Chapter 22
Just thought that I needed to put this here once and for all.
Half of this series is about 'being teenagers'. It's like a trip down memory lane, so you should know that (in the first part of the story) you'd be reading POVs of people who are in the crucial phase of their adolescence, where they experience rapid physical, cognitive, and psychosocial growth. Their hormones are not stable and that affects how they feel, think, make decisions, and interact with the world around them.
Please do not judge the characters immediately because everyone has the ability to grow and change for the better. -JF
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
"PST! GALIT KA?"
Tumabi sa akin sa lababo si Arkanghel. Katatapos lang naming maglunch at naghuhugas ako ng plato rito sa kusina. Naki-agaw siya ng plato para tumulong at para may chance na rin siya na kulitin ako.
"Galit ka? Di mo ako pinapansin e."
Tiningnan ko lang naman siya.
"Sussie..." Kinuha niya sa akin ang platong hawak ko.
Bumuntong-hininga ako at kinuha ulit sa kanya ang plato. "Hindi ako galit," malumanay kong sabi.
Yumuko siya para silipin ang mukha ko. "Weh? Sige nga, ngiti ka nga kung di ka galit."
Nag-iwas ako ng tingin at bumalik sa paghuhugas ng mga plato.
"Galit nga 'to o," bulong niya.
Hindi naman ako galit. Hindi galit, hindi rin masaya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Dalawang araw na ang lumipas since sabihin ni Arkanghel sa akin na decided na talaga siyang mag-Manila. Nakakalungkot pero sino ba ako para pigilan siya? Sino ako para hadlangan ang pag-aasam niya sa magandang kinabukasan?
Oo GF niya ako pero hindi iyon pass para pakialaman siya sa kanyang mga pasya na sa tingin niya'y makakapagbago ng buhay niya. Nandito lang ako para sumuporta.
Pero ang sakit. Kahit wala pa siya sa Manila, kahit hindi pa siya malayo, nasasaktan na ako. Just the thought of it was enough to break my heart.
"Magpapaalam na pala ako sa bar mamaya na last ko na sa Linggo. Hindi kasi ako makakapag-apply nang puyat e. Kailangan ko na talaga bitiwan ang pagtugtog sa bar," sabi niya habang isinasalansang sa lalagyanan ang mga platong tapos ko nang mahugasan.
Tumango lang ako at tinapos ang huling plato.
"Sa-sideline muna ako sa talyer ng ninong ko para may panggastos sa pag-aapply. Magsusubmit na rin ako ng resume sa mga site."
"Gamitin mo iyong laptop ko," mahinang sabi ko.
Napalingon siya sa akin. Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang malungkot niyang ngiti. "Thanks, Sussie."
Naghugas na ako ng kamay at tahimik na umalis ng kusina. Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang paghabol ng tingin niya sa akin.
Umakyat sa second floor, sa kwarto ko para kunin ang laptop ko. Nang bumaba ulit ako ay wala na sa kusina si Arkanghel. Siguro nasa bodega na, nasa kwarto niya na. Siguro nalulungkot iyon dahil ang cold ko sa kanya.
Pinuntahan ko siya sa bodega at naabutan ko siyang nakahiga sa papag niya habang nakatulala sa kisame.
"Ito na iyong laptop..."
Hindi man lang niya ako nilingon.
"Arkanghel, ito na iyong laptop..." tawag ko.
"'Lagay mo na lang diyan," mahina at tamad niyang sabi.
Pumasok ako sa loob at inilapag sa ibabaw ng maliit niyang mesa ang laptop.
Nang tingnan ko siya ay ipinikit niya ang mga mata niya. Umiiwas. Nagtatampo.
Hindi ko siya matiis na ganito. "Arkanghel..."
"Hmn?" ungol niya pero hindi dumilat.
Naupo ako sa gilid ng higaan niya. "Sorry..."
Doon siya dumilat at tumingin sa akin. "Bat ka nagsosorry?"
"Sorry kasi ang selfish ko..." bahagyang nabasag ang boses ko. "Nalulungkot kasi ako na aalis ka na e. Na malalayo ka..."
Bumangon siya at naupo. "Sussie..."
I shook my head. Tumulo na ang luha ko. "I'm sorry. Pero wag mo akong alalahanin kasi lilipas din itong nararamdaman ko. Masasanay rin ako. Basta mag-iingat ka lang roon sa Manila, wag kang magpapalipas ng gutom, wag kang magpupuyat masyado, at wag kang malandi sa girls para naman mapanatag ang loob ko-" Naputol ang sinasabi ko nang dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko.
Akala ko, tapos na pero muli siyang lumapit. Hindi ako umiwas. Hinintay ko siya. Pero wala. Nanatili lang siya isang inch ang layo sa akin. Ang dulo ng aming ilong ay magkadikit na. At ang mabango at mainit niyang hininga ay tumatama sa aking mukha.
"Alam mo ba kung gaano kita kamahal?" namumungay ang kulay abo niyang mga mata habang nakatitig sa akin.
I opened my mouth but no sound came out from it.
Hinawakan niya ang pisngi ko. "Saka Sussie, alam mo rin bang gusto pa kitang halikan?"
Ang paningin ko ay bumaba sa mapulang mga labi ni Arkanghel. Iniisip ko pa lang na muli iyong didikit sa mga labi ko ay kinakapos na ako ng paghinga.
"Sussie, hahalikan ulit kita ang kaso hindi ko alam kung kailan matatapos," paos na paos na ang boses niya.
Hindi ko na hinintay na gawin ni Arkanghel ang sinasabi, ako na ang lumapit at naunang umabot sa mga labi niya. Mabilis at magaang dampi lang. Nang hihiwalay na ako ay humabol sa akin ang mga labi niya.
"Mmnp..." Napaungol ako sa gulat na tila hampas ng alon sa bilis ang pagsakop ni Arkanghel sa mga labi ko. Daig ko ang nalunod sa pinakadulo ng dagat dahil sa lalim ng halik niya.
Arkanghel's lips grew bolder against mine. Shortly after, he ran his tongue over my lower lip, coaxing my mouth to open for him. Ang isang malapad niyang palad ay nakapigil sa batok ko para hindi ako makaiwas, ang isang kamay naman niya ay mahigpit na nakakapit sa braso ko para hindi ako makawala.
I became aware of every pore in my body when his hot and moist tongue finally entered my mouth and dominated my tongue. This wasn't the first time, pero iyong malalang pakiramdam ay mas lumala ngayon. Pakiramdam ko buong katawan ko biglang naging sensitibo.
Napakainit ng bibig niya, iyong mga labi niya parang binubura ang lahat ng logic sa mundo, at ang dila niya ay binubuhay ang mga pakiramdam na ngayon ko lang natuklasang meron ako. Parang bigla, mas mahal na mahal ko siya. Parang bigla, baliw na baliw na ako.
The kisses that he was giving me were shaking me to the very core. My fingers gripped his raven black hair, pulling him closer to me. He groaned in my mouth. Bahagya siyang lumayo para lumapit lang ulit.
"Kung gusto mo akong patigilin, sabihin mo na ngayon pa lang," Arkanghel's voice was just above a whisper.
"B-bakit kita patitigilin?" I asked, gasping for air.
His jaw flexed and something flashed in his grey eyes. Then his weight pushed me down to his bed until we are both lying down.
Hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal kita, Arkanghel..."
"Gaano kamahal?" he grinned.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang matigas na nakadiin sa gitna ng mga hita ko.
Arkanghel kissed me again, hungrily, full on the mouth. Ang buong bigat niya ay nasa ibabaw ko at hindi ko maalala kung kailan niya nahubad iyong suot niyang t-shirt.
"Ahhh, Arkanghel..." impit na daing ko nang nasa leeg ko na ang mga labi niya.
Tumaas ang mga palad ko sa makinis niyang balikat at mariing kumapit
He trailed kisses down my neck, his tongue now licking my skin, and the sparks filled every part of my body. The heat building in me was now undeniable.
I pulled his head and brought his lips back to mine. He grinned against my lips and kissed me again. His tongue slipped into my mouth again, but this time I met it with my own.
He kissed me repeatedly. Hindi nakakasawa. Daig pa ng halik niya ang lahat ng makabuluhang bagay.
"Tama na," paos na paos ang boses na sabi niya.
Napatitig ako sa kanya nang lumayo siya. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit.
"Arkanghel..."
"Hmn?"
"B-bakit ka huminto?"
Umalog nang bahagya ang mga balikat niya kaya alam kong tumatawa siya. Naiinis na itinaas ko ang mga kamay kong ikinuyom para ipalo sa kanya. Tumigil naman siya sa pagtawa saka hinalikan ang dulo ng ilong ko.
"Kapag hindi po kasi ako huminto, baka hindi na ako makapunta sa Manila."
"At bakit?" inosenteng tanong ko. Hindi ko kasi siya mapunto.
"Tss..." Para siyang namomroblema habang nakatingin sa akin.
"Arkanghel, bakit nga?"
Hinawakan niya ako sa likod ng bewang at kinabig palapit sa katawan niya. Napalunok ako nang maramdaman ko ulit iyong matigas sa mismong ibabaw ng sikmura ko. Idiniin niya pa iyon sa akin.
Bumaba siya halikan ako sa noo. "Di ka takot dito?"
Muli akong napalunok. Hindi ako makapagsalita.
"Tsk, gusto mo yata akong patayin," paungol na sabi niya. Umangat siya at may hinilang unan mula sa likod ko. Inilagay niya iyon sa pagitan namin.
Ilang minuto ang lumipas bago siya kumilos. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakahiga ako sa higaan niya. Sinusundan ko lang siya ng tingin sa bawat kilos niya. Nang humarap siya sa akin ay saka ko nakita ang pamumula ng bandang balikat niya. Ngayon ko narealized kung gaano kahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya kanina.
Nakangiti siya nang tumingin sa akin at nagsalita. "Di naman masakit."
Tumayo siya at isinuot ang hinubad niya kaninang t-shirt. Iyong buhok niya, basta niya lang sinuklay ng mga daliri niya.
Tumayo na rin ako. Inabutan niya ako ng suklay na basta ko na lang kinuha. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko hanggang sa makatapos ako sa pag-aayos sa sarili.
"B-babalik na ako sa bahay..." paalam ko na hindi ko mapigilang mautal.
"Sige, ako rin. Liligo ako. Init e."
Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko kaya nag-iwas ako ng paningin dahil alam kong pulang-pula ako.
"B-bahala ka..." Humakbang na ako palakad sa pinto.
"Sussie, may nakalimutan ka."
Napilitan akong lumingon sa kanya. "Ano?"
"Ako."
Umawang ang mga labi ko.
He laughed and shot me an amused look. "Ngiti ka nga. Obvious na obvious ka e."
Nang mahimasmasan ay pinaghahampas ko siya, pero magaang hampas. "Para kang sira!"
Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa bewang. Tawa lang siya nang tawa. Mayamaya ay tumigil siyang kusa. "Sussie, pwede bang humiling sa 'yo?"
Lumabi ako. "Depende sa hiling..."
He leaned in closer to me, his lips inches from mine and his grey eyes locked with my eyes. Para na naman akong nalulunod kapag ganito.
"Arkanghel, ano ba..."
He pinched my cheeks. "Promise ka naman sa akin na kahit nasa Manila na ako, walang ibang pwedeng pumisil nitong chubby cheeks na 'to kundi ako."
Naitulak ko siya bigla. "Akala ko pa naman seryoso! Siraulo ka talaga!"
Hinihintay kong tumawa si Arkanghel at kulitin ako, pero bigla na siyang sumeryoso. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.
Lumabi ako nang mapunang seryoso siya. "E sino naman kasi ang pipisil ng pisngi ko maliban sa 'yo?"
Nagulat ako sa sagot niya. "Si Hugo."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top