Chapter 50
"COME HERE."
"Ayoko..."
Hinila pa rin ako ni Arkanghel mula sa likod at niyakap.
"Do you want us to talk?" magaang tanong niya matapos ang ilang minuto.
Though his finger was no longer inside me, I could still feel it there. He didn't bother to remove my panties, he just slid his hand through the thin fabric and did that. He did that to me twice. Dalawang beses matapos iyong una, pero wala pa rin akong nagawa. Ang hina-hina ako.
"We'll just talk," anas niya na napakalapit ng mukha sa akin. "Promise."
Humiga siya sa kabilang tabi ko at kinabig ako sa bewang para mapadikit sa kanya. Nasalo ko ang kulay abo niyang mga mata na nanunuot ang malalalim na titig sa aking kaluluwa.
"Please, look at me."
Umiwas ako. Hiyang-hiya ako at wala akong maihaharap na mukha sa kanya. Sinikap kong 'wag salubungin ang mga titig niya. I focused on his neck, on his Adam's apple.
"Sorry, I just missed you." Ang mainit at mabangong niyang hininga ay sa noo ko tumatama habang nagsasalita siya.
Hinaplos niya ang ulo ko.
"Masakit ba?"
Nakagat ko ang aking labi.
"Nagugutom ka na ba?"
Pumikit ako nang bumangon siya sa kama. Nahihiya akong dumilat at makita ang reaction niya sa ayos ko. Kahit patay pa ang ilaw rito sa loob, sapat naman ang kaunting liwanag na lumalagos sa kurtina ng bintana. Maliwanag na maliwanag ang lamppost sa labas ng apartment.
"Anong gusto mong kainin?" ang hina-hinahon ng boses niya. Para siyang nanunuyo.
Nang hindi ako sumagot ay bumuntong hininga siya. Kalmado pa rin nang muling magsalita.
"Magsasaing na lang muna ako tapos bibili ng lutong ulam sa labas."
Tahimik pa rin ako habang nakapikit at nakabaluktot. Pinapakiramdaman ko siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang laylayan ng suot kong cotton night dress at hinila iyon pabalik sa kalahati ng aking mga hita. Hindi pa rin ako dumidilat nang kumutan niya ako.
Pagkakapa ko ng kumot ay itinalukbong ko agad iyon sa akin.
Ilang saglit lang ay narinig ko na ang lagaslas ng gripo sa lababo. Naghuhugas na siya ng bigas. Hinugasan kaya niya muna ang mga kamay niya? Ang daliring ginamit? Sumunod kong narinig ay pagbukas ng kalan.
"Mabilis lang ako," paalam niya kahit hindi ko siya kinakausap.
Nang sumara ang pinto ay saka ako nag-alis ng kumot. Pupungas-pungas akong bumangon sa kama.
Tumingin ako sa wall clock. Gabi na masyado, wala na siyang mabibilhan ng lutong ulam sa labas unless ihaw-ihaw o mga nagsi-silog na resto hanggang madaling araw.
Sinamantala ko na wala siya. Bumangon ako at naghagilap ng damit sa orocan. Polka dots na pink pajama at white loose t-shirt na may drawing na mukha ni Sailormoon ang kinuha ko. Kumuha rin ako ng underwears saka ako nanakbo papunta sa banyo.
Ini-lock ko ang doorknob pagkapasok sa loob at isinabit sa sabitan sa dingding ang bihisan. Napapikit pa muna ako bago ko hinubad ang suot kong underwear. Basang-basa iyon at ayaw ko nang tingnan ang itsura kaya idineretso ko na agad sa basket ng labahin na nasa gilid ng banyo.
Walang pagmamadali na nagpunas ako ng buhok at katawan gamit ang tuwalya pagkatapos kong maligo. Isinuot ko ang mga binitbit kong damit saka ako lumabas ng banyo.
Nagulat ako nang paglabas na naririto na si Arkanghel. Naabutan ko siya na namo-mroblema sa harapan ng kalan. Naulinigan ko ang mahina niyang pagpalatak. Napakamot pa siya sa kanyang kilay habang nakapamulsa sa suot na jeans. Disente na ulit siyang tingnan dahil may pang-itaas na siyang damit.
Napatingin ako sa kalan kung saan nanuyo na sa gilid nito ang umapaw na sabaw ng sinaing. Mukhang kumulo iyon nang wala pa siya.
"Hindi naman nasunog lahat, mga sixty-percent lang," sabi niya. Hindi naman siya mukhang naninisi.
"Sorry, nakalimutan ko..." Sa sobrang gulo ng utak ko kanina, nakalimutan kong may nakasalang pala.
Bakit kasi ngayon lang siya? Bakit ang tagal niya sa labas? Nauwi ba siya sa pagpapa-ihaw dahil wala naman nang bukas na carenderia?
Tumingin siya sa akin. "Sa akin na lang iyong tutong,"
"Kumakain ka ba niyon?" mahinang sabi ko saka siya nilampasan. Hindi ko na siya tiningnan dahil nahihiya at naiilang pa rin ako.
Ngumiti lang siya. Ngiti na parang may kung anong kinalabit sa dibdib ko.
Naglagay siya ng mga plato sa maliit na center table na nasa pagitan ng paahan ng kama at ng sofa. Sinilip ako ang ulam na binili niya. Mukhang nauwi siya sa Beef Pares.
"Tara na."
Napilitan akong lumapit dahil mahapdi na ang aking sikmura. Nagutom ako sa pagbababad sa shower at sa nangyari kanina. Kailangan kong kumain para hindi ako manghina.
Tahimik akong naupo kaharap ang mesita. Nasa may gilid ng sofa ang leather wallet niya. Napatitig ako roon ng may mapansin. Hindi ako kumibo pero sumikdo ang dibdib ko.
Pagkalapag ni Arkanghel ng mangkok sa mesita ay mabilis niyang kinuha ang wallet niya sa sofa at isinuksok sa likod ng suot niyang jeans.
Kukunin ko ang plato nang mauna si Arkanghel na kunin iyon. Ipinagsandok niya ako. Sa akin ang mga hindi natutong na parte ng sinaing, iniwan niya ang natutong para sa kanya.
"Kumakain din naman ako ng tutong..." mahinang sabi ko na hindi makatingin sa kanya nang diretso. Unfair naman kasi kung siya lang ang magta-tiyaga sa matigas na kanin.
Hindi siya kumibo kaya pasimple kong sinilip ang reaction niya, nangingiti lang siya habang naiiling.
"Kumain ka nang kumain," bilin niya. Itinulak niya palapit sa akin ang mangkok na may lamang Pares. "Hindi ka dapat masyado sa fastfood. Mas okay na iyong bumili ka na lang ng lutong ulam kung wala kang time magluto. 'Wag ka rin masyado sa softdrinks."
Napalabi ako. Mas nagger pa siya kay Tatay Bear.
"Saka okay lang ba na gabi ka pumapasok ng trabaho?" mahinahon ang pagkakatanong niya pero mariin. "Bukod sa delikado, napupuyat ka. Wala ka pa yatang tini-take na vitamins."
"Hindi ako pwedeng pumili ng oras sa BPO."
"Pumili ng ibang work, okay lang siguro?" nanunubok na tanong niya. "Ayaw mo bang magturo? 'Di ba iyon ang gusto mo?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara at tinidor. Gusto ko naman talagang magturo, pero sa ngayon ang gusto ko ay makalayo muna sa Cavite.
Napili ko ang BPO dahil mapapakinabangan ko ang experience rito. May exposure globally, nakakahasa ng ibat-ibang skills, at maraming opportunities. Mabilis ding makapasok at magtagal kung masipag at matiyaga ka, mabilis ang paycheck, at maraming benefits.
"Kumain ka lang nang tama, matulog nang tama at kung pwede, mag-take ng supplements. Hindi magugustuhan ng tatay bear mo kung magkakasakit ka sa kanya 'tapos malayo ka pa."
Hindi naman ako nagkakasakit. Okay naman ako. Sana alam niya na kung meron mang threat sa kalusugan ko ay walang iba kung hindi siya.
"Mamalengke tayo bukas."
"Ng ano?" nakayuko kong tanong. Hindi pa ba siya aalis bukas?
"Isda..." Dinig ko ang paglunok niya. "'Tapos gulay kung gusto mo."
Napanguso ako. "Kumakain ka ba 'nun?"
"Nagluluto ako 'nun."
Nang matapos kaming kumain ay ako ang nagpatong-patong ng mga plato. Hindi na ako nakipag agawan sa lababo nang pumuwesto na siya roon. Knowing him, hindi naman siya papatalo.
Kaysa makipagsiksikan sa lababo sa kanya ay bumalik na lang ulit ako sa kama. Hinayaan ko siyang maghugas ng plato. Hihintayin ko siyang matapos.
Wala namang mangyayari kung makikipag-patintero pa ako kay Arkanghel. Hindi ko naman na siya maiiwasan pa. Lalo pa't alam ko na kung bakit nagtagal siya kanina sa labas.
Nasilip ko sa wallet niya dulo ng isang susi. Hindi ako pwedeng magkamali, kamukha iyon ng susi ko rito sa apartment. Nagpa-duplicate siya ng sarili niyang susi nang lumabas siya kanina.
Kahit pa graduate siya sa ibang bansa, presidente na siya ng isang malaking kompanya at mas malaki na siya lalo ngayon, maligalig pa rin siya.
Pinagmasdan ko siya habang nasa lababo. Hindi siya bagay roon. He was too perfect to be there. He was too perfect for me...
"Arkanghel..."
"Hmn?" Ang mahahaba niyang daliri ay abala sa paghaplos sa hawak na plato.
"Bilisan mong maghugas," sabi ko na hindi malakas pero sapat para marinig niya.
Napalingon siya sa akin. This time, hindi ako umiwas. Sinalubong ko ang kulay abo niyang mga mata kahit pa nakakalunod ang mga ito.
"Tapusin mo na 'yan. Pagkatapos mo, mag-uusap tayo."
He lifted a brow, a smile playing at the corners of his lips. "Yes, Ma'am."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top