Chapter 6: Spyral
XHIARA LANDELL
Kung pwedi lang bulagin yung mga nakatingin sa amin ay kanina ko pa ginawa.
Pero kahit na asar na asar na ako ay hindi ko pinahalata.
Nakatingin lang ako sa ginang na nakaupo kanina at ngayon ay nakatayo na. Nalaman kong Madam Min ang tawag sa kanya at sya ang Dean ng Academy. Marami akong naririnig na mahigpit at masama kung magalit ang ginang na ito.
Pansin ko din ang talim ng pagkakatingin nya sa aming nandito.
Kanina ay binigyan nya kami isa-isa ng papel kung saan kailangan naming fill-up-an.
Hanggang ngayon ay wala pa rin itong laman.
Kahit anong sulat ko nang peke kong bio ay nabubura ito at gumaan ang pakiramdam ko na hindi naglabas ang totoo.
"Katotohanan lang ang tinatanggap ng papel na yan" makahulugan nyang sabi at nabigla ako nang makitang sa akin sya nakatingin.
Bumalik ang tingin ko sa blankong papel na hawak at sekretong ikinumpas ang kamay ko. Ilang segundo lamang ay lumabas ang kailangan ko.
Yara Xhi ang lumabas na pangalan ko at ang location ko ay tulad ng location ni Alira. At ang location na napili namin ay ang locatin ni Damyl. Ginamitan ko din sya para maiba nya ang ibang detalye sa student form nya.
Sabay kaming lumakad ni Alira upang ipasa ang student form namin.
Kami ang unang pumasa pero bago namin naiabot ang papel ay may lumabas na isang bolang tubig. Sinabihan kaming hawakan namin iyon na sinunod din namin na nakakunot ang noo.
Napatitig ako sa may bola at nakita ko ang paglabas ang salitang 'South' .
Ganun din kay Alira.
Hindi nakaligtas sa paningin namin ang paghinga ng malalim ni Madam Min. Bumalik na rin kami sa dati naming pwesto at nagkibit-balikat lang.
Marami na ang pumasa ngunit nakakapagtaka na kami lang ang ipinahawak sa bolang tubig.
Pinaghihinalaan ba nila kami?
Nag-anunsyo lang ang dalawang ginang na sa sunod na week ay may gaganaping activity. At tungkol naman sa uniform ng mga bago ay ihahatid na lang daw sa room namin.Pagkatapos nun ay maari na daw kaming pumunta saan man ang gusto namin.
Umalis ang dalawang ginang at pati na rin ang Ablaze.
Mataman lang akong nakikiramdam sa paligid habang naglalakad kami ni Alira. Masyadong patok kami sa paningin nila.
Malawak ang Academy at matataas ang mga gusali. Mula sa kinatatayuan namin ay makikita agad ang malawak na field. Nakahiwalay ang gusali na ito sa iba.
Sa kaliwang gilid naman ay may mahabang pasilyo na nagdudugtong sa mga gusali.
Maraming puno't halaman din ang makikita sa gilid.
Napadako ang paningin ko sa kanang bahagi kung saan natuun ang paningin ko dahil sa Hanging Aisle na lampas tao ang taas. Ang dulo naman nito ay nakadugtong sa isang gusali.
Napagpasyahan kung dumaan sa Hanging Aisle. Na-curious ako. Naisipan talaga nilang maglagay ng ganito dito na ang ibang paaralan ay wala nito at ang ganito ay makikita lamang sa Legend City.
Napakaganda ng paaralan na ito.
Di ako nagsisisi na ito ang pinili ko.
Mula sa Hanging Aisle ay kitang-kita ang malawak na kulay berdeng field. Masyado akong namangha sa pagtingin-tingin ay hindi ko napansin na may sinasabi na pala si Alira.
"Ate Yara nakikinig ka ba?" natawa na lang ako sa sarili ko. Dala ng pagkamangha kaya nawala ang anu mang nasa paligid ko.
"Hindi. Ano ba yun?" napanguso naman sya kaya natawa lang ulit ako.
Biglang nagseryoso ang mukha nya na ikinagulat ko.
"Si Ate nakita ko sya" nabigla ako sa sinabi nya pero nawala din iyon at napilitan ng ngisi.
Hindi ko sya nakita ah. Tss.
Narating namin ang dulo ng pasilyo at tumambad sa amin ang karatulang may nakalagay na 'Canteen'.
Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang napakaraming estudyante. Sa tingin ko ay ang gusaling ito ay buong canteen.
Nakuha din namin ang atensyon nila na hindi naman namin kailangan.
Dalawang palapag ang Canteen. Merong mga mesa sa baba at meron din sa taas. Sa unahan naman ay nandon ang kinalalagyan ng mga pagkain na inaasikaso ng ilang tauhan ng school.
Nagustuhan ko ang disenyo at kulay ng canteen, nakakaginhawa tingnan.
At sanay nakakaginhawa din ang mga tingin ng iba.
Dumiretso kami sa may kuhaan ng pagkain. At tumingin ng maaring kainin.
"Maaari kayong kumuha kung anong gusto nyo...wala itong bayad" ngiting sabi ng isang babae sa amin.
Tumango naman kami ni Alira at yan naman sya. Ngiting-ngiti habang kumukuha ng kanyang pagkain.
Sakto lang ang kinuha ko at humanap na ng mauupuan.
Nakakagulat lang ay kanina ay kita ko pa ang mga bakanteng mesa ngunit ngayon ay punuan na ito.
Napangiwi naman si Alira dahil sa nakita.
At halos pa sa kanilang lahat ay nakatingin sa amin na para bang pinapanood yung mga ginagawa namin at hindi nila maalis-alis ang mga mata nila.
Pag ako hindi nakakapagtimpi ay kikidlatan ko silang lahat.
Kaya wala kaming choice ay umakyat kami sa ikalawang palapag na kitang-kita dahil sa mga kahoy lang ang hagdan ngunit siguradong napakatibay.
(Ang hirap i-describe ng sa isip ni Author)
Nakakagulat pa ay nakatanaw sa amin ang Ablaze na kumakain.
Dala-dala ang pagkain ay umupo kami sa may bakanting mesa na tabi ng bintana. Kitang-kita ang mga kakahuyan mula dito.
Umikot ang paningin ko at tahimik na nagbuntong hininga. Nabawasan din yung mga matang nakatingin sa amin.
Ang bawat mesa ay tig-limang upuan at dahil dalawa lang kami ay may tatlo pang upuan ang bakante.
Magkaharap kami ni Alira at tanging mata lang ang ginagamit namin para mangusap dahil kung sasalita kami ay parang ano mang oras ay mangyayari. Lalo na may nanonood at nag-aabang sa gagawin namin.
Kumain kami ng tahimik-hindi pala. -___-
"Ang ganda dito noh ate, pangarap ko ang makapasok dito pero dahil kay ano ay hindi ako pinyagan...kung alam ko lang talaga na ganito kaganda dito ay ikinulong ko na si ano at ako ang pumunta dito haha" nakikinig lang ako sa kanya. Mukhang game na game sya magkuwento.
"Naiimagine ko na yung mga gagawon natin dito. Tulad nang ano, yung ganyan , yung ganito tapos may ganun pa" may naintindihan kayo??? Ako wala pero dahil nga sa aksyon at galaw ng bibig at mata nya ay nalaman ko.
"Tapos kapag nagkita kami itatali ko sya sa puno at ipa-papana ko sayo para bulls-eye" napapangiti na lang ako sa sinasabi niya.
"Kapag hindi pa ako nakuntento ay maglalaro kami ng patintero hehe"
"Ubusin mo na yang pagkain mo puro ka salita haha" ngumuso sya at kumain na lang pero may time talaga na kahit puno na ang bibig nya ay pipilitin pa ring magsalita ng kung ano-ano.
Pag sya talaga ang kasama ko ay naibabalik nya ang dating ako.
Yah dating ako.
Napatayo ako at sinalo ang panang papunta sa amin. Napatayo din si Alira at tumingin sa likod ko. Humarap ako dito at tatlong mesa ang pagitan namin mula sa mesa ng taong naglakas ng loob para gambalain ang maayos naming pagkain.
Ngumiti sya at umupo pa mismo sa mesa habang ang mga kasama nya naman ay nakangisi din habang nakaupo sa kanya-kanyang upuan.
"The Spyral" banggit nya pa sa group name namin.
Napansin ko din sa gilid ng mata ko ang pagtingin sa amin ng Ablaze.
"Ang sakit sa mata ng maskara nyo, ganyan ba kapangit ng mukha nyo at nakuha nyo pang gumamit nyan" nagtawanan sila nun at may nakisama pang iba.
Maski yung sa unang palapag ay umakyat para maki-panood.
Ngumisi naman ako sa kanya.
"Oh we meet again Ms. Ayline Lanquez, kamusta?" pagkatapos kong sabihin yon ay binato ko pabalik yung palaso nya.
Kilala kita pero ako hindi mo kilala. Kaya mag-ingat ka.
***
A: salamat sa paghihintay ng ud...^___^
@avrice_jazz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top