Chapter 9: Fice

XHIARA LANDELL

Ang tiwala hindi agad binibigay, paghihirapan muna bago maibigay.

Ang isang tingin ay hindi basehan na dapat mo syang pagkatiwalaan. Mauuwi lang ang tiwala mo sa pagkasira.

Dalawang minuto ang lumipas mula nang mag-teleport ako mula sa Dean Office papunta dito sa Room namin ni Alira. At ang babae ay ganun pa rin ang pwesto mula nung unalis ako. Nasa Sofa pa rin at natutulog.

Lumapit ako sa pwesto nya at tinapik-tapik ang pisngi nya. Gumalaw naman sya at nagmulat na rin ang mga mata nya.

Medyo nagulat pa sya pero tiningnan ko lang sya ng seryoso.

"Tumayo ka na dyan may pupuntahan tayo" tumayo naman siya na parang kulang pa sa tulog. Total hapon na din at paggabi na.

"Malayo ba yan ate Yara, magteleport na lang tayo , inaantok pa ako eh" Tumango na lang ako.

Gusto ko sana ay maglakad lang para paghintayin yung tatlo.

Wala pa nga kasing klase may ipinapagawa na sa akin. Isasama ko na lang si Alira para may kadamay ako.

At saka ayaw ko syang iwan dito, masyadong agaw-pansin ang aming mga maskara. -____-

Hinawakan ko siya at nagteleport pabalik sa Dean Office. At yun pa rin yung tatlo di man lang umalis sa pwesto nila.

Sinenyasan ko naman si Alira na umupo sa tabi ko. Yung dalawang lalaki naman ay lumipat sa upuan kanina nung Messeauty.

"Bakit ako nandito?" naamatingin kaming apat kay Alira na takang-taka pa kung saan siya. Luminga-linga pa siya tapos lumaki ang mga mata matapos mapatingin kay Dayne at tumingin sa akin na nagtatanong. Sa halip na sagutin siya ay inirapan ko siya.

Nahihiya ako sa ginagawa niya. -___-

"Balik tayo sa gusto kong ipagawa sa inyong apat...Hindi ko inaasahan na magpapadala ng lihim na tulong ang Dean ng Harmell Academy sa school natin sa halip na sa Council. Bilang isang Dean ng school ay mahirap tanggihan ang tulong na kailangan nila. Nais ko sana na kayong apat ang ipadala ko-"

"Bakit kami? Bakit hindi na lang ang buong Ablaze?" masuring tanong ko.

Nakita ko din ang mga mata ng dalawang lalaki na pareho ang tanong sa akin.

"Bakit nga ba hindi ang buong Ablaze, Sa tingin mo bakit kaya?"

Tiningnan ko sya ng makahulugan at alam kong may alam siya. Kanina ko pa napapansin yung mga senyas ng mga kamay niya. Binabasa niya ang nakaraan ko.

Inirapan ko na lang sya sa ginagawa niya at hindi rin nakawala sa paningin ko ang paglaki ng mata niya. Dalawang tao na ang nakaka-alam at tama na yung dalawa.

Pasalamat sya ay Dean sya ng School na ito. Nararapat niyang malaman ang background ng mga estudyanteng papasok sa malaking paaralan na ito.

"Ipaliwanag mo na yung mga dapat naming malaman" walang gana kong sabi.

"A-ah yun nga, N-nais ng Dean nila n-na tulungan natin s-sila..." tiningnan ko naman siya ng masama.

"May hindi daw maipaliwanag na nangyayari sa kanilang paaralan. Tuwing ika-6 ng hapon ay laging may nakikitang estudyanteng nahihimatay. Gusto ko sanang tulungan niyo sila upang malaman kung ano ang dahilan. Ang Dean na ang magpapaliwanag sa inyo. Magtatagal kayo dun ng 3 araw kaya mas mabuting dalhin niyo na ang sapat na gamit na magagamit niyo doon. Ang nais ko sana ay bago magliwanag ay makaalis na kayo. May ipinahanda akong sasakyan para sa inyong pag-alis. Magkita na lamang tayo sa harap ng gate."

"Pero Madam Min, hindi kami makakasama sa Ceremony na gaganapin sa makalawa." Hindi pa rin pala inaalis ang ceremony tuwing unang pasukan.

"Ikinalulungkot ko pero wala tayong magagawa. Hindi ko inaasahan na isa sa ating mga legend ang magiging panauhin sa gaganaping seremonya, humihingi ako ng tawad" Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo! Isang karangalan sa isang paaralan ang bisitahin ng isang legend.

"Sa tingin mo po Madam Min sino sa lima?" interesadong tanong ni Kyzen.

Sino kaya?

"Master of Ability, Master Zyn" Lumaki ang mata ng dalawang lalaki. Maski nga ako ay hindi makapaniwala.

Yung Master na iyon. Nakilala ko na sya at masasabi kong ayaw ko na sya ulit makita.

"Maaari na kahong umalis dahil maaga pa kayo bukas"

Naunang tumayo ang dalawang lalaki. Tumingin pa sila sa amin ni Alira at mukhang magpapaalam. Nagkasalubong kami ng tingin ni Kyzen pero inirapan ko lang sya. Hindi ko na nakita ang paglabas nila dahil tumayo na rin kami ni Alira.

"Maari ba kitang maka-usap Miss Yara?" tumango ako at sinabihan si Alira na maghintay muna sa labas ng pinto.

Lumapit sa akin si Madam Min at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa at ibinalik ulit ang tingin sa mga mata ko.

"Hi-"
"Nararapat nyo lang malaman dahil kayo ang Dean. At sana kung ano man ang nalaman mong plano ko ay huwag kang mag-alala ako ang bahala, isipin mo na lang na wala kang alam tungkol sa akin. Aalis na kami" tumalikod na ako at binuksan ang pinto.

"Ang katumbas ng buhay ay buhay din Miss Yara."

"Alam ko" Niyaya ko agad si Alira pagkasarado ko ng pintuan.

'Malalaman mo din sa tamang oras, Madam Min. Sa ngayon yan lang muna'

Pero isa lang talaga ang masasabi ko...ANG DAMING NANGYARI SA ARAW NA ITO.

KYZEN FONTALES

Naiinis talaga ako sa kanya lalo na sa ugali niya.., di man lang nag-po kay Madam Min. Mas lalong ayaw ko sa maskara niya.

Ang pangit siguro ng mukha niya kaya nagmaskara siya. Sabagay bakit niya pa ipapakita ang mukha niya kung hindi naman kaakit-akit. Tama!

"First kain na" sigaw ni Mhina mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Hindi ako sumagot pero alam naman niyang susunod din ako. Inaayos ko pa kasi yung bag na dadalhin ko sa pag-alis namin bukas.

Lumabas naman ako sa kwarto nang tahimik.

Kawawa naman ako. Hindi ko makikita ay makikilala sa personal si Master Zyn.
Nakarating na ako sa baba at nakita ko naman silang nakaupo na sa kanya-kanyang upuan.

"Nabalitaan ko na kanina lang daw nagpakita si Master Zyn sa mga Legend sa loob ng dalawang taong pagtatago nito. At dahil sa ginawa niya ay inutusan siya ni Master Shu na maging panauhin dito sa ating paaralan sa darating na taunang Ceremony" Pinapainggitan yata ako ni Mhina.

Nagkatinginan naman kami ni Dayne at sabay na nagbuntong hininga. At mukhang napansin pa kami ni Jhare.

"Anong nangyari sa inyong dalawa? Umulan ba at ganyan ang pagmumukha niyo haha"

"Gusto mo ng apoy/ Gusto mo ng yelo" sabay pa na sabi namin ni Dayne.

Tumawa naman sila Shana at Mhina.

"Nagdadalamhati ang fice. Mainit ang ulo ng fice. Kailangan ako ng fice. Baka galit sa akin ang fice. Gwapo ang fice. Lumalamig na ang fire. Umiinit na ang ice. Baka umulan ng fice....WAAAHHHHHH" Tumayo naman ako at ganun din si Dayne. Si Jhare naman ay tumakbo papunta sa kwarto niya.

Siraulo!

Bumalik kami sa pagkakaupo at nagsimulang kumain. Habang ang dalawang babae ay tawa ng tawa.

Natapos na kami kumain bago bumalik si Jhare. Nagtaka pa sya kung bakit nakatayo na kami.

"Ang bilis nyo naman kakain pa lang ako ah"

"Ikaw ang maghuhugas ng plato" napangiwi naman sya. Pero nagsimula na din syang kumain nang nakabusangot. Lihim naman kaming natawang apat.

Bumalik na kami sa aming mga kwarto. Habang si Jhare ay naiwan. Hihiga na sana ako sa kama ko ay narinig ko ang tunog ng nabasag sa kusina. Hindi lang ilang beses kundi apat na beses.

"BAKIT MO BINASAG ANG MGA PLATO"
Umalingangaw na naman ang boses ni Shana. Basta pagdating sa mga nababasag na bagay ay nagagalit sya.

"May isa pa namang natira...hehe" rinig ko pang sabi ni Jhare.

"HUWAG KANG KAKAIN BUKAS BUONG ARAW"

"Baka kayo ang hindi makakain, plato ko lang ang natira at hindi nabasag"

"SASAGOT KA PA, BAKA GUSTO MONG HUMIWALAY YANG ANINO MO SA KATAWAN MO!"

"Paano?...Aw Aw ouch aray"

"TAMA NA YAN MAGKATULUYAN KAYO NYAN" sigaw pa ni Mhina.

Paano ako makakatulog kung ganyan sila kaingay????

×××
A: Advance Happy New Year!!!!^.^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top