Chapter 19
OTW
That was Hugo's last text message. He was now on his way here. Walang pagpapatumpik-tumpik. Literal na 'one call away'. Siguro dahil walang magawa. Bored sa buhay.
Bored pero marami naman siyang puwedeng pagkaabalahan kung gugustuhin niya. For the record, he was Hugo Emmanuel Aguilar. Ang dali para sa katulad niya ang magliwaliw. Iyon nga lang, pupuntahan niya ako at ititigil niya ang kahit anong ginagawa dahil may hawak ako na kinatatakutan niya—his scandal video.
Ilang beses kong inisip kung gagawin ito o hindi, nag-e-end up lang ako sa desisyon na 'oo'. I should go out because Harry was coming. That was the only reason for me to go out and meet Hugo. I didn't want to see Harry. Ayaw kong makausap siya dahil masasaktan at maguguluhan na naman ako sa aking nararamdaman. At si Hugo ang sagot sa problemang ito, ang joyride kasama siya at ang company niya na entertaining kahit pang-gago.
Lumabas na ako ng gate pagkabasa sa last text ni Hugo. White knitted top at cream high waist mid-length shorts ang suot ko. Sa paahan ay flat sandals na cream din ang kulay. Nakalugay lang ang buhok ko. Naglakad na ako papunta sa gate.
Malayo pa ako sa gate nang matanaw ang motor ni Hugo sa may kanto. Ang bilis niyang makarating. Maybe he wasn't really busy. "Bakit ka pumasok?" sita ko dahil umabot siya hanggang dito sa loob ng subdivision.
"Pinapasok ako ng guard."
"Paano kung may makakita sa 'yo?"
"Sino naman? Saka naka-helmet ako." Inabot niya na sa akin ang extra helmet.
Isinuot ko agad ang helmet at hindi na hinintay na tulungan pa niya. Awkward pa rin dapat kami dahil inaway ko siya, di ba? Mali, ako pala ang unang inaway niya. He bullied me. Gumanti lang ako nang kaunti.
Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagiging immature, abnormal at super gago niya nang sagad.
Pagkaangkas ko ay niyaya ko na agad siyang umalis. Pinagmadali ko siya. Kasing abnormal niya nga lang ang pagkakataon dahil palabas kami na kami ng gate nang may makasalubong kaming SUV na kulay puti. Nagitla ako nang makilala kung sino ang driver nito.
Nang tumama sa amin ang headlights ng SUV ay nabibiglang napayuko ako. Nauntog tuloy ang helmet ko sa helmet ni Hugo. "Ouch, tangina!"
"Sorry," nakangiwing bulong ko. Yukong-yuko pa rin ako.
"Hoy, ano ba?!" Napansin niya ang pagiging aligaga ko. Pilit niya akong nililingon kaya umesi tuloy sa daan ang motor.
"Umayos ka sa pagda-drive mo!" mahinang sita ko. Nakayuko pa rin.
Binusinahan kami ng SUV na papasalubong sa amin. Napapikit ako nang mariin.
"Ang yabang noong driver ng SUV!" reklamo niya. "Puta, maganda pa sasakyan ng daddy ko e!"
Mahina ko siyang kinurot sa tagiliran bilang pananaway. Ang init ng ulo niya. Ang iksi-iksi ng pasensiya. Kabaliktaran ng nakitang kong mahaba nang nakaraan.
Kinaltukan ko ang sariling ulo sa naisip na kahalayan. Mabuti hindi nakita ni Hugo kasi mangungulit na naman ito. Aasarin ako at tatanungin ng kung anu-ano.
Nang makalampas na sa amin ang SUV ay saka lang ako nakahinga. Mabuti rin dahil kahit gaano ka-badtrip si Hugo ay mabilis siyang makabawi ng mood. Saglit lang ay okay na ulit. Ganoon siya. Medyo talagang kilala ko na.
Sa may plaza ng Malabon kami nagpunta. Hindi raw puwede kina Dessy dahil nandoon ngayon ang papa ng babae. Dinadalaw ang mga ito, na once in a blue moon daw mangyari. Wala munang tambayan at pag-iinuman ang mga kabataang sabik sa kalayaan.
Mga kabataang dumadanas ng maraming pagbabago sa isip, puso at katawan. Mga nalilito, naguguluhan, naliligaw ng landas. Mga kabataang akala nila ay tama na sila pero ang totoo ay may tama lang sila.
I was like them. May kaunting kaibahan nga lang. Nilalabanan ko ang immaturity, pressure at confusion. Pero dahil kulang pa ako sa kaalaman sa buhay, madalas pa rin akong sablay.
Pagka-park ng motor ni Hugo sa tapat ng simbahan ay nag-stay lang kami roon. Madilim sa parteng lalo at wala namang misa ngayon. Marami-raming tao lalo sa plaza, karamihan ay mga magto-tropa na nakatambay at mga kabataang magkakarelasyon.
Ipinatong niya ang mga helmet namin sa upuan ng motor. "Ano, di mo pa rin binubura? Kunsabagay, wala ka ng alas sa akin pag wala na 'yan."
"Yup. So, don't do anything stupid that will get you on my bad side."
"Katakot naman," nakakalokong sabi niya.
Hindi ko na talaga alam kung natatakot ba talaga siya o trip na lang. Pero siguro nga ay natatakot talaga siya dahil wala naman kami rito ngayon kung hindi.
Kumalam ang tiyan ko. Nagugutom ako dahil kaunti lang ang kinain ko nang dinner. Kinapa ko ang aking bulsa dahil magpapabili sana ako ng streetfood, kaya lang ay hindi pala ako nakapagdala ng wallet. Sa pagmamadali ay naiwan ko o dahil naisip ko na wala akong pagagamitan. Sinundo naman kasi ako ni Hugo. Hindi ako gumagastos pag kasama siya.
Tiningnan ko si Hugo. Nakatayo lang siya sa harapan ko at mukhang bored na.
"May ginagawa ka ba kanina nang tawagan kita?"
"Wala naman. Nasa bahay lang ako."
"That's nice. Hindi ka naman ba nainip sa bahay niyo?"
Ngumiti siya. "Nope."
Why was he smiling? Kanina pa siya pangiti-ngiti. Gusto kong malaman ang dahilan kaya lang wag na lang. Hindi ako interesado. Wala naman kasi ako roong kinalaman.
"Tara," biglang sabi niya. Tinapik pa ako nang mahina sa braso.
"Ha?"
"Foodtrip. Celebrate lang kasi bati na tayo."
Bati? Kailan kami nagbati? Galit pa rin kaya ako.
Saka hindi ko nga dala ang wallet ko. Umiling ako kay Hugo. "W-wala akong dalang pera."
"Pautangin muna kita."
Nauna na siyang naglakad patungo sa mga stand ng kung anu-anong streetfood. Pinapili niya ako kung ano raw ang trip ko. Ang nakikita ko lang na familiar ay ang mga barbecue, doon niya rin ako dinala dati. Ang ibang paninda ay nakikita ko naman sa mga palabas sa TV pero hindi ko pa talaga nasusubukan.
"Kwek-kwek," ani Hugo. May itinuro siyang stand. "Sarap ng gawa nilang suka riyan."
Sumunod naman ako dahil tiwala naman ako kapag sinabi niyang masarap. Mukhang subok niya talaga lahat ng streetfoods dito. Naglabas siya ng purse.
"Babayaran kita bukas," sabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo, ang pride mo."
Siya ang kumuha sa akin ng kwek-kwek. Dinamihan niya ang suka sa maliit na mangkok na may nakabalot na plastic labo. Masarap nga pati ang suka. Nakatatlo ako. Siya yata ay nakapito.
"Ang lakas mo," puna ko sa kanya.
Ginawa niyang sabaw ang suka sa mangkok. Hinigop niya with sounds. "Ano kamo, ang sarap ko?"
"Hah! You're at it again!"
Nagyayabang na naman. Kalokohan na naman. Hindi siya nauubusan. Hindi naman ako naiinis dahil nga sanay na. Nakasanayan na talaga.
Patuloy si Hugo sa pagkain habang nakakaloko ang kanyang mga tingin. Sa umpisa ko lang naman iniiwasan na kalaunan ay sinasalo ko na. Paminsan-minsan ay sinasagot ko ng pag-irap ng aking mga mata.
Tumambay pa kami sa plaza. Nanginginain ng kung anu-ano. Nang mabusog ay naupo kami sa isa sa mga bench sa tapat ng munisipyo. Dahil gabi na ay pinatayan na ng ilaw ang plaza. Iyong malayong mga lamppost na lang ang ilaw namin dito.
May limang dangkal na space sa pagitan namin na parang balewala rin dahil sa pagkakasalampak ng pagkakaupo ni Hugo. Ang kanang braso niya ay nakadantay sa sandalan ng upuan kaya halos madikit doon ang aking likuran. Saka nakabukaka siya.
Naglabas siya ng vape mula sa bulsa na agad din niyang ibinalik. "May hika ka nga pala."
"Noong nakaraan, kahit nandoon ako ay nag-smoke ka pa rin naman." Ang tinutukoy ko ay iyong sa kuwarto ni Dessy. Though umalis naman agad ako, still, he smoked with me around.
He shrugged. "Sorry. Baka badtrip ako sa 'yo noon kaya nakalimutan ko."
There were so many red flags, but why I still didn't give a damn?
I knew for a fact what kind of guy Hugo was, still, I let myself be close to him. Ang tagal-tagal na, naguguluhan pa rin ako kung bakit. Ilang beses na akong nairita at nagalit sa kanya, pero sa huli heto at sa kanya pa rin ako bumabagsak.
All the bad qualities that I knew about him seemed meaningless to me. Being with Hugo made me look at him in a new light.
Naging awkward na sa akin ang sumunod na mga sandali. Iyong mag-boyfriend na nasa kabilang bench kasi ay naghahalikan na. Kanina ay nag-uusap lang pero ngayon ay magkadikit na ang mga labi.
Pagtingin ko kay Hugo ay nakatingin din pala siya sa mag-boyfriend. Mahinang tinampal ko ang kanyang pisngi. "Don't look at them!" mahinang sita ko.
Hindi naman kasi magandang ang makiusyoso sa ginagawa ng iba. Nakalimutan ko na usyoserong malala si Hugo. Hindi niya tinantanan ng titig iyong dalawa.
"Naiinggit ako," sabi niya sabay ngisi sa akin.
Muli ko siyang tinampal.
Hinuli niya ang pulso ko. "Tara, madilim naman e."
Napamulagat ako. Kung makayaya siya, parang niyayaya niya lang ako na kumain ulit ng kwek-kwek sa kanto!
"Ayaw mo ba? Nag-toothbrush ako bago kita sunduin sa inyo. Nag-mouthwash pa." Sumimangot siya. Sumandal ulit sa sandalan ng bench.
"Kung gusto mo pala ng ganyan, bakit hindi ka nag-pass nang magpasundo ako? Sana pumunta ka na lang sa ibang babae mo."
"Bina-blackmail mo nga ako, di ba?" balewalang sabi niya. Di naman mukhang threatened sa sinasabi niyang pang-ba-blackmail ko.
"Right. Tinawagan kita para malibang ako." Humalukipkip ako. "Sing me a song."
"Huh?"
"Narinig kitang kumakanta sa videoke nina Dessy. Kumanta ka ngayon. Kahit ano. Aliwin mo ako, alipin."
Napabulalas si Hugo bigla ng tawa. Nahinto tuloy sa paghahalikan iyong mag-boyfriend na kalapit namin.
Binatukan ko si Hugo. Hawak niya ang tiyan. Natatawa pa rin. Para siyang tanga. "Hindi ako na-offend sa 'alipin', in fairness!"
Ganoon? Sa pagtawag ko sa kanya ng 'slave' noong nakaraan ay na-bad mood siya. So, dapat pala Tagalog para maligaya siya?
Umayos na siya sa pagkakaupo. Ngiting-ngiti pa rin. "Ano bang kanta request mo, Herrera?"
"Di ba nga kahit ano. Bahala ka na, mahilig ka naman mag-desisyon mag-isa."
Tumikhim siya. "Ehem, ehem, kakanta na ang alipin."
Pigil ko ang pagngiti. Nakasimangot ako na kunwari ay naiinip. Thought honestly, naiinip naman talaga ako. Gusto ko nang marinig ang boses niya. I just, well, kinda missed it.
Hugo started to hum an old song. Mayamaya ay ang malamyos na boses niya ay sumasabay na sa malamig na hangin ng gabi, "Could I lie to you? I'm just too weak to face the truth. Now I know, I should make a move. What more can I say..."
Sumandal na rin ako sa sandalan ng bakal na bench habang pinakikinggan ang pagkanta niya.
"How can I fall? How can I fall? When you just won't give me reasons when you just won't give me reasons at all..."
Tahimik na nakikinig lang ako. Ninanamnam ang boses niya, ang panaka-nakang pagtapik ng mahahabang daliri niya sa hawakan ng bench, at ang paglingon-lingon niya sa akin na may kasamang ngiti.
"How can I fall? How can I fall when you just won't give me reasons... At all..."
Nang matapos kumanta si Hugo ay tahimik na lang din siya. Magkatabi lang kami. Walang pag-uusap. Ang nasa paligid namin ay dumadaan, umaalis, may bumabalik, at merong nananatili.
Dumarami na rin ang mga magkakapareha sa mga kalapit na bench. Iba-ibang edad. May matatanda na at merong mga mahahalatang menor de edad pa lang. May naglalambingan, may tila nag-aaway at merong ang relasyon ay parang nagsisimula pa lang. Nagkakahiyaan pa, kimi pa ang mga ngiti at kalkulado pa ang mga kilos.
Hindi ko alam kung saang kategorya kami nabibilang ni Hugo. O baka props lang kami rito. Kumbaga pamparami lang kami sa mga naririto.
Lumalalim na ang gabi nang tanungin ko siya. "Wala ka bang ibang gagawin pagkatapos?"
"Dunno. Uuwi na rin siguro pagkahatid ko sa 'yo."
Hindi na ako nagsalita pa ulit. May ngiti na nakapaskil sa aking mga labi. Nag-beep ang phone ko kaya sinilip ko kung sino ang nag-text. May kaunting kaba dahil baka may nakaalam sa bahay na wala ako.
But the message was from an unknown number. Natigilan ako nang mabasa ang laman.
Unknown Number:
WHAT THE FUCK, JILLIAN?! ANG DAMI-DAMI NAMAN, BAKIT SI AGUILAR PA?!
Bigla ang pagbundol sa akin ng kaba. Hindi ko kilala ang number dahil hindi naka-register pero may hinala ako. Sa isip ko ay kilala ko ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Hugo.
May pumasok ulit na text message. Galing ulit doon.
Unknown Number:
GUSTO MO PALA NG GAGO. HINDI MO NAMAN SINABI AGAD. PINAHIRAPAN MO PA AKO!
Isa pang message na naghatid ng takot at kilabot sa akin.
Unknown Number:
TANGINA SOBRA. JUST WAIT FOR A BIT, JILLIAN! I'LL MAKE SURE YOU'LL GET WHAT YOU WANT.
Pakiramdam ko ay nanayo ang mga balahibo ko sa katawan. Napalingon-lingon ako sa paligid dahil parang may nakatingin sa kung saan. Madilim ang mga kanto ng plaza at hindi ko naman makita ang mukha ng mga tao.
"Who is it?" tanong ni Hugo na ang tinutukoy ay ang sender ng text message. May pag-aalala na sa tono dahil napansin niya na ang pagkabalisa ko.
Agad kong binura ang text message. "W-wala ito..."
"Are you sure?" Hindi siya kumbinsido.
"Oo. S-si Kuya Jordan lang. Biglang nagtanong kung tulog na ako. Hindi alam sa amin na umalis ako e."
"Tsk! Sira ka, paano kung puntahan ka sa kuwarto mo 'tas wala ka naman doon?" Tumayo na siya. "Tara na nga!"
Tumayo na rin ako. Ilang ulit akong napalunok dahil may pakiramdam ako na parang may nakatingin sa amin ni Hugo. Umayos lang ang aking pakiramdam nang makaalis na kami sa plaza.
1:00 AM ako naihatid ni Hugo sa Pascam. Sakto lang ang oras dahil malamang na natutulog na ang mga tao sa bahay. Kung nandoon pa ngayon si Harry, siguro naman ay nasa kuwarto na siya ngayon ni Kuya Jordan.
Hindi ko na muna inisip iyong mga texts kanina. Kung si Wayne iyon ay wala siyang magagawa sa ngayon. Galit na galit ang parents niya dahil napahiya ang mga ito nang magdemanda sina mommy pagkatapos masaksak si Kuya Jordan. Ang huling balita ko kay Dessy ay grounded ngayon si Wayne at hindi pinapalabas sa bahay.
"PASOK KO NA, AH?!"
Hinayaan ko na ihatid ako ni Hugo hanggang sa loob ng subdivision dahil wala nang katao-tao sa paligid. Isa pa, ayaw niyang pumapayag na hindi talaga sa loob.
Makulit si Hugo kahit pa sinabi ko na malapit lang naman ang street ng bahay kung saan ako nakatira. Siguro dahil nga sa alanganing oras na kaya nagpupumilit siya. Wala akong nagawa sa tigas ng ulo niya.
Sa madilim na parte ng street ng subdivision ako inihinto ni Hugo. Isang dipa ang layo ng kinapaparadahan ng motor niya sa malamlam na liwanag ng lamppost.
"Alis ka na. Konting lakad na lang iyong sa amin," sabi ko. Nagkasundo na kami na dito na lang talaga niya ako ihahatid.
"Ba-bye, Herrera. Baka naman mag-binge-watch ka pa—"
Hindi na siya nakatapos sa sinasabi dahil kinaltukan ko ang suot niyang helmet. "Sinabihan na kita, wag mo akong iinisin. Magsisisi ka."
"Grabe na talaga takot ko." Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Di na naman ako makakatulog. Traumatized na talaga ako!"
I rolled my eyes at him because his acting wasn't convincing. "Umuwi ka na nga."
Bago niya ini-start ang motor at tumingin pa siya muli sa akin. Nag-init ang aking pisngi nang kumindat siya. Alam ko naman na wala lang iyon, na kasi ganoon siya, malandi. But still, my heart skipped a beat.
Napabuga ako ng hangin para pawiin ang anumang namumuo sa dibdib. Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganoong galaw.
Pinaandar na ni Hugo ang motor. Nakatanaw ako sa pag-alis niya kaya hindi ko namalayan ang lalaking papalapit sa akin. Inalis ko na ang mga mata sa daan at tumalikod na. Nakakaisang hakbang pa lamang ako nang matigilan.
"Jillian." Malamig ang buong boses na nagdulot ng ginaw sa aking katawan.
Pag-angat ng aking mukha ay hindi ako nagkamali nang makilala ang matangkad na lalaki sa aking harapan.
Napatigagal ako. "Harry..."
His expression became even more serious when he spoke again, "Who's that guy?"
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top