Chapter 3
"Bakit mas mataas score mo e nagkopyahan naman tayo kahapon, ah?!" It was Arkanghel.
Break time at pabalik ako sa classroom from the rest room nang madaanan ko siya sa hallway. Nakasandal siya sa pader at nakatingin sa hawak na dalawang pirasong one whole sheet of paper. Pinagkukumpara niya iyon sa ere.
"Hindi naman tayo pareho ng sagot, ah?" Saka ko lang nakita si Isaiah sa gilid niya. Simpleng nakasilip ito sa jalousie window ng classroom.
Dumating na pala galing sa kabilang section ang result ng exam namin kahapon. Madalas kasi na nage-exchange papers kami sa kabilang section para maiwasan ang pandaraya.
Salubong ang makakapal na kilay ni Arkanghel nang magsalita ulit. "So mas magaling ka manghula? Lahat ng hula mo, tama?"
"Ewan! Tangina bat ka ba galit? Kasalanan ko bang mali hula mo ng iyo?"
Nahinto lang sila nang makita ako ni Arkanghel.
Gusto ko sanang itanong kung paano niya nakuha ang number ko at sabihin na rin na wala akong balak ilibre siya ng kahit anong street food, pero ayoko siyang makausap. Inismiran ko na lang silang magpinsan at pumasok na ako sa pinto ng room namin.
"Chubs."
Nakatayo si Hugo sa tapat ng blackboard habang nagse-cellphone kaya nagulat ako nang magsalita siya. As usual, printed and branded shirt na naman ang nasa loob ng suot niyang polo. And this time, color black pa!
Ngumisi siya at inalis ang tingin sa hawak na cellphone para tumingin sa akin. "Biik ka raw, payag ka?"
"Gago ka kahit di ka payag." Inirapan ko siya saka ko naglakad papunta sa upuan namin ni Carlyn.
Umiikot ang mga mata ko sa inis. Maiksi talaga ang pasensiya ko sa mga walang kinalaman sa pag-aaral, lalo ang mga bagay na walang saysay.
Naupo na ako sa tabi ni Carlyn.
"Sussie, congrats. Highest ka." May inabot siya sa aking one whole sheet of paper.
Hindi ako umimik habang nakatingin sa ibinigay niyang papel. Perfect ko ang up to 30 na exam. Expected ko na ito dahil talagang nag-aral akong mabuti. Magdamag akong nagreview kahit pa hindi naman ito long test.
"Taray ni Isaiah, pang-apat sa highest. Nagkodigo siguro," she commented while looking at the Del Valles na nasa pinto na.
Nagkibit ako ng balikat sa sinabi niya. Ang iba ay iyon talaga ang iisipin. Nang-cheat. Pero sa tingin ko ay hindi. Naging classmate ko si Isaiah nang Grade 5 at pinanghihinayangan siya ng mga teachers namin. Siya ang klase ng estudyante na may likas na talino, pero saksakan ng tamad. Mas gusto pang matulog kaysa makinig sa lesson. Hindi rin siya gumagawa at nagsa-submit ng projects and assignments kaya puro palakol ang grades niya. Sayang talaga dahil kapag may mga quizzes at long tests ay humahabol naman ang score niya. Partida pa na hindi siya nagre-review. Saka saan siya magre-review? Mas puno pa ng drawings ang notebooks niya kaysa sulat.
Kinalabit ako ni Carlyn.
Pasimple niyang inginuso ang left side ko bago mahinang nagsalita. "Yabang ni Ruth porket second to the highest siya. Panay pa nga parinig di raw siya nag-review kaya second lang siya. So nilaro niya lang ang exam, ganoon?"
Si Ruth ay isa sa pinakamatalino sa room namin. Mabarkada rin, kaso lang ay hindi malaman ang trip sa buhay. Masyadong humble na hindi maintindihan.
"Hayaan mo na siya," sabi ko na hindi aware na nakatingin pala ulit ako sa Del Valles, particularly kay Arkanghel. Paupo na ang dalawa sa upuan nila habang naghaharutan. Parang mga tanga.
Pero hindi ko gets. Bakit nakatingin ako kay Arkanghel?
"Anong hayaan?" ang dabog ni Carlyn ang nagpabawi sa akin ng tingin. "Kainis kaya siya! Parang sinasabi niya na hindi niya kailangang galingan kasi ikaw lang ang kalaban niya sa room na ito. Duh!"
Napabuntong-hininga ako. "Pasalamat na lang kamo siya tamad si Isaiah."
"Ha? Kinalaman ni Isaiah?"
"Wala. Nandiyan na si Ma'am."
Pumasok na ang English teacher namin kaya no choice ang mga classmates namin kundi bumalik na sa kanya-kanyang upuan. Hindi na rin dumaldal si Carlyn dahil nagstart na kaming makinig sa lesson.
Sa gate pa lang ng school nang uwian ay naghiwalay na kami ni Carlyn. Iba kasi ang ruta ng inuuwian niya sa akin. Mag-isa na lang ako pauwi.
Hindi pala mag-isa dahil nasa likod ko si Arkanghel. Ewan ko kung bakit hindi na naman niya kasama si Isaiah e sa pagkakaalam ko ay magkapitbahay silang magpinsan.
Pasimpleng lumipat ako ng side ng daan at lumipat din siya.
He was licking his lower lip while casually following me. Kainis mukhang sasabay pa sa akin sa tricycle. Sana lang hindi ko makatabi. I'll make sure na hindi. Bahala siyang sabihan ako ng maarte e sa maarte naman talaga ako. Mataba pa!
"Pst utang mo!"
Nagulat ako kasi nasa tabi ko na siya.
Nakapamulsa siya at may naglalarong ngiti sa labi. "Di ka nagreply sa text ko. Pinapaalala ko lang naman ang utang mo."
Hindi ko siya pinansin.
Tuloy pa rin naman siya sa paghabol sa akin. "Huy, akala ko rich kid ka. Sossy ka pa nga raw e, 'tas di ka pa nagbabayad sa utang mo sa akin. May tubo na iyon!"
Kumibot naman ang sentido ko sa sinabi niya. Oo maarte ako, may kaya rin kami dahil sa may ilang negosyo ang tatay bear ko, pero hindi ako masasabing rich kid. Sa pagkairita ko ay nilingon ko siya.
"Hindi kita inutusang ibayad ako ng pamasahe kahapon. Bida-bida ka."
"Libre mo na lang ako sa tricycle. Wala na ko pamasahe e."
Inirapan ko siya. "De maglakad ka!"
Hindi na siya sumagot pero sumabay ng lakad nang maglakad na ulit ako. Palingon-lingon pa siya sa akin habang ngingiti-ngiti. Abnormal talaga.
Bahala siya. Ako na lang magbabayad sa tricycle mamaya para naman wala na siyang masumbat sa akin bukas.
"Huy wag kang tahimik!"
"Anong gusto mo? Wala naman tayong pag-uusapan."
He grinned. "Ask me anything na lang para may topic tayo."
Naninibago ako kasi hindi naman ako palakaibigang tao. Sa sobrang straight ko sa buhay at istrikto sa pag-aaral ay boring ang dumikit-dikit sa akin. Maarte rin ako kaya wala talaga akong gaanong kaibigan. Si Carlyn lang ang bukod-tanging nakakapagtiyaga.
Kaya hindi ako sanay kay Arkanghel. Sa totoo lang ay nagugulat ako sa kanya.
"Pag di mo ako tanungin, ako magtatanong."
"Fine!" Inis na huminto ako at nilingon siya.
Masayang namewang naman siya. "Game."
Pagbibigyan ko na siya matigil lang siya.
"May lima akong burger, hiningi mo iyong isa. Ilan na lang ang natira?"
Bahagya siyang yumuko at inilapit ang mukha sa akin. He was grinning when he asnwered my question. "Syempre apat!"
Tinulak ko siya sa noo. "Wrong. Lima pa rin kasi madamot ako!"
"Di ka naman madamot e. Matakaw ka kaya di ka mamimigay kasi kulang pa sa 'yo lima."
"Funny!" Sinimangutan ko siya. "Ang benta ng joke mo, pwede ng lagyan ng tax."
We continued walking. Malapit na kami sa paradahan ng tricycle nang may matanaw akong lalaki na nakatayo sa kanto at nakatingin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. "Tatay Bear!"
Kumaway siya at lumapit sa amin. Huminto rin sa paglalakad si Arkanghel. Nakakainis kasi sure na nakita siya ni Tatay Bear.
"Dala ko iyong pajero. Tara na." Hindi nakangiti si Tatay Bear nang kunin ang bag ko.
"Opo." Sumunod ako kay Tatay Bear at iniwan na si Arkanghel na kakamot-kamot ng batok. Hindi rin siya nakapagsalita kahit parang gusto niya pa yatang batiin ang tatay ko. Adik talaga.
Pagsakay ko sa passenger seat ng pajero ay napakatahimik ko. Parang wala ngayon iyong dila ko. Si Tatay naman ay hindi rin nagsasalita.
"Sino iyon?" tanong niya habang nagmamaneho.
"Po?" maang-maangan ko.
"Iyong binatilyong kasabay mo."
"Ah, si Arkanghel po."
"Nanliligaw sa 'yo?"
Napalingon ako kay Tatay Bear sa gulat. "Ha? Naku hindi, ah!"
Sinilip ko ang mukha ni Tatay Bear, hindi naman pala siya mukhang galit. Ngingiti-ngiti pa nga siya.
Lumabi ako. "Hindi po ako magpapaligaw."
"Wala naman ako sinabi, ah?" Nilingon niya ako nang mabilis bago ibinalik sa daan ang paningin.
Pasimple akong nagdabog sa passenger's seat. "Hindi ko po kayo bibiguin, Tatay Bear. Gagraduate po ako na valedictorian ng batch namin."
Pangako ko iyon kay Tatay Bear at tutuparin ko iyon. Sa kanya ko iaalay ang medal ko sa graduation.
"Hindi naman kita pini-pressure na maging valedictorian. Ayos na sa akin na okay ang grades mo at syempre, healthy ka."
"Tatay Bear naman!" Pinukol ko siya nang matalim na tingin. "Magda-diet na talaga ako!"
"Sus! Ano ba kung mataba ka? Maganda ka pa rin naman. Pano pag pumayat ka aba'y baka talagang dagsain ka na ng manliligaw. Seselos si Tatay Bear mo niyan."
"Bata pa ako, Tatay Bear! Hindi pa nga ako papaligaw, di ba!"
Nakangiti pa rin si Tatay pero seryoso na ang boses niya nang muli siyang magsalita. "Anak, hindi naman kita mababantayan ng 24 oras dahil alam mo na, kailangang kumayod ni Tatay Bear mo. Single dad e. Pero alam ko naman na kahit kinukulang ako ng oras sa 'yo ay hindi ka magpapabaya sa pag-aaral mo. Alam ko rin na lumaki ka na alam ang dapat sa hindi."
Tahimik na ipinaling ko na ang paningin ko sa labas ng bintana ng sasakyan hanggang sa makauwi na kami sa bahay.
Pinagbukas niya ako ng pinto ng passenger side. Nasanay na si Tatay Bear nang ganoon. Sabi niya kasi ituturing niya akong prinsesa para masanay ako at tumaas ang standard ko sa lalaking gugustuhin ko in the future.
Bago pumasok sa loob ng pinto ng bahay ay naghubad muna kami ng sapatos. Unahan pa kami ni Tatay Bear sa lababo para maghugas ng kamay. Syempre nauna pa rin ako dahil pinauna niya ako. Matapos maghugas ay tinuyo ko ang mga kamay ko sa towel na nakasabit sa ref.
"Bihis muna ako sa taas, Tatay Bear! Ako maghahanda ng dinner natin, okay?"
"Wag na. Oorder na lang muna tayo ng pagkain since pareho tayong pagod. Ikaw sa school at ako sa pag-asikaso sa hardware."
"Gastos lang iyon. Pwede naman ako magsaing."
"Bakit? Tumatanggi ka sa pizza?"
Nahinto ako sa pag-akyat sa hagdan.
"Ano? Order na ba ako? Ilang box? Ano size?"
"Tatay Bear naman! Alam mo namang pinipilit ko nang umiwas sa pizza!"
"Minsan lang naman ito. Syempre gusto ko na puro healthy foods pa rin ang napupunta sa sexy na tiyan ng unica hija ko."
"Tatay Bear!" Nagpapadyak ako. Alam naman niya na nagpipigil na ako tapos ganito, manunukso?
"So wag na ba—"
"One box hawaiian at one box pepperoni!" sigaw ko saka nanakbo paakyat sa second floor.
Kahit nasa taas na ako ay nahabol pa ako ng halakhak ni Tatay Bear. Nakakainis!
Sa kuwarto ay nagpalit na agad ako ng damit pambahay. Dolphin shorts na kulay blue at loose t-shirt na may print sa gitna ng nakatawang si Sponge Bob ang isinuot ko. Bago ako lumabas ng kuwarto ko ay napatigil ako sa harapan ng salamin na katabi ng pinto.
Parang mas lalo yata akong nanaba ngayon. Kahit naka-loose shirt ay halata ang tiyan ko. Parang kakakain lang ng isang kalderong kanin. Tapos iyong mga hita ko sa dolphin shorts, bilog na bilog. Paalis na ako sa chubby category.
Marami ang nagsasabi na sana magdiet na ako dahil maganda ako. Hello? Pag mataba ba hindi na maganda? Kainis sila, ah! Kasalanan ko ba na marami akong pambili ng pagkain?
Kasalanan ko ba na ayaw na ayaw ng aking tatay bear na nagugutom ako?
Saka wag nila ako pangunahan sa diet ko. Gusto ko rin naman pumayat, no! Hindi lang ako kasing excited nila dahil mahirap magmove on sa carbs and sweets.
Nagbeep ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng dresser. Hindi ko pa man nach-check ay may hula na agad ako kung kanino galing ang text message. And I was right.
Arkanghel DV
Kelan mo bayaran utang mo? Post kita sa Facebook!
Nagbeep ulit.
Arkanghel DV
Charot lang. Take your time. Tubuan ko na lang.
Grabe! Gusto ko na talagang daganan ang hambog na ito hanggang sa madurog siya. Bakit ba niya ako pinag-aaksayahan ng panahon, ha?
"Anak, tagal ka pa?!" sigaw ni Tatay Bear mula sa labas.
Doon ako natauhan. Ibinaba ko agad ang phone ko. "Parating na ba pizza? Baba na ako!"
Hindi ko dapat pag-aksayan ng panahon si Arkanghel.
Hanggang sa second subject kinabukasan ay hindi ko talaga nililingon si Arkanghel. Mas tiningnan ko pa si Hugo na balik energy sa pagngisi-ngisi sa akin.
Pagbalik ko sa upuan ay dinikitan agad ako ni Carlyn. "Girl, haba ng hair mo."
"O?"
"Iniisip nila nililigawan ka ni Arkanghel."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Carlyn!"
Bigla siyang naglabas ng libro. "'Sabi ko nga review na lang tayo kahit walang exam."
"Mabuti pa!" Doon na ako ngumiti. "Sa kaharutan, wala tayong mapapala. Sa pag-aaral, meron."
"Amen!"
Nabura ang ngiti ko dahil nakita kong nakatingin na naman sa akin si Arkanghel. Ano na naman bang problema niya?
Ayan, pano hindi mag-iisip ang mga classmates namin na hindi niya ako nililigawan kung ganito na kung makatingin siya ay parang ako lang ang tao rito sa room?
Pati mga tropa niya ay nakatingin na rin sa akin dahil siguro nagtataka sila kung ano ang tinitingnan niya rito.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang may naghahabulan na kung ano ngayon sa dibdib ko. Ipinilig ko ang aking ulo at hinamig ang sarili.
Binawi ko ang paningin ko saka ibinalik na lang kay Carlyn na busy sa hawak na libro. "Carlyn, ayusin mo. Remember you've got a low score sa exam natin kahapon?"
Ibinuhos ko kay Carlyn ang aking pansin. Kailangan ko siyang kulitin dahil mababa ang score niya nang nakaraang exam.
Carlyn pouted her lips. "Hindi mo kasi ako pinakopya."
Inirapan ko siya kahit pa alam ko na biro lang ang kanyang sinabi. Pagdating sa pag-aaral ay istrikto ako kahit pa magkaibigan kami.
"Sabi ko nga. Kaya nga ikaw ang pinili kong friendship kasi alam kong madadala mo ako sa mabuting landas."
Naaaliw na nakatingin ako kay Carlyn habang nagbabasa siya. Hindi ko na maalala kung paano kami naging magkaibigang dalawa. Magkaiba ang ugali namin pero natutuwa ako na nagkakasundo kami. Masaya rin ako dahil nakikita ko sa kanya na interesado naman talaga siyang mag-aral.
Nabanggit niya sa akin na gusto niya rin daw kasing magkaroon ng medal. Gusto niyang maging proud sa kanya ang daddy niya.
Naglabas na lang rin ako ng libro para mag-advance study for our next lesson. Mabuti na iyong maubos sa may kabuluhan ang oras ko kaysa mailang dahil ramdam ko na nakatingin pa rin sa akin ang kulay abong mga mata ni Arkanghel.
Ang pagsisikap ko na mag-focus sa pagbabasa ay hindi rin nangyari. Natutuliro ako lalo pa't alam ko na meron pa ring nakatingin sa akin.
Bagsak ang balikat na napabuntong-hininga ako. Hindi na ako natutuwa.
Sa next subject namin ay kailangang lumipat ng room. Every Wednesday ay computer class at doon iyon sa second floor ng kabilang building. Sinadya kong magpaiwan sa room namin dahil nakita kong inutusan si Arkanghel ni Sir Guerrero, our computer teacher, na kunin ang lesson plan na naiwan nito sa faculty.
Nang makitang papunta na rin si Arkanghel sa kabilang building bitbit ang lesson plan ni Sir Guerrero ay saka ako lumabas ng room para habulin siya.
Paakyat na siya sa hagdan nang maabutan ko. "Arkanghel!"
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi lumingon. I didn't know why I had this feeling na parang alam niya na iko-comfront ko siya.
"Bakit ba papampam ka masyado sa akin, ha?"
Kailangan ko talaga siyang prangkahin kung may gusto ba siya sa akin na malamang ay wala naman talaga. Wala naman yata siyang gusto sa akin, pero pinag-aaksayan niya ako ng panahon.
"Alam mo ba na sa ginagawa mo, iniisip na tuloy ng mga classmate natin na may gusto ka sa akin?! So ano? Payag ka nun? Payag ka na iniisip nila na may gusto ka sa akin? May gusto sa mataba?!"
Napalunok ako nang lumingon siya. Nakataas ang isa niyang kilay habang ang isa niyang kamay ay nasa loob ng bulsa ng slacks.
I didn't know why I suddenly became nervous, nevertheless, I managed to ask him. "Kaya tigilan mo na ang pagdikit-dikit at pang-aasar sa akin kasi wala ka namang gusto sa akin!"
Arkanghel grinned playfully and then his grey eyes turned serious. "Di ka sure."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top