Chapter 49

"IT'S ME WHO'S HOLDING YOUR HAND, SUSANA."


Hinawakan ni Arkanghel ang braso ko at hinila paalis sa lababo pero hindi bumitiw sa kamay ko ang pagkakahawak ni Hugo.


"What?" maangas na tanong ni Hugo sa kanya.


"Let her go," bagamat kalmante ay may diin ang boses ni Arkanghel.


"Who are you to tell me what to do?"


"I said, let her go."


"Kung sabihin kong ayoko?"


"Ano ba?!" Pinagpag ko ang kamay ko para mabitiwan nila akong dalawa. "Bitiwan niyo ako may langgam!"


May gumagapang na kasing langgam sa daliri ko at hindi ko iyon maalis. Kinakagat na ako at ang sakit.


Agad naman silang bumitiw sa akin. Halos patayin ko sila sa tingin pagkatapos.


"Kayo na lang maghugas diyan! At kung magagaling na kayo, magsilayas na rin kayo!" Asar na tinalikuran ko na sila.


Hindi ko na alam kung anong ginawa nila sa lababo. Hindi ko na sila nilingon ulit. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan na lang si Carlyn kaysa intindihin ko pa sila.


Ang lalaki na nila. Mga professionals na sila pero kung umakto sila parang mga may sayad sa ulo.


Saka bakit ba nila sinisiksik ang mga sarili nila rito sa akin? Hindi ba sila busy? Ano ba ako? Palipasan nila ng oras?


Nang sagutin ni Carlyn ang call ko hindi ko na talaga nilingon pa ang dalawa. Ang tahimik na rin nila. O di ba? Mas tahimik sila kapag hindi pinapansin.


"Hello, Sussie?"



"Hello, usap tayo," mahinang sabi ko na sapat para marinig niya.


"O? Anong meron?"



"Mamaya ko na sasabihin. Nasaan ka? Ano bang nangyayari sa 'yo?"


"Okay lang ako. Nasa amin ako ngayon. Nagkakagulo kina Isaiah e. Sumugod ba naman tatay ni Vivi kagabi may dalang baril. Binabawi si Vivi."


"Anong ginawa ni Isaiah?!"


"Hayun, biglang nagkaroon ng paki. 'Tangina di ko alam may baril din pala iyong lintek na iyon. Nagtutukan sila kagabi ng baril. Astig!"


"E kumusta na? Anong nangyari?"


"Inatake papa ni Isaiah. Iyak nang iyak naman si Kulitis, kaya dinala ko sa kwarto." Bumuntong-hininga siya. "'Paglabas ko, wala nang tao. Nasa ospital na kasi inatake nga papa ni Isaiah."


"Okay na ba papa ni Isaiah?"


"Okay naman na. Si Vivi naman kasama ni Isaiah sa ospital ngayon. Ewan ko kung anong ganap nila. Binigay ko naman kanina si Kulitis sa mama ni Isaiah bago ako umalis."


"I hope you're okay."


"Ako pa ba? Katatapos ko nga lang makipagmurahan ngayon sa kapatid ni Jordan e."


Napatapik ako sa ulo. Hanggang ngayon, mortal enemy pa rin ni Carlyn ang kapatid na babae ni Jordan. "Ano na naman bang problema niyo ni Jillian?"


"Siya lang me problema, ako wala. Lumalayo na nga ako, para wala na siyang masabi."


Magsasalita sana ako nang may maulinigang boses sa kabilang line. Galit na boses ng lalaki. Bagamat galit ay mahinahon pa ring pakinggan. Parang alam ko na kung sino ito.


"Tangina, ano ba? 'Bat ka andito?!" boses ni Carlyn na bahagya lang nalayo sa phone.


"Why are you hiding from me, huh?" boses ng lalaki. "You didn't do that yourself, magkasama nating ginawa 'yan kaya hindi mo pwedeng ilayo 'yan sa akin! You cannot leave me, Carlyn!"


"Anong pinagsasabi mo? Saka bakit ka nga nandito di naman kita kailangan?! Paano ka nakapasok dito sa bahay namin?! Sino nagpapasok sa 'yo rito, ha?!"


"Mommy mo. Iuwi na raw kita dahil pinapasakit mo lang ulo niya rito!"


"Sige iuwi mo ko sa inyo para ulo naman ng nanay at kapatid mo pasakitin ko tangina niyo!"


Napalayo na ako sa phone ko dahil hindi ko na kinaya ang kabrutalan ng bibig ni Carlyn. Parang nakalimutan na rin ng kaibigan ko na kausap niya pa ako. Natutok na ang buong atensyon niya kay Jordan.


Napanatag na rin ang loob ko kahit paano. Nandoon na si Jordan, alam ko nang magiging maayos na ang lagay ng kaibigan ko. Kung may isang tao man sa mundong ito ang handang umunawa sa walang hanggang toyo niya, si Jordan lang iyon.


Nakaupo si Hugo sa sofa at nag-aayos ng kanyang sapatos. Nakabihis na siya. Iyong damit niya kahapon ang suot niya. Iyong pinaghubaran naman niya ay nakabalumbon sa sahig.


Nang lumabas ng banyo si Arkanghel ay nakabihis na rin siya. Iyong shirt and jeans niya rin nang pumunta siya rito.


"Pag-uwi niyo, mag-hot bath kayo. Magpalit ng underwears at magpahinga," bilin ko sa kanila. "Ako, kailangan ko nang pumasok mamaya."


Inilapag ko ang phone ko sa kama. Tumayo ako at sumilip sa bintana. Wala na talagang ulan. Iyong kotse naman nilang dalawa ay nasa tapat, nakahambalang sa daan.


"Kailangan niyo nang umuwi bago ako gerahin ng mga kapit-bahay ko dahil sa mga kotse niyo."


Nang magpaalam na sila ay padipa akong nahiga sa kama. Wala na ang dalawa kaya makakahinga na ako nang maayos at magagawa ang gusto ko. Bumangon ako at naghubad ng bra. Basta ko na lang itinapon sa sofa ang pinaghubaran saka muli akong nahiga sa kama.


Parang panaginip lang ang nangyari. Pag naiisip ko na napagtabi ko sina Hugo at Arkanghel sa iisang kama ay napapailing na napapangiti na lang ako. Ang hindi ko lang yata magagawa ay ang mapagkasundo silang dalawa. Pagkapikit ko ay nakatulog agad ako.


Sa pagtulog ko ay kusang bumalik sa akin ang pakiramdam ng mga halik ni Arkanghel. Nang magising ako around six pm ay hinihingal ako at pawisan.


Again, I was late. Saglit akong kinausap ng TL ko bago ako nakapag-start mag-trabaho. Queuing pero hindi ko magawang maging productive. Lumulutang ako. I had a hard time trying to get my brain to work straight. Ayaw talaga.


Nang first break ay nag-kape ako para magising, pero lalo lang luminaw sa isip ko ang pinagagagawa ni Arkanghel sa akin. Napasabunot ako sa aking buhok. Para akong nasisiraan ng bait sa lounge.


Nilapitan ako ng teammate kong si Chadeza.


Naupo siya sa leather sofa kung saan ako nakaupo. Nakakausap ko siya kapag nagsasabay ang break namin. Mabait siya at isa sa mga nag-assist sa akin sa floor noong bago pa lang ako. Tiningnan ko siya. Mabuti na lang at siya ang nakakita sa akin ngayon at hindi ang iba kong teammates na parang irita sa akin.


"Ano sawa ka na sa account? Gusto mo lipat tayo? Apply tayo sa iba? May alam ako, mas maraming benefits."


Umiling ako sa kanya. "Okay lang ako, Cha."


"Kunin ko number mo just in case." Inabot niya sa akin ang phone niya. "If ever nakapasok ako sa iba, 'tapos nakapag-decide ka na ayaw mo na rito, ire-refer kita."


Nag-OT ako ng two-hours na nakasama pa yata imbes makatulong. Dalawang client ang nagpa "call your manager" sa akin. First time na may nagreklamo sa customer service ko kaya ang sama ng loob ko nang mag-out. Sa stress ay napakain ako nang marami sa pantry bago ako umuwi.


Past 10 na ako nakauwi sa apartment. Pagkahilamos at pagka-toothbrush ay sumampa na ako sa kama. Nagpalitan kami ng ilang text messages ni Chadeza hanggang sa makaramdam na ako ng antok. Bago ko itabi ang phone ay naka-received pa ako ng text message from Art.


Handsome Artemi:

Ate, paramdam naman diyan *smiling emoticon*


Hindi ako nag-abalang mag-reply. Ginugulo pa nga kuya niya ang utak ko, dadagdag pa siya.


Pumikit na ako at natulog. Past 4pm ako naalimpungatan sa mga katok sa pinto.


Pagdilat ko ay papadilim na lalo at wala akong nakabukas na ilaw. Iniisip ko na baka si Hugo ang kumakatok, kaya ichineck ko ang phone ko sa tabi. Wala namang missed calls or text messages. Bumangon ako at kinuha ang bagong laundry kong tuwalya para isampay sa harapan ko.


Kagabi bago ako pumasok ay dinaan ko sa laundry shop ang mga punda, kumot at tuwalya ko. Iilang piraso lang naman ang mga iyon kaya kanina ko agad nakuha.


Pale pink loose spaghetti cotton dress na may malaking mukha ni Tweety Bird ang suot ko. Inayos ko ang tuwalya sa harapan ko para hindi naman ma-eskandalo si Hugo. Noong last time kasi na ganito rin ang ayos ko ay naibulalas niya yata ang lahat ng mura from A-Z.


Inalis ko ang mga lock sa pinto at pinihit ang doorknob. Nang buksan ko ay hindi si Hugo ang bumungad sa akin. Nakatayo sa labas si Arkanghel at parang nagulat din siya nang ang ayos ko.


Nakapatingin agad siya tuwalya na nasa aking harapan at pagkatapos ay bumaling siya ng mga mata sa iba.


Ako naman ay kusang naglakbay ang mga mata sa kabuuhan niya. Baston black grey slacks and an immaculate white button-down long-sleeve polo ang kanyang suot. His hair was pushed back and he was wearing black-rimmed spectacles. Itsurang mahirap pilosopohin.


Gusto ko lang malaman kung bakit nakarating na naman siya rito sa Pasig? Nasa QC ang work at condo niya. Pati mansion ng pamilya niya, nandoon din. Ano, meron na naman ba siyang kakilalang naka-confine sa Medical City?


"Hindi mo ako papapasukin?" tanong niya sa maaligasgas na boses.


Nanunuyo ang lalamunan ko habang pinapapasok siya. Ang hirap niyang palayasin siguro dahil kagalang-galang na naman siya ngayon.


"Nagising ba kita?"


Lumabi ako at inayos ang tuwalya sa aking dibdib. "Bakit ka nandito?"


"Why are you asking me such question?" Tumaas ang sulok ng bibig niya. "I thought we're friends now?"


Kahit pa walang emosyon ang mukha niya, hindi naman ako dense para hindi malamang inaasar niya ako.


"I already told you na babalik ako kahit walang ulan."


Tumiim ang bagang ko. Hindi pa ba siya tapos sa panggugulo sa akin? Hindi ko maintindihan ang gusto niya.


Inalis ko ang tuwalya sa harapan ko at sumampa na ulit ako sa kama. Nagtalukbong ako para hindi ko siya makita. Kahit mainit ay tiniis kong nasa loob lang ako ng kumot at nakikiramdam.


Narinig kong may kumalansing sa lababo. Magtitimpla na yata siya ng kape. Ang layo nang dinayuhan niya para sa kape.


Nakikiramdam ako sa paligid habang nasa ilalim ng kumot. Nang marinig kong pumasok siya sa banyo saka ako bumangon. Pawisan ako nang ibaba ko ang kumot.


Bahagya nang madilim. Ni hindi man lang siya nag-abalang magbukas ng ilaw. Inangat ko ang aking kalahating katawan para maabot ang electric fan. Nilakasan ko iyon at itinutok sa akin. Naginhawaan ako nang malamigan.



Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng lagaslas ng shower mula sa banyo. Pagtingin ko sa paanan ng kama ay wala na roon ang tuwalya ko kanina.


Nang mawala na ang tunog ng shower ay nagtalukbong ulit ako at nagpanggap na tulog. Ayaw kong makipag-usap sa kanya. Sana tutal nakaligo na siya, umalis na siya. Pumunta na siya sa kung saan man siya pupunta-


"Dito ako matutulog."


Napalikwas ako ng bangon nang marinig ang sinabi niya. "Ano?!"


Nakatayo siya sa paahan ng kama at nagpupunas ng ulo gamit ang tuwalya ko. Iyong slacks lang ang suot niya, hindi nakabutones at walang belt, sa pang-itaas naman ay wala siyang pang-itaas. Ibinalik ko ulit ang paningin ko sa tuwalya. Doon na lang ako nang-focus nang matindi.


"I'll bring my own towel next time," sabi niya nang makitang sa tuwalya ako nakatingin.


"Hindi iyon!" pasinghal na pagtatama ko. "Bakit ka matutulog dito?!"


Teka, next time?


Saka bakit ba siya nakahubad? Gusto ko rin siyang sumbatan kung bakit naghuhubad siya rito? Hindi pa naman siya mukhang mabait at kagalang-galang kapag wala siyang damit!


Imbes na sumagot ay humakbang siya papunta sa orocan ko at basta na lang nagbukas ng drawer. "Nasaan ang suklay mo?"


"Nawawala!" inis na sagot ko saka nagtalukbong ulit ng kumot.


Hindi siya nagsalita kaya akala ko hindi ko na siya poproblemahin. Biglang lumundo ang kama. Nanlaki ang mga mata ko sa ilalim ng kumot nang maramdaman kong may tumabi sa akin.


Hindi ko pa rin inaalis ang kumot kahit ang init-init dito sa loob. Ayoko siyang makita sa tabi ko. Ayoko siyang makausap. Ayoko na nandito siya dahil baka may gawin na naman kami.


"Sussie," malambing ang boses niya mula sa labas ng kumot.


Napalunok ako lalong humigpit ang pagkakahawak sa kumot. Naramdaman ko ang paghawak niya sa dulo ng kumot at marahan niyang paghila.


"Nakakahinga ka pa ba riyan?"


"Ano ba? Natutulog ako!" Nakipaghilahan ako sa kanya.


Mas malakas si Arkanghel kaya isang hila niya na lang, naalis niya agad ang kumot ko. Nagtiti-tili ako nang takpan niya ng malapad niyang palad ang bibig ko.


"Hey, gusto mo bang lusubin tayo ng mga kapitbahay mo rito?" sita niya sa akin pero sa mahinahong tono.


Kinagat ko ang kamay niya kaya napabitiw siya. Napaurong pa siya palayo dahil ang sakit siguro ng kagat ko. May pangil kasi ako.


"Malayo sa bituka 'yan, 'wag kang OA!" sabi ko sabay hila ng kumot ko.


"What's wrong with you?" nakangiwing tanong niya. Hindi naman siya galit.


Ako ang galit. Nagagalit ako kasi ang lapit na naman niya. Wala pa siya riyang suot na pang-itaas. Ang weird lang kasi naiinis ako, pero at the same time ay komportable ang aking pakiramdam, kaya namalayan ko na lang na nakatulog na ako. At ang dilim-dilim na nang magising ako.


Hindi ang dilim iyong gumising sa akin. Iba. Iyong pakiramdam na may nakayakap sa aking katawan mula sa likuran ko, at ang aking kamay ay nakakakapit nang mahigpit sa kanyang braso. 


I knew it was Arkanghel. I could feel his hot breath on the side of my neck. Alam ko na gising siya at hindi tulog.


"Arkanghel..." namamaos na sambit ko sa pangalan niya. 


"Hmn?" ungol niya.



"A-anong ginagawa mo?"


"Wala pa."


"Ha?" Marahan kong iminulat ang aking namimigat na mga mata.


"I waited for you to wake up first."


"Arkanghel..." May sumigid na init sa aking mga ugat na hindi ko alam kung saan nagmula. Marahil ay bunga ng antisipasyon.


"Sussie, can I?" 


Para akong nahihipnotismo sa kulay abo niyang mga mata. Namalayan ko ang sarili na tila hibang na tumatango sa kanya. 


"Thank you." He then started caressing me, showering soft kisses on my skin. 


I drew a deep, staggered breath in response to the wave of heat I felt flushing through my body. Just the thought of him touching me down there can already rock my senses to the core. What more now that he was really gonna do it?


Wala nang makalabas na salita mula sa mga labi ko. Tanging hirap na paghinga na lang ang kaya kong gawin. Maging ang pagdiin ng matigas na bagay mula sa likuran ko ay nagpapahingal sa akin nang sobra.


Niyakap niya ako para makakilos siya nang maayos. Patuloy ang paghagod niya at pagdadala ng mainit na pakiramdam. Pawisan ako kahit may electric fan na nakatutok. After a short while, he finally slid his hand inside my panties. Nang maramdaman ko ang paghawak niya sa akin ay napapikit na lang ako nang mariin.


Arkanghel's hot fingers encircling my most intimate part, spreading my folds. He wasted no time after he felt my wetness. Yes, I was already soaking wet. His thumb pressed into my slit as he entered one finger inside my opening. Nahirapan pa siya nang una dahil masikip, dumulas lang dahil basang-basa na.


Marahang-marahan niyang inilabas-masok ang daliri sa loob ko. May tunog pa ang bawat paghila at pagbaon niya.


"Do I make you feel good?" he mumbled to my ear and softly bit my earlobe.


I moaned despite my head telling me to stop him. My hips automatically pushed into his hard rock arousal as he drove his finger faster and deeper into me.


The pleasure he was giving me was almost impossible to handle, but still, I wanted more.


"Damn, baby..." Narinig ko ang pagmura niya nang maramdamang mas sumisikip ako.


I could also feel myself squeezing tighter around his finger because I was near. I was coming.


"Arkanghel, I..." hirap na sambit ko.


"I know," his voice so deep I could barely hear him.


Napasandal ako sa kanya nang maramdaman ang matinding pag-init ko sa ibaba. Tears formed in my eyes when I finally reached the peak. Nanginginig ang buong katawan ko.


And yes, hindi na naman ako makakapasok sa work ngayong gabi.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top