Chapter 29

HE DOESN'T NEED TO KNOW.


I pursed my lips. Hindi alam ni Kuya Jordan ang totoo. Ang alam niya ay nagsinungaling lang ako nang sabihin ko na walang nangyari. Para sa kanya ngayon ay si Wayne ang gumalaw sa akin.


Nang mag-isa na sa kuwarto ay napatitig ako drawer ng bedside table. Naroon ang cellphone ko na nakapatay. Kinuha ko iyon at saka hinanap ang charger. I would tell the father of my child about my situation. He deserved to know.


Hugo deserved to know!


Naghahalo ang kaba at excitement ko sa magiging reaksyon niya. Alam ko na magugulat siya pero hindi naman siya magagalit. Hindi siya para magalit dahil hindi naman siya ganoong klase ng tao. He was just misunderstood but the truth was, Hugo Emmanuel Aguilar was kind and reasonable person.


Nanaig na ang pagkasabik sa akin na masabi sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko. I could already imagine his funny reaction, how he would gasp in shock, and how he would smile at the end because his 'pull-out game' had failed, though he must already have an idea.


After charging my phone, I immediately sent a text message to Hugo. I said I wanted us to meet and I had something important to say to him. Twenty minutes passed before I received a reply.


Aguilar:

Kailan mo ba gusto?


Kumalabog agad sa kaba ang dibdib ko pagkabasa ng reply niya. Hindi pa rin siya nagbabago, hindi pa rin siya tumatanggi kapag nakikipagkita ako. Ah, bigla ay nasabik ako na makita ulit siya.


Nag-isip ako nang mabuti kung paano makakaalis sa amin nang hindi malalaman ng pamilya ko. Ayaw ko pang malantad ang tungkol sa ama ng anak ko hangga't hindi pa sigurado ang kalalabasan ng pag-uusap namin ni Hugo.


Ang gusto ko ay magkita muna kami at magkausap. Gusto ko munang makita ang reaction niya na magiging daddy na siya. Saka, gusto ko rin muna sanang malaman ang magiging mga plano niya para sa baby at sa aming dalawa. Pagkatapos naming magkausap, saka kami magpa-plano kung paano haharap sa mga magulang ko.


Nag-send ako ng petsa at oras kay Hugo. Napangiti ako nang makitang nag-send na ang text message. I couldn't wait to see him and to tell him about the big news.




SATURDAY NIGHT. Pagod sina Mommy at Daddy dahil galing sila sa Parañaque. Binisita nila ang renovation ng aming 5-door townhouse apartment doon. Si Kuya Jordan naman ay pagod din maghapon dahil siya lang mag-isa ang nag-general cleaning ng buong bahay. Hindi niya ako pinatulong.


Wala pa ring pinagsasabihan si Kuya Jordan. Hinihintay niya ako, bagama't hanggang bukas na lang ang ibinibigay niyang palugit sa akin. Nag-aalala siya para sa akin kaya bukas, kahit sa ayaw ko at sa gusto ay ipapaalam niya na raw kina Mommy at Daddy ang aking kondisyon para maipa-check up na ako.


Pagsapit ng gabi ay hinintay ko na makatulog ang lahat. Nakaidlip na rin ako sa paghihintay. Bandang 2:00 AM ako naalimpungatan sa beep ng phone ko. May pumasok na text message.


Aguilar:

Herrera, tuloy pa ba?


Napabangon agad ako mula sa kama. Hinagilap ko ang hibubad kong baby pink na jacket kanina. Nakabihis na ako, shirt at jeans. Naka-medyas na rin at magsusuot na lang ng sapatos sa paa.


Bago lumabas sa bahay ay tiniyak ko muna na nasa labas na ng gate ng subdivision namin dito sa Tagaytay ang Grab car. Habang naglalakad ay itini-text ko na si Hugo. Gusto niya na puntahan ako sa Pascam. Hindi pa kasi niya alam na nakalipat na ako ng Tagaytay. Napapayag ko naman siya na sa plaza ng Malabon na lang kami magkita. Nandoon na siya ngayon at naghihintay.


Pagbaba ko sa Grab car ay naglakad na ako papunta sa mga bakal na bench sa plaza. Madilim dahil 3:00 a.m. pa lang. Patay ang mga ilaw sa plaza at ang nakabukas lang ay ang malalayong lamppost sa kalsada.


Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakakatakot dahil wala nang tao sa daan. Kung meron mang iilang kabataang tambay sa gilid-gilid ay mukhang paalis na o mga tagarito na naparaan lang.


I saw Hugo in front of the church. Nakasandal siya sa nakaparada niyang motor habang nag-ta-type sa hawak na phone. He was wearing cargo shorts, a black t-shirt, and a pair of Adidas slides on his feet. Hindi ko na kinailangang tawagin pa siya dahil nakita niya na rin ako. Ibinulsa niya ang phone at humakbang palapit para salubungin ako.


Pumasok kami sa plaza. Dinala niya ako sa parte na hindi masyadong kita at nasisinagan ng ilaw ng mga lampposts sa kalsada. Mahirap na raw dahil baka madaanan kami ng curfew rito.


"Kumusta ka na?" he asked as soon as we sat on the bench.


I had rehearsed everything that I wanted to say to him, but now I couldn't remember anything. Gusto ko lang na tumitig sa kanya kahit madilim. Gusto ko na lang singhutin ang mabangong amoy niya na sa aking pakiramdam ay sobrang na-miss ko.


God, I missed this guy. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Maybe our baby knew that I was with him. Kilala siya ng baby namin.


"Uy?" untag niya sa pagkakatulala ko sa kanya. Kahit may kadiliman sa parte namin ay masasabi ko na nakangiti siya.


Sa lahat ng mga salitang kinabisado ko ay ang nasabi ko, "Hugo, I just want to... thank you..."


"Weh, saan?"


Uhm, saan nga ba? For our baby?


"Nag-thank you ka na, ah." Sinilip niya ang mukha ko. "So, kumusta ka na nga?"


Naupo kami sa bakal na bench. Sumandal siya sa sandalan at humalukipkip habang ako ay hindi magsawa-sawa sa pagmamasid sa kanya sa dilim at sa pasimpleng pagsinghot sa banayad at presko niyang men's cologne.


"Kumusta ka na nga? Wala akong balita sa 'yo. Hindi naman ako puwede na basta dumalaw sa bahay niyo dahil baka hindi mo gusto. Baka rin mawindang ang pamilya mo kapag nakita nila ako. Di naman nila alam na friends tayo."


Friends? From 'we understand each other', siya na ang nagbigay ng label sa kung ano mang meron sa amin. Well, it was not a bad start, I guess?


Nagkamot siya ng pisngi. "Uhm, kumusta nga rin pala kayo ng pinsan mong hilaw na si Harry? Alam mo na ba na nagkita kami?"


Tumango ako. Nabasa ko sa text message iyon na nadatnan niya si Harry sa labas ng bahay nina Dessy pagbalik niya sa Buenavista noong inihatid niya ako. Akala ko tapos na ang tungkol sa pagbanggit niya kay Harry, pero may kasunod pa pala.


"Herrera, nagulat ako nang makita ko siya. Pawis na pawis. Humihingal pa." Sumulyap siya sa akin. "Na-late lang siguro iyon nang oras na iyon, pero mukhang legit naman na nag-alala sa 'yo. Mukhang tunay na patay na patay sa 'yo."


Natigilan ako. I didn't comment at what he said. Naguguluhan ako dahil bakit biglang gusto niyang pag-usapan si Harry? The last time ay parang irita siya rito. What happened now?


At ang tawag niya sa akin ay bakit ganoon na ulit? 'Herrera'. Hindi na 'Jillian' lang.


Sandali na nanahimik si Hugo. Nang lingunin ko ulit siya ay nasa malayo na ang mga mata niya. Mahina siyang nagsalita, "Herrera, saka nga pala. Nagkausap kami. Sinabi niya... nagkabalikan na raw kayong dalawa. Totoo ba?"


Ha? Ano? Bigla na lang kasing may dumaang tricycle sa kabilang kalsada. Ang ingay niyon kaya tuloy hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya.


Tumikhim si Hugo. Nakangiti na ulit siya.


"Wala. Bakit nga pala bigla kang nawala, Herrera? Hindi ka nag-o-online. Patay rin ang phone mo. Nag-alala rin ako, ah. Kung hindi ko lang talaga iniisip na magagalit ka, baka pumunta na ako sainyo para kumustahin ka."


"Sorry, Hugo, kung nagpag-alala kita. Sorry kung hindi na ako naka-text o chat sa 'yo matapos ang nangyari. Nahihiya kasi ako..."


"Ayos lang iyon."


Katahimikan. Para kaming nakikiramdam sa isa't isa.


Nang yumuko siya ay narinig ko siyang nagsalita. "Herrera, close naman na tayo, di ba?"


Ang ngiti at tono niya ay hindi pabiro o nanunukso, kundi sapat lang. Magaan.


"Tutal close na tayo, may sasabihin ako sa 'yo na wala pa akong pinagsabihang ibang tao."


"Hmn?"


"Alam ko na isa ka sa nag-iisip kung bakit gago ako. Bakit ang kapal ng mukha kong maging gago samantalang matino naman ang mga magulang ko, hindi naman ako ginugutom sa amin, at mas lalong hindi naman ako kinukulang sa aruga. Nasobrahan pa nga."


Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng mga sasabihin niya.


"Siguro paraan ko lang ito para magsaya."


Wasn't his life happy?


"Don't get me wrong. Okay naman ang buhay ko. 'Sabi ko nga, wala naman kulang sa akin. Sobra pa nga."


"Then why?" curious na tanong ko. Matagal na akong curious tungkol dito and I was glad na mukhang mag-o-open up siya sa akin ngayon.


Iyong pagiging gago ni Hugo ay katanggap-tanggap naman kahit paano. Siguro ay talagang nasobrahan lang siya sa laya at napabarkada lang siya nang malala. Tipikal na rebeldeng teenager. Ang hindi lang katanggap-tanggap sa kanya ay ang pagiging malikot niya sa babae.


"Ang aga ko lang na-curious sa opposite sex. Hindi ako magmamalinis, pero pag may babae ako, I am automatically looking forward to sex. For me, doing the deed is a part of it, no matter how deep or shallow the relationship is."


Nang makita niyang titig na titig ako sa kanya ay mahina niyang itinulak ang aking noo gamit ang kanyang hintuturo.


"Of course, Herrera, ibang usapan iyong nangyari sa atin."


Napaiwas ako ng mata nang mabanggit niya ang namagitan sa amin. "Uhm, so you date for it?" pagbabalik ko sa paksa.


"Well, you can say that. Kasi kahit gaanong kaiksi o kahaba ang relasyon ay doon nauuwi e. Pag alam ko naman na wala akong mapapala, hindi na ako para magsayang ng oras. But of course, I always make sure that we are both protected and we both wanted it."


"Is there a reason why?" nanunubok kong tanong. Lahat naman kasi ay pinagmumulan. Kahit nga ang mga bully ay may mga pinagdaanan din at dahilan bago nauwi sa pagiging bullies.


Even serial killers were once innocent children. Most of them were survivors of childhood trauma. Hindi rin sa paglalahat, pero karamihan talaga ay may mga pinagmulan at dahilan.


I wanted to understand Hugo better. Naniniwala naman kasi ako na mabuti talaga siyang tao, kaya nga maluwag sa dibdib ko na siya ang daddy ng baby ko.


Napabuga ng hangin si Hugo. Tumingala siya at matagal na tahimik lang bago muling nagpakawala ng buntong-hininga. "You remember the nanny that I was talking about?"


"The one who took care of you when you were a kid?" Naalala ko ito. Naaalala ko rin kung paanong nagbabago ang timpla niya kapag dumadalaw ito sa kanila.


"Lagi akong umaalis sa amin pag dumadalaw iyon."


May bumundol na kaba sa dibdib ko. "W-what did she do to you?"


"She became my nanny when I was in fifth grade. She was nice. Okay naman siya. Until she started doing strange things to me."


"Oh, my God..."


Mapakla siyang tumawa. "Hindi iyon alam ng parents ko, lalo ni Mommy. Hindi ko sinabi kasi malay ko ba kung ano iyong ginagawa sa akin."


Yumuko siya at pinagsalikop ang mga palad.


"Akala ko kasi noon na normal lang iyon. Ang nasa isip ko, hindi naman siguro ako ipagkakatiwala ng parents ko sa taong gagawan ako ng masama, di ba?"


"Hugo..."


"Tuloy-tuloy iyon. Noong una, akala ko okay lang talaga. Katagalan ay nasusuka na ako. Alam ko nang hindi iyon tama. Pero ano bang puwede kong gawin at sabihin?" His voice broke at the last sentence.


Hindi ako nagkomento dahil umiiwas ako na magkamali. I had no idea what Hugo was going through as I'd never been through it. The only thing I could do for him right now was to listen to him as he took the weight off his chest.


"She undressed in front of me, in front of a 10-year-old me, and even ordered me to touch her."


Napasinghap ako. Gumapang ang kilabot at awa sa sistema ko.


"Hindi iisang beses lang. Palaging wala ang parents ko at walang ibang tao sa bahay kundi kami lang. Bago ako pumasok sa school at tuwing uuwi ako, hanggang sa bago ako matulog."


His parents were busy people to take care of him. Ang daddy niya ay negosyante at may ari ng isang construction company sa Manila, bihira na umuwi sa kanila, while his mother, Mrs. Normalyn Aguilar was a public high school teacher.


"Ilang buwan ko ring sinikmura hanggang siguro ay napuno na ako. Naulol ako. Itinulak ko siya sa hagdan at wala akong pinagsabihan. Paguwi nina Daddy noon, galit na galit sila kasi nga muntik na akong makapatay."


Napasabunot siya sa kanyang buhok habang nakayuko.


"Pinagpapaliwanag nila ako, pinag-so-sorry, pero matigas ako. Hindi ako kumikibo. Hindi na rin ako pumapasok sa school. Nawalan ako ng gana mag-aral. Ang gusto ko na lang ay maglaro ng PlayStation sa kuwarto ko."


Sa pagkakaalam ko ay nasa private school siya noong panahong iyon at bigla siyang nahinto sa pag-aaral. Ang sabi ay nagkasakit siya, pero hindi pala iyon totoo. Nang sumunod na school year ay sa public school na siya ini-enroll.


"Parusa sa akin ni Daddy iyong pag-aralin ako sa public. Para daw walang aircon at walang special treatment. Ang hindi niya alam, wrong move siya. Sa public kasi ako tuluyang naging tarantado. Syempre ako iyong mapera doon sa school namin, kaya ang tigas ng mukha ko maging siga. Feel na feel ko maging boss. Sarap sa pakiramdam. Namimigay pa ako noon sa mga minion ko ng pangyosi."


Muli siyang tumawa nang mapakla.


"Ibinalik nila ako sa private noong first year. Iba-ibang private school na lahat isinuka lang din ako. Kahit saan kasi ako mapunta, tarantado ako. Hanggang sa naisip ni Mommy na sa Gov na lang ako, doon sa pinagtuturuan niya para nga naman daw mabantayan niya ako."


Hindi isinumbong ni Hugo kahit kanino ang tunay na dahilan. Walang nakakaalam na ang pagiging bayolente, maligalig at pasaway niyang anak at estudyante, pati ang pagiging siga niya, at pagiging happy-go-lucky ay maskara lang. Ang mga tropa niya at ang paglalayas sa kanila ay paraan niya lang, an escape to forget some bad childhood memories.


Nakakalungkot lang dahil iyong taong dahilan kung bakit siya ganito ay malaya pa ring nakakadalaw sa kanila na akala mo'y walang nangyari noon.


Namayani muli ang katahimikan. Ang maririnig lang ay ang mahihinang pag-tsk niya.


Si Hugo ang naunang nagsalita. Kaswal ang boses niya na para bang hindi iyon nagkaroon ng pagkabasag kanina. "Saan ka pala mag-aaral, Herrera?"


"H-hindi ko pa alam e," sagot ko, even though I was already enrolled in Lyceum.


Hindi ko masabi sa kanya kung saan ako mag-aaral dahil hindi ko na sigurado kung makakapag-aral pa ba ako ngayong taon na ito, dahil na rin sa kalagayan ko.


"Anak ka ng tokwa, Herrera! Bakit naman di mo pa alam? Malapit na pasukan!"


"Uhm, p-pero baka next week, makakapagdesisyon na ako. Ikaw ba? Saka, ano palang course mo?"


"La Salle sa Dasma. Engineering."


"Nice..." mahinang sabi ko habang pasimple siyang pinagmamasdan. I wanted to know if he was really okay now.


"Parents ko lang ang may gusto noong una, hanggang naisip ko na, bakit nga ba hindi? Ayos lang naman sa akin ang Engineering. Mabuti nga na kapag gr-um-aduate ako ay makatulong ako sa construction company ni Daddy."


Tumango ako. I had no doubt that he could do it. Maloko at tamad lang siya pero mabilis naman ang pick up niya. He was also naturally good in Math.


He could have a bright future if he would put his heart on it. Kakayanin niya lalo kung magkakaroon siya ng dahilan para magsumikap sa buhay. Siguro kung malalaman niya na magiging daddy na siya...


"Hugo, what have you been up to these past few weeks?" I asked, making the atmosphere light.


"Tambay."


"Kina Dessy?"


"Nope." Umiling siya. "Hindi na ako pumupunta roon." Tumingin siya sa akin habang hindi mapalis ang ngiti sa mga labi. "Doon ako tumatambay ngayon kina Sussie."


Parang biglang bula na naglaho ang mga balak kong sabihin sa kanya. "Sussie..." naulit ko sa mahinang boses ang pangalan na binigkas niya


"Oo. Close na kami."


Ginapangan ako ng kakaibang pakiramdam. Nagsimulang manlamig ang mga palad ko. "I... thought Sussie has a boyfriend..."


Hugo's broad shoulders rose in a shrug.


"Y-you still like her?"


"Wala na si Arkanghel. Lumayas na. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila, basta ang malinaw lang ay hindi na sila puwede."


Narinig ko ang pagtunog ng mga nakatikom niyang kamao. "You know, Herrera, dapat masaya ako na masosolo ko na si Sussie, di ba? Ang kaso, hindi." Nabura ang ngiti na kanina'y naglalaro sa kanyang mga labi. "Hindi ko kayang magsaya habang nasasaktan siya e."


Mapait akong ngumiti at ibinaling ang mukha sa ibang panig ng plaza, malayo sa paningin niya. Nang hindi niya nakikita ay mariin kong ipinikit ang aking mga mata.


"Herrera, gusto kong sumubok kay Sussie. Okay lang naman, di ba?" tanong niya sa tono na napakababa.


Nangunot naman ang noo ko. Bakit niya ako tinatanong? At bakit ganito ang mga mata niya? Parang may gusto siyang marinig mula sa akin.


Tumayo ako dahil kinakapos na ako ng paghinga sa pagpipigil ng emosyon. Nanatili akong nakayuko kahit nang tumayo na siya. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata kapag sinabi ko na iyong bagay na puwedeng sumira sa mga plano niya.


Nang tumingala ako sa kanya ay hindi na siya sa akin nakatingin, sa kabilang kalsada na katapat ng puwesto namin. May nag-iikot pala na mga tanod.


"Shit!" Bigla niya akong hinila papunta sa mas madilim na parte ng plaza. Iginilid niya ako at tinakpan habang panay ang tingin niya sa mga tanod.


Pero wala akong pakialam sa mga tanod o kahit pa mahuli kami dahil hindi pa tapos ang curfew. Saka lang siya tumingin sa akin nang wala na iyong mga tanod.


"Whews, muntik na tayo. Kung magkataon na nahuli tayo at napagkamalang menor, bagsak tayo nito sa baranggay. Mamomroblema ka na naman. At malamang, mag-alala na naman ulit sa 'yo 'yong pinsan mong hilaw."


What? Why in the world he kept on mentioning Harry? Ano ba ang gusto niyang palabasin?


Ah, right. Gusto niyang idikdik sa akin na may Harry, katulad ng meron siyang Sussie. Sussie na solo niya na ngayon dahil wala na si Arkanghel!


I felt like I was suddenly slapped with the truth that I was nothing compared to that girl. Kasi iyon naman talaga iyong mahal niya. Bakit ba bigla akong umaasta na may karapatan sa kanya dahil lang sa buntis ako? Ang kapal ng mukha ko!


Nagririgodon ang emosyon ko. Pumiksi ako mula sa kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ko. Naglakad ako palabas ng plaza.


"Hoy, Herrera!" Napahabol naman siya sa akin. Nagtataka siya sa biglang pagbabago ng mood ko.


Patuloy ako sa paglalakad palayo. Ano nga bang sinasabi ko kay Hugo? Hindi porke't nasa sinapupunan ko ang dugo't laman niya ay may karapatan na akong pigilan siya sa mga gusto niyang gawin. Wala akong karapatan sa kanya. Wala!


Nahagip ni Hugo ang pulso ko sanhi para mapatigil ako sa paglalakad. Nahinto kami sa ilalim ng liwanag ng lamppost. "Hoy, Herrera! Bakit ba? Ano bang problema?!"


I stared at his handsome face. The expression on his face was so innocent. He had no freakin' idea why I was suddenly like this.


"Ano bang problema?" Ang boses niya ay malumanay pa rin kahit na parang papunta na siya sa pagkapikon. Sino nga ba ang hindi mapipikon sa pabugso-bugso kong emosyon? 


"I... I'm sorry. Siguro inaantok lang ako." Hinila ko ang aking pulso na agad din naman niyang binitiwan. "W-wag mo na lang akong pansinin."


Ang mga mata ni Hugo ay ayaw pa rin akong lubayan, hindi siya naniniwala. "Inaantok? Di ba nakatulog ka kanina? Saka umaga na. Onti na lang, liliwanag na."


"R-right..." Nasa 4:00 AM na nang umaga. "Uh, what's your plan?" Sinikap kong maging formal ang boses kahit gustong-gusto ko nang umiyak dahil pinanghihinaan na ako ng loob.


Namulsa siya sa suot na cargo shorts. "Plano? Ito nga, magtitino na."


"That's good to hear..."


"You know, the thing that I confessed to you earlier, ayaw ko na maaalala iyon. Una't huling beses ko nang babanggitin. Ang mahalaga, sa katagal-tagal kong kinimkim, finally at nailabas ko na rin."


"Wala kang balak isumbong ang nanny mo? Kahit sa parents mo?" Hindi man maparusahan ang dating nag-alaga sa kanya ay kahit man lang sana maging aware ang kanyang mga magulang sa dinanas niya. They deserved to know what happened to their only child.


"Nah." Sumimangot si Hugo. "I told you, okay na iyong may napaglabasan na ako. Ngayon ang gusto ko na lang ay kalimutan lahat."


A long pause.


"I wanna move on, Herrera. Really move on."


Ramdam ko sa pananalita niya ang matinding kagustuhan. I was against his decision for the reason that I wanted his molester to pay for her sin, but what could I do? This was the path that he had chosen. The path that he thought would be best for him.


"Herrera, I wanna fix my life. Gusto ko magtapos ng pag-aaral na walang aberya. Iyong walang inaalalang iba."


Nakangiti na ulit siya pero ako ay hindi makuhang ngumiti.


"Gusto kong makatapos at magkaroon ng magandang trabaho. Gusto ko nang itigil ang pagiging patapon ko. Gusto kong maging matinong tao, iyong hindi pabigat sa lipunan, at iyong may silbi sa mundo. Higit sa lahat, makabawi sa parents ko. Ayaw ko na silang bigyan ng problema."


"I-I believe that you can do all that..."


"Thank you." Then he finally dropped the bomb, "Hindi lang para sa mga magulang ko at sa aking sarili. I also want to be a better person so that I can be worthy of the girl I want to be with."


"It's her, right? Sussie?" May bikig sa lalamunan na tanong ko pero sinikap kong maging kaswal.


Napakurap si Hugo, at pagkuwa'y ngumiti. "Yes. Okay lang naman, di ba?"


I was asking for sign and he didn't just give me a sign— sinabi niya na mismo nang harap-harapan na wala akong aasahan. Na sa pagbabago na gagawin niya at sa pag-aayos niya sa buhay niya ay magiging sagabal lang ako at ang dinadala ko. Ito na ang reaction at plano na hinihintay kong marinig mula sa kanya... ito na...


Bakit umasa ako na baka puwede kami ni Hugo? Dahil lang sa gusto ko na siya at maayos naman ang pagsasama namin, inisip ko na agad na baka puwede kaming dalawa. Oh, God. I had never felt so foolish!


"Herrera, sa ngayon, gusto ko munang ayusin ang buhay ko. I want to be a better person."


Hugo's eyes were full of hope and I was not going to ruin it. Hindi ko kayang humadlang sa mga pangarap niya.


Although what we had was a weird kind of friendship, it was by far the best and most genuine relationship I had ever been. Malaki ang utang ko sa kanya hindi lang dahil sinamahan niya ako sa mga panahong kinailangan ko siya at hindi lang din dahil iniligtas niya ako kay Wayne.


Hugo had taught me a lot of things in life, he gave me new emotions I never thought I'd ever had, and he made me see the world in another light; not just by myself but through his eyes. I could say that it was the most beautiful view that I had ever seen in my life.


And even if our friendship had only been short-lived, Hugo truly made me happy, and the only thing I could do for him was to let him go so he could spread his wings...


Although I badly wanted him, we couldn't be together.Inilang hakbang ko ang pagitan namin ni Hugo at niyakap ko siya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa gulat.


This was the last time... I just wanted to give this to myself. Ito lang naman. Ito na lang...


Narinig ko ang mahina niyang tawa nang makabawi siya sa pagkabigla. "What's this, Herrera?"


"Hugo, you deserve to have a good life. I am rooting for you..."


"Hey, why so serious?"


Hindi ako kumibo. Nakayakap lang ako sa kanya. God, my soul hurts. Today was the last time I would see him. Couldn't we stay like this for a little bit more?


Naramdaman ko ang maingat na paganti niya ng yakap sa akin. "Why does it feels like I'll never see you again?"


Lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi naman siya pumalag o nagreklamo, sa halip ay hinigpitan niya rin ang pagkakayakap sa akin.


Papaliwanag na sa paligid nang marahang itulak ko siya. I had to while I still could let him go.


Nakangiti ako habang nakatingala sa kanya. "Uuwi na ako, Hugo. Baka hinahanap na ako sa amin."


"Ihahatid kita."


"Hindi na, Hugo. Malapit lang naman ang Pascam dito. Mag-ji-jeep na lang ako."


Magsasalita pa siya nang unahan ko na.


"Umuwi ka na rin dahil baka hinahanap ka na sa inyo. Remember, magbabagong buhay ka na, di ba? Kailangan nasa inyo ka paggising ng parents mo."


"Sigurado ka di ka talaga pahahatid?"


"Yes." Naglakad na ako papunta sa sakayan. Madilim pa pero may iilang mga tao na. Mga papasok sa trabaho.


May nakaparadang jeep sa gilid na iilan lang ang sakay. Ang plaka ay SM Pala-Pala, deretso iyong dadaan sa sakayan ng bus pa-Tagaytay. Hindi maghihinala si Hugo dahil dadaan din iyon muna ng Pascam.


Pasakay na ako nang tawagin ako ni Hugo. "Herrera!"


Napatigil ako sa paghakbang at parang may humawak sa puso ko. Bigla akong umasa na naman. I waited for whatever he had to say...


But then, he only said words that were no different from 'goodbye'


"Thank you, Jill, for everything."


Tumango ako pero hindi na siya nilingon. I got into the jeep and that was when the tears I had been trying to hold back started falling.


As if fate was playing tricks on me; the song that was currently playing inside the jeepney was the same song that I heard Hugo sing before. Iyon ang unang beses ko siyang narinig kumanta. Doon ko rin nalaman na maganda pala ang boses niya.


The calmness in your face

That I see through the night

The warmth of your light is pressing unto us

You didn't ask me why

I never would have known

Oblivion is falling down

And I do reside in your light

Put out the fire with me and find

Yeah, you'll lose the side of your circles

That's what I'll do if we say goodbye

♫ ♬


Nakayuko ako sa dulo ng jeep habang tumutulo ang mga luha. 'The Day You Said Goodnight' by the band, Hale, the song that I think would forever be etched in my heart.


Hanggang sa matapos ang kanta at lumampas na sa Pascam ang sinasakyan ko, hindi pa rin matapos ang mga luha ko. Hinahampas ko na ang dibdib ko dahil nagsisikip ang aking paghinga.


Oh, God! It was so painful. Mahal ko si Hugo. Mahal na mahal ko siya. Paano ko siya kakalimutan? Ang sakit-sakit, para akong mamamatay.


My tears flowed in the cold air when I transferred to the bus going to Tagaytay. Tuluyan nang maliwanag sa labas. Umaga na. Bagong umaga para sa bagong buhay na tatahakin kong mag-isa.


Napahawak ako sa impis kong sikmura, hindi pala ako nag-iisa. Meron akong makakasama. Ang humihikbi kong mga labi ay ginuhitan ng maliit na ngiti. Although I could no longer be by Hugo's side, I could still be with his child.


Magiging matatag ako at pipilitin kong maging masaya. Kaya ko ito dahil hindi ako nag-iisa. Wala na siya sa buhay ko pero nasa akin ang bunga naming dalawa...


"I just hope you would have a bright future and be truly happy, too. Hindi sana masayang ang pagsasakripisyo ko.


Goodbye and farewell, soon-to-be Engineer Hugo Emmanuel Aguilar...


Live the best life and may we not see each other...


...ever again.


JF


#TroublemakerbyJFstories

#JFstoriesTroublemaker29

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top