Special Chapter 2 (Final)
Thank you sa paghihintay ng last update na ito. I know masyadong matagal pero maraming salamat pa rin sa pagsuporta. Dedicated ito sa inyong lahat. ❤
*****
XHIARA MIYA LANDELL
"Kaya mo pa?"
Pinilit kong tumango sa kanya kahit na nahihirapan. Pagod na pagod. Ngumiti pa ako sa kanya para masabing totoo yung tango kong oo ang ibig sabihin. Kahit pagngiti ay di ko matagalan dahil sa pagod na nararamdaman.
Bumagsak ako sa damuhan at pinikit ang mga mata. Kahit naiinitan ay wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay makapagpahinga. Maibalik yung lakas na kahit pisikal lang. Dahil sa totoo lang na napakahina ko ngayon. Mas lalong humina dahil sa katotohanang wala akong kapangyarihan.
"Dadalhin kita sa pahingahan," aniya at naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin. Sa pagod, tulad ng nagdaang araw, mga buwan, ay hinayaan ko siya. Dahil lagi niya naman akong naabutan sa ganitong ayos kapag pumupunta siya rito sa kinaroroonan ko.
Hindi niya ako iniwan kahit na ganun ang pinili ko. Na kahit nasaktan ko siya nanatili siya sa tabi ko. Kaya tama lang na saluhin ko ang lahat dahil sa ako naman talaga ang may gusto at nagpursige. Sumang-ayon siya sa nais ko dahil sa nararamdaman niya sa akin. Sumang-ayon siya kahit nahihirapan din siya ngunit ayaw niya sabihin iyon sa akin.
Mahalaga siya sa akin. Espesyal siya para sa akin kaya ayaw kong dagdagan pa ang sakit na naidulot ko sa kanya.
"Pangatlong buwan mo na ngayon at nagawa mo. Nakaya mo. Proud ako sayo, Xhiara."
Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Tuloy-tuloy ang buhos ng luha sa mga mata ko kahit na nakapikit. Sa loob ng tatlong buwan, ngayon lang ako umiyak. Hindi ako umiyak nung pinahirapan ako. Hindi ako umiyak nung napagod ako. Hindi ako umiyak nung muntik na akong sumuko. Ngayon lang.
Umiyak ako ngayon kasi alam kong yung mga naranasan ko ay nalampasan ko rin.
"M-maraming salamat, Zachary!" Sambit ko sa pagitan ng pag-iyak. Kinapa ko ang kamay niya at hinawakan ito.
"Naghihintay na sila, sayo." Pahayag niya na narinig ko bago ako mawalan ng malay sa kanyang mga braso.
Isang araw hanggang sa umabot ng limang araw bago tuluyang bumalik ang pisikal na lakas ko. Ang haba ng mga tulog ko para lang maipahinga ang buong katawan. Ika-anim na araw nang wala pa rin ang kapangyarihan ko. Hanggang ngayong ika-pitong araw ay wala akong nararamdaman.
"Halika na, Miya." Nilingon ko siya sa pintuan. Seryoso ang mukha nito pero hindi pa rin maipagkakaila na malambing at maalaga siya sa akin.
"Hindi mo pa ako pweding tawagin na Miya tulad ko na hindi ka pweding tawaging Shu dahil sa hindi pa bumabalik ang marka at kapangyarihan ko."
"Alam ko." Masungit niyang tugon. Binabawi ko na yung sinabi kong malambing siya!
Lumapit ako sa kanya at nang maglahad siya ng kamay ay humawak ako rito. Hindi ko kayang dalhin ang sarili sa pupuntahan pero siya ay pwedi dahil sa may kapangyarihan siya.
"Handa ka na?" Tanong niya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Sinabayan ko siya at tumingin sa sarili. Sinuot ko ang puting bestida na binigay niya. Napakaganda nito at bagay na bagay sa akin.
Naisip ko na mas magandang ganito ang suot ko, presentable para sa muling pagkikita namin ng mga mahahalaga at mahal ko sa buhay.
Bago ako sumagot ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Maraming salamat ulit, Zachary Shu sa lahat-lahat. Utang ko sayo ang buhay na meron ako. Espesyal ka sa akin, Master Shu."
Bumitaw ako ng yakap sa kanya ngunit ang kamay ko ay nasa kamay niya pa rin nakahawak.
"Tara na."
Isang iglap lang ay nasa harap na kami ng malaking pinto ng Palasyo. Binalingan ko si Master Shu at nagtatakang tumingin sa kanya. Nakabitaw na rin ang kamay ko sa kanya.
"Akala ko sa South Academy tayo tulad ng hiling ko, bakit nandito tayo?"
"Buksan mo na lang ang pinto." Mas lalong nangunot ang noo ko. Kusang nagbubukas o sara ang pintong nasa harap namin pero gusto niyang buksan ko ito. Kahit nagtataka ay lumapit ako rito at itinulak pabukas.
Naestatwa ako sa kinatatayuan nang makita ko ang nasa likod ng malaking pinto.
"Maligayang pagbabalik, Xhiara Miya Landell!" Sabay sabay nilang bati na ikinabagsak ng luha ko.
Unang dumako ang tingin ko sa naluluhang sina ina at ama, si Kuya Zell na katabi si Kira, si Kuya Zann na nakaalalay kay Alira, si Wyrro, si Shana, si Mhina, si Dayne, si Jhare, ang mga dati kong kaibigan, ang mga konseho, at ang iba pang legends.
Silang lahat ang naghintay sa akin dito? Muling umikot ang paningin ko pero hindi ko siya makita. Nasaan si Kyzen? Bakit wala siya rito? Natagalan ba siya sa kahihintay sa akin? Pero lahat naman ng ginawa ko at pinagdaanan ko ay para makasama siya. Bakit hindi siya kasama sa mga narito? Alam ba niyang babalik ako? Ang sabi ni Master Shu naghihintay sila sa akin pero bakit hindi siya nila kasama? Bumuhos ang luha ko sa mga tanong na nasa isip ko.
Lumapit sa akin sina ina at ama at niyakap ako. Sumunod sila kuya, at ang iba pa.
"Ina, ama, nasaan siya?"
Dumako ang tingin ko kay Alira.
"Alira, si Kyzen?" Sa halip na sagot ang makuha ko ay umiwas siya ng tingin.
"Anong nangyari? Saan siya? Bakit hindi nyo kasama?" Sunod sunod na tanong ko pero ni isa ay wala silang sinagot. Kinabahan ako. Nanghihina.
"Anak, salamat at bumalik ka na rin sa amin." Umiiyak si ina. Nanumbalik ang isip ko sa kanila ni ina at ama at binigyan sila ng yakap. Umiyak ako sa bisig nila.
"Mahal ka namin ng ama mo, anak. Proud na proud kami sa iyo." Malambing na payahag ni ina habang hinahaplos ang likod ko.
"Bunso..."
Humiwalay ako ng yakap kina ama at ina saka binalingan ang dalawa kong kuya. Yumakap ako sa kanila at muling umiyak.
"Miss na miss ka namin, Bunso. Patawarin mo kami kung hindi ka man lang namin natulungan nung naghihirap ka. Patawad kung nagkulang kami sa iyo bilang kuya mo." Umiling ako. Walang nagkulang, sadyang hindi lang talaga madali ang lahat ng mga bagay.
"Anak, oras na."
Nagulat ako nang humiwalay sa akin sina kuya Zell at kuya Zann. Pagharap ko kina ina at ama ay napakunot noo ako nang mapansing kami kami na lang ang nandito.
Nabigla rin ako nang may tumugtog na musika sa Palasyo. Ngayon ko lang rin napansin ang telang naghaharang para makita ang malawak na bulwagan ng Palasyo.
"Anong meron?" Hindi ko mapigilang hindi maisaboses ang pagtataka.
Lumapit sa akin sina ina at ama. Pumwesto sila sa magkabilang gilid ko. Kapwa nilang inilagay ang braso ko at ipinulopot iyon sa kanilang braso.
"Ina? Ama? Anong meron?"
"Mahal na mahal ka namin, anak. At alam naming ang lahat ng paghihirap mo ay dahil sa kagustuhan mong sumaya rin. Na nalampasan mo ang lahat kasi may ibang pinanghuhugutan ang lakas mo. Na ang pagmamahal mo ay mabigyang panahon rin sa kabila ng tungkuling meron ka sa mundong ito. Nararapat lamang na mapalitan ang lahat ng sakripisyo mo."
"Ina..."
"Hindi ka pa pweding magpakasal dahil wala ka pa sa nararapat na edad para magpakasal ang mga legend, ngunit ang seremonyang gaganapin ngayon ay para sa pangako ng pagmamahal na kapag dumating na ang tamang oras ay itatali na panghabang buhay."
"Ama..."
"Naghihintay na ang lalaking kanina mo pa hinahanap." Ngumiti silang pareho sa akin. Natigilan ako ngunit muli nila akong iginaya.
Nauna sina kuya Zell at kuya Zann sa amin. Sila ang humawi ng mga tela at ganun na lang ang pagbuhos ng masaganang luha sa mga mata ko nang makita ang lalaking pinakamamahal ko, nag-iisa sa gitna at inaabangan ang paglapit ko.
"Kyzen..."
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Sa namumula niyang mata at pisnge ay alam kong umiiyak siya. Gusto ko siyang yakapin. Isabi lahat ng naranasanan ko nung pinaglaban ko ang pagmamahal sa kanya sa mga naunang henerasyon ng mga legend. Na kaya ako natagalan ay dahil nilabag ko ang nakatadhana na para ako sa unang legend at hinarap ang kapalit ng ginawa kong paglabag, ang paghihirap na ipinataw sa akin. Na sa araw-araw ay iba't ibang pagsubok para manghina ang katawan ko. At sa bawat araw na iyon ay unti-unti akong binawian ng kapangyarihan.
Mahirap pero kinaya ko. Masakit pero tiniis ko. Nakakapagod pero pinagpatuloy ko.
"Hello, ate Yara!"
Napatingin ako kay Alira na may hawak na mikropono. Nakangiti ito sa akin ngunit patuloy na bumubuhos ang luha sa kanyang mga pisngi.
Humiwalay sina ina at ama sa akin at sinenyasan akong magpatuloy sa paglakakad.
"Matagal na namang hinihintay ang pagbabalik mo. Nais lang namin malaman mo na alam namin ang nangyayari sayo sa loob ng mga buwan na hindi ka namin nakikita. Alam namin ang paghihirap mo. Hindi sumablay sa pagsasabi sa amin si Master Shu sa kalagayan mo. Hindi mo man kami kasama sa laban mo na iyon, araw-araw naman na hiling na sana ay bumalik kang maayos ang kalagayan at buhay. Araw-araw ay humihingi kami ng patawad sa lahat ng sakripisyo mo ay para sa kapakanan naming lahat at nung kapakanan mo naman ang pinaglaban mo ay wala kami sa tabi mo."
"Mahal na mahal ka namin, ate Yara. Habang hindi pa bumabalik ang kapangyarihan mo ay narito kami para sayo."
Habang palapit sa pinakaunahan ay umikot ang tingin ko sa mga taong narito. Lahat sila ay nakangiti sa akin. Narito rin pala ang iba pang naging parte ng storya ng buhay ko, namin.
"Ate, masaya kami para sayo. Masaya ako para sa iyo. At alam naming lahat kung sino talagang magpapasaya ng sobra sayo."
Dumako ang tingin ko kay Kyzen. Nasa harap ko na siya. Nanginig ang balikat ko at mabilis kong tinawid ang pagitan namin para yakapin siya. Umiyak sa bisig niya. Humigpit ang yakap ko sa kanya at ganun din siya sa akin.
"Patawad k-kung natagalan ako."
"Shh. Ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo. Dahil sa akin naghirap ka. Dahil sa akin ay lumabag ka na naman. Kumpara sa iyo ay walang-wala ako, Yara. Napakataas mo para sa akin."
Umiling ako sa pagitan ng paghikbi.
"Mahal na mahal kita, Yara na kahit na nakatadhanang hindi ka para sa akin ay maluwag kong tatanggapin. Na masaya na ako at naging parte ako ng puso mo, ng buhay mo. Pero kung papipiliin ako ay ikaw pa rin. Na hindi ako magmamahal ulit kung hindi ikaw. Ikaw ang una't huling iibigin ko."
"Proud na proud ako sayo, Yara. Ikaw ang naging magandang regalo ng nakakataas na binigay sa akin."
Humiwalay siya ng yakap sa akin at pinagmasdan ako. May kinuha sa kanyang bulsa at lumuhod sa harap ko. Inilahad sa harap ko ang kamay niyang may hawak nang singsing.
"Payag ka bang pakasalan ako sa takdang oras, Xhiara Miya Landell?"
Sunod-sunod ang pagtango ko sa kanya.
"Oo. P-papakasalan kita, Kyzen Fontales."
Napuno ng palakpak ang bulwagan sa sagot kong iyon.
Niyakap niya ako. Humihikbi na ako sa labis na pag-iyak ngunit ang puso ko humihiyaw sa tuwa. Ang isip ko ay nagbubunyi.
Napagtanto ko, tulad ng pagiging proud nila sa akin ay dapat maging proud rin ako sa sarili ko. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko pero naabot ko rin yung sayang kapalit nun. Ang sayang dulot na sa wakas ay nagtagumpay ang mga pinaglaban ko.
Dapat ay maging proud ako sa sarili ko na matapos kong ipaglaban ang karapatan ko bilang legend ay nagawa ko ring mabigyan ng pagkakakataon na ipaglaban naman ang karapatan ko magmahal ng taong laman talaga ng puso't isip ko.
Natapos ko rin ang labang hindi ko napaghandaan, ang laban ng pag-ibig sa gitna ng tungkulin at responsibilidad ko bilang ikalawang legend.
*****
-btgkoorin-
2-22-22 (Manifesting good grades, good health, glow up, big wins)
Lumayag na ang dapat lumayag hahaha. Sana ol na lang po.
I know marami sa inyong Team Shu, but I want you to know na Team Kyzen talaga ang endgame. Ang hidden clue ay yung fact na ngayong lang nareveal ang true name ni Shu which is Zachary (sinearch ko yung meaning nito, I think bagay naman since first legend siya hahaha). With that, hindi talaga siya ang makakatuluyan ni Yara. Hindi siya malulungkot dahil may lovelife din siya (ako yun). Kapag (kapag lang naman) naging libro ito, gagawa ako ng extra special chapter about kay bebe Shu haha.
Btw, see you again...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top