Chapter 11
"MMNNN..."
Hugo pinned me to the wall and kept kissing me fervently. The movements of his mouth consisted of licking and sucking my lips.
Napakapit ako sa matigas niyang balikat dahil nakakaubos ang halik na ito. Hindi katulad nang nakaraan, ang ngayon ay mas nakakatuliro... Mas nakakahibang...
He continued dominating my lips and it troubled me because I just found myself kissing him back. Kissing him with the same passion, with the same intensity that made him moan in my mouth.
Nahihiwagaan ako kung bakit ba ako sumama rito. Bakit pumayag ako? Wala naman akong makuhang sagot dahil namamanhid ngayon ang utak ko. Nalulunod ako. At nagpapakalunod ako.
"AH, SHIT! ANG SARAP NANG GANYAN! AHHHH...."
Napadilat ako at ganoon din si Hugo.
"DIIN KO PA, OKAY LANG? AHHH, SHIT!"
Boses ni Dessy at ng isang lalaki. Kumalabog pa ang katabi naming dingding dahil plywood lang ang pagitan ng mga kuwarto rito.
"AHHH.... AHHMMMN... HMMMNN.... OHHH... HAAAHHH...."
Napabitiw ako kay Hugo. Nanghilakbot ako at pinanlakihan ng mga mata nang ma-realize ang nagaganap sa kabilang kuwarto.
"Tangina," usal ni Hugo. Napabitiw rin siya sa akin.
Matapos niyang magpakawala ng mahihinang mura dahil sa frustration ay tinakpan niya ng kanyang kamay ang magkabilang tainga ko.
Ang tagal na na nakatingala lang ako kay Hugo habang nakadikdik ako sa pader at nasa harapan ko siya. Namumula ang mukha niya at hindi siya makatingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay mailap at nakatingin sa iba habang baba-taas ang lalamunan niya.
Nang makita ko ang pagtulog ng pawis sa makinis niyang leeg ay tila may sariling isip ang palad ko na humaplos doon. Pareho kaming natigilan pagkuwan.
Mabuti at tapos na yata sina Dessy. Wala na ang ingay sa kabilang kuwarto. Binitiwan na rin ako ni Hugo. Nakatingala pa rin ako sa kanya.
The tension was gone and the spark of playfulness was now back in his eyes. "Sobrang guwapo ko ba sa paningin mo ngayon?"
So full of it. But he wasn't wrong.
Nginitian ko siya na ikinatanga niya ng ilang segundo yata. "Alam ko na ikaw ang nagagandahan sa akin ngayon."
Napakurap-kurap si Hugo at nang makabawi ay napangiti na rin. "No argument from this corner, Ma'am."
Pumunta kami sa kama. Nahiga ako at nahiga rin siya sa tabi ko. May space sa pagitan namin at wala namang nagtatangka na alisin iyon. Paminsan ay napapatingin sa isa't isa at mapapangiti.
There was still a part of me that couldn't believe I was now this close to Hugo. That I trusted him this much.
Wala na rin sa akin ang pagkagulat at pagpa-panic. Kampante ako at walang nadarama kahit na kaunting takot at pagkailang sa kanya. Pero hindi ako nag-iisip ng mas malalim pang damdamin...
Yeah, he was nice and all.
But Hugo Emmanuel Aguilar was really not the type that I would like...
...
SUMUNOD NA ARAW. Walang nagbago sa amin ni Hugo.
Pagkatapos ng klase ay naka-receive ako ng message mula kay Mommy. Umalis pala siya nang maaga kanina dahil may kailangan siyang katagpuin sa SM Rosario. Doon siya susunduin ni Daddy. Pinapasabay na lang nila ako sa pag-uwi kay Kuya Jordan.
Nang uwian na ay pumunta ako sa room ng kuya ko na nasa building ng Science Class. Hindi kasi nagre-reply sa akin si Kuya Jordan.
Sa pinto pa lang ng room ay nakasalubong ko ang babaeng kaklase ni Kuya Jordan na si Marilou dela Cruz o 'Lou'. Madalas ko itong makangitian kapag pinupuntahan ko si kuya sa room nila.
"Hi, Jill!" Malapad agad ang ngiti ng babae nang makita ako.
"Hello, Lou. I am looking for Kuya Jordan." My eyes searched their classroom, but I could not find my older brother.
Lumungkot ang mukha ni Lou. "Wala e. Kanina ko pa nga hinahanap. Nagulat ako na bigla na namang nawala."
Nagpaalam na rin ako nang malamang umalis na si Kuya Jordan. Hindi na ako nagtangka na puntahan ang lalaki sa library dahil baka maabala ko pa siya. Uuwi na lang ako ngayon nang mag-isa. Naglakad na ako papunta sa gate.
Naka-receive ulit ako ng message kay Mommy na mali-late raw sila ni Daddy ng uwi.
Maayos naman akong nakauwi kahit ito ang unang beses ko na mag-commute galing sa school. Ang sarap ng pakiramdam ko pagkakababa sa jeep sa may kanto ng Malabon. Papuntang Brgy. Pasong Camachile naman ay sumakay ako ng tricycle. Pati sa pag-aabot ng bayad ay excited ako.
Pagkarating sa bahay ay nagbihis na agad ako. Nag-aalala na ako kung paano ako magsasabi kina Mommy na mag-isa lang akong umuwi. Hindi ko ugali na mangatwiran, pero susubukan ko na ipaintindi sa kanila na malaki na ako at kaya ko na naman na ang aking sarili.
Habang hinihintay sila ay nagsaing na ako. Naglinis-linis din ako sa bahay. Bandang 8:00 p.m. ay nakaramdaman na ako ng gutom.
Nag-message sa akin si Mommy na nasa Rosario pa raw sila ni Daddy. Kausap pa rin nila hanggang ngayon ang ahente nila sa lupa kaya mauna na raw kaming mag-dinner ni Kuya Jordan.
Tumingin ulit ako sa wall clock sa kusina, 8:20 PM na. Hindi alam nina Mommy na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Kuya Jordan.
Unang beses na ginabi ang kuya ko. Nag-aalala na ako dahil alam ko na sarado na ngayon ang school namin kaya imposibleng hanggang ngayon ay naroon pa rin ito sa library. Pero saan pa ba ito pupunta kung ganoon?
Katatapos ko lang magprito ng string beans na may garlic nang may mag-doorbell. Nagtanggal ako ng apron bago pumunta sa sala. Imposible na si Kuya Jordan ito o sina Mommy dahil may mga susi sila.
Madilim sa labas at tanging ang lamppost lang ang ilaw, pero malinaw kong nakita ang isang nakaparadang SUV. Sa harapan naman ng gate namin ay may matangkad na lalaking nakatayo. Nabanaagan ko ang kulay puti nitong uniform—uniform ng La Salle.
"Jill!" Bago pa ako makalayo sa bintana ay nakita na niya ako.
Napabuga ako ng hangin. Nakita niya na ako kaya wala na akong nagawa kundi pagbuksan siya. "Wala pa si Kuya Jordan. Wala pa rin sina Mommy..."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko na wala sina Kuya Jordan. Pumasok na siya sa gate at humakbang palapit sa akin. "Kumain ka na?"
Napansin ko na may dala siya sa kaliwang kamay, box ng Pancake House na ang laman ay fried chicken.
"I brought your favorite Pan Chicken."
Nauna na si Harry sa kusina. Masinop ang kanyang mga galaw kahit pa mababakas doon ang pagiging feel at home niya rito. Naglabas siya ng plato sa lalagyan at kumuha rin ng mga utensils.
Habang nakamasid sa kanya ay bumalik sa akin iyong umaga na napagkamalan ko siyang si Kuya Jordan. Basta ko siya niyakap dito rin sa kusina, and I wasn't wearing my brassiere that time!
Ipinilig ko ang aking ulo dahil nag-iinit na naman ang pisngi ko sa kahihiyan. Ayaw ko na nga iyong alalahanin. Gusto ko na sanang ibaon sa limot.
Bakit kasi pumunta pa si Harry ngayon? Hindi ba siya busy sa pag-aaral at sa babaeng topic nila ni Kuya Jordan nang nakaraan? Based sa pag-uusap nila, girlfriend niya na siguro ang babaeng iyon.
Umangat ang paningin niya mula sa mesa nang mapansin na hindi ako nagsasalita at nakatingin lang sa kanya. Ibinaling ko sa iba ang aking mga mata dahil ayaw ko na magtama ang paningin naming dalawa.
"I'm not yet hungry." It was a lie. I was starving but I didn't feel like eating with him.
Natigilan siya.
"You can call Kuya Jordan. Tell him you're here. Pero parating na rin naman na siguro siya. Hintayin mo na lang. Sige, sa kuwarto muna ako..."
Pagtalikod ko ay nakakailang hakbang pa lang ay may pumigil na sa aking braso. "Jill, do we have a problem?"
Kinalma ko ang aking dibdib bago malumanay na sinagot ang tanong niya. "What could be our problem?"
Nilingon ko siya at matipid na nginitian.
"Hindi lang pa talaga ako gutom. Nagmeryenda ako kanina. Kung gutom ka na, puwede namang ikaw na lang muna ang kumain mag-isa."
Sanay naman siya sa pamamahay namin. Pinsan ko siya kaya walang masama kahit kumain pa siya rito kung kailan niya gustuhin.
"May ulam din akong niluto riyan kung gusto mo." Marahan kong pinalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay. "Sige na, sa kuwarto muna ako. Pagod ako sa school e."
Iniwan ko na siya na nakatulala.
Pagpasok sa aking kuwarto ay saka ko lang napakawalan ang ang isang malalim na paghinga. But that didn't help me feel better.
Nilingon ko ang pinto at may bahagi ko ang bumubulong na labasin si Harry. Gusto ko siyang balikan sa labas para usisain. Bakit siya nandito?
Bakit ganoon siya umakto? At sino iyong babaeng kinukuwento niya kay Kuya Jordan, iyong babae na hinalikan niya.
Gusto kong isumbat sa kanya kung bakit hinayaan niya akong marinig ang tungkol sa paghalik niya sa babaeng iyon. What was his reason?
Napapitlag ako nang makarinig ng katok sa labas ng pinto. "Jillian..."
Tumikom ang mga palad ko.
Narinig ko ang mababang boses niya. "Whatever it is, I'm sorry..."
Lumayo ako sa pinto bago ko pa maisipan na pagbuksan siya. Mabuti na lang at ilang saglit lang ay narinig ko na sa labas ang boses ni Kuya Jordan. Dumating na ang kuya ko.
Nahiga ako sa kama. Malamlam ang mga mata ko sa kisame. Hindi ko na nararamdaman ang gutom, ang nararamdaman ko na lang ngayon ay kalungkutan.
Nag-beep ang phone ko na nasa bulsa pala ng aking suot na shorts. Kinuha ko iyon at nakitang may pumasok na text message. Hindi galing kay Mommy.
Aguilar:
Herrera, mabuti wala ka rito kina Donya Dessy ngayon. Andito si Chung.
Anong oras na nga naman at may pasok pa bukas, bakit nakina Dessy pa ang mga ito? Kahit si Hugo, bakit nakina Dessy pa siya? Ginawa na talaga nilang hideout iyong bahay nina Dessy.
Aguilar:
Kasama ni Chung tropa niya rito. Mukhang mga nakatira. Pinapauwi na ni Donya Dessy kasi gabi na, ayaw pang magsiuwi.
Tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ni Wayne, wala akong masabi dahil hindi ko naman alam kung totoo. Isa pa, wala akong pakialam dito.
Me:
You shouldn't say that if you don't have evidence. Puwede kang mapahamak. Pero kung sa tingin mo na talagang gumagamit sina Wayne, puwede ka magsumbong sa guidance. Kailangang maagapan sila bago tuluyang mahumaling sa paggamit.
Aguilar:
Haba ah. Sipag naman mag-text. LOL.
Hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya. Nag-type ako ng reply.
Nagpalitan pa kami ng ilang text message. Parang walang magawa sa buhay si Hugo pero okay na rin dahil medyo nalibang ako.
Me:
Umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na ng mommy mo. Goodnight.
Inilagay ko sa bedside table ang phone. Nang bumangon ako sa kama ay natigilan ako dahil nakangiti ang aking mga labi. Kanina lang ay mabigat ang aking pakiramdam pero ngayon ay bigla nang gumaan.
Tumayo na ako at lumabas ng kuwarto. Nakauwi na rin sina Mommy at Daddy. Katatapos lang nilang kumain.
Si Mommy na nasa sofa ay tumingin sa akin. "Kanina ka pa kinakatok ni Harry sa kuwarto mo, magpapaalam nang uuwi. Kaya lang tulog ka yata kaya hindi mo siya narinig."
Kumatok ulit si Harry? Hindi naman ako tulog pero hindi ko namalayan ang nangyayari sa labas. Gaano ba ako kahulog sa pakikipagpalitan ng text message kay Hugo para hindi ko marinig ang mga katok sa pinto?
Tumabi si Daddy kay Mommy sa sofa at isang seryosong paksa na ang pinagusapan nila. Hindi ko na tuloy nabanggit ang tungkol sa pag-uwi ko kanina nang mag-isa.
Pumunta ako sa kusina para kumain. Naghuhugas na ngayon ng plato si Kuya Jordan. Mukhang hindi rin siya nagtanong kina Mommy kung paano ako nakauwi.
Nakatapos na akong kumain pero hindi pa rin tapos si Kuya Jordan sa paghuhugas. Sinilip ko ang ginagawa niya sa lababo. Seryoso ang kanyang mukha at ang tagal niyang banlawalan ang isang pirasong baso.
Kinalabit ko siya at doon lang siya napatigil. Nakakunot ang makinis niyang noo nang lingunin ako.
"What happened to your nose?" gulat na tanong ko nang makitang may bulak ang isang butas ng matangos na ilong niya.
Agad niyang inalis ang bulak at itinapon sa basurahan. "N-nadulas ako sa hagdan." Pagkasabi'y ngumiti siya nang matamis sa akin.
Nanulis ang aking nguso sa dahilan niya, gayunpaman ay hindi ko na siya kinulit dahil mukha wala siyang balak magsabi nang totoo. Ang pinakainiiwasan niya kasi ay ang mag-alala ako.
Matapos kong kumain ay kataka-taka dahil pinapapasok na ulit ako nina Mommy sa kuwarto. "Baby, go back to your room. Matulog ka na. May sasabihin lang sa amin ang kuya mo."
Napatingin ako kay Kuya Jordan na ngayon ko nakita sa liwanag sa sala na may pasa pala sa noo. "Kuya, ano ba talagang nangyari—"
Malambing na boses ni Mommy ang nagpatigil sa akin. "Come on, baby. Matulog ka na sa kuwarto mo. May pag-uusapan lang kami na importante."
Gusto ko sanang magtanong kung ano ang ang pag-uusapan nila, pero katulad ng palagi ay hindi nila ako isinasali sa mga seryosong usapang pangpamilya.
Ganoon sina Mommy, Daddy at Kuya Jordan sa akin. Ayaw na ayaw nila na makakarinig ako ng mga seryosong usapin. Parati silang naglilihim sa akin. Kung proteksyunan nila ako ay para bang napakahina ko at hindi ko kayang umintindi.
Hinalikan ako ni Daddy sa noo. "Goodnight, our princess."
"Goodnight, Dy..." mahinang sabi ko. Nakayuko na pumasok na lang ako sa aking kuwarto.
PAGGISING ko kinaumagahan ay naabutan ko si Mommy na may kausap sa phone. Seryoso ang maamong mukha niya at maigting ang tono ng pananalita.
"Thank you, Norma. Dapat talaga maaksyunan agad ni Principal ang bagay na ito."
Norma? Si Mrs. Aguilar na mommy ni Hugo at head teacher sa school ang kausap ni Mommy?
"Yes, Norma. I am proud of my son for telling me about those kids. Kinabukasan ng mga estudyante ang nakasalalay dahil alam naman natin na malaking lason sa buhay ang ipinagbabawal na gamot."
Napamaang ako sa pinag-uusapan nila. Sino ang gumagamit ng bawal na gamot na pinag-uusapan nila? Nang matapos si Mommy sa kausap ay ibinaba na niya ang phone.
"Gising ka na pala, Jill." Ang seryosong mukha ni Mommy kanina ay umaliwalas nang makita ako.
"What was that, My?"
Umiling siya at matamis ako na nginitan. "It's nothing, baby. Halika, kain ka na ng almusal. Nakaluto na ang kuya mo."
SA SCHOOL. Pagbaba ko pa lang sa kotse ni Daddy ay natanaw ko na agad si Hugo. Nasa gilid siya ng gate kasama ang mga tropa niya.
In fairness, complete uniform siya ngayon maliban sa sapatos na hindi black shoes. May nakasukbit na itim na maliit na bag sa balikat niya.
Nang dumaan ako ay hinintay ko siyang mapalingon pero hindi niya ako nakita. Nakatitig siya sa hawak na phone. Ang kaliwang kamay niya ay may hawak na vape na panaka-naka niyang hinihithit.
I didn't know what got into me that I wanted him to look at me.
Lumampas na ako pero unconsciously ay napalingon pa ulit ng isa sa kanya. Sa room ay nilapitan ako ni Dessy. "Tara canteen?"
Hinila na ng babae ang kamay ko kaya hindi na ako nakatanggi. Naisipan ko na bumili na rin ng mineral water dahil bigla akong inuhaw.
Sa bukana ng canteen ay may pabilog na mesa at bench. Doon ako umupo habang hinihintay si Dessy. Sa kabilang mesa ay naroon ang tropa ni Hugo pero wala ang lalaki. Nasaan kaya siya?
Ipinilig ko ang aking ulo nang ma-realize na hinahanap ko siya. What was going on with me?
Habang hinihintay si Dessy ay napalingon ako sa daanan papunta sa canteen. May lalaking malakas ang boses na nagsalita roon.
"YOU ARE NOT MY GIRLFRIEND."
Si Wayne Daniel Chung ang nakita ko at isang babaeng estudyante. Ang babae ay pamilyar sa akin, ilang beses ko na itong nakakasalubong sa campus. Parang naging kaklase ko na nga rin yata dati. Nakalimutan ko lang ang pangalan. Maganda ito kahit mataray ang dating ng mga mukha.
"I want the whole world to know that you are not my girlfriend. Na ipinagkakalat mo lang na tayo pero hindi naman iyon totoo!"
Napapatingin na sa kanila ang mga estudyante sa paligid. Naawa ako sa babaeng inaaway ni Wayne na tila sadya talagang ipinapahiya sa lahat.
Kahit mataray ang mukha ng babae ay nakikita ko rito na para bang malapit nang maiyak. Gayunpaman, sinikap nitong maging matapang. "Wala akong ipinagkakalat! Hindi kita gugustuhing maging boyfriend, ang kapal ng mukha mo!"
"As if may karapatan kang maging choosy e pakawala ka naman!" sigaw ni Wayne na nag-cause ng bulungan sa paligid.
Ang mga nakatambay na estudyante malapit sa akin ay narinig ko ang mga sinasabi. "Oo, malandi talaga 'yan si Carlyn Marie Tamayo. Kaklase ko noong Grade 9 'yan e."
Ang babae pala ay si Carlyn Marie Tamayo na nababalitang girlfriend ni Wayne. Pero sa galit ni Wayne ngayon ay mukhang hindi nga talaga iyon totoo.
"Kaklase ko rin noong Grade 10 'yan," sabi naman ng isa sa kausap ng nagsalita kanina. "Malandi nga talaga 'yan. Kilala niyo si Asher James Prudente? Iyong semi calbo na cutie? Boyfriend iyon dati ng friend ko, kaso nag-break sila kasi nilandi niyan ni Carlyn."
"Ay, talaga? 'Sabi hindi raw sila? Pero palagi namang silang magkasama. Two-timer pa nga 'yan kasi boyfriend din daw niyan ngayon si Michael Jonas Pangilinan na ex ng tatlo kong kaibigan."
"Si Miko Pangilinan? Ah, talaga, sila?"
Hindi ko masyadong inintindi ang sinasabi ng mga ito dahil hindi ko sigurado kung totoo ang mga iyon. Hindi ko naman kasi kilala si Carlyn.
Ibinalik ko ang atensyon kay Wayne na humuhulagpos na sa galit. Sinasabi ng lalaki na kung sino man ang boyfriend ni Carlyn ngayon ay malamang din na patapon.
Aalis na sana ako nang mapatigil sa isinagot ni Carlyn kay Wayne.
"ANG BOYFRIEND KO AY SI JORDAN MOISES HERRERA!"
"Ambisyota ampota!" narinig ko na naman ang mga naguusap-usap sa aking tagiliran.
"Tanga netong pokpok na 'to."
"Hala! Kapal ng mukha na pangarapin si Jordan Moises Herrera. Ang tino niyon, ang bait, saka ang guwapo! Kahit maganda siya, di sila bagay kasi laspag na siya."
May mga bulungan din naman na hindi nanghuhusga. Marami ang hindi lang basta nanghuhusga kundi mga galit at naiirita. Napapaisip tuloy ako kung ano bang klase talagang babae si Carlyn para maging ganito ang tingin ng lahat sa kanya.
At bakit kailangan niyang idamay ang pangalan ng kuya ko?
Hawak-hawak ni Wayne ngayon ang pulso ni Carlyn. Nagpupumiglas ang babae pero hindi makawala.
Isang bagamat kalmado ay mabigat na boses ang nagsalita, na nagpatahimik hindi lang kay Wayne kundi sa lahat ng nandirito,
"Let her go."
Nagitla ako nang makita ang dumating, it was my older brother, Kuya Jordan!
Ang kinasanayan ko na palaging kalmadong mga mata ng aking kapatid ay may bahid ng talim na ngayon ko lamang nakita.
Hindi ako makaimik at hindi na rin makaimik ang mga tao sa paligid.
Hinuli ni Kuya Jordan ang kabilang pulso ni Carlyn at hinila na ang babae palayo sa canteen... Palayo sa aming lahat na nakahabol sa kanila ng tingin...
BUONG ARAW akong hindi mapakali sa pag-iisip sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung totoo na boyfriend na nga ni Carlyn si Kuya Jordan, o baka tinutulungan lang siya ng kapatid ko para makatakas kay Wayne.
Naiinis din akong isipin ang pagiging ungentlemanly ni Wayne kanina. Kahit ano pa ang galit nito ay hindi dapat ito namamahiya ng babae.
Matapos ang klase ay meron na namang meeting ang mga teachers. Sumilip ako sa faculty at doon ay nakita ko na kausap ni Mommy ang mommy ni Hugo na si Mrs. Aguilar.
"Ang student council ang bahalang mang-raid sa mga gamit ng mga estudyante. Idi-discuss ngayon ng principal sa meeting kung ano ang mga dapat gawin. Malaking usapin dahil may sangkot na drugs at minor pa yata itong Wayne Daniel Chung na ito"
"Salamat, Norma," balisa ang ekspresyon na sabi ni Mommy. "Ang gusto ko sana talaga ay ma-kick out sila dahil nag-aalala rin ako sa anak ko. Baka nga siya ang balingan kung malalaman na sa kanya nanggaling ang impormasyon."
Hindi na ako nagpakita. Mabilis ang mga lakad ko papunta sa gate. Nag-text na lang ako kay Mommy na paalis na ako. Hindi ko binanggit na hindi pa ako uuwi.
Alam ko na hindi nila talaga sasabihin sa akin ang nangyayari kaya ako na mismo ang aalam. Nag-type ako ng text kay Hugo.
Me:
Where are you?
Aguilar:
Dito na kina Donya Dessy. Nakatambay. Bakit?
Hindi na ako sumagot. Nagpa-special ako sa tricycle papunta kina Dessy sa Buenavista. Pagpasok ko sa gate ay natanaw ko na agad ang motor ni Hugo na nakaparada sa silong ng punong mangga.
Tumuloy ako sa loob ng bahay. May couple na nasa sala na abala sa isa't isa. Ni hindi nila pinansin ang pagpasok ko. Nilampasan ko sila at nagtuloy-tuloy ako sa second floor.
Pagkarating ko sa harapan ng pinto ng pinakadulong kuwarto agad akong kumatok. May sumigaw mula sa loob, "Pasok!"
Pinihit ko ang doorknob saka sumilip muna. Nandito si Hugo na nakasandal sa headboard habang nakaupo sa kama. Naka-uniform pa minus his polo and sneakers. Nag-v-vape siya.
Nang makita ako ay ini-off niya ang vape at hinawi ng kamay ang usok. "O bakit nandito ka na naman?"
Gusto ko rin siyang tanungin kung bakit nandito na naman siya. May bahay naman sila pero dito pa niya naisipan mag-vape sa bakanteng kuwarto nina Dessy. Pero hindi iyon ang sadya ko ngayon.
Lumakad ako at naupo sa gilid ng kama. "May nabanggit ba si Mrs. Aguilar tungkol kina Wayne?"
Humalukipkip siya. "Narinig ko lang na kausap ni Mommy sa phone ang mommy mo. Nagsumbong daw ang kuya mo na alam niyang gumagamit sina Chung at ang tropa ng hunghang na iyon."
Paano kaya nalaman ni Kuya Jordan ang tungkol sa paggamit nina Wayne?
Kahit presidente ng school council ang kuya ko ay nakakapagtaka pa rin kung paano nito nalaman. Hindi naman iyon palakaibigan at mas lalong hindi ugali na mag-usisa sa ibang estudyante.
Ang inaalala ko ay si Kuya Jordan. Alam ko kasi na matropa si Wayne at bukod sa spoiled child ay may kapit ang daddy nito sa mga pulis. Baka kapag na-kick out ay ang kuya ko ang pagbalingan ng mga ito.
"Binasted mo na ba iyong kupal na iyon?"
"Kahit hindi ka maniwala, matagal na..."
"Tigas ng mukha ng singkit na iyon, ah. Subukan niyang lumapit ulit sa 'yo, babawasan ko ngipin niya ng lima."
"You don't need to do that."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Okay lang sa 'yo na lapitan ka niya?"
Umiling ako. "Violence is not always the answer. It usually doesn't solve the problem and has the opposite effect. You know, violence begets violence. Kapag nakipag-away ka pa, mas magkakagulo. Gaganti siya at gaganti ka rin, hanggang hindi na matatapos lalo."
"Amen, Sister Jillian."
Pinitik ko siya sa noo.
Napanguso naman siya sabay himas sa noo niya. "I was just kidding you know. Hindi naman talaga ako basagulero na uhaw sa gulo. Syempre kapag talagang nasagad ako, doon lang ako babanat. Iyon nga lang, pahirapan na talaga akong maawat."
"You're a good person, Hugo."
Natigilan siya at napakurap. Mayamaya ay napaiwas siya ng tingin sa akin. Ang makinis niyang pisngi ay bahagyang namula.
Napatitig ako sa kanya. Wow... He could really have that kind of reaction...
"Hindi naman talaga ako laging salbahe," bulong niya na hindi makatingin. "It's just you've misunderstood me. But it's fine, I am always misunderstood anyway..."
Nakagat ko ang aking labi. Nakonsensiya ako dahil totoo namang hindi maganda ang unang impression ko sa kanya.
Marahang kinalabit ko siya sa balikat. "Hugo..."
"Huh?" Nakasimangot siya pero naroon pa rin ang pamumula.
"Sorry."
Tumingin siya sa akin. Ang magandang uri ng kanyang mga mata ay nakatitig sa aking mukha. Ang kaninang mailap niyang paningin ay nagkaroon na ng kislap na tila ba nasisiyahan siya sa kung anumang nakikita niya.
Nagulat ako nang umusod siya palapit at hawakan niya ako sa braso. "Walang sorry-sorry."
"Ha?"
Bumaba ang paningin niya sa mga labi ko. "Kiss me."
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top