Chapter 31

Hi, all! I know you are excited, but please refrain from spamming the #SB1:KM story with spoilers. Please be kind to other readers, especially to the new readers. Do not be rude. And I hope you try to understand the story more, so you may also understand the actions and decisions of the characters. Everything you read is part of the plot. Again, please do not be rude.   


--------------------------------------------------------------------------------



[ HI, DESSASTERS! ]


While I was finishing a commissioned artwork on the illustrator gadget, the YouTube vlog of my friend, Dessy Paredes, was playing on the laptop next to me. Kilala ang babae ngayon ng mga fans nito bilang si 'DessyLicious'.


Si Dessy ay isang make up and fashion vlogger. Meron na itong eight hundred thousand subscribers at ang pinaka-trending nitong video ay nagmi-make up ito habang nangangabayo sa Tagaytay. Umani ang video na iyon ng two million views at umani rin si Dessy ng pilay sa tadyang dahil nahulog ito sa kabayo.


Dessy was famous, but just like when she started, I still supported her every time she uploaded a new vlog. Limang beses kong pinapanood ang bawat video at magko-comment ako ng tatlong puso sa comment section.


Someone knocked on my room's door and then I heard the voice of my brother's wife, Carlyn, "Sissy?"


"Bukas 'yan," sagot ko na hindi maiwan ang ginagawa.


Bumukas naman ang pinto. Dumugaw roon ang nakangising mukha ni Carlyn. "Aalis na kami."


Oo nga pala, Sunday night ngayon. Uuwi sila nina Kuya Jordan at anak nilang si Mara sa bahay ng mommy ni Carlyn sa Alabang. Doon sila tuwing weekdays dahil may trabaho si Kuya Jordan sa Manila. Doon ito nagtatrabaho sa firm ng tito namin. Umuuwi lang sila rito sa Tagaytay tuwing weekends.


"Jillian, iyong regalo mo kay Mara, ha? Utang na loob naman, tama na ang laruan. Napakahirap magligpit!"


Nag-thumbs up ako sa kanya. "Sige, damit na lang."


"Sige, bye! Nagwawala na ang pamangkin mo!" Biglang nagmadali si Carlyn nang marinig ang matinis na tili at pag-iyak ng dalawang taong gulang na anak. "Jordan, ano ba?! Hindi ka pa rin marunong magpatahan niyan?!"


Napailing ako habang nangingiti. Nagkakagulo na sila sa ibaba. Mukhang sinusumpong si Mara dahil naistorbo sa pagtulog. Nagising na rin sina Mommy at Daddy para amuin ang apo.


Tumahimik na sa ibaba matapos ang ilang minuto. Tumingin ako sa wall clock, 9:30 PM ang oras. Malungkot na naman ang bahay dahil wala sina Kuya Jordan. Kami-kami na lang ulit ang naiwan.


Matapos ang pagpi-play ko ng limang beses ang make up vlog ni Dessy ay pinatay ko na ang laptop. Tumunog ang notification ko sa messenger, nag-re-request ito ng videocall sa messenger.


[ Hi, Jill! ] Naka-loud speak ang phone ko kaya ang matinis na boses ni Dessy ay pumuno sa aking kuwarto.


"Hi, Dessy. How's your day?" I asked, glancing at the phone screen because I was still finishing the commissioned artwork.


[ Hmn, boring. ]  Sa screen ay makikita na nakahiga sa kama si Dessy. Naka-bra lang na kulay pula. [ I'm just home all day, Jill. I broke up with my boyfriend for three months. He found out that I was meeting with another guy. ]


Tumango-tango ako habang patuloy pa rin sa pagtapos sa ginagawa. Hindi na ako nagugulat sa mga sinasabi ni Dessy. Sanay na sanay na ako sa kanya. Masawain talaga siya sa lalaki.


[ How about you, when are you going to be single again? ]


"Sira."


Napahagikhik si Dessy. [ Hala, tuloy na tuloy pa rin ba ang kasal? Imagine, two years na 'yang engagement na 'yan. Masahol pa sa pagka-delay ng mens ko ang pagka-delay niyan, ah! Matutuloy pa ba talaga?! ]


"Basta, abay ka."


[ Bakit abay lang? I am your best friend and I should be your maid of honor. Inagawan na talaga ako ng role niyang bagong hipag mo. Mas mahal mo na siya kaysa sa akin. ]


Ngiti lang at saglit na sulyap ang isinagot ko sa kanya.


[ Whatever, Jill! It's okay if you don't love me anymore. Hyde still loves me very much, though. ]


Hyde was my eight-year-old son. I was only twenty when I gave birth to him. Wala akong pinagsabihan at walang ibang may alam kundi ang pamilya ko.


Seven months si Hyde noon at nag-aaral na ulit ako nang magkita kami ni Dessy. Nakasabay ko ang babae sa bus noong pauwi ako ng Tagaytay. Pabalik siya sa boarding house niya sa Indang. Sa Cavite State University, Indang Campus kasi siya nag-aaral. Nagkaroon ulit kami ng communication nang araw na iyon.


Hindi na ako nakatanggi kay Dessy nang magpumilit siya na dalawin ako sa amin. Hindi niya ako tinantanan. Nakita niya ang anak ko at gulat na gulat siya. Hindi siya makapaniwala na nabuntis ako nang maaga. Gayunpaman, hindi naman na siya nag-usisa, hindi rin niya ako tinanong kung sino ang ama ng bata.


There was no reason for me to avoid Dessy, so I let her visit us often. Naaaliw siya kay Hyde. Siya na rin ang nag-iisang ninang nito. Wala naman kasi akong ibang kaibigan. Wala akong panahon kahit pa noon. 


Kahit kabaliktaran ang ugali namin ni Dessy, katulad nang dati ay wala namang naging problema sa friendship namin. Si Dessy lang talaga ang nagtatiyaga sa akin. At kahit eight years old na si Hyde ngayon ay wala pa ring nagbabago, madalas pa rin siyang dumalaw. Ang sabi niya nga ay parang tinuring na rin daw niyang anak ang anak ko.


[ Jillian, question lang. How's him? ]


"Sino?"


[ Your fiancé. ]


Tumigil ang kamay ko sa pagalaw dahil sa tanong ni Dessy.


Sa pagtingin ko sa screen ay nakita ko ang pagdila ni Dessy sa sariling mga labi. [ Jill, anong pakiramdam na maging fiancé ang ganoong klase ng lalaki? ]


Several times I had caught Dessy staring at my fiancé. Para sa akin ay wala na lang iyon. Aminado naman siya at sinabi niyang hanggang paghanga lang. Mahilig lang kasi talaga siya mga guwapong lalaki.


[ Jill, tell me, is he a good kisser? ]


Napalunok ako kasabay ng pagbawi ng tingin sa screen.


[ Maliban sa halikan at yakapan, ano pa ang nagawa niyo na ng fiancé mo? ]


Humigpit ang hawak ko sa pen tool.


[ Come on, Jill. Hindi na tayo mga high schooler. And I am your best friend, so there's no reason for you to be shy of me. Open din ako sa 'yo, di ba? Kinukuwento ko lahat sa 'yo even my private escapades. ]


Telling me about her private escapades was her own decision. I didn't ask for it. Magkaibigan kami pero may limitasyon ang pagkakaibigan. Hindi sa nahihiya ako sa kanya, kundi sa tingin ko ay hindi lang tama na sabihin ko sa kanya ang mga ganoong bagay. Isa pa, ano ba ang sasabihin ko?


My fiancé, Harry Caesar Aragon. The perfect man that every sane woman dreams of.


The last time I shared a passionate kiss with Harry was when I was in high school and he was in college. Nang maging kami ulit ay hinahalikan pa rin naman ako ng lalaki pag may pagkakataon, pero nararamdaman ko ang pagpipigil niya sa sarili. Nandoon ang pag-iingat niya na baka mabigla ako.


Kung sa halik pa nga lang ay ganoon na, lalo pa siguro kapag lumampas na sa ibang bagay. Harry would never cross the line until we get married.


Napabalikwas ng bangon si Dessy nang mag-ring ang isang phone niya. [ Someone's calling me. I think ito iyong kumukuha sa akin for sponsorship. 'Talk to you some other time! Love you! ]


Nang wala na si Dessy ay itinuloy ko na ang pagtapos sa ginagawa. Saktong pagtapos ko nang bumukas ang pinto ng kuwarto.



"MOMMY?"


The eight-year-old boy peeked through the door. Mestizo, maamo ang mukha, makakapal ang itim na itim na kilay, kulay tanso ang mapungay na mga mata, matangos ang ilong at mapula ang mga labi.


My dear son, my life, Hyde.


Pumasok ang bata sa kuwarto nang makitang tumigil na ako sa ginagawa. Nakasuot na siya ng partnered na pantulog, light blue striped long sleeves and pajamas. Alanganin siyang ngumiti sa akin.


"Come here." Inikot ko ang swivel chair na inuupuan. Napansin ko na wala siyang suot na salamin sa mata. Malabo para sa edad niya ang kanyang mata kaya kailangan niya ng salamin.


Nakayuko na naglakad siya palapit. Mahina siyang nagsalita. "Nabasag po ang glasses ko."


"What happened?" malunanay na tanong ko.


Ilang ulit niyang nakagat ang ibabang labi. "Uhm, it fell under my bed..."


"And?" malumanay pa rin ang boses ko.


"Uhm, I..."


"I won't get mad, baby. Come on, what really happened to your glasses?"


"Are you sure you won't get mad?" paniniguro niya.


"Yes. As long as you tell Mommy the truth."


"Uhm, the truth was..." Nakagat niya ang hintuturo. "I accidentally stepped on it."


"Hindi mo naman sinadya, so it's fine. Pagagawaan na lang ulit kita ng bagong salamin."


Namilog ang kulay tansong mga mata niya. "But you just bought it, Mommy. Mahal iyon."


Kinindatan ko siya. "Mas mahal ka naman ni Mommy."


"I'm sorry, Mommy. I promise, iingatan ko na ang salamin ko sa susunod. Saka, kapag nakatapos na ako sa studies at may work na po ako, ibibigay ko po sa 'yo lahat ng money ko."


Napangiti ako. "Thank you, baby, but you don't have to do that. It's my obligation as your mother to provide for your needs. Not the other way around. A mother's goal is to love, support, and help her child to achieve a good life."


"And what is father's goal?"


Napalis ang ngiti ko. "Ha?"


"Pareho rin ba kayo ng goal ng daddy ko? Gusto rin ba niya ng good life para sa akin?"


Matagal bago ako nakasagot. "O-of course..."


Ngumiti si Hyde. "Even if you said that it's not a child's duty to give money to his parents, I still want to do it. I want to support you and Daddy. I want to take care of you when you two get old. I'll do it not because it's my obligation but because I love both of you."


Napangisi na ako at kinilit siya sa tagiliran. "Then wala na akong magagawa kundi magpaalaga sa 'yo sa pagtanda ko! You better get ready, okay? Because I will be grumpy when I get old!"


Napahagikhik si Hyde. Napuno ng masayang tawanan namin ang kuwarto ko.


Pagkaalis ni Hyde ay napabuga ako ng hangin at napasulyap sa illustrator gadget na nasa aking working table. I needed to buy my son a new pair of specs. Kayanin kaya ng budget?


Katatapos ko lang sa ginawang art design para sa isang magbubukas na restaurant sa Imus. Three thousand pesos ang bayad at nakuha ko na ang kalahati para sa downpayment. One thousand five hundred na lang ang makukuha kong kulang. Kakasya kaya iyon?


I had no problem with house rent because we still lived with my parents. The one who paid for the Internet and cable bills was my dad. Sa kuryente naman ay si Kuya Jordan ang sumasalo. Ang tubig na lang ang pinipilit kong akuin kahit ayaw nilang ipaako sa akin. Sa groceries naman namin ay nakikipag-unahan ako sa pagbili.


May full time work ako sa isang kompanya sa Spain. Isa akong homebased graphic artist. Bagaman ang converted into peso na sahod ay bove minimum, sapat lang iyon para sa budget.


Ang first cut off ko ay para sa monthly tuition, school service, araw-araw na baon, at sa hinuhulugan kong college fund ni Hyde. Ang sumunod na cut off ay sapat na sapat lang din para sa water bill, insurance, groceries sa bahay, emergency fund, at kaunting savings.


Ang kinikita ko naman sa side jobs na pagtanggap ng commissioned artworks ay napupunta sa iba pang pangangailangan ni Hyde at sa ambag ko sa ipon namin ng fiancé ko na si Harry.


Speaking of ipon, hindi ako nakapag-ambag ngayong buwan. Matumal kasi ang commissioned works at sunod-sunod pa ang ginastos ko kay Hyde. Nasa fifteen thousand ang ginastos ko sa patingin nito sa mata at sa salamin. May biglaang pa itong project sa school at katatapos lang din ng fieldtrip nito. Said ang savings ko.


Ang monthly na ambagan namin ni Harry ay five thousand pesos lang naman ang sa akin at twenty thousand pesos naman sa kanya. Para iyon sa dream house namin. Sa kasal naman ay si Harry lang ang nag-iipon. Kahit anong pakikipagtalo ko, ayaw niya talaga ako roong pag-ambagin.


Harry was okay financially. Stable ang work niya sa firm nila sa Manila and he was also receiving monthly dividend from the small company of his maternal uncle. Mula iyon sa pamilya ng biological late mom niya. May iba pa siyang income dahil alam ko ay meron din silang mga pinag-invest-an na stocks ni Kuya Jordan.  


Sa kabila ng kaalamang kaya naman ni Harry na mag-ipon para sa kasal namin, hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya. Kahit kasi sa mga minsang dates namin, siya rin ang sumasagot. Kapag hati naman kami, palagi na lang na sa kanya ang mas malaki. Paano pa kaya kapag mag-asawa na kami?


Ang mga gastusin ay lalaki kapag bumukod na kami ni Harry. Hindi naman ako papayag na hindi ako mag-aambag. Pero papayagan pa ba ako ni Harry na bukod sa pagtatrabaho ay meron pa akong side job? Ang higit na inaalala ko, paano ang anak ko? At ano ang sasabihin ng mga tao?


Okay lang naman kay Harry na may work ako. Pero sana raw ay wag na akong mag-o-over time palagi. Na gawin ko na lang daw ang work ko as a hobby at ang aking kikitain ay para na lang sa sariling ipon ko. Nakakatukso pero ayaw ko naman ng ganoon. Ayaw kong iasa na lang ang lahat sa kanya.


Napabuga ako ng hangin at napatingala. Lumalaki na ang anak ko. Lumalaki na rin ang gastos.


Ngayon na lang ako bumabawi sa anak ko. Halos sina Mommy at Daddy na kasi ang bumuhay sa aming mag-ina noon. Sina Mommy at Daddy rin ang gumastos nang ma-cesarean ako pagkapanganak kay Hyde. Pati sa sa gatas, diaper, damit at iba pang gamit ay ang mga ito rin ang sumasagot. Kasabay pa ng lahat ng iyon ay ang pagpapaaral sa akin ng college.


Nang magsimulang mag-aral naman si Hyde ay si Kuya Jordan ang sumasagot sa baon, habang sa tuition at service ay sina Daddy at Mommy. Nakabuwelo lang ako nang magsimula na akong tumanggap ng commissioned artworks. Nang maka-graduate naman ako ay ang tagal ko pa bago nakakuha ng trabaho. Kinailangan pa akong tulungan ni Daddy.


Tama nga ang sinasabi na kahit anong talino mo, kung wala kang diskarte ay wala ring mararating. Doon ako kinulang, sa diskarte. Mabilis akong panghinaan at marami akong insecurities. Nakakahiya mang aminin pero ganoon akong klase ng tao.


Ang laman ng utak ko ay puro galing sa textbooks at sa tunay na buhay ay wala akong ibubuga. Kaunting hirap lang ay para na akong mamamatay. Minsan ay gusto ko ring sisihin ang pagiging sheltered ko sa buhay kaya ako nagkaganito. Pero bakit ko sisisihin ang mga magulang na ang ginawa lang naman ay mahalin at ingatan ako?


Hiyang-hiya na ako sa mga magulang ko at maging sa aking kapatid. Ngayon na kaya ko ng kumita ay ayaw ko na talagang manghingi sa kanila, kahit pa gusto nila akong tulungan. Ako ang magulang ni Hyde kaya ako dapat ang magbibigay sa pangangailangan niya.


Nahiga ako sa kama para magpahinga muna. Nanakit ang likod ko sa maghapong pagtatrabaho at sa gabi naman ay side job. Ang hapdi na rin ng mga mata ko sa pagtutok sa monitor. Nagkalipas-lipas na rin ako sa pagkain. Pero ayos lang. Kaya ko lahat para sa anak ko.


Habang nakahiga sa kama at nagpapantok ay nagbukas muna ako ng social media. Nag-i-scroll ako nang mapadaan sa post ni Sussie, dati kong kaklase. Last year pa ako in-add ng babae pero lately ko lang pala ito na-accept. Ang mutual friends namin ay si Carlyn at Kuya Jordan. 


Napatigil ako sa post na nasa newsfeed. Susana Alacaraz-Wolgfang added a photo. Galing sa katatapos lang na birthday party ng anak nitong babae.


The little girl was smiling as she hugged a big doll. Aside from the big doll, there was also a pink bag, branded dresses, and other expensive toys around the kid. The caption of the photo was: 'Thank you for all the gifts, Ninong Hugo!'


At naka-tag ang photo sa account na Hugo Emmanuel Aguilar.


Ang namimigat kong mga mata ay nagkaroon ng lambong habang nakatingin sa mga mamahaling regalo na nasa paligid ng batang babae.


Nangunguna sa comment section ang comment ng sister in law ko na si Carlyn.

Carlyn Marie Tamayo-Herrera: Napakagalante naman ng ninong na yarn. Sana all talaga napapakinabangan ka, Hugo. Sustento naman diyan! Char not char!


Sussie replied to my sister-in-law's comment.


Susana Alcaraz-Wolfgang: @Carlyn, bakit daw kasi hindi mo siya kinuhang ninong? Nagtatampo nang malala 'yan sa 'yo si Hugo.


Carlyn Marie Tamayo-Herrera: Baka kasi hindi pa nakaka-move on sa akin 'yan kaya hindi ko kinuha. Mahirap na dahil baka masaktan lang siya pag nakita niya ulit ako.


Hindi ko na binasa pa ang ibang mga biruan nila kung saan ay nakigulo na rin ang ilan sa mga kaibigan nila. Tinigil ko na rin ang pagba-browse ng newsfeed at ibinalik ang phone sa ibabaw ng bedside table.


I couldn't find sleep even though I was very tired. Nag-iisip ako ng kung anu-ano.


Ang tagal na panahon na ang nagdaan, hindi ko na nga masyadong inaalala, pero bakit bigla ay binabagabag ako ngayon? Ah, right. I saw something that triggered some unwanted thoughts.


Maliban sa private account ay naka-lock ang profile ko. Walang nakakapag-add sa akin maliban kung ako mismo ang mag-a-add. Pero may tao pa rin sa social media na hindi maiiwasang hindi makita. Unless you would block that certain person. 


Even if that person happened to stumble across my social media account, I was confident he would never visit my profile. Respeto ang isa sa mga dahilan. Another thing, the past was already a closed book and we had all moved on.


Napailing ako at sumubsob sa unan. Mas inaalala ko si Hyde higit sa kanino at ano pa man. Ang bata na lang ang mahalaga sa akin. Lumalaki na ito. Dumarami na hindi lang ang pangangailangan kundi pati ang mga tanong. Napabangon ako sa kama at napasabunot sa aking buhok. No, I shouldn't be thinking about unimportant things.


Desisyon ko na buhayin si Hyde na mag-isa, kaya dapat lang na pangatawanan ko ang desisyon, gaano man kahirap iyon. Kahit mag-OT ako palagi sa trabaho at tumanggap ng maraming commissioned wors ay gagawin ko. Kaya ko siyang buhayin at palakihin na hindi umaasa sa iba.


Kahit pa mag-asawa na ako, ako pa rin ang sasagot sa anak ko dahil anak ko siya at ako ang ina niya. Walang lugar sa buhay ng anak ko ang taong hindi naman siya kilala.


Ako lang ay sapat na para kay Hyde. Hindi niya kailangan ng kahit ano o sino na makakasakit lang sa kanya. Ako ang kasama niya mula noon, kaya akin lang siya. Right. Ang mga mata ko ay dumilim. Akin lang ang anak ko!


JF


#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top