Chapter 3

KABADONG inabot ko si Hugo gamit ang aking kaliwang paa. Sa bandang sikmura niya ay idiniin ko ang dulo ng aking sapatos. Wala pa rin siyang malay.


Nagsilapitan na ang mga kaklase namin. Dumating na rin ang teacher namin para sa oras na ito. Lahat sila ay nakiusyoso kung ano ang nangyari at bakit nakahiga sa sahig si Hugo.


"Jillian, anong nangyari?!" kalabit ni Dessy sa akin.


"I...I don't know..." nauutal na kaila ko kahit pa ako ang may gawa kung bakit nawalan ng malay tao si Hugo.


"Na-heatstroke yata, Ma'am!" sabi ng isa sa mga kaklase namin na nakikiusyoso.


"Oo nga, tumambay siguro sa arawan si Hugo!"


"Hala, kawawa naman!" sabi naman ng isa sa mga babaeng kaklase namin. May ilan pang kababaihan na gusto siyang lapitan.


"Boys, dalhin siya sa clinic," utos ng teacher namin na si Mrs. Mendiola.


Pinagtulung-tulungan ng mga lalaki naming kaklase na buhatin si Hugo. Hirap na hirap ang mga ito dahil matangkad siya at mabigat.


"Ang bigat ng itlog ni Hugo!" sigaw ni Lucky Columna na isa sa mga tropa niya.


"Gawa raw kasi sa ginto itlog niya!" sabi naman ni Bimbo Zaragosa na isa rin sa tropa niya.


Kilala ko na ang mga pangalan dahil tuwing nag-a-attendace ay maliligalig sila, hindi pwede na hindi tatatak sa 'yo ang mga pangalan nila.


Nagtawanan ang mga kaklase namin na akala mo'y walang taong hinimatay. Ang mga tropa naman ni Hugo ay imbes mag-alala sa kanya ay ginawa pa siyang katatawanan. 


Hindi pa gaanong naiaangat sa sahig si Hugo nang unti-unti magising ang lalaki. Namumula ang kanyang mga mata at parang hilo pa nang igala ang paningin. Nagtataka marahil siya kung bakit pinalilibutan siya ng mga kaklase namin.


"How are you feeling, Aguilar?" tanong ni Mrs. Mendiola.


Tinabig niya ang kamay ng isa sa mga may hawak sa kanya. "Anyare, Ma'am?"


"You passed out."


Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka naupo sa armchair ng upuan na malapit sa kanya. "Ayos na ako," sabi niya sabay kapa ng kanyang mahahabang daliri sa bridge ng matangos niyang ilong.


Inabutan siya ng panyo ng tropa niyang si Bimbo. Ipinunas naman niya iyon sa dugo na nasa kanyang ilong. Napa-tsk siya pagkakita sa dugo. Parang hihimatayin na naman siya kung di lang siya napatingin sa mga tropa niyang ang lalawak ng ngisi ngayon sa kanya.


Nakapagtataka nga kung bakit siya hinimatay. Kilala siya na basagulero, kaya paanong dahil sa dumugo lang ang ilong niya ay nawalan na siya agad ng malay? O baka hindi siya sanay na sa kanya mismo galing ang dugo na nakita?


"Are you sure you're all right, Aguilar?" tanong ni Mrs. Mendiola.


"Yes, Ma'am. Ang kirot lang ng ilong ko, tang-ina."


"Language, Aguilar!"


Napangiwi ang mapula niyang mga labi saka napatingin sa akin. Nanlisik ang mga mata niya bagaman wala naman siyang sinabi. Pasimpleng napayuko naman ako.


Kasalanan naman niya kung bakit ko siya hinampas ng libro. Masyado siyang mayabang at bastos siya, dapat lang iyon sa kanya. Pero hindi ko maiwasan na hindi makonsensiya sa isiping hinimatay siya.


Bago bumalik sa harapan ng room ang teacher namin ay pinakiusapan niya ito. "Ma'am, 'wag niyo na sanang makarating kay Mommy ito, baka mag-alala lang. Okay naman na ako e."


Kumibot ang mga labi ko sa isiping concerned siya na mag-aalala ang mommy niya sa kanya. Mabuting anak din naman pala siya kahit paano.


Naupo na si Hugo sa upuan na katabi ko. Kunwari naman ay abala ako sa paghahanap ng kung ano sa loob ng bag ko. Bukod kasi sa nakokonsensiya ako sa nangyari sa kanya ay inaamin ko na natatakot din ako.


Mukhang first time na magdugo ang ilong niya at kagagawan ko iyon, kaya malamang na galit siya sa akin. Hindi ko kilala ang ugali niya, baka mamaya ay bigla na lang niya akong suntukin at—


May daliri na tumusok sa aking pisngi. "Chill."


"Ha?" Napalingon ako sa kanya.


"Chill ka lang." Nakatingala siya para pahintuin ang pagdudugo ng ilong niya, pero ang mga mata niya ay nakabaling sa akin. "Nag-pa-panic ka, wala naman akong balak gantihan ang ka-brutalan mo."


Nag-init ang aking pisngi. "H-hindi ko sinasadya, I'm really sorry. Pero kasalanan mo naman kasi—"


"Okay na, nag-sorry ka na!" pigil niya sa iba ko pang sinasabi. "Nag-sorry ka na, ayos na 'yan!"


Pagyuko niya suminghot-singhot siya. Nang wala nang tumutulong dugo mula sa ilong niya ay humarap siya sa akin.


"Ano? Tumabingi ba ilong ko?" tanong niya habang inilalapit ang mukha sa akin.


Napausod naman ako dahil sa sobrang lapit niya. "Y-you look fine..."


Pinisil niya ang kanyang ilong saka sumandal sa sandalan ng kinauupuan. "May utang ka sa akin. May short quiz tayo ngayon, pakopyahin mo ako."


"Ha? B-bakit naman?"


Nag-tsk siya. "May utang ka nga, di ba? Wag ka nang mag'bakit-bakit' pa diyan!"


Hindi na ako nakaalma dahil sa tuwing tatangkain kong magsalita ay inaawat niya ako.


"Oops!" Binabara niya agad ako. "'Wag nang papalag. Papalag pa e!"


Nang magpa-short quiz ang teacher namin sa huling subject ay nangopya nga siya sa akin. Hindi na ako nakatanggi dahil talagang inagaw niya na sa akin ang papel ko. Ang nangyari tuloy ay kaming dalawa ang highest sa room.


Up to 10 ang quiz. Pareho kaming 9 ni Hugo at ang mga sumunod sa amin ay mga 7 na, 8, 5 at ang iba ay zero. Yukong-yuko ako dahil sa hiya. Obvious na obvious kasi na pinakopya ko siya. Habang nahihiya ako ay si Hugo naman ay proud na proud na isa siya sa mga highest.


"Ano ba 'yan? Sisiw naman ng quiz, Ma'am! Wala na bang ihihirap 'yan?!" mayabang na malakas na sabi niya. Iwinawagayway pa niya ang kanyang ¼ sheet of paper sa ere.


Ang mga tropa niya na nasa kabilang row ay proud na proud din sa kanya kahit na alam namang nangopya lang siya sa akin. "Sambahin si Hugo!" sigaw ng mga ito.


Nagsigayahan naman ang mga iba naming kaklase na napasukan na rin yata ng mga hangin sa ulo.


Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi nag-usisa ang teacher namin kahit pa matalim ang tingin nito bago kami iniwan.


Nang uwian na ay nauna siyang tumayo para sumama sa kanyang tropa. Hanggang sa labas yata ay ipinagmamalaki niya na 9 ang nagging score niya sa 1-10 na short quiz namin.


"Hugo, paano kung maging valedictorian ka? Makakalimutan mo na kami!" sabi ni Bimbo sa kanya.


Ngingisi-ngisi naman siya sa mga ito. "Syempre, hindi ko kayo kakalimutan! Hilahan tayo pataas, men!"


Pigil ang gigil ko nang maglakad na patungo sa pinto. Nagtama ang mga mata namin ni Dessy bago ako lumabas. Nagtatanong ang mga mata niya sa akin. Patay-malisya na nagpatuloy na ako sa paglalakad.


Hindi ito ang unang beses na napunta ako sa ganoong klaseng section, pero kakaiba ang pakiramdam ngayon. Ang tagal pa ng school year na ito pero pakiramdam ko ay hindi na ako aabot sa dulo. Baka ako na ang sumunod na himatayin kay Hugo.


Hihimatayin ako dahil sa stress. Hindi ko sigurado kung makaka-survive ba ako na kaklase ang lalaking iyon ngayong taon.


Sa labas ng gate ay naroon na ang kotse ni Daddy na susundo sa amin nina Mommy. Ang pagkakakunot ng aking noo ay agad kong inalis. Pumasok ako sa backseat ng sasakyan na may nakapaskil na ngiti sa aking mga labi.


"Hello, baby? How's your day?" tanong ni Daddy sa akin. Ini-start niya na ang makina ng kotse pagka-lock sa katabi kong pinto.


"Pretty good, Daddy!" masayang sagot ko kahit pa hindi iyon totoo. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanila na nagdudusa ako ngayon dahil sa isa sa mga kaklase kong siraulo.


Ang pinakahuling bagay na gagawin ko ay pag-alalahanin ang mga magulang ko.


"Hindi na naman natin kasama ang kuya mo sa pag-uwi. Magla-library daw siya ngayon," tukoy ni Mommy kay Kuya Jordan.


Hindi na ako nagtanong pa dahil sanay na ako sa madalas na hindi pagsabay sa amin ni Kuya Jordan sa uwian. Hindi lang sa uwian kundi pati sa pagpasok ay may mga araw talaga na hindi namin ito kasabay at nagko-commute ito.


Kahit sina Mommy at Daddy ay mga sanay na rin. Nang una lang sila nag-aalala. Kalaunan ay hinahayaan na nila si Kuya Jordan. Siguro nasa isip nila na binata na at lalaki naman ang panganay nila, isa pa ay malaki ang tiwala nila rito.


"Daddy," tawag ni Mommy kay Daddy. Ganoon ang tawagan nila, 'mommy at daddy'.


Bahagya namang lumingon si Daddy. "What is it?"


"Pupunta ang pinsan ko sa bahay ngayon. Sinasabi ko lang sa 'yo kasi baka magulat ka."


Iisa lang ang pinsan ni Mommy na madalas magpunta sa amin, si Lumina Lumagui o 'Tita Lumi'. Third cousin nina Mommy ang 60-year-old na old maid. Hindi na nag-asawa dahil masyadong in-enjoy ang pagtuturo at pag-aaruga sa mga pamangkin. Teacher din ito pero sa isang public elementary school sa Brgy. Pasong Camachile Uno nagtuturo.


Habang nasa biyahe ay nagbukas ako ng data. Bihira lang akong mag-open ng social media kaya wala naman akong gaanong notification. Hindi rin ako nag-po-post gaano at nakikipag-chat kahit kanino.


Napakunot ang noo ko nang makitang meron akong tatlong friend request. Hindi ako ma-Facebook na tao kaya basta ko na lang in-accept ang mga requests basta may nakalagay na mutual friends.


Huli na para makita ko na isa sa mga friend request si Hugo Emmanuel Aguilar.


Hinayaan ko na lang dahil na-accept ko na. Wala sa loob na binisita ko ang wall niya. Nasa 5 thousand ang followers niya. Marami siyang post na tungkol sa mga games na kanyang nilalaro. Marami rin siyang likers na halos puro mga babae.


Napailing ako at ibinalik na sa aking bag ang phone. Pakiramdam ko ay nasayangan ako ng minuto ng aking buhay dahil sa pagtingin sa wall ng lalaking iyon.


Pagkarating sa bahay ay pumasok na ako sa kuwarto para magbihis. Isang simpleng cotton na tokong at plain pastel cotton shirt ang aking isinuot. Masinop at masinsin na ipinuyod ko ang aking buhok paitaas bago lumabas ng kuwarto.


Sumilip ako sa kuwarto ni Kuya Jordan at nakitang hindi pa dumarating ang lalaki. Mukhang marami pang inasikaso o inaaral sa library.


Sandali lang ay may nag-do-doorbell na sa gate. Si Tita Lumi ang dumating at as usual, nakikipagtalo na naman ang babae siya sa driver ng tricycle na naghatid sa kanya.


"Manang, kulang ng anim na piso." Kakamot-kamot ang tricycle driver dahil binarat na naman ni Tita Lumi.


Nanlisik naman ang mga mata ni Tita Lumi sa loob ng suot na makapal na clear glasses. "Anong kulang? Sa may simbahan lang ako galing!"


"Nagpa-special ho kasi kayo."


"Kahit pa! Napakalapit laang nitong subdivision!"


Hindi na nakipagtalo ang driver at pinaandar na ang tricycle. Ganito ang siste sa tuwina na dadalaw sa amin ang tita ko na ito. Hindi ko alam kung bakit gusto niya na nagpapa-special sa tricycle, pero ayaw naman niyang magbayad nang wasto sa mga driver.


May minsanan na rin na ako ang nagtangka na magbayad ng kulang niya, pero pinigilan niya ako. Gusto niya talagang mambarat kahit pa kung tutuusin ay may pangbayad naman.


"Hi, Tita Lumi!" Hinalikan ko si Tita Lumi sa pisngi.


Agad naman niya akong itinulak. "Nasa Pilipinas ka, ineng." Matiim ang titig niya sa akin. "Hindi uso rito ang pag-be-beso, sa halip ay dapat nagmamano ka sa nakatatanda sa 'yo."


"Sorry po, Tita Lumi." Kinuha ang kanyang kamay para magmano na lang.


"Asus!" palatak niya. "Banyaga man ang angkan ng tatay mo, sana nama'y huwag mong kalilimutan na ang nanay mo ay Pinay na may dugong purong Caviteña!"


Ngumiti ako. "Opo, Tita. Sorry po."


Inirapan niya ako saka na siya naunang pumasok sa loob ng bahay namin.


Sinalubong siya ni Mommy at sinabi na agas niya ang pakay.


"Kasi ang Kuya Nito mo ay nalulong sa sakla. Nahatak ang motor niya." Si Tito Nito ay kapatid ni Tita Lumi. Nakatatlong asawa ang lalaki bago pumirmi. Lima na ang anak sa iba't ibang babae, ang mga bata ay lahat paaral ni Tita Lumi. 


Naupo sila na magkakaharap sa sofa ng sala. Binuksan ko naman ang split type aircon doon dahil panay ang paypay ni Tita Lumi na halatang naiinitan. Pumunta ako sa kusina para ikuha sila ng maiinom. Nag-shake ako ng mangga na may gatas at asukal.


Kahit ayaw kong makinig sa usapan ng matatanda ay hindi maiwasang hindi ko marinig ang usapan nila dahil magkarugtong lang ang kusina namin at sala.


"Ayun nga, Ethel, sana kung mapahihiram mo ako ng pera ay sa katapusan ko rin babayaran."


Nagkatinginan sina Mommy at Daddy. Ilang hiram na kasi ni Tita Lumi, pero kahit kailan ay hindi pa siya nagbayad o naghulog man lang.


"Ate Lumi, nagkabayaran na sa lupa nina Lolo noong nakaraang taon. Wala na bang natira sa kinita?" tanong ni Mommy.


Ang pamilya ko sa mother's side na purong mga taga Pasong Camachile ay may mga lupahang sakahan na ibinenta sa mga nagtatayo ng subdivision. Ang pinakamalaking lupain ay ang sa lolo ko na papa ni Mommy. Sa ibang kamaganakan namin ay maliliit na lupa lang.


Napaismid si Tita Lumi. "Mayroon namang natira, ang kaso ay kinamkam na lahat ni Eva. Di ba nga'y nakautang si Dino sa kapatid mo noong nanganak ang pangalawa nitong misis? Hayun, tinubuan pala ni Eva. Nang mabenta ang lupa ay sinahod agad ng kapatid mo ang pera."


Nakagat ko ang aking ibabang labi. Si Tita Eva na kapatid ni Mommy ay may pagkamahigpit sa pera. Naiintindihan ko naman ito dahil hindi naman kasi pinupulot lang ang pera. Kahit kamaganak ay sinisingil nito kapag nagkakautang dito.


Kabaliktaran naman ni Mommy na nahihiyang maningil sa kamaganak, kaya siya ang madalas na maging lapitan para utangan o madalas ay hingian.


Ang parte ni Mommy sa mga lupang sakahan ay halos napunta na rin sa mga kamaganak namin at ibang kakilala. Kung may pera man kami ngayon ay galing na sa mana ni Daddy sa lolo ko na isang pure Spanish.


"Ano, Ethel?" untag ni Tita Lumi. "Ako ba'y mapapautang mo? Kailangang-kailangan nang mabawi ang motor ni Dino. Saka wala kaming pangbayad sa kuryente sa katapusan."


"Magkano ba, Ate Lumi?" tanong ni Mommy sa mahinang boses.


"Beinte mil."


Napaubo ako dahilan para mapalingon sila sa akin. Humingi naman ako ng pasensiya.


Matapos mapahiram ng pera si Tita Lumi ay nakangiti na ang matandang babae habang nakikipagkuwentuhan kina Mommy at Daddy. Dinala ko na sa kanila ang drinks nila.


"Nasaan nga pala si Jordan?" tanong ni Tita Lumi ng hindi niya makita sa paligid si Kuya Jordan.


Gustong-gusto ni Tita Lumi si Kuya Jordan. Halos lahat naman ng kamaganak namin sa mother's side ay gusto ang kuya ko. Guwapo, magalang, mabait, matalino, at masipag daw kasi. Hindi man close sa kanila si kuya ay mahal na mahal nila ito.


"Science Class pa rin siya, ano?" ngiting-ngiti na sabi ni Tita Lumi sabay sulyap sa akin. "Si Jillian ay nasa Section 3 lang? Bakit naman ganyan?"


Napayuko ako.


"Late siya sa pag-enroll, Ate Lumi," malumanay na paliwanag naman ni Mommy. "Atsaka, hindi naman importante kung saang section siya, maganda naman ang gades niya."


"Ano bang hindi importante, Ethel?" Napa-tsk ang matanda. "Kahit mag-top 1 pa siya parati sa room nila, ay hindi siya magiging valedictorian kung wala siya sa highest section."


Napatikhim na si Daddy pero patuloy pa rin sa walang prenong pagsasalita si Tita Lumi.


"Paano magiging valedictorian si Jillian kung nasa mababang section siya? Aba naman, wala sa ating magpi-pinsan ang grumaduate na hindi valedictorian!"


Nagpapaunawang tumingin sa akin si Mommy. "Baby, sa kuwarto ka muna. Baka may assignment ka, gawin mo muna."


"Bini-baby mo naman pala," palatak ni Tita Lumi. "Aba, Ethel! Ang mga ganyang ini-spoil ay ang mga naliligaw ng landas. Babae pa man din iyang anak mo, dapat hindi mo niluluwagan ang hawak mo sa kanya."


"Ate Lumi, Jillian is good child," hindi na napigilan ni Daddy na sumabat, bagaman mahina at kalmado ang boses. "And we trust our daughter."


"Okay, 'sabi mo e..." Doon na kumalama si Tita Lumi dahil si Daddy na mismo ang nagsalita.


Nang dumating na si Kuya Jordan ay sinalubong agad siya ni Tita Lumi ng yakap at halik sa pisngi. "Napakaguwapo talaga ng pamangkin kong ito. Binata na. May girlfriend ka na ba, ha?"


Ngiti lang naman ang sagot ni Kuya Jordan. Hindi pa rin siya binibitiwan ni Tita Lumi pero hindi naman siya nagrereklamo. Ganoon ang kapatid ko, mahaba ang pasensiya, masyadong magalang at mabait sa lahat ng tao.


Pumasok na ako sa aking kuwarto. Nang maisara ko na ang pinto ay saka ako nagpakawala ng buntong hininga. Tita Lumi had a point. I would never be a valedictorian because I wasn't in the highest section.


Ini-lock ko na ang pinto dahil mamaya pa naman ako lalabas. Nandiyan na kasi si Kuya Jordan na madalas akong inuunahan at inaagawan ng gawain. Malamang na kahit toka ko ang pagsasaing ay siya na naman ang gagawa kaya hinahayaan ko na lang siya.


Inilabas ko na lang ang isang sketchpad at pencil case mula sa sa drawer ng aking cabinet. Habang nagpapalipas ng oras ay magdo-drawing na lang muna ako. Ito ang bagay na nagpapakalma sa akin sa tuwing magulo ang puso at isipan ko. 


Nagsimula akong gumuhit. Isang lalaking estudyante ang kinalabasan ng sketch ko. Matangkad, maganda ang tindig. Nakatalikod ang lalaking estudyante kaya hindi kita ang mukha. Nakasuot siya ng uniform, polo, slacks, at sneakers—


Natigilan ako at padabog na itinaas ang sketchpad. Pinakatitigan ko ang bandang paahan ng lalaking estudyante. Naka-sneakers nga imbes na black shoes!


Napakunot ang aking noo, bakit ganito ang ginawa ko?! Hindi magandang tingnan ang isang estudyante na hindi naka-complete uniform mula ulo hanggang paa!


Pinunit ko ang papel at ginusot. Ibinato ko iyon sa trashcan. Magdo-drawing na lang ulit ako ng panibago. Siguro ido-drawing ko si Harry noong grumaduate siya. He was so handsome and neat in his graduation toga.


Harry was the valedictorian in his batch. Katulad ng kuya ko ay masipag, mabait, matino siyang estudyante.


Ibinaba ko muna ang sketchpad sa study table at nag-unat ako ng mga braso. Tumunog ang phone ko na nakalimutan ko na bukas pala ang WiFi. Sa Facebook notification nagmula ang tunog. I-chineck ko kung ano iyon.


Nag-post ng My Day Story sa Facebook si Harry at nag-notif iyon sa akin. Ang mood ko ay mas gumaan. Tinap ko ang notif at napunta ako sa story niya.


Nagluluto si Harry ng noodles at iyon ang kinuhanan niya ng picture. Ang noodles ay nilagyan niya ng itlog at sausage. Siguro bored siya at walang magawa. Nakangiti ako nang magsimulang magtipa ng comment sa story niya.


Biglang nag-beep ulit ang notification mula sa isa pang story, sumabay iyon sa biglang pagkatok ni Kuya Jordan sa labas ng aking kuwarto.


"Sandali, kuya!" Kandatali-talisod ako sa pagtayo sa upuan.


Itinaas ko ang phone ko at ipinagpatuloy ang pagta-type habang hinahanap sa sahig ang tsinelas ko na pambahay. Nagmamadali kong isinend ang message ko sa story ni Harry.


Me: Wow! Looks yummy!


Pagkakita ko sa tsinelas ko ay lumabas na ako ng kuwarto. Palapit ako sa dining nang muling mag-beep ang notification sa phone ko. Bago lumapit sa mesa ay i-chineck ko muna ang phone ko dahil baka nag-reply sa message ko si Harry.


Napakunot ang aking noo nang makitang hindi si Harry ang nag-message sa akin kung hindi si Hugo. Wala sana akong balak pag-aksayahan ng panahon ang lalaking iyon, kaya lang ay napansin ko na ang message niya ay naka-reply sa mismong message ko.


Namilog ang mga mata ko. Kailan ako nag-message sa kanya?!


Kabadong tinap ko ang aking message para lang lalong mawindang ng ma-direct ako sa story niya kung saan ay selfie iyon habang nakadila siya at nakalabas ang silver tongue piercing niya!


Natutop ko ang aking bibig. Did I really just say "YUMMY" to this photo?!


Hugo Emmanuel's reply: Hoy, akala ko ba good girl ka? Wild naman pala. Ano tayo na ba? 


JF




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top