Chapter 56

"PAALISIN NIYO SILANG PAREHO!"


Hindi ko na kaya ang sakit sa dibdib ko kaya sumabog na ako. Tinabig ko ang kamay ni Tatay Bear na nakapigil sa akin.


"Bakit si Arkanghel lang? Pati siya!" turo ko kay Hugo. "Paalisin niyo rin siya! Paalisin niyo silang dalawa!"


Naghalo ang pagtataka at pag-aalala sa mukha ni Tatay Bear nang makitang tumutulo nang walang tigil ang mga luha ko.


Natulala si Hugo sa akin, para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa paghi-hysterical ko.


While Arkanghel's face was now hard and strained. Again, I couldn't read him.


But so what? Ano kung anong isipin niya? As if masasaktan siya?


Wala akong paki kung masaktan man siya o hindi. Ang paki ko ngayon sa sarili ko muna, kasi ako sobrang nasasaktan sa nangyayari. Pakiramdam ko lahat sila nagkakaisa para saktan ako!


Parang lahat sila, gustong ubusin ako hanggang sa hindi ko na kaya!


Tinalikuran ko sila at nanakbo ako paakyat sa kwarto ko. 


Pagpasok ko sa kwarto ay pabalibag kong isinara at ini-lock ang pinto. Sa loob ay natanaw ko mula sa bintana ang kulay itim na Lambo ni Arkanghel. Nakaparada rin pala sa labas, sa kabilang kalsada. Pumatak ang mga luha ko habang nakatanaw.


Bakit siya nandito? Ano bang kailangan niya? Ano pa?


Umiyak na sumubsob ako sa aking kama. Hindi ako makahinga, sobrang sikip ng dibdib ko.Naririnig ko sa baba na dumating na sina Mama at Mrs. Aguilar. Naulinigan ko rin ang pagpapaalis ni Mrs. Aguilar kay Arkanghel.


Hindi ko alam kung umalis si Arkanghel. Nag-beep ang phone ko at nang damputin ko ay nakita ko na may dalawang message galing sa kanya.


Sexy Aki:

Magpahinga ka muna.


Sexy Aki:

Kumain ka kapag ok ka na.


Binura ko ang mga messages kasama ang phone number niya kahit halos kabisado ko na.


Sumubsob ulit ako sa unan at umiyak nang umiyak. Baka kasi sa ganitong paraan, mabawasan iyong sakit.


Ilang beses akong kinatok ni Mama rito sa kwarto, pero hindi ko siya pinagbubuksan. Tumahan lang ako matapos ang ilang minuto. Nagtakip ako ng kumot dahil para naman akong binabaliw ng naririnig kong malakas na pagtatalo nina Mama at Tatay Bear sa ibaba.


"Hindi mo pinalaking maayos ang anak ko!" malakas na bulyaw ni Mama na patungkol kay Tatay Bear.


"Matinong babae ang anak ko, Sonya!" galit at malakas na rin ang boses ni Tatay Bear na dinig ko hanggang rito.


"Hinahayaan mo siyang mag-settle sa isang lalaking hindi pa makapaghain ng concrete plan para sa future niya! Ano bang alam mo, Andres? Wala kang kamalay-malay na isang araw ay buntis na lang na uuwi sa  'yo rito si Sussie!"


"Sonya, hindi naman ganoon si Hugo ko," naulinig kong sabat ni Mrs. Aguilar sa usapan nila. "Alam naman nating mahal niya si Sussie. Di ba, Hugo? Mahal mo si Sussie."


"Kung mahal bakit kailangang ganoon, Norma? Bakit hindi pa pakasalan?! Kailan pa nila ginagawa ang pagbabahay-bahayan na ganito? At kailan pa sila titigil? Kapag nagkabuntisan na? Kailan ang kasal? Kapag ba malaki na ang tiyan ng anak ko? Ganoon ba iyong mahal, Norma?!"


"Sonya, ayusin mo ang pagsasalita mo!" gigil na rin ang boses ni Mrs. Aguilar na tila napatid na ang pisi. "Kung magsalita ka parang kilala mo ang anak ko! Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ng mga bata! Wala ka rito nang lumalaki sila! Kaya wag mong husgahan kung anong relasyon meron sila!"


"Talaga? Ano bang paliwanag niyang anak mo at kinakama niya ang anak ko nang wala man lang kahit singsing na tanso?!"


"Bakit puro sa anak ko ang sisi? Bakit hindi mo sisihin ang anak mo! Bakit kinaladkad ba ng anak ko ang anak mo sa Tagaytay? Kusa naman 'yang sumama, ah! Baka nga excited pa 'yan! Kahit sa condo ng anak ko sa QC, kusa iyang pumupunta—Ano ba, Hugo! Bitiwan mo ako! Wag mo akong pigilan! Sumusobra na itong si Sonya e!"


May mga sinasabi pa si Mrs. Aguilar pero may umaawat sa kanya. Si Mama ay ganoon din, inaawat siya ni Tatay Bear.


Pumikit ako nang mariin. Sa lalakas ng boses nila ay malamang na alam na ng mga kapitbahay ang nangyayari.


Hindi ko alam kung ilang oras na ang dumaan pero wala nang ingay pa sa ibaba. Baka umalis na ang mga tao. Sana nga umalis na sila. Sana wag na silang bumalik.


Papadilim na sa labas ng bintana. Papagabi na pala at hindi ako makaramdam ng gutom. Kung may nararamdaman ako ngayon, pagod lang. Matinding pagod lang.


Nakarinig ako ng marahang katok sa pinto ko. Hindi ako nag-abalang bumangon para pagbuksan ang kumakatok. Kung si Mama ulit 'yan, ayaw ko siyang kausapin o kahit harapin. "Anak," mababang boses ni Tatay Bear.



Nagulat ako nang malamang si Tatay Bear ang nasa labas ng kwarto ko. Nang masigurong siya nga, binuksan ko agad ang pinto para sa kanya.


"Bakit po kayo umakyat?" nag-aalalang tanong ko agad. Hindi na siya umaakyat dito sa second floor ng bahay dahil nahihirapan siya sa mga baitang ng hagdan. Bakit niya ginawa ngayon? Paano na lang kung nahulog siya?


Malamlam ang mga mata niya nang tumingin sa akin. Wala na ang galit na nasinag ko roon kanina. Pumasok siya sa loob ng aking kwarto at inilingap ang malamlam na mga mata sa paligid.


"Ganito na pala ang itsura ng kwarto mo, anak." Nasa boses ni Tatay Bear ang lungkot at panghihinayang. Mula kasi nang umuwi kami rito sa Cavite noon mula sa Bulacan ay hindi na siya nakakaakyat dito. Sa baba na talaga siya nag-kwarto dahil nga sa kanyang kalagayan ay mahihirapan lang siya mag-akyat-panaog.


"Tatay Bear, bakit po kayo umakyat. Paano po kung nahulog kayo?"


Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Ngumiti siya nang makitang wala maski isang nakakalat na gamit sa paligid. "Napakasinop mo pa rin sa mga gamit. Kahit noong bata ka pa ay ganito ka na."


Nabura lamang ang ngiti niya nang dumako ang kanyang mga mata sa pader na nasa gilid ng aking kama. Nang sundan ko ang kanyang tinitingnan ay nakita kong mga printed photos namin ni Hugo ang mga ito. Kumirot ang dibdib ko pagkakita sa mga ito.


Sa pader kung saan naroon ang mga selfie photos ko ay may ilang pirasong photos namin ni Hugo ang nahalo. Karamihan sa mga photos namin ni Hugo ay mga kuha noong college days, tuwing napipilit niya akong sumama mag-arcade o gumala. Iyong iba rito ay galing sa phone niya, iyong iba naman ay sa akin. Pinapa-print namin ang mga pictures tapos pinaghahatian. Panakot daw sa daga.


Gamit ang saklay ay nilapitan ni Tatay Bear ang pader na kinadidikitan ng mga pictures. "Napakatagal niyo na rin pala talagang magkakilala ng anak ni Norma, ano? Hindi ko nga akalaing magkakasundo kayo dahil maloko ito noon..."


Hindi ako kumibo dahil dama ko na ang gusto niyang puntuhin.


Nang harapin niya ako ay may nasa mga mata niya na ang pakikiusap. "Susana, anak, kung sakali bang ipagkasundo na kita kay Hugo ay..."


"Ayaw ko po," putol ko agad bago niya pa masabi nang buo.


Napatitig siya sa akin.


"Tatay Bear, hindi ko po mahal si Hugo..." Napaiyak na ako sa harapan niya. "Kung mahal ko po siya, sana dati pa... Sana dati pa, Tatay Bear..."


Hinayaan kong makita ni Tatay Bear ang paghihirap ko. Pagod na akong itago ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko namang maging mahina sa mga mata niya kahit ngayon lang.


"Wag niyo po akong ipilit kay Hugo... Ayaw kong mas saktan siya... Ayaw ko ring tuluyang magalit sa kanya, Tatay Bear, kaya tama na..."


"Susana..."


"Tama na kasi ang sakit-sakit na. Nasasaktan ako sa nangyayari sa amin ni Hugo... Nasasaktan ako kasi kaibigan ko siya, kasi mahal ko siya sa ganoong paraan."


"Pero bakit hinayaan mong humantong kayo sa ganito? Bakit sumama ka sa kanya at bakit may nangyari sa inyo?" mariin ang tonong sumbat niya sa akin.


Sumunod na dumako ang paningin niya sa bedside table ng aking kama. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mga mata niya makita roon ang nag-iisang picture frame na katabi ng Hello Kitty Lampshade.


Sa photo frame ay ang photo namin ni Arkanghel noong high school graduation. Pareho kaming naka-toga at nakahalik ako sa pisngi niya. Ito iyong unang photo namin na kinuha sa likod ng stage, doon kung saan noon naging kami.


Kahit umalis na si Arkanghel noon, kahit pa ilang taon na ang lumipas, kahit hindi ko sigurado kung magkikita pa ulit kami, hindi sumagi sa isip ko na alisin ang frame na ito sa tabi ng kama ko.


"Diyos ko, Susana..." sambit ni Tatay Bear nang maunawaan ang nakikita.


"Tatay Bear, si Arkanghel ang mahal ko..." garalgal ang boses na pag-amin ko sa kanya.


Sinikap niya akong lapitan gamit ang kanyang saklay.


"Tatay Bear, sorry kung hindi ko sinabi... Pero mula noon, siya na. Hanggang ngayon, siya pa rin."


Basag na ang boses niya nang magsalita. "Bilang ama mo, masakit sa akin ang bagay na ito. Ikaw ang prinsesa ko, ikaw lang ang meron ako. Hindi ko kahit kailan pinangarap para sa 'yo na malagay ka sa alanganing sitwasyon."


Nanlulumong umupo ako sa gilid ng kama habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko. "Tatay Bear, pakinggan niyo po ako. Sa lahat ng tao, ang nasa isip niyo lang ang importante para sa akin."


Inangat ko ang mukha ko para salubungin ang mga mata niya.


"Sumama lang po ako sa kay Hugo sa Tagaytay kasi pakiramdam ko kailangan ko po ang alis na iyon. Kailangan ko pong makasagap ng hangin dahil punong-puno na iyong dibdib ko. Para po akong sasabog."


Natigilan si Tatay Bear na parang ikinabigla niyang malaman na may pinagdadaanan ako. Sanay kasi siya na palagi akong positibo at masaya. Dahil kahit kailan, kahit noong bata pa ako ay hindi ako nag-kwento sa kanya ng kahit anong problema. Maliit man o malaking problema ay hindi ko na para idagdag pa sa mga inaalala niya.


Alam ko kung gaano siya nagsa-sakripisyo at nasasaktan para lang itaguyod ako. Hindi ko gustong pag-alalahanin pa siya sa mga bagay na kaya ko namang sarilinin, katulad nito.


"May problema po ako kaya sumama ako kay Hugo. Sumama ako kasi malaki naman iyong tiwala ko sa kanya. Nakita niyo naman na mula noong halos magkasunod na umalis sa buhay ko sina Arkanghel at Carlyn, si Hugo na lang iyong natira sa akin."


"Sinasabi mo bang kahit kailan ay hindi kayo nagkaroon ng unawaan ni Hugo?"


Umiling ako. "Kaibigan ko po siya. Alam kong kahit anong paliwanag, hindi kayo lahat naniniwala. Pero iyon po talaga ang totoo. Magkaibigan kami at hindi iyon kahit kailan nagbago."


"Kung ganoon bakit may nangyari?" Bahagyang tumaas ang kanyang boses. "Maliban na lang kung sasabihin mo na pinuwersa ka niya kagabi!"


"Kasalanan ko naman po kasi ang gulo-gulo ng isip ko." Hinarap ko siya. "Nagising na lang po ako nasa kama na kami. Pero Tatay Bear, alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa amin ni Hugo. Alam ko na wala dahil sinabi niya rin sa akin na hindi niya kaya."


"Walang nangyari sa inyong dalawa?" paniniyak niya. "Sigurado ka ba, Susana?"


Nagpunas ako ng luha kahit pa patuloy rin naman iyon sa pagpatak. "Tatay Bear, naniniwala po ba kayo sa akin?"


"Sa 'yo ako maniniwala, anak." Nanunubig ang mga mata niya pero pinipigilan niya ang pagbagsak ng mga luha. "Iniisip ko lang kung ano ang sasabihin ng mga tao sa 'yo. Ayaw ko na husgahan ka nila..."


"Tatay Bear, wala po akong pakialam sa sasabihin nila. Kayo lang rin naman ang iniintindi ko, kaya po ako nahihirapan dahil alam ko na kayo ang maiipit dito. Kayo ang huhusgahan ng tao dahil kayo ang tatay ko."


Nanahimik siya. Ilang minuto siya na parang may malalim na iniisip. Pagkuwan ay bigla niyang inayos ang kanyang saklay saka siya tumayo. "Magbihis ka, Susana."


Naguguluhang napatingala ako sa kanya.


"Bumalik ka muna sa Pasig."


"Ho?"

Yumuko siya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko. "Hindi papayag ang mama mo na hindi ka maikasal kay Hugo. Kahit ano pa man ang paliwanag na gawin mo, doon pa rin siya sa nakita ng mga mata niya maniniwala."


"Tatay Bear..." Napahikbi ako.


"Umalis ka muna habang inaayos ko ang mga bagay-bagay rito. Ayaw ko ring makarinig ng kahit ano mula sa mga kapitbahay natin. Sa lakas ng bibig ng mama mo kanina ay malamang alam na ng mga kapitbahay ang nangyari. Doon ka muna sa apartment mo."


Tumango ako habang umiiyak. 


Nang gabi ring ito ay nagcommute ako pa-byaheng pauwi ng Pasig. Pagkaligo at pagkabihis ay umalis na agad ako. Sa byahe pa-Crossing ay naka-receive ako ng text sa officemate kong si Chadeza.


Chadeza:

NCNS again, girl?


Hindi na muna ako nag-reply. Maski ang sunos-sunod na text messages ng supervisor ko ay saka ko na haharapin. Handa na ako sa consequences ng pagiging tanga ko sa buhay.


Hanggang makarating ng Pasig ay nag-iisip-isip ako. 


Hindi na ako nag-tricycle papunta sa street ko. Nilakad ko na lang, kaya nang nasa may kanto ay natanaw ko agad midnight black Lambo na nasa tapat ng building kung saan naroon ang studio type kong apartment. Napapahinto ilang tao na napaparaan para titigan ang mamahaling kotse.Samantalang ako ay naging mabagal ang mga hakbang dahil nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. Kumakabog nang matindi ang aking dibdib.


Nang nasa tapat na ako ng pinto ay hinugot ko muna ang aking paghinga bago pumasok sa loob.Nadatnan ko si Arkanghel na kalalabas lang ng banyo. Naka-sweatpants siya at walang pang-itaas. Magulo ang basa niyang buhok na kinukuskos niya ng gamit na tuwala—tuwalya ko!


"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ko.


There wasn't any emotion on his face. Hindi niya ako pinansin. Dumiretso siya sa tapat ng kalan kung saan may nakasalang na sinaing. Pinatay niya ang kalan nang makitang luto na ang kanin.


"Kumain ka na?" tanong niya sa walang emosyong tono.


Napahilot ako sa aking sentido. Parang biglang sumakit ang ulo ko.


Nang mapatingin ako sa basket na lalagyanan ko ng tuyong labahing damit ay nakita kong may itim na slacks at grey na long sleeve polo roon. Nakaibabaw mismo sa mga gamit kong damit.


Lutang na napabalik ako ng titig sa kanya. Baka kasi imagination ko lang siya. Baka hindi totoo?


"Kape," alok niya. "Baka may hangover ka pa."


Umiling ako. No, hindi siya imagination. Walang imagination na ganito kalinaw at ka-suplado. Bakit ganito siya? Hindi ko alam kung galit siya o ano dahil wala seryoso lang ang mukha niya. Anong karapatan niyang lituhin ako at pag-isipin?!


"You can take a bath if you want," sabi niya sa mababang tono. "Galing ka sa biyahe."


Nilampasan ko siya para ilagay sa cupboard ang plastic ng ilang pirasong stocks na binili ko. Pumasok ako sa banyo matapos kumuha ng pamalit na pambahay, pajama at t-shirt. Pagkaligo ng ilang minuto ay nagbihis ako. Sa banyo na rin ako nag-toothbrush. Sinadya kong bagalan ang pagkilos. Siguro inabot ako ng mahigit fifteen minutes in total. Kahit pa parang malabo ay umasa pa rin ako na paglabas ko ay wala na siya.


Paglabas ko ay nakaupo si Arkanghel sa gilid ng kama. Nakayuko siya habang nakabukaka. Sa mga tuhod niya ay nakapatong ang magkabilang siko at sapo-sapo ng mga palad niya ang kanyang mukha.


"Magpapahinga na ako," mahinang sabi ko para kunin ang atensyon niya.


Tumayo siya at tumingin lang sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya.


"Umuwi ka na, Arkanghel."


"Why? May hinihintay ka ba?" malamig na tanong niya.


Sumulak agad ang dugo ko. "Baka sa 'yo may naghihintay." Sinalubong ko ng tapang ang mga mata niya kahit pa nangangatog ang mga tuhod ko.


Tumaas ang isa niyang kilay.


"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sa 'yo, hindi ka na dapat pumupunta rito!" sa halo-halong emosyon ay nabulyawan ko siya. Bakit kasi siya nandito? Dapat nagpapahinga ako dahil pagod na pagod ang utak ko, ang kaso nandito siya!


"It wouldn't hurt to be nice, Sussie," kalmado ang kanyang pagkakasabi.


Humakbang siya palapit sa akin.


"Bakit? Bisita ba kita? Pumunta ka na lang basta rito nang walang pasabi—" Hindi ko natapos ang sinasabi nang hulihin niya ang aking pulso. Tumulay ang init mula sa palad niya patungo sa balat ko.


"Wala ka pa bang balak sabihin sa akin kung anong problema natin?"


Nang makabawi ng emosyon ay matabang akong nagsalita. "Bitiwan mo ako."


Ang pagkakahawak niya sa pulso ko ay umangat patungo sa aking braso. "I waited for you, Sussie."


Napalunok ako sa bigat ng mga titig niya.


"Dito sa apartment mo. Hinintay kita magdamag kasi may sasabihin ako sa 'yo."


Hinintay? But he was in his condo last night! Doon siya pinuntahan ng fiancée niya!


"Are you sure na ako ang hinintay mo magdamag?" sarkastikong balik ko sa kanya. "Alam mong may pasok ako last night kaya bakit ka maghihintay sa akin dito?!"


"Alam kong hindi ka pumasok."


Natigilan ako. "P-paano..."


"I called your boss."


"Pinakialaman mo ang phone ko?!"


"I saved his batphone number just in case of emergency, and I'm glad I did that."


Napaawang ang mga labi ko sa kanya.


"I waited for you the whole night. Dito na ako tumuloy pagkatapos sa kompanya. Tinatawagan kita but you were uncontacted kaya nang mag 4am, nagdrive na ako papunta sa Cavite."


"Nasa condo ka... Nasa condo ka kagabi..." umiiling na paulit-ulit ko. Gulong-gulo na ako.


"No," matigas niyang sagot. "I was so busy the whole day kaya paano pa ako uuwi sa condo? Dito ako dumiretso."


Yumuko ako dahil hindi ko na kayang saluhin ang bigat ng mga titig niya.


"Now tell me, what's our problem here, Sussie?"


Hindi ako makapagsalita.


"Bakit ka sumama kay Hugo sa property niya sa Tagaytay?"


Napahikbi na ako dahil sa hiya sa kanya, hiya sa sarili, at pagod sa lahat ng nangyari. Hanggang sa tuluyan nang mapaiyak. Niyakap niya ako at hinayaang umiyak sa matigas niyang dibdib.


"Tahan na... Hindi ako galit..."


Lalo akong napaiyak.


Kinarga niya ako patungo sa kama. Hinalik-halikan niya ako sa mukha habang pinapatahan. Ang mga kamay ko ay nakakapit nang mahigpit sa damit niya. Ayaw ko na biglang bumitiw.


"Sussie..." may pag-aalala na sa boses ni Arkanghel.


Sumubsob ako sa kanya at umiyak. Lahat ng pait at sakit, pinakawalan ko. Iniyak ko na sa kanya ang lahat-lahat ng hindi ko kayang isaboses sa salita.


Ilang minuto kaming ganito. Nakayakap siya sa akin habang nakaharap at nakasubsob ako sa leeg niya. Tumigil na ako sa pag-iyak at pinapakinggan na lang ang tibok ng puso niya at paghinga.


He was still my safe haven, my home. Hanggang ngayon, siya at siya pa rin.


Inangat niya ang mukha ko gamit ang mga daliri. Nang tingalain ko siya ay sinalubong agad ako ng mainit niyang mga labi. Napaungol ako nang ipasok niya ang dila sa loob ng aking bibig. I was suddenly tingly all over and I felt myself wanting more.


At dahil magkadikit ay naramdaman ko agad ang pagbabago sa harapan niya.


Napadilat ako nang humiwalay siya. Pareho kaming may paghingal. Nang makitang may mga luha pa sa mga mata ko ay tinuyo niya iyon gamit ang daliri.


"I'll give you something much worthy to cry for," maaligasgas ang boses na bitiw niya.


"Arkanghel..."


"You're not gonna marry him," he said, low and dark. "Because we're not gonna do it safely tonight." And then I felt his left hand slipping inside my pajama.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top