Chapter 16

"MANLILIGAW PA LANG AKO."


Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko siya. "Nagjo-joke ka na naman, 'no?"


Umiling siya. Inabot niya ako para pisilin sa pisngi. "Hindi kita liligawan ngayon kasi ang balak ko, liligawan lang kita pag nakagraduate ka na ng senior high. Ayoko ring sasagutin mo agad ako. Gusto ko sasagutin mo lang ako kapag nakagraduate ka naman ng college."


"Arkanghel..." Nanakit ang lalamunan ko at parang nagkabara ang ilong ko.


"Ayokong maging hadlang sa pag-aaral at sa pangarap mo, Sussie. Gusto ko ring maabot ko ang mga pangarap ko para naman may pangdate tayo. Gusto ko, hindi na lang fishball, kwek-kwek, kikiam at palamig ang mapapakain ko sa 'yo. Gusto ko soon, steak na saka wine."


I like him and he was right, hindi ko pa kayang pumasok sa isang relasyon dahil gusto ko pa ring pangatawanan na ga-graduate muna ako bago ako magbo-boyfriend.


Hindi ko hawak kung kailan maiin-love ang puso ko, pero hawak ko ang desisyon kung ano ang magiging reaction ko. Mahirap para sa akin na tumanggi kay Arkanghel dahil ayaw ko siyang saktan, pero siya na ang nagpadali ng lahat. And for that, I admire him.


Napasinok na ako dahil para akong sisipunin sa pagpipigil ng luha. "Kinausap ka ba ni Tatay Bear, ha?"


"Oo." Napakamot siya ng ulo. "Pero kahit di naman niya ako kausapin, alam ko namang hindi ka pa handang magjowa. Hindi ikaw ang tipong ganoon e. Ayoko rin namang mapressure ka dahil guwapo ako."


Naiiyak na natawa ako. Si Arkanghel lang talaga ang kayang bumaliw sa akin nang ganito.


"Wag kang mag-alala, hindi naman ako mag-stay kung balak ko ring sumuko at umalis. Nakita mo 'to?" Itinuro niya ang mukha niya. "Saka 'to?" Itinuro niya ang dibdib niya. "Iyo na 'to."


Lumabi ako.


"Kaya ko'ng maghintay sa 'yo."


"Weh? Paano kung after ng paghihintay mo, sa huli ay iba pala ang magiging sagot ko sa 'yo?"


Nagusot ang mukha niya. "'Yun lang!"


Kung kanina, luha ang pinipigil ko. Ngayon naman, ngiti.


Dinuro niya ako. "Ahg subukan mo lang, Susana Alcaraz! Katay ka sa 'kin!"


"Ano?!"


"Joke lang!" bawi niya.


"E anong gagawin mo nun?" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para asarin siya.


"Wala."


So hindi niya ako ipaglalaban ganoon? Susuko na siya?


Pinagpipisil ko siya sa braso niya. "Anong wala? Ano nga?!"


"E di iyak!"


Natawa na ako. "Iiyak ka talaga?"


"Bat parang excited kang umiyak ako, ha?"


Ngumiti ako. "Syempre hindi. Ayoko yatang makitang umiiyak ang VBF ko."


"Di mo talaga nakita." Bubulong-bulong siya.


Inihatid niya na ako sa bahay nang bandang six pm na. Magagabi na raw kasi. Naka-tricycle kami at katulad nang dati, ako ang unang bumaba at pinabalik niya na lang ang tricycle para makauwi siya.


Pag-akyat ko sa kwarto ay tiningnan ko agad ang cell phone ko. Oo nga pala, ibinigay ko na kasi kay Arkanghel ang number ko kanina.


Agad kong ichineck ang phone ko.


Nang mabasa ang text ay halos mapunit ang pisngi ko sa pagkakangiti.


Hanggang sa pagbalik sa school the next day ay masaya ako. Inspired.


Kakatapos ko lang kumain ng lunch nang makitang nakasimangot na palapit na naman sa akin si Hugo. Hay, ano na naman kaya ang gusto?


"Chubs!"


"Ano na naman?" tamad kong tanong habang tinatakpan ang baunan ko. Mukhang wala na naman siyang jowa kaya ako na naman ang napag-iinitan.


"Pumunta pala sa inyo si Arkanghel?" sita niya sa akin.


"Ha? Saan mo naman nalaman?" Ipinasok ko na sa bag ko ang tupperware na baunan ko.


"Nabanggit lang ni Mommy. Nakwento raw ng tatay mo na may bumisita sa 'yong lalaki."


Ano ba naman si Tatay Bear? Pati ba naman iyon nakwento pa kay Mrs. Aguilar! Saka bakit naman kailangan pa nilang pagkwentuhan iyon?


"Paano mo nalamang si Arkanghel iyon?" Inirapan ko siya. "Malay mo ibang lalaki."


"Grey raw mata." Naupo siya sa tabi ko.


"E ano naman ngayon kung pumunta nga si Arkanghel sa amin?"


"Hindi ba nagalit tatay bear mo? Syempre, dinalaw ka ng lalaki."


"Hindi siya nagalit." Tiningnan ko si Hugo. "Actually, mukha ngang magaan ang loob ni Tatay Bear kay Arkanghel. Niyaya pa nga niya na sa amin magdinner e."


Matagal na hindi nakaimik si Hugo. Nang magsalita siya ulit ay seryosong-seryoso na siya. "Kapag ba ayaw ng tatay bear mo kay Arkanghel, iiwasan mo na siya?"


"Ano bang sinasabi mo?" Naiinis na ako.


"Okay, ganito na lang. Kung ayaw ni Arkanghel sa tatay bear mo, iiwasan mo na ba si Arkanghel?"


"Siraulo ka talaga, 'no? Bakit naman aayawan ni Arkanghel ang tatay bear ko? Hello? Tatay Bear ko ang the best father in the whole wide world, 'no!"


Naningkit ang mga mata ni Hugo. "Sa tingin mo ba perfect ang tatay mo?"


Talagang naiinis na ako sa kanya pero nagtimpi pa rin ako.


"Paano kung..." Natigilan siya sandali. Tila may iniisip. "Paano kung, what if lang, ah... What if..."


Hinintay ko naman ang sasabihin niya.


"What if..." pabitin niya. Naupo siya sa tabi ko.


"What if ano nga?!"


"What if kidnapper pala tatay bear mo?" biglang sabi niya.


"Ha? Ano ba 'yang pinagsasabi mo?!"


"Paano nga kung kidnapper pala siya? Paano kung may ginawa siyang hindi maganda kaya siya iniwan ng mommy mo—"


"Pwede ba, Hugo! Tantanan mo nga ako!" Tuluyan na akong naasar sa kanya. Dinuro ko siya. "You're crossing the line, and you must stop. Hindi at never gumawa ng masama ang tatay bear ko kaya manahimik ka!"


Padabog ko siyang iniwan sa room. Gigil na gigil talaga ako sa kanya. Bwisit siya. Imbes na masaya ako, nasira pa tuloy ang araw ko. Bwisit talaga!


Hapon nang Sabado, iniisa-isa ko ang mga order sa akin sa buong week. Matapos kong iplastic ay idinikit ko naman ang mga prinint kong sticker kung saan nakalagay ang address at contact numbers ng mga customers na dedeliveran ko. Since wala kaming sasakyan ay ita-tricycle ko na lang isa-isa ang pagde-deliver. Lima lang naman ang total kaya kakayanin ko naman.


Pagbaba ko sa sala ay naroon si Tatay Bear. Nakatingin siya sa akin at sa mga bitbit kong plastic. "Ngayon na deliver niyan?"


"Opo, Tatay Bear. Kahapon ang cut off ko at ngayon ang sched of delivery."


"Bakit hindi mo na lang ipa-Lalamove o Mr. Speedy 'yan, anak?"


"'Tay Bear, tagarito sa PK2 lang po itong dalawang order. Iyong sa Pascam na lang ang ipapa Mr. Speedy ko." Bitbit ko ang mga plastic bags nang pumunta ako sa pinto.


Start pa lang ako sa small online business ko kaya nga hanggat maaari ay ayaw ko pa ang gumastos nang malaki. Paikot lang kasi ang puhunan ko rito. Kung kakayanin ko namang deliveran ang malalapit lang, e di dedeliveran ko na lang. Hahanapin ko na lang sa GPS o ipagtatanong ang address.


"Saka nga pala, anak. Ano nga palang apelyido noong si Totoy?" mayamaya ay seryosong tanong ni Tatay Bear.


"Po?" Bakit kaya niya naitanong?


"Ano nga?" Tumikhim siya. "Malamang foreigner ang mga magulang niya, ano? Kulay abo ang mga mata niya e."


"Hindi ko po alam kung sino sa parents niya ang foreigner, e." Hindi ko naman talaga alam dahil never ko pa namang nakita ang parents ni Arkanghel.


"Ano bang apelyido niya?" ulit niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit curious si Tatay Bear.


"Del Valle po."


Nakarinig ako ng pagbagsak ng kung ano sa sahig. Nagulat ako nang lingunin ko siya at makitang nabitiwan niya ang kanyang tungkod.


"'Tay!" sigaw ko. Agad ko siyang inalalayan.


"Hay, pasensiya na, anak. Nabitiwan ko..." Hindi siya sa akin nakatingin. "Sige na, mag-deliver ka na..."


"Sigurado po ba kayong okay na kayo?" Nag-aalalang tanong ko.


Tumango lang siya pero kapansin-pansin ang pagpapawis niya sa noo.


"Babalik po ako agad," promise ko. Hinalikan ko siya sa pisngi.


Inalalayan ko si Tatay Bear na maupo sa sofa bago ko kinuha ang mga plastic bags na ide-deliver ko. Nag-aalala ako kay Tatay Bear dahil parang hindi maganda ang pakiramdam niya. Ayaw ko sana siyang iwanan pero kailangan ko nang maideliver ang mga orders sa akin.


Kinuha ko ang sombrelo kong kulay pink na nakapatong sa ibabaw ng mesa bago ko tinungo ang pinto. Paglabas ko ay nagulat ako nang makitang may itim na motor na nakaparada sa tapat ng gate namin.


Si Arkanghel!


"Anong ginagawa mo rito?" Binabagyo ang dibdib ko ngayon sa kaba.


Lumapit siya at inagaw sa akin ang bitbit kong mga plastic. "Ano pa? E di magdedeliver ng paninda mo."


Napanganga na lang ako nang icheck niya ang mga sticker sa labas ng plastic kung saan nakasulat ang mga address ng customers. "Keri 'to. Alam ko 'tong mga 'to."


"Paano mo nalamang may deliver ako ngayon?" nahihiyang tanong ko sa kanya.


"Nabasa ko lang sa post mo na kahapon ang cut off at ngayon ang delivery mo." Ngumisi siya. "Ayos ba?"


Inirapan ko siya pero nakangiti ako.


"Paano? Idedeliver ko na 'to, Ma'am."


"Wala akong pambayad sa 'yo..." mahinang sabi ko.


"Sus. Painumin mo na lang akong tubig mamaya pagbalik ko."


Natawa ako. "Sure. Mineral pa!"


"Kahit nga sa gripo lang basta ikaw ang mag-aabot ng baso, keri na."


Para akong tanga na namimilipit sa loob-loob. "Uhm, ingatan mo pala 'yan, ah?!"


Tumingin sa akin si Arkanghel bago sumakay sa motor. "Yes, Ma'am. Makakaasa kayong pakaiingatan ko at hindi papabayaan. Kahit pa mabigat, hindi ko bibitiwan at iiwan."


Dahil hindi nakataas ang salamin sa helmet ni Arkanghel ay huling-huli ko ang pagkindat niya bago niya pinaandar paalis ang motor. Hayun tuloy, wala na siya pero nakanganga pa rin ako rito sa kinatatayuan ko. Ugh!


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top