Chapter 28
"HE RAPED YOU."
Napahumindig ako.
"He drugged you and then raped you." May nginig at pait na sa boses ni Kuya Jordan. Naririnig ko rin ngayon ang paglagutukan ng kamao niya. "Please tell kuya, Jill. Is it true?"
Mahapdi ang lalamunan sa pagpipigil ng iyak na nagsalita ako, "N-no..."
"I will believe you. Whatever you will say, I will believe it. But please know that you can be honest with me."
Napayuko ako. Wayne didn't succeed, but it didn't mean that I was still pure. Wala na ang bagay na iniingatan ko. Naibigay ko na kay Hugo...
"I won't tell our parents about this. Pero alam mo na malalaman din nila dahil nasa presinto sila ngayon." Nang lumundo ulit ang kama ay naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Kuya Jordan. Hindi siya dumikit sa akin o kahit lumapit. Nasa kabilang gilid lang siya nakahiga. "For now, dito muna ako matutulog sa tabi mo." Pagkatapos ay hindi ko na siya narinig pa na nagsalita.
...
MAGULO SA AMIN KINABUKASAN. May mga pulis na pumunta, pumunta rin ang daddy ni Wayne, nakikiusap pero hindi hinarap nina Mommy at Daddy. Nangyari na ang kinatatakutan ko. My parents had already filed an attempted rape case against Wayne in addition to his other charges. They had no intention of withdrawing the lawsuit.
Sobrang gulo. Ang gulo-gulo! Parang masisira ang ulo ko! Buong araw ay nasa kuwarto lang ako. Hindi ako lumalabas o nakikipagusap kahit kanino. Dumating si Harry at kinukumusta ako pero hindi ko hinarap. Hanggang sa sala lang ang lalaki. Hindi siya umalis hanggang gabi.
I heard from Kuya Jordan na magkasama sila ni Harry sa pagpunta sa presinto. Hindi ko alam kung paano sila nagkita. Siguro nabasa ni Kuya Jordan ang mga text message ko kay Harry kagabi. Malamang din na nabasa na ni Harry ang mga text message ko sa kanya.
Umalis ako mula sa pagkakatalukbong ng kumot. Nanginginig ang kamay na inabot ko ang aking phone sa bedside table. Ichinarge iyon ni Kuya Jordan kanina. Basag ang screen at malabo na ang nasa loob bagamat matatiyaga pa. Nang bahagyang kumalma na ako, binuksan ko ang aking phone. Sa inbox ako nagpunta. Sa kauna-unahan ay nakita ko ang convo na naganap kahapon nang madaling araw.
Me to Harry: ( 5:00 AM )
She's safe. She's with our parents.
Si Kuya Jordan ito. Sinagot niya ang huling text message ni Harry gamit ang phone ko.
Harry: ( 5:02 AM )
Alright, bro. I'm with this guy named Hugo. Met him in Buenavista a while ago. Siya naghatid kay Jill sa inyo. Pagdating ko kababalik niya lang. Umangkas na ako sa motor niya hanggang presinto.
Napaigtad ako sa nabasa. Namamalik-mata lang ba ako? Nandoon pa rin ang text message ni Harry kahit ilang beses na akong kumurap. He really did meet with Hugo!
Sumunod na text ni Kuya Jordan ay natagalan na dahil nag-da-drive siya.
Me: ( 5:10 AM )
On the way.
Nag-scroll up ako ng mga unang messages ni Harry. Around 2:00 AM niya na nabasa ang mga text messages ko sa kanya.
Harry: ( 2:15 AM )
Jill, what's happening? I'm sorry, I was searching on the net and I forgot that my phone was silent. I'm OTW to the address you sent. Mom hid the car key and no Grab driver is accepting my booking kaya commute lang ako. But don't worry, bibilisan kong makarating. Just please be sure to be safe until then.
Harry: ( 3:02 AM )
Jillian, I'm callingg y)ou. Why is your phone off?! A re yu okay!) What's ghappening th ere? Reply.
Harry: ( 3:10 AM )
Iz'm calling you. Answr please.
Gulo-gulo na ang spelling niya sa ibang text message dahil siguro sa pagkataranta at pag-aalala.
Harry: ( 3:20 AM )
Jill, can't find the place. But Im in the area already.a Ang gulo ng house numberdito. Please if you read this, call me!
Harry: ( 3:35 AM )
Damn! I'm worried sick! I'm calling your parents!
May reply na mula sa phone ko. It was Kuya Jordan.
Me:
Harry, this is Jordan. Where are you?
Wala nang kasunod dahil tumawag na si Harry sa phone ko.
Sinunod kong tiningnan ang text convo namin ni Hugo dahil malamang na binasa rin ito ni Kuya Jordan. Tama ako, binasa lahat ni Kuya Jordan. May palitan din sila ng messages.
Me:
This is Jillian's older brother. Pick up my call.
Aguilar:
Maya. Nasa kalsada pa ko.
Sumunod na message.
Aguilar:
Ge. Tawag na.
The convo ended there. They talked through the call.
Tatlong mahihinang katok ang nagpalingon sa akin sa pinto. 11:00 PM na ang oras. Hindi ako sumagot at hinintay lang kung sino ito kina Kuya Jordan, Mommy o Daddy. Hinintay ko kung sino ang papasok pero walang nagbukas ng pinto.
Sa halip ay isang boses na hindi kay Kuya Jordan, Mommy o Daddy ang narinig ko. "Jill..."
He came back. Kahit hindi ko siya hinarap buong araw kahapon habang nandito siya, bumalik siya ngayon.
"I'm sorry." His weak voice cracked. "I didn't know that you're going to call. My phone was on silent the whole day. Hindi ko ginagamit kasi wala naman akong kinakausap. Hindi ko alam na may mangyayari. But the moment I've read your text, umalis agad ako sa amin. Tumakas lang ako, wala akong dalang kotse kaya nag-commute lang ako mula Tagaytay to Buenavista. Pagdating ko sa address na binigay mo, wala ka na. I'm sorry. I'm so sorry, I was late."
Hindi pa rin ako kumikibo. Walang kasalanan si Harry, hindi ko siya sinisisi, kaya lang ay hindi ko siya kayang makausap. Hindi ko pa kayang makipagusap kahit kanino.
"Jill, I'm sorry. It's fine if you won't forgive me. Yes, don't forgive me. Wala ako sa panahong kailangang-kailangan mo. I don't deserve your forgiveness..."
...
PALIPAT NA KAMI. Isang linggo bago kami lumipat sa Tagaytay. Hindi ko na ulit binuksan pa ang aking phone. I wondered if Hugo had texted me.
Nang gabi na inihatid niya ako ay hindi pala siya dumeretso uwi. Pagod at inaantok na siya pero sinamahan niya pa si Harry at Kuya Jordan sa presinto.
"Jillian..." Pumasok si Mommy sa kuwarto ko at tumabi sa akin. Niyakap niya ako. "Baby..."
Humarap ako sa kanya at gumanti ng yakap. "Mommy, I'm sorry for everything. For being not a good daughter. Binigay niyo sa akin lahat, mahal niyo ako pero hind ako nagtiwala sa inyo."
Umiling siya at tinuyo ang luha ko sa pisngi gamit ang kanyang daliri. "Nagawa mo iyon kasi nararamdaman mo na hindi mo kami mapagkakatiwalaan. Natatakot ka sa magiging reaksyon namin, kung magagalit kami o masasaktan. Hindi sapat na mahal ka lang namin pero hindi ka namin naiintindihan."
Napahikbi ako.
"But it's not too late for us, right? We can start anew. Baby, I want to reconnect with you."
"Mommy..." iyak ko. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging bata.
"Promise me," umiiyak na rin siya habang nakangiti sa akin. "Promise Mommy na magiging open ka ulit sa akin at sa daddy mo. Gaano man kaliit na bagay, kahit sa tingin mo na masasaktan kami, wag ka nang maglilihim. Pangako rin na kahit ano pa 'yan, sisikapin naming unawain."
Hinagkan ako ni Mommy sa noo. Magkatabi kaming natulog sa kama ko. Naalimpungatan ako nang sumilip si Daddy at maingat na pumasok sa pinto. Inayos niya ang kumot namin ni Mommy at pagkuwa'y lumabas na siya ulit.
Dumilat ako nang patay na ang ilaw. Natutulog na si Mommy sa tabi. Payapa na ang kanyang paghinga. Pagod na siya sa mga problema kaya pangako na ito na ang huli. Hindi ko na siya sasaktan pa. Paglipat namin sa Tagaytay ay magsisimula kami ng bagong buhay. Magiging mabuti na ulit ako na anak sa kanila ni Daddy.
...
NEW HOUSE AND NEW LIFE. We were finally here in Tagaytay.
Mahigit isang buwan na mula nang makalipat kami rito. Hindi pa tapos ang bahay namin pero puwede nang tirahan. Saka na raw ipapaayos ni Daddy, ang importante ay nakalipat na kami.
Hindi na kami bumalik pa sa General Trias. Titigil na rin si Mommy sa pagtuturo at mananatili na lang sa bahay. Si Daddy naman ay busy sa pag-aasikaso ng kaso na isinampa kay Wayne. Ongoing pa rin ang hearing.
Pumasok si Mommy sa kuwarto. May pag-aalala sa mukha niya. "Harry is in the living room..."
Again? Araw-araw mula nang lumipat kami ay pumupunta si Harry dito. Hindi pa kami nagkakausap dahil mula sa pag-alis namin sa Pascam ay hindi ko pa siya hinaharap. Hindi pa rin siya napapagod sa pagpunta at pagbabaka sakali na haharapin ko siya.
"Jillian, okay lang naman na pumunta rito si Harry. All I'm worried about is your Tita Eva's reaction."
Iyon din ang inaalala ko. Parang balewala na kasi ngayon kay Harry kahit pa magalit si Tita Eva.
Tumayo ako. "My, I'll talk to him."
Lumabas na ako ng kuwarto. Simpleng t-shirt na baby pink at jogging pants lang ang suot ko. Hindi pa ako naliligo dahil tinatamad ako. Ni magsuklay ay hindi ako nagsuklay. Dati-rati'y kahit nasa bahay lang ay ayaw ko na magulo ang aking buhok, pero ngayon ay wala akong pakialam. Hindi ko rin maintindihan kung bakit basta na lang na wala akong gana na mag-ayos.
Pagbaba ko sa sala ay napatayo agad mula sa pagkakaupo sa sofa si Harry. "Jill."
White polo shirt at jeans ang suot niya. Nakamedyas lang na kulay puti dahil iniwan ang sapatos sa may pinto. Maaliwalas ang guwapong at maamong mukha, may clear classes na suot sa mata at ang tanging accessory ay relong pambisig. May dala siyang mga prutas at box ng buko pie na nasa center table.
"How are you, Jill?"
"I'm good."
"Jill, I'm sorry—"
"Ano 'yang dala mo?" putol ko sa pagsasalita niya. Para ibaling sa iba ang pagka, maingat na binuksan ko na lang ang kahon ng buko pie na dala niya. "This is my favorite..."
A smile drew on Harry's red lips. "Yeah. Kaya iyan talaga ang dinala ko."
Napangiti rin ako. Sa madalas na pagpunta niya rito ay may dala siyang ganito. Hindi ko naman kinakain dahil mas natatakam ako sa cassava cake nitong nakaraan. Panay ang pabili ko ng cassava cake kay Kuya Jordan. Minsan naman ay umo-order ako sa online.
"You're gaining weight..." usal niya na hindi sinasadya. Natigilan din siya at napahawak sa kanyang bibig. "I'm sorry, it's just that..."
Umiling ako. "It's okay. It's true anyway." Nananaba nga ako. "Siguro kasi hiyang ako rito sa Tagaytay at dahil malakas akong kumain lately." Masarap din magtutulog maghapon dahil maganda ang klima rito.
"Kailan ka mag-e-enroll? Tuloy ka ba sa La Salle, Dasma?"
"Bukas. Sa Lyceum ako papasok. Kainin na natin ito?" Dinala ko ang box ng buko pie sa kusina. Ang balak ko ay kakain kami at pagkatapos ay kakausapin ko na siya nang masinsinan tungkol sa sitwasyon. Ayaw ko na magkagulo na naman kapag nalaman ni Tita Eva ang pagpunta-punta niya.
I also wanted Harry to know that he had nothing to worry about. He was not responsible for what happened because he had no obligation to me. Okay na rin naman na ako ngayon kaya wala na siya talagang dapat ipag-alala. Puwedeng hindi na siya rito pumunta pa.
Kung inaalala naman niya ang tungkol sa aming dalawa, wala na iyon. Tapos na. We were really over and I had no feelings for him anymore.
May ibang tao nang may hawak ngayon sa puso ko. Pero hanggang doon na lang iyon. I had other bigger priorities that were more important than my own feelings.
Pumasok sa kusina si Kuya Jordan. Binati siya ni Harry pero nakapagtataka na hindi niya ito pinansin. Sa akin siya masusing nakatingin. It was as if Kuya Jordan was thinking deeply about something. He was being weird these past few days and I had no idea what had gotten into him.
Nailang ako sa tingin ni Kuya Jordan kaya nag-focus na lang ako sa kahon ng buko pie. Binuksan ko iyon at inilabas kasama ang kinapapatungang paper plate sa loob. Nang mailabas ko ay nalanghap ko ang amoy ng buko. I frowned. I suddenly didn't like the smell of the pie.
Kumuha naman si Harry ng platito, tinidor at kutsilyo. "Here." Inabot niya sa akin ang kutsilyo.
Tinanggap ko pa rin at nagsimula ko na iyong hatiin. Hindi ko talaga gusto ang amoy. It was surprising because buko pie was my favorite and I used to love its aroma.
Nilagyan ko ang platito ni Harry at ang sa akin. I also gave Kuya Jordan a slice but he didn't accept it. Naupo lang siya sa upuan at nakatingin pa rin sa akin. Parang pinagmamatyagan ang mga kilos ko.
Tinikman ko ang buko pie kasi baka papanis na pala kaya ganoon ang amoy. Nasa bibig ko na ang pie nang bigla akong makaramdam ng pagkasuka. Para akong nakakain ng hindi magandang pagkain. Natutop ko ang aking bibig.
"Jill, are you okay?" nag-alalang tanong ni Harry.
Hindi ko na siya nasagot. Nanakbo ako sa lababo at doon ko iniluwa ang buko pie. Kahit nailuwa ko na ay nalalasahan ko pa rin. Parang bumabaliktad ang sikmura ko sa pagkasuka. Nagduduwal ako sa lababo pero wala namang lumalabas mula sa aking bibig.
Nasa likod ko na si Harry at hinahagod niya ang likod ko. "Jill, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?"
Naghilamos ako sa gripo. "I'm sorry. S-sa kuwarto muna ako..."
I suddenly felt sick. Nawalan ako ng gana. Nanghihina ako. Gusto kong mahiga sa kama. May pagtutol man sa mga mata ni Harry ay mas nanaig ang pag-aalala niya.
Nang dumaan ako sa kinauupuan ni Kuya Jordan ay nakayuko lang ang kapatid ko. Parang nag-iisip na naman. Hindi man lang siya nag-alala. Ni hindi niya ako tinanong kung ano ang aking nararamdaman.
My stomach was grumbling again, but I didn't want to eat anything. The buko pie ruined my appetite. Nahihilo rin ako ngayon. Oh, God! What was happening to me?
Mabuti at nakaidlip ako. Nang magising ay maayos-ayos na ang aking pakiramdam. Hindi na ako nahihilo kaya lang ay doble na ang gutom na nararamdaman. Gusto ko na naman ng cassava cake.
Gusto ko rin pala ng tinolang manok, ginataang hipon at escabeche. Wait, ano bang ulam namin sa dinner?
Pagtingin ko sa oras ay 7:00 PM na. Hindi ko na natulungan si Mommy mag-prepare ng dinner! Bakit ba kasi ang tagal kong nakatulog? Ang sabi ko ay iidlip lang dapat ako. Papasok ako sa banyo ng sarili kong kuwarto nang bumukas ang pinto.
I was surprised to see Kuya Jordan. "Kuya..."
He took something out of the pocket of his drawstring pants. "Please use this, Jillian."
My lips parted when I looked at the small rectangular box he was handing me. Pinanlamigan ako ng katawan.
"Come on," malumanay ang tono niya. Kinuha niya ang kamay ko at maingat na inilagay roon ang maliit na parihabang kahon.
Kumabog nang matindi ang dibdib ko. Bumalik sa akin ang mga pangyayari nitong nakaraang dalawang linggo. Ang daming nagbago sa akin. Ang dami kong ginagawa na hindi ko naman ginagawa noon. Ang mga bagay na iyon ay mga senyales na pero hindi ko man lang nahalata.
Takot na napahawak ako sa laylayan ng shirt ni Kuya Jordan. "K-Kuya..."
"It's okay." Hinagkan niya ako sa noo. "Hindi ako aalis. I will wait for you here." Inihatid niya ako sa tapat ng banyo.
Pagpasok ko sa loob ay ginawa ko ang utos ni Kuya Jordan. Titig na titig ako sa bagay na laman ng maliit na parihabang kahon. Kahit malamig ang ay butil-butil ang pawis sa aking noo sa paghihintay ng resulta. Hanggang sa luminaw na ang sagot sa tanong... TWO LINES.
"Oh, God..." nanghihinang sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha. "I'm going to be a mom..."
PREGNANT AT THE AGE OF 19.
It had taken me thirty minutes in the bathroom to put my scattered thoughts together. I was confused, nervous, and scared for the reason that I was not ready for this. Magiging mommy na ako at natatakot ako. Hindi ko alam kung paano ito, kung ano rin ang mangyayari sa buhay ko dahil dito. People would surely judge me, they would also judge my parents, and maybe even the innocent life in my womb.
I was scared yet a part of me seemed to be thrilled. Life was beginning to sprout inside my body and it was just surreal.
Bagaman hindi ito sinadya ay nandito na. I knew it would not be easy, I knew that starting from now, life would be very hard, and I would go through a lot, but there was no other option but to embrace my situation with an open heart.
"Jillian..." Kumatok si Kuya Jordan mula sa labas ng banyo.
Binuksan ko ang pinto at luhaan akong tumingala sa kanya. "Kuya, I'm sorry..."
Napayuko siya at napahilot sa sentido. Nagtagis ang mga ngipin niya. Nakita ko kung paano manginig ang balikat niya pero walang maririnig mula sa kanya. I hugged my brother and that was when I heard his suppressed weak sobs. I cried even more because I knew that I hurt him.
"I'm sorry, Kuya Jordan. I'm sorry nabigo ko kayong lahat. Patawarin niyo ako dahil hindi ako naging mabuting kapatid at anak..."
Nang kumalas siya ay nakita ko ang pamumula ng mga mata niya sa luha. Maging ang dulo ng matangos niyang ilong ay pinamumulahan. "Just tell me when you're ready, sasamahan kitang magsabi kina Mommy at Daddy."
Crying, I nodded. "Thank you, Kuya..."
"But, Jillian..."
Natigilan ako nang maramdaman ang biglang paglamig ng boses niya. Luhaan ang mga mata ko na napatingin sa kanya.
"The father of that child," mahinang sabi niya pero ang ekspresyon ay tumigas. "He doesn't need to know."
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top