Chapter 15
WHY ARE IGNORING ME?
Nasilip ko ang recent chat ni Harry sa message request. Wala sana akong balak tingnan kaya lang ay nakita ko na. How could he even bother to think of me? Hindi ba siya busy sa pag-aaral katulad ng palagi niyang idinadahilan?
At may girlfriend na siya na mas higit na nangangailangan ng atensyon, bakit hindi iyon ang kanyang pagkaabalahan?
"Mula nang dumating ka kanina, ang lungkot mo na," puna sa akin ni Dessy.
Napatingala ako sa babae na nagtitimpla ng kape sa harapan ko. Nandito ako sa kusina na naman ng bahay nila. "Hindi naman," kaila ko. "Nakokonsensiya lang ako dahil wala naman talaga tayong project katulad ng paalam mo sa kuya ko."
Pinayagan ako ni Kuya Jordan dahil ipinaalam ako ni Dessy na may project daw kami, kahit ang totoo ay wala naman. Nagulat na lang ako na ipinaalam niya ako at nagulat na lang din ako na pumayag ang kapatid ko.
Walang inuman ngayon dito sa bahay nina Dessy. Wala raw pera ang mga tao. Wala mang session ay hindi pa rin talaga nawawalan ng tambay rito. Naging second home ng tambay na estudyante ang bahay nila.
Dahil walang alak ay matitino ang tao sa sala. Tumabi ako sa kanila sa sofa since wala naman silang mga tama. Kahit si Dessy ay walang tama kaya naman asikasong-asikaso sa akin ngayon. Kapag kasi may alak o nandito ang kanyang boyfriend ay nakakalimutan ako nito.
Nang dumating si Hugo ay nakita agad ako ng lalaki. Nangunot ang makinis niyang noo sa pagtataka kung ano ang ginagawa ko rito. Hindi naman siya lumapit sa akin.
Umalis si Hugo kasama ang dalawa sa tropa niya. Para silang sandwich sa motor dahil tatlo sila. Pagbalik ay may mga dala ng alak, ice cubes, at mga chips. Tuwang-tuwa naman si Dessy at ang ibang naririto. Para silang mga sabik na ngayon pa lang makakainom ng alam sa buong buhay nila.
"O di payag si Hugo na matino kayo!" sigaw ng isa sa tropang kasama ni Hugo.
Nakiumpok si Hugo sa mga nakatambay sa sala habang ako ay sumimple na bumalik sa kusina. Umiiwas ako na baka biglang maalok ng tagay. Ayaw ko na masabihan ng maarte kung tatangi ako kaya umalis na lang ako.
Sa kusina ay hindi man lang ako sinundan ni Dessy. Ganoon talaga ito kapag may alak, nakakalimot sa lahat. Pero mabuti na rin iyon. Mayamaya kapag lasing na sila ay aalis na ako.
Binuksan na nila ang videoke. Habang nakaupo ay nakikinig lang ako sa mga nangyayari sa sala. Pumailanlang ang tunog ng kanta, at sumunod ay ang malamig at swabeng boses na nagpaangat sa aking mukha.
"Isn't it funny how time seems to slip away so fast?"
Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang makilala kung sino siya.
"One minute, you're happy; the other, you're sad. But if you give me one more chance to show my love for you is true. I'll stand by your side, your whole life through..."
Pumikit ako habang pinakikinggan ang pagkanta ni Hugo. He really could sing and he had a nice voice.
"If life is short, then why won't you let me love you before we run out of time? If love is so strong, why won't you take the chance before our time has gone?"
Nang matapos siyang kumanta ay natukso ako na sumilip sa sala. Tipsy na agad ang lahat dahil sa sunod-sunod na tagay. Kusang naghanap ang mga mata ko hanggang sa makita ko ang hinahanap.
Si Hugo ay nakaupo sa hawakan ng sofa. A girl was flirting with him. Kinikiliti siya sa leeg. Nang mapatingin siya sa akin ay tumayo siya at iniwan ang babae sa sofa.
Bumalik ako sa kusina at naupo. Nagpanggap ako na busy sa hawak na phone. Umupo siya sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin. Narinig ko siyang tumawa kaya ako napatingin sa kanya.
"Cute mo, Herrera."
Patay-malisya na ibinaba ko ang phone. "What?"
"Sa taas tayo?"
Nag-init ang pisngi ko. "A-ayoko."
"Sigurado ka?"
Tumiim ang mga labi ko.
"Sige, magtatawag na lang ako ng ibang gustong sumama sa akin sa itaas—"
Sinabunutan ko siya. Napaungol siya at napasimangot. Hindi naman siya galit. Hindi rin mariin ang pagkakasabunot ko, marahan lang. Maingat. Nagulo ang buhok niya pero palagi rin naman niya iyong ginugulo gamit ang mahahaba niyang daliri.
Dahil sa pagkakalapit namin ay napansin ko ang pagiging malamlam ng mga mata niya.
"Tara." Pagkasabi'y basta na lang niya dinampot ang kamay ko at hinila ako papunta sa hagdan.
Pagpasok namin sa kuwarto na inangkin niya nang hideout niya ay basta siya nahiga sa kama. Tinapik niya ang bakanteng espasyo at pinalapit ako.
Naupo ako sa edge ng kama at tiningnan siya. "May problema ka?"
Hindi inaalis ni Hugo ang maangas na ekspresyon, ang cool na pagkilos, maging ang parang palaging tinatamad na timbre ng boses niya, pero ako na nakita na ang ibang emosyon niya ay nasasabi ko na may kakaiba ngayon sa kanya.
Bumangon si Hugo at umiling.
Hinawakan ko siya sa balikat. "You don't need to put up a front with me. "
"Wala nga." Nang mapatingin siya sa akin at makita na hindi ako naniniwala ay napabuga siya ng hangin. "Bumisita iyong dati kong yaya noong bata pa ako, kaya naiirita akong umuwi. Hindi ko trip."
"Bakit ka naman maiirita sa dating nag-alaga sa 'yo? Di ba dapat happy ka?"
Hindi niya na itinatago ang pagdilim ng mga mata. Nagtataka naman ako kung bakit siya nagkakaganito.
"'Wag mo na akong tanungin." Tumayo siya at iniwan ako sa kama. Iba na ang ekspresyon niya, tuluyan nang nagbago ang mood.
Naglabas siya ng kaha ng sigarilyo sa shorts niya at binuksan ang capiz na bintana. Nagsindi siya at doon humithit. Mukhang mabigat ang kung ano mang inaalala niya dahil ngayon lang siya nagsigarilyo na kasama ako.
Ang usok na ibinubuga niya ay hindi lahat lumalabas sa bintana. Ang iba ay nalalanghap ko pa rin sa loob ng kuwarto. Hindi ko napigilan ang pag-ubo.
Tumingin siya sa akin. "Kung di mo makaya ito, sa baba ka muna."
Nakaramdam ako ng pagtutol sa dibdib, pero tumango na lang ako at tahimik na iniwan na siya. Nakalabas na ako ng pinto na hindi niya ako pinipigilan. Hindi nagbago ang isip niya na pababain ako sa sala.
Pagbaba ko sa hagdan ay nakasalubong ko si Dessy. Bumadha sa mukha ng babae ang gulat nang makita ako. "Anong ginagawa mo sa taas?"
"Hinahanap kita," pagsisinungaling ko. Kotang-kota na ako sa kasinungalingan ngayong araw na ito.
Hinawakan niya ako sa braso. "Halika sa sala na lang tayo tumambay. Sorry, di kita naasikaso, napainom ako e."
Pinaupo niya ako sa sofa kasama ng mga nakatambay roon. "Gusto ko nang umuwi," bulong ko kay Dessy.
"'Wag muna. May parating."
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Ngayon ko napagtanto kung bakit nagsikap siya na mapapunta ako rito sa kanila. May balak siya!
Nagdoble ang kaba ko nang mula sa pinto ay lumitaw ang lalaking ayaw ko na sanang makita. Pumasok si Wayne Daniel Chung. May band aid sa gilid ng noo ang lalaki. T-shirt na itim ang suot. May bitbit na plastic at ang laman ay alak.
"Ayon, nagpakita si Chung!" maligayang sabi ng isa sa mga lalaking nakatambay sa sala.
Binatbat siya ng tanong ng lahat dito. "Wayne, di ka na napasok sa school. Totoo bang na-kick out ka?"
"Hindi, alam ko lilipat sa private school 'yan. Di ba, Wayne? Saan ka bang school ngayon? Nakita ko daddy mo sa guidance kahapon, ah!"
Hindi sinagot ni Wayne ang mga tanong sa kanya. Inilapag niya ang dalang alak sa center table at doon na natuon ang atensyon ng mga naririto sa sala. Pagkuwan ay lumapit siya sa kinauupuan ko at tahimik na tumabi sa akin.
Tahimik siya na tumagay ng isa bago ako tingnan. "Kumusta? Alam mo na siguro iyong nangyari," matabang niyang sabi.
Hindi ako sumagot. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil abot-abot ang kaba ko. Na-kicked out siya dahil na-raid ang gamit nilang magto-tropa. At ang nang-raid ay ang student council na pinangungunahan ng kuya ko. Ang kuya ko rin mismo ang nagsumbong na gumagamit at nag-su-supply siya.
"Kasalanan ito ng Carlyn na iyon e. Iyon ang nagsumbong ng kasinungalingan sa kuya mo. Palibhasa kasi ay hindi ko siya pinatulan. Jillian, sinasabi ko sa 'yo, ilayo-layo mo sa kuya mo ang babaeng iyon kung ayaw mong masira buhay ng kapatid mo."
"Girlfriend siya ng kuya ko at may tiwala ako sa desisyon ng kuya ko," mahinang sabi ko.
"Psh. Ilan na ba naging GF ng kuya mo?"
Kumuyom ang mga palad ko sa pagtitimpi nang dumikit sa akin ang balikat ni Wayne. Sa pagsulyap ko ay nakita ko rin na namumula ang mga mata niya. Hindi ko alam kung sa pagkalasing o sa paggamit...
Sinilip niya ang mukha ko. "Mukhang wala pang malay sa mundo ang kuya mo. Wala siyang malay na ang dapat niyang ni-re-raid ay iyong Carlyn na iyon. Iyon talaga ang hindi lang basta gumagamit, nagbebenta rin!"
"Hoy, anong pinag-uusapan niyo?" sabat ni Dessy. "Narinig ko pangalan ni Carlyn. Carlyn Marie Tamayo ba iyan?"
Nagpatagay si Wayne bago tumango.
Nabura ang ngiti ni Dessy. "Kilala ko 'yang si Carlyn. Nag-confess sa akin iyong ex ko noong Grade 9. Nakainuman niya 'yan, 'tapos may nangyari daw sa kanila."
"Hoy, kilala ko rin iyon!" sabat ng babae sa harapan namin. Nakikinig pala.
Paula ang pangalan ng babae. Ang mga kasama nito ay lumabas muna para manigarilyo kaya nakisali ito sa usapan.
"Dessy, kilala mo si Michael Jonas Pangilinan o Miko? Ex ko iyon noong Grade 10 e. Nag-break kami kasi nalaman ko na noong fiesta sa Buenavista, nakainuman niya iyong Carlyn na iyon. May nagsumbong sa akin na nakita sila sa banyo na nagtitirahan."
Napatungga ng alak na walang chaser si Dessy. "O tangina di ba? Balita na patay na patay kay Isaiah 'yang si Carlyn, 'tapos nagpatira sa tropa?!"
Tumawa si Paula. "Baka naman alam sa tropahan nila iyong nangyayari. Malay natin, pinagpapasa-pasahan pala siya. Baka gusto rin niya. Aayaw pa ba siya? Hello?!"
Natawa rin si Dessy at tumagay ulit. "Kaya nga gulat ako na na-link kay Wayne e. Maniniwala pa sana ko na totoo kung di ko lang alam na loyal itong manok ko kay Jillian."
Nang magtama ang mga mata namin ni Wayne ay parang sinasabi niya sa akin na sapat na ang mga narinig ko. Sapat na talaga at sobra pa nga. Parang dudugo ang tainga ko sa mga narinig kaya tumayo na ako.
"Uuwi ka na? Hatid na kita," alok ni Wayne.
Sinitsitan niya ang tropa niya nakatambay sa labas. Sinabi nito sa kanya na ginamit ng isang tropa nila ang motor niya. Nagpahintay siya sa akin.
Paglabas ng lalaki sa pinto ay pasimple akong nagmasid sa paligid. Busy na si Dessy sa pakikipagkuwentuhan kay Paula. Ang topic nila ngayon ay ang guwapong pinsan ni Isaiah. Sinamantala ko iyon para pumuslit sa kusina.
Ayaw kong magpahatid kay Wayne. Kahit noong hindi ko pa alam na gumagamit siya ay hindi na ako kumportable sa kanya. Akala ko hindi na siya babalik at magpapakita rito. Kung alam ko lang talaga.
"Si Jillian?" boses ni Wayne mula sa sala. Nakabalik na siya at hinahanap ako.
"'Di ko napansin," sagot ni Dessy. "Akala ko, kasama mo."
"Hindi. Sabi ko maghintay siya rito dahil tatawagan ko iyong tropa na gumamit sa motor ko."
"Baka nasa kusina si Jillian. Tingnan mo na lang."
Nang marinig iyon ay nagmamadali akong nanakbo paakyat sa second floor. Dumeretso ako sa pinto ng kuwartong pinanggalingan ko kanina. Pinagpawisan ako nang pagpihit sa doorknob ay naka-lock iyon.
"Jillian, saan ka?" sigaw ni Wayne mula sa ibaba.
Nag-pa-panic na kinatok ko na ang pinto lalo nang marinig na may umaakyat sa hagdan. Walang nagbubukas dahil baka iniisip ni Hugo na ibang tao. Hindi ko naman magawang magtawag dahil maririnig ni Wayne.
'Hugo, please open the door...' dasal ko sa isip.
Sunod-sunod ang mahihinang katok ko. Palapit din nang palapit ang mga yabag mula sa hagdan.
Ang huling yabag na narinig ko ay malapit na sa aking likuran. Ang mabigat na boses ni Wayne ang sumunod, "Jillian, nandiyan ka ba?"
Naiiyak na ako at tanggap nang makikita ni Wayne nang biglang bumukas ang kinakatok kong pinto. Mula sa loob ay may humila sa akin papasok. Napakurap ako nang makita sa harapan ko ang seryosong mukha ni Hugo.
"Jillian?!" malakas na boses ni Wayne na nasa labas na mismo ng pinto ng kuwarto.
Walang pagtatanong sa mga mata ni Hugo. Ang makikita roon ay pagkairita. Hindi ko alam kung para kay Wayne o para sa akin dahil bigla na lang akong bumalik at inistorbo siya.
Nakarinig kami ng pagkatok. "Jillian? Jillian, are you there?!"
Pinipihit ni Wayne nang pilit ang doorknob mula sa labas. Ang mga katok niya ay papalakas na tila nauubusan na ng pasensiya.
Ang pagkairita sa guwapong mukha ni Hugo ay lumala. "Putangina."
Napanganga ako nang igilid niya ako. Inilagay niya ako sa may likod ng pinto saka niya inalis ang lock at pinagbuksan si Wayne.
"What's your problem, man?"
"I think I saw Jillian entering this room," hindi pasigaw pero mabalasik ang boses ni Wayne.
"Seryoso ka? Tulog ako rito, paanong may papasok? Naka-lock ang pinto."
"Pero nakita ko nga!"
"Hindi ba sabog ka lang?"
Hindi nakakibo si Wayne.
"Man, namumula mata mo. Baka wala kang kamalay-malay na nakaalis na ang hinahanap mo."
"Fuck, pero nakita ko nga siya rito!"
Nilakihan ni Hugo ang pagkakabukas ng pinto sanhi para magitgit ako sa likod. "May nakikita kang kasama ko?"
Nang makita ni Wayne ang kuwarto ay tila sumuko na ito. "Sorry, man. Akala ko lang pumunta rito GF ko."
Pagkaalis ni Wayne ay sinara na ulit ni Hugo ang pinto. Halos magbuhol ang mga kilay niya sa pagsasalubong ng mga ito. Nang tingnan niya ako ay napayuko ako.
"T-thank you..." mahinang sabi ko.
"Ihahatid kita mayamaya. Pero wag ka na muna ulit pupunta rito."
Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung para saan, pero may kumirot na kung ano sa loob ng dibdib ko.
SA PAGPASOK sa school ay nahuhuli ako kina Mommy sa paglalakad papasok ng gate. Naiiwanan na nila ako pero wala akong pakialam. Lumulutang ang isip ko. Malapit na ako sa gate nang may humarang sa harapan ko.
Pinanlamigan ako sa boses pa lang, higit lalo nang tumingala ako at makilala ko ang matangkad na lalaki sa aking harapan. "Harry..."
Bakit siya nandito?!
Nakasuot ng uniform na pang La Salle ang lalaki. Mukhang dito dumeretso bago sa university. Malinis na malinis, mabango, masisinag ang malamlam na mga mata sa suot na specs. Bumuka ang mapulang mga labi niya. "Do you have a minute?"
"M-may gagawin pa ako sa library..." pagdadahilan ko para makaiwas. Dahil bukod sa hindi ko alam kung ano ang sadya niya at hindi pa rin ako handa na harapin siya.
"Galit ka."
Hindi naman totoo na manhid si Harry. Matalino rin siya para maging tanga... Pero matalino siya masyado para...
Dahil nakaharang kami sa daan at nababangga kami ng mga estudyanteng papasok ay gumilid kami. Ang plano ko ay sa gilid lang ng gate, kaya lang ay naglakad si Harry papalayo. Ang mga paa ko ay sumunod sa kanya.
Malapit sa gilid na saradong tindahan kami huminto. Nakapamulsa siya sa suot na slacks uniform nang lumingon sa akin. "Why are you mad at me?"
"Hindi nga ako galit," malumanay kong sabi. Hindi makatingin nang diretso sa kanya.
"Then why did you unfriend me?" mariin na tanong niya na puno ng hinanakit. "You even declined all of my requests. You ignored my chats at pati sa text at tawag, hindi ka sumasagot."
Napatunganga ako sa sakit na gumuguhit sa mga mata niya. Mahina at mahinahon akong nagsalita. "Ano ngayon kung i-unfriend kita? Ano ngayon kung i-decline ko ang request mo? Ano ngayon kung hindi ko sagutin ang mga chat, text, at tawag mo? K-kawalan ba iyon sa 'yo?"
"Jillian..." manghang sambit niya.
Marahan akong tumingala at sinalubong ang nanlalaki niyang mga mata. "Har—Kuya Harry, sa tingin ko ay hindi naman big deal iyon..."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Jill, hindi naman tayo simpleng magpinsan lang. Hindi tayo simpleng magkamaganak, magkaibigan o ano pa man. We are close and—"
"We're close?" mapait na putol ko sa sinasabi niya.
Sa Facebook ko na nga lang nalaman na may girlfriend na siya. Kaya nasaan ang closeness na sinasabi niya?
Hindi ko pa rin inaalis ang pagkakangiti ko. "Hindi na nga talaga tayo close na tulad noon. Sabi nga ng mommy mo, binata ka na at dalaga na ako. Hindi na nga naman na magandang tingnan ang sobrang close tayong dalawa. Siguro kaya rin tumigil ka na sa pagdalaw sa akin, pakikipag-usap sa akin at pagiging open sa akin!"
Nakaawang ang mga labi niya na tila hindi makapaniwala sa naririnig mula sa akin.
Bago pa pumait ang pagkakangiti ko ay nagpaalam na ako. "Kailangan ko nang pumasok, Kuya Harry. Pasensiya ka na, uso kasi magbawas ng friends sa Facebook. Uso rin mag-unfriend ng kamaganak, nakiuso lang ako. Sorry kung nasama ka sa in-unfriend ko."
Mabigat ang aking mga ko at tila biglang nanlalabo ang mga ito habang naglalakad ako. Hindi na ako mag-o-online. Ia-uninstall ko na ang mga social media apps ko. Hindi ko naman kailangan iyon sa pag-aaral.
Ang pagtambay kasama si Hugo Emmanuel Aguilar, kailan pa ba nasama sa pag-aaral? Ha? Why did I think of that guy all of a sudden?
Nawala ang mabigat na pakiramdam ko nang aking matanaw ang lalaking nakatayo sa gilid ng gate. Speaking of the devil—si Hugo! Nakatingin siya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.
Ang mga mata niya ay lumampas sa akin at natuon sa nasa likuran ko. "Herrera," malamig na bigkas niya.
Hindi ako umimik. Binilisan ko ang mga lakad at nang nasa harapan na ako ni Hugo ay nilampasan ko siya. In my peripheral vision I saw the astonishment on his face.
I ignored him because I didn't want Harry to see me talking to a guy who wasn't in complete uniform, hindi clean cut ang buhok, may hikaw sa tainga, may ahit ang kilay at higit sa lahat, may hawak na stick ng sigarilyo ang kamay.
I felt guilty but I continued to leave without even throwing Hugo a glance.
Sa room namin ay wala kaming imikan ni Hugo. Basta siya sumalampak ng upo sa katabi kong upuan pagpasok niya. Paharabas ang mga kilos niya na madadama na naiirita siya.
Nang mag-quiz kami sa English ay hindi ko tinakpan ang aking papel para makakopya siya. Nakokonsensiya ako sa ginawa ko kanina kaya gusto kong bumawi. Pero hindi siya kumopya. Ni hindi niya sinulyapan man lang ang papel ko.
At nang mag-breaktime ay padabog siyang basta umalis. Mabigat ang loob na napabuga ako ng hangin habang nakatanaw sa kanya.
SUMUNOD NA ARAW. Kahit hindi ko ugali ang makipagkuwentuhan ay nag-ubos ako ng oras sa umaga sa upuan ni Dessy. Kahit wala akong naiintindihan ay nakinig ako sa love problem ng babae, para lang makaiwas kay Hugo habang wala pang klase.
Sa paglingon ko sa bintana ay saktong dumaan sa bintana ng room namin ang girlfriend ni Kuya Jordan na si Carlyn Marie Tamayo. Nakatingin sa hawak na phone ang babae habang naglalakad. Palampas na siya nang may humabol sa kanyang isang lalaki at bigla siyang inakbayan. Nagulat siya pero ngumiti nang makita ang lalaki.
"Hindi raw sila," iritableng boses ni Dessy. Ang mga mata niya ay nakatingin din sa labas ng bintana.
Nakaismid na sinabi ni Dessy na ang lalaki ay Michael Jonas Pangilinan ang pangalan.
"Tropa raw pero kita mo naman, may mag-tropa bang ganyan?"
Nanahimik na ako habang naglalakbay ang isip. Hindi ito ang unang beses na nakita ko na may nadidikit na lalaki kay Carlyn. May pagkakataon na napadaan ako sa room nila at ilang beses kong nakita ang closeness nila ni Isaiah. I knew Isaiah Gideon del Valle because he was my classmate before.
Nakita ko na rin noon si Carlyn na kausap si Hugo. Halos magkadikit sila sa kanto malapit sa hagdan. Pagkatapos niyon ay hindi ko nakuhang ngumiti sa babae. Despite the bad things I heard about her, I still didn't want to judge her. It was just that the kind of closeness she had with different guys was bothering me.
THE SAME thing happened the next day. I did everything to avoid Hugo. It even got to the point that I moved to the seat next to Dessy. Nataon kasi na absent ngayon ang totoong katabi ng babae.
Kahit nangalay buong klase ang aking leeg ay hindi ako lumingon sa aking inalisang upuan. Ang focus ko ay sa blackboard lang, kahit binabagabag ako ng pakiramdam na may mga mata na nakatingin sa akin mula sa likuran.
Nahimasmasan na yata si Hugo. Hinahanap niya ako pero hindi na talaga ako bumalik sa upuan na katabi ng kanya. Nang break time ay hindi rin ako humiwalay kay Dessy. Hinintay ko rin muna talaga na makaalis muna si Hugo bago ako pumunta kay mommy sa faculty.
NAGING MADALI na ang pag-iwas kay Hugo dahil the next day ay sembreak na. Ilang araw na walang pasok. Naka-off ang aking WiFi at inubos ko ang panahon ko sa bahay. Nag-review ako ng mga past lessons at nag-advance study para sa mga susunod na pag-aaralan. Pilit kong ibinabalik sa focus ang sarili.
Habang ako ay nag-aaral pa rin kahit bakasyon, si Kuya Jordan naman ay busy sa girlfriend niyang si Carlyn. Ang nakakagulat pa ay nang isang gabi na sa amin umuwi ang babae. Doon mismo ito natulog sa kuwarto ng kuya ko.
Nakiusap sa akin si Kuya Jordan na wag magsasabi kina Mommy at Daddy. He even asked me to trust him. He said that he knew what he was doing. I was disappointed and upset, but I just couldn't say no to him.
MABILIS DING NATAPOS ang dalawang linggong bakasyon. Nakipagpalit ako ng upuan kay Dessy, at okay lang naman dito. In fact, mukhang masaya si Dessy na makatabi si Hugo.
Nang uwian ay hinanap ng mga mata ko sa may gate si Kuya Jordan. Ang natanaw ko roon ay si Carlyn. Hindi niya kasama ang kuya ko, sa halip ay si Hugo na naman ang kausap niya. Ang dikit nila sa isa't isa. Hindi ko namalayan na hindi na pala ako kumikilos sa kinatatayuan.
Bakit dumidikit pa si Carlyn sa ibang lalaki gayong boyfriend niya na ang kuya ko? She even already slept with my brother!
Dumating na si Marilou dela Cruz o 'Lou'. She was Kuya Jordan's classmate. Hinila ako nito. Nagsusumbong sa akin ang babae na hindi na raw nakaka-perfect sa mga quizzes at exams nila si Kuya Jordan. Lagi na raw may mali na kung hindi isa ay dalawa.
Sa ibang estudyante ay ayos lang ang ganoong ilang mali sa quizzes at exams, pero hindi sa katulad ni Kuya Jordan. Ang nasa paligid niya ay hindi sanay na nagkakaroon siya ng kahit isang pagkakamali. For sure, mababahala ang parents namin kapag nalaman iyon.
"Jill, bakit si Carlyn ang napili ni Jordan?" tanong ni Lou na malungkot ang mga mata. "Bakit hindi ako na palagi niyang kasama? Bakit naghanap pa siya ng iba? Nang hindi matalino, hindi masipag mag-aral, at hindi maganda ang reputasyon sa school?"
Naiintindihan ko si Lou. Ito ang kasama palagi ni Kuya Jordan. Ito ang malapit, pero hindi ito ang nagustuhan. Naiintindihan ko ito dahil alam ko ang ganoong pakiramdam.
Gayunpaman, wala akong magagawa. Hindi ko naman hawak ang puso at isip ng kapatid ko. Ayaw ko ring manghimasok kahit pa napapaisip na rin ako tungkol kay Carlyn.
Ganoon ba kapag in love? Nag-iiba na at nakakalimot na sa mga gawaing nakasanayan na? Nakakapagpabago ba talaga ang love ng ugali at priorities?
Kuya Jordan's priorities were our family and his studies. But where was he now?
Sa kinasanayan ko, hindi kaya ni Kuya Jordan na hindi ako kinukumusta. Hindi rin niya ako gaanong pinapakilos dito sa bahay. Naiinis na nga lang ako dahil kahit toka ko sa gawain ay inaagaw pa niya. Hindi niya rin ako basta iniiwan sa bahay nang mag-isa. Pero nitong mga nakaraan, halos hindi ko na siya nararamdaman.
Hindi ba nga lately niya na lang nalaman na umuuwi na pala akong mag-isa? Wala rin siyang idea na kung sino-sino ang aking nakakasama at saan-saan na ako nakakapunta.
Kung gaanon ang 'love', posible bang katulad ng kuya ko, maging ganoon din ako? Posible bang sa isang iglap, magbago ang mga priorities ko? Hindi pa man nangyayari ay natatakot na ako...
No. Ipinilig ko ang ulo. I would not be like him. I knew my priorities and I would stick to them.
Then, my phone beeped on the bedside table. Nababuntong-hininga na lang ako ng hangin nang mabasa ang message na dumating.
Aguilar:
Herrera, bakit iniiwasan mo ako?
KUYA JORDAN WASN'T IN HIS ROOM. Gabing gabi na, pero wala pa rin si Kuya Jordan. Nakailang check na ako sa kuwarto niya pero wala pa rin siya. Ngayon ang unang beses na ganitong oras ay wala pa ang kuya ko sa bahay.
Nakatanggap ako ng text message galing sa number ni Kuya Jordan na sinasabing nasa kuwarto siya at wag iistorbohin. Pero wala naman siya sa kuwarto. Alam ko rin na hindi siya ang nag-type ng message dahil kabisado ko ang typing niya.
But who sent me the text message? Was it his girlfriend, Carlyn? If it was her, why did she have to lie? And where was my brother?
I was already in the room when I received a message from Lou.
Kuya Jordan's Classmate- Lou:
Hi, Jill! I think you should know about this. Ka-chat ko ang suitor ko na friend ni Carlyn. Kasama nila ngayon sa inuman ang kuya mo. Open your messenger.
I couldn't believe my eyes after viewing the photo that Lou forwarded to me. I blinked a few more times to be sure, but it was really Kuya Jordan. Sa photo ay may siyang baso ng alak habang tumutungga! Oh, god! Was this really my brother? Ang kapatid ko na isang perpektong anak, kapatid, at estudyante?!
Sa kaliwa ng kuya ko ay si Carlyn na naka-dirty finger at sa kanan naman ay ang nakatawang si Isaiah na halatang lasing na. Sa harapan nila ay center table na puno ng bote ng Red Horse beer at mga sitsirya!
Buong katawan ko yata ay nanginginig nang mag-reply kay Lou. Pina-delete ko sa kanya ang photo at nakiusap na wag iyong isi-send kina Mommy. Binura ko rin agad ang photo kasama ang mga messages ni Lou.
Hindi ako nakatulog nang matino sa magdamag sa dalawang dahilan. Sa pag-aalala kay Kuya Jordan at sa pagkalito sa tuwing mag-b-beep ang phone ko. Hugo was sending me messages non-stop.
Aguilar:
Bat nga naiwas?
Aguilar:
What? Badtrip ka ba dahil di kita pinapupunta kina Donya Dessy?
Aguilar:
Praning si Chung ngayon kaya bawal ka ron. Stroll na lang, ano? Punta ko ngayong Malabon.
Aguilar:
Pakasungit nito o.
Aguilar:
Yuhoo, Herrera?
Aguilar:
Ge ge.
God knows how I restrained myself from replying to him. There were so many things on my mind right now. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko and at the same time, nag-aalala ako sa kapatid ko.
Masakit ang ulo ko kinaumagahan dahil sa puyat. Prinoblema ko pa kung paano mailulusot kina Mommy at Daddy na hindi umuwi kagabi si Kuya Jordan. Nagkunwari na lamang ako na nagmamadali para maka-biyahe na kami agad. Mabuti na lang din at sanay sila na umalis na kami-kami lang.
Akala ko papasok si Kuya Jordan pero nalaman ko na lang kay Lou na kahit half day, hindi na talaga pumasok sa school ang kapatid ko. Nakailang daan din ako sa room nina Carlyn sa second floor ng Grade 11 building, wala rin ang babae roon. Pareho silang absent ni Kuya Jordan at mukhang magkasama sila ngayon.
Natutuliro na naman ako sa pag-aalala. Hindi kasi ganoon ang kapatid ko, hindi niya ugaling um-absent o mag-cutting classes para tumambay o makipag-date. At ang pagliban niya ngayon sa klase ay siguradong makakarating kay Mommy.
Naglalakad ako sa corridor habang wala sa sarili na kinakagat ang aking kuko sa hinlalaki nang may humarang sa harapan ko na lalaki. Dahil nakayuko ay ang bagong white Jordan sneakers niya ang una kong nakita.
My chest throbbed even though I hadn't looked up yet to see who he was. From the fine and pleasant fragrance of his men's cologne, his aftershave's clean and fresh scent, and even the mixture of faint cigarette and mint candy on his warm breath... I just knew it was him...
I slowly lifted my face until I met his cold eyes.
"What's your problem, Herrera?"
Umiling ako. "Nothing, Aguilar."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Nang lalampasan ko na siya ay nagulat ako nang biglang pumigil sa aking balikat ang isang kamay niya. Itinulak niya ako pabalik sa aking puwesto kanina.
"Ano ba?" mahinang asik ko sa kanya.
"Sabihin mo muna bakit ganyan ka?" nakakunot ang makinis niyang noo habang ginigitgit ako sa gilid ng hallway.
Napalunok ako nang tumama sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga. Nagulat ako sa sarili dahil bakit ako nababanguhan sa naghahalong amoy ng sigarilyo at mint candy?!
"Ano?" maangas na asik niya sa akin.
"A-ano ngayon kung hindi kita pansinin?" nauutal na tanong ko. "Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan? I mean... Wala ka bang babae ngayon?"
Lalong nangunot ang noo ni Hugo.
"W-wala kang babaeng nagugustuhan?"
Mula sa pagkakakunot ng noo niya ay kumalma ang kanyang itsura. "Meron."
"Ha?" Kumabog na naman ang dibdib ko. Ang isang parte ko ay parang tanga na nagsimula na namang mag-anticipate, pero nagsalita ulit si Hugo.
"Meron pero wala rito. Wala pa siya rito."
Then, I recalled the night when we were at Dessy's house. Iyong time na iyon na grabe ang saya niya dahil sa nabasang text message. It was his mom, Mrs. Aguilar, who texted him that 'someone' was coming back...
Wala akong planong isaboses ang tanong pero nagkusa na bumuka ang bibig ko. "S-siya ba iyong sinasabi niyang babalik?"
May ngiting naglaro sa mapupulang mga labi ni Hugo. "Secret."
Natulala ako sa kislap ng mga mata niya. Ang bawat pagkilos niya, kurap ng mga mata, pagngiti ng mga labi, kahit ang paghaplos ng palad niya sa kanyang leeg ay isa ang ipinapakita... that he was just being comfortable with me because he knew that he wasn't my type.
He was comfortable with the thought that I was not one of the girls that would fall for him.
May dumaang mga lalaki sa gilid namin, mga kilos at pananamit ay katulad ng kay Hugo. May kulay ang t-shirt sa loob ng uniform polo at mga hindi naka-black shoes. Katulad niya ay may mga hikaw sa tainga, ang isa ay meron pa sa ilong at sa kilay. Nag-fist bump sila.
"Gago, painom ka," sabi ng kalbo na malaki ang katawan. Natatandaan ko na naging kaklase ko na, isa itong repeater.
"Sa amin tayo, birthday ng pinsan ko," sabi naman ng isa na payat at may makapal na silver necklace sa leeg. "May pupuntang mga girls na taga-private."
Napangisi si Hugo. Parang nakalimutan sandali na nandito pa ako. "Anong oras ba?"
"Mga taga St. John daw," sagot ng kalbo. "Check mo muna, Hugo. Baka lahat pala ex mo. Doon pa kina Lexus magkagulo."
Biglang ipinaalala sa akin ng pakikinig ko sa kanila, kung ano at sino si Hugo. Kung gaano siya napakalayo kumpara sa mga katulad nina Kuya Jordan at Harry...
Hugo was Hugo. A playboy, a lazy student, and a troublemaker. Hindi na siya magbabago...
Nang umalis na ang mga kausap niya ay saka niya ako muling hinarap. Nakangisi pa rin ang mga labi nang balikan ako sa tabi. "Ano, galit ka pa? Hindi pala ako puwede stroll mamaya, nayayaya ako ng tropa. Tagal ko nang tinatanggihan iyon, pagbibigyan ko muna."
"Why are you telling me this?" mababa ang tono na tanong ko.
Natigilan siya at parang napaisip din kung bakit nga ba niya kailangan pang sabihin sa akin.
"Do what you want. I don't care. We're not even friends anyway."
Ang gulat ni Hugo ay napalitan ng pagdidilim ng ekspresyon sa kanyang mukha. Tila siya biglang napikon na at naubusan ng pasensiya.
Hindi naman siya umalis sa harapan ko at maging ako ay hindi rin umiwas sa malamig na mga titig niya. Parang naglalaban ang aming paningin at walang gustong sumuko sa amin. Habang nakatigin sa kanya ay kinakain ako ng reyalisasyon at takot.
I kept telling myself that I didn't feel anything toward this guy. But now, I realized that was where it all started to go wrong...!
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top