Chapter 8: Messeauty
XHIARA LANDELL
Kamalasan yata ang bungad sa akin ng paaralang ito. Nagkalat ang mga sugo ni Ayline.
Sinunod ko ang sinabi nya na wag kusutin ang mga mata ko.
Kailangan kong gumawa ng bagong maskara para pamalit dito. Sumiksik ang amoy ng dugo ko sa maskara.
Ramdam ko ang paglapag niya sa akin sa malambot na kama. Randam ko ang mga tingin niyang nagpapailang sa akin.
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng isang tinig ng babae marahil ito ang Nurse ng clinic.
"Napagtripan" sagot ng humatid sa akin. Boses pa lang natandaan ko na kung sino. Ang akala ko sinunod nya ang sinabi kong pumasok na sya sa room nila ay nagkamali ako.
"Miss pwedi bang tanggalin ang maskara mo?" mahinhin nyang sabi na ikinailing ko.
"Anong silbi ng maskara ko kung ipapakita ko lang naman ang mukha ko sa ibang tao" tumahimik ang paligid at naiilang na rin ako sa tingin ni Kyzen Fontales.
Nakakakita na rin ako pero sadyang mahapdi talaga ang mga mata ko.
Kita ko ang paglapit ng nurse sa pwesto ko at paglagay mg kanyang kanang kamay sa may sugat ko sa ulo. Ramdam ko ang pagginhawa ng pakiramdam ko at paggaling ng sugat ko. Pagkatapos nya ay umalis sya saglit at bumalik na may dalang palanggana na may tubig at isang tuwalya para sa mukha.
"Ibabad mo dyan ang mukha mo sa loob ng isang minuto at mawawala ang mga dugong kumalat sa iyong mga mata. At pagkatapos ay maari ka nang magpahinga, maraming dugo ang nawala sayo at kailangan mo ng pahinga para manumbalik ang lakas mo."
Umalis na ang nurse at naiwan ako kasama ang lalaking kanina pang nakamasid lang sa akin. Bumaling ako sa kanya na nakakunot ang ang noo.
"Bakit di ka pa umaalis?"
"Di ka pa ayos?"
"Mukha ba akong sira?"
"Medyo!" Sinamaan ko sya ng tingin pero di man lang sya natinag.
Ginawa ko na lang ang sinabi ng nurse kesa makipagdaldalan sa hero ko.
Teka nasaan nga pala yung babaeng dapat ngayon ay sa pwesto ko.
Tiningnan ko naman si Hero ko.
"Talikod ka" utos ko dito. Nangunot lang ang noo nya pero di ko sya sinagot. Sinamaan ko sya ng tingin at maya-maya ay tumalikod din sya.
Pinakiramdaman ko ang paligid kung may iba pang presensya maliban sa aming dalawa. At buti na lang ay wala.
Tumalikod din ako at tinanggal ang maskara ko at ipinalit ko ang bagong gawa ko. Repleca mismo ng unang gawa ko.
Humarap na ako pagkatapos at nagulat ako na nakatingin na sya sa akin.
"Pasunog" sabi ko at inihagis papunta sa kanya ang maskarang tinanggal ko. Lumiyab ito bago pa man makarating sa kanya. Abo na lang nito ang nahuhulog sa sahig.
Humiga ako sa kama at pumikit. Nasira ang plano kong maglibot. Thank you sa Humarang sa akin. Pag ako naligaw dito ipapakain ko sa kanila ang palaso ko.
Bakit di pa rin sya umaalis? Balak nya bang panoodin lang ako magdamag. Sorry sya dahil di nya nakikita ang maganda at maamo kong mukha. Baka sakaling mabihag ko ang puso nya kapag nangyari iyon. Joke lang.
"May balak kang umalis?" boring kong tanong sa kanya.
"Wala hangga't di ko naririnig ang dapat kong marinig mula sayo"
"Di ko kilala yung humarang sa akin. Yan pwedi ka na umalis nasabi ko na"
"Manhid ka ba o sadyang manhid ka lang talaga" tumaas pa nyan ang isang kilay niya.
"Pusong mamon ako bakit mo naitanong?"
"Bilisan mo na't makaalis na ako!"
Nangunot na talaga ang noo ko at alam kong salubong na rin ang mga kilay ko bagay na hindi nya makita dahil sa maskara ko.
"Umaalis ka na di kita pipigilan"
Natawa ako sa reaksiyon ng mukha nya. Umawang ang labi nya at di makapaniwalang tumingin sa akin.
Bigla naman syang tumayo at...
"Walang utang na loob" irap nya at saka lumakad palabas sa kwarto ko sa clinic.
"May utang kang loob" habol ko habang natatawa.
"Geh THANK YOU" rinig ko ang pagbulong-bulong nya at padabog na isinarado ang pinto.
Problema nya. Di nga man lang nagwelcome.
Humiga na lang ako ulit sa kama at natulog.
Naudlot ang plano kong maglibot nang dahil sa mga hayop na yun.
Naalimpungatan ako dahil sa pagbukas ng pinto dito sa kwarto kung saan ako.
Tiningnan ko sya ng mariin at nagtatanong. Kanina yung pinuno ngayon naman yung sugo.
Yung totoo! -_____-
"Anong gagawin mo dito?" tanong ko, lumapit naman sya sa pwesto ko.
"Napagutusan lang, tumayo ka jan pupunta tayo sa may Dean Office" bored na sabi nya.
"Maya na istorbo ka" hihiga na ako ulit nang hilahin nya ang braso ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin at tinanggal ang braso ko sa pagkakahila nya.
"Sumunod ka na lang kasi kung ayaw mong magyelo"
Napabuntong-hininga na lang ako. Kita ng natutulog ako.
Bumangon ako at tamad na sumunod sa kanya. Nakatingin lang ako sa likod nya habang naglalakad palabas sa clinic.
"Anong pangalan mo?" bored na tanong ko. Lumingon sya sa akin at para akong sinusuri sa tingin niya.
Ano! Agaw pansin na naman yung maskara ko.
Inirapan ko lang sya at bumalik sa harap ang tingin. Katamtaman lang ang laki ng katawan nya at isa ding mgandang lalaki.
"Dayne Almera"
"Ok"
Bumalik sya sa pagkakatalikod at mabilis ang hakbang samantalang ako eh bored na bored sa paglalakad.
Lumiko kami sa isang pasilyo at masasabi kong maganda dahil sa mga palamuting mga bulaklak na iba't ibang kulay na nakalagay sa kanang bahagi. Dikit ang pasilyong ito sa isang gusali.
Huminto ako sya paglakad at lumakad papunta sa isang kulay pink na bulaklak na nakakakuha ng atensyon ko. Ang ganda...
Pwedi kumuha- "Ayy" nabawi ko agad ang kamay ko dahil sa pagyelo nito habang papalapit sa tangkay ng bulaklak. Lumingon ako kay Dayne.
"Hawakan mo na't lahat wag lang yang mga bulaklak" sumunod ako sa sinabi nya nang walang imik.
Tumuloy lami sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang Pinto.
Tiningnan nya ako at sinasabing ako ang kumatok. Ang arte nya ah sya ang malapit sa pintuan.
Sumunod na lang ako at lumapit sa pwesto nya.
Kumatok ako nga isang beses at sa pagkatok ko ulit ay...*Blagggg*
Natumba pa-loob ang pinto.
Nakaangat pa ang kamay ko kaya agad ko itong ibinaba at preskong pumasok at tinapakan pa ang pinto.
May narinig pa akong pagsinghap. At hindi makapaniwalang tumingin sa akin ang mga taong nandito sa loob.
Tumingin ako kay Madam Min at bumati. Umupo ako sa kanang bahagi kung saan may bakanteng upuan.
At bored na humarap sa mga taong nandito.
"Ang lakas talaga ng trip nyang magmaskara" dinig kong parinig ng isa sa nang-TRIP sa akin.
Marami pa akong narinig na bulong at parinig mula sa kanila. Pansin ko din yung mga pasa sa mukha nila at kamay.
Anong nangyari dyan? Nakarma?
Nandito pa rin naman si Dayne na nakapwesto din sa kanang bahagi at katabi nya ang dumala sa akin sa clinic na nakatingin lang din sa akin.
Nasa kabilang panig din ang babaeng hinarang ng grupong ito.
Bumaling sa akin si Madam Min at nagsalita.
"Ayon sa kanilang lima ay sinugod mo daw sila nang walang sinasabing dahilan at nagawa lamang nila iyon pang-self defense dahil sa ginawa mo"
-______-
"Saan nyo naman po nakuha ang sinabi nyong yan? Sa kanila?" bored kong sabi sabay turo sa lima.
"Ang ginawa mo ay may patunay Miss Yara, At ayon naman kay Miss Winney ay ikaw ang nauna" tukoy nya sa babaeng unang hinarang ng grupo.
"Narapat lamang na parusahan ka dahil sa ginawa mo sa Messeauty, sa pagtatapos ng usapang ito ay maiiwan ka at dadalhin naman sila sa Clinic."
Umaarteng tumayo ang lima at sabay na tumingin sa akin ng masama at umirap pa. Sumunod din sa kanila si Miss Winney na inosente.
Seryosong tumingin sa akin si Madam Min. Na sinalubong ko lang ng natural na tingin.
"Bakit mo itinatago ang mukha mo sa amin?" tanong nya naman. Akala ko kung ano lang.
Tiningnan ko lang sya ng seryoso.
"Kapag sinabi ko ba sayo ay luluhod ka?"
Medyo nagulat din sya sa sinabi ko. May nakakagulat ba sa sinasabi ko.
Nga naman. Dean pala sya. Yung dila ko talaga kapag tungkol sa akin ang pinag-uusapan ay natatanong ko yun lalo na kapag tinatanong kung sino ako.
"Anong parusa ang gagawin ko?" tanong ko.
Wala pa ngang klase may parusa na ako. Kainis ang Messeauty na yun ah. Kidlatan ko sila eh.
"Di naman talaga kita paparusahan alam ko naman ang nangyari, pagpasensyahan mo na ang grupong yun...Pero may ipapagawa sana ako sa iyo-inyo..."
"Alam mo ba ang sinasabi mo Madam Min, bago lang ako dito sa school nyo para isama ako sa pinapagawa nyo"
"Dahil alam kong mapapagkatiwalaan ka"
"Kung ako mapapagkatiwalaan para sa inyo, kayo naman ay hindi mapapagkatiwalaan para sa akin. Balikan ko lang ang kasama ko at isasama ko sya sa ipapagawa mo."
Kung ibang palusot ang ginawa nyo ay baka sakaling mapagkatiwalaan ko kayo.
[Messy Beauty - Messeauty]
××××
A: Yay... Merry Christmas mga ka-wattpaders. More Blessings to come. ^___^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top