Chapter 46
"LET ME TAKE CARE OF YOU AGAIN."
Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang mga katagang iyon kanina. Magkatabi pa rin kami sa ibabaw ng kama, nakaupo at nakasandal sa headboard. Ang isang kamay ko ay hindi niya pa rin binibitiwan. Ilang minuto nang ganito. Ilang minuto nang tahimik at walang maririnig kung hindi ang aming paghinga.
Naguguluhan ako kung ano ba kami ngayon?
Ano nga ba kami matapos iyong lutang at walang linaw na pag-uusap namin kagabi? Kung closure ba iyon o ano.
I wanted to ask him many things, but I couldn't get myself to start talking. Hindi ko mapilit ang aking bibig na magsalita.
"Dito ulit ako matutulog."
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay magsalita siya ulit. Dahil kung wala siyang sasabihin, hindi na yata mababasag ang katahimikan sa pagitan namin.
"Ulan na lang, wala nang bagyo," mahina kong sabi na halos hindi niya maririnig kung wala lang siya sa tabi ko.
"Traffic 'pag umuulan," he said calmly and matter-of-factly.
Napapikit ako sa dahilan niya.
Lalo rin akong naguluhan sa kanya at sarili kong nararamdaman. Ang gulo-gulo at ang sakit ng ulo ko kung pakaiisipin ko.
"I lied."
Napatingin ako sa kanya. "Ha?"
"Last night when I told you that I didn't look. I lied."
Nanuyo ang lalamunan ko bigla.
Binihisan niya ako kagabi, inalisan ng bra, pero ang sabi niya hindi naman siya tumingin. Iniisip ko pa rin kung pwede ba niya akong mabihisan nang hindi siya tumitigin. Para kasing ang hirap nang ganoon.
"Nakita mo ang katawan ko?!" nagpa-panic na tanong ko sa kanya.
"I only peeked."
Nag-init ang buong mukha ko. Kahit na silip lang, imposibleng wala siyang makikita! Kaya niya ba nasabing ang payat ko na?! Nakita niya ba na hindi gaanong malaki ang dibdib ko, may mild stretch marks ako sa tiyan at—
"I didn't see much."
Napakurap-kurap ako.
"Pumikit na ulit ako."
Hindi ko masabi kung seryoso siya o pinaglalaruan niya ako.
"Paano mo ako nabihisan kung nakapikit ka?" Hindi ako kumbinsido.
"Nangapa ako."
Napaawang ang mga labi ko. "Anong kinapa mo?!"
"Come on," kalmante siya samantalang ako, nai-stress dito!
He was now smiling na akala mo may nakakatuwa?
Pinisil niya ang ilong ko. "Dapat hindi ko na pala sinabi sa 'yo."
Tinabig ko ang kamay niya. "Kalimutan mo na iyon!"
"Okay," ngingiti-ngiti siyang sumandal ulit sa headboard ng kama.
Napabuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin. "Nagpapawis na ang kamay ko," malamig kong sabi, nagbabaka-sakaling makaramdam naman siya.
Pero imbes na bitiwan ay dinala niya ang kamay ko sa ibabaw ng shirt niya. Pinunasan niya ang aking palad gamit ang tela ng shirt at pagkatapos ay ikinulong niya ulit ang kamay ko sa mainit niyang kamay.
Umikot ang bilog ng aking mga mata. Naiirita ako sa sarili dahil wala akong lakas para sitahin siya na kung tutuusin ay pwede ko namang gawin. Nagta-tyaga lang ako sa mayat-mayang paghila ng kamay ko mula sa kanya, pero hindi rin naman ako makawala.
Nai-stress na nilingon ko siya ulit. "Wala ka ba talagang balak bitiwan ako?"
"Bakit ba gusto mong bumitiw agad?"
Nilalaro ng mga daliri niya ang mga daliri ko. Sinubukan ko ulit hilahin ang kamay ko na hindi ko na naman napagtagumpayan. Wala talaga siyang balak bitiwan ako.
Hindi ba siya nabo-bored na ganito lang kaming dalawa? Mga tulala? Wala man lang TV na pwede naming panooran o kaya music para pakinggan. Hindi rin siya nag-abalang gamitin ang phone niya. Mas gusto niyang mag-ubos ng oras na ganito lang kaming dalawa.
Hinawakan niya ang suot na t-shirt. Tumaas ang sulok ng bibig niya at bumaling sa akin. "May partner ba itong shirt na ito?"
"Oo, shirt ni Carlyn," mabilis na sagot ko bago pa siya mag-isip ng iba. Ewan ko kung bakit affected ako sa pwede niyang isipin.
"Anong naka-print sa kanya?"
"The Wild One."
Ngumiti siya. Nakakagulat pa rin. Hindi ako masanay-sanay na ngumingiti siya sa akin. Ulit.
Mula nang umalis siya at bumalik, nakatatak na sa akin iyong palagi siyang seryoso at malalim tumitig. Iyong alaala ng maligalig na Arkanghel ay nasa puso't isip ko na lang.
"Bitiwan mo na ako..." please.
"Ayoko."
"Arkanghel..." nauubusan na nang lakas na sambit ko.
"What?" inosente ang pagtatanong niya pero ang kislap ng kulay abo niyang mga mata ay nakakaloko.
"Bitiwan mo na sabi ako..."
"Okay," pagpayag niya.
Parang tanga lang ako na nadisappoint sa pagpayag niya samantalang gusto ko naman talagang bitiwan niya na ako.
Sinubukan ko nang hilahin ang aking kamay para bawiin sa pagkakahawak niya pero nasayang lang ang lakas ko. Hindi pa rin naman niya ako binitiwan.
Nagtatakang tiningnan ko siya. Burado na ang ngiti niya. He was now staring at me intensely.
"Kiss me and I'll let you go."
Napaawang ang mga labi ko nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya. May kung anong init ang nabuhay sa loob ng dibdib ko. Hindi ko namalayan ang sarili na nag-aabang na sa sunod niyang gagawin.
Kung pinaglalaruan niya ako ay hindi ko na naisip dahil nang sumunod na segundo lang ay nasa mga labi ko na ang mga labi niya.
Arkanghel had never kissed me like this before, na para bang mag-aagaw buhay siya kapag tumigil siya. Hinuli niya ang mga kamay ko at inilagay sa likuran ko.
There was desperation in his kisses. He fiercely sucked on my lips and a wave of heat twisted in my stomach. Mas lalo siyang lumalim at pumusok. He growled against my mouth as he entered his tongue inside.
Arkanghel kisses possessed every bit of my sanity without mercy. Now, I was lost. Bumalik sa akin kung gaano ako nawala noon sa sarili sa mga halik niya. Sa mga nakaw na oras na magkasama kami sa bodega namin kung saan siya dating tumutuloy.
I tried to forget his kisses and the taste of his lips but to no avail. Parang sumpa iyong halik ni Arkanghel na kahit na nilunod ako noon ni Hugo sa halik niya ay iyong kanya pa rin ang paulit-ulit kong naaalala.
Kapag nag-iisa ako ay paulit-ulit akong nasasaktan. Paulit-ulit din akong nagpupumilit maging malakas at masaya na wala na siya.
Kapag iniisip kong may ibang babae na siyang niyayakap, nilalambing, hinaharot at nakakatanggap ng mga halik niya, parang sinusunog ang puso ko.
Lumipas man ang mahigit anim na taon, araw-araw ko mang isinusubsob ang sarili ko sa pagiging abala at sa paglimot, oras-oras ko mang pilit itanggi sa sarili ko ang totoo, bigo pa rin ako.
I couldn't deny the truth anymore, not from my own heart. Hanggang ngayon, si Arkanghel pa rin. Siya pa rin.
And for the first time in years... I let my feelings take over me. Yumakap ako sa kanya at ginanti ang bawat pag-angkin niya sa mga labi ko.
Marahas siyang napaungol nang maramdaman ako.
His arm went around my waist, and I didn't stop him when he pulled me closer. Hanggang sa hindi ko na napansing nakasakay na ako sa kanya paharap.
Ang malalaki niyang palad ay nasa bewang ko at inaayos ako sa posisyon na pabor sa kanya.
Walang ibang maririnig sa paligid kung hindi ang tunog ng mga labi namin. Nakayakap ako sa ulo niya at ayaw ko siyang pakawalan, ganoon din siya na halos pigain na ako ibabaw niya.
He took his lips away from my mouth as his head moved down. He was now trailing wet kisses down to my neck and to my collarbone.
Naririnig ko ang sarili kong umuungol. Nawala ang mga kamay niya sa bewang ko, nasa laylayan na ng suot kong shirt ang mga ito.
Nakagat ko nang mariin ang aking labi habang humihingal. I opened my eyes to see him looking at me.
Nakatingin ang kulay abo niyang mga mata sa akin, sa mga labi kong bahagyang nakaawang at mamasa-masa dahil sa kanya. Parang naipon ang lahat ng init sa mukha ko sa hiya.
When he spoke, his voice was husky. "We should do this more often."
May kasunod pa?
Nagbeep ang phone ko. Nakahanap ako ng dahilan. Parang iyon ang naging takas ko sa sitwasyon.
"Sandali lang," paalam ko pero hindi niya naman ako hinayaang umalis sa ibabaw niya.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Inabot ko ang phone sa bedside table. Nakaharap ako sa kanya habang hawak ang phone kaya ang reaction ko lang ang makikita niya.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang mabasa ang text message at kung kanino galing.
Gorgeous Hugo:
Hi. Galing ako sa bagong site sa Ortigas. Can I drop by your place? Lakas ng ulan.
Nang tingnan ko si Arkanghel ay nakataas ang kilay niya sa akin na parang may idea siya kung sino ang nag-text.
Nagbeep ulit ang phone.
Gorgeous Hugo:
Pwede ba akong manghiram ng shirt at makitulog sana? Bati na tayo please.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top