Chapter 14
WE UNDERSTAND EACH OTHER.
Napapangiti ako habang tumitingin ng CD ni Taylor Swift. Nandito ako sa SM kasama sina Mommy at Daddy. Dito kami dumeretso pagkatapos kaming sunduin ni Daddy sa school kanina. Si Kuya Jordan lang ang hindi namin kasama.
"Jillian, parang may iba sa 'yo ngayon," puna ni Dessy sa akin. Sumabay siya sa amin nina Mommy papunta rito sa SM. Magkikita sila ng boyfriend niya mamaya.
"Anong kakaiba?"
"Hmn, di ko mapunto e. Basta, may nagbago sa 'yo."
"Baka lalo lang akong gumanda," mahinang sabi ko na ikinatanga ni Dessy.
Na ikinatanga ko rin. Mahina man ang pagkakasabi, I still bragged about my physical appearance. It was kind of shocking that I sounded like an overconfident person. Ah right, I had been hanging around with a certain someone.
Nang umalis na si Dessy dahil nag-text na ang boyfriend ng babae na nasa groundfloor na raw ito ng mall ay naiwan na akong mag-isa. Dati-rati'y ay nag-e-enjoy ako na tumitingin ng kung hindi mga libro ay mga mga CDs, pero ngayon ay naiinip na ako.
Hindi ako puwedeng umalis dito dahil dito ako iniwanan nina Mommy. Dito nila ako babalikan. Iniwan lang nila ako sandali dahil may kinatagpo sila sa foodcourt. Kaya rin nila ako iniwan ay dahil alam nilang kasama ko naman si Dessy.
Nag-text na ako kay Mommy na nakaalis na si Dessy, kaya siguradong magmamadali na sila ni Daddy na balikan ako ngayon dito. Habang naghihintay ay nagtingin-tingin na lang ulit ako ng mga CD. Nadampot ko ang album ng Hale. Naaliw ako na tingnan iyon.
Ang mga kanta ay Broken Sonnet, Blue Sky, Kahit Pa, pero ang pinaka kumuha sa atensyon ko ay ang kantang "The Day You Said Goodnight". Naalala ko na narinig kong kinanta iyon ni Hugo. Naibalik ko agad ang CD sa rack. Hugo again. He was all I ever think about now. Ah, there was something definitely wrong with me.
Tinawag na ako ni Mommy na dumating na, "Jillian, tara na! May napili ka na ba?"
Itinaas ko ang napiling CD at pumunta na sa cashier. Nang nasa paper bag na ang CD ay saka ko lang na-realize na hindi ang balak kong bilhing album ni Taylor ang aking nabili, it was the album of Hale!
Bago umuwi ay nag-dinner muna kami sa KFC. Nagpa-take out sina Mommy ng loaded meal para pasalubong kay Kuya Jordan. Sa biyahe ay itini-text ko si Kuya Jordan kung kumain na siya pero hindi siya nagre-reply.
Pagkarating namin ay nauna na akong bumaba sa kotse. Dire-diretso ako sa kuwarto ni Kuya Jordan. Dahil bahagyang nakaawang ang pinto ay hindi na ako kumatok. Itinulak ko na agad iyon at pumasok ako sa loob. "Kuya, ba't di ka nag-re-reply sa text—"
Nahinto ako sa pagsasalita nang makita na hindi lang si Kuya Jordan ang naririto sa kuwarto niya, may kasama siya! May kasama siyang babae at nakaupo silang dalawa sa kama niya!
Napanganga ako nang makilala ang babae na kasama ni Kuya Jordan dito sa loob ng kuwarto niya. Si Carlyn Marie Tamayo!
Ang maganda bagamat matapang na mukha ng babae may bangas. Bumaba ang paningin ko sa med kit na nasa pagitan nila. Anong nangyari?
Bakit may bangas si Carlyn? Bakit siya ginagamot ni Kuya Jordan? Anong ginawa nila? Ang pagkakanganga ko ay lumaki nang makilala ang suot na t-shirt ng babae ay t-shirt ni Kuya Jordan!
"Hi!" bati sa akin nito na nakangiti.
And I had no choice but to greet her too, "Hello..." Napakahina ng boses na lumabas sa akin dahil windang pa ako.
Tumayo si Kuya Jordan at lumapit sa akin. Ang mga mata ni kuya ay tila sinasabi sa akin na kumalma ako. "Kumain na kayo sa SM? Hindi pa ako nagsasaing."
Kahit nawiwindang ay sinikap kong sumagot nang maayos. "Yep, kumain na na..." Tinanong ko rin sila kung kumain na rin ba sila.
Hindi lang ako ang nagulat na nag-uwi ng babae si Kuya Jordan, mas nagulat pa nga si Mommy. Si Daddy naman ay cool lang tungkol dito. Tila ba nasisiyahan pa na binata na raw ang panganay niya.
Nang mahimasmasan si Mommy ay pangiti-ngiti na rin. Walang pag-uusisa ang nangyari dahil may tiwala naman sila kay Kuya Jordan.
Sa amin kumain ang girlfriend ni Kuya Jordan. Ako ang naghanda ng pagkain nila. Nakita ko kung paano pasimpleng tingnan ng aking kapatid si Carlyn.
Si Carlyn ay kahit mukhang suplada ay mabait naman. Palangiti ito at halatang makulit. Naaliw ako sa simpleng gestures niya para asarin si Kuya Jordan. At kahit bago lang siya rito sa amin ay hindi siya naiilang. The girl had spunk.
Matapos silang ipaghanda sa mesa ay iniwan ko muna sila. I was happy for my big brother. Going twenty na siya next year kaya hindi naman masama kung magkaka-girlfriend siya. Nakaka-curious lang kung paano sila nagkakilala?
At paanong naging sila habang ang nababalitang boyfriend ni Carlyn ay si Wayne? Anupaman, katulad nina Mommy, may tiwala ako kay Kuya Jordan...
...
DESSY'S HOUSE. Again, we were here. 10:00 PM at lasing na ang mga natirang tambay sa sala.
Nauna akong pumasok at tumuloy sa kusina. Kunwari ay hinahanap si Dessy kahit ang totoo ay hindi ito ang sadya ko. Si Hugo ay nag-stay muna sa sala dahil tinawag siya ng mga tropa niya.
Nang sumilip ako ay nakita ko siyang tumagay. Hindi niya inubos ang laman at ibinigay niya sa babaeng nag-abot sa kanya. Tila kinilig naman ang babae at iyon ang tumungga sa natira niyang alak.
For some reason, his smiling and flirting with that girl irked me.
Nang bumaba si Dessy mula sa itaas ay hindi man lang ako napansin ng babae. May kaaway ito sa phone. "Tangina, babe! Sabi mo pinsan mo iyong nagko-comment sa post mo? Bakit nang buksan ko iyong account mo, nakita ko sa convo na monthsary niyo noong isang linggo?!"
Yumuko ako para hindi na talaga ako mapansin ni Dessy. Naglakad ito patungo sala at mukhang aalis. Nang wala na ito ay umakyat ako sa second floor ng bahay.
Pumunta ako sa kuwarto na ginagawang tambayan ni Hugo. Hindi naka-lock ang pinto kaya binuksan ko agad—na isang pagkakamali. May mag-boyfriend sa loob at may ginagawa ang mga ito!
Walang suot na pang-ibaba ang babae at nasa ibabaw nito ang lalaki. Hindi ko mga namumukhaan kaya hindi siguro taga school namin. Mga tropa siguro ito ng ate ni Dessy.
I was in deep shock by the lewdness in front of me when suddenly someone covered my eyes. Sa gulat at takot ay titili na sana ako kung hindi ko lang nalanghap ang mabangong amoy na kilala ko.
"Don't move," malamig na boses ni Hugo.
Hindi niya ako binibitiwan kahit nang harapin niya ang parehang hubo na nasa kama.
"Sino may sabi sa inyo na puwede kayo rito?!" bulyaw niya sa mga ito, na ngayo'y nauulinigan ko ang pag-pa-panic sa pag-aayos.
Nakarinig ako ng mga kaluskos, mga pagmamadali. Narinig ko rin ang mabibigat na paghinga ni Hugo at ang pag-tsk niya. Ilang saglit lang ay may lumabas sa pinto. Saka pa lang inalis ni Hugo ang pagkakatakip niya sa mga mata ko.
Wala na ang couple na nasa kama kanina. Ang mga ito ang lumabas—o pinalabas ni Hugo.
Tulala ako at hindi maalis sa aking isip ang nakita. Kinikilabutan pa rin ako lalo nang mapatingin ako sa kama kung saan ko nakitang nangyayari ang naabutang tagpo. Lumapit doon si Hugo at pahablot niyang hiniklas ang sapin ng kama at inihagis sa sulok ng kuwarto.
"May alcohol ka?"
Nanginginig pa ang mga kamay ko nang kunin ang maliit na spray ko ng alcohol sa bag. Inabot ko iyon sa kanya. Ginamit niya iyon sa kama. Winisikan niya ang halos lahat ng parte, kasama pati headboard. Pati sa ere ay nag-spray siya. Nang ibalik niya sa akin ang spray alcohol ko ay wala na iyong laman.
"Ikakandado ko ito sa susunod," sabi niya na sa hina ay parang sa sarili sinasabi.
Naupo siya sa edge ng kama at kinawayan ako. Bantulot pa ako na lumapit. Nanliliit ako sa hiya kahit wala naman akong ginawa.
Narinig ko na naman ang pag-tsk niya kaya napalapit na ako sa kanya. Naupo ako sa tabi niya.
"Ah, mayamaya uuwi na ako," sabi ko bilang pag-alis sa katahimikan.
Hindi pa naman ako nagmamadaling makauwi, kaya lang ang awkward ng pakiramdam dito. Nakakailang na mag-i-stay kami ni Hugo sa kuwarto kung saan may nangyari kaninang milagro.
Parang hindi rin kami gumagawa ng milagro dito. Pero kiss lang naman iyong sa amin. I mentally smacked my own head. "Lang"? Nila-'lang' ko lang ang kiss?
Nilingon ko si Hugo. Nakatingin siya sa ibang direksyon at may iniisip.
Sa pagkakatagilid niya sa aking paningin ay malaya kong namasdan ang anggulo niyang ganito. Tuwid na tuwid talaga ang mataas na bridge ng kanyang matangos na ilong, at napakahahaba ng pilk-mata niya.
Why did he look more handsome now than before? Were my eyes playing tricks on me?
Hindi ko napansin na matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Napakurap ako nang bigla niya akong lingunin. "You can't stare at me like that when we're alone in a room. I'm a man in case you forgot."
Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Higit at taliwas pa sa kaba at pag-aalala ang naramdaman ko.
'Come on, Jillian! Why are you acting like this? Are you out of your mind?' I scolded myself.
This guy was Hugo. I shouldn't feel nervous around him. I blinked to calm myself before talking, "I trust you."
Ang pagkakaseryoso ng mukha niya ay nauwi sa pagngiti. Napailing siya at bigla na lang nagpatibuwal sa paghiga sa kama.
Nakatingin ako sa kanya habang nakatingin din siya sa akin. Nang hawakan niya ako sa siko ay na-anticipate ko na agad ang mangyayari—and I was right, he pulled me to his side.
And I let him pull me...
Makatabi kami sa kama, may kaunting espasyo sa pagitan, habang magkahinang ang aming mga mata. When his eyes landed on my lips I knew he was going to kiss me.
"Hugo, you have to stop kissing other girls if you want to continue kissing me..."
Walang iba dapat...
Lumapit siya at inilapat nang mabilis ang kanyang mga labi sa mga labi ko. Hindi ko alam kung ito ang sagot niya, pero ang mabilis lang sana na paghalik niya sa akin ay nagging matagal dahil niyakap ko siya.
Ilang minuto na magkalapat ang mga labi namin habang magkaharap na nakahiga sa kama. Nakayakap ako sa leeg niya at siya ay sa bewang ko.
Ang malalaking kamay niya sa aking bewang ay maiinit at nakakapaso. Hindi gumagalaw ang mga ito sa kinaroroonan pero dumidiin kalaunan.
Sabay lang halos kami na humiwalay sa isa't isa. Humihingal kami habang magkaharap, ang mainit naming paghinga ay nagsasalo sa manipis na pagitan namin.
"Tara na. Hatid na kita sa inyo."
Tumango ako. Nauna siyang bumangon at inilahad ang kaliwang palad sa akin, ang mainit na palad niya na nakalapat kanina sa bewang ko. Tinanggap ko iyon at inalalayan niya na makabangon din.
Nakaupo na ulit kami sa edge ng kama. Inayos namin ang kanya-kanyang sarili. Kinuha ko ang suklay sa aking bag at nagsuklay ng buhok. Si Hugo naman ay ang ginawang suklay sa buhok niya ay ang sariling mahahabang daliri sa kamay.
Habang nakatingin sa kanya ay may damdaming nagigising sa aking dibdib. Nang makatiyak ay nagimbal ako. Oh God, since when did I start liking this guy?
Hugo's phone vibrated in his pocket. Funny that I felt irritated by the thought that someone had texted him.
Kinuha ni Hugo ang phone niya at tiningnan. Nahagip lang ng mga mata ko ang naka-save na pangalan ng sender: 'Mommy'. I was surprised at myself that I felt relieved when I learned that it was Mrs. Aguilar who had texted him.
Hugo read the text and his eyes widened. "Fuck!" hiyaw niya bigla.
"Why?" confused na tanong ko.
"Fuck!" Napatayo na siya habang nanlalaki ang mga mata sa phone. "Oh, fuck! Tangina, shit!"
"W-what happened?"
Napasuntok siya sa hangin at napamura pa ulit bago malawak ang ngisi na lumingon sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong sugurin ng yakap at buhatin ako.
Napatili ako. "Hugo, what happened?! Hey, put me down!"
Sinabunutan ko siya para ibaba ako pero malawak pa rin ang ngisi niya, hanggang sa napangiti na rin ako. He was so happy that I couldn't help but to be happy, too.
Napasinghap ako nang pagbaba niya sa akin ay hinalikan niya ako sa noo. "Hugo..."
Nagniningning ang mga mata niya. "I am so happy. Someone is coming back!"
"Ha? S-sino?"
Matamis lang na ngiti ang isinagot niya sa akin. Naguguluhan ako at sa parehong pagkakataon ay parang may kaba na bigla na lang nabuhay sa dibdib ko.
Just who was coming back? At bakit ganito na lang kasaya si Hugo?
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top