Chapter 47
"WHO'S THAT?"
Napalunok ako sa lamig ng boses ni Arkanghel. Kung gaano kalamig ang boses niya ay kabaliktaran naman kung gaano kainit ang kulay abo niyang mga mata na nakatitig sa akin.
Humigpit ang hawak ko sa phone. "Si..."
Hindi ko pa nasasabi nang buo ang salita nang kabigin niya ako patungo sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang muling maramdaman ang malambot niyang mga labi sa akin.
Kusang pumikit ang mga mata ko at nakahanda na akong maubusan ulit ng hininga. Pero ang akala kong katulad nang kaninang halik ay hindi naman nangyari. Tumikim lang siya at binasa ang mga labi ko.
Napadilat ako nang maramdamang pasimpleng nasa kamay ko na ang kamay niya. Inagaw niya ang phone ko at sa pagkabigla, hindi agad ako nakaiwas. I got scammed!
"Arkanghel!" Nang matauhan sa ginawa niya ay pinilit kong mabawi ang phone ko pero hindi ko maabot.
"What?" maang-maangan niya. Nakataas ang kanyang kaliwang kamay na may hawak sa phone habang tinitingnan niya ang text message. Sinubukan kong tumayo pero pumigil ang palad niya sa noo ko.
"Ano ba?!" Hinampas ko ang kamay niya.
"Here." Ibinalik niya sa akin ang phone pagkatapos niyang mabasa ang gusto niyang basahin doon.
Pahablot ko namang kinuha iyon. Nabasa niya na ang text ni Hugo, but so what? Kaibigan ko naman si Hugo.
Pinisil niya ang ilong ko. "So anong tingin niya rito sa apartment mo? Waiting shed?"
Tinabig ko siya at itinulak. Nagpatulak naman siya. Nakasimangot na umalis ako sa kama bitbit ang phone ko. Naiinis pa rin ako dahil tinakam niya ako sa halik, ini-scam niya ako para makuha ang phone ko sa akin!
"Madalas niya ba itong ginagawa?" Nakataas pa rin ang isang niya habang nakahalukipkip siya at nakasandal sa headboard.
Pumunta ako sa orocan. Pagkabukas ko ng drawer ay basta na lang akong dumampot ng pajama. Para sa t-shirt naman ay ang ka-partner ng t-shirt ni Arkanghel ang pinili ko, iyong para dapat kay Carlyn na partner BFF shirt.
Iyong "The Wild One" ang print.
Pagbalik ng paningin ko kay Arkanghel ay nanlalaki ang kulay abo niyang mga mata sa akin. Nahuhulaan niya na ang mangyayari.
"Don't you dare!" Bigla siyang bumalikwas nang ahon sa kama.
Anong gagawin ko e sa ito lang naman ang malaki at unisex shirt na pwede kong maipahiram kay Hugo.
Inirapan ko siya at nakangusong tinungo ko ang likod ng pinto kung saan nakasabit ang tuwalya na ginamit niya kanina. Nakataas pa ang noo ko nang lingunin siya.
Nagtatagis ang mga ngipin niya at namumula siya hanggang sa kanyang leeg.
"Sussie!" Bago siya makalapit sa akin ay may kumatok na sa pinto.
Sinenyasan ko siya na 'wag lalapit, pagkatapos ay inalis ko agad ang lock ng pinto. Mahinang mura na lang ni Arkanghel ang naulinigan ko.
Expected ko na andito na agad si Hugo. Knowing him, pag sinabing "on the way" siya rito, ang meaning niyon ay nasa kabilang kanto na siya.
Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang nakatayong si Hugo. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang basang buhok patungo hanggang sa kanyang malapad na balikat.
"Hi! Sorry, istorbo ako—"
Hindi ko na siya pinatapos. "Pasok!" Hinila ko siya sa kwelyo at pagkatapos ay isinalaksak ko agad sa kanya ang T-shirt, pajama at ang tuwalya.
Nakangiti siya na aktong magsasalita nang mapabaling ang mga mata niya sa likuran ko kung saan naroon nakatayo si Arkanghel. Agad na nabura ang ngiti niya at nanlaki agad ang kanyang mga mata nang magbalik siya ng tingin sa akin.
Nagkibit-balikat si Arkanghel at casual na nagsalita. "Nabasa ako ng ulan, so I decided to drop by here."
Bumalik ulit ang nagtatanong na paningin ni Hugo sa akin. He was speechless now. Naiintindihan ko siya.
"Friends na kami," mabilis na sabi ko na hindi pinag-isipan.
Pasimple akong napangiwi sa aking sinabi. Friends pero nagpalitan ng laway kanina?
Nang silipin ko ang reaction ni Arkanghel ay masama ang tingin niya sa akin.
"Friends?" ulit ni Hugo na papalit-palit ng tingin sa aming dalawa.
"Yes!" Pilit ang pagkakangiti ko. Tumawa pa ako nang bahagya para mapagaan ang paligid. "Parang ikaw. Bale friends tayong lahat dito. Kaya magbanlaw ka na at baka magkasakit ka pa!" Bago pa magtanong ulit si Hugo ay hinila ko na siya sa braso at itinulak papunta sa banyo.
May pagtutol pa sa mukha niya pero wala na siyang nagawa. Matalim ang mga tingin niya kay Arkanghel bago siya pumasok sa banyo.
Nang nasa banyo na si Hugo ay nagsimula na akong hindi mapakali. Kunwari na lang na naghahalungkat ako sa cupboard. Kahit hindi ko lingunin si Arkanghel ay alam kong masama pa rin ang tingin niya sa akin.
Bakit ba siya galit? Ayaw niya ba ng friends kami? E ano ba ang dapat kong sabihin? Ano kung naghalikan? Kapag ba nag-kiss, hindi na pwedeng maging friends?
Saka anong gusto niya? Mag-assume ako? Wala naman kaming linaw...
Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan. "Uhm, gusto mo rin ng kape Ipagtitimpla ko kasi si Hugo—"
"Wala ka ng kape."
"Ha?" Napatitig ako sa kinakalkal kong cupboard. Napakalinis. Walang laman laman maski ano. Ano bang kinakalkal ko rito? Hangin?
Napaatras ako at pasimpleng isinara ang cupboard.
Tagilid ang pagkakangiti nang lingunin siya. "Oo nga pala wala na pala..."
Nakahaluikipkip ang mga braso niya nang humakbang papunta sa akin. Hindi ako makaiwas paglapit niya dahil sa liit ng espasyo. Tumaas ang kamay niya para buksan ang cupboard. Nasa harapan ko ang kanyang leeg, sa may bandang Adam's apple niya kaya kinailangan kong itagilid ang mukha ko para hindi ako mangudngod doon.
"Ang tagal mong nagkalkal dito, wala namang laman 'to," mahina ang boses na sabi niya.Nangapal ang mukha ko sa pagkapahiya. Why did he have to rub it in?
Itinulak ko siya sa matigas niyang dibdib para mapaatras sana siya kahit kaunti dahil hindi na ako makahinga sa presensiya niya. Pero pagkatulak ko sa kanya ay kumapit siya sa bewang ko. Kasama niya akong napaatras sa dingding. Nanlalaki ang mga matang napatingala ako sa kanya.Seryoso siyang nakatitig mukha ko. Nasa tabi lang kami ng banyo kung saan naroroon si Hugo. Mula sa pwesto namin ay maririnig ang paglagaslas ng tubig mula sa shower.
Mula sa bewang ko ay tumaas ang maiinit niyang mga palad papasok sa loob ng suot kong t-shirt at sa ibabaw ng garter ng aking pajama. Parang may titis ng apoy ang mahahaba niyang daliri na umiikot at naglalaro sa balat ko.
Nakaawang ang mga labi ko habang nakatingala sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa niya sa akin.
"Tigilan mo," mahinang saway ko sa kanya nang mahanap ko ang aking huwisyo na sandaling nawala.
Imbes na sumunod ay yumuko siya at bumaba ang kanyang mga labi patungo sa akin. Hindi niya ako hinalikan, tumikim lang siya nang kaunti sa ibaba kong labi at pagkatapos ay nakangiting pinanood ang reaction ko.
Nawala ang tunog ng lagaslas ng shower mula sa banyo, hudyat na tapos nang maligo si Hugo. Nag-panic ako at itinulak ko si Arkanghel. Pinakawalan niya naman ako.
Pinakawalan niya ako pero hinila niya ako pabalik para siilin ng halik na halos ikaubos ko. Pagbitiw niya sa akin ay saktong tumunog ang doorknob ng banyo.
Napaharap ako sa lababo. Pinihit ko agad pabukas ang gripo. Nahugasan ko bigla iyong mga malilinis na plato.
Lumabas ng banyo si Hugo. Nang lingunin ko siya ay suot niya na ang ipinahiram kong t-shirt at pajama. Iyong t-shirt, sakto sa kanya. Iyong pajama, bitin ang ilalim dahil maiksi lang naman ako at mahaba siya. Ang tuwalya naman na ginamit niya ay nakasampay sa kanyang balikat.
"W-wala na palang kape," tabingi ang ngiting sabi ko sa kanya.
"It's okay," sagot niya at hinawakan ako sa ulo.
Ang mga niya ay nasa suot na t-shirt ni Arkanghel. Salubong ang mga kilay niya at parang kaunti na lang, maghahamon na siya kaya inunahan ko na.
"Nanghiram din kasi siya ng shirt dahil nabasa siya ng ulan," paliwanag ko kahit wala namang humihingi ng paliwanag. "'Yan lang kasing BFF shirts namin ni Carlyn ang unisex at malaking shirts na meron ako rito."
"Mild one," sambit ni Hugo saka gumuhit sa mapula niyang mga labi ang isang ngiti. "Suits you, man."
Nag-igting panga ni Arkanghel pero hindi siya pumatol. Good.
Mabuti naman dahil mauubusan na yata ako ng dugo sa kanilang dalawa. Parang mabibinat ako sa stress.
"Bale umorder na lang tayo ng pagkain," suggest ko para ibahin ang baguhin ang topic. Tumingin pa ako kay Arkanghel kunwari para kunin ang reaction niya. "What do you think? Saka malapit na rin namang mag-gabi, para iyon na rin hapunan natin, no?"
Saka gutom na rin ako. Ginutom ako sa tagal nang paghahalikan namin kanina sa kama. Dagdag pa na nakakagutom ang tension ngayon.
"Ako na oorder," ani Hugo na inilabas ang phone. "Alam ko naman lahat ang mga gusto ni Sussie."
"S-sige..." Ibinalik ko na ang mga plato sa lalagyan kahit may bula pa.
Ang awkward ng pakiramdam nang pumunta ako sa sofa para maupo. Silang dalawa naman ay naiwang nakatayo. Para silang tore na nagpapataasan. Sana aware sila na ang cute nila sa matchy-matchy nilang BFF Shirts.
"Quarter Pounder with Cheese, large Coke, and Chocolate Sundae. Okay na ba iyon?"
Tatango na ako nang biglang sumabat si Arkanghel.
"You need rice. Hapunan, hindi ka kakain ng kanin?" Nakataas ang isang kilay niya sa akin.
"Mabigat naman sa tiyan iyong—"
"Sure, they are heavy and delicious, but they're unhealthy foods. You can only eat them in moderation or on special occasions. Kaya pala nangayayat ka na, kung anu-ano na lang kasi ang kinakain mo." Nag-tsk siya ay humalukipkip habang nakatingin sa akin.
Literal na nakanganga ako samantalang si Hugo ay halos magbuhol na ang kilay sa pagkakasalubong ng mga ito.
"Sige, rice and chicken na lang ako, Hugo..."
Nagtagis muna ang mga ngipin ni Hugo bago sumagot. "Okay. Chicken with rice then."
"Add an extra rice for her," utos ni Arkanghel.
"Sige na, Hugo," nakangiting segunda ko bago pa sila magkasalubong.
"Same order for me," dagdag ni Arkanghel.
Naibaba ni Hugo ang phone niya sa narinig. "Why? 'Can't you buy your own?"
Namulsa naman si Arkanghel sa suot na purple pajama. "Why? Are you short of money? Do you want me to pay? It's okay, though."
"Ako na magbabayad!" naiinis na napatayo na ako sa sofa para pumagitna sa kanilang dalawa.
"Ako na, Susana," matabang na sabi ni Hugo saka tumalikod.
Tiningnan ko naman nang nagbabantang tingin si Arkanghel. I know what he's doing, pinipikon niya si Hugo. Dinaanan ko siya at pasimpleng sinikmuraan. Pigil na napaubo siya.
"Twenty minutes," ani Hugo. Pabukaka siyang naupo sa sofa habang tina-track ang inorder niya sa GrabFood, na halatang ipinapakita kung gaano siya ka-komportable at ka-feel-at-home rito sa apartment ko.
Kinuha naman ni Arkanghel ang phone niya nasa bedside table saka siya komportableng nagpatibuwal pahiga sa kama. Kinuha niya pa ang isa kong unan at niyakap habang nagkukutingting siya ng phone niya.
Napatapik na lang ako sa aking noo. Sana lang mag-gabi na para makapasok na ako sa work at maiwan ko na silang dalawa. Kung dito talaga sila matutulog, e di go. Bahala sila. Kung gusto nila, magtabi at magyakapan pa sila magdamag, okay lang. Basta papasok ako mamaya at wala silang magagawa para pigilan ako.
Mayamaya ay tumayo si Hugo mula sa sofa. "On the way na iyong Grab." Sumilip siya sa bintana para i-check kung umuulan pa. "'Tangina, umaambon pa rin!"
Kinuha ko naman ang foldable umbrella ko sa bag at inabot sa kanya. "Magpayong ka, baka mabasa ka."
"Thanks," nakangiting tanggap niya sa payong sabay nagmamalaking tumingin kay Arkanghel sa kama.
"Baka mabasa ka, wala na akong mapapahiram na damit sa 'yo," dugtong ko.
Dinig ko ang pag-ismid ni Arkanghel na ikinasimangot naman ni Hugo. Muli ay umikot ang bilog ng mga mata ko. Gusto ko na talagang mag-gabi para makaalis na ako.
Nag-ring ang phone ni Hugo. Sinagot niya ang tawag ng rider habang inaalis ang lock ng pinto. "Hello, Boss? Blue building sa may pangatlong block. San na po ba kayo?"
Bumangon na rin si Arkanghel sa kama. Hinihilot niya ang kanyang sentido gamit ang mahahaba niyang daliri. Sisinghot-singhot din siya. Hindi ko siya pinansin.
Si Hugo naman ay nagbukas na ng pinto. Pasilip-silip siya sa labas habang kinukusot ang matangos niyang ilong.
"Nasaan na raw ba?" nilapitan ko siya.
"Lapit na," sagot niya at muling bumalik sa kausap sa phone. "Okay, okay, Boss. Lalabas na po ako ng pinto. Naka-pink po akong shirt, yellow pajama at saksakan ng guwapo."
Paglabas ni Hugo ay siyang lapit ni Arkanghel sa akin. Hinila niya ako sa braso at bago pa ako makapalag ay tinikman niya na naman ang ibabang labi ko.
Pagkabitiw niya sa akin ay sumunod na siya kay Hugo sa pinto. Parang walang nangyari na tumulong siya pagkuha ng pagkain sa delivery man.
Pagbalik nilang dalawa ay bitbit na nila ang mga paper bags ng pagkain. Kahit nanlalambot ang tuhod ay sinikap kong kumilos nang parang walang nangyari. Naglabas ako ng baso, mga kutsara at tinidor.
Ako ang naka-pwesto sa may kama, silang dalawa naman ay sa sofa na kaharap ko. Magkatulong silang dalawa sa paglabas ng mga pagkain sa mga paper bags.
"Inorderan pa rin kita ng Chocolate Sundae," nakangising sabi ni Hugo. "Favorite mo 'yan e."
Inilapag ni Hugo sa harapan ko ang Sundae na agad namang dinampot ni Arkanghel. Inalis niya ang takip at saka inupakan ang icecream.
Pati yata butas ng ilong ni Hugo ay nanlaki habang nakatingin sa kanya. "That's not yours, dumbass!"
Kalmadong ibinaba naman ni Arkanghel ang Sundae sa mesita saka nilingon si Hugo. "May sipon si Sussie at galing sa sakit, why? Gusto mo na ba siyang mamatay?"
Ang asar sa mukha ni Hugo ay agad na napalitan ng pag-aalala. "May sakit siya?"
Agad naman akong umiling. "Okay na ako—"
"Nagkasakit ka na hindi ka nagsasasabi sa akin? Nakainom ka na ba ng gamot? Saan ka nagkasakit? Sa office ba? How are you feeling now?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
"Okay na." Itinaas ko ang isang kamay ko para pigilan si Hugo sa pagsasalita. "Kumain na lang tayo para hindi na ako mabinat, please?"
"Okay, okay..." Inilayo ni Hugo ang Coke na nasa gilid ko. "Water ka na lang muna, ha? Bawal ka ng Coke."
Tumango ako at kumain na. Mabuti naman at tahimik na kumain na rin silang dalawa.
Silang dalawa ang naglinis ng mesita at nagtapon ng basura. Nasa kama lang ako at pinapanood sila sa pagkilos. Si Arkanghel, pulido at tahimik lang. Si Hugo naman ay panay mura dahil pinagkaka-kagat siya ng langgam nang ayusin niya ang basurahan.
Nag-mop din sila ng sahig na akala mo napakadumi ng paligid. Si Arkanghel ang taga-mop, si Hugo ang tagalagay ng Zonrox sa sahig. Okay naman sila. Ang kaso sa liit ng bahay ko, nagkakabungguan sila minsan. Ang nakakairita lang ay para silang mga manok panabong na agad nagkakainitan agad.
Ilang minuto pa ay si Hugo na ang magilas na nagmo-mop. Si Arkanghel naman ay nasa may lalabo at seryosong ini-spray-han ng kinanaw na Joy Ultra ang mga langgam sa gilid ng pader.
Nang pumatak na ang 5:00 pm ay tumayo na ako at hinarap sila. "Dito ba kayo matutulog ngayong gabi?"
Halos sabay lang silang tumango. Tapos na silang maglinis. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng maliit kong sofa. Mga hinihingal at namumutla. May space sa pagitan nila, mga dalawang dangkal.
"Sinong matutulog dito sa sofa?" tanong ko. Kailangan kong i-settle ang sitwasyon nila bago ko sila iwan.
"Ako na," si Hugo. Nakapikit siya na mas matindi ang hingal, pasikat ba naman kasi. Pati yata pader, minop niya.
"Yeah, ikaw na rito," ani Arkanghel. "Hindi naman kasi ako kakasya rito sa sofa dahil mas mahaba ako."
Napadilat si Hugo at nilingon si Arkanghel. "No, man. I think ikaw na lang rito sa sofa dahil mas mahaba ako sa 'yo."
Napatayo na silang dalawa. Halos pareho lang naman sila ng haba, I mean ng taas.
"Okay, kung ayaw niyo sa sofa since mahahaba kayo e di sa kama na lang kayong dalawa."
Sabay silang napalingon sa akin.
"And how about you?" Si Arkanghel.
"E ikaw?" Si Hugo.
"May pasok ako mamaya."
"What? But I thought you were sick?!" Napahawak sa braso ko si Hugo.
"Okay na ako. Kailangan kong pumasok dahil ang dami ko nang atraso sa trabaho."
"Hindi ka pa magaling, pwede ka pang mabinat," kasing talim ng boses ni Arkanghel ang mga titig niya sa kamay ni Hugo na nakahawak pa rin ngayon sa braso ko.
"Okay na nga ako. Okay na okay na." Ramdam ko namang okay na ako. Saka kailangan ko na talagang pumasok sa work ngayon. "Kayong dalawa, solo niyo itong apartment ko ngayong gabi, kaya bahala na kayo kung saan kayo pupwesto."
Hindi ko na sila hinintay na mag-react. Pinalis ko ang pagkakahawak ni Hugo sa braso ko. Pumunta na ako sa banyo para maghilamos. Ayaw ko rin namang mabinat kaya hindi muna ako maliligo.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang marinig kong may bumahing. Nang lingunin ko sila ay nakita kong nakayuko si Hugo at namumula ang pisngi niya.
"Hugo, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Yeah, I'm oka— achoo!" Napakusot siya ng ilong kaya lalo iyong namula.
"Damn it! Hindi ka ba marunong magtakip ng ilong at bunganga mo?" sita ni Arkanghel sa kanya.
"Anong gagawin ko e biglaan?!" gigil na sagot naman ni Hugo sa kanya.
"Then lumayo ka, don't get near me—achoo!"
Natutop ko ang aking bibig nang makitang namumula na rin ang ilong ni Arkanghel. Sisinghot-singhot siyang pumunta sa gilid ng kama at mahinang nagmura. Saka ko narealized na kanina pa nga pala siya namumutla.
"Arkanghel," tawag ko pero nag-iwas siya sa akin ng paningin.
Nilapitan ko na siya at itinaas ang kanyang ulo. Kinapa ko ng likod ng palad ko ang kanyang leeg. Mainit. Maski ang noo niya ay mainit din.
Nang lingunin ko naman si Hugo ay nakatingala siya habang sisinghot-singhot. Siya naman ang sunod kong nilapitan.
"I'm okay..." Umiiwas siya sa akin kaya kinurot ko siya sa matigas niyang tiyan.
"Wag kang maligalig!" saway ko sa kanya dahil atras siya nang atras. Kinapa ko ang kanyang leeg. Napakainit!
"I'm okay nga..." nakalabing sabi niya pero halata namang hindi siya okay.
"Anong okay? Ang init-init mo rin!"
"Hot naman talaga ako kahit noon pa, di mo lang napapansin." Napaupo siya sa sofa habang sapu-apo ang kanyang noo.
Si Arkanghel naman ay tuluyan nang nahiga sa kama habang uubo-ubo.
"Tumayo ka riyan..." Hinila ko si Hugo sa braso para patayuin.
"What? I said, I'm okay..." Pero pagkatayo niya ay nasubsob siya agad sa balikat ko.
"Hindi ka okay, o. Doon ka sa kama." Kahit napakabigat niya ay sinikap kong maalalayan siya patungo sa kama.
"What? Tabi ako sa kanya? No way!" umaangal pa siya pero wala naman na siyang lakas diyan.
Itinulak ko siya pahiga sa kabilang gilid ng kama, patabi kay Arkanghel.
Akmang tatayo si Arkanghel nang itinulak ko ulit pahiga. "Walang tatayo sa inyong dalawa! Subukan niyo!" banta ko sa kanila.
Kumuha ako ng unan at iniharang sa pagitan nilang dalawa. Para lang hindi sila magkadikit. Kinuhanan ko rin sila ng tag-isang kumot para talagang walang gulo. Nang tahimik na sila ay namo-mroblema akong napahawak sa aking ulo.
Pareho silang nakapikit, tuwid na tuwid, at komportable sa pagkakahiga sa kama. Parehong inaapoy ng lagnat. Ngayon, paano ko sila iiwan?
I closed my eyes as I sighed in defeat. "Okay, fine. Panalo na kayo. Hindi muna ulit ako papasok ngayon."
Kahit mga nanghihina at namumutla ay nakuha pa nilang sabay na mapangiti nang marinig ang sinabi ko. Napapailing na lang ako. Goodluck sa akin ngayong gabing ito.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top