Chapter 10
I THOUGHT OF THE KISS AGAIN.
Paggising ay awtomatiko na napahawak agad ako sa aking mga labi. Hindi agad ako bumangon sa kama dahil mga ilang minuto pa akong tumulala. Ganito rin ako kagabi, hindi agad ako nakatulog. Paguwi ko ay bumalik sa akin ang ginawa namin ni Hugo sa ilalim ng puno ng mangga. Ngayon naman ay napapaisip pa ako kung totoo ba talaga iyong nangyari o panaginip lang ba.
Na nagawa ko talaga iyon. I didn't know I had it in me. That I could be daring. Kung malalaman iyon ng mga nakakakilala sa akin ay baka malaglag ang mga panga nila.
Kahit ako ay nagulat sa sarili. That was my first kiss and I was only seventeen for Pete's sake! And of all men, the man I kissed was none other than the notorious happy-go-lucky and rebel student, Hugo Emmanuel Aguilar.
But you know what? I didn't regret kissing the guy. Nor do I dislike it.
In fact, sa halip maging awkward kami ni Hugo sa isa't isa ay parang natibag pa ang pader na nasa pagitan namin. Siguro dahil bukod sa makapal ang mukha niya ay alam naman namin pareho na wala akong gusto sa kanya.
Napailing ako nang umalis mula sa kama. Naghanda na ako para sa pagpasok sa school. Inihatid na ulit kami ni Daddy. Sa pagkakataong ito ay himala na sumabay sa amin sa kotse si Kuya Jordan.
Humalik ako kina Mommy at Daddy sa pisngi bago ako naglakad papunta sa building ng Grade 11. Nakasalubong ko sa hallway si Mrs. Aguilar na mommy ni Hugo. Ang istriktang teacher ay nakasimangot habang naglalakad. Mukhang maaga pa lang ay nangunsumi na.
Galing ang ginang sa room namin kaya ibig sabihin ay naroon na si Hugo. Kahit tamad ang lalaki mag-aral ay isang bagay ang kahanga-hanga sa lalaki, madalas siya na maagang pumapasok sa eskwela.
Pagpasok sa room namin ay kakaunti pa lang ang estudyante. Narito na nga si Hugo. Basa pa ang kanyang buhok na pagkaligo yata ay deretso alis na sa bahay ang ginawa. Nasa upuan na siya at sinusundot ng kuko sa hinliliit ang kaliwang tainga.
Kaswal akong lumapit at naupo sa aking upuan na katabi ng kanya. "Gusto mo bang ibili kita ng cotton buds?"
Nag-unat siya ng mga braso. "Wala naman talaga akong tutule, trip ko lang sundutin minsan tainga ko."
"Why?"
"Trip ko nga lang. Kailangan pa ba ng explanation? Saka trip ko ring magpamasahe ng palad at mga daliri minsan."
Inilagay ko ang aking bag sa likod ng upuan at nilingon siya. Kinakamot niya na ng mahabang hintuturo ang kanyang makapal na kilay. Ang ahit niya roon sa kilay ay hindi na gaanong pansinin dahil humaba na ang kanyang buhok.
Kumiling ang mukha niya sa akin. "Gustong-gusto ko rin na nagpapahaplos sa ulo ko."
"What are you, a dog?"
Sinimangutan niya ako. "Aso lang ba ang ganoon?"
Nanghiram siya sa akin ng suklay o mas tamang sabihin na basta siya nangalkal sa bag ko. Napagod na rin akong manaway dahil matigas ang ulo niya. I just let him do what he wanted to do.
Pagkasuklay niya ay ngumuya siya ng chewing gum at pinalobo sa bibig. Nag-s-scroll siya sa Facebook at paminsan-minsa'y napapamura o tatawa sa kung ano mang makikita niya sa newsfeed.
Sobrang kaswal lang na makatabi siya. Parang hindi kami nag-kiss kahapon sa ilalim ng punong mangga. It was as if he had forgotten about it or it just didn't matter to him.
Mayamaya ay may kausap na si Hugo na babae sa phone niya. "Where's your place again? Dasma? 'Sabi ko na, magaganda talaga mga taga Dasma. Feeling ko magkaka-girlfriend ako ngayong araw diyan. Ano sa tingin mo?"
Naglabas ako ng notebook mula sa bag. Wala pa namang teacher kaya sa halip na tumunganga ay magbabasa-basa na lang muna ako ng mga nakaraang lesson. Habang tahimik na nag-re-review ako ay busy si Hugo sa aking tabi na binobola ang katawagang babae.
Pagkatapos ng isang kausap niya ay may kasunod pa. Kung hindi siya ang tatawag ay babae ang nauunang tumatawag sa kanya. Kung hindi sa mobile number ay sa Messenger niya. Nasanay na lang ang tainga ko at tumibay na lang ang sikmura ko na katabi siya.
Lumipas ang mga oras na hindi na talaga ako naiirita kay Hugo kahit walang pinagbago ang pagiging maligalig niya. Nandoon pa rin ang manghingi siya ng papel dahil wala siyang sariling dala, mangopya kapag may quiz, at kumain ng chips habang nagkaklase ang teacher namin.
May pagkakataon pa na ginagawa niya akong look out kapag matutulog siya sa armchair niya. Hindi naman ako nagrereklamo. Basta kapag mapapatingin ang teacher sa kanya ay binatatukan ko siya. Sa huli, siya na ang nabuwiset at hindi na ulit natulog pa.
UWIAN. May meeting ang mga teachers at kasama roon si Mommy. Si Daddy naman ay gagabihin umuwi dahil nasa Manila ngayon. Ihahatid nito sa airport ang ama na lolo ko. The old man was going back to his homeland, Madrid, Spain.
Sa gate ay naroon si Kuya Jordan na palingon-lingon sa paligid. Hinahanap na siguro ako dahil alam niya na may meeting ngayon ang mga teachers at wala rin si Daddy.
Ang makakapal na kilay ni Kuya Jordan ay nagsalubong nang makita ako na palapit sa kanya. Lumampas ang tingin niya sa akin. Ang mga mata niya ay tumuon sa pinanggalingan ko.
"Magla-library ka pa ba, kuya?"
May tumulong pawis sa kanyang pisngi. "G-gusto mo nang umuwi?" tanong din ang isinagot niya sa akin.
Umiling ako dahil nakikita ko sa kanya na ayaw niya pang umuwi. "Sige na, hihintayin ko na lang si Mommy." Ngumiti ako at tinalikuran na siya bago pa siya makonsensiya.
Kung gusto pa ni Kuya Jordan mag-aral sa library ay hindi ko siya iistorbohin. Puwede namang maghintay na lang ako na matapos ang meeting ni Mommy o kaya naman uuwi na lang ako na mag-isa. Gusto ko rin naman talaga na makasanayan na ang pagko-commute.
Nagdesisyon ako na mauna na sa kanila. Bago lumabas ng school gate ay sumilip ako sa guidance office. Magsisimula pa lang ang meeting ng mga teachers. Nang mapatingin sa akin si Mommy sa bintana ay kinawayan ako nito. Nabasa ko sa pagbukas ng bibig niya ang mga katagang 'take care'.
Akala siguro ni Mommy ay sasabay ako kay Kuya Jordan. Kumaway na rin ako sa kanya. Sa bahay ko na lang sasabihin na nag-commute ako pauwi.
Sa kalye na palabas ng baranggay na kinaroroonan ng school namin ay natanawan ko sina Dessy at ang dalawa pang barkada ng babae. Mga pamilyar na mukha na mga naging kaklase ko na noon at mga nakita ko na rin sa bahay niya.
Pagdaan ko sa kanila ay hinarang ako ni Dessy. "Jillian, sama ka?"
Tumingin sa akin ang dalawang mga kasama niya.
"Tambay lang saglit sa amin. Papa-pizza itong si Princess," tukoy niya sa isa sa mga kasama.
"Jillian Mae Herrera, di ba?" Lumapit sa akin iyong Princess. Mukhang mabait, may pink eyeshadow at pink din ang lipstick sa mga labi.
"Ganda niya, 'no?" sabi ng isa na kulay purple naman ang eyeshadow. Maganda rin bagamat medyo mataray ang mga mata. "Naging classmate ko iyan si Jillian noong Grade 7. President at top 1 namin palagi."
Napahagikhik si Dessy. "O di ba, hindi talaga suplada itong si Jillian. Tahimik lang pero mabait ito."
Nailang naman ako dahil harapan nila akong pinag-uusapan.
Bago ako makapagpaalam ay hinawakan ni Dessy ang aking braso. "Ano, Jillian? Sama ka na sa amin, ha? Kilala ka ng mga tropa ko o. Nagagandahan at nababaitan sila sa 'yo."
Marahan kong babawiin ang aking braso sa pagkakahawak ni Dessy nang lalo niyang higpitan ang kapit dito.
"Sama ka na kasi, please? Wag kang mag-alala, wala naman sa amin ngayon si Wayne."
Nag-puppy eyes ang dalawang babae na tropa ni Dessy. "Please, sama ka na. Ngayon ka lang namin makaka-bonding!"
Kumapit na rin sa kabilang braso ko ang may pangalang Princess. "Oo nga, makipag-bonding ka naman sa amin! Baka pag naging tropa ka namin ay tumalino na rin kami na katulad mo."
Hindi nila ako tinigilan hanggang sa napilitan nang pumayag. Baka puwede naman talaga akong magkaroon ng mga bagong kaibigan.
Sinabi ko na lang na hindi ako magtatagal dahil kailangan ko ring umuwi agad. Jeep ang sinakyan namin kaya pagbaba sa Buenavista ay naglakad pa kami patungo sa looban kung saan naroon ang bahay nina Dessy.
Pagpasok sa gate ay natanaw ko sa may mangga ang isang pamilyar na motor. Motor na kauna-unahan kong naangkasan. Ang motor na hindi ako puwedeng magkamali kung sino ang may ari—motor ni Hugo Emmanuel Aguilar!
Napalingap agad ako sa paligid para hanapin ang isang lalaki. Iyon nga lang ay wala naman ito kahit saan. Nasaan siya? Bakit nandito ang motor niya?
Sa sala kami nag-stay nina Dessy. May ibang tao bukod sa amin. Talagang naging tambayan na ang bahay nina Dessy. Walang araw yata talaga na wala siyang bisita. Feel at home na rin ang lahat ng naririto.
Nakarinig ako ng mga boses sa kusina. Naitulos ako sa kinauupuan nang marinig ang boses ni Wayne. Akala ko ba wala ito rito ngayon?! Pagtingin ko kay Dessy ay napaiwas agad ng mga mata sa akin ang babae.
Mula sa kusina ay lumabas si Wayne. Namungay ang singkit na mga mata ng lalaki nang makita ako. Humakbang siya palapit. Yumuko siya at binulungan ako, "Yosi lang ako saglit sa labas. Usap tayo pagbalik ko."
Napahumindig ako nang bago lumabas ng pinto ay pinisil pa niya ang kamay ko.
Si Dessy ay patay-malisya na umalis. Magpapalit daw ng damit. Ang akala ko ay babalik sa sala pero dumating ang boyfriend nito na taga ibang school. Nagyakapan ang mga ito sa may pinto at mayamaya lang ay nawala na roon.
Ang mga kasama naman ni Dessy ay nagkanya-kanya na rin. Si Princess ay may boyfriend din pala na nandirito ngayon. Ang isa naman ay may kalambingan na sa video call.
Nakaka-OP kaya umalis ako sa sala. Gusto ko sanang umuwi kaya lang ay nasa labas si Wayne. Pumunta na lang muna ako sa kusina. Uminom ako ng tubig habang ang mga mata ko ay panay sulyap sa hagdan. Naglalaro sa isip ko ang posibilidad na nasa itaas ulit ng kabahayan si Hugo.
Kung nandito si Hugo ay puwede kaya akong magpahatid sa kanya pauwi?
Nakaupo ako sa upuan nang pumasok si Wayne. Lumapit agad sa akin ang lalaki. Humila siya ng isang upuan at doon naupo. "Jill, usap tayo."
Tamad ko siyang tiningnan. Mababa ang boses ko nang kausapin siya, "Wala tayong dapat pag-usapan. We're not in a relationship and we're not even friends..."
Napayuko siya upang itago ang sakit na bumalatay sa mga mata. Nakokonsensiya ako pero kailangan niyang maintindihan na wala talaga siya sa aking maaasahan.
"It doesn't matter to me who will you date because I really don't care..."
Mahina siyang napasinghot habang nakayuko. "Y-you're just saying that because you're jealous."
Napatanga ako sa kanya. Gusto ko na singhalan kaya lang kahit singhal ay malumanay pa rin talaga na lumalabas sa aking bibig. "I am not! How many times do I need to—"
Nag-ring ang phone niya. "Sandali." Nang i-check niya ay napa-tsk siya. "Tumatawag si Daddy, sasagutin ko lang. Hintayin mo ako rito."
Napabuntong-hininga na lang ako nang umalis na siya at maiwan na ulit ako na mag-isa rito sa kusina. Sana kaya ko siyang bulyawan ng ang timbre ng boses ko ay pangingilagan niya. Baka kasi kapag ganoon ay matanggap niya na ang paulit-ulit kong pag-re-reject sa kanya. Baka sa ganoong paraan ay tigilan niya na ako.
May pumasok na dalawang lalaki sa kusina. Hindi mga pamilyar kaya hindi siguro sa school namin nag-aaral. Uminom ang isa. Ang isa naman ay panay ang sulyap sa akin. Ang umiinom ay sinita ang kasama. "Bawal 'yan, boi. Bata ni Wayne."
"Ay, 'yan ba? Ganda, ah. Saan napasok? Private?" pabulong na tanong nito pero dahil lasing ay malakas ang boses at narinig ko.
"Sa Gov din. Teacher daw kasi nanay roon. Pero matalino raw 'yan kaya proud na proud diyan si Wayne."
Hindi na ako nakatiis na hindi umimik. "Excuse me," mahina bagamat may bigat na singit ko sa usapan ng mga ito. "Hindi ako girlfriend ni Wayne. Iba siguro ang tinutukoy niyo, hindi ako iyon."
Nang lumabas na ang mga ito ay napabuntong-hininga na naman ako. Paulit-ulit ang ganitong pangyayari na minsan ay napapagod na lang ako na umimik. Ang hirap magpaliwanag sa mga lasing at sarado ang isip.
Tumingin ako sa oras sa aking phone. Papagabi na. Baka pauwi na sina Mommy kaya dapat makauwi na rin ako. Nagsisi na akong nagpayaya kina Dessy, iniwan din naman ako ng mga ito sa ere.
Nag-iisip ako kung paano matatakasan si Wayne na nasa labas, nang mula sa hagdan ay may lalaking bumaba. Nangislap ang mga mata ko nang makita si Hugo.
Tumingin ka rito! Tumingin ka rito!
Naka-uniform pants pa siya pero wala t-shirt na lang at wala nang polo. Sa paahan naman ay hindi na nakasapatos at nakatsinelas na lang. May suot pa siyang medyas at ang gamit niyang tsinelas ay kina Dessy yata.
Tumaas ang sulok ng bibig niya nang makita ako. Naupo siya inalisang upuan ni Wayne. "Nandito ka na naman."
Lumabi ako. "Akala ko wala si Wayne..."
"Gusto mo bang ipa-ban ko na rito iyong hunghang na iyon?"
"Really, you can do that?"
"Oo. Papainom lang ako rito, sasambahin na ako ng mga nandiyan."
Napangiti ako at napailing. "Baka nakakalimutan mo, mapera din si Wayne."
"Teacher ba mama niya?"
Malumanay pa rin ang tono ko nang magsalita, "May koneksyon daw sa pulis ang pamilya niyon. Baka ipa-tokhang ka."
Dinuro ako ng mahaba niyang hintuturo. "Hoy, manginginom at sunog baga lang ako, pero hindi pa ako nakakatikim ng bato."
I was glad to hear that. Inabot ko ang kanyang ulo at marahang ginulo ang buhok niya. "Wag na wag kang titikim niyon, ha, Hugo?"
Yumuko siya para ipagulo pa lalo sa akin ang buhok niya. Binawi ko rin agad ang aking kamay nang ma-realize ang ginagawa.
Mayama ay narinig ko siyang bubulong-bulong. "Iba ang tinitikman ko pero nakaka-high rin."
Sumimangot ako. "Wala talagang filter ang bibig mo."
"Lagyan mo nga."
Naumid ang dila ko. Nag-iinit ang aking magkabilang pisngi. nang bumaba ang mapungay na mga mata ni Hugo sa mga labi ko.
Paos ang boses niya nang magsalita, "Jillian, did you like the kiss?"
Nakatunog na ako na babanggitin niya iyong kahapon, still napahugot pa rin ako ng paghinga nang marinig. Ang mga labi ko ay kusang sinagot nang totoo ang tanong niya.
"Y-yes."
Ang mainit niyang titig sa mga labi ko ay umangat sa aking mga mata. "Then would you mind us doing it again?"
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin. Umiling ako. "N-no... I won't mind..."
Nagulat ako nang kunin ni Hugo ang aking kaliwang pulso. Bago pa ako makapag-isip nang wasto ay hinila na niya ako patungo sa hagdan. Tulala ako sa kanya.
"Hugo..."
Hindi siya kumibo. Hila-hila niya ako paakyat sa second floor ng bahay nina Dessy. Dinala niya ako sa isang kuwarto sa dulo. Pagkapasok sa loob ay naulinigan pa namin ang boses ni Wayne sa ibaba. Hinahanap ako dahil bigla akong nawala sa kusina.
Nang tingalain ko si Hugo ay nakangisi ang mapula niyang mga labi. Itinulak niya ako sa dingding matapos i-lock ang pinto.
"Kawawang Wayne," anas niya at pagkatapos ay pinaglapat niya na ang mga labi namin sa isa't isa...
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top