Chapter 18

I SAW IT.


His thing. I saw it. Bago matakpan ni Hugo ay nakita ko na. Iyon ang unang beses na makakita ako ng ganoon. Nang ganoong itsura, mahaba, matigas, basa at...


Oh, dang! I must not think about it. Kinalma ko ang sarili at sinalubong ang galit niyang mga mata. "Should I send the video anonymously to our school's confession page or just directly send it to your mom?"


"'You think you're funny?"


"I'm not trying to be funny. At kung may nakakatawa sa atin ngayon, I think it's you and not me." Nakahubo kaya siya sa ilalim ng unan. Though hindi talaga nakakatawa, mas matinong sabihing nakakagulantang.


"Damn you!" pulado ang mukha sa galit na singhal niya. Napatayo pa at parang nakalimot sandali na hubo siya.


Bahagyang nalilis ang unan na tinatakip niya sa kanyang harapan. Hindi sinasadya na napasulyap ako roon. My mind screamed. Hindi niya napansin na nakalitaw na ang dulo at nakikita ko na. Mamula-mula iyon.


Napahugot ako ng paghinga. Pakiramdam ko ay kailangang ma-sanitize ng mga mata ko pagkatapos ng lahat ng ito.


Nang mapansin naman ni Hugo kung saan ako nakatingin ay nabura ang galit sa mukha niya. Bumalik ang nakakalokong ngisi. "Tsk, tsk, Herrera..."


Hinamig kong muli ang sarili. I would not lose to this guy. Sinikap kong tatagan ang ekspresyon at nilabanan ang mga titig niyang nang-aasar. "Stop it. You know that as long as I have your video, you can not do anything to me."


Nabura ang ngisi niya at tumaas ang kanyang isang kilay. "You're the one who's staring at mg cock!"


Kumuyom ang mga palad ko sa kabrutalan ng bibig niya.


"You can not bully me again. Unless you wanna be famous." Hindi sa natatakot si Hugo na makita ng lahat ang scandal niya, kundi dahil alam kong may takot pa rin siya sa mga magulang, lalo sa daddy niya.


Nagtatagis ang mga ngipin niya habang halos madurog na ang unan na panakip sa 'c' na sinasabi niya dahil sa tindi ng kanyang pagkakalamukos doon.


Bago lumabas ng pinto ay nilingon ko siya ulit. Ngumisi ako, ngisi na katulad ng kanya na hindi ko rin alam kung paano ko nagaya. "Goodbye for now, my bitch."


Lumabas na ako ng kuwarto. Nang aking maisara ang pinto at wala na ako sa paningin ni Hugo ay saka lang ako napahingal. Saka ko lang napakawalan ang kanina ko pa pinipigilang gulat, hiya, at panghihina. Napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nauubusan ako ng paghinga.


Kinalma ko muna ang sarili. Nag-stay ako nang ilang segundo sa puno ng hagdan bago ako bumaba. Pagbaba ko ng hagdan ay kakapasok lang ulit ni Wayne sa kusina. Sa pagkabagot sa ekspresyon ng lalaki ay mukhang kanina pa pabalik-balik.


Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit. "Jillian, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba pumunta? Anong ginawa mo sa itaas?" Tumingala pa siya sa hagdan para sumilip. Wala naman siyang nakita.


"Wayne, we have nothing to talk about. Paraanin mo na ako dahil gusto ko nang umuwi." Malumanay man ang aking boses ay alam ko na malamig ngayon ang mga mata ko.


"Is this because of Carlyn again? May sinabi ba siya sa 'yo? Di ba kuya mo ang boyfriend niya ngayon? Siniraan niya ba ako para lang malinis niya iyong sarili niya? Alam mo kung gaano kita kagusto. Hindi kita magagawang ipagpalit lalo sa ganoong babae lang."


"Wayne, look, I don't care—"


"No, Jill! Please, listen to me!" putol niya sa aking sinasabi. "Si Carlyn ang unang nagpakita ng motibo sa akin, alam ng buong school 'yan. Kilala naman siya ng lahat na pakawala. Nang tanggihan ko siya, biglang gumawa ng kuwento. Siya ang nang-frame up sa akin tungkol sa marijuana—"


"I said, I don't care!" sigaw ko dahil rinding-rindi na.


Natigagal sa akin si Wayne. Maski ako ay natigagal dahil nakuha kong sumigaw nang malakas at matigas. Pero tila naubos ang lakas ko pagkatapos.


"Wayne, 'you listen to me. Even if you were telling the truth, it would not change the fact that I do not like you."


Napanganga siya.


"I don't like you. Not even a bit."


Iniwan ko si Wayne sa kusina na nakatulala. Sa sala ay maingay dahil tuloy pa rin ang videoke at mga lasing na rin ang naroroon kaya hindi nila narinig ang sigaw ko. Tinungo ko na ang pinto palabas sa bahay nina Dessy.


Malapit na ako sa gate nang tila may kung anong pwersa ang humila sa akin na lumingon. Napatingala ako sa second floor kung saan nakabukas ang capiz na bintana sa dulo; doon ay nakita ko na nakatingin sa akin si Hugo. Naghinang ang aming mga mata ng ilang segundo.


"Jillian!" sigaw ni Wayne mula sa loob ng bahay ang nagpakurap sa akin. Mukhang naka-recover na sa paninigaw ko kanina.


Nag-pa-panic na nanakbo ako palabas sa gate bago niya pa maabutan. Humabol sa akin si Wayne pero bago niya ako malapitan ay may tumamang walang laman na can ng Coke sa kanyang ulo. Nagkandamura siya at hinanap kung sino ang bumato sa kanya pero hindi niya nakita.


Sakto na paglabas ko ng gate ay may dumaang tricycle sa eskinita. Pinara ko agad at nagpa-special ako pauwi sa amin. Bago makaalis ay tumingin pa ulit ako sa capiz na bintana kung saan aking nakita kanina si Hugo, pero nakasara na iyon ngayon.



SA SCHOOL. Wala nang wasak na armchair o bubble gum sa upuan. At ang siraulong gumawa niyon kahapon ay ngayo'y nakasimangot na nakaupo sa upuan nito. Si Hugo.


"Jill, doon ulit ako sa upuan mo, di ba?" tanong ni Dessy nang magkasabay kami pagpasok sa pinto.


"Oo." Naupo na ako sa upuan sa harapan. Hindi ko na ulit nilingon si Hugo kahit nararamdaman ko ang matalim na titig nito sa aking likuran. Bahala siyang manakit ang mga mata niya.


Hindi pa nagsisimula ang klase nang maka-receive ako ng text message.


Aguilar:
Delete it.


Tiningnan ko lang ang text at pagkatapos ay ibinalik na ulit sa bulsa ng school skirt ang phone. Hanggang matapos ang klase ay panay ang vibrate niyon.


Last break na ako ng check ng phone. May 20 text messages ako na iisa lang naman ang laman pero capitalized na: DELETE IT!


Nag-type ako ng reply. Isang reply lang para sa unli messages niya.


Me:
No.


Nagkibit ako ng balikat at nagbasa-basa ng mga notes habang naghihintay sa susunod na subject. Nag-vibrate ang phone ko. Napatirik ang mata ko sa iritasyon. Kinuha ko ulit sa bulsa at tiningnan.


Aguilar:
I said to delete the video! This is not funny anymore, Herrera!


Me:
Don't test my patience and stop being annoying, Aguilar.


May reply agad si Hugo. When I looked out the window, he was in the hallway with his friends.


Aguilar:
What do you want?!


'What do I want?' That was a good question but unfortunately, wala pa akong naiisip na sagot para doon. Tumaas ang gilid ng bibig ko nang mag-type ng reply.


Me:
Just stay put there and wait while I think of something.


Nang lumingon ulit ako sa bintana ay huling-huli ko ang paglala ng gigil sa kanyang mukha. Parang kung mahuhugot niya lang ako mula sa screen ng phone niya ay ginawa niya na.


Aguilar:
When that will be?! Kapag na-miss mo ako? LOL.


Me:
Malay mo.


Matagal bago siya nakapag-reply. Nagulat yata sa sagot ko.


Aguilar:
Hoy, hindi ikaw iyan! Impostora! Who are you?! Ilabas mo si Jillian Mae Herrera!


Hindi ko napigilan ang pagngiti ng aking mga labi. Sakto na napatingin sa akin sa bintana si Hugo. Ang gigil sa mukha niya ay nauwi na rin sa ngiti.


We were smiling like idiots when I suddenly remembered that I was mad at him. Lumabi ako at inirapan siya. Ngingiti-ngiti pa rin naman ang abnormal.


Ibinalik ko ang paningin sa libro na binabasa. Kunwari kalmante kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang sabunutan ang sarili. Bakit ako nakipagngitian sa kanya, huh?!


Nang dumaan sa harapan ko ang tropahan ni Hugo ay hindi ako tumingala. Nakilala ko lang ang bagong sapatos niyang Nike na dumaan sa harapan ko. This time, wala nang Coke in can na tumama sa ulo ko. Pero may pasimpleng humawak sa ulo ko. Nagpigil ako na wag tumingala. Nagpigil ako nang malala.


Pagkalampas nila ay nanunulis ang nguso ko. Inayos ko ang aking bahagyang nagulong buhok. Paglingon ko sa likod ay nakangisi si Hugo sa akin. Inirapan ko ulit siya. Maligaya pa rin siya. Feeling naman niya bati na kami. Mukha niya!



PAGUWI ay nag-asikaso ako sa kusina. Sinadya kong iwan ang phone ko sa kuwarto dahil mag mga new text messages si Hugo. Ayaw kong matukso na i-reply siya. Naiinis ako sa kanya, di ba?


"Jillian, gusto raw ni Harry na magbakasyon sa atin sa summer," sabi ni mommy na hindi ko gaanong napatuunan ng pansin.


Ano na kayang itini-text ngayon ni Hugo sa akin? Dinadaan ako ng lalaking iyon sa pangungulit dahil alam niyang hindi uubra kung magagalit man siya o magmamakaawa, and of course, he would never do the latter.


"Jill, narinig mo ba? Gusto ni Harry dito magbakasyon sa summer." Muli si mommy.


Napalingon ako kay mommy. Ano bang sinasabi niya? Ayaw ko naman isipin niya na hindi ako nakikinig. Kahit hindi ko naman talaga narinig ang sinabi niya kanina ay ngumiti ako. "Okay po, mommy."


"Good to know that you're okay with it. Nag-wo-worry kasi siya na baka ayaw mo raw."


"Po?" Napakiling ang ulo ko. Sino ang tinutukoy ni mommy? Pero kahit hindi ko gets ay tumango na lang ako. "Ah no, my, Of course, I like it. I like it so much."


"Oh, I'll tell him that." Nakangiting tumalikod na si mommy.


Tumingin ako sa orasan. Kakain na kami pero hindi pa rin umuuwi si Kuya Jordan. Naririnig ko na rin na nagtatanong-tanong si mommy kay daddy hanggang sa pumasok sila sa kuwarto. Mukhang pag-uusapan na naman nila ang nangyayari kay kuya.


Katatapos ko lang maghanda ng dinner namin nang biglang nagsabi si daddy na aalis sila. Nakabihis na sila ni mommy paglabas ng kuwarto. Pupuntahan daw nila si Kuya Jordan sa baranggay ng Navarro. Hindi ako halos makapaniwala nang malamang dinampot ito ng mga tanod matapos masangkot sa gulo.


Napaiyak ako sa pag-aalala kay Kuya Jordan. Ayaw pa sana akong isama nina mommy at daddy pero nagpumilit ako. Ayaw kong pumayag na hindi nila ako isasama.


Sa baranggay ng Navarro kami nagpunta. May patrol din ng pulis na naka-park sa labas ngayon. Nangunguna akong pumasok sa loob para hanapin si Kuya Jordan. Nawindang ako nang makitang gusot ang uniform niya, may pasa at dugo siya sa gilid ng bibig.


Nang ngumiti sa akin si Kuya Jordan ay parang pinilas ang puso ko. Niyakap ko siya agad. Ang higpit ng yakap ko sa kanya habang humihikbi. Kung si mommy ay napigilan ang mga luha ay ako'y hindi.


Even though Kuya Jordan was assuring me that he was fine, I still couldn't help but worry about him. This was the first time my pure and perfect older brother got involved in something like this. Mabuti at ganito lang ang nangyari pero paano kung mas malala pa?


And how did it come to this? Nang makita ko si Carlyn sa baranggay ay bumangon ang galit sa dibdib ko.


Kasama ni Carlyn ang mga kaibigan niyang lalaki. Wala naman gaanong bangas ang mga ito pero mukhang mga napuruhan dahil mga paiyak ang itsura.


Narito rin sa baranggay si Wayne at ang tropa nito. Hindi ko lahat namumukhaan. Karamihan ay mga out of school youth at maaangas ang itsura. Puro bangas ang mga mukha. Hindi na makapagsalita ang iba sa mga ito at tila mga nanghihina.


Nang lumabas si Carlyn kasama ang parents nito ay nagtama ang paningin namin ni Wayne. Ang dating mapupungay na mga tingin niya ay ngayo'y mabagsik. "This is you brother's fault!" sigaw niya sa akin. "Kung di siya nakisawsaw, wala sana tayo lahat dito!"


Hinila ako ni mommy palayo kay Wayne.


Lalo namang nagalit ang lalaki. Itinuro niya sa kapitan ng baranggay ang pinto na nilabasan ni Carlyn. "Dahil sa pagkabaliw ng kuya mo sa pokpok na iyon kaya ako na-power tripped ng student council at na-kicked out sa school! Ginawan ako ng kuwento tungkol sa marijuana at shabu kahit hindi naman totoo!"


"E bakit muna namumula mata mo?" narinig kong bulong ng isa sa mga lalaki na kaibigan ni Carlyn.


Nanlaki ang namumulang mga mata ni Wayne. "What did you say?! Did you hear him?! Tangina mo, may sinasabi ka!"


"Wala po kong sinasabi," maamo namang sabi ng bumulong. Natatandaan ko na ito, si Asher James Prudente. "Wala po talaga akong sinasabi..."


Naniwala naman ang mga tanod na wala itong sinasabi. Pinatahimik si Wayne na ngayon ay nagwawala na.


"Fuck that bitch! Ni-reject ko lang tapos umabot na sa ganito! Naghahanap ng ibang sasalo! Fuck!"


Naramdaman ko ang paninigas ni Kuya Jordan. Mapanganib ang mga titig niya kay Wayne at parang gusto niya itong sugurin, pero hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya para pakalmahin siya. "Please kuya. Sobrang nag-aalala na sina mommy..."


Pinalabas na rin kami sa baranggay matapos makausap ng kapitan ang mga magulang ng mga involved sa gulo. Ang naiwan lang sa baranggay ay sina Wayne at ang barkada ng lalaki. Karamihan kasi ay nakapkapan ng drugs. Paparating pa lang din ang mga magulang ng mga ito.


Paguwi namin ay walang imik sina mommy at daddy habang seryoso ang kanilang mga mukha. Nag-dinner kami nang walang imikan. Si mommy na rin ang nagligpit ng pinagkainan.


Nagsalita si daddy sa mahinahon pero may diin na boses, "Magpahinga na muna kayong magkapatid. Bukas tayo mag-uusap, Jordan."


Nakayuko na pumasok na si Kuya Jordan sa kuwarto ay pumasok na rin ako sa aking kuwarto. Nang sa tingin ko ay tahimik na sa sala ay saka ako lumabas.


Kinuha ko ang medicine kit namin at saka ko pinuntahan si Kuya Jordan sa kuwarto niya. Mahina akong kumatok sa pinto. "Kuya..."


Nang magbukas siya ng pinto ay pumasok ako sa loob. Binuksan ko ang ilaw. Nang lumiwanag ay ngayon ko lang mas napagmasdan ang putok niya sa labi. Nangilid na naman ang mga luha ko.


"Hey, I'm okay," nakangiting sabi niya sa akin dahil umiiyak na naman ako.


"P-paanong okay?" Lumabi ako. "Look at you, para kang bumalik sa training mo ng Taekwondo."


Naupo kami sa gilid ng kama ni Kuya Jordan. Ginamot ko ang sugat niya sa gilid ng bibig. Napapakislot naman siya kada dampi ng bulak.


"Who did this to you?" hindi ko napigilang magtanong. Sa isip ko ay isinusumpa ko ang sino mang may gawa niyon. Kung sino man ang sumapak sa kanya, umiyak sana ng limang taon.


"Some bug," biro ni Kuya Jordan. Nakuha pang magbiro samantalang kandangiwi naman sa sakit.


Matapos ko siyang gamutin ay pinahiga ko na siya sa kama. Nang mahiga siya ay saka ko napansin na namumula ang isa niyang braso. May pasa iyon na mukhang hinataw ng matigas na kung ano.


"Wayne did this," aniya bago ako magtanong. "He hit me with a baseball bat."


Iyong pumalo sa kanya ng bat, sinabi niya kung sino. Pero iyong sumapak sa kanya sa mukha, hindi.


Sinabihan niya ako na wag nang banggitin kina mommy. Pinangako ko na lang siya na magpapahilot sa kapitbahay naming matandang manghihilot.


Unknown number:
That bitch did a good job of seducing your nerd brother.


Pagkapasok sa kuwarto ay hindi ang text message ni Hugo ang kumuha sa atensyon ko. Isang unknown number ang nag-text na kahit hindi magpakilala ay alam ko kung sino. Alam ko na si Wayne ito. He changed his number. Inilagay ko rin ito agad sa blocklist.


Nagkamali ako sa hindi pagsasabi kina mommy o kahit kay Kuya Jordan ng tungkol sa text message. Akala ko kasi tapos na ang lahat, pero hindi pa pala. Kuya Jordan got stabbed on his arm by Wayne. Galit na galit sa kanya si Wayne kaya siya inabangan para gantihan. Hindi pala nakulong ang lalaki dahil inako ng mga barkada nito ang lahat ng sisi. Ultimo ang issue tungkol sa drugs ay nakaligtas ito.


Dahil sa pagkakasaksak kay Kuya Jordan ay nagsampa ng bukod na kaso sina mommy para kay Wayne. Gumawa rin ng paraan si daddy na mapasailalim sa drug test ang lalaki para tuluyan itong madiin.


Ang ikinalulungkot namin nina mommy ay sa kabila ng lahat ng nangyari, sa kabila ng ilang beses na kapahamakan, at sa kabila ng mga pag-aalala namin, hindi pa rin tinitigilan ni Kuya Jordan ang ex-girlfriend niya na si Carlyn. Kahit pinalitan na siya nito at may bago na agad itong boyfriend ay hinahabol niya pa rin.


Dahil sa nangyayari kay Kuya Jordan ay sandali kong nakalimutan si Hugo. Natuon sa kapatid ko ang aking buong pag-aalala at atensyon.



"DID YOU BLOCK MY NUMBER AGAIN?"


Pag-angat ng mukha ko mula sa binabasa ay ang seryosong mukha ni Hugo ang aking nakita. Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ng sa akin.


Sumandal ako sa sandalan ng kinauupuan at tumulala. Nakatingin lang naman sa akin si Hugo. "May nangyari ba?"


Hindi ako sumagot.


"Parang pasan mo mundo. Chill a bit."


"How?" tamad na sambit ko.


"Maghanap ka ng paglilibangan. Like watching the video of your dear bitch."


Nakangisi siya nang lingunin ko. "You told me to chill, not to be disgusted."


Napangiwi siya. "So you did watch it?"


"Hindi na kailangan, nakita ko naman na nang harapan."


"So how was it? Can I ask for a review?" mapang-asar ang tono niya. Naroon din ang pilit na itinatagong pagkapikon sa sitwasyon.


Nangalumbaba naman ako sa armchair. Review? For his 'thing'? Ni ayaw ko na ngang alalahanin.


Nangalumbaba rin si Hugo sa armchair. Seryoso na ang mukha. "Herrera, when are you going to delete it?"


"Kapag napakinabangan na kita?" walang buhay na sagot ko.


Nangunot ang makinis na noo niya. "Akala ko ba wala akong kwenta? Anong magiging pakinabang ko sa 'yo?"


"We'll see. I might think of something..."


"Whoa!" His eyes went darker. Tumayo na siya. "Okay. Then just call this bitch once you already think of something I can be useful of." Nakapamulsa siya na naglakad na paalis.


Napabuga ako ng hangin habang nakahabol ng tingin kay Hugo. Had I been too harsh on him?



SABADO. Nasa kanya-kanyang kuwarto ang lahat. Sina mommy at daddy ay hindi naglalalabas mula nang matapos ang lunch. Si Kuya Jordan ay ganoon din. Damang-dama ko ang bigat ng paligid.


Bandang hapon nang lumabas sa kuwarto si Kuya Jordan. Namumula ang mga mata niya na hindi ko masabi kung sa pagtulog ba o ano. Nang makita niya ako ay natigilan siya at pagkuwan ay ngumiti.


"Kuya, you don't have to pretend in front of me."


Nakangiti pa rin naman siya.


Nang sumilip siya sa may pinto ay napatanong ako, "May hinihintay ka?"


"Harry is coming. Pinapunta ni mommy. Dito yata matutulog."


Napalunok ako. "H-he's coming?"


"Yeah. Last text niya kanina nasa Monterey na siya."


Nanatiling nakanganga ang bibig ko kahit nang pumunta na sa kusina si Kuya Jordan. Pupunta si Harry sa amin at malapit na ito? Napakurap-kurap ako at nang mahimasmasan ay nagmamadaling bumalik sa kuwarto.


Hindi ko pa alam paano haharapin si Harry. Palakad-lakad ako habang kagat-kagat ang kuko sa isang hintuturo. Napatingin ako sa bedside table kung saan naroon ang phone ko. Dinampot ko agad iyon.


Pumunta ako sa blocklist. Sa dami ng blocklisted numbers, dalawa ang pamilyar doon. Ang una ay kay Harry. Sa pangalawang pamilyar na number tumuon ang mga mata ko. Namalayan ko na lang na tina-tap na ng daliri ko ang 'remove from blocklist'.


Hindi ko na pinag-isipan ang gagawin. Tinawagan ko ang number. Dalawang ring lang nang i-accept niya ang call. "Hello. Libre ka ba ngayong gabi?"


Kahit hindi ko nakikita ay alam ko na agad na nakangisi ngayon ang mga labi ni Hugo. [ What? Do you miss your bitch now, Herrera? ]


JF


#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top