Chapter 54: Memories
Isang chapter na lang at epilogue na. Handa na ako sa wakas! Haha
***
KYZEN FONTALES
Saka mo lamang mararamdaman ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sayo. Paulit-ulit na kataga pero totoo.
May mga nagmamahalang pinaghihiwalay ngunit pinagtagpo ng tadhana. Sa kaso ko, hindi na kami pagtatagpuin pang ulit. Mahal ko siya at mahal niya ako pero kamatayan ang naghiwalay sa amin.
Sana tumagal ako sa tabi niya kahit masakit. Sana tiniis ko ang sakit para makasama siya bago siya kinuha sa akin.
"Kapag sinabi ko ba sayo ay luluhod ka?"
Bigla ko yatang narinig ang boses niya sa isipan ko. Yung panahong pumasok siya sa South Academy biglang pinakita sa isipan ko.
Itong babaeng payapang nakahiga sa engrandeng himlayan. Ay hindi nabigong bigyan ako ng palaisipan tungkol sa kanyang katauhan. Simula nung una, sino nga ba talaga siya?
"Dahil magkaiba tayo. Magkaiba ng distrito. Taga-hilaga ako at taga-timog ka."
"Ilan pa lang kayong nakakita sa mukha kong walang mask kaya pasalamat ka at nasama ka sa ilan na yun. Malapit na magsimula ang party tara na"
"Xhiara Landell ang totoo kong pangalan."
Bakit Xhiara? Ano ba ang mga pinagdaanan mo bago ka napunta sa South Academy? Anong nangyari bago kita nakilala?
Pinagsaklop ko ang mga kamay namin at dinala iyon sa labi ko. Hinalikan ko ito at isinandal sa pisnge ko. Iniwan na ako ng babaeng mahal ko.
Kanina ay nandito ang buong pamilya niya. Nakilala ko sila at nag-alala ng mawalan ng malay ang kanyang ina. Agad itong dinala sa isang kwarto ng asawa kasama ang kambal.
Nanggaling din dito ang apat na legend at tatlong konseho. Sina Alira at ang iba ay hinayaan ako dito kasama siya. Ayokong umalis dito, gusto kong bantayan siya. Kahit alam kong hindi na siya babalik. Gusto ko pa ring samahan siya dito.
"Kyzen Fontales maari ba kitang makausap?"
Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses at yumuko. May bahagi pa rin sa isip ko na gustong hangaan ito dahil isa ito sa mga taong hinahangaan ko.
Tumango ako at dahang inilapag ang kamay ni Yara. Sumunod ako sa kanya sa pinto at agad kong nakita sina Alira at ang ibang dating kaibigan ni Yara.
Dumaan kami at tahimik na naglakad sa mahabang pasilyo sa likod ng palasyo. Huminto kami sa paglalakad nang marating namin ang malawak na hardin.
Tumila na rin pala ang ulan at maaliwalas ang sinag ng araw. Kabaligtaran ng nararamdaman ko.
Umupo siya sa upuang kahoy at ganun din ang ginawa ko. Sa harap namin ang ang malinaw na sapa.
"Gusto kitang makausap tungkol kay Xhiara."
Napatango ako at hindi makatingin sa kanya. Gusto kong pahidin ang luha ko pero hinayaan ko itong malaglag.
"Dalawang taon na nang makilala ko siya. Mahina pa siya nun nang malaman niyang isa siyang legend gaya ko. Galing siyang hilaga at pumunta rito para ipaalam sa amin na isa siya sa amin ngunit nung panahong iyon ay wala kami at tangin ang konseho ng hilaga lamang ang nakausap niya. Tinaboy siya nito at hindi pinakinggan ang kanyang sinabi. Umalis siyang bigo at natatakot bumalik dahil sa banta ng Konseho."
"Nalaman kong isa siyang legend nang umilaw ang kanyang marka sa dibdib nang maglapit kami. Marka na nagpapatunay na isa siya sa amin. Nilapitan niya ako at kinausap. Naalala ko pa nun ang paraan ng pakikipag-usap niya. Nung una may galang pa hanggang sa wala na. Shu lang ang tawag niya sa akin tuwing magkikita kami o pupunta siya sa akin. Dun ko din nalaman na hindi niya sinabi sa kanyang pamilya kung sino nga ba siya sa mundong ito. Malihim siya at makasarili."
Bumuntong hiniga ito at napa-angat ng tinngin sa langit. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang luhang tumulo sa mga mata nito. Bakit?
"Hindi niya sinasabi sa iba kung anong pinagdadaanan niya. Minahal niya ang mga dating kaibigan at tinuring na kapatid ngunit nalaman niyang ginamit lamang siya at pinagtaksilan ng kasintahan. Lumuluha siyang pumunta sa akin at wala akong magawa nun kundi ang damayan siya. Minungkahi ko na ako ang bahala sa kanya dahil ilalabas ko na ang totoong ikalawang Legend ay siya ngunit tinaggihan niya ako dahil sa isang kasunduan. Bago siya nawala sa hilaga ay nagkaroon sila ng dati niyang kaibigan ng kasunduan. Maghaharap sila sa Legend Cup mula sa magkaibang grupo. Mababaw pero pinangatawanan iyon ni Xhiara."
"Bago niya naisipang pumunta sa timog ay binisita niya ako at sinabi sa akin ang kanyang plano. Walang kaalam-alam ang pamilya niya sa kanyang ginagawa. Walang alam ang mga ito na ganito ang pinagdadaan ng kanilang bunso. Kung ang panlabas na aksyon ang titingnan mo sa kanya ay isa siyang makasariling babae ngunit dun ako nagkamali. Pinapakita niyang sarili niya lang ang iniisip pero ang totoo nagpaplano siya para sa lahat. Una pa lang ay plano na niyang gawin ang kanilang kasunduan kasabay ng pagbubuwag ng batas at pagbigay laya sa mga taong nakasalamuha niya. Alam niyang kamatayan ang hahantungan niya pero lumaban siya. Lumaban siya kahit na alam niyang may maiiwan siya. Hinarap niya ang kamatayan para sa lahat. Hinarap niya ang kamatayan para iligtas ang sarili."
"Bakit?"
"Ang pakpak ng ikalawang legend ay sagrado. Mahuluan lang ito ng dugo ng demonyo ay kakalat ito at magiging lason. Ang lason na iyon ang kakain sa kanyang sistema hanggang sa wala siyang maisip kundi ang maghasik ng kadiliman. At ang tanging paraan para mahinto iyon ay ang kamatayan."
"Araw ng selebrasyon para sa pagtatapos ng Legend Cup, sa gitna ng kasiyahan nandun siya sa silid ng pagpupulong ng palasyo at hinihintay kami. Dun niya sinabi ang lahat ng katotohanan. Tulad niya, binigyan niya din ng parusa ang mga taong naging dahilan ng padurusa niya. Kasama na dun ang dati niyang kaibigan, kamatayan rin ang hatol niya dito ngunit napag-alaman niyang minamahal ito ng kanyang nakakatandang kuya, isa sa kambal. Hindi niya tinuloy ang balak sa halip ay binuhay ito. Kaya niyang bigyan ito ng kamatayan dahil siya si Mistress Miya, ang batas sa mundong ito. Siya ang batas kaya dapat siyang sundin."
"Ang totoo...madali siyang mahalin."
Napatingin siya sa akin at tumawa habang pinahid ang luha sa pisnge. Mahal niya din ang babaeng mahal ko.
"Minahal ko na siya bago ka pa niya nakilala. Sino nga bang hindi mahuhulog sa babaeng kaya kang pasiyahin at palakasin ang tibok ng puso mo. Sino nga ba ang hindi magmamahal sa babaeng hangad ay kaligahan ng lahat at pagmamahal. Nakakatawa pero akala ko't magiging tulad din kami ng nagdaang unang legend at ikalawang legend na nagkatuluyan ngunit hindi pala. May mahal siyang iba ang sabi niya nang inamin ko sa kanya ang nararamdaman isang araw na ang nakakalipas. Minahal niya ako bilang kaibigan at...tanggap ko iyon."
"Nang pumasok siya sa paaralan niyo at nakilala ka ay sinama ka niya sa kanyang plano. Malakas ka at alam niyang ikaw ang magiging leader sa darating na laban kaya ginawa niya ang lahat para siya ang gawing leader kung sakali mang ikaw ang mapipili. Naging madali sa kanya ang lahat dahil umayon sa kanyang kagustuhan ang plano. Ngunit nagtapat ka sa kanya at nagulat siya ron. Hindi ka niya kayang mahalin pabalik dahil sa plano niya. Wala siyang oras para sa pagmamahal sa kasalungat na kasarian dahil ang tanging nasa isip niya lang ay ang kasunduan at kalayaan. Ngunit minahal ka niya kahit na alam niyang iiwan ka rin niya pagdating ng panahon---ngayon."
Natulala ako sa narinig habang siya ay tumayo at tumalikod sa akin.
"Kahit anong mangyari mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal ko sa kanya dahil kung sakali mang bigyan ako ng pagkakataon ay hihilingin ko sa itaas na sa akin ibaling ang pagmamahal niya."
Napatayo ako dahil sa gulat. Paano niya nasasabi ang mga bagay na iyon? Ganun niya ba talaga kamahal si Yara para makuha ang pagmamahal nito?
"Anong ibig mong sabihing pagkakataon?"
"Natutulog lamang siya Mr. Fontales."
***
-btgkoorin-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top