Chapter 22

SHOULD I TELL MY PARENTS ABOUT THE THREATS?


Natatakot ako sa banta kung magsusumbong ako. I knew it was Wayne, pero paano ko mapapatunayan na siya nga ang sender ng mga messages?


Hindi nakulong si Wayne dahil minor pa raw siya. Seventeen pa lang siya last year. Inako rin ng mga tropa niya ang tungkol sa issue sa illegal drugs. Ang tungkol naman sa drug test ay hindi nangyari dahil itinakas agad siya ng parents niya. Ganoon kabulok ang sistema, kaya ano lang ba ang mga text at calls? Mas madali iyong malulusutan ni Wayne.


Sumakit na lang ang ulo nina Mommy at Daddy, pero hindi pa rin mapahanap si Wayne. Hindi rin nakikipag-cooperate ang pamilya niya. Ang gusto lang ng mga ito ay tumanggap kami ng pera bilang danyos perwisyo sa ginawang pagsaksak kay Kuya Jordan. But of course, hindi namin tinanggap.


Ang dami-dami pang ibang problema nina Mommy at Daddy para dagdagan ko pa. Hanggang ngayon kasi ay may kaunting tampuhan pa rin sina Mommy at Tita Eva tungkol sa hatian ng lupa. May mga problema pa rin sa mga kamaganak nila sa Pascam. Ayaw ko na makadagdag pa.


Si Kuya Jordan naman ay busy sa paghahati sa oras niya sa school at sa girlfriend niyang si Carlyn. Kaya sinasarili ko na lang muna ang threats. Kahit si Harry ay wala pang alam tungkol doon.


Nang huli kaming magkasama ni Harry last weekend ay umalis din siya agad. Napansin niya kasi na wala talaga ako sa mood. Nakonsensiya naman ako dahil kahit malayo ay dumaan pa talaga siya sa amin para makita ako pero hindi ko man lang siya naharap nang matino.


Pagkatapos ng huling pagkikita namin ni Harry ay siya naman itong parang biglang naging malabo. Sa tingin ko ay may problema rin si Harry na hindi niya makayang sabihin sa akin.


Ang dami-dami kong iniisip kaya tuloy nadala ko hanggang sa school ang maalinsangang mood ko. Kahit si Carlyn na walang ginagawa ay natingnan ko nang masama.


Nakasalubong ko rin si Hugo sa daan pero hindi naman siya sa akin nakatingin. Doon nakatuon ang mga mata niya sa magkapareha na masayang nag-uusap sa bench. Napakunot ang noo ko dahil ang magkapareha ay si Sussie at isang lalaki na tagakabilang section.


Pagbalik ko ng tingin kay Hugo ay madilim ang mata niya. Tumalikod siya at lumakad paalis. May bumubulong sa akin na sundan siya pero hindi ko ginawa. Masyado akong maraming iniisip para idagdag ko pa sa aking inaalala ang problema niya.


Right, kaya niya na iyan. Kagaya ng kaya ko na rin ang problema ko.


Nang mapatingin sa akin si Hugo ay matipid ko siyang nginitian. Sa isip ko ay sinasabi sa kanya, Hugo, magkanya-kanya na muna tayo...


...


BANDANG 7:00 PM, naghahanda ako ng dinner namin nang may mag-doorbell. Nagmamadali akong nagpunas ng kamay para pagbuksan ito. May sariling susi si Kuya Jordan at saka mamaya pa ito uuwi kaya isang tao ang pumasok sa isip ko na dumating—si Harry.


Narinig ko na ang pagbukas ng gate kaya pumasok na ang dumating sa bakuran namin. Pagpihit ko ng doorknob ay binuksan ko agad ang pinto. Nang aking makita kung sino ang dumating ay natigilan ako. "T-Tita Eva..."


"Where's your mother?" Formal ang mukha ng ginang na basta ako nilampasan.


Galing sa kusina si Daddy na bumati sa dumating, "Eva, napadaan ka."


"Si Ethel?" Walang kangiti-ngiti si Tita Eva. "Gusto kong makausap si Ethel."


"Si Ate Eva ba 'yan?" Sumilip sa may pinto ng kuwarto si Mommy. Nagliwanag ang mukha nang makita ang nakatatandang kapatid. "Ate, bakit napadaan ka?"


"Kailangan nating mag-usap, Ethel!"


Nagulat si Mommy. Maging si Daddy ay binadha ng pagtataka ang mukha.


Tumingin muna sa akin si Tita Eva bago magsalita. "Wala ka ba talagang alam?!"


Napalunok ako kasabay nang pagapang sa akin ng kaba. Unti-unti ay napagtatagni-tagni ko kung ano ang nangyayari. At kung bakit nitong nakaraan ay parang balisa si Harry.


Nakapasok na rin sa sala si Tito Harold. Kinakalma nito ang asawa sa pamamagitan ng paghagod nito sa likod. "Eva, huminahon ka muna. Mag-usap kayo nang maayos magkapatid. Hindi pa naman natin alam ang buong kuwento."


"Anong buong kuwento?" mataas ang tono na gagad ni Tita Eva. "Wala akong pakialam sa buong kuwento, dahil ano pa iyon, hindi naman mababago na may relasyon ang magpinsan!"


Napahawak sa dibdib si Mommy. "Ano, Ate Eva?!"


"Ethel, may relasyon si Harry at si Jillian!"


Bumaling sa akin ang nagtatanong na mga mata ni Mommy. "Jill?"


Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko ay nalunok ko ang aking dila. Nanubig lang ang mga mata ko habang pakiramdam ko'y kinakapos ako ng paghinga.


"Jill, baby, what's this? Tell your Tita Eva that this isn't true. Na nagkamali lang ang tita mo." Nag-panic na si Mommy nang sandaling mapaisip. May kung ano siyang naalala na dahilan ng kanyang reaksyon. Parang alam na rin niya sa sarili ang totoo pero hindi niya matanggap. "Oh, no. This isn't true..."


"Sana nga nagkamali lang ako." Inilabas ni Tita Eva ang phone niya at inabot kay Mommy. "Watch the video, Ethel. Kuha 'yan sa dashcam ng kotse ni Harold."


Ayaw pang tanggapin ni Mommy kung hindi lang ipinagduldulan sa kanya ni Tita Eva. Ito na irn mismo ang nag-tap ng play sa screen ng phone. Napaatras siya nang mag-play ang video kung saan kitang-kita na nakahawak sa bewang ko si Harry. Ito iyong nang hapon na nasa labas kami at muntik na akong matumba. Sa dulo ng video ay hinalikan ako ni Harry sa labi.


Nanginig ang katawan ko. Nasa tapat namin ang sasakyan ni Tito Harold noon. Hindi ko alam na may dashcam. Hindi ko naisip. Hindi rin naisip ni Harry.


Bumagsak na ang mga luha ni Mommy. "J-Jillian..."


Napahikbi ako. "I...I'm sorry..."


"Alam mo na magpinsan kayo," malungkot na malungkot ang boses ni Mommy. "Bakit nauwi kayo ni Harry sa ganito? Did he force you or something?"


"Harry would never do something like that!" sabat ni Tita Eva. "May girlfriend si Harry at okay sila. All of a sudden, Harry broke up with his girlfriend, Cookie, and decided to spend his vacation here. Doon na nagsimula, nagbago na ang anak ko!"


Napamulagat naman si Mommy sa sinabi ng nakatatandang kapatid. "Are you saying that this is my daughter's fault?"


"Kahit noon pa, napapansin ko na palaging tumitingin si Jillian kay Harry. Kinabahan na ako noon pa e, kaya nga sinabihan ko sila na itigil na ang masyadong pagiging close kasi hindi magandang tingnan. Lumalaki na sila at hindi na mga bata, hindi na magandang tingnan na masyadong close ang babae at lalaki. Lalo pa't alam naman natin na hindi sila tunay na magkadugo."


Napayuko ako dahil tumatagos sa akin ang mga sinasabi ni Tita Eva.


"Akala ko okay na dahil hindi na sila gaanong nagkakasama. Saka nakalipat na kami sa Tagaytay. Akala ko talaga okay na dahil minsan na lang magkita. Pero Ethel, pag nagkikita sila, palagi ko silang nahuhuli na sumusulyap sa isa't isa. Hindi simpleng sulyap na walang malisya. Dumaan din ako sa pagkabata kaya alam ko kung ano ang tingin na may gusto at wala!"


Humulagpos na ang emosyon ni Mommy. Napapataas na rin ang boses niya, "Pero sa lagay, Ate, ay parang isinisisi mo sa anak ko!"


"Ang manok ay hindi susugod kung walang palay. Hindi maglalakas loob ang anak ko kung hindi siya pinakitaan ng dahilan."


"Ate, babae ang anak ko. Hindi 'yan magpapakita ng dahilan kung hindi rin pinakitaan ng motibo!"


Bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok si Harry. Nakasuot pa ng uniform na pang La Salle pero tabingi na ang ID at bukas ang ilang piraso ng butones sa polo. Pawisan ang makinis na pisngi, maging ang bridge ng matangos niyang ilong. Napatingin ang lahat sa kanya.


Nang makita niya akong umiiyak ay ganoon na lang ang paguhit ng sakit sa mga mata niya. "Mommy, please stop. Don't blame Jillian."


Tumalim ang mga mata ni Tita Eva. "Dumeretso ka talaga rito kahit pinagsabihan na kita!"


"Please, Mommy. Tigilan niyo si Jillian. Wala siyang kasalanan."


Humakbang si Tita Eva patungo kay Harry at sinampal niya ito sa harapan naming lahat.


Gilalas ang lahat. Lalo sina Mommy at Daddy dahil hindi kailanman nanakit si Tita Eva. Matapang lang ito pero hindi ito bayolenteng tao. Mahal na mahal nito si Harry kahit pa sabihing hindi naman nito tunay na anak ang lalaki. Ngayon lang ang unang pagkakataon na nagawa nito ang bagay na iyon.


Gusto kong pumagitna sa kanila dahil naaawa ako kay Harry kaya lang ay para akong itinamin dito sa aking kinatatayuan. Hindi ako makakilos.


Yumuko si Harry at mahinahon pa ring nakiusap. "Please, ako na lang ang sisihin mo, Mommy. Wag si Jillian. Please..."


"Sinasabi mo bang ikaw ang may kasalanan at hindi siya?!" gimbal na bulalas ni Tita Eva. Nanginginig na ang buong katawan nito sa tindi ng emosyon.


"Oo ako. I'm sorry."


"Harry..." gulat na sambit ko.


"Ako ang nag-umpisa na magpakita ng motibo dahil matagal ko na siyang gusto. Umiiwas siya sa akin pero hindi ko siya sinukuan. Ako talaga ang may kasalanan. My, I'm sorry. Daddy, I'm sorry. Tita Ethel and Tito Josh, I'm sorry. Sorry sa inyong lahat dahil hindi ko sinasadya pero mahal ko si Jillian. Matagal ko nang mahal si Jillian."


Muli siyang sinampal ni Tita Eva. "How dare you?!"


"Eva..." Hinawakan ni Tito Harold si Tita Eva sa braso pero tinabig nito iyon.


Hinarap ni Tita Eva si Harry. "Harry, kahit hindi tayo magkadugo, anak na kita. Ako na halos ang nagpalaki sa 'yo. Dito ka na sa pamilyang ito mula nang magpakasal kami ng ama mo. Baliktarin man ng ilang ulit ang mundo, hindi magandang pakinggan at tingnan ang relasyon niyo! Habangbuhay na itong magiging dungis sa pamila natin!"


Humihingal na napahawak si Mommy sa sariling dibdib.


"And you, Jillian." Hinarap ako ni Tita Eva habang ang mga mata niya ay puno ng pait. "You disappointed me. Isang pamilya tayo pero sinira niyo iyon dahil lang sa pagiging mapusok niyo!"


Inawat siya ni Harry. "Mommy, please..."


Tinabig naman siya ni Tita Eva. "Wag mo akong matawag-tawag na 'mommy', dahil nang taluhin mo ang anak ng kapatid ko ay parang kinalimutan mo na ring ina mo ako! Hindi mo man lang naisip na si Jillian ay anak ng kapatid! Sa ginawa mong ito, sinira mo ang samahan naming magkapatid!"


Parang piniga ang puso ko dahil alam kong totoo ang naririnig ko. Sinira ko naman talaga ang pagiging magkapatid nila ni Mommy. Dahil mapusok ako. Dahil nagpadala ako sa nararamdaman.


"Kung ano man ang relasyon niyo, tapusin niyo na ngayon pa lang!" Tiningnan ni Tita Eva si Mommy na tahimik na umiiyak. "Rendahan mo ang anak mo, Ethel. Kapag nalaman ko na tuloy pa rin ang relasyon nila, palalayasin ko si Harry sa amin. Itatakwil ko na siya kahit masira pa ang pagsasama namin ng ama niya! Kilala mo ako, hindi ako nagbibiro!"


Nang lumabas na si Tita Eva sa pinto ay humingi ng pasensiya si Tito Harold kina Mommy at Daddy. Ni hindi ito tumingin man lang sa akin bago sumunod sa asawa.


Si Harry ay yumuko sa harapan nina Mommy at Daddy. "Patawarin niyo ako, Tita, Tito..."


Hindi siya kinibo ng mga ito. Si Daddy ay seryoso ang ekspresyon habang si Mommy ay umiiwas ng tingin kay Harry.


Nang mag-angat siya ng mukha si Harry ay malamlam ang mga mata niya na tumingin sa akin. "Jillian..."


"Sumunod ka na sa mga magulang mo," mababa ang walang emosyon tono ni Daddy.


Malungkot na ngumiti sa akin si Harry. "I'm sorry." Pagkasabi'y marahan na siyang lumakad patungo sa pinto.


Pumatak ang mga luha ko kasabay nang pagpinid ng pinto. Nakagat ko ang aking ibabang labi sa pagpipigil ng damdamin. Alam ko kasi na ito na ang huling beses na makikita ko si Harry. O posibleng magkita pa kami ulit pero hindi na kami pero kung kailan ay walang makakapagsabi. 


Si Daddy ay nagpasintabi para bigyan kami ni Mommy ng space. Nang maiwan kami ni Mommy sa sala ay bumilang pa ang ilang minuto bago ko narinig ang boses ni Mommy. "I want to hear it from you."


Umupo si Mommy sa sofa habang hilam sa luha ang mga mata na nakatingin sa akin. Humakbang ako palapit at lumuhod sa harapan niya. Humawak ako sa kanyang kandungan at humikbi. "Mommy, do you hate me?"


Masuyong hinaplos niya ang pisngi ko. "Bakit si Harry, anak? Bakit siya? Hindi mo siya kadugo pero tama ang Tita Eva mo, na magpinsan pa rin kayo dahil itinuturing niyang anak si Harry. Sa batas din at sa mata ng mga tao ay magkakamag-anak tayo. Ayaw lang namin na mahusgahan kayo."


Tumango ako habang umiiyak. Alam ko naman iyon. Alam ko na tama sila. Pero matigas lang talaga ang ulo ko. Makasarili ako. Hindi ko iniisip ang mararamdaman nila.


"Patawarin mo si Mommy dahil hindi man lang kitang nagabayan. Nagkulang ako sa pagkalinga sa 'yo. Pero hindi pa naman huli, di ba? Nandito pa rin si Mommy pag kailangan mo. Please, wag kang maglilihim sa akin..."


Sumubsob ako sa kandungan niya at doon ako tahimik na umiyak. Gustuhin ko mang sabihin kay Mommy ang lahat ay hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang malaman niya na iba ang anak na inaakala niyang perpektong anak. I couldn't afford to hurt her more.



KINAGABIHAN. Matapos namin mag-usap ni Mommy ay pumasok na ako sa kuwarto. Hindi na rin ako pinilit nina Mommy at Daddy na lumabas ng dinner. Nahihiya ako sa kanila dahil namumugto mula sa pag-iyak ang mga mata ko.


Nakahiga ako sa kama habang nakatulala sa kisame nang pumasok sa kuwarto ko si Kuya Jordan. Naka-white shirt at plain maroon jersey shorts. Hindi ko alam kung kailan siya nakauwi. Sumampa siya sa kama ko at basta tumabi sa akin.


"I'll sleep here tonight," sabi niya sabay agaw sa yakap kong unan. Sumubsob siya roon at pumikit.


Bumangon ako. Marahan ko siyang sinabunutan sa kanyang malambot na buhok. "Alam mo na iyong nangyari, ano?"


Umungol lang siya at ni hindi man lang dumilat.


Matipid akong napangiti. Of course, Kuya Jordan knew. Pakiramdam ko nga ay matagal na rin siyang may idea. Malamang na may napapansin na siya noon pa, ayaw niya lang akong pangunahan.


Nahiga na ulit ako patabi sa kanya. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Ganito talaga siya, simpleng clingy, kapag alam niyang may dinaramdam ako. Walang tanong at panghuhusga, basta ipaparamdaman niya lang na nandiyan siya para sa akin.


...


SA SCHOOL. Kapag may problema, sa pag-aaral ko lang palaging isinusobsob ang sarili. Ito lang ang puwede kong gawin. Ito lang ang kaya kong gawin.


Wala akong na-receive na text message kay Harry. Ang huli ay iyong kagabi pa. He just said sorry to me. Wala nang kasunod pa. Wala ring paliwanag. Hindi sa umaasa ako, kundi dahil sa nag-aalala lang ako sa kanya. Hindi pa rin ba sila okay ng mommy niya?


Napabuga ako ng hangin at nagpatuloy sa pag-re-review para sa long quiz sa next subject. Ilang beses na akong nag-review mula kaninang umaga kaya nang mag-quiz na ay panatag ako. 1-20 ang quiz at ang nakuha kong score ay 19. I wasn't the highest. Si Sussie ang nakakuha ng 25 na score. Sumobra pa siya talaga sa bilang.


May special question kasi na kahit ako ay hindi ko agad naisip ang sagot. Nasagot iyon ni Sussie na may magandang paliwanag pa. Kaya nang surpresang in-announce na equivalent iyon sa 5 score ay 25 ang naging total score niya. Na-amazed din ang teacher namin dahil kahit daw sa science class ay walang nakasagot doon. Si Sussie lang talaga.


Proud na proud naman si Carlyn sa kaibigan. "Baka beshy ko 'yarn!"


"Tsamba lang naman, Jill," bulong ni Dessy sa aking tabi.


Wala naman akong reaksyon. Nakatingin lang ako kay Hugo na nakangiti ngayon kay Sussie.


Ang mga ngiti ni Hugo ay akala ko'y aabot ng uwian ay hindi nangyari. Last break nang pumasok sa room ang lalaki na masama ang timpla. Padabog siyang sumalampak sa upuan at kulang na lang ay pagtatadyakan niya ang mga upuan sa kanyang harapan.


Nang dumaan si Carlyn sa harapan niya ay tinawanan siya nito kaya lalo siyang na-badtrip.


Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi maganda ang mood ni Hugo pero nang sumunod na pumasok sa pinto si Sussie ay naintindihan ko na kung bakit. Sa pagpasok na pagpasok kasi nito sa pinto ay siya namang daan ng matangkad na lalaki sa hallway. Nakilala ko agad ang lalaki. Ito ang katabi ni Sussie sa bench noong nakaraan. Kung hindi ako nagkakamali ay Arkanghel ang pangalan.


I got it. That guy was the reason why Hugo was pissed. He was simply jealous.


I was still looking at Hugo and I couldn't understand him. It was obvious that he liked Sussie but why was he not making any move to get the girl?


Sumubsob na si Hugo sa armchair at hindi na umalis sa kinauupuan hanggang sa tumunog ang bell.


Saan napunta ang tapang at angas niya? Ang dali lang sa kanyang mambola at magpasagot ng kahit sinong matitipuhan niya, bakit hindi niya magawa iyon ngayon kay Sussie? Bakit ngayon ay para siyang basang sisiw sa isang tabi? O baka ganito siya kapag talagang gusto niya ang babae...


Ah, right. That was the difference. He really liked Sussie but he was too overwhelmed to handle his own emotion well.


...


BAGO MAG-UWIAN ay niyaya ako ni Dessy. Hindi na talaga ako pumupunta sa kanila. Maski balak ay wala akong balak pero hindi nagsasawa si Dessy na yayain ako.


"Jill, punta ka ulit sa bahay. Nagpadala mama ko kasi sabi ko may bayaran sa school. Mapera ako ngayon kaya papainom ako mamaya."


Tumanggi ako. Pagsapit ng uwian ay may lumapit na estudyante sa akin. Inutusan daw ni Mommy na sabihin sa akin na may meeting ang mga teachers sa faculty kaya hindi kami makakauwi agad. Sumabay pa na hindi raw makakapagsundo ngayon si Daddy.


Tumingin ako sa oras sa screen ng aking phone. Maaga pa. Malamang si Kuya Jordan ay gagabihin sa pag-uwi dahil manggagaling pa ito sa La Salle, Dasma. Puwede naman akong maunang umuwi pero naisipan ko na hintayin na lang si Mommy sa bench hanggang sa matapos ang meeting. 


Habang naghihintay ang nag-cellphone na lang muna ako. Wala na talagang text sa akin si Harry. Napabuntong-hininga ako matapos basahin ulit ang text niya sa akin kagabi na iisang word lang naman: 'Sorry'.


Nag-aalala ako sa kanya pero hindi ko magawang i-text o tawagan siya dahil baka malaman ni Tita Eva. Nasa school pa siguro ngayon si Harry kaya naisipan ko na i-PM na lang siya sa messenger. I just wanted to check if he was okay.


Pinuntahan ko ang account niya. Maliit akong napangiti nang makitang friends pa rin kami roon. Mag-si-send na ako ng message sa kanya nang mahagip ng aking paningin ang naka-tag na photo sa wall niya.


Hindi lang sa wall niya naka-tag ang photo, kundi pati sa account ng mommy niya na si Tita Eva. Kaka-post lang ng photo na mukhang ngayon lang din kinuhanan. Ang nasa photo ay si Tita Eva kasama ang isang nakangiting babae na nakasuot ng uniform na pang La Salle. Nasa kusina sila ng bahay ng mga Aragon sa Tagaytay.


Napakunot ang noo ko nang makilala ang babaeng nakangiti. Kung tama ako ay ang pangalan niya ay Cookie. Tama nga ako dahil iyon ang pangalan ng account na nag-tag. Cookie Alonzo. Cookie was Harry's ex-girlfriend. Anong ginagawa ng babae sa kanila?


Ang caption ng post: 'Thank you so much for the delicious cake and fun kwentuhan, Tita Eva Aragon! Love you a lot!'


Pinipigilan ko ang sarili na mag-isip pero patuloy sa pagana ang isip ko. Wala si Harry sa photo pero bakit naka-tag din siya? Nandoon din ba siya ngayon sa bahay nila? Saka bakit nasa kanila ang ex niya?


Ang mga daliri ko ay kusang nag-tap sa account na pag-aari ni Cookie. Nanginig ang kamay ko na may hawak sa phone nang makitang may iba pang posts doon. Mga kuha ni Harry. Mga candid shots. Naka-uniform pa rin si Harry. May nakapamulsa at kausap si Tito Harold, may nakatayo sa harapan ng ref at kumukuha ng tubig, nakaupo at umiinom, at tila may malalim na iniisip habang nakatingin sa kung saang direksyon.


Hindi ko alam kung alam ni Harry na kinuhanan siya ng pictures ni Cookie pero obvious na magkasama sila galing sa school pauwi sa Tagaytay. Isinama niya ito. Isinakay sa kotse.


Mas pumait ang pakiramdam ko sa caption ng photos. Cookie Alonzo: Been a long time, love!


Umalis na ako sa account. Nang tumayo ako sa bench ay nanlalabo na sa luha ang mga mata ko.


Nakarinig ako ng mga tawanan sa aking harapan. Dumaan si Dessy at ang mga tagakabilang section nitong kaibigan. Naghaharutan sila at mukhang ngayon pa lang uuwi dahil naghintayan pa.


Palampas na sila sa akin nang matagpuan ko ang sarili na humahakbang pasunod sa kanila. Nang balikan ako ng tingin ni Dessy ay napangiti ang babae.


Sa Buenavista ako napadpad kasama sina Dessy. Paglabas namin ng gate kanina ay hinila niya ako at hindi na ako nakapalag pa dahil parang walang lakas ang katawan ko. Sabi niya ay saglit lang naman ako sa kanila. Ito at ngayo'y nandito na naman ako sa bahay nila na akala ko'y di ko na mapupuntahan ulit.


May mga tao na sa bahay nila Dessy bago pa kami dumating. Nandoon din ang ate niya na si Ate Donita. Kasama rin ang boyfriend. Um-order sila ng pizza para merienda. Nakaupo lang ako sa sofa habang nagsisimula na sila sa session. Pinaiikot na ang baso ng tagay. Si Dessy ang sumasalo ng para sa akin.


Nasa kalagitnaan ng session nang pumasok sa pinto si Lexus Comandante na isa sa mga kaibigan ni Hugo. "Diyan ba si Hugo Boy?"


Ang isa sa mga nag-iinom na ka-tropa rin nila ang sumagot. "Nasa taas kanina pa. May regla yata kaya bad mood. Hatiran mo nga ng tagay."


Naki-join si Lexus sa mga nag-iinom. "Ah, hayaan mo na. Akala ko lang kasi umuwi na. Wala kasi iyong motor niya sa labas."


"Grounded yata sa daddy niya kaya di pinadala motor. Sayang, di niya ma-flex ngayon ang Aerox." Nagtawanan ang mga ito.


Kanina sa school ay napansin ko nga na hindi maganda ang mood ni Hugo. Nadala niya pa pala hanggang dito. What a coincidence. Nataon pa talaga na pareho kaming bigo.


Tiningnan ko si Dessy na halos pumulupot na sa katabing boyfriend. Nagpaalam ako nag magbabanyo sandali. Tumayo ako at umalis sa sala. Pagdating sa kusina ay umakyat ako sa hagdan patungo sa second floor. 


Sobrang tagal na rin halos ng huling beses pero kabisado pa ng katawan ko ang pakiramdam sa lugar na ito.


Pagdating ko sa kuwarto na ginagawang kuta ni Hugo ay parang normal na rin na kabisado ng katawan ko kung ano ang gagawin. Pinihit ko ang doorknob at hindi naman iyon naka-lock. 


Madilim sa loob dahil patay ang ilaw at sarado ang capiz na bintana. Wala akong naramdamang takot sa halip ay munting kaba lang. Kaba dahil ngayon na lang ulit ako pumasok sa kuwartong ito. Ngayon na lang din ulit kami magkakaharap nang ganito ni Hugo.


"Putangina, ano ba?!"


Pumasok ako at naaninagan ko siya sa gilid ng kama na nakaupo at nakatingala sa kisame. Wala na siyang suot na polo. Shirt na lang. Hindi niya ako nakilala dahil against the light ang puwesto ko. Pagpasok ay isinara ko agad ang pinto.


"Tangina, sino ka?!" sigaw niya. Pilit inaaninag sa dilim ang itsura ko. "Puta, teka hoy, babae ka ba? Sorry but I am not in the mood to fuck! Patira ka na lang sa iba!"


Weird. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya pero natawa ako. Mahinang tawa. Natigilan naman siya.


"Shit, Herrera, ikaw 'yan?!" gulat na bulalas niya.


Nahinto ako sa mahinang pagtawa. Nakilala niya agad ako? Nabosesan?


Napatayo siya at naramdaman ko ang paglapit niya . Bigla niyang hinampas ang switch ng ilaw sa pader at bumaha ang liwanag sa paligid. Namimilog ang mga mata niya sa akin. "Fucking shit! Ikaw nga!"


Kimi ko siyang nginitian. "Hi."


"Anong ginagawa mo rito? Akala ko nagbagong buhay ka na matapos mong magka-syota?"


Nakatingala ako kay Hugo habang minamasdan ang detalye sa kanyang mukha. Ang tagal na mula nang huli kaming magkalapit nang ganito. Kahit ang makausap siya ay matagal-tagal na ang huli. Sa kabila ng matagal ng hindi namin pag-uusap, ang pakiramdam ay parang kahapon lang.


"Hugo..." sambit ko sa boses na hindi ko napigilang maging mapait. "Can I stay here again with you?"


Natulala siya sa akin at alam ko kung bakit. Naramdaman ko rin ang pagkabasa ng mga mata ko sa luha.


Nagtagis ang mga ngipin niya. "What did that fucker do to you?"


Hindi ako sumagot sa halip ay nakangiti pa rin habang nakatingala sa kanya, kahit pa nagsisimula nang tumulo ang mga luha ko. At katulad nang dati, naiintindihan ako ni Hugo.


The next thing I knew, nakakulong na ang aking katawan sa kanyang mainit at matitigas na braso...


JF


#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top