Special Chapter 1

Xhiara Miya Landell

Sa lahat ng naging sakripisyo ko, nagbunga rin ito nang maganda. Hindi rin lingid sa kaalaman ko ang pananaw nila tungkol sa ginawa ko. Simple, pinalabas kong makasarili ako para walang makapigil sa hangarin ko. Nasaktan ang mga taong nasa paligid ko pero wala akong pinagsisihan.

Ang pagiging isang legend ang pinakamabigat na responsibilidad kung kaya't mula nang magising ako ay ang pag-aaral sa pagpamumuno ang nais kong tutukan. Ngunit bago iyon ay nagpasya muna akong makasama ang mga mahal ko sa buhay.

"Ate Yara, ganun ba talaga si kuya Zann mo?" Nangunot ang noo ko.

Sinama ko siya sa tirahan naming sa North at mag-da-dalawang buwan na kami dito. At isang buwan ko nang nahahalata ang pagkagusto niya kay kuya Zann. Nang umalis kami sa South ay akala ko si Dayne ang gusto niya pero nang makilala niya ang kuya ay biglang nagbago.

"Bakit?"

"Kasi ate, ayaw niya yata sa akin pero ang sweet naman nya sa inyo." Nakanguso siya habang nakapangalumbaba sa aking mesa. Ako naman ay nakasandal sa ulunan ng kama.

Sa mga ipinapakita ni kuya Zann sa kanya, nahihinuha kong nagkakagusto na rin ang kuya ko sa kanya at palagay ko ay panakip lang ni kuya ang mga kilos niya sa nararamdaman niya kung kaya't sinusungitan niya si Alira.

Wala namang problema sa aking kung sila ang magkatuluyan dahil gusto ko na ring maging opisyal na parte si Alira ng pamilya ko sa paraang ikasal siya sa kuya Zann ko.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni kuya Zann kaya nagsalita ako.

"Naghahanap si Zyn ng kapareha para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang kapatid, ikaw na lang ang imu-mungkahi ko. Hindi ka naman lugi doon kung magkatuluyan kayo dahil legend naman iyon."

Sa sama ng tingin sa akin ni kuya Zann ay napangisi na lang ako.

"Mukhang magandang ideya 'yon ate." Ani ni Alira na tila nabuhayan kaya napatawa na ako.

"Handa na ang hapunan!" Malamig na sabi ni kuya Zann at umalis. Pansin ko naman ang gulat ni Alira.

"Ate, narinig niya?" Tumango ako na ikinamutla niya. Pfft. Ang sarap nilang asarin na dalawa.

Maayos na natapos ang hapunan maliban sa ipinapakitang kasungitan ni kuya Zann kay Alira at sa akin. Nakangisi lang ako habang pinapanood ang kilos nito. Si Alira naman ay hindi pa rin nawawala ang pagkaputla. Napailing na lamang ako.

Kinabukasan ay maaga kaming nagisng ni Alira upang maghanda sa pagbisita sa South Academy. Magpapaalam ako kina Kyzen tungkol sa pag-alis ko kasama si Shu patungo sa tirahan ng ika-una at ikalawang legend ng ikapitong henerasyon para turuan at husayin ako.

"Kung magpapatuloy ang ganyang ipinapakita mo sa kanya siguradong hahanap talaga siya ng iba." Sambit ko kay kuya Zann bago kami tuluyang umalis.

Nagteleport lang kami ni Alira sa gate ng South Academy at agad naman kaming pumasok.

"Si Legend Miya!" Simula nang malaman nila ang katauhan ko ay ito na ang itinawag nila sa akin at panay ang pagyuko bilang paggalang. Parang kelan lang nung unang pasok namin dito.

Napahinto kami sa paglakad nang salubungin kami ni Madam Min. Nagbigay galang ito sa akin at ngumiti lamang ako.

"Magandang araw, Madam Min! Ang Ablaze?"

"Nasa klase pa sila." Tumango ako. Hindi na ito nang usisa pa at bumalik sa kanyang opisina.

Nagpasya kaming sa Cafeteria na lang maghintay ni Alira. Siya ang kumuha ng pagkain naming dalawa. At tulad pa rin dati ay usap-usapan pa rin kaming dalawa pero may nagbago. Wala na ang pangungutya. Isa ako sa nag-angat ng karangalan ng paaralang ito kaya't dapat lang ipinapakita nila.

"Ate Yara, dito na lang siguro ako magpapatuloy ng pag-aaral."

Nakaraan ko pa siya inanyayahang mag-aral sa North Academy at ngayon niya lang ako binigyan ng sagot.

"Sumusuko ka na kay Kuya Zann?" Tanong ko at ngumisi sa kaniya.

"Hindi niya naman ako gusto kaya ayos na ako dito."

Tumawa ako at ngumuso naman siya. Manhid.

"Okay, sabi mo e."

"Wala man lang pampalubag ng loob ate? Hindi na nga ako pinansin kanina hayss! Tapos tatawanan mo lang ako."

"Ikaw lang naman ang may sabi na hindi ka niya gusto kung sa tutuusin ay --- kakausapin ko si Madam Min sa pagbabalik mo dito."

"Kung sa tutuusin ay? Ano ate?"

"Naniniwala na talaga ako na walang panama yung matagal na pagkakikilala kapag bigla kang nahulog sa kakilala lang."

Tukoy ko sa kaniya, kay kuya Zann na may nililigawan pero tumigil nang makilala si Alira at syempre, sa sarili ko.

"Legend Miya! Alira!" Napalingon kami sa bukana ng cafeteria at nakita ang Ablaze kasama si Wyrro. Tumakbo sila palapit sa amin. Tuwang-tuwa na makita kami. Nang makalapit ay nag-alangan pa sila sa iaakto kahit na sinabi kong pwedi nila akong tawagin sa dating tawag nila sa akin.

Na-ikwento ko na rin sa kanila nakaraan ang lahat ng pangyayari kaya malinaw na sa kanila ang mga ginawa ko.

"Kamusta?"

"Ayos lang kami. Medyo malungkot kasi hindi na namin kayo kasama."

"Magpapatuloy si Alira dito. Kapag wala nang pasok ay maari kayong bumisita sa Legend City o sa distreto ko."

"Waaahh!"

Niyakap ako ni Mhina at Shana. Natawa na lamang ako. Tinanguan ko si Dayne at Jhare, at Wyrro. Nang huminto kay Kyzen ay ngumiti ako sa kaniya. Seryoso siya pero agad ring ngumiti.

Umupo ako sa upuan ko at tumabi sa akin si Kyzen. Nagsi-upo na rin ang sila at agad na kumuha ng pagkain maliban sa amin ni Alira.

"Nandito kami para magpaalam. Ako lang aalis at sinamahan lang ako ni Alira rito."

Biglang nalungkot ang mga mukha nila. Napahawak sa kamay ko si Kyzen kaya nilingon ko siya.

"Mag-aaral at mag-eensayo ako sa tahanan ng una at ikalawang legend ng ikapitong henerasyon kasama si Shu. Limang buwan kami magtatagal at bukas na kami maglalakbay patungo roon."

Wala silang naging imik. Naisip na mahalaga ang gagawin ko at wala silang magagawa.

"Malaki ang responsibilidad ko sa mundo natin at hindi ko pweding balewalain iyon. Ikalawang Legend ako at alam kong alam nyo ang tungkulin na nakaatas at hawak ng katauhan ko."

"Akala ko nga ay nagtapos na nung namatay ako haha."

"Ate!"

"Yara!"

Tumawa lang ako sa reaksyon nila. Nilingon ko si Kyzen at tumayo. Hinila ko siya at nagpaalam sa natira. Napadad kami sa isang bench sa gilid ng field at naupo.

Gusto ko siyang kausapin sa mga bagay bagay sa pagitan namin. Hindi namin ito nagawa pagkagising ko dahil sa pag-uwi ko sa North. Ang isa pang malinaw tungkol sa aming dalawa ay mahal namin ang isa't isa pero ang estado namin ay hindi magkarelasyon.

"Nung na-realize ko ang totong pagkatao at papel mo sa mundong ito, ang totoo ay nag-aalangan akong ipaglaban yung nararamdaman ko para sayo."

"Tinanggap ko lahat ng tungkol sayo kahit na sobra iyon para sa akin. Mahal kita. Mahal na mahal. Pero ang kalaban ko sayo ay ang tungkulin mo, ang oras mo. Kaya naiintindihan ko na kung bakit kahit na mahal mo ako ay hindi mo kayang ibigay sa akin ang gusto kong estado natin."

Tumango ako.

"At nauunawaan ko pero natatakot akong magbago ang nararamdaman mo sa akin. Hindi ito ang tamang oras para sa ating dalawa pero, sana...sana ako pa rin sa huli."

Namasa ang dalawang mata ko at niyakap siya. Yumakap siya pabalik at ramdam ko ang higpit nito.

"Salamat sa pag-unawa, Kyzen."

Dito na kami naghapunan kasama ang Ablaze at nagpalipas ng gabi. Kinaumagahan ay agad akong nagpaalam na pupunta na ng Legend City para kay Shu na naghihintay sa akin dahil sabay kaming tutungo.

Alam kong nalulungkot si Kyzen sa sitwasyon naming pero wala akong magagawa. Ayaw kong mahirapan siya kapag kami na at wala ako lagi sa tabi niya dahil sa responsibilidad ko. At ayaw kong magpadalos-dalos ng desisyon pagdating sa buhay pag-ibig ko dahil pareho kaming maaapektuhan.

Pagdating ko sa Palasyo ay sumalubong sa akin si Zyn. Nasa kwarto daw nito si Shu at hindi pa lumalabas.

"Sayang at hindi kayo makakadalo sa kaarawan ng kapatid ko. Nga pala, si Alira?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

"Bakit?" Balik kong tanong pero umiwas siya ng tingin.

"Wala!" Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad palayo. Problema niya?

"Nasa kuya Zann ko, agawin mo!" Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Tawang-tawa naman ako sa reaksyon niya. Napailing na lamang ako at gustong bumalik sa South Academy para ibalita kay Alira at pumunta sa North Academy para asarin si kuya Zann. Si kuya Zann pa rin naman ang gusto ko kay Alira, hindi ko lang inaasahan yung nahihinuha ko kay Zyn.

"Tara na, Miya."

Isang malamig na boses ang nagpalingon sa akin sa likuran ko. Tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Shu. Natigilan ako. May epekto talaga sa akin ang presensya niya kapag magkasama kami.

Sumunod ako sa kanya palabas at may isang karwahe na roon. Inalalayan niya ako paakyat at sumunod siya. Ang gamit naman naming dala ay nasa likuran.

Simula nang nagising ako at manatili ng ilang araw sa Legend City ramdam ko ang paglayo niya sa akin dahil alam niyang may minamahal ako. Hindi ko man gusto dahil kaibigan ko siya pero lumamig ang pakikitungo niya sa akin. Maging ngayon ay malaki ang agwat naming sa kalesa, parehong nasa magkabilang gilid. Tahimik lang din siya habang nakapikit ang mga mata.

Napahinga ako ng malalim at pumikit na lang din kahit na tirik ang araw sa labas ng kalesa. Nagising lang ako nang may tumapik sa akin at nakita ko siyang mataman akong tinitigan.

"Nasa bayan na tayo ng Silangan at malayo pa ang pupuntahan natin kaya huminto tayo para magtanghalian." Aniya at tumango naman ako.

Paglabas ko ay bumungad sa akin ang maingay na pamilihan. Dalawa lang kami ni Shu ang naglalakad at wala kaming kasamang tagapagbantay. Lahat ng madaanan namin ay nagbibigay galang at usap usapan kami. Nagulat sa presensya namin. Lutang din kami sa karamihan dahil sa magarang kasuotan.

Huminto kami sa isang kainan at agad naman kaming pinagsilbihan. Halos sa taranta ng may-ari ay yung kanyang mga katuwang na may inaasikasong ibang kakain ay pinapunta sa pwesto namin ni Shu.

"Isang karangalan para sa akin, bilang may-ari nitong kainan ang maging kustomer kayo Master at Mistress, nawa'y magustuhan nyo ang aming hinahain."

"Salamat po." Tugon ko at ngumiti. Nasa gitna ang mesa naming dalawa at naghihintay na dumating ang pagkain na napili namin.

Magkaharap kami ni Shu kaya malaya ko siyang matitigan. Tahimik pa rin siya at minsan lang ako tignan. May parte sa akin na nagtatampo sa kilos niya pero inuunawa ko na lamang.

"Ako lang ba? Bagay sila Master Shu at Mistress Miya sa isa't isa."

Napalingon ako sa nagsalitang iyon at napansin ang may karangyaan ding kasuotan na grupo ng mga babae at lalaki. Nang makita nila akong nakatingin sa kanila ay namula sila.

"Ang ganda niya talaga!"

"Gusto kong humingi ng autograph, ang astig niya nung legend cup."

Ngumiti naman ako sa kanila kaya halos maestatwa at sobrang mamula sila. Natawa ako ng mahina dahil sa reaksyon nila. Minsan nagugulat rin ako sa ipinapakita ko dahil nagawa kong ibalik ang dating ako na palangiti at mahilig makipag-usap sa marami.

Natigil ako at ibinalik ang tingin sa mesa nang i-handa rito ang aming pagkain. Todo alalay rin ang may-ari at gustong perpekto ang pagserbisyo sa amin.

Tahimik lang kaming dalawa na kumakain pero ramdam naming ang pagdami ng mga nakamasid sa amin. Nahihiya akong kumain ng marami dahil baka isipin nilang ang takaw ko. Pero nakakatakam kasi talaga ang pagkain kaya nagiging mabilis ang subo ko at nakakarami na rin ako.

"Mabulunan ka."

Puno ang bibig at lumulubo ang pisngi ay umangat ako ng tingin kay Shu. Tumango ako at unti-unting nginuya ang nasa bibig. Napansin ko pa ang pag-iling niya.

"Ang cute niyaaa!"

Umiinom ako ng tubig ng bumukas ang pinto ng kainan at pumasok ang isang grupo. Pamilyar sila sa akin dahil nakaharap namin sila sa Legend Cup. Halata sa kanila ang pagkamangha nang makita kami ni Shu. Kumuway ako sa kanila at ngumiti. Tulad sa kaninang grupo ay namula rin sila pati ang mga lalaki.

"Tutuloy na kami ni Mistress Miya."

Nilingon ko si Shu na nakatayo na kaya agad rin akong sumunod at nagpasalamat sa may-ari ng kainan. Nagbigay galang ang lahat ng nasa loob at binigyan kami ng espasyo para makadaan kami.

Nang madaanan namin ang grupo ay nginitian ko sila.

"Maglaban tayo sa sunod." Sambit ko.

"Hihintayin namin iyon, Mistress Miya."

Bumalik na kami sa karwahe at nagpatuloy sa pagbyahe. Ganun pa rin ang eksena nang papunta kami rito kaya tinitigan ko si Shu. Kahit anong tagal ng titig ko sa kanya ay hindi niya pa rin ako nililingon. Sumandal ako sa gilid ko at hindi pa rin inalis ang titig sa kanya. Sumandal rin siya at pumikit. Kung kanina nauunawaan ko pa ngayon ay naiinis na ako. Wala palang pansinan a.

Nang huminto kami sa isang malaking tarangkahan ay agad akong bumaba. Sinalubong kami ng ilang tagapagbantay ng mansyon at ginabayan naming kami papasok. Nauuna ako sa paglakad at naiinis sa kasamang nahuhuli. Hindi ko rin magawang mamangha sa paligid dahil sa nararamdaman ko.

Nang makapasok ay iginaya kami sa opisina ng Master at Mistress. Pagpasok namin ay agad kaming bumati at nagbigay galang. Pinaupo rin kami sa sofa at pumwesto ako malayo kay Shu.

"Kamusta, Miya, Shu?" Si Master Zux. Sa tabi niya ang nakangiting si Mistress Zinah.

"Maayos lang po." Sagot ko.

"Ganun rin po ako." Si Shu.

"Nandito kayong dalawa, lalo ka na Miya para matuto at mag-aral bago tuluyang pahintulutan ka sa pamumuno sa at gawin ang tungkulin mo. Kaming tatlo ang tutulong sayo sa dapat mong malaman at matutunan. Lalo na si Zinah na siyang dating nasa pwesto mo."

Tumango ako.

"Ang iba pang detalye ay ipapahayag ko sa iyo bukas. Ngayon ay tumuloy muna kayo sa inyong silid upang magpahinga."

"Maraming salamat po."

Si Mistress Zinah ang sumama sa amin para ihatid kami sa silid na para sa mga panauhin. Magkatabi lang ang silid naming ni Shu. Agad kaming nagpasalamat rito at pumasok sa kanya-kanyang silid.

Tulad ng sabi ni Master Zux, nagsimula ang pag-aaral ko sa pagbabasa ng iba't ibang aklat sa kanilang silid aklatan. Halos dun ko na ibuhos lahat ng oras ko at bawat pagtatapos ng isang linggo ay nagkakaroon ako ng pagsusulit. Si Shu ang nagiging bantay ko sa mga ginagawa ko.

Natapos ang isang buwan ay lumipat kami sa pag-aayos ng kilos, mga ugali na dapat kong taglayin bilang pangalawang Legend. Mga dapat gawin bilang katuwang ni Shu at bilang may hawak ng kapangyarihan sa batas sa mundong ito.

Nang magsimula ang pagsasanay na iyon ay biglang may nag-iba sa kilos ni Shu. Hindi tulad sa nagdaang buwan na iniiwasan niya ako, biglang nagbago. Napapansin rin iyon nina Master Zux at Mistress Zinah.

Yung mga kilos ni Shu, masyadong nakakapanibago. Nagpapakita siya ng motibo ng pagkagusto sa akin. Nagpaparamdam siya ng kanyang nararamdaman para sa akin. At hindi ko alam ang gagawin.

"Nagsisi akong hindi kita inangkin agad kaya ngayon na may panahon na ako, gagawin ko ang gusto ko."

Hindi ako pinatulog ng mga kataga niyang iyon. Lalo na't pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako. Iniwasan ko siya. Hindi ko pinapansin ang mga ipinapakita niya. Ngunit hindi sapat ang ginawa ko para pigilan siya. Nagpatuloy iyon hanggang sa ikaapat na buwan na pamamalagi namin.

Halos lahat ng kilos ko nandyan siya. Makawala man ako ay saglit lang. At natatakot ako na yung dating paghanga ko sa kanya bilang lalaki ay mabuhay dahil sa mga kilos niya. Yung tibok ng puso ko lumalala. Kinakabahan ako. Na baka pagtapos ng limang buwan ay siya na ang laman ng puso ko.

Si Kyzen. Kailangan kong isipin si Kyzen.

"Nalagay rin ako sa sitwasyon mo. Nagmahal ako ng iba noong mga panahong hindi ako handa sa pagiging Legend. Iniisip ko na kapag iba ang nakatuluyan ko ay matatakasan ko ang tungkuling iyon. Akala ko dati pweding ipasa sa iba ang pagiging Legend. Ngunit nagkakamali ako."

"Matagal bago ko tinanggap ang totoo kasi naguguluhan ako. Maraming bagay ang ayaw ko isakripisyo, mga bagay na ayaw kong mawala sa akin pero nakatadhana na pala iyon."

Tiningnan ako sa mata ni Mistress Zinah at mula sa kanyang likod ay may inaabot siya sa aking aklat. Bago ko lamang ito nakita at akmang bubuksan ko na nang magsalita siyang ulit.

"Sa lahat ng henerasyon, mula sa pinakauna hanggang sa inyo ay lalaki ang unang legend at babae ang ikalawang legend. Dahil iyon ang nakatadhana. Ang ikalawang Legend ang batas sa mundong ito pero ang unang Legend ang batas sa puso nito."

Napalingon kami kay Master Zux na kakapasok lamang. Sa likod niya ay si Shu na deretso ang tingin sa akin.

"Sa madaling salita, ang ikalawang Legend ay para lamang sa ika-unang Legend."

*******
-btgkoorin

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top