Chapter 16

I WAS AVOIDING HUGO.


I guess it was the right thing to do. I admit that I had already learned to like him. I was afraid that if we continued to be close to each other, I might start to like him even more. And I didn't want that to happen.


"We're not friends, Aguilar." Pormal ang aking mukha habang sinasabi iyon, bagaman kahit malumanay ang boses ay kakatwang may humalong talim doon.


Bumadha ang gulat sa mga mata ni Hugo pero saglit lamang. Ang gulat, galit, at pagkapikon niya ay sabay-sabay na naglaho hanggang sa wala nang emosyong matira.


Tumango-tango siya at pagkatapos ay narinig ko ang boses niya na tila mas malamig pa sa yelo. "You dont have to tell me again. I get it."


Nang talikuran na ako ni Hugo at maglakad na siya palayo ay saka lang ako nahimasmasan. Napakurap-kurap ang mga mata ko habang nakahabol ng tingin sa kanya.


Nang makalayo na siya ay napahawak ang kamay ko sa katabing pader. Nakakapagtaka lang dahil wala namang dahilan, pero bigla na lang nanghina ang aking pakiramdam.



SA ROOM. Patakbong sinalubong ako ni Dessy. "Jillian, doon ba ulit ako sa upuan mo uupo?"


Napatitig ako sa mukha ni Dessy. Ang aga-aga ay plakado na ng siya ng make up. Taas na taas pa ang pilik-mata niya.


Imbes na sagutin siya ay naglakad ako papunta sa unahan na row kung saan naroon ang upuan niya. Nakasunod naman siya sa akin at napapangiti nang makitang inaayos ko na ang bag ko roon.


"Doon pala ulit ako sa tabi ni Hugo," sabi niya na hindi maalis ang ngiti. "Ilang beses ko nang naging classmate iyong gagong iyon, pero ngayon ko lang talaga nakatabi. Akalain mo iyon? Behave naman pala."


I didn't know about that. Hula ko lang na kaya hindi siya kinukulit ni Hugo katulad ng ginagawa noon ng lalaki sa akin, ay dahil sa wala naman itong mapapala sa kanya sa mga quizzes and exams. Hindi makakakopya si Hugo sa kanya.


Though hindi naman sa lahat ng subject ay mahina si Hugo. Tamad lang ang lalaki pero kung gugustuhin ay makakaya nitong makasunod sa mga lessons, especially in math subject.


Naupo si Dessy sa armchair. "Tinanong ko tropa, wala na naman daw GF ngayon si Hugo."


I didn't say a word or give a reaction because Dessy didn't seem to need it. Gusto niya lang magkuwento at gusto niya lang na makinig ako. Naglabas ako ng libro para kahit paano ay hindi masayang ang oras ko. Magbabasa-basa ako para sa susunod naming lesson.



Tuloy naman si Dessy sa pagdaldal, "Wala rin akong BF ngayon. Di ko naman sinasabi na magiging kami ni Hugo. Ayaw ko sa kanya kasi bukod sa maangas siya ay gago at babaero pa. Actually, badtrip talaga ako sa kanya. Pero what if maging kami nga?"


Humagikhik siya na para bang may naisip na nakakaaliw.


"Pag naging kami nga ni Hugo, sisingilin niya pa kaya kami sa utang namin ni ate? Alam ko, galante iyon sa babae e. Saka di ba? May motor siya. Makakalibre na ako sa pamasahe!"


Tumigil sa pagbuklat ng pages ng libro ang kamay ko.


"Di na rin niya kailangang tumambay roon sa bakanteng kuwarto sa amin, kasi puwede na siyang tumambay sa mismong kuwarto ko." Napatakip sa bibig niya si Dessy. "Shet, bakit kinilig ako bigla? Gagi!"


Mabuti na lang at nag-bell na. Umalis na si Dessy at pumunta na sa upuan niya. Nagpasukan na rin ang mga kaklase namin. Dahil nasa bandang unahang row ang kinauupuan ko ay napapadaan sa aking harapan ang mga pumapasok sa pinto. 


Pagpasok ni Hugo ay sa akin agad tumuon ang mga mata niya. Sandaling napahinto siya nang makitang nandito na naman ako sa dapat na upuan ni Dessy.


Hindi ko matagalan ang mga tingin ni Hugo kaya ako na ang kusang nagbawi ng paningin. Bago pa iyon ay nakita ko pa ang pagtango-tango niya habang madilim ang ekspresyon.


Umandar ang araw na para akong nakikipaglaro ng patintero. Kung nasaan si Hugo ay umiiwas ako. Kapag alam kong tatayo siya at lalabas ng pinto ay maglalabas ako ng libro para magkaroon ng dahilan sa pagyuko.


Kahit sa recess ay hihintayin ko muna siyang lalabas o kaya ay mauuna ako para lang hindi kami magkasabay. Pagbalik ko galing sa canteen ay nasa labas ng room si Hugo.


Nakaupo na rin ako sa upuan nang wala sa loob na lumingon sa bintana. Naroon pa rin sa labas si Hugo. Isang babae na ngayon ang kausap niya. Based sa kulay ng ID ng babae ay nalaman ko na ito ay Grade 9 lang. Bata pa ang babae, kaya lang ay bigla na lang silang nag-holding hands.


Napanganga ako nang makitang yumuko si Hugo at hinalikan sa gilid ng mga labi ang kausap na babae. Hindi na kami nagkakasama ni Hugo, mas lalong hindi na niya ako hinahalikan, kaya puwede niya nang halikan ang kahit sino. Bakit ganito ang nararamdaman ko?


Sa gulat ko ay biglang lumingon sa akin si Hugo. Huling-huli niya ang panonood ko sa kanila. Tinaasan niya ako ng kilay at pagkatapos ay ibinalik niya na ang atensyon sa kausap na Grade 9. Nakangiti siya rito nang malambing habang hinahawi ang buhok nito sa mukha. Tumalikod na ako dahil hindi ko na iyon kaya pang makita.



GILALAS ako dahil hanggang uwian, maging hanggang makauwi ako sa amin ay hindi na umayos ang aking pakiramdam. Nagpupuyos ang aking dibdib at parang biglang nahihirapan akong makahinga. Sa init ng panahon talaga ito.


I went straight to my room before my parents noticed my condition. As soon as I entered my room I immediately looked for my nebulizer in the drawer. Nakasandal ako sa headboard ng kama at unti-unti ay nagiging maayos na ang paghinga.


I had just fallen asleep when I suddenly woke up. Napaginipan ko si Hugo!


His handsome face was very clear in my dream. He was smiling sweetly at me, just like how he sweetly smiled at the girl he was talking to earlier in our school.


Tumayo ako at nagbihis na ng pambahay. Kinakalma ko ang sarili habang nag-iisip. Ah, I really had been careless. Ang nararamdaman kong simpleng pagkakagusto kay Hugo ay parang nagkakaroon na ng iba pang kahulugan. Hindi puwede ito!


I didn't want to be in trouble so I must do something. Nagdesisyon ako na i-chat si Dessy. Nakiusap ako sa kanya na tuluyan nang makipagpalit ng upuan sa akin bukas. 



12 MIDNIGHT. Hindi pa rin ako makatulog. Iinom sana ako ng tubig sa kusina nang mahinto ako sa paglabas ng pinto ng aking kuwarto. Naulinigan ko kasi ang mahihinang pag-uusap sa katapat na sala. 


Ang nangingibabaw ay ang bagamat mahinahon ay puno ng pag-aalala na boses ni mommy. "What's happening with you, Jordan? Do you have a problem that we don't know about?"


"I have none, mom," mababa at mahinang boses ni Kuya Jordan.


"Then, what is this? Iyong ilang beses na kinausap ako ng teachers mo dahil lang sa hindi ka na nakaka-perfect sa mga quizzes ay kahit nakakagulat, ay puwede ko pang mapalampas. Pero ang pag-absent mo nang di namin nalalaman, iyon ay iba nang usapan."


Pagsilip ko ay nakatayo sina mommy at daddy patalikod sa akin. Sa harapan ay tahimik na nakaupo sa sofa si Kuya Jordan. Nakayuko ang lalaki at tila walang balak na mangatwiran para sa sarili.


Hinawakan ni Daddy ang balikat ni Kuya Jordan. "Your mother is just worried because this is the first that something like this happened."


"Pinaghandaan mo iyong exam na iyon pero hindi mo na-take dahil um-absent ka. Bakit hindi namin alam ito? Saan ka nagpunta nang hindi ka pumasok sa eskwela?"


Nakayuko lang si Kuya Jordan at hindi na sumagot pa. Kahit hindi niya sagutin, alam ko ang sagot. Isinara ko na ulit ang pinto nang hindi nila nalalaman.


Napabuga ako ng hangin. Ang nangyayari kay Kuya Jordan ay hindi mangyayari sa akin. Ah... I guess it was really a good decision to change seats with Dessy...



PAGPASOK. I entered the room late and then I went straight to my new seat, Dessy's seat.


"Arte mo naman, Hugo. Letse ka!" malakas na boses ni Dessy na mula sa dati kong upuan. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakangiti ang babae. Mukhang inaasar niya na naman si Hugo.


Nagkaroon ng tuksuhan sa likod. Ang mga kaklase namin ay biglang tinukso ang dalawang bagong magkatabi.


"Hugo, ano 'yan, ha? Napapadalas pagtatabi, ah!" tukso ng tropa ng lalaki.


"Kow, kaya naman pala nagpainom kina Dessy noong nakaraan, meron palang dahilan!"


"Boi, painom ka naman mamaya!"


Pati mga babaeng kaklase namin ay nakikitukso na. "Tangina mo, Dess! Kaya ka pala nakipag-break sa syota mo, kasi target mo na pala si Hugo!"


Humagikhik si Dessy. "Baka kamo ako ang target niya!"


"Gago," narinig ko ang mahina bagamat inis na sabi boses ni Hugo.


Dessy wasn't offended, though. Sa halip ay lalong sumaya pa yata ito. Hanggang dumating ang next subject teacher namin ay panaka-naka ko pang naririnig ang pangungulit nito kay Hugo mula sa likod. Ang mga kaklase naman namin ay aliw na aliw.


Nang Math na ang subject ay nagkaroon ng pagpapa-solve sa blackboard. Walang nagtataas ng kamay sa mga kaklase ko. Madalas ako na magpresinta kapag ganito, kaya lang ay hindi ko yata masasagot ang ang problem sa blackboard. Hindi ko gaanong na-absorb ang lesson ngayon.


"Paredes," tawag ng teacher namin sa apelyido ni Dessy. Nakita yata nito na maharot sa kinauupuan ang babae kaya ito ang napiling tawagin.


"Ma'am..." boses ipis si Dessy. "Hindi ko po alam sagot..."


"Of course, you don't know because you were not listening!"


Nagtawanan ang mga kaklase namin. Pinagtatawanan at tinutukso si Dessy.


Nang lumingon ako ay ang una kong nakita ay si Hugo na nakatanaw sa bintana. Walang pakialam ang lalaki sa nangyayari sa paligid niya.


"Ma'am, si Jillian na lang po!" Itinuro ako ni Dessy. "Alam niya sagot diyan kaya siya na lang, ma'am!"


Pinagsabihan ng teacher namin si Dessy pero parang hindi naman nito ininda. Nangingiti pa rin nang maupo ulit. Kinalabit si Hugo sa tagiliran at nagsimula na namang magpapansin sa lalaki.


"Herrera!"


Napapitlag ako sa upuan nang kalabitin ako ng aking katabi. "Jillian, kanina ka pa tawag ni ma'am."


"Ha?" Paglingon ko sa teacher namin ay nakakakunot ang noo nito dahil sa iba akong nakatingin.


"Stand up and solve the equation on the board." Inabot niya sa akin ang chalk kaya wala na akong nagawa kung hindi tumayo.


Napalunok ako. I didn't know if I would be able to solve it, though I still tried because I didn't want our teacher to have a negative impression of me. I started sweating bullets as I still couldn't get the right solution.


Ang tahimik ng buong klase dahil lahat ay nakatutok ang tingin sa akin.


"Anyone who wants to help her?" tanong ng teacher namin sa klase.


Napapikit na lang ako nang mariin dahil alam ko naman na walang magtatangka.


Nakapikit pa rin ako nang makarinig ng bulungan sa likod. Napadilat ako nang may mainit at malaking kamay na humawak sa kamay ko. Kinuha nito sa akin ang chalk na hawak ko.


Pagtingin ko kung sino siya ay napanganga ako nang makita si Hugo. Nagsimula siyang sagutin ang equation sa blackboard nang hindi man lang ako tinatapunan kahit sulyap. Nang matapos siya ay sa teacher namin niya ibinalik ang chalk at hindi sa akin.


"Hmn..." Sinuri ng teacher namin ang solution niya at pagkatapos ay nasisiyahang tumango. "Good job, Aguilar!"


Nagpalakpakan ang mga kaklase namin. Inaasar si Hugo ng tropa niya. May mga naghiyawan pa.


"Quiet!" pagpapatahimik sa mga ito ng teacher namin.


Nang bumalik si Hugo sa upuan ay hinarot na naman siya ni Dessy. "Galing mo, Hugo! Paano mo nagawa iyon, ah? Pag ganyan ka nang ganyan, baka ma-fall na talaga ako!"


Tinukso na naman sila at tuwang-tuwa naman si Dessy. Mukhang na-fall na nga siya kay Hugo. O baka matagal na siyang may gusto sa lalaki at sumusubok na siya ngayon.



BREAK TIME. Nagpahuli na naman ako sa mga lumabas sa room. Sinadya ko na 12:15 na pumunta sa faculty. Papasok ako sa pinto nang makasalubong ko si Hugo. Napatanga ako sa gulat.


Late na akong pumunta sa faculty pero nagpang-abot pa rin kami. Nataranta ako at hindi malaman ang gagawin, kung kakanan, kakaliwa, o aatras na lang paalis. Si Hugo naman ay nakatingin lang.


"Jillian?" tawag ni Mommy mula sa loob na sumagip sa akin.


Nagkaroon ako ng dahilan para tumatag at naglakad papunta sa pinto. "E-excuse me..."


Bago ko bawiin ang aking paningin kay Hugo ay nakita ko pa ang pagbukol ng dila niya sa loong ng kanyang pisngi. Nakapamulsa siyang gumilid para bigyan ako ng espasyo.


Sinalubong ako ni Mommy. "Bakit ngayon ka lang? Pupuntahan na sana kita sa room mo."


"Sorry, Mommy. May ginawa pa po kasi ako sa room."


"Halika na. Kain na tayo," yaya ni mommy sa akin. Pumasok na kami at hindi ko na inalam pa kung nakaalis na ba si Hugo.


Habang kumakain kami sa table ni mommy ay nagkukuwentuhan ang mga teachers na tapos nang kumain. Ang topic nila ay si Hugo. Si Mrs. Normalyn Aguilar na mommy ng lalaki ang nagsasalita.


"Binibigay naman namin ang lahat sa kanya dahil nag-iisang anak siya. Hindi ko alam kung bakit nagre-rebelde pa rin."


Humihingi ito ng payo sa mga kapwa guro.


"Ang balak ng daddy niyan ay ilipat ulit sa private next year. Pero kahit saan naman, kung hindi magtitino, hindi talaga magtitino. Kaya nga tumututol ako na ilipat pa. Maigi kasi na dito na lang si Hugo kasama ko sa iisang school."


"Siya nga, Norma," ani Mrs. Panganiban. "Hindi mo man mabantayan minuminuto, the thought na kasama mo sa isang eskwelahan ang anak mo ay nakakapagpanatag na kahit paano."


Napasentido si Mrs. Aguilar. "Ang inaalala lang kasi namin ng daddy niya, hindi naman sumasabay sa akin sa uwian. Palibhasa may sariling motor, diretso lagi siya sa galaan. Minsan kahit gabi na, wala pa rin sa amin. 'Tapos kung umuwi ay laging lasing."


Kanya-kanyang bigay naman ng komento ang mga teachers.


"Mga kabataan talaga ngayon, hindi na iniisip ang nararamdaman ng mga magulang nila. Puro kaligayahan na lang na pansarili ang iniintindi."


"Kahit naman saan 'yan mag-aral, kung gustong bumarkada, mababarkada at mababarkada iyan. Kausapin mo na lang, Norma. Graduating naman na next school year ang anak mo, pakiusapan mo na lang na wag siyang gagawa ng ikapapahamak niya."


"Ganyan tayong mga magulang, hindi tayo susuko sa mga anak natin. Kahit nasasaktan tayo, patuloy pa rin natin silang iintindihin at mamahalin."


"Mrs. Herrera can't relate," biro ng isa sa mga teachers. "Napakababait ng mga anak."


Ngingiti-ngiti lang naman si Mommy.


"Hay, ang dasal ko lang ay makatapos si Hugo ko," sambit ni Mrs. Aguilar na may nginig ang boses. "Iyon lang ang pangarap namin ng daddy niya. Iyon lang ang hiling namin. Maging responsible siya at wag na wag mandidisgrasya. Dahil kung makakabuntis siya, baka doon ko na talaga hindi kayanin."


Nang nataon na nagtama ang aming mga mata ni Mrs. Aguilar ay ngumiti sa akin ang ginang. Ako ay ngumiti rin naman, pero agad ding napayuko dahil tila ba bigla akong napaso.


Pagkatapos naming kumain ni Mommy ay hinatid niya ako hanggang sa building ng Grade 11. "Jillian, malayo ba ang upuan mo sa upuan ni Hugo?"


Nahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong.


"I trust you, baby," malumanay na sabi ni mommy. "Hindi rin naman sa ayaw ko sa anak ni Norma, nag-aalala lang ako dahil kasi alam naman ng lahat ang ugali ni Hugo..."


Iniisip lang ni mommy na baka nawiwindang ako sa ugali ng lalaki. Walang kaalam-alam si Mommy na lahat ng kalokohan ni Hugo ay sanay na ako, dahil hindi ko lang basata nakatabi ang lalaki sa upuan, dahil mas marami pang nangyaring higit doon.


Umiling ako. "No, my. Malayo po ang upuan ko sa upuan ni Hugo." Hindi ko na katabi si Hugo pero noon ay katabi ko. But of course, I would not tell mommy about that...



UWIAN NA at nagpahuli na naman ako ng paglabas sa room. Tinapunan ko ng tingin ang row kung saan naroon ang upuan ni Hugo. Nang makitang wala na roon ang lalaki ay nagsimula na akong maglakad palabas sa pinto.


Sumabay ako sa mga lumalabas na estudyante sa gate. Hindi na ako dumaan sa faculty dahil malamang ay nasa labas na si Mommy. Nasa kotse na siguro siya ni Daddy at hinihintay ako.


Ang paningin ko ay nakatutok na agad kung saan ako pupunta. Sa pinagpa-parking-an ni daddy. Nakakailang hakbang pa lang ako sa labas ng gate nang may matangkad na lalaking iba ang uniform ang sumabay sa paglalakad sa akin.


"Jillian," My name was called by a warm and gentle voice that I recognized immediately. Si Harry.


Nang tumingala ako ay ang lalaki nga. Sa aking gulat na nandito na naman siya ay hindi tuloy agad ako nakapagsalita. Dito na naman dumiretso dahil nakasuot pa siya ng uniform ng La Salle sa Dasma. 


"Your parents have already left. Ipinagpaalam na kita sa kanila na ako ang maghahatid sa 'yo pauwi."


Pagtingin ko sa lugar kung saan dapat naka-park ang sedan ni Daddy ay iba na ang nakaparada roon. Wala na nga sila.


"I brought my dad's car. Nandoon sa kanto naka-park." Nang kunin ni Harry sa akin ang bag ko ay hindi agad ako nakaalma.


Pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nasa balikat niya na ang bag ko. Bumuka ang bibig ko para sabihin sana na ibalik niya iyon sa akin, kaya lang isang lalaki na nakatayo sa may katapat na tindahan ang nahagip ng aking paningin.


He was looking at us with his piercing dark eyes. My knees trembled when I recognized who the guy was. Hugo.


Dumagundong ang dibdib ko nang ngumisi siya nang nakakaloko at umiling-iling sa akin.


And I didn't know why I felt like I had gotten caught cheating on him...


JF


#TroublemakerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top