Chapter 61

DO NOT FORGIVE ME THIS TIME.


I will not. Nag-type ako nang mariin sa screen ng hawak kong phone.


Me:

Change your number at wag na wag ka nang tutungtong rito sa Cavite. Kahit anino mo, hindi pwede.


Binura ko rin ang text at pabalibag na ibinato ang phone ko sa ibabaw ng kama. Kinuha ko rin iyon nang mag-beeped. Si Carlyn ang nag-text.


Carlyn:

Inom tayo mamaya. Treat mo.


Ha? Hindi naman ako umiinom. Saka isa pa, bakit siya nagyayaya? Akala ko ba buntis siya?


Carlyn:

Sa Kiss Bar mayang 9. Pag nag-pass ka, aasawahin ko si Arkanghel.


Napatapik ako sa noo at saka nag-type.


Me:

Good luck.


Saglit lang ay may reply na agad si Carlyn.


Carlyn:

Send ko sa kanya mga pic mo habang tulog.


As if naman hindi pa ako nakita ni Arkanghel na natutulog. Nahuli ko pa nga iyong nakatitig sa akin habang naka-bold ako.


Carlyn:

Ipa-LBC ko sa bahay nila sa QC iyong pinaka-over used kong panty, lagyan ko ng note na "From Sussie with love"


Madali akong napa-type ng reply.


Me:

Sige mamayang 9pm. Sasabunutan kita.


Kissing emoticons lang ang reply ni Carlyn. Kumikibot ang sentido na ibinulsa ko sa suot na shorts ang phone. Kikitain ko siya mamaya, pero hindi ako mag-iinom. Siya na lang uminom kung gusto niya. Sasamahan ko na lang siya dahil hindi siya pwedeng mag-isa kapag lasing. Maligalig siya. Baka pasabugin niya ang Kiss Bar.


Natigilan din ako pagkuwan nang maalala kung saan niya ako pinapapunta. Doon sa Kiss Bar. Doon kung saan dating nag-trabaho si Arkanghel. Doon din ang huling date namin bago siya pumunta ng Manila.


Buhay pa rin ang restobar na iyon sa Brgy. Pinagtipunan hanggang ngayon. Ang nagma-manage na ay ang dating senior namin at schoolmate na si Zandra at ang napangasawa nitong dating tropa nila Arkanghel at Isaiah na si Miko Pangilinan. Nagka-developan iyong dalawa noong na-broken si Zandra kay Arkanghel at naging taga-comfort niya si Miko.


Quarter to 4pm nang bumaba ako. Nasa sala si Mama at busy sa hawak na phone. Hindi ko namalayan na bumalik siya. Nang makita ako ay tumayo siya. "On the way na rito sina Mom."


"Saan po ba kayo galing? Akala ko po kasabay niyo sila Lolo at Lola?"


Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "Pumunta ako kina Norma."


Pumunta siya kina Mrs. Aguilar? Akala ko ay hindi sila in good terms?


"May pinag-usapan lang kami sandali." Hindi pa rin siya makatingin sa akin kaya nahinuha ko na hindi naging maganda ang paghaharap nilang dalawa.


Binago ko ang usapan. "Si Tatay Bear po?" Inilingap ko ang paningin sa paligid. Wala si Tatay Bear sa kusina. Baka nagkukulong sa kwarto dahil nandito si Mama.


"Nasa likod-bahay, sa may bodega."


Napalingon ako kay Mama. Nakaismid ang mga labi niya.


"Nililinis ang bodega at pauupahan daw niya."


"Pauupahan?" ulit ko.


"Oo raw. Extra income. Sino naman kaya ang uupa roon sa bodega? Ang liit-liit. Daga lang ang magta-tiyaga roon."


"Baka naman po meron."


Sinimangutan niya ako. "Sus, bakit may kilala kang daga?"


Hindi ko na siya sinagot. Pinuntahan ko si Tatay Bear sa bodega. Naabutan ko siya na nanunungkit ng mga agiw sa kisame gamit ang isa niyang saklay.


Isang kulay yellow na bombilya lang ang gamit sa loob ng bodega. Ganoon pa rin ang itsura niyon gaya nang dati. Nandoon pa nga rin ang maliit na electricfan ni Arkanghel at ang manipis na foam na nakapatong sa ibabaw ng kahoy na papag.


"Maalikabok, bakit nandito ka?" sita niya sa akin nang malamang nasa likod niya ako.


"Nagmeryenda na po ba kayo?"


"Mamaya na pag alis ng mama mo." Ibinaba niya ang kanyang saklay nang maubos na ang sapot sa kisame.


"Mamaya pa iyon aalis kasi darating pa sina Lola at Lolo."


"Ayos lang, marami-rami pa naman akong lilinisin dito." Iginala niya ang paningin sa paligid. "Aayusin ko itong kwarto at pauupahan ulit. Kahit 1.5K lang sa isang buwan, libre na ang kuryente't tubig."


"Magpapapasok po kayo ng hindi natin kilala?" tanong ko sa kanya. Wala naman kasing sariling lababo at banyo ang bodega.


Saglit na natigilan si Tatay Bear. Napahimas siya sa kanyang noo na tila ngayon lang na-realized.


"Hanap na lang po tayo ng mapagkakatiwalaan."


"Sana nga ay makahanap." Napatango siya. "O siya, pumasok ka na sa loob at baka maalikabukan ka pa rito."


"Tutulungan ko po muna kayo na maglinis dito." On the way pa lang naman sina Lolo at Lola. Galing pa sila sa Indang kaya baka mayamaya pa ang mga iyon.


"Wag na, anak. Dapat ay nag-aayos ka na ngayon dahil darating ang mga magulang ni Sonya. Dapat presentable ka. Magsuot ka ng bestida at mag-make up."


"Ayaw ko, Tatay Bear."


"At bakit ayaw mo? Dapat magpaganda ka, anak!"


"Maganda naman na po ako," kay Tatay Bear ko lang talaga nasasabi ito, though aware ako na may itsura talaga ako.


"Alam ko, maganda ka dahil anak kita. Pero wag naman iyong ganyan na mukha kang mabaho!"


Napakamot ako ng ulo. "Naligo naman po ako kanina."


"Pwes palitan mo 'yang suot mong damit at may butas pa ang laylayan. Magpaka-presentable ka naman, anak. Dapat makita ka nga lolo at lola mo na maayos ka. Iyon bang mukha kang sosyal."


"Wala pa naman sila kaya tulong po muna ako sa inyo rito, Tatay Bear!" Bago pa siya makasagot ay pinagpatong-patong ko na ang mga kahon na nasa ibabaw ng papag.


Wala ng nagawa si Tatay Bear kung hindi and mapailing na lang sa akin nang makitang nakikiligpit na rin ako.


Inilabas ko ang mga kahon na mga hindi naman na nagagamit. Si Tatay Bear naman ay pinupunasan ng basang basahan ang dingding. Hindi naman mataas ang pader ng bodega kaya kahit nakasaklay siya ay nakakaya niya.


Itinutupi ko ang manipis na foam na katatapos ko lang pagpagan sa labas nang biglang magsalita si Tatay Bear. "Anong gagawin natin sa mga naiwang damit ni Totoy rito?"


Tumigil ang mga kamay ko sa pagtitiklop ng manipis na foam at napalingon ako kay Tatay Bear. Hindi siya nakatingin sa akin at seryoso ang mukha siya sa ginagawa.


"M-meron pa po ba siyang damit dito?" Gusto kong sampalin ang sarili dahil sa pagkautal.


"Hindi ko naman naituloy itapon noon," sagot niya. "Nanghinayang ako. Nariyan sa may ilalim ng papag ang kahon."


Hinila ko palabas ang kahon na nasa ilalim ng papag. Maalikabok ang kahon, pero hindi ang loob. Nang buksan ko ay ilang pirasong damit ni Arkanghel ang naririto.Binulatlat ko ang mga damit. Tatlong pirasong t-shirt, dalawang jersey shorts at apat na briefs. May dalawang piraso ring bimpo.


"Sana itinapon niyo na o ipinamigay," mahinang sabi ko. "Hindi niya naman na babalikan ang mga ito."


Hindi umimik si Tatay Bear.


"Kukunin ko, Tatay Bear." Tumayo ako na bitbit ang kahon. "Ibibigay ko sa mga batang nagbo-bote tuwing umaga."


Lumabas na ako ng bodega na bitbit ang kahon. Dinala ko muna ito sa kwarto ko at bukas ko na lang ibababa kapag dumating na ang mga batang nangunguha ng mga bote at diyaryo.


Nagpalit na rin ako ng damit dahil pinagpawisan ako sa sandaling pagtulong sa pagliligpit sa bodega. Nagpunas ako ng katawan saka nagpulbo. Baby pink na Sponge Bob loose shirt ang napili kong suotin. Sa pang-ibaba ay shorts na kulay itim, hindi masyadong maiksi. Itinaas ko rin ang buhok ko into a neat bun.


Pagkababa ko sa sala ay sakto na pumapasok sa pinto ang mga magulang ni Mama, ang lolo at lola ko. Ang nurse naman na kasama nila ay naiwan sa labas ng pinto. Malamang ang driver ay naiwan naman sa sasakyan.


"Sussie," nakangiting tawag sa akin ng matandang babae, si Mrs. Selena Chua Macalawa. Kasunod niya si Lolo Benedicto Macalawa III.


Sa video call ay masyado na silang matatanda, sa personal naman ay hindi gaano. Bagamat bakas ang mga edad ay aristokrata at aristokrato pa rin ang kanilang mga itsura. Parehong kagalang-galang ang aura, at sa unang tingin mo pa lang ay hindi na maipagkakailang may mga kaya.


"How are you, my only apo?" Lumapit sa akin si Lola at niyakap ako. Naamoy ko ang naghahalong amoy ng alcohol at ng isang expensive perfume. "I am so glad to finally meet you in person."


"Okay lang po ako." Nagmano ako sa kanila ni Lolo.


Pinaupo ko sila sa sofa. Si Mama ang katabi ko at kaharap namin ang dalawang matanda.


"You're so lovely, apo," hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni Lola habang pinapasadahan ako ng paningin. "Pero mas maganda ka kung naka-dress at may magandang sandals sa paahan mo. Don't worry my apo, magpapalakas lang ako para masamahan kitang mag-shopping. I'll buy you anything you want."


Si Lolo naman ay pasimpleng umiikot ang paningin sa bahay namin. Kahit malinis ang paligid ay nasa mga mata pa rin ng matandang lalaki ang disgusto. Ngayon ay mas nauunawaan ko na si Tatay Bear kung bakit naging desperado siya noon na magkaroon ng pera. He wanted to please them.


Ikwinento ko sa kanila ang ilang plano ko sa buhay, ang mag-stay for good sa Cavite at ipagpatuloy ang propesyon as a teacher. Bukas nga ay interview ko sa aking alma mater, kung saan ko napiling mag-apply.


"Why do you have to look for a job, Sussie?" Hinaplos ni Lola ang kamay ko. "You can open your own business. You just have to tell us."


Tumikhim si Lolo. "O pag-aralan mong hawakan ang kompanya natin. Sa 'yo rin naman iyon mapupunta kapag wala na kami."


"Pero nandito pa po kayo." Ngumiti ako kay Lolo. "Matagal pa po kayo rito, Lo. Malakas pa po kayo at mas lalakas pa kaya kayang-kaya niyo pa rin pong asikasuhin ang kompanya."


"Dad, mai-stress si Sussie," sabat ni Mama. "Baka mabigla siya dahil hindi naman niya forte ang pagiging negosyante."


Pasimple naman siyang inirapan ni Lola. "Magtigil ka, Sonya."


Tumango-tango si Lolo. "Sabagay, mahirap nga namang mabigla ang apo ko. Pwede namang ihanap ka na lang namin ng mapapangasawa na pwedeng humawak ng ating kompanya. Someone na magaling sa negosyo."


Nangislap ang mga mata ni Lola. "Oh, I think I know someone!"


"Kahit sino, Selena, basta galing sa isang buena familia, mautak at karapat-dapat sa ating nag-iisang apo."


"Oo, Benedicto. Hindi na ako magkakamali sa pagpili ngayon. Ayaw ko na matulad sa ipinakasal natin dito kay Sonya na akala natin ay maaasahan. O hayan, malas pala dahil bukod sa hindi magkaanak, na-stroke pa. Wala tuloy silbi. Hindi man lang makatulong ngayon sa ating negosyo."


Napayuko na lang si Mama sa aking tabi. Hanggang ngayon pala ay tiklop pa rin siya sa kanyang mga magulang.


"Sonya, tutal wala ka namang anak sa asawa mo,ay makipaghiwalay ka na," ani Lolo na akala mo ay napakadali lang ng ipinapagawa kay Mama. "Hindi mo naman mahal iyon, di ba? Magpa-annul na kayo at asikasuhin mo na lang itong si Sussie."


"Don't worry apo, I will choose the best for you," ani Lola na puno ng excitement ang kislap sa mga mata.


Magalang na sinagot ko naman ang matatanda. "Sorry po, pero wala po sa isip ko ngayon ang pag-aasawa. Bata pa naman po ako. Gusto ko po muna sanang ituloy ang profession ko. Kung makakaisip naman na po akong mag-asawa, ang gusto ko po sana ay ako ang pipili."


Nagkatinginan sina Lolo at Lola. Kahit si Mama ay natigilan  sa sinabi ko.


Seryoso na ang mukha ni Lola nang magsalita. "Apo, hindi naman kailangang magpakasal agad. You can date even while you are working and enjoying life."


"And hija," my lolo. "Hindi maganda na ikaw ang pipili ng mapapangasawa mo. Malamang na puso ang gagamitin mo, at maraming nagkakamali sa pagpili kapag puso ang pinaiiral. Ang puso ay hindi utak, wala itong paningin at pandinig. You will just end up choosing a poor and good-for-nothing man."


Nang umuwi na sina Lolo, Lola at Mama ay pakiramdam ko, na-drain nang husto ang lakas ko. Hinang-hina ako na pumunta sa kusina. Dalawang baso ng tubig ang naubos ko.


"Ayos ka lang?" Mula sa likod-bahay ay pumasok si Tatay Bear sa pinto ng kusina. "Nakauwi na ba sila?"


Sinikap kong ngumiti at tumango ako kay Tatay Bear.


"Magiging madali na ang buhay mo ngayon, anak," masayang aniya sa akin.


Magiging madali? Parang kabaliktaran nga yata ang mangyayari.




EIGHT PM pa lang ay tadtad na ako ng reminders from Carlyn. Na-pack niya na raw ang most used panty niya at ready na for pick up ng courier. Kapag inindian ko siya, bukas na bukas daw ay nasa mansion na nina Arkanghel sa QC ang kasumpa-sumpa niyang package.


Nagmamadali akong nagbihis. Shirt and jeans sana ang susuotin ko, ang kaso biglang nagsikipan sa akin ang mga pantalon. Wala kasi akong ginawa kung hindi ang kumain at matulog, ayan tuloy at bumibilog na naman ako.


(unedited copy)


Nag end up ako sa square neck puff sleeve white dress na hanggang tuhod. Dito lang hindi malaki ang puson ko kaya ito ang aking napili.


Me:

OTW na.


Inisang tirintas ko ang buhok ko saka naglagay ng kaunting make up. Powder, manipis na blush on at lip gloss. Brinush ko rin ng kaunti ang kilay ko. Hindi na ako nagpabango dahil lahat ng pabango ko, hindi ko na type ang mga amoy.


Before 9pm ay nasa Kiss Bar na ako. Maraming tao ngayon dahil Sunday night. May naka-reserved nang table para sa amin ni Carlyn.


"Girl!" Kinawayan niya ako from Table 7.


Pinuntahan ko siya at naupo sa kanyang tabi.


Natawa siya nang mabistahan ang suot ko. "Saan ang binyag?"


Irap lang ang isinagot ko sa kanya. Sa table namin ay may isang Red Horse mucho, tatlong tag 300ML bottle San Miguel flavored beer. Iba-ibang flavor at isang platitong sisig. Mukhang seryoso ang loka na mag-inom.


Inabutan niya ako ng bote ng Sanmig, okay na rin kaysa Red Horse. Sige, samahan ko na siyang uminom. Hindi lang ako magpapakalunod ulit, ayaw ko nang basta na lang magising sa kung saan.


"Ano bang problema?" tanong ko sa kanya habang umiinom sa bote ng Sanmig. Sarap pala nito.


Hindi siya sumagot. Nakatingin ngayon ang mga mata niya sa stage at nakikinig sa tugtog. Mga kabataang banda ang tumutugtog ngayon. Parang iyong dati lang. Napailing ako dahil sa pag-atake ng mga alaala.


Ibinaling ko ang paningin sa iba. Sa kabilang table ay nakita kong magkausap ang mag-asawang si Zandra at Miko. Mukhang may LQ dahil nakasimangot ang babae. Mayamaya ay tumayo si Miko na tila badtrip.


Mula sa gilid ng restobar ay lumitaw si Isaiah. Seryoso ang guwapong mukha ng lalaki. Walang kangiti-ngiti ang mga labi. Naka-black plain shirt at faded jeans.


"Si Isaiah," sabi ko kay Carlyn.


Lumingon naman si Carlyn. "Ay, walang ganap si Engineer ngayon."


Pinanood namin sina Isaiah at Miko na mag-usap. Parehong seryoso ang mga mukha, pero mayamaya ay parang bumalik sa nakaraan ang dalawa. Nagtatawanan na at may tulakan pa. Akala mo hindi mga professional. Akala mo hindi pa mga tatay kung maglandian.


Ganoon din kaya si Arkanghel kapag kasama nila?


Siniko ako ni Carlyn. "Ay Sunday pala ngayon. Dito tambayan ng mga ungas kapag walang pasok."


"O?" Hindi na ako updated dahil sa Pasig na ako nag-stay. Kahit naman noong nandito ako, hindi na rin ako tumutungtong rito sa Kiss Bar.


Pagkababa ng mga kabataan sa stage ay umakyat naman sina Isaiah at Miko. Si Isaiah ang may hawak ng microphone habang nakasukbit sa katawan ang electric guitar at si Miko naman ay sa drums. Namatay ang ilang ilaw at natira ang red and neon green lights.



Although loneliness has always been a friend of mine

I'm leavin' my life in your hands

People say I'm crazy and that I am blind

Risking it all in a glance



Napayuko ako nang marinig ang kanta ni Isaiah. Si Carlyn naman ay parang inasinan sa kinauupuan.



And how you got me blind is still a mystery

I can't get you out of my head

'Don't care what is written in your history

As long as you're here with me



Nahinto ang pagkanta ni Isaiah kaya napabalik ang tingin ko sa stage. Umakyat pala si Zandra at hinila sa kwelyo si Miko.


Kakamot-kamot ng ulo na sumunod na lang si Miko sa asawa. Mukhang malala ang LQ ng dalawa. Wala na tuloy drummer si Isaiah.


Tawa nang tawa sa tabi ko si Carlyn. "Gaga talaga 'tong si Zandra. Eskandalosa ampota."


Sasawayin ko sana siya nang biglang huminto ang tibok ng puso ko. Mula sa baba kasi ng stage ay may lalaking umakyat at pumalit sa iniwang pwesto ni Miko sa harapan ng drum set.


The man was wearing a formal white button-down long sleeve polo and slim-fit grey slacks. He looked like he came straight from his office. May suot pa siyang black square frame na clear glasses sa mga mata. Even in dim light, he was still good-looking, almost godlike.


"Tangina, whooo!" Napasigaw si Carlyn sabay palakpak.


Nakipalakpak na rin ang mga tao sa paligid namin. Ang mga teen agers na estudyanteng audiences ay nagtitilian habang naghahampasan. Maybe because this was new to their eyes.


"Palo, 'insan!" sabi ni Isaiah sa mic saka kinalabit ng mga daliri ang guitar strings.


Lumagabog ang mga hampas ni Arkanghel sa drumset at tinuloy ni Isaiah ang kanta. The entire scene was surreal.



I don't care who you are

Where you're from

What you did

As long as you love me



"Who you are...!" naki-kanta na rin si Carlyn habang iwinawagayway ang mga kamay. "Where you're from! Don't care what you did as long as you love me!"


Kahit ang iba na alam ang kanta ay sumabay rin.



I've tried to hide it so that no one knows

But I guess it shows when you look into my eyes

What you did and where you're comin' from

I don't care, as long as you love me, baby


Nang matapos ang tugtog ay kumanta pa ng isa si Isaiah, pero bumaba na si Arkanghel ng stage. Dim pa rin ang paligid habang nakatanaw ako sa kanya. Nakapamulsa siya. Tall and imposing. Ang mga babae sa malapit na table ay pasimple siyang sinisipat lalo nang maaninag siguro ng mga ito na kulay grey ang mga mata niya.


Sumama siya sa table nila Miko at Zandra na mukhang nagkabati na. Saglit lang ay nakikitagay na siya ng Red Horse sa mga ito. Enjoying the night as nothing happened.


Nagtagis ang mga ngipin ko. "Carlyn..."


"O, uuwi ka na?" nakatawang tanong niya sa akin, obviously ay lasing na. Naubos niya na ang dalawang Sanmig at nangalahati iyong mucho.


"Hindi." Umiling ako.


Nangalumbaba siya at tinitigan ako. "E anong drama mo?"


Tiningnan ko siya at sinalubong ang nunukso niyang mga mata. "Umorder ka pa ng Red Horse. Gawin mong lima."


Gumuhit ang malawak na ngiti sa mga labi niya. "Sure. Pasabugin natin itong bar ni Zandra!" pagkasabi'y umorder nga siya ng Red Horse. Pero hindi lima kundi sampu!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top