon na ang tono ni Hyde. "I want to tell my mom! Gawin na lang natin kasing 'usapang lalaki at mommy', para puwede nga po kasali pati mommy ko!"


"Hyde!" Napasigaw na ako.


Napalingon sa akin ang batang lalaki. "Mommy!"


Halos magiba sa kaba ang dibdib ko nang ang lalaking kausap na ni Hyde ang lumingon sa akin. Parang bumagal ang pagkilos ng mundo at huminto nang makita ko na nang malapitan at malinaw ang mukha nito.


Akala ko ba huli na iyong nakaraan, akala ko ba hindi na, hindi na kami magkikita pa.


Parang narinig ko ulit ang mga salita na sinabi ni Harry, 'It's a small world, but it can be bigger if there is absolutely no reason for two people to meet again.'


Kasabay ng pagtatama ng mga mga mata namin ng matangkad na lalaking nasa harapan ko ngayon, ay ang pagsambit ko sa pangalan niya. "Hugo..."


JF


#JFstoriesTroublemaker33

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top