Chapter 48

IT WAS TEN IN THE EVENING. Hindi na talaga ako nakapasok. Hindi kinaya ng konsensiya ko na iwanan ang dalawa.


Lumabas ako ng banyo matapos makausap ang TL ko sa phone. Nagpaalam ako na a-absent ulit ngayong gabi. Katatapos lang dumating ng results ng Q.A, at iyon nga, bagsak ako. Hindi ko masisisi ang boss ko sa work kung bakit mainit ang ulo niya sa akin ngayon dahil alam kong may kasalanan ako. Magsisikap akong makabawi.


Tulog pa rin ang dalawa sa kama nang balikan ko. Parehong may basang bimpo sa mga noo nila. Ang laki-laki nila para sa maliit kong kama. Muntik pa ngang lumampas ang mga paa nila dahil sa haba nila.


Napapailing na lang ako sa nangyayari. Napaka-playful ng pagkakataon. Sa isang iglap, naging tagapag-alaga ako ng dalawang ito. Sino bang mag-aakala?


Nilapitan ko sila para damahin ang kanilang leeg. Mainit pa rin pero hindi na katulad nang kanina. Inayos ko ang kanilang kumot. Mayamaya ay mag-a-alarm ang phone ko para sa pangalawang beses na pag-inom nila ng gamot.


Kinuha ko ang glass stick mercury thermometer mula sa pouch na nasa ilalim ng aking orocan. Matagal na ito sa akin at mabuti ay nadala ko rito sa Pasig. Pagkakuha ay binalikan ko agad ang dalawa sa kama. I needed to check their temp. Maigi nang nakakasiguro.


Pero sino ba ang uunahin ko sa kanila? Iisa lang ang thermometer ko. Napakamot ako ng ulo habang nakatingin sa dalawang tulog.


Ayaw kong isipin nila na may bias ako, so dinaan ko na lang sa "Eeny, meeny, miny, moe." Itinaas ko ang aking hintuturo para mag-ready.


"Eeny, meeny, miny, moe, catch a tiger by the toe. If he hollers, let him go, Eeny, meeny, miny, moe!" Kay Arkanghel tumapat ang huli.


At least patas ako.


Nilapitan ko si Arkanghel at pinisil ang ilong niya para mapanganga siya. Isinubo ko sa kanya ang thermometer at inorasan. Pagkatapos sa kanya ay kay Hugo ko naman isinubo ang thermometer at inorasan ulit.


One am na nang gisingin ko sila para painumin ng Biogesic. Pinag-share ko na lang sila ng baso. Natulog din sila agad pagkatapos.


Quarter to two nang makita kong pinapawisan na sila. Kaunting punas lang ang ginawa ko kasi hindi naman sila pawis na pawis. Inalisan ko na lang sila ng kumot at tinapatan ng electric fan. Hindi na rin sila gaanong mainit.


Nang masigurong okay na sila ay nahiga na ako sa sofa. Nakataas ang mga binti ko dahil maliit lang naman ang sofa. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog, basta tunog ng nagdaang tricycle sa labas ang gumising sa akin.


Pagbangon ko ay agad kong i-chineck ang oras. 9:30 am na. Mahaba-haba rin pala ang naging pagtulog ko.


Bumangon ako para i-check naman ang dalawa. Magkaharap sila ngayon at payapang natutulog. Wala na ang unan sa pagitan nila. Nasa sahig na.


"Ang unfair," sambit ko habang pinagmamasdan sila.


Kahit mga tulog ay ang guguwapo. Malamang na kapag gumising ang mga ito, ang f-fresh pa rin ng mga itsura. Unfair talaga.


Iniwan ko muna sila para makapaghilamos ako. Nakakahiya naman kasi sa kanila. Hindi naman pwedeng sila lang ang mukhang fresh. Naghilamos ako at nag-toothbrush. Nag-bun din ako ng buhok at nagpulbo.


Magli-lip gloss sana ako nang aking makita sa salamin ang mga labi ko. Parang kumapal nang slight. Pumikit ako at muling dumilat para i-check ulit, kumapal nga. Mukhang nabugbog nang matindi kahapon.


Ibinalik ko na sa bag ko ang lip gloss. Hindi na ako maglalagay kasi baka mas ma-emphasize ang pamamaga ng mga labi ko. Nagpalit din ako ng t-shirt, isang yellow shirt na may drawing na girl monkey na may flower sa ulo.


Gising na ang dalawa. Pupungas-pungas sila habang nakaupo sa kama. Magugulo ang kanilang buhok pero other than that, wala na. Wala nang palatandaang bagong gising sila.


"Diyan lang muna kayo sa kama. Magpahinga muna kayo. Mabilis lang akong bibili ng pagkain sa labas."


Umalis si Arkanghel sa kama at tumayo. Nag-inat siya at nagpalagutok ng mga daliri sa kamay.


"'Sabi ko diyan ka lang," sinita ko siya.


Nag-tsk si Hugo. "Mag-seminar ka nga sa akin kung paano mag-stay."


Tiningnan siya ni Arkanghel at inismiran. "Iihi ako, so gusto mo ihian kita diyan?"


Napaahon naman sa kama si Hugo pero tinalikuran na siya ni Arkanghel.


"Tangina ang yabang pa rin!" sumbong ni Hugo sa akin. "Unfriend mo na nga 'yan!"


Sinamaan ko siya ng tingin. "Nanguna ka!"


Saglit lang sa banyo si Arkanghel. Nakapaghilamos na rin siya at ginulo niya lang ng mahahaba niyang daliri ang kanyang buhok. "Sama ako sa labas." Sa akin siya nakatingin.


Tuluyan nang umalis si Hugo sa kama. "Sama rin ako."


Dahil napapagitnaan nila ako ay madali ko silang napagsabay na salatin sa leeg. Ini-stretched ko lang ang mga braso ko para maabot sila pareho. Hindi na nga sila mainit.


"Okay."


Pumayag na ako na isama sila. Mas okay na iyon kaysa iwan ko sila. Baka mamaya ano pang gawin nila kapag iniwan ko silang mag-isa.


Inilock ko ang pinto bago kami umalis. Kasama ko silang naglakad sa labas. Maraming tao sa kalsada lalo kapag ganitong oras. May mga umuuwi from work, meron ding mga papasok pa lang. May mga estudyante rin at ilang tambay.


May mga napapalingon kina Arkanghel at Hugo, at hindi ko sila masisisi.


Bihira ka naman kasing makakakita nang ganito kagu-guwapo nang sabay. Tapos naka-BFF shirts pa.


Nauuna silang dalawa na maglakad at ako ay nasa likuran nila kaya malaya ko silang napagmamasdan mula rito. Hindi lang ang guguwapo ng dalawang ito, ang tatangkad din at ang ganda ng built ng katawan. Hindi buff at hindi rin payat. Sakto lang at matatangkad talaga sila. Ang unang mapapansin ay ang mga height nila. Kung gigitna nga ako sa kanila ay magmumukha akong bunso nilang kapatid.


May nagtitinda ng taho sa kanto na nadaanan namin. Ang lagkit ng titig doon ni Hugo.


Nilingon ni Hugo si Arkanghel. "Parang gusto kong taho. Kayo ba? Ay, wala nga palang kayo."


Binilisan ko na ang lakad para gumitna sa kanilang dalawa. Nang sulyapan ko si Arkanghel ay seryoso lang siya. Ang dila niya ay bahagyang bumukol sa kanyang pisngi. Hindi ko alam kung nagtitimpi lang ba siya o wala talaga siyang paki sa pinagsasabi ni Hugo.


May mga dalagitang high school students kaming nakasalubong. Lantaran na nagtutulakan ang mga ito habang nakatingin kina Arkanghel at Hugo.


"Ate, sino riyan BF mo?" tanong ng isa sa kanila.


Pasimpleng dumikit si Hugo sa akin habang naglalakad kami.


Napanguso iyong estudyanteng nagtanong. "Hay, BF na ni Ate iyong wild one!"


"Iyong mild one ang guwapo, grey mata!"


Nakalampas na kami sa kanila, patuloy pa rin ang mga kabataan sa paghaharutan sa daan.


"Oo nga! Mukhang artista!"


"Artis-Tang ina," bulong ni Hugo sa tabi ko.


Siniko ko siya agad sa tagiliran. Namumuro na siya.


Malayo-layo pa ang nilakad namin. Umabot kami sa may palengke dahil mas mura rito at mas maraming choices. Bumili ako ng dalawang kilong bigas. Si Hugo ang pinagbitbit ko. Bumili rin ako ng kaunting prutas, at si Arkanghel naman ang pinagbitbit ko.


Pagkarating sa suki kong carenderia ay nagbukas-bukas ako ng takip ng kaldero. Tahimik lang naman ang dalawa sa likuran ko.


"Ate, wala pang chopseuy?" tanong ko sa nasa mid 50's na babae.


"'Di pa luto," sagot ni Ate Lilay. Nakakailang bili na ako sa kanya kaya magkakilala na kami. Madalas niya rin kasi akong batiin kaya pumalagay na ang loob ko sa kanya.


"Sige po, ito na lang munang laing. Dalawang order po. Tapos ginataang kalabasa, isa." Nilingon ko si Arkanghel sa aking likod. Napailing ako at muling bumaling sa mga ulam. "Wag na pala laing at ginataang kalabasa. Ito na lang pong adobong manok, dalawang order po. Saka dalawang sinigang sa miso."


Ipinagsandok na ako ni Ate Lilay. Habang nagsasandok ay pasulyap-sulyap siya kina Arkanghel at Hugo.


"Sino ba 'yang mga guwapong kasama mo?"


Sa ilang beses kong pagbili kay Ate Lilay ay alam ko nang makuwento at pala-usyoso talaga siya, kaya hindi na ako nagulat nang magtanong siya. Pero muntik na akong maubo sa pangalawang tanong niya.


"Kagandang lalaki ng mga iyan, ah. Mag-syota ba iyan sila?"


Hinarap ko si Ate Lilay. Mukhang naisip niya iyon dahil parang naka-couple shirts sina Hugo at Arkanghel. "Naku, Ate, hindi! Nagkataon lang napahiram ko ng damit. Nabasa kasi sila sa ulan."


"Sino ba riyan ang boyfriend mo?" Nang matapos niyang isupot ang mga pinamili ko ay kumuha siya ng calculator para i-compute ang presyo ng total. "One-hundred-eighty."


Naglabas ako ng pambayad. "Ate, pahinging sabaw," request ko. Para rin maiba na ang usapan.


Kumuha naman siya ng plastic para magsandok ng sabaw. Ang akala ko ay nailihis ko na ang usapan, pero humirit pa si Ate Lilay. Hindi na niya maasikaso ang ibang bumibili. Tumulong na tuloy ang bata niyang anak.


"Ang guwapo ng mga 'yan, ano?" komento niya habang sumasalok ng sabaw ng nilaga sa malaking kaserola. "Pero sa panahon ngayon ay hindi na pwedeng gwapo lang kung wala namang ibubuhay, di ba? Ano namang trabaho ng mga iyan?"


Inabot niya na sa akin ang supot ng mga ulam na pinamili ko. Sinuklian niya na rin ako sa two-hundred bill na ibinayad ko.


"Call center din ba 'yang mga 'yan? O baka naman mga tambay lang?"


"Ate..." impit ang boses na saway ko sa kanya.


"Hello mga boys! Ako si Ate Lilay,"


Maagap namang umabante si Hugo at naglahad ng kamay. "Hugo Emmanuel Aguilar. Engineer."


Napanganga si Ate Lilay nang tanggapin ang kamay ni Hugo. "Aguy! Inhinyero naman pala ito!"


Pagkabitiw nila ay nagulat ako nang humakbang rin si Arkanghel at nag-abot ng kamay kay Ate Lilay.


"Arkanghel Wolfgang. CEO."


"Ay, may ari ng kompanya!" tila pumalakpak ang tainga ni Ate Lilay.


"You're not yet the CEO," nakangising sabi ni Hugo.


Naningkit ang kulay abong mga mata ni Arkanghel sa kanya.


"As far as I know, hindi pa tuluyang retired ang tatay mo. You're just the acting CEO."


"Then call me President, because I am the second in command."


"Second?" Pumalatak si Hugo. "Whoah! The word suits you right, man!"


"Ano ba? 'Di kayo titigil?" mahinang saway ko sa kanila dahil nagtataka na si Ate Lilay.


"Ay, ambigatin naman ng mga kaibigan mo, Sussie!" mayamaya ay nakabawi ang babae. "Engineer at presidente ng kompanya! Pwede mo bang ipakilala sa panganay ko ang ba-bastedin mo diyan? Kahit sino, okay lang."


Hindi ko na alam kung paano ngingiti. Pagkakuha ko ng binili naming ulam ay nagpaalam na agad ako.


"Kayong dalawa, tara na," nagtitimping yakag ko sa kanila.


Nagtititigan pa sila kaya nauna na ako. Iniwan ko na sila sa sobrang asar ko. Sumunod naman din sila sa akin. Hindi ko sila pinapansin hanggang sa makauwi kami sa apartment.


Pagkapasok ay saka ko lang sila hinarap. Inuna ko si Arkanghel. "Ikaw, President, magsaing ka. Dalawang takal," utos ko sa kanya.


Tahimik na sumunod naman siya.


Sumunod kong hinarap si Hugo. "Ikaw naman, Engineer, huhugasan mo pagkakainan natin mamaya."


"What? Why me?!" reklamo niya.


"Para marealize mo na hindi dapat sinasayang ang Joy!"


"Pero kailangan naman talaga mabulang-mabula!"


"Pwedeng kanawin, Hugo!" nauubusan na ng pasensiyang sabi ko.


"Pero paano lilinis kung kakanawin sa tubig, huh? Di mo ba naiisip iyon, Susana? Top 1 ka pa naman lagi noon!"


Ang dami pang reklamo ni Hugo pero hindi ko na siya pinansin. Niligpit ko ang kamang hinigaan nila.


Si Arkanghel naman ay patingin-tingin sa akin habang nagsasalang ng sinaing.


Nag-check na lang ako ng phone ko kaysa ma-stress sa kanilang dalawa. Tinext ko si Tatay Bear para kumustahin. Himala kasi na hindi nag-good morning at nangumusta si Tatay Bear ngayong araw. Mukhang busy siya.


Nang pansinin ko ang dalawa ay wala si Arkanghel. Nasa banyo. Si Hugo lang ang nasa harapan ng sinaing.


"Luto na ba?" tanong ko sa kanya. Ilang beses niya nang binuksan ang takip ng kaldero. Mukhang gutom na siya.


"Oo. White na white na e," pagkasabi'y pinatay niya na ang kalan.


Kailan pa ba hindi naging white ang kanin?


Paglabas ni Arkanghel ng banyo ay bitbit niya ang toothbrush at razor niya. Inilagay niya sa plastic at ipinatong sa gilid ng lababo.


Ipinakita ni Hugo na binuksan niya ang takip ng kaldero saka proud na nagsalita. "Ako na pala tumapos sa niluluto mo tagal mo kasi."


"Okay lang 'yan sanay ka namang manulot," balewalang sagot naman ni Arkanghel.


Lumapit na ako sa kanila at pumagitna. "Sigurado ka bang luto na?" matalim ang tingin ko kay Hugo nang buksan ko ang takip ng kaldero.


Ngiting-ngiti naman siyang sumagot. "Trust me I'm an engineer!"


"Okay, Engineer." Napipikong sabi ko. "Kainin mo itong hilaw na sinaing!"


"Ha? Anong hilaw?!" Exagerated na tanong niya.


"Pinatay mo, hindi pa luto!" Itinulak ko siya. "Umalis ka nga!"


"Luto na 'yan kanina!" umaalma pa siya.


Binuksan ko ulit ang kalan para maluto ang sinaing. Nang maluto ay ininit ko ang biniling ulam. Hindi na ako nag-utos sa kanila at baka sumakit lang ang ulo ko.


"Bakit ba hindi mo binili iyong gulay kanina? Paborito ko pa naman ang gulay," tanong ni Hugo habang nagsasandok ng kanin sa plato niya.


Hindi ako kumibo.


Si Arkanghel naman ay uminom sa baso na wala pang tubig. Napailing ako at inagaw ang baso sa kanya para lagyan ng tubig.


Pagkakain namin ay walang nagawa si Hugo kung hindi hugasan ang pinagkainan. Magkatabi kami sa lababo at tinuruan ko siya kung paano gamitin nang matino ang Joy.


Hindi ko alam kung nakikinig ba siya dahil nakatitig lang siya sa akin habang nagsasalita ako. Tiningala ko siya para pagalitan, pero hindi ko nagawang magalit nang makitang malalim ang mga titig niya.


"M-maghugas ka nang maayos diyan," pag-iwas ko sa mga mata niya. Paalis ako nang matabig ko ang kaldero. Bumagsak iyon sa sahig at nahagip siya sa paa.


"Ah, tangina!" Kanda-talon siya sa sakit.


"Sorry, sorry!" Nagpa-panic na dinampot ko ang kaldero. "Masakit ba? Sorry, Hugo!"


"Sobra," nakangiwi siya nang sumagot.


Hinagod ko siya sa braso para aluin. "Sorry talaga. Hindi ko sinasadya."


"Pumunta ka na sa ospital, pa-check mo na." Boses ni Arkanghel. "Hintayin ka namin dito."


Pagtingin ko ay nasa likod na pala siya namin. Nakataas ang isa niyang kilay kay Hugo.


"Ano? Alalayan na ba kita papunta sa kotse mo? 'Tapos text-text na lang. Update mo kami kung malala."


"Hugo, ano masakit pa ba?" nag-aalalang baling ko ulit kay Hugo.


Bigla namang tumuwid nang tayo si Hugo. Matalim ang tingin niya kay Arkanghel nang magsalita. "Ayos lang, malayo sa bituka."


"Sigurado ka?" tanong ko pa rin.


"Trust him. He's an engineer," sabat ulit ni Arkanghel na parang nangingiti.


Iniwan ko na si Hugo sa lababo. Hindi ko siya sinaway kahit parang pinalilipad niya ang mga plato habang naghuhugas siya. Nakatalikod siya sa gawi namin kaya hindi ko mabistahan kung anong klaseng pagsasabon ang ginagawa niya sa mga hugasin.


Nakaupo ako sa gilid ng kama nang tabihan ako ni Arkanghel.


Nilingon ko siya para tingnan kung kay Hugo rin ba siya nakatingin. Wala kay Hugo ang kulay abo niyang mga mata kung hindi nasa akin. Lalayo sana ako nang humabol siya.


Hindi ako nakaiwas nang bigla niyang kagatin nang marahan ang ibabang labi ko. Pigil ang pag-ungol na itinulak ko siya.


Tumayo ako at binalikan si Hugo sa lababo. "Uhm, h-hindi ka pa tapos?"


"Hindi pa. Ang dami nito!" reklamo niya.


Tiningnan ko ang lababo. Tatlong plato, isang bandehado, dalawang mangkok at tatlong baso ang naroon. Alin dito ang marami?


Napailing na itinulak ko siya pagilid. "Ako na nga rito."


Hindi naman niya ako pinigilan. Pinanood niya lang ako sa paghuhugas na para bang magic ang ginagawa ko.


Naramdaman kong may tumabi sa akin sa kaliwa ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Arkanghel iyon. Nakihugas siya sa mga hugasin. Mukha tuloy kaming sardinas ditong tatlo na nagsisiksikan.


Si Hugo na ayaw maghugas ay biglang nakihugas na rin. Minsan nag-aagawan pa kami sa plato. Hanggang sa hindi namin napansin na puno na ng bula ang lababo dahil bumara ang mga tira-tira sa ilalim. Hindi kasi nilinis muna ni Hugo ang mga plato bago ilagay rito.


Nakalubog ang mga kamay naming tatlo sa ilalim ng bula nang may humawak sa kamay ko. Sinubukan kong bawiin ito pero lalong humigpit ang nakahawak sa akin. Nahugot ko ang aking paghinga dahil sa kaba.


Nagtitimping nilingon ko si Arkanghel na nakatingin din sa akin. Ano bang ginagawa niya? Bakit niya ginagawa ito? Alam niyang nandito si Hugo. Gusto ko siyang sawayin pero hindi ko maisaboses kaya idinaan ko na lang siya sa nakikiusap na tingin.


Nang bigla kong marinig ang mahinang boses ni Hugo sa kabilang gilid ko. "It's me who's holding your hand, Susana."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top