Epilogue

Thank you so much for being with me on this journey. -jf


~


"ELOW, ANU NAME MU?"



'Saket ulo ku nang magising aku. Pati pala balikat ku masaket den. Nakahiga aku sa kama na kulay pink at ang kumot saken e Hello Kitty.


Nang lingunin ku ang maliit na boses na nagsalita ay nakita ku ang isang matabang batang babae. Nakatirintas ang buhok niya. Katabi ku siya at nakatitig siya sa akin na parang stupid.


Kinunutan ko siya ng noo. "Ikaw sinu..."


Ngumiti ang batang mataba at nakita ku ang bungi-bungi niyang mga ngipin. "Aku si Sussie. 'Kaw ba?"


Gusto ko sabihin ang name ku kaya lang, di ku pala alam.


"Baket ka may blood sa shoulder mu?" tanong niya.


Blood? Tiningnan ku ang balikat ku, hala uu nga may dugo. May nakabalot na benda 'tapos may dugo. Ansakit-sakit nun. 'Di ku matandaan san aku nasugatan. 'Pag iniisip ku, kumikirot 'yun ulo ku.


Umusod palapit sa'ken ang batang mataba na Sussie ang name. "'San mama mu?"


Napakurap aku. Mama?


Kumurap-kurap din ang mga mata niya. "Bat ka andito sa bahay namen, ah?"


Bahay nila? Nasa bahay nila aku?


"Dala ka ni Papa ku rito kagabe e. Higa ka niya jan sa kama ku. Kama ku 'yan e..."


Di ku alam sinasabe niya. Di ku ren alam baket aku nasa bahay nila.


"What the hell, Andres?!" malakas na boses ang narinig ku mula sa labas ng kwarto. Parang may nag-aaway.


"Mama ku 'yun," masayang sabe naman ng matabang bata na ang name ay Sussie.


"Sonya, pakiusap naman! 'Wag mo naman kaming iwan ng anak natin! Ginagawa ko naman ang lahat para sa 'yo, ah?" boses naman ng isang lalaki.


"Papa ku 'yun!" sabi na naman niya. Proud na proud siya na para siya talagang stupid.


"You cannot stop me, Andres! Buo na ang desisyon ko na bumalik sa parents ko! Hirap na hirap na ako piling mo! Ayoko na! Hindi ko pala kayang mabuhay na pag-ibig lang ang laman ng sikmura ko!"


"Pero mayaman na ako ngayon, Sonya. 'Kita mo naman, maraming lamang pera iyong bag na dala ko rito kagabi. Mabibili ko na ang lahat ng gusto mo! Pwede na tayong kumuha ng yaya para hindi mo na kailangang mag-asikaso rito sa bahay at mag-alaga kay Sussie!"


"Fuck you!"


Napapalakpak ang batang mataba na si Sussie. Nakangisi ang bungi-bungi niyang bibig sa akin. "Galeng english mama ku, 'noh?!"


Luh! 'Di ba nya alam yun pakyu? Alam ku bad 'yun e. Bubu naman niya...


Muli ay narinig namen ang boses ng mama niya. "How pathetic, Andres?! Nangidnap ka ng bata! Sooner or later, possible na makukulong ka! Meaning to say, pwedeng mawala rin sa 'yo 'yang mga perang pinagmamalaki mo ngayon! At ayoko na mag-stay sa piling mo at maghintay na kung kailan mangyayari iyon! Baka mamaya pa niyan e madamay pa ako!"


"Sonya naman, paano naman ang anak natin kapag umalis ka?!"


"Pinag-isipan ko na ito, Andres!"


Tiningnan ku si Sussie sa tabi ko, nakangiti pa rin siya habang pinapakinggan ang mama at papa niya na nag-sisigawan sa labas ng pinto. Hmn... cute pala siya kahit mataba, bungi at stupid siya.


"I can't bring her with me now, Andres. Hindi pa alam nina Mom and Dad na may anak na ako. Hindi nila matatanggap kapag nalaman nilang nagpaanak ako sa isang hamak na pulis lang. Isa pa, paano nila ako maipapakasal sa mas may silbing lalaki kung isa akong dalagang ina, di ba?"


"A-anong ibig mong sabihin?"


"What I mean is, hindi ko man madala ngayon si Sussie, babalikan ko naman siya. Kapag okay na ang lahat, kapag naipagtapat ko na kina Mom and Dad ang tungkol sa kanya, kukunin ko na siya sa 'yo."


"Hindi mo makukuha ang anak ko sa akin, Sonya!"


"We'll see that in the future!" Mayamaya ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang babae.


Masayang tumayo naman sa kama si Sussie. "Mama!"


Nilapitan siya ng babae at hinalikan sa noo. "I love you. Be a good girl, huh?" Pagkatapos ay umalis na ito.


Tumingin sa akin si Sussie. "Lab aku ng mama ku," pagyayabang niya sa akin.


Natigilan aku. Kung lab siya ng mama niya? Lab den kaya aku ng mama ku? Nasaan ba kase mama ku?


Muling bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang isang lalaki. Niyakap niya si Sussie at pagkatapos ay lumapit siya sa akin. "Kumusta ka na, Totoy?"


"Asan pu mama ku?" tanong ko sa kanya.


Natigilan ang lalaki at napatitig sa akin. "Naaalala mo ba ang mama mo?"


Umiling aku. "'Di pu..."


Malungkot na ngumiti ang lalaki. "Sa taas siguro ng lagnat mo kagabi kaya hindi ka makaalala. O baka dahil sa trauma. Malaking trauma ang inabot mo mula sa pagka-kidnap sa 'yo. Pero wag kang mag-alala, ligtas ka na ngayon."


"E mama ku pu?"


Hinaplos niya ang ulo ko. "Magkakaroon ka na ng bagong mama..."


"Pu?"


"Oo, Totoy..." malungkot pa rin ang mga ngiting sagot ng lalaki. "Magkakaroon ka ng bagong mama at papa. Bagong pamilya. Bagong buhay..."


Napakurap ako. Wow! Pwede pala aku magkabagong buhay?


"Papa, gustu ku pu rin bagong buhay!" sabat ni Sussie.


Ginulo naman ng lalaki ang buhok niya. "Hayaan mo anak, magkakaroon na rin tayo ng bagong buhay. Buhay na masagana mula ngayon. Mabibili ko na ang lahat ng gamot mo, pati mga laruan at damit na gusto mo dahil marami na tayong pera."


Tuwang-tuwa na napapalakpak si Sussieng mataba. "Talaga pu?!"


"Oo, anak. Mula ngayon, tayo na lamang dalawa. Wala na ang mama mo, pero naririto pa rin ako."


"Bakit wala si Mama ku? Paanu pu 'yun, may papa peru wala mama? Di pu ku sanay na tawag ka papa tapus wala naman aku mama!" Lumabi si Sussie na tila maiiyak.


"E di sige wag mo na akong tawaging papa nang hindi mo na maalala ang mama mo. Para maiba ay tatay na lang ang itawag mo sa akin, ayos ba iyon?"


Kinarga na siya ng lalaki at muling hinalikan sa ulo.


Bago lumabas ng pinto ng kwarto ay nilingon ako ng lalaki. "Magpahinga ka muna, Totoy."


Nakatitig lang ako sa kanya.


"Bukas na bukas, susunduin ka na rito ng bago mong pamilya. Namatayan sila ng anak kaya sabik sila na magkaroon ng bagong anak. 'Wag kang mag-alala dahil mabubuti silang tao at tiyak na mamahalin ka nila."





........................................................................................................................................................................................................."ARKANGHEL!!!"


Napalingon ako kay Isaiah, ang pinsan ko. Papasok ako sa gate ng school namin nang bigla niya akong sakyan sa likod.


"Tangina ka, nang-iwan ka na naman!" Pinagkukutusan niya ako.


Pabalibag ko naman siyang inalis sa likod ko. Muntik na siyang mabuwan kung hindi lang siya nakahawak sa braso ko.


"Bakit ba 'di mo kayang wala ako?" Pinagpag ko ang aking braso.


Natawa siya at sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng school namin. Magka-edad lang kami kaya nagkakasundo. Iisang antas din, parehong Grade 8 at parehong section din.


Inakbayan niya ako. "Kwento mo naman sa akin ginawa niyo ni Zandra noong simbang gabi."Napailing ako. Sabi ko na nga ba, makiki-chismis siya. Chismoso talaga 'tong hayup na 'to e.


Siniko ko siya. "May makarinig sa 'yo, gago!"


Si Zandra ay kinakapatid ko, inaanak ni Mama. Matanda sa amin ng isang taon ni Isaiah. Palagi iyong pumupunta sa amin o kaya naman ay bumubuntot sa akin.


"Ano nga?" pangungulit ni Isaiah sa akin. "Nahalikan mo ba? Masarap ba makahalik ng babae? Kwento mo naman, please?!"


"Bakit di mo i-try ng di ka na puro tanong."


Napanguso siya. "E kanino ko ta-try?"


"Ewan ko sa 'yo."


Nakabuntot pa rin siya sa akin. "Huy, kayo na ba?"


"Hindi," maiksing sagot ko.


Totoo iyon na hindi kami ni Zandra. Wala talaga akong maramdaman sa babaeng iyon. Sinubukan ko naman, pero hanggang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya.


"Pero naghalikan kayo!"


"'Ge halikan din kita mamaya para di ka na mainggit!"


Kinotongan niya ako. "Gago, kadiri!"


Sabay kami sa paglalakad papasok ng gate. Ang ibang mga estudyanteng babae na nakakasabay namin sa daan ay napapalingon sa amin.


Kinalabit niya ako mayamaya. "May nahiram akong CD kay Miko, bold. Ano, panoorin natin mamaya sa inyo?"


"Sige para pag nahuli tayo, sabay tayong mabugbog."


Napahagikhik siya. "Hindi naman tayo papahuli."


"'Ge, maya katok ka na lang sa amin. 9 tulog na sina mama."


Napasuntok siya sa hangin. "Ayos!"


Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng tinapay. Hindi ako nakakain bago umalis ng bahay dahil may toyo na naman ang mama ko at hindi ako naipaghanda ng almusal.


Iniwan ko muna si Isaiah sa labas na busy sa pakikipaglandian sa bago niyang text-mate na Grade 7. Gago talaga. Maninirador lang, doon pa sa bata sa kanya. 


Pagpasok ko sa canteen ay walang gaanong estudyante. Sakto kasi ayoko ng maraming tao, introvert kasi ako tuwing MWF. Charot.


Sa isang sulok ay may nakatambay na tatlong lalaki, mga namumukhaan ko. Mga kaklase rin namin ni Isaiah. Akala mo kung sinong mga siga ang mga ito na hindi naka-butones ang suot na mga polo.


Iyong isa sa kanila ay sikat sa buong campus, Hugo yata ang pangalan. Maangas daw kasi rich kid at anak ng head teacher. Ito ang bukod tanging naka-black t-shirt sa loob ng polo. May silver earring ito sa kaliwang tainga.


"Hugo, si oink-oink o," sabi kay Hugo ng isa sa mga tropa niya.


Agad namang tumingin si Hugo sa itinuturo. Ang kaninang inaantok niyang mga mata ay biglang nagkabuhay.


Wala sa loob na napasunod naman ako ng tingin sa tinitingnan niya, doon sa tinawag na "oink-oink" ng kasama niya. Mula sa entrance ng canteen ay pumasok ang isang maputi at chubby na babaeng estudyante.


Tumaas ang isang kilay ko habang nakatingin sa babaeng chubby. Kung hindi ako nagkakamali ay Susana Alcaraz ang pangalan niya. Kaklase rin namin. Matalino at ulirang estudyante.


"Uubusin na naman niyan ni Oink-Oink ang paninda rito sa canteen!" muli'y sabi ng isa sa mga tropa ni Hugo.


Hinarap naman ito ni Hugo at kwinelyuhan. "Anong 'sabi mong tangina ka, ah!"


Naiiling na umabante na ako patungo sa mga panindang tinapay. Trenta lang ang baon ko at may lunch break pa mamayang tanghali kaya kailangan kong magtipid. Nakakahiya na kasi kay Isaiah kung mambuburaot na naman ako sa lunch niya.


Pagkabili ko ng worth 5 pesos na bun ay naupo muna ako sa isang bakanteng upuan. Patingin-tingin ako sa paligid nang muli kong makita iyong tinatawag na Oink-Oink kanina, si Susana Alcaraz.


Naupo ang chubby sa isang upuan habang hawak ang dalawang pirasong large double patty burger. Cute naman siya kahit mataba.


Actually, hindi naman talaga siya ganoon kataba. May korte ang katawan niya. Saka mas gusto ko nga 'yung malaman kaysa iyong wala akong mahahawakan.


Mukha rin siyang mabait. Parang napaka-straight niya talagang estudyante. Ang swerte naman ng mga magulang niya saka ng magiging jowa niya.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para titigan siya. Basta hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya.


Nakatitig lang ako sa kanya mula sa pag-alis niya sa plastic ng burger at pagkagat doon. Nakakagulat dahil tatlong kagat lang sa kanya ang large size double patty. Matapos ang isa ay binuksan na naman niya ang isa pang burger.


Namalayan ko na lang na napapangiti na pala ako habang nakatingin sa kanya. Nawili ako masyado na panoorin siya sa bawat pagkilos niya. Nakalimutan ko na ngang kainin ang binili kong tinapay. Hindi na rin ako gutom.


Hanggang sa tumayo na siya para pumunta sa room namin ay nakasunod pa rin ako.








...........................................................................................................................................................................................................SHE WAS MY GIRLFRIEND NOW.


Hindi ako makapaniwala na napasagot ko na siya. Girlfriend ko na si Susana Alcaraz.


Kahit suplada siya noong una, hindi ko siya sinukuan. Idinaan ko sa pangungulit ang pagkailang ko sa kanya. Masyado kasi siyang mahirap abutin kaya pakiramdam ko, mabu-busted ako. Mabuti na lang at nadala ko sa tiyaga.


Mahal na mahal ko siya. Nakikita ko ang sarili ko na siya ang kasama hindi lang sa ngayon, kundi pati sa hirap at ginhawa hanggang sa aming pagtanda...


Kahit mahirap at masakit, kinailangan kong lumayo sa kanya para mag-trabaho sa Manila...


Para mabigyan ko siya ng magandang buhay, kailangan kong magsikap. Kailangan kong maging masipag para makaipon at maibigay ko ang mga pangangailangan niya.


Hindi ko nga lang alam na ang pagluwas kong iyon sa Manila ay siya palang tatapos sa aming dalawa...








...........................................................................................................................................................................................................BABY KO...


Hindi ako makakilos habang niyayakap ako ni Mrs. Ingrid Uytengsu-Wolfgang. Siya ang amo kong babae dito sa QC, sa mansiyon na pinasukan ko as security guard.


"Buhay ang baby ko..." umiiyak na sambit niya habang niyayakap ako.


Nagpakilala siya na siya raw ang mommy ko. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari iyon. Paanong naging siya?


Windang-windang ang sistema ko. Pumunta ako rito sa Manila para mag-trabaho, 'tapos pagdating ko rito ay kakaiba ang mga tingin nila sa akin.


Nagulat na lang ako nang sumunod na linggo ay may dumating na doktor sa mansiyon ng mga Wolfgang. Dala-dala ng doctor ang resulta ng DNA test na nagmula pa raw sa Denmark.


Binasa sa harapan ko ang result ng DNA at pagkatapos ay namalayan ko na lang na yakap-yakap na ako ni Ma'am Ingrid. Umiiyak siya habang pinaghaha-halikan niya ang mukha ko.


Ang asawa naman niyang si Sir Alamid ay seryosong nakatitig sa akin. Ang dati niyang walang emosyong kulay abong mga mata na katulad ng sa akin ay bigla na lamang naging malamlam.


Hindi ko alam na sa loob ng isang linggo na nasa mansiyon ako ay minamatyagan pala nila ako. Wala rin akong kamalay-malay na ipinapa-DNA test na nila ang mga hibla ng buhok na nakuha sa aking unan.


Sinabi nila sa akin kung paano ako nakidnap noong bata pa ako, kung paano nasunog ang lugar kung saan ako dinala ng mga kidnappers.


Ang akala raw nila ay patay na ako, ang akala nila ay ako ang nakuha nilang sunog na bangkay ng batang lalaki na natagpuan sa lugar. Madali silang napaniwala na ako iyon dahil nakita raw nila akong binawian ng buhay. Pero drinoga sila nang panahong iyon kaya hindi mapagkakatiwalaan kung ano man ang kanilang nasaksihan.


Hindi na nila nagawang magpa-imbestiga pa dahil pareho silang basag dahil sa mga nangyari. Nang makuha ni Ma'am Ingrid ang ashes na inakala niyang sa akin ay tinanggap niya na agad na wala na ako. Isa pa, walang ibang bata roon maliban sa akin.


Ang sakit-sakit ng mga rebelasyon.


Naranasan kong maghirap, naranasan kong mamalimos ng pagmamahal sa mga taong inakala kong mga tunay kong magulang, pero hindi ko naman pala tunay na mga kadugo.


Umikot ang buong buhay ko sa kasinungalingan!


Pero ang mas higit na dumurog sa puso ko ay ang katotohanang may kinalaman ang tatay ni Sussie sa lahat ng ito.


Kasabwat ang tatay ni Sussie sa pagtakas sa akin. Ang tatay rin ni Sussie ang nagbenta sa akin sa bagong pamilya na kinilala kong pamilya ko sa mahabang panahon.


Hindi ko matanggap ang lahat-lahat. Ni hindi ko magawang sagutin ang mga text at tawag ni Sussie matapos kong malaman ang totoo. Para akong mababaliw at hindi ko alam ang dapat gawin.


Muli ring bumalik ang mga bangungot ko noong bata pa ako. Gabi-gabi ay binabangungot ako. Isa-isang bumalik sa alaala ko ang madilim na abandonadong kwarto na pinagkulungan sa akin, naaalala ko na rin ulit kung paano ako iginapos ng mga kidnappers, kung paano ako gutumin, kung paano ako nagkasakit nang walang umaasikaso sa akin.


Gulong-gulo ako. Basag na basag. Ayaw kong makipag-usap sa kahit kanino. Pero sa kabila ng lahat ay hindi ko magawang magalit sa tatay ni Sussie, hindi ko magawang magalit sa tatay ng babaeng pinakamamahal ko.


Pero iba ang mga tunay kong magulang. Galit na galit sila at gusto nilang pagbayarin ang lahat ng may kasalanan. Gusto nilang ipakulong ang tatay ni Sussie.


Hindi pwedeng makulong ang tatay ni Sussie dahil matanda na ito at meron pang kapansanan. Hindi rin kakayanin ni Sussie na mawawala ang tatay niya sa kanya.


So I chose the easiest way. Pumayag ako na sumama sa tunay kong pamilya papuntang Amerika. Ilalayo ko silang lahat kina Sussie hanggang sa dumating ang araw na maghilom na kami.


Pero bago sana ako umalis, kahit sana sa huling pagkakataon, gusto kong makita si Sussie.


Kahit anong pigil ko sa aking sarili ay napauwi pa rin ako sa Cavite. Natatakot ako na kapag nakaharap ko na si Sussie ay biglang magbago ang desisyon ko. Kahit mahirap at komplikado na ang sitwayon namin ngayon ay baka sa isang salita niya lang ay mag-stay ako.


Pero hindi ganoon ang nangyari dahil nadatnan ko siyang kahalikan si Hugo.


Daig ko pa ang sinaksak sa nasaksihan ko na hinahalikan ng ibang lalaki ang mga labi ng babaeng mahal na mahal ko.


Ang naramdaman ko ay mas masakit pa sa lahat ng masakit. It was true that the deeper the love, the deeper the pain. Parang sinusunog ang puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.


Sa mga panahong gulong-gulo ako at umiiwas sa kanya, hindi ko siya masisisi na pinili niyang bumitiw na.


After that day, hindi na ulit kami nagkita pa. Tuluyan na akong sumama sa tunay kong pamilya papuntang Amerika. Doon ako nagpagaling, nagsimula nang panibago at naging ganap na si Arkanghel Wolfgang.











..........................................................................................................................................................................................................UNTIL I CAME BACK TO THE COUNTRY AND SAW HER AGAIN...


Lahat ng pinaghirapan ko, naglaho lahat sa loob lang ng isang segundo.


Sa isang pagtatama ng mga namin, sinisigaw na ulit siya ng puso ko.








..........................................................................................................................................................................................................."KAYO PA RIN BA NG FIANCÉE MO?"


Natigilan ako sa tanong niya. Nasa kotse ko siya. Ihahatid ko siya pabalik sa apartment niya sa Pasig.


Fiancée? How did she know about that?


Oh, I remembered, kumalat pala noon sa mga newspapers and magazines ang tungkol sa pekeng engagement ko.


It was a fake engagement with Fury Bela Maire Batalier, the heiress of Batalier's. That wasn't true. Sinasakyan ko lang si Fury sa mga pinagsasabi niya because I knew what she was up to. Fury wanted to make my younger brother jealous. She wanted Art to realize what kind of jerk he was.


Hinayaan ko lang ang lahat dahil wala namang mawawala sa akin. I didn't have a girlfriend that time. Akala ko rin matapos ang ilang taon ay nakalimutan na ng mga tao ang tungkol doon.


Napailing ako sa isip. Nakalimutan ko na nga ang tungkol doon kung hindi lang biglang nabanggit ni Sussie ngayon.


Sinulyapan ko si Sussie mula sa rearview mirror ng sasakyan. Cool lang siya habang naghihintay sa sagot ko kung tuloy pa ba ang engagement. Hindi naman siya mukhang bothered about it. Yeah right, wala naman na kasi siyang pakialam sa akin. Matagal nang wala kami and she was now with Hugo.


"Yes," naiiritang sagot ko sa tanong niya.


Little did I know that my answer would cause a serious problem afterward.


Hindi niya pala nakalimutan ang isinagot ko sa kanya. Bumaon iyon sa isip at puso niya.


Kahit nang magkabalikan na kami, kahit araw-araw kong inuubos ang oras ko sa kanya, kahit gabi-gabi ko siyang inuuwian, kahit minu-minuto kong pinaparamdam sa kanya na mahal na mahal ko siya...


Hindi niya pa rin pala nakakalimutan ang isinagot ko sa kanya. She didn't dare to clarify that to me, though. She was afraid to ask me again.


Napansin ko na lang na unti-unti na siyang lumalayo sa akin, habang ako naman ay pilit na inaayos ang lahat-lahat para muling mapalapit sa kanya.


Nang gabing babalikan ko siya para kausapin at yayain na sanang umuwi ng Cavite, saka ko naman siya hindi matagpuan. Para akong sinikmurahan nang malaman ko kung nasaan siya at sino ang kasama niya.


I was so hurt. So broken.


Gusto ko siyang awayin pero hindi ko naman kaya.


And then, sumuko na ulit siya. Sinukuan niya ulit ako sa pangalawalang pagkakataon.


Saka ko lang nalaman kung ano ang pinaghuhugutan niya. She thought I was with Fury. Hindi ko alam na sa likod ko ay may mga announcement of engagement pa lang nagaganap. Heck, I really had no idea about that.


Hindi kami ni Fury at kahit kailan ay hindi magiging kami. Fury was just a little sister to me. We can never be together because she was for Art and I was for Sussie.








..........................................................................................................................................................................................................SUSSIE LEFT ME.


Iniwan niya ako na basag. Parang gusto ko na lang mamatay kasi ayaw niya nang bumalik.


And I couldn't blame her, though. Kung basag ako, siya naman ay durog na durog dahil mas nasaktan siya. Kahit ako ay hindi ko mapatawad ang aking sarili dahil sinaktan ko siya. Kasalanan ko kung bakit sumuko siya.


Kasalanan ko kasi nagkulang ako sa pag-a-assure sa kanya na mahal na mahal ko siya. Nagkulang ako sa pagpapa-intindi na hanggang ngayon, siya lang at wala nang iba.


I was willing to give her up... Kahit parang mamamatay ako sa sakit, handa na akong palayain siya dahil iyon ang kahilingan niya.


Bibitiwan ko na siya dahil hindi ko deserve ang pagpapatawad niya.


But then, she told me that she was pregnant with our baby. Damn it! Parang naglaho ang lahat ng sakit sa puso ko. Lahat napalitan ng gulat at saya. Para akong ni-revive.


Alam ko na galit na galit pa sa akin si Sussie. Alam ko rin na hindi niya pa rin ako patatawarin, pero ayos lang iyon. Ayos lang na magalit siya sa akin hanggang sa katapusan ng mundo, pero hindi ko siya iiwan.


Magalit na siya habangbuhay, pero hindi ko siya pababayaan.


Hinding-hindi ko siya susukuan.


Tatanggapin ko ang lahat ng parusa niya, basta hayaan niya lang ako na makasama siya at ang magiging anak namin. Iyon lang. Iyon lang, masayang-masaya na ako.











...........................................................................................................................................................................................................WHO THE HELL WAS THAT GUY?


Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan kong kanto ang paglabas ni Sussie mula sa sedan. Sino ang lalaking ito na naghatid sa kanya?


Nang pumasok si Sussie sa gate ng bahay ay naiwang naghihintay ang lalaki. Pangiti-ngiti habang nakasunod ng tingin. Alam ba nitong buntis na ang tinitingnan nito? Alam ba nitong nandito ang ama ng ipinagbubuntis ng tinitingnan nito?


Nilapitan ko 'yung lalaking nakatambay sa labas ng gate para komprontahin. Pasipol-sipol ito at saglit lang akong tinapunan ng tingin. Kainis ang hilatsa, akala mo sinong nakakaguwapo sa 'kin.


"'Pre, ano mo si Sussie?" I asked him.


His brows furrowed. Nabigla yata sa bigla kong paglapit at pagtatanong. "Kawork ko. Bakit?" Nice, huh? Maangas pa siya.


I grinned and said, "Wala naman. Kuya niya ko."


Nag iba agad ang mukha niya. "Good evening po. Mikael nga pala."


Naglahad siya ng kamay sa akin na tinanggap ko naman.


"Arkanghel. Magkatunog pa pangalan natin, 'pre."


Ngiting-ngiting naman siya.


"Hinatid mo siya? Thank you, ah."


"Walang anuman." Ngiting-ngiti pa rin itong si Mikael.


Akala yata niya boto ako sa kanya para kay ex. Hindi ako nagpapagod mula umaga hanggang gabi para sukuan si Sussie at ipaubaya kung kanino lang.


"Pasensiya na po kung ginabi siya ng uwi. May meeting pa meeting pa kasi kanina sa faculty," he politely explained.


"It's fine. Basta masaya kapatid ko, support ako. But you know what? Ikaw pa lang ang naghatid sa kanya rito. As in ikaw pa lang. Special ka yata."


"Really?" Napakamot siya ng ulo na tila nahihiya. "Anytime for Sussie naman kasi special rin siya sa akin."


Special? Kailan lang naman nag-start mag-work si Sussie, 'tapos special na agad sa kanya? How fast.


"Salamat talaga, pre. Kahit ganun ang past ng kapatid ko, di mo siya hinuhusgahan."


Napakunot noo muli siya.


"Alam ko, ramdam ko naman na espesyal ka sa kanya. Ikaw lang ang hinayaan niyang maghatid sa kanya Wala akong reklamo, pre. Thankful pa nga ako kasi sa wakas, nakahanap na si Sussie ng lalaking tatanggap sa kanya kahit pa dati rin siyang lalaki."


Sukat ay namutla si Mikael. "Huh? Come again?" His tone was alarmed.


A wide grin stretched on my face. "'Sabi ko, salamat kasi tanggap mo ang kapatid ko kahit dati siyang lalaki."


Kitang-kita ko ang pamamawis niya. Iyong yabang niya kanina, biglang nawala. Mas mukha siya ngayong nabagsakan ng bomba.


"Ganun namin siya kamahal na pamilya niya. Kahit pa alam naming delikado ang pagpapaopera, kahit baon siya sa utang dahil nga sa nagpasex change siya, sinuportahan pa rin namin siya. Kaya salamat, 'pre." I was serious while talking but the truth was, I was on the verge of laughing.


Marami pa sana akong sasabihin kaso parang natataeng nagpaalam na si Mikael. Baka raw matraffic siya kaya pakisabi na lang kay Sussie na goodbye.


Nang bumukas ang gate namin ay wala na si Mikael. Basta na lang nitong pinaharurot ang kotse nito at pagkatapos ay naglaho na.


Lilinga-linga si Sussie sa paligid habang hawak-hawak ang isang basong may lamang malamig na tubig. Nang mapatingin siya sa akin ay nginitian ko siya nang matamis. Isang matalim na irap naman ang iginanti niya saka siya muling pumasok sa gate.


Naiiling na sumunod na lang ako sa kanya.











...........................................................................................................................................................................................................PRESENT DAY:


Simula...



I can feel that she was still in love with me.


At alam ko na galit pa rin siya. I can truly understand that.


Ang hirap lang dahil hindi ko siya magawang yakapin kapag malapit siya sa akin. Hindi ko siya magawang basta na lang halikan. Hindi ko siya magawang lambingin o sabihin sa kanya na mahal ko siya, dahil alam kong hindi niya iyon ikatutuwa.


Nakukuntento na lang ako kung hanggang saan ako ngayon sa buhay niya.


Maaga pa lang ay nagigising na ako. Naka-alarm ako ng 4:00 am para ipag-init siya ng tubig pampaligo at ipagluto ng almusal at baon niya sa lunch. Mga 4:30 am ay saktong bababa na siya sa mula sa kwarto at maliligo kaya hinahanda ko na rin ang kanyang tuwalya.


Pagkatapos niyang maligo ay pinakain ko na siya. Omelette, fride chicken, sinangag at isang basong gatas ang inihain ko. Hinanda ko na rin ang pang-toothbrush niya sa lababo.


Habang nagbibihis siya at nag-aayos ng sarili ay binilisan ko ang paghahanda ng baon niya. Ngayong araw ay adobong manok na may sitaw ang lunch niya. Nilagyan ko talaga ng gulay para naman may dagdag sustansya.


Nagmamadaling inilagay ko sa paper bag ang lunch box niya para ihabol sa kanya. Bago pa lang ako pupunta ng sala para habulin siya nang makitang papabalik siya ng kusina.


Nagkasalubong kaming dalawa.


Napalunok ako dahil kakaiba ang mga titig niya sa akin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang kunin niya mula sa mga kamay ko ang paper bag. Natakot ako kanina na baka ayaw niyang dalhin ang inihanda ko sa kanyang baon. 


Nang lumabas na siya ay lumabas na rin ako. Bitbit ko ang susi ng motor ko.


Pagkasakay niya ng tricycle ay sumakay na rin ako sa motor ko para sundan siya. Ganito ako tuwing umaga, sa ganitong paraan ko siya inihahatid. Since ayaw niyang umangkas sa akin ay sinasabayan ko na lang ang sinasakyan niyang tricycle.


Pagkarating sa Barangay Pinagtipunan ay nag-park ako sa gilid ng kalsada. Dito siya nagtuturo kung saan din kami grumaduate noon.


Inabangan ko siyang makababa ng tricycle. Kapag bumaba na siya at sure na akong safe na siyang nakapasok sa gate ng school ay doon pa lang ako pwedeng umalis.


Hinihintay ko siyang maglakad patungo sa gate ng school nang bigla siyang lumingon sa akin. Parang hinampas ang dibdib ko sa biglas bilis ng tibok ng puso ko.


Humakbang siya palapit sa akin hanggang sa nasa harapan ko na siya. Napatitig ako sa magandang mukha niya. "Why, Sussie?"


I thought she was mad because I followed her here, but to my surprise, she smiled. "Sa bench mamayang uwian. Hihintayin kita."


I blinked at what she said.


Ilang minuto akong natulala. Wala na siya sa harapan ko nang gumihit sa akin ang isang matamis na ngiti.





4:00pm


I was lying on my bed in the bodega when someone knocked on the door.


"Totoy..."


Nalingunan ko ang mama ni Sussie.


"I mean, Arkanghel. Hello, hijo."


Napabangon ako bigla para salubungin siya. "Good afternoon, Ma'am."


"Mama," she corrected me.


Humakbang siya papasok sa bodega kung saan ako nagku-kwarto. Nakakahiya dahil mainit dito kaya sa kanya ko itinapat ang maliit na electricfan.


"I'm sorry sa mga nasabi ko, Totoy or Arkanghel." She smiled apologetically. "I hope you understand that I just want the best for my daughter."


Lumapit siya sa akin.


"I don't want Sussie to suffer. Alam ko na kayang magtiis ng anak ko, pero ayaw ko na magtiis siya. Ang gusto ko lang naman ay the best para sa kanya..."


"I understand, Ma'am—I mean, Mama."


"Wala ako sa tabi niya nang matagal na panahon at inaamin ko na marami akong pagkukulang. Nang malaman ko ang mga pinagdaanan niya, sobra akong nasaktan." Mahinahon ang boses niya at mababa. "Wala akong nagawa para tulungan siya o pagaanin man lang ang buhay niya..."


She looked at me.


"Ayaw ko na siyang mahirapan ulit. Kahit maging masama ako sa paningin ng lahat, ipaglalaban ko pa rin ang magandang buhay para sa kanya. Ayaw ko na habangbuhay ay mahirapan ang anak ko..."


Ang matapang at suplada niyang aura ay unti-unting nabura.


"Naranasan kong maghirap habang minamahal ang tatay ni Sussie. Lumayas ako noon sa amin at sumama kay Andres. Mahirap kasi si Andres at simpleng pulis lang na maliit ang sweldo kaya alam ko na hindi siya matatanggap ng parents ko. Also, during that time, naipagkasundo na ako nina Mom sa anak ng kasosyo namin sa negoyo."


Ngumiti siya nang mapait.


"Sumama ako kay Andres dahil siya ang mahal ko. Itinira niya ako sa kung saan-saan lang. Walang aircon, walang katulong... Kung hindi pa kami tinulungan ng mayamang asawa ng kaibigan kong si Norma ay baka kung saan-saan pa rin kami nangungupahan noon..."


Nangilid ang mga luha sa kanyang malungkot na mga mata.


"Life back then was tough, but you know what? I was happy. It was okay with me kahit pa hindi ako sanay ng mahirap na buhay, hindi ako sanay na ako lahat ang kikilos sa bahay, magluluto, maglalaba. I was happy. Iniiwan ako ni Andres sa bahay kapag nasa trabaho siya, 'tapos hinihintay ko siyang umuwi sa akin tuwing gabi. Para kaming nagbabahay-bahayan."


Muli siyang ngumiti nang mapait.


"And then I got pregnant with Sussie... Doon ako mas nahirapan dahil palagi akong nag-iisa sa bahay. Ang hirap na wala akong kasama. Pero tiniis ko pa rin. Inintindi ko kasi nga kailangan niyang magtrabaho. Nang manganak ako ay mas naghirap kami. Nabaon kami sa utang dahil naging sakitin si Sussie noong baby pa siya. Dagdag pa na halos mabaliw ako sa pag-aalaga."


Suminghot siya.


"Pero tiniis ko pa rin ang lahat dahil sa pagmamahal. Kahit nang magkasakit ang anak ko at hindi namin maipa-confine dahil wala kang pang-down sa ospital, nag-stay pa rin ako. Kahit lahat ng nakasanayan kong karangyaan ay nawala sa akin, nag-stay pa rin ako. Pinili kong mag-stay para sa pamilya ko, sa pagmamahal ko kay Andres..."


Ang mga luha niya ay unti-unting dumami.


"Pero may katapusan ang lahat. Nalaman ko noon sa kaibigan kong si Norma na pinapahanap ako nina Mom and Dad... Alam ko na sooner or later, mahahanap na nila ako... Marami silang pera at koneksyon... Madali nila kaming matutunton."


Nanginginig ang balikat na napaupo na siya sa gilid ng higaan ko.


"Kilala ko sina Mom and Dad... Kilala ko kung paano sila magalit at kung paano sila kumilos kapag galit sila... Wala silang awa..." Tumingala sa akin ang luhaang mukha niya. "Pinahahalagahan nila ang pangalan ng pamilya namin, kaya kapag nalaman nila ang tungkol kina Andres at Sussie, baka kung anong gawin nila..."


"Mama..." Nag-aalala na ako dahil nanginginig siya habang umiiyak.


"Arkanghel, hindi ko kayang i-risk ang mag-ama ko... Kaya pinili ko na lang na maging masama sa paningin nila at tuluyang lumayo..."


Sumubsob siya sa kanyang mga palad at doon lumuha.


"Inaway ko si Andres noon para marealize niya kung gaano ako kawalang-kwenta, para kalimutan niya na ako at wag nang hanapin pa... Iyon lang ang naiisip kong paraan para mabuhay sila nang payapa ni Sussie... Alam ko na mabuti siyang ama at gagawin niya ang lahat para sa anak namin, kaya kahit paano ay maluwag sa puso ko na umalis..."


Nang tumingala siya sa akin ay sargo na ang kanyang mga luha.


"Hindi naging masaya ang buhay ko kahit pa nakapag-asawa na ako ng mayaman at nararanasan ko na ulit ang karangyaan... Sa kabila ng lahat ng ginhawa kong ngayong tinatamasa, mas masaya pa rin ako sa piling ng mag-ama ko..."


Napahagulhol siya.


"Arkanghel, walang araw na hindi ko plinanong bumalik sa mag-ama ko," she cried. "Walang araw na hindi ako nangulila sa kanila... Pero hindi naman ako pwedeng basta bumalik dahil naipakasal na ako nina Mom sa iba... At wala na rin akong mukhang ihaharap pa kina Sussie at Andres pagkatapos ng ginawa kong pagtalikod sa kanila... Isa pa, naduduwag din ako na baka may gawin sina Mom and Dad na hindi maganda..."


"Mama, tahan na ho..."


"Pero ngayon na may sakit ang napangasawa ko at ngayon na matatanda na ang parents ko ay naglakas-loob na akong ipagtapat sa kanila ang totoo... Ipinaalam ko na sa kanila ang tungkol kay  Sussie at Andres..."


She harshly wiped the tears on her cheeks and stood up.


"And now, tanggap na nina Mom and Dad si Sussie. My parents love their only grandchild so much. It was so easy to understand that they just want the best for her. Kasi ganoon din naman ako, I also want the best for my daughter. Hindi lang basta ikasasaya niya ang gusto ko, kundi pati ang ikagiginhawa..."


"Hindi siya maghihirap sa piling ko," matigas na sabi ko. "Magsisikap ako para sa anak niyo."


"Nakikiusap ako sa 'yo, Arkanghel..." Humawak siya sa kamay ko. "Pasayahin mo ang anak ko..."


"Hindi niyo na po kailangang makiusap sa bagay na 'yan."


"Pasayahin mo siya... Ibigay mo ang lahat-lahat sa anak ko... Iparanas mo sa kanya nang sabay ang ginhawa at saya... Dahil isa lang ang nararanasan ko sa dalawang 'yan, ang ginhawa lang, pero hindi ako masaya..."


"Ibibigay ko po kay Sussie ang lahat ng kaya kong ibigay," I promised to her. "Kahit ang hindi ko kaya, kakayanin ko para sa kanya."


"Thank you so much, Arkanghel..."


Nang humupa na ang kanyang emosyon ay inayos niya ang sarili at inihatid ko na siya palabas ng bahay.


Sa gate ay naroroon sina Mang Andres at Aling Tess na masayang nag-uusap.


Walang imik ang mama ni Sussie na nilampasan ang dalawa.


"Totoy, anong balita?" lapit ni Mang Andres sa akin nang umalis na rin si Aling Tess.


"Pupunta po ang parents ko sa Indang mamaya para kausapin ang lolo at lola ni Sussie," I informed him. Formal na kasing hihingin nina mommy at daddy ang kamay ni Sussie at pagkatapos ay dito sila dideretso para si Mang Andres naman ang kausapin.


"Ano ang hiniling ng matatanda sa inyo?" may pag-aalala sa boses niya.


Ngumiti ako. "Mag-re-resign na po ako sa kompanya namin dahil ako na po ang mamamahala sa kompanya ng lolo at lola ni Sussie." Iyon ang hiling ng lolo ni Sussie nang kausapin ako nito kagabi.


Walang alam si Sussie na noong nakatulog na siya bandang 2:00am ay minotor ko ang papuntang Indang, Cavite para masinsinang kausapin ang grandparents niya.


Nangako ako sa dalawang matanda na pagyayamanin ang negosyo ng pamilya nila. Napagkasunduan din na matapos ang kasal, kung papayag nang magpakasal si Sussie sa akin ay isa mga negosyo ng pamilya ko na food and manufacturing na nakapangalan sa akin ay ime-merge sa kanilang kompanya.


Nakausap ko na rin kaninang tanghali through phone ang kapatid kong si Art para ipagkatiwala sa kanya ang iiwan kong posisyon sa empire ng pamilya namin. Siya na ang bahala sa lahat ng tatalikuran ko dahil magfo-focus na ako sa pagma-manage at pagpapalago sa kompanya nina Sussie.


"Saan niyo balak tumira kung sakali?" tanong ni Mang Andres.


"Si Sussie po ang bahala kung saan niya gusto," magalang na sagot ko. "Kung saan po siya, doon po ako."


Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ni Mang Andres.


"Tungkol naman po sa pagtuturo niya, kung gusto niya pong ituloy ito ay hindi ko siya pipigilan. Susuportahan ko po siya."


"Salamat, Arkanghel." Niyakap ako ni Mang Andres. "Salamat, anak..."





6:00pm


Papunta na ako ng Governor Ferrer Memorial National High School sa Brgy. Pinagtipunan. Inilabas ko ng gate ang Kawasaki Ninja 400 big bike na binarter ko kay Isaiah sa Lambo ko nang may humintong kulay pulang Audi sa tapat.


Nagsalubong ang mga kilay ko nang makilala ang lalaking bumaba mula roon. Naka-shirt na black at jeans siya. "Arkanghel, bro."


It was Hugo.


"Hindi ako manggugulo. Tanggap ko nang talo na ako."


Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya.


"Kahit naman noon pa, talo na ako. Umasa lang talaga ako kasi kami iyong magkasama mula noong nawala ka. Ako iyong naiwan kasama niya, at siya rin iyong naiwan para sa akin. Kami lang noon, kami lang dalawa."


Ngumiti siya pero malamlam ang mga mata.


"Okay na ako sa mga panahong nahiram ko habang wala ka. Nagka-direksyon ang buhay ko, bro. Okay na ako roon."



Namulsa siya at nakipagtagisan ng tingin sa akin.



"Hangga't maaari, kahit pa palagi akong talo ay ayaw ko pa ring may pinagsisisihan sa buhay. Basta alam ko sa sarili ko, sumubok naman ako kahit paano. Duwag lang talaga dahil takot ako sa totoo. Wala e, siguro ito na talaga ako." Maiksi siyang tumawa. "Palamig muna ako, bro."


Ako na rin ang nagbawi. Nilampasan ko na siya habang hila-hila ang motor.


Nang lingunin ko si Hugo ay nakatingin na siya sa bahay nina Sussie. Ang malungkot niyang mga mata ay walang kakurap-kurap.


Tinawag ko siya. "Hey, man!"


Nagtatakang napalingon siya sa akin.


Nginitian ko siya at sinaluduhan. "Thank you!"


Sandali siyang natigilan, pagkatapos ay tipid na ngumiti at tumango.


Sumakay na ako sa motor at pinaandar iyon. 6:00 pm. Kailangang bago mag 6:00pm nasa bench na ako.


Pagkarating sa Gov ay ipinark ko agad sa labas ng gate ng school ang motor. Sinuklay ko ng daliri ang nagulo kong buhok saka ako pumasok sa loob.


Parang magigiba ang dibdib ko sa kaba.


Parang bumalik ako sa dati.


Ganito rin kasi ako noon. Itinatago ko lang sa pagiging maligalig ko, pero ang totoo ay dinadaga ako. Naupo ako sa bench at pinagsalikop ang mga kamay na bahagyang namamawis sa kaba.


Ilang minuto na nakaupo ako sa bench at naghihintay. Wala akong pakialam kahit pinapapak na ako ng lamok.


Napaangat ang paningin ko nang may huminto sa harapan ko. Nang tingalain ko siya ay pinangapusan ako ng paghinga.


"Arkanghel..." she said my name with a tear.


Napatayo ako. Nag-panic. "Sussie, why are you crying?"


Isa-isa nang pumatak ang mga luha niya. "Arkanghel, tama na. Patawarin na natin ang isa't isa..."


"Sussie..." I lifted my hand to wipe her tears gently. "Tahan na..."


Yumakap siya sa akin at umiyak sa dibdib ko. "Arkanghel ko..."


Napangiti ako at ginanti ang yakap niya. She continued to sob on my chest and her arms tightened around my waist.


"Let's make things right this time." Kinuha ko ang isang kamay niya at doon isinuot ang singsing na kanina pa nasa bulsa ko. Masikip sa kanya kaya hindi ko masyadong nasagad. "Sorry. Paluluwagan ko na lang."


Napahagulhol siya nang makita ang singsing na nasa daliri niya. It was the same ring na dinala ko noon sa apartment niya. Inihanda ko na iyon noon pa para sa pagkakataong katulad nito.


"I am begging you, Susana Alcaraz. Please, marry me..."


Tumatango siya habang lumuluha.


Naluha na rin ako dahil sa sagot niya. "Susana Alcaraz-Wolfgang, pinakamamahal kita..."


Lalo siyang napaiyak. Mabuti na lang at medyo madilim na rito at wala nang gaanong tao, pero kahit meron naman, wala kaming pakialam.


Wala kaming pakialam sa kahit sino. Sa kahit ano. Walang mas importante ngayon kundi kami lang dalawa at ang baby namin sa tiyan niya.


"Arkanghel..." Tumingala siya sa akin. "Let's not let go of each other's hand again..."


Nakangiting niyakap ko siya. "Roger that, Ma'am."


Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang mga kamay ko. Hinding-hindi na ulit iiyak ang babaeng ito, I swear to heavens. Hindi na. Hindi na ako papayag.


I love her. I love her so much...


Uubusin ko ang buhay ko sa pagsisilbi at pagpapasaya sa kanya.


Nang yakapin ko siya ulit ay nagtuloy-tuloy na ang mga luha ko. Parang sasabog ang puso ko.


Finally, makakasama ko na siya. Finally, akin na ulit siya. I will not waste this second chance.


Luhaan ang mga mata ko na tumingala sa langit. I was grateful, forever grateful for this moment.


I am Arkanghel Wolfgang, the former President of Voiré's Hotel and Casino, eldest son of the business tycoon, Alamid Wolfgang, lover of Susana Alcaraz...


and this is my story...


Sa kanya lang palagi uuwi. Sa kanya lang habambuhay.


-    Kiss Master, South Boys #1


JF


South Boys#2: Heartbreaker is now available in my account. I hope to see you there too! Thankyou again and Iloveyouuu =)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top